Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7

Chapter 7: Favor

I have been weeping nonstop for almost an hour now. Sa tuwing naiisip ko ang duguang katawan ni Tati ay parang dinudurog ang puso ko. Hindi ko sinadya ang nangyari, hindi ko na-control ang sarili ko pero kahit na anong gawin kong rason ay hindi maipagkakailang ako ang pumatay sa kanya. Itong mga kamay na ito ang kumitil sa buhay niya.

"It's just a dog," Brix mumbled for the nth time.

Hinawi ko ang luha sa aking mga mata at sinamaan siya ng tingin.

Matapos ng nangyari ay hinayaan kong tangayin ako ni Brix. Wala akong ibang naisip kanina kung hindi ang makalayo at siya ang pinakamalapit na paraan para magawa ko 'yon. Dinala niya ako sa isang dalampasigan. Kitang-kita rito ang kinang ng kulay asul na dagat. Nasa dulong parte yata ito na hindi madalas puntahan ng mga tao.

"Hanggang kailan mo ba iiyakan ang aso na 'yon?"

"You don't get it, Brix. I killed an innocent—"

"Dog," Brix cut me out.

"H-he's not just a dog!" giit ko.

"Then, what? Your freaking boyfriend?"

Kinuha ko ang nahawakang maliit na bato at binato sa kanya. Tumama ang bato sa kanyang dibdib pero wala itong naging reaksyon. Pinagpagan niya lang ang kaunting buhangin na dumikit sa kulay puti niyang damit.

"I don't know what to do anymore, Brix. Hindi ko alam kung makakabalik pa ako sa amin," mapait kong sabi habang patuloy na hinahawi ang mga bagong luha. "Kapag nalaman ni Tita Ophelia na wala na si Tati, sigurado akong palalayasin na nila ako. Wala na akong ibang mapupuntahan."

"Wait. Who's Tati?"

Napangiwi ako. Hindi ako makapag-drama nang maayos sa lalaking ito. Kanina pa ako ngumangawa rito pero mukhang hindi kami gaanong nagkakaintidihan.

"Commonsense, Brix. Ang sabi ko napatay ko si Tati, sino ba ang napatay ko?" Pinigilan kong umirap pero sinasagad ako ng lalaking ito.

Bahagya siyang natigilan bago kumunot ang noo. "Tati... is the dog? That freaking animal has a name?"

I nodded. What's with this guy? Akala ko ba matagal na siya sa mundong ito? Kung magulat siya ay daig niya pa ang bagong silang na sanggol.

Narinig ko ang mahinang pagtawa nito, halatang nang-aasar.

I scowled at him. "Kasalanan mo 'to! Kung hindi mo lang sana ako ginawa—"

"Whoa! Stop right there. Babalik na naman ba tayo sa topic na 'yan?" Bumali ang leeg nito bago humalukipkip. Bahagyang tinatangay ng hangin ang kanyang buhok. Tuwid ang tayo nito, hindi alintana ang malakas na hangin. "Anyway, poor Tat— whatever his name. But, I know he is glad that an animal like him managed to save you."

Bumalik uli ako sa paghagulgol. Wala nang sasalubong sa akin 'pagkagaling sa school. Wala na akong paliliguan at pakakainin. Wala na akong mairarason kay Tita kapag gusto kong lumabas. Wala na akong kukwentuhan ng mga nangyayari sa 'kin.

"Forget Tati. We have more important things to talk about."

"Forget?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Kung sa 'yo normal lang ang pumatay, hindi sa 'kin, Brix. Hanggang kailan ko ba ipapaliwanag sa 'yo na nabuhay muna ako bilang isang tao bago naging ganito? May mga bagay pa rin na hindi ko kayang gawin. Can't you fucking give me enough time to cope with all these bullshits?"

Inayos ko ang kumawalang buhok sa likod ng tainga ko. Sinisipon na rin ako kakaiyak. Malamang na mukha na akong bruha sa harapan niya pero wala akong pakialam. As if naman mag-aaksaya ako ng panahon para gumanda sa mga mata niya.

"Fine!" He let out a heavy sigh. Alam kong nagpipigil na naman itong magsungit. "I promised to be gentle with you this time but you are giving me a hard time." He faked a laugh while shaking his head. "What do you want me to do then?"

I sniffed. "I-I don't know, Brix. I just need time. I just killed—"

"Tati. Alright," he cut me out and shrugged his shoulders. "Then, what?"

Sumimangot ako. Yumuko ako at pinaglaruan ang mapinong buhangin sa aking mga paa. Malamang na hahanapin agad ni Eliyah si Tati mamaya 'pagkauwi niya. Saka oo nga pala, ang nangyari sa palengke nang maitulak ko si Tita at tumakbo ako paalis.

Mukhang hindi na talaga ako makakauwi.

"Kung hindi ka lang kasi tanga—"

Umangat ang tingin ko sa kanya na ikinatigil niya.

Tumikhim ito. "As I was saying, I sent you a bag of blood. What did you do? You flushed it out in the toilet. You could have used that to satisfy your thirst. I mean, that's the purpose of that. Hanggang kailan mo ba itatangging hindi ka na gaya ng dati?"

Nagtaas ako ng kilay. "Are you always watching me?"

"That's not the point, you know?" He bit his bottom lip, looking upset once again. "The point here is you are so stubborn. You think you know everything. Look what happened? You killed Tita. Who's next?"

"Tati!" I corrected.

Mahina itong napamura pero narinig ko.

"Yeah. Okay? Now, what?"

Hindi ako sumagot. Kahit papaano ay tumahan na ang mga luha ko. Sa tingin ko ay nakatulong naman ang lalaking ito. Kung ako lang siguro mag-isa ngayon ay baka kung anu-ano na ang naiisip ko.

"Hey. I have an idea!"

Umangat uli ang tingin ko. Sumalubong sa 'kin ang maliwanag niyang mukha.

"Paano kaya kung ihanap na lang kita ng bagong aso? 'Yung kamukhang-kamukha ni Tati. Hindi ba sabi mo, malalagot ka kapag nalaman ng family mo na wala na siya? What do you think?" I could see how proud he was with that idea.

Naglakad ito palapit sa 'kin at nang nasa tapat ko na siya ay kinailangan kong tumingala para masabayan ang kanyang tingin. Papunta sa akin ang ihip ng hangin kaya amoy na amoy ko na naman ang pabango niya.

"What? Don't you like that idea?" he asked when he didn't get any response from me.

Gusto kong isumbat na hindi niya kailanman mapapalitan si Tati pero naisip ko, ito lang ang tanging paraan para makabalik ako uli sa bahay. Labag man sa kalooban ay kailangan kong gawin ito. Wala na akong mapupuntahan kung sakaling palayasin ako ni Tita. Tungkol naman sa bigla kong pag-alis kanina sa palengke, magagawan ko naman ng paraan 'yon para malusutan.

"Deal?" he grinned.

I let out a heavy sigh as I nodded. "Hep. May peklat sa kabilang binti si Tati. Hindi na siya tinutubuan ng balahibo ro'n." Iyon ang naging palatandaan namin sa kanya. "Medyo aggressive siya sa mga hindi kilala," dagdag ko pa.

"What else?" tanong pa niya.

Umiling na ako. "Iyon lang..."

"Cool. Now, can we talk about us?"

Sumeryoso ang mukha nito.

I furrowed my brows. "Us?"

"What? Do you want to talk about that dog again?" he asked, sarcastically.

Hinampas ko ang kanyang binti pero hindi siya naapektuhan.

"Huwag ka ngang pilosopo! Wala tayong pag-uusapag tungkol sa atin." Halos mapairap ako.

"We need to talk about it, Astra. Gusto mo bang maulit na naman ang nangyari kanina?" Nagtaas ito ng kilay na parang naghahamon. "I told you, you are just starting. If you can't control yourself, you could do worse than that. Let's say... you could kill your whole family."

I got goosebumps when I heard that. Kahit na gano'n sina Tita Ophelia at Eliyah, hindi ko kailanman ninais na may mangyaring masama sa kanila. Lalo na kung ako pa ang gagawa nito. Sa wakas ay may matino rin na naisip ang lalaking ito.

"I think we finally both agreed on something. So... shall we?" He offered his right hand in front of me.

Bumagsak ang tingin ko sa kamay niya. "Can we go without holding your hand?"

"Here we go again," sagot nito at halatang nag-uumpisa na namang mag-alburuto. "Look, Astralla Martin. Don't forget that you are still my slave and I am your master. I shouldn't be doing this but fuck it. I am doing you a favor here. Can't you just be grateful?"

"May I just remind you that you need me to make your father proud," I said, smirking.

Nanatiling nakalahad ang kamay niya at hindi nagsalita.

Ilang segundo pa ay nakita kong unti-unti itong bumabagsak pero bago pa man ito tuluyang bumagsak ay nahawakan ko na. Hinatak niya ako patayo na medyo napalakas kaya nagdikit ang mga dibdib namin. Napasinghap ako nang mas maamoy ang pabango niya. Damn. His scent lasts longer than any relationship I've seen around.

"I know I smell good, but..."

Mabilis ko siyang itinulak palayo.

"You pulled me—"


"All right. Are we going to argue again?" Tumamad ang tingin niya sa 'kin.

"Fine." I pouted my lips.

Bumalik kami sa sasakyan niya. Hindi ako nagtanong kung saan kami pupunta, bahala na siya. Hindi naman niya ako ipapahamak dahil kapag may nangyaring masama sa 'kin, mawawala na ang paraan niya para makuha ang loob ng Papa niya. Hindi ko inakalang magagamit ko pa ang Papa niya laban sa kanya.

Nightscape Club. 'Yon ang pangalan ng bar na pinuntahan namin ni Brix. Hindi pa ako nakapasok sa mga bar pero masasabi kong kakaiba ang isang 'to. Parang walang buhay. Ni wala man lang ngang guard na nagbabantay sa labas. Bukas ba ang isang 'to? Mukhang abandunado na.

Huminto kami ni Brix sa harapan ng saradong pinto. Wala akong marinig na ingay sa loob. Baka naman hindi pa bukas? Siguro. Karamihan sa mga bar ay gabi nagbubukas. Pero kung hindi nga, bakit ito ang pinuntahan namin ni Brix?

"Hey." Brix stopped me when I was about to push the door. "This club is for us, vampires only. For damn's sake, Astra. Use your brain, and don't mess it up again. You are new here, and they won't hesitate to attack you once you do something stupid. Are we on the same page?"

Napalunok ako. "Can we go to a normal club instead? I think I need to practice myself. I've never been in a bar before."

He shook his head. "We belong here. Just stay close to me, no one can harm you. Unless you are just stupid."

Pinigilan ko siya nang aktong papasok na siya.

"Brix, I'm stupid. Don't you dare leave me while we are inside." Pinanlisikan ko siya ng tingin.

"All right. I won't."

Napahawak ako sa damit niya nang buksan na niya ang pinto. Napangiwi ako sa lakas ng music na sumalubong sa amin. Namangha ang mga mata ko nang makitang buhay na buhay ito sa loob. Malikot sa mga mata ang iba't ibang kulay ng mga pailaw na tila sumasabay sa musika. Agad na nasingot ko ang pinagsama-samang amoy ng pabango, alak, usok at isang mabangong bagay na hindi ko mapagtanto.

"Let's go..." Brix whispered.

Huminga ako nang malalim at pilit na inaalala na hindi mga tao ang narito. Pampakalma sana ang katotohanan na 'yon pero baliktad ang epekto sa 'kin. Kahit na magpakabait ako, hindi pa rin normal na tao ang mga nandito. Kahit na magpakabait ako, kung sila naman ay hindi, wala ring silbi.

Hinila na ako ni Brix papasok nung hindi ako kumilos. Wala pang ilang segundo ay naagaw na agad namin ang atensyon ng iba. May ibang walang pakialam, may ibang bumabati kay Brix at may iba naman na ang tingin ay sa 'kin. Tinanggap ni Brix ang mga alak na inalok sa kanya. May isa pang nag-alok sa 'kin pero tumanggi ako.

"So, the rumors are true?" A guy in a gray shirt blocked our way. Puno ng tattoo ang kanyang mga braso. Sa kanan niyang kamay ay may hawak na baso ng alak at ang kaliwa naman ay nakaakbay sa babaeng maganda. His eyes were stuck in red. "That the successor of Nightfall Clan has found his pet."

Mas humigpit ang kapit ko sa damit ni Brix nang mapatingin sa akin ang lalaki. Nabuo ang isang ngisi sa kanyang labi. Hindi ako judgemental na tao pero mukhang addict na tumakas sa rehab ang isang 'to.

"Good source then, Braun," Brix responded, casually. Kinuha nito ang alak sa kamay ng lalaki at nilagok ito. "Send my regards to your father."

Saka ibinalik ni Brix ang baso sa kamay ng lalaki.

"May I taste?" biglang tanong ni Braun na ikinatigil ni Brix. "Oh, come on, Brix. I can share mine, too."

Inayos ng babaeng akbay-akbay ni Braun ang buhok nito at ipinakita ang leeg niya.

Napasinghap ako nang akbayan ako ni Brix. "You are going to take away the pleasure of being the first one? That would be so rude, don't you think, Braun Octavius?"

Humalakhak ang lalaking puno ng tattoo. "I'm sorry, bro. I didn't know."

Naagaw uli ng babae ang tingin ko. Pinagapang nito ang kamay niya sa puson ni Braun, pababa at papasok sa pantalon nito. Pansin kong nakikiliti si Braun pero gustong-gusto nito ang pakiramdam na 'yon.

Mabilis na iniiwas ko rin ang tingin ko. Disgusting.

"Enjoy your first then, bro!" Hinila ni Braun ang babaeng akbay-akbay niya. Umupo ito sa isang silya at paharap na umupo sa hita niya ang babae. He carressed her butt as the girl grinded against his thigh.

I gulped. Why am I seeing this?

"Enjoying the view?" nabalik ako sa huwisyo nang marinig ang bulong ni Brix.

"Maingay rito, Brix. Paano tayo makapapag-usap?" tanong ko. "I don't like your mansion pero mas gusto ko na lang yata roon kesa rito."

Mas hinigpitan niya ang pagkakaakbay sa 'kin. Nakainom na ito kaya amoy alak na rin.

"My evil sister is there. I need a fucking peace of mind," he responded.

Wala akong nagawa nang hilahin na niya ako. Kahit na nakaakbay na siya sa 'kin ay nakahawak pa rin ang isa kong kamay sa damit niya. Baka bigla na lang may humblot sa 'kin dito.

Habang dumadaan kami sa mga lamesa ay mas napagtanto ko ang kaganapan na nangyayari sa paligid. These vampires aren't here just to get drunk, they are also here to satisfy their lust and thirst. May isa akong nadaanan na kagat-kagat sa leeg ang babae. That makes me feel more sick.

Mabuti na lang ay may mga room din pala rito na pwedeng arkilahin. Doon kami pumunta ni Brix. Gawa sa salamin ang mga dingding kaya kitang-kita pa rin kami sa labas. Pero mas tahimik dito, hindi naririnig ang kaguluhan sa labas. May bilog na lamesa sa gitna na pinalilibutan ng dalawang mahabang sofa na magkabilang dulo.

Humiwalay ako sa pagkakaakbay kay Brix at umupo sa kulay pulang sofa.

"I hate this place," I mumbled.

"Wait for me here. I'll just get a drink," paalam ni Brix.

"What?!" bulalas ko nang mapagtanto na kailangan kong maiwang mag-isa rito. "I told you to not leave me, asshole!"

"I won't, I'll just get us a drink!"

"No," pagmamatigas ko. "Kapag lumabas ka at iniwan mo akong mag-isa rito, lalabas ako at aalis na."

Bumali ang leeg niya. "Alam mo naman siguro na maraming nakatingin sa 'yo kanina, hindi ba? They won't hesitate to attack you once they notice that you are alone. Damn it, Astra. You are at it again. Being a human!"

"If that happens, then goodbye, Brixton Cardinal."

Napapikit ito at halatang pigil na pigil na naman. Napansin ko ang pagtaas-baba ng kanyang balikat. Ilang segundo ang lumipas bago ito nagmulat ng mga mata. Umupo ito sa kaharap kong sofa at sumandal. Pinatong niya sa magkabilang dulo ng sofa ang kanyang mga braso at pinatong ang isang binti sa isa pa.

"I'm thirsty," bulong nito.

"Okay. What do you want to talk?" I asked, ignoring what he just said.

"I need a drink—"

"What do I need to know?" putol ko uli sa kanya.

Huminga ito nang malalim bago umayos ng upo. Pinatong niya sa hita ang kanyang mga siko at hinilamos ang kanyang mukha. Ilang sandali pa ay umangat ang tingin niya sa 'kin. Ilang segundo rin siyang nakatitig sa 'kin na parang binabasa ako.

"Come on," I encouraged.

"The first thing you need to know is, I can't control myself when I am thirsty," seryosong sambit nito habang nakatitig sa aking mga mata. "The second one is you are my slave, and I am your master, which means you need to satisfy me every time I feel thirsty."

Napalunok ako at tila umatras ang dila.

"W-what do you mean satisfy?"

"Fuck. I need blood, Astra," he said, irritated. "I get easily vexed when I am craving. I tend to do evil things. You see Braun? That asshole tattoed fuckboy we just met? Did you see the girl in his arms? That's his slave."

Tuluyan nang umurong ang dila ko sa pagkakataong ito. Mukhang alam ko na kung saan patungo ang usapan na ito.

"Slaves should satisfy their masters. Blood... you offer your own blood."

"R-really?"

He nodded as he licked his lips. Napansin kong paiba-iba ang tingin nito. Bumaba sa dibdib ko, sa leeg at sa mga mata. I could feel the lust looming on his eyes while staring at me. Maya't maya rin ang paglunok nito.

Inalog nito ang kanyang ulo, pilit na iwinawaksi ang nararamdaman na pagkauhaw.

"Anyway, let's talk about the clans. First, I need you to understand that each vampire belongs to a specific clan or group. You need to mark in your mind that you are part of Nightfall Clan, well, not officially, but we will get there. You are considered an insurgent if you don't belong to any clan. You are not being an independent vampire. You are a rebel. Do you know what that means? You are an enemy."

"Scary. Ano ang gagawin ko kapag may nakaharap na rebeldeng bampira?" tanong ko.

"No. They won't let you know that they are insurgents. Malalaman mo lang kapag wala ka ng puso," seryosong sabi niya na nagpataas sa mga balahibo ko. "They don't show themselves often, but as a vampire, you need to be cautious with your surroundings."

Napatango ako, pilit na pinapasok sa utak ang mga sinasabi niya. Natatakot man pero nangingibabaw pa rin sa 'kin ang kagustuhan na mas mapalawak ang kaalam sa bagong mundong kinabibilangan ko.

"I'm really thirs—"

"Come on, Brix. Tell me more..."

Huminga ito uli nang malalim bago tumango.

"I want you to know that those insurgents are not the only ones capable of hurting you. Be careful whom you trust, Astra. Nothing is more painful than being stabbed by someone you thought you were friends with. There are two types of enemies. Those who blatantly show who they are and those who pretend they are on your side. Don't be stupid."

With a stuttering voice, I asked, "W-where should I classify you?"

"What's your first impression of me?" balik na tanong niya.

"Y-you are an asshole but... I feel like we are on the same side.

He nodded. "Now watch me carefully. I could be the other type of enemy."

Natahimik na ako pagkatapos. Gano'n din si Brix na ngayon ay nakasandal na sa sofa at nakatagilid ang ulo habang pinapanuod ang mga nag-iinuman sa labas. Mariin itong napapikit, aktong tatayo na nang mapatingin siya sa akin at nahuli akong nakatingin sa kanya. Wala itong nagawa kung hindi ang umupo uli.

"H-how did you turn me into a vampire?" I asked.

Sandali itong natigilan dahil sa biglaan kong pagtanong.

"Let's just say, you needed my blood just like how much I need yours right now," he casually responded. He gulped again. "You are linked in me the moment my blood mixed on yours. That's it. Don't ask again. I feel so drained right now."

"Is there anyway to break-free?"

Kumunot ang noo niya.

I feel how hesitant he was when he responded, "No."

"Should I die?" I asked.

"Not when I decide to kill you."

"Would it hurt?" I asked again.

Mahina itong natawa. "I don't think you will feel anything when you die."

"No." Tumayo ako at lumipat sa upuan niya. Napaatras ito at nakita kong nagpalit ng kulay ang kanyang mga mata.

"What are you doing?"

Tumitig ako sa kanyang mga nag-aalab na mata.

"Returning the favor," I said, slowly running my finger on his thigh. "Ikaw ang tumulong sa 'kin kanina at tutulungan pa ring matugunan ang problema na nagawa ko. You are an asshole but you know how to fulfill a promise. Maybe, it's time for me to fulfill my role in this story also."

Naguguluhan pa rin ang kanyang tingin pero alam kong may hinuha na siya sa gusto kong mangyari.

Hinawi ko ang buhok ko para ipakita ang leeg ko. Mas lumapit pa ako sa kanya.

"Shit..." he mumbled.

"Suck my blood, Master Brix."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro