Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Epilogue

This is the end of #LinkedSoulsWP. Thank you for reading!

***

EPILOGUE

Everyone was left dumbfounded.

Nakakabinging katahimikan ang sumunod na namayani. Lahat ay tulala at hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. Hindi nila inaasahang hahantong sa ganito ang lahat.

"That woman..." Lady Grenda pointed her finger at me. No matter how hard she tried to suppress her fear, it was visible in her weary eyes. "We can use her as leverage. As long as we have her, that demon will hesitate to attack us. Arrest her!"

Wala akong nagawa nung palibutan ako ng mga kawal. Mabilis na sumulpot sa harapan ko si Erikson. Hinarang niya ang kanyang mga kamay para protektahan ako.

"She has nothing to do with Master Brixton, Lady Grenda," said Erikson. "She's just his slave."

"We both know the truth, Mr. Nadija!" Humalakhak si Lady Grenda bago pinunasan ang dugo sa kanyang pisngi. Ang ginawang sugat ni Brix ay hindi gumaling. Magiging permanente na itong peklat sa kanyang mukha.

"Protect her and you will be marked as a traitor," Lady Grenda threatened Erikson but he didn't budge. "Mr. Nadija. Huwag na tayong mag-aksaya ng panahon dito lalo na 't wala kayong laban. We are all exhausted."

"No. I'm sorry, Lady Grenda," pagtanggi ni Erikson.

"Fine. Arrest him too—"

"Enough!" Natigilan ang lahat nang sumigaw si Oscar. Suminghap ito bago hinarap ang kanyang ina. "I already warned you, Mom. Sinabi ko nang hindi basta-basta si Brixton pero hindi ka naniwala sa akin."

Natigilan si Lady Grenda. "No one knew—"

"Exactly!" Mapaklang tumawa si Oscar. "You underestimated him! But then again, I can't blame you. Hindi mo pala siya totoong anak. You are the reason why Nightfall Clan has fallen. You are the reason why Dad died."

"W-what?"

"A-arrest her..." Pumikit si Oscar at mas humigpit ang pagkakakuyom ng mga kamao. "What are you doing?" tanong ni Oscar nang walang gumalaw. "I am Lord Oscar Cardinal, the new leader of Nightfall Clan! Arrest my Mom!"

"Oscar! Hindi tayo magkaaway—"

Nabulabog ang lahat nang may mga dumating na isang batalyong kawal na nakasakay sa kabayo. Napaatras ang mga kawal na nakapalibot sa akin. Napatingin ako kay Pinunong Bermudo na nakatingin din sa akin.

"W-who are you?" Oscar asked.

"We are not here to introduce ourselves, Nightfalls. We are here for Lady Astralla Martin," baritonong sambit ni Pinunong Bermudo. "We have heard that Nightfall Clan has fallen. Wala nang rason para manatili rito si Lady Astra. Wala na rin ang master niya. She doesn't serve anyone here anymore."

Napahawak ako kay Erikson nang manlambot ang mga tuhod ko. Maagap naman na naalalayan niya ako.

"Hey. You are still weak. Malamang na dahil pa rin sa lason," alalang sambit ni Erikson. "Kailangan mo nang magpahinga Astra. Sumama ka na sa kanila. Lumayo ka na."

"H-how about you? Sumama ka na—"

Umiling siya at ngumiti. "I am still a Nightfall. I can't abandon my clan."

"Baka saktan—"

"Sshhh..." Pinunasan niya ang luha sa aking pisngi. "I will be fine, Lady Astra. Hindi nila ako sasaktan. Trust me. So, please..." Suminghap ito na tila nahihirapan na rin magsalita. "Be safe, always..."

Hinila ko siya at niyakap. "Be safe, too, Erikson. Babalik ako nang mas matatag at malakas. Pinapangako ko 'yan."

"Aw. I can't wait to see that. I will always be here for you, Lady Astra," he whispered as he patted my back slowly. "Sige na. Sumama ka na para makapagpahinga ka na rin."

Kumawala na siya sa pagkakayakap. Nanlabo na uli ang mga mata ko dahil sa luha.

"Don't let her go, Oscar!" I heard Lady Grenda. "Don't be stupid!"

Tumingin ako kay Oscar na nahuli kong nakatingin din sa akin. Napayuko lang ito.

"Tara na, Lady Astra." Napatingin ako kay Abel na naglahad ng kamay. Nakangiti ito sa akin. "Esparago Clan is waiting for you..."

I sniffed as I held his hand back. Inalalayan niya akong makaakyat sa kanyang kabayo bago siya sumakay.

Tumingin ako uli kay Erikson. Sumaludo ito sa akin, "See you again, friend..."

Napapikit ako nang hatawin na ni Abel ang kabayo.

My life has been a roller coaster. No. I never wanted it to be like this. Hindi ko nga kailanman naisip na mangyayari ito sa akin. Hindi ko kailanman naisip na magigising na lang ako isang araw at nauuhaw na ako sa dugo.

Hindi ko rin kailanman naisip na magagawa kong pasalamatan ang tadhana dahil sa nakakahilong pagpihit nito sa aking buhay. But here I am, feeling thankful. I am thankful for this experience. I am thankful that I found this group of vampires.

With all that – I am glad he found me.

Wherever he is now, I hope he is in better condition.

Naramdaman kong may palapit na palaso sa akin kaya agad akong kumilos. Sinalo ko ang dalawang palaso na bumulusok sa aking direksyon.

"Wala na bang mas ibibilis 'yan?" Tumawa ako.

"Binagalan ko lang talaga!" pagrarason ni Abel na may hawak na bow. Naglalakad ito palapit sa akin. "Pero... magaling. Ang bilis mo naman palang matuto, Astra. Akala ko talaga ay aabutin ng isang taon bago ka matuto. Ilang buwan lang pala..."

He gave me the bow and I assembled the arrows.

Yeah. It has been months.

That fast.

I need to learn things fast.

Tinutok ko ang mga pana sa puno ng mansanas. Nang pakawalan ko ito ay tumama ito sa dalawang bunga at nahulog sa lupa. Pumalakpak si Abel at nagkunwaring yumuko-yuko pa.

I laughed.

Napatingin ako sa palubog na araw. Napangiti na lang ako.

I can feel it now.

Malapit na rin siyang bumalik.

Kailangan kong magpalakas. I don't want to be a burden anymore. Kailangan kong maging handa sa pagdating niya dahil... nag-uumpisa pa lang ang totoong laban.

Alam kong mas matindi pa ang mga darating na bagyo.

A new era is about to start.

"Nightfall Clan, Phoenix Clan and other clans united," said Abel. "Habang tumatagal ay mas lumalaki ang pangkat nila. Tingin mo ay kakayanin ni Brix—"

Bumaling ako kay Abel. "There's only one thing you need to know about Brixton Wenz Cardinal – never underestimate him."

Kumamot sa batok si Abel. "Ang seryoso mo naman, Astra. Nagsasabi lang naman. Hays. Halika na nga. Nakahanda na ang hapunan. Pinatawag ka lang sa akin."

Tumango ako at sumunod sa kanya. Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang maramdaman kong bigla akong nahilo. Napayuko ako at aktong susuka pero wala namang lumabas.

Nanlumo ako.

Shit.



End of Linked Souls (Book 1)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro