Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9

Chapter 9: Give in

Sumakay ako sa sasakyan ni Brix gaya ng sabi niya. Gaya no'ng una akong nakasakay rito, tahimik ako at nakabaling sa labas ng bintana. Nagtanong ito kanina kung may alam akong bilihan ng aso pero wala siyang nakuhang sagot sa 'kin. Una sa lahat, hindi pa rin ako maka-move on sa palitan namin ng mga salita. Pangalawa, wala akong alam na bilihin ng aso maliban sa pet shot na 'di ko alam kung saan meron. At pang huli, heto na naman na kami na parang walang nangyaring sagutan kanina.

Katulad ng madalas, hindi na nasundan ang tanong niya nang walang makuhang sagot.

Is that it? After the confrontation earlier, he will act like nothing happened at all? Ganito ba talaga siya? Katulad no'ng una naming pagkikita, kung paano niya ipamukha sa 'kin na alipin lang niya ako na maaari niyang iligpit 'pag 'di na kailangan. Nalingat lang ako nang kaunti ay parang hindi na niya maalala na sinabi niya sa 'kin 'yon.

"Can't you shut up?" Naputol ang pagmumuni-muni ko nang magsalita ang kasama ko.

Hindi ko napigilang lumingon. Nakangiwi ang labi nito habang diretso ang tingin sa kalsada. Wala namang ibang nandito kung hindi ako kaya malamang na ako ang pinapatigil niya. Baliw ba 'to? Hindi naman ako nagsasalita.

"Fuck!" Hinampas niya ang busina bago marahas na bumaling sa 'kin. "You are overthinking. Pwede bang pagpahihangin mo naman utak mo?"

That's when I realized he has been reading my thoughts.

"Kasalanan ko bang nababasa mo nasa isipan ko? Shut my mind? Baliw ka ba? Bakit kaya hindi mo tigilan ang pagbabasa sa isipan ko?" Hindi ko napigilang mapaismid dahil ako pa sinisisi niya. "Para namang mapipigilan kong hindi mag-isip," bulong ko pa.

Tumuwid ang tingin nito sa daan at tumikhim. Nakita kong humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela.

He's annoyed once again.

"It's lunch time. Where do you want to eat?"

Tumaas ang dalawa kong kilay.

"Are you that forgetful?" I mocked.

"What?" He took a glimpse of me.

Huminga ako nang malalim bago kinalma ang sarili. Tumikhim ako at hinanda ang mga detalye na nangyari kanina na tila nakalimutan na naman niya.

"You are my slave, you don't decide for me," I imitated the way he said that. "Ano ang ginawa mo kanina? You fucking disobeyed—"

"Damn. Stop that," he cut me out. " Okay. Ako na ang maghahanap."

Good. Humalukipkip ako at muling tumingin sa kalsada. Hindi sinasadyang nahagip ng mga mata ko ang isang lalaking naglalakad sa gilid ng kalsada. Halatang pauwi na ito base sa daan na tinatahak niya.

"Stop!" Napasigaw ako.

"Wait— what?!"

"I said stop your car! Are you deaf?!"

Muntik na akong masubsob nang bigla niyang ihinto ang sasakyan. Kinalas ko agad ang seatbelt ko at lumabas ng sasakyan. Hindi ko pinansin si Brix na halatang naguguluhan sa nangyayari. Tumakbo ako papunta sa lalaki at hinarang ang daan niya.

"A-Astra..." Gulat ang mukha ni Eliyah. "Hindi kita napansin palapit. Putik! Ginulat mo ako!"

Lumunok ako. "S-saan ka pupunta?"

Nagsalubong ang kanyang mga kilay. "Uuwi muna, may nakalimutan ako e. Teka. Bakit andito ka? Hindi ba kasama ka ni Mama sa palengke?"

Madiin akong umiling.

"Huwag kang uuwi," sabi ko.

Hindi pa siya pwedeng umuwi. Malamang na hahanapin niya si Tati 'pag umuwi siya at kapag nalaman niyang nawawala ito ay mabubulilyaso ang plano ko. Wala pa akong pamalit kay Tati. I need to buy more time.

"Paki mo ba?" Aktong lalagpasan na niya ako pero mabilis ko siyang naharang. "Ano ba ang problema mo, Astra? Gusto mo bang mabatukan?"

"H-huwag kang uuwi," napakapa ako ng idudugtong. "'Yung engkanto! Naalala mo ba 'yung engkanto na nanliligaw sa 'kin? Baka maabutan mo siya sa bahay! Bahala ka baka ikaw na naman ang ligawan niya."

Kahit papaano ay lumuwag ang paghinga ko nang makitang natigilan siya at napalunok. Mabuti na lang isip-bata ang isang 'to at madaling utuin. Kahit siguro ang napakaimposibleng dahilan ay paniniwalaan niya.

"L-lalaki ako bakit niya ako liligawan!" pagrarason nito kahit na bakas ang pagkabahala sa kanyang mukha. "Sira ka ba?"

"D-duwag ka, hindi ba? Baka akala niya bading ka!"

"Sinong bading?!" Bahagya niyang tinulak ang balikat ko. Mukhang napikon ko na. "Aba! Sumosobra ka na ah?! Gusto mo bang isumbong kita kay Mama? No. Isusumbong talaga kita. Kapag ako hindi nakatulog mamaya."

Napatingin ako sa lalaking nakasandal sa sasakyan, nakahalukipkip at tamad na nakatingin sa akin. Pumipitik pa ang mga daliri nito na halatang inip na.

"Nag-lunch ka na?" tanong ko kay Eliyah.

"Kakain na kami pagbalik ko. Gutom na ako kaya pwede ba?" Sinenyasan niya akong umalis sa daan. "Saka kukunin ko si Tati. Baka naubos na agad niya ang pagkain. Isasama ko na lang siya."

Imbes na pagbigyan ko siya ay hinawakan ko ang braso niya at hinila papunta kay Brix. Tumaas ang mga kilay nito nang makarating kami sa kanyang harapan. Hindi nito binalingan ng tingin si Eliyah na naguguluhan.

Hindi ko alam kung magandang ideya ito pero wala na akong ibang pagpipilian.

"Brix... si Eliyah nga pala, pinsan—"

"Do I look like I give a damn?" Brix cut me out.

Pinanlakihan ko siya ng mga mata at sinenyasan na sumakay na lang. "Uuwi siya sa bahay. Alam mo na, Brix? May mga pangyayari sa buhay natin na hindi maiiwasan. Katulad ng gutom... isama natin siya sa lunch?" Sinabayan ko pa 'yon ng pilit na tawa.

"Sino ka?" naguguluhang tanong ni Eliyah. "Sasakyan mo? Ang ganda naman ng sasakyan mo! Totoo ba 'to?" Lumapit pa ito sa sasakyan ni Brix at pinasadahan ito ng kamay. "Putik. Angas. Ang mahal siguro nito."

Habang abala si Eliyah sa sasakyan ay hinili ko naman palayo si Brix para makausap. Mabilis na tinanggal ko rin ang kamay ko sa kanyang braso nang mapansin na roon siya nakatingin. Alam kong ang dami ko na namang atraso sa kanya pero bahala na.

"B-Brix..." Napakapa ako ng sasabihin. Kahit naman siguro anong irason ko ay hindi pwedeng hindi siya magagalit. "Last na 'to. Isama natin siya sa lunch para malibang siya. Hindi pa siya pwedeng umuwi. Alam mo na, hindi ba?"

Sa dami ng mga sinabi ko ay hindi nagpakita ng pagkainteresado si Brix. Tamad ang tingin niya at halatang wala na sa mood.

"P-please?" I pleaded. "I don't know what else to do."

"I don't hang out with humans, Astra. The last time I did, it didn't go well." Humakbang ito palapit sa 'kin hanggang sa kinailangan ko nang tumingala. Seryoso ang tingin nito sa akin. "Would you take responsibility if ever?"

Mabilis na tumango ako. "A-ako ang bahala."

Tumingin lang siya sa akin nang ilang segundo, hindi nagsalita. Sinabayan ko ang nakakalula niyang tingin. Sa tingin ko ay inuusisa nito kung hanggang saan ang katatagan ko para panghawakan ang mga binitiwang salita.

"You still don't know, huh?" he asked, a bit disappointed.

"Ang ano?"

Sandali itong bumaling ng tingin kay Eliyah na abala pa rin sa sasakyan.

"Humans..." Bumalik ang tingin niya sa 'kin. "Humans aren't allowed to know our existence. That's the highest order from above. You know what happens to those who break that rule? You will be acknowledged as insurgent. You will be removed to your clan."

Hindi siguro pero tumango ako. "Yeah. I won't."

Kumunot ang noo nito. "You just did it, Astra."

"Huh?"

"Hindi mo napansin? Nasa kabilang kalsada ang sasakyan, paano ka agad nakarating sa harapan ng lalaking 'yon?" Nagtaas ito ng kilay na parang naghahamon. "You are no longer a human, Astra. Your abilities are enhanced, out of this world for humans."

Napalunok ako nang mapagtanto kung ano ang tinutukoy niya. Kaya pala gulat si Eliyah kanina sa bigla kong pagsulpot.

"Astra..." Napatingin ako kay Eliyah na lumapit sa amin. "Siya ba 'yong nanliligaw sa 'yo?"

Humalukipkip si Brix, halatang nababagot na sa mga pangyayari.

"Brix?" I called his attention. "Please?"

He just stared at me, idly.

"Ang tangkad mo." Napangiwi ako nang tumingkayad ang pinsan ko para hawakan ang buhok ni Brix. Tuwang-tuwa pa ito. "Pang engkanto ang taas mo pero mukha ka namang normal. Totoo ba? Nililigawan mo si Astra?"

Hinawakan ko ang braso ni Eliyah at hinila siya palayo kay Brix.

"Manahimik ka nga," madiin na bulong ko sa isip-bata kong kasama. Kung magpapatuloy siyang ganito ay hindi malabong masagad niya si Brix.

Tumalikod na si Brix at naglakad papunta sa sasakyan. Hawak ko pa rin ang braso ni Eliyah habang nakasunod kami. Sa tingin ko ay pumayag na ito pero kailangan ko pa ring hawakan si Eliyah.

"Saan tayo pupunta?" tanong ni Eliyah. "Sa palasyo ba niya? Hindi ba may palasyo ang mga engkanto, Astra? Nabasa ko 'yon sa librong binili ko. 'Yung tig sasampong piso na kinukulayan—"

Tinapalan ako ang bibig ni Eliyah at pinanlakihan siya ng mga mata. "Pwede bang itikom mo ang bibig mo kahit na ngayon lang?"

Naunang sumakay si Brix, hindi pa rin kami nililingon.

Binuksan ko ang pinto sa likod, para sa pinsan ko sana 'yon pero nauna na pala itong sumakay sa harapan. Narinig ko pang tuwang-tuwa ito habang pinupuri ang sasakyan.

Wala na akong nagawa kung hindi ang sumakay sa likod. Naabutan ko si Brix na nakayuko sa kanyang mga braso na nakapatong sa manibela. Kaunting tulak na lang ay sasabog na uli ito. Hindi iyon pansin ni Eliyah.

"Ang bango rito!" suminghap si Eliyah. "Astig talaga."

"Bibig mo, Eliyah," bawal ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang biglang umandar ang sasakyan. Nakayuko pa rin si Brix sa manibela, hindi nakatingin sa kalsada. Nabahala ako na baka mabunggo kami pero hindi gano'n ang reaksyon ni Eliyah.

"Putik! Astig. Bilisan mo pa!" utos ng pinsan ko.

Napasandal ako nang mas bumilis ang sasakyan. Tuwang-tuwa si Eliyah habang ako ay kabang-kaba. Napansin ko ang mga nakakuyom na kamao ni Brix. Ayaw pa naman niya sa lahat ay ang mga maingay... na sinalo lahat ng pinsan ko nang ipanganak.

"Eliyah. Stay classy," bilin ko.

"Shut up, Astra. This is cool!"

"Isusumbong kita kay Tita!" babala ko.

Humalakhak si Eliyah. "Mas lagot ka kapag nalaman niyang tinakot mo ako. Mababatukan ka na naman no'n."

Pinikit ko na lang ang mga mata ko. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Kahit na nakapikit ay dinig na dinig ko ang mga pabagsak na paggalaw ni Eliyah. Pinaglaruan pa niya ang radio ng sasakyan at kinulit-kulit si Brix.

Nagdasal na lang ako na sana ay makapagpigil si Brix.

Ilang sandali pa ay nawala ang ingay ni Eliyah. Nagmulat ako ng mga mata. Kumunot ang noo ko nang mapansin na nakayuko na ito at halatang tulog. Napatingin ako kay Brix na ngayon ay nakaayos na ng upo at hawak ang manibela. Bumagal na ang pagmamaneho niya.

"B-Brix..."

"Magigising din 'yan mamaya," pabalang na sabi nito. "Just be thankful I didn't kick him out."

Lumapit ako kay Eliyah at inangat ang mukha nito. Bagsak ang kanyang mga kamay. Halatang malalim ang tulog.

"Hindi mo siya sinaktan?" usisa ko.

"No. Malamang na patay na 'yan 'pag sinaktan ko," mahinang tumawa si Brix, halata pa rin ang pagkaasar. "You live with this kind of human?" Umiling-iling ito. "Buti nakakaya mo? I just met him a few minutes ago but fuck... kung hindi mo lang ito kaanu-ano."

Natawa rin ako dahil ramdam ko ang pagkainis niya. Ngayon lang kami nagkasundo sa isang bagay.

This is where I can use the phrase," I feel you. Sanay na lang ako. Hindi pa nga 'yan, e."

"He can be more annoying than this?" manghang tanong ni Brix. "Humans never failed to amaze me with their endless stupidity."

Well... I must agree. Buti na lang 'di na ako tao.

Tumigil kami sa isang mamahaling restaurant. Gigisingin ko na sana si Eliyah ngunit naunahan na ako ni Brix. Hinawakan niya ang panga nito at ilang sandali pa ay nagmulat na ng mga mata. Marahas na binitiwan ni Brix si Eliyah dahilan ng pagkauntog nito sa bintana.

"Ouch!" my cousin complained, grimacing. Nagkusot ito ng mga mata. "Grabe. Sarap dito. Nakatulog pala ako."

Lumabas na si Brix kaya sumunod ako. Kinailangan ko pang hilahin si Eliyah na halatang lutang pa rin. Nasalikod lang kami kay Brix habang naglalakad kami papunta sa pinaka-entrance ng restaurant. Sa labas pa lang ay kitang-kita na ang karangyahan ng lugar na ito.

"Whoa. Dito tayo kakain?" manghang tanong ni Eliyah.

Bumati ang mga guard sa amin bago kami pinagbuksan ng pinto. Biglang kumalam ang sikmura ko nang maamoy ang mga pagkain. Nagtangkang kumawala si Eliyah pero hindi ko siya binitiwan dahil baka kung ano na naman gawin niya.

I roamed my eyes around. Kung namangha ako sa ganda ng paligid, mas namangha ako sa mga taong kumakain. Tahimik lang sila at kapag nag-uusap ay halos pabulong lang. Hindi ko marinig ang pagtunog ng mga kubyertos. May soft music pa sa background. Napakaelegante. Hindi ako bagay rito.

"Table for 3, please?" Brix said to the waiter who greeted us.

He assisted us to a table for three. Naunang umupo si Brix bago ko hinarap si Eliyah at inupo sa kanyang upuan. Napansin kong nakangiwi ito kaya napatingin ako sa braso niyang hinawakan ko. Namumula ito.

"A-ang sakit ah!" bulyaw niya sa 'kin na panandaliang nakaagaw sa atensyon ng iba. Tumingala ito at nang makita ang chandelier ay nagbalik sa pagkamangha ang kanyang mukha. "Ang ganda. Sigurado akong masarap ang mga pagkain dito. Libre ba 'to ni Mr. Engkanto?"

Nilapitan kami ng isang waiter at binigyan kami ng tig-iisang kopya ng menu book. Kuminang ang mga mata ko nang makita ang picture ng mga pagkain pero maiiyak yata ako nang bumagsak sa presyo ang aking tingin. Galing ba sa ibang kalawakan ang mga sangkap nila?

Naka-order na si Brix at si Eliyah pero ako ay nakatingin pa rin sa menu book. Hindi gaya ko, kahit papaano ay nakakakain naman si Eliyah sa mga mamahaling restaurant kaya sanay na siya. Habang ako? Ito ang unang pagkakataon ko. Madalas ay sa fast food lang ako kumakain at kapag birthday ko pa.

"Ma'am?" tanong ng lalaking waiter.

Ngumiti ako para itago na hindi ko alam kung paano bigkasin ang mga pangalan. Bakit ba kasi pahirapan? Bakit hindi na lang lechon kawali? Pinakbet? Menudo? Pochero? Ano? Pahirapan na sa paghugot pambayad tapos pahirapan pa rin sa pagbigkas ng mga pangalan ng pagkain?

"Ma'am?" ulit na tanong ng waiter.

Shit. Paano ba 'to basahin? Ituro ko na lang kaya?

Tumikhim ako at handa na sanang magturo nang maputol ito.

"Are you in a hurry?" biglang tanong ni Brix. Akala ko ay ako ang tinatanong niya pero sa waiter siya nakatingin. "Why don't you give her time to decide?"

Napatikhim ang waiter at napayuko. Umatras ito nang bahagya palayo sa 'kin.

Ngumiti ako kay Brix pero wala man lang itong reaksyon.

Mas lalo akong na-stress. Putik. Dati kakain lang ako, ngayon maghihirap pa sa pagbigkas.

Narinig kong tumawa si Eliyah na halatang alam ang dahilan kung bakit ako natatagalan. "Hindi kasi sanay sa ganito si Astra, Mr. Engkanto. Baka nga hindi pa siya marunong gumamit ng kutsara at tinidor."

Namula ang mukha ko sa hiya nang marinig ang mahinang pagtawa ng waiter.

Baliw talaga 'tong si Eliyah.

Nagulat ako nang agawin sa 'kin ni Brix ang menu book at ibinalik sa waiter. Naguluhan man pero walang nagawa ang waiter kung hindi ang tanggapin ito.

"Just double my order and get the fuck out of my sight," Brix said.

"I'm sorry, Sir?"

"Does your job exclude to be respectful?"

Napapatingin sa amin ang ibang tao dahil sa ingay ni Brix. Mas lalo akong nahiya lalo na't ako ang dahilan nito.

"N-noted, Sir. 30 mins," saka na umalis ang waiter.

Napayuko ako at pinaglaruan na lang ang kamay sa ibabaw ng lamesa. Narinig ko ang pagtunog ng cell phone ni Eliyah, mukhang sinusulit niya ang lugar na ito. Kinalbit pa ako nito saka inabot ang kanyang cell phone.

"Picture-an mo ako," nakangiting saad ni Eliyah.

Tinukod nito ang kanyang mga siko sa lamesa at kunwari ay sa iba nakatingin. Tinutok ko sa kanya ang camera. Napailing ako nang makita na sa una pa lang kuha ko ay ayos na. Gwapo ng isang 'to, kung hindi lang sana isip-bata.

"Done," tamad na sabi ko pagkatapos.

"Thanks!"

Tumikhim si Brix. "Can I get your phone number?"

Napunta sa kanya ang atensyon ko.

"Sure!" maagap na sagot ni Eliyah. "09—"

"Astra?" Hindi pansin ni Brix si Eliyah.

"Akin na lang!" suhestyon ni Eliyah. "Walang cell phone si Astra."

Napangiwi ako at pasimpleng sinipa si Eliyah.

"Forget it. I just asked just in case. I don't use phones, too," sagot ni Brix. Nakahalukipkip ito at tamad pa rin na nakatingin sa 'kin. Bigla itong tumingin kay Eliyah na kinabahala ko. "Hey young man, how does it feel to be this pathetic?"

"Brix..."

"Pathetic?" nagtaas ng kilay ang pinsan ko.

"I mean as a human." Tumawa si Brix pero halatang nang-aasar.

Tumawa rin si Eliyah. "Kung makapagsalita ka parang 'di ka tao ah?"

Bumali ang leeg ni Brix, halatang 'di nagustuhan na tinawag siyang tao ni Eliyah. Kahit na nakaputing t-shirt lang ito ay bumabagay pa rin siya sa lugar na ito. Ako naman ay kahit siguro mag gown ay magmumukha pa rin akong kaaawa-awa rito. May mga tao— bampira lang talaga siguro na hindi kailangang mag-ayos para maging karespe-respeto ang dating.

"Hindi mo ba talaga alam kung saan may bilihan na aso?" sa akin naman nagtanong si Brix. "I'm so sick of this wretched game."

Natigilan sa pag cell phone si Eliyah. "Bibili ka ng aso, Mr. Engkanto? Sakto! Punta ka sa bahay para may kalaro si Tati!"

"Eliyah..." Huminga ako nang malalim. "Call him Kuya Brix—"

"Master Brixton," putol sa 'kin ni Brix. "He should learn to address me by that name. He's not my brother."

"Sama ako sa pagbili ng aso!" pagpupumilit ni Eliyah.

Umiling ako. "Babalik ka sa kumare ng Mama mo, Eliyah."

"At ikaw?" Tumaas ang mga kilay ni Eliyah. "Sasama ka sa kanya?"

"Why not? She's my sla—"

"Friend," putol ko kay Brix.

Napahilot ako sa sentido ko. Nahihilo ako sa dalawa na ito. Mabuti na lang at dumating na ang order namin. Pansin ko agad na mas marami ang order ni Eliyah kesa sa aming dalawa ni Brix. Hindi bale. Mukhang hindi naman nauubusan ng pera si Brix.

"Let's pray." Nanlaki ang mga mata ko nang hawakan ni Eliyah ang kamay ni Brix saka niya rin hinawakan ang isa kong kamay. "Oh, Lord..."

Napansin ko ang pagbigat ng paghinga ni Brix.

Bago pa man lumikha ng gulo si Brix ay hinablot ko na agad ang kamay ni Eliyah. "Pwede ka namang magdasal sa utak lang, Eliyah. Gutom na kami. Naiintindihan naman ni Lord 'yon. Sige na, kain na."

Mabuti na lang din at normal lang ang pagkain dito, gamit ang kutsara at tinidor. Akala ko ay may iba pang gamit na kailangan kong problemahin. Hindi na rin nagsalita pa si Eliyah na kain lang nang kain. Dumapo kay Brix ang tingin ko. Magaan ang pagkain niya, nginunguya muna ang pagkain bago lunukin at para kumuha na naman.

"So... magkaanu-ano nga kayo ni Astra, Master Brix?" tanong ni Eliyah.

"Slave." Nasamid ako nang marinig ang sagot ni Brix.

"Personal alalay, Eliyah. Part-time job ko 'to," pagtuwid ko sa sagot ni Brix.

Napansin ko agad na sa tumingin si Brix sa likod. Umiling-iling ito bago nagpunas ng tissue sa bibig.

"Excuse me." Saka na ito tumayo at naglakad palabas.

Nang makalabas si Brix ay humaba ang kamay ko para pingutin ang tainga ng pinsan ko. "Walang hiya ka. Nilaglag mo akong bwisit ka. Hindi mo ba alam na nakakahiya 'yon?"

"A-aray..." angal ng pinsan ko. "Totoo naman kasi—"

"Ang bibig mo talaga pahamak."

Binitiwan ko rin ang tainga ni Eliyah nang makitang papasok na uli si Brix. Bumalik ito sa pwesto niya at pinagtuonan na lang ang wine. Naramdaman 'ata niyang nakatingin ako sa kanya kaya umangat ang tingin nito. Mabilis akong umiwas ng tingin.

"Take out natin ang sobra," sabi ng pinsan ko. "Wait. CR muna ako."

Tumayo si Eliyah at nilapitan ang isang waiter, may itinuto ang waiter na pinuntahan ni Eliyah.

"Dadalhin ni Oscar ang aso sa bahay niyo mamaya," biglang sabi ni Brix.

Nanlaki ang mga mata ko. "R-really?"

He nodded. "Hindi na natin kailangang bumili ng aso."

Napangiti ako. "Excited na ako! Ano ipapangalan ko sa kanya?!"

Kumunot ang noo ni Brix. "Tati? Does it ring a bell to you?"

Napangiwi ako nang mapagtanto na hindi pala bagong aso ang darating, kapalit lang ni Tati.

"Joke lang," bawi ko.

"So..." Tumikhim si Brix. "Let's play the real game, shall we?"

"Ngayon?"

Umiling siya. "Magsimula bukas, hindi mo na ako pwedeng utusan. I won't do you any favor anymore. I will be your master and you will be nothing but my pet. No more bullshits. I will formally introduce you to the whole clan. Bring the paper."

Nanuyo ang lalamunan ko.

"Okay..." mababang boses na sagot ko. "Pero... isang favor na lang, please?"

Sumandal ito sa upuan bago tumango.

"Flower..." bigkas ko. "Pwede bang bigyan mo ng bulaklak si Tita?"

"What? Why would I give your dog a flower?"

Nanlaki ang mga mata ko. "T-that's Tati! Si Tita Ophelia ang tinutukoy ko."

Bumuga ito ng hangin. "All right."

Napangiti ako uli... pero hindi ko maitago ang kaba. Ipapakilala na niya ako sa buong clan nila, hindi ko alam kung ano ang pwedeng mangyayari. Pamilya pa nga lang niya ay halos tumakbo na ako, paano pa kaya kung mas marami na?

Muling tumikhim si Brix na kinalingon ko.

"May dapat ka pang malaman..." saad nito. Pansin ko na hindi ito kumportable sa usapan na ito. "That's an essential part of the ritual. I mean, it's your duty as a slave. Everyone does it, so as you."

"What?"

"Blood..." Tumingin ito diretso sa aking mga mata. "It doesn't matter how you feel about it, you need to give in."

"B-Brix..."

Bumali ang leeg nito na parang binabasa ako. Kumunot ang noo nito. Ilang sandali pa ay napalitan ng gulat ang kaninang naguguluhang mukha.

"Fuck! Don't tell me..." He bit his lower lip. "You are still a virgin?"

Kung nalalaglag lang ang panga ay malamang na sumasayad na sa sahig ang akin.

"Damn it!" he cursed again. "But, fuck it. Whatever you. That's an essential part of the ritual..." Namula ang mukha nito at umiwas ng tingin. "J-just prepare yourself... there's nothing else you can do."

"B-Brix..."

"Hindi kita bubuntisin, huwag kang mag-alala..."

Parang maiihi yata ako. Tumayo ako at tumakbo rin sa CR.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro