Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

1: Iris

IRIS

"I hate hangovers," I groaned as I hopelessly slammed my forehead on the keyboard. Lack of sleep and a hangover is definitely the worst combination. Samahan mo pa ng frustrations sa trabaho, it surely will steal your will to live.

Iniangat ko na lamang muli aking ulo, at isinarado ang tab kung saan nakabukas ang website na pinagpasahan ko ng akda. Kasunod kong binuksan ang aking email, nagbabakasakaling nag-reply na ang publisher na pinasahan ko ng manuscript limang buwan na ang makalipas.

Sabay na bumagsak ang pareho kong balikat nang makitang walang kung anong mensahe ang tumambad sa akin maliban sa mga ads at apps na naka-subscribe ako. I ruined my hair out of frustration. This career has been killing me, but I don't want to stop either. Matigas nga talaga siguro ang ulo ko kagaya ng sabi ng mga magulang ko.

"Kung maka asta 'to sila akala mo naman hindi ko sila nabigyang pera sa unang libro ko. Ang hilig niyong mang-ghost!" Para akong tangang nagsasalitang mag-isa habang kaharap ang laptop.

"Teka, 'ghost' nga ba term doon ng mga kabataan ngayon? Basta, who you talaga kayo kapag tinanggap ng isang publisher ang manuscript ko. Sisiguraduhin kong best seller iyon," I continued to monologue.

Mayamaya ay narinig kong may nag-doorbell. Napakunot ang aking noo dahil doon. Alas syete pa lamang ng umaga at wala naman akong inaasahang bisita. Sa pangatlong beses na pagdoorbell ay tumayo na ako mula sa kinauupuan.

"Sandali!" malakas kong sigaw mula sa ikalawang palapag ng bahay. May plano yatang sirain ng taong iyon ang doorbell sa walang tigil na pagpipindot nito.

Much to my curiosity, I was more surprised to see who it was when I looked at the peep hole. Mas matatanggap ko pa kung ang mga kaibigan kong sina Ara at Niki ang nambulabog nang ganoon ka aga. Ni hindi nga niya magawang bumisita sa mga kaarawan ko sa sobrang busy.

Sandali kong inayos ang aking sarili bago binuksan ang pinto. "Pa, napadalaw ka," bungad ko sa kaniya suot ang malawak na ngiti.

He was wearing his corporate attire as usual. It was very unusual of him to get out of that suit. Bilang lang yata ang mga panahong nakita ko siyang hindi suot ang mga tux na iyon pati ang dala niyang suitcase.

Seryoso niya akong tinignan at ni hindi man lang ngumiti pabalik. "I know you won't answer my calls so mas mabuting sulungin na lang kita rito. Mangungumusta lang ako," he remarked. Napakamot ako ng ulo at nagmano.

Walang kung ano-ano'y pumasok si papa sa loob at inilibot ang kaniyang paningin sa mga kagamitan ko sa bahay. "Your place is not tidy enough. I told you to hire a maid. Ang tigas talaga ng ulo mo kahit kailan," pangaral niya gamit ang kalmadong tono. See, matigas talaga ang ulo ko.

Mas pinili ko na lamang manahimik at sinundan ang aking ama paakyat sa working space ko sa ikalawang palapag ng bahay. I secretly combed my hair while tailing my father. He was like a strict supervisor doing a surprise field inspection, arms behind him and head restlessly examining every corner.

"Nag-breakfast ka na, Pa?" I hesitantly asked. I thought it was only polite to ask, kahit pa wala naman talaga akong ma-offer sa kaniya. Kung na-sense ko lang sanang dadalaw ang ama ko, sana man lang ay naihanda at naayos ko ang sarili.

"As if may maipapakain ka sa akin," he replied. His almond eyes, of which I got from him, briefly met mine while climbing the stairs, looking all disappointed.

He stopped in front of my notes board, carefully reading the pinned files on top of it.

"Go back to law school. I could help you with the readmission," he said out of nowhere while eyes are still fixed at the notes he was reading. I was standing inches away from him at hinihintay ang mga kasunod niyang gagawin.

I unconsciously hugged myself. Hindi talaga ako komportable kapag bini bring-up ni Papa ang topic na iyon. "Pa, you know I don't want to. Ayaw ko na rin namang bumalik. Sapat na iyong na dismiss ako bilang sign na hindi talaga para sa akin iyon." Hindi pa rin talaga sila sumusuko sa gusto nilang iyon.

Dalawang taon na ang makalipas simula nang ma-dismiss ako sa law school. Akala ko ay tanggap na iyon ng mga magulang ko pati na ang pinasok kong field.

"Think about it again. You'll never succeed with this career," dire-diretso niyang sagot at kasunod na pinakialaman ang laptop ko. Naupo siya sa swivel chair na kanina lang ay pinagtulugan ko. Habang ako naman ay mas pinili na lang na maupo sa sofa sa parehong silid.

"I published two books," I reasoned.

"Yet it led you nowhere and in a very unpleasant state," he remarked then diverted his gaze at my then messy hair and bloating eyebags. Napahawak tuloy ako sa wavy kong buhok na halos ay maging buong kulot na sa gulo. "Your mother would go hysterical seeing you like this. Para kang hindi pinalaki nang maayos," he added.

Ano pa nga bang bago. My lawyer parents both expected too much from me. But the thing is, I would always end up disappointing them. Napayuko na lamang ako at ipinako ang tingin sa duluhan ng pambahay na suot.

"I deposited money to your account." Napaangat ang aking ulo dahil sa sinabi ng aking ama. Noong tignan ko siyang muli ay nakatayo na siya at inaayos ang kaniyang tie. Tapos na siguro siyang mangumusta. His tone was cold and strict as always. Masyadong nasanay sa tonong ginagamit sa trabaho.

I bit my lower lip before I gave him my reply, "Pa, you know you don't have too. May kinikita naman ako. I co-own a friend's bar too. I'm too old for this." Twenty-six and still receiving money from her parents. What a shame indeed.

"And yet again kulang ang kinikita mo for your expenses. Alam ko kung gaano ka kagastador kagaya ng mama mo. Fix yourself then if nahihiya ka." I was slapped by that hurtful truth.

Ilang minuto pang nagtagal ang aking ama, na wala namang ibang ginawa kung hindi sermonan ako sa buhay ko. It was his way of checking on me, I guess. I gave him a short hug when he left. Pinaalalahanan pa niya akong ayusin ang buhay ko.

What a way, indeed, to start a day.

Minsan hindi ko rin masisi ang mga magulang ko. Wala rin naman silang ibang maipagmamalaki sana kasi nag-iisang anak lang ako.

Pumasok na ako sa kwarto at isinalampak ang sarili sa kamang hindi ko naman halos hinihigaan. I grabbed my phone and dialed a number.

Nakatatlong ring pa iyon bago tuluyang nasagot. "Happy birthday," I greeted her. Kaya lang kahit anong pilit kong lagyan ng enthusiasm ang boses ko ay hindi ko magawa. Bukod sa pagiging stress, dumagdag lang yata ang surpresang pagbisita ng ama ko sa bigat na nararamdaman ko.

"What a way to greet a birthday girl," reklamo ng nasa kabilang linya. Bahagya na rin akong natawa dahil doon. "Sa Marmalade Bar mamaya ha. Tayo tayo lang nila Nikita, Noah, and some friends of mine too. Buti na lang Friday, matagal ang closing time nila," dagdag niya na para bang hindi ako pamilyar at co-owner ng bar na iyon.

"That's exactly the reason why I called, not to greet you," I joked. "Ara, bring that Italian friend of yours. I need another distraction." Sa pagkakataong iyon ay napalitan na ng galak ang noo'y walang buhay kong boses. Gumulong-gulong pa ako sa kama.

"Correction, half Italian. Anyway, he's really nice. You'll like him, Ris," Ara assured. "Heads up, his name is Gianni. You'll easily recognize him for sure na siya iyon," natatawa niyang dagdag.

Gianni, huh. Pangalan pa lang iba na ang dating. Mas lalo tuloy akong na-excite na makilala siya.

Matapos ang mahaba-habang kwentuhan kay Ara ay kaagad akong tumayo at humarap sa full-length mirror ilang yapak ang layo mula sa aking kama. Napatitig ako sa aking repleksyon, halos ay hindi ko na makilala ang sarili. There's no way I'll look like this later.

When it was past seven in the evening, I got myself ready. Iyong tipong walang maiiwang bakas ang dalawang oras ko lang na tulog.

I curled my already wavy ends, applied some concealer and put on my favorite shade of red lipstick that complimented my pale complexion. And of course, a short black body-fitting dress paired with black stiletto heels. Nothing could go wrong with that perfect pair.

Alas otso traynta na ng gabi at ilang text na ang natanggap ko mula sa birthday girl. Malamang ay inip na inip na ang babaeng iyon kahihintay sa akin. Kanina pa raw silang alas sieta naroon, pagkatapos nilang mag-office dinner.

I hailed a cab patungong Marmalade Bar at itinext ang kaibigan kong papunta na ako. I don't own a car kahit pa nakakapagdrive naman ako. Driving is not my thing, well apparently for a reason.

"Iris!" I heard Nikita shouted as soon as she spotted me. Puno ng tawanan, musika, at kung ano-ano pang tunog sa loob ngunit wala paring nakatalo sa tulin boses ni Niki. Kaya naman ang daling mamataan na siya iyon.

Kumaway ako sa kanila. Nasa pinakamalaking table sila nakapwesto sa loob ng bar. C-shaped at pinakamalapit sa bandang guest sa gabing iyon. Katabi ni Niki sa duluhan ng sofa si Noah, kababata rin namin. Then there was Ara and some of her officemates.

"Happy Birthday!" I greeted Ara and handed her a small box as a gift. Niyakap niya ako sandali saka isa-isang pinakilala sa akin ang mga katrabaho nilang pareho ni Noah. "This is James, Carlene..." panimula niya.

Hinihintay ko na lang na mabanggit niyang muli ang pangalang ipinakilala niya sa akin sa umaga. May kutob naman na ako kung sino iyon sa kanila. I even took the seat beside him dahil pakiramdam ko ay siya iyon.

"Then, Ash, Rosie, and finally sa tabi mo si Gianni," she emphasized the last name with a meaningful tone, "mga ka kasama ko sa marketing department."

I gave them a smile, but more like gave him a smile.

Dark hair. Pointed nose. Light tan figure. Chiseled face. Statuesque figure. Tama nga si Ara. My friend was not kidding when she said I'll like him. Masyadong nakakahatak ang appeal ng nilalang na iyon.

Nagpalitan kami ng hi's and hello's ngunit tanging tango lang ang ibinigay sa akin ng lalaking katabi. Nakipagkwentuhan na rin ako sandali sa mga kaibigan ko.

Noong halos may kaniya-kaniyang kausap na ang iba at napansin kong tahimik lamang ang lalaking katabi ay kagaad kong kinuha ang tyansang iyon upang kuhanin ang atensyon niya. Pansin ko ring hindi niya pa nauubos ang maliit na bote ng beer sa harap niya, samantalang ako ilang shots na ng tequilla ang naubos.

"Gianni, right?" tanong ko kahit kabisadong-kabisado naman ang pangalan niya. Lumingon siya sa gawi ko, eyed me for a second at tipid na tumango bago ibinalik ang tingin sa bandang tumutugtog.

Pipi ba siya? Hindi ba nasabi ni Ara sa akin? O baka'y nabingi lang ako.

Nevertheless, I gave him full smiles. I crossed my legs and rested my chin on my palm, gawking at the man beside me. "So, anong role mo sa department ninyo?" I enthusiastically asked. Wala naman talaga akong pakialam sa posisyon niya. Kailangan ko lang talaga ng topic.

When he gave no response, si Ara na ang sumagot para sa kaniya. "Head Market Analyst namin siya, Ris," I heard her from my side. It almost sounded like a loud whisper sa ingay sa loob ng bar. Pasigaw na halos ang mga bulungan ng mga nag-uusap sa loob.

I diverted my attention back to the man I was fishing. "I see, big deal ka pala. Masyado mo namang ginagalingan. I mean you've got the looks plus that," I playfully commented. I crawled my hands to his shoulders, mahinang pinaplantsa ang kaniyang long sleeves shirt gamit aking mga daliri kahit wala naman iyong kusot.

"You're half-Italian as I heard. From which side? Mom? Dad?" I curiously asked. "Do Italians really like pasta and pizzas?" pagbibiro ko pa noong hindi niya ulit sinagot ang tanong ko.

He only shook my hands off as a response. Hindi ko pa yata narinig na magsalita ang lalaking iyon buong gabi. Halos maubosan na ako ng laway kaka-monologue sa harap niya.

Playing hard to get, huh? Mabilis na napalitan ng excitement ang mood ko dahil doon. Still, I continued to give him company and asked random stuffs only to be ignored by him.

Noong tuluyan na akong mapagod sa pakikipagchikahan slash monologue sa Italianong iyon, ipinahinga ko na lamang muna ang atenyon ko para sa kaniya at nagkwento sa mga kaibigan.

"By the way, nandito si Zio ngayon," kwento ko kina Noah at Niki.

"Zio, as in iyong ex mo? Iyong ex na pinaglaban mo sa mga magulang mo noong college?" pabirong tanong ni Niki.

"Iyong ex niyang katatapos lang ng med school ngayon. Iyong ex na iniyakan niya nang grabe," komento naman ni Noah.

Tumango ako sa kanilang pareho at itinuro ang direksyon na kinaroroon ng lalaking pinag-uusapan. Sabay-sabay naming itinuon ang gawi sa kaniya.

"Why?" We heard someone asked a few seconds later.

I almost stopped breathing when I realized it was the man beside me. My smile grew wider thinking he found something interesting in me. Pati nga yata si Ara, na kababalik lang dahil inihatid sa labas ang pauwi nang sina James, Ash at Carlene, ay nagulat din.

Muli kong ibinalik ang tingin sa kaniya at sinagot ang kaniyang tanong. "Because I loved him, I guess? You know, people do stupid things for that someone they love," I answered dreamily.

Inubos na niya sa wakas ang beer at ibinalik iyon sa mesa bago muling nagsalita. "No, I mean why did he even go out with you?"

My jaw literally dropped. Lahat kami ay napanganga sa narinig mula sa kaniya. I stared at him for a minute. Hell, not just me, we all did.

Noong mapagtanto niyang may mali ay lumingon siya sa direksyon ko. "What?" he curiously asked with his low voice and dark eyes.

Patuloy ko lamang siyang pinagmasdan at napakagat-labi. When I came back to my senses, I smirked and leaned closer to him. I unconsciously claimed and met his lips that tasted like beer with cinnamon, much to his surprise.

Hindi lang pala siya gwapo. He's also something weird. Plus he smelled nice too, like dark chocolate. Nakakaadik.

--

A/N: A kiss on the first chapter because why not. Please leave some feedbacks if you can :)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro