Chapter 6
Chapter 6: First Victim
Hinintay kong makaalis ang sasakyan ni Brix bago ako pumasok sa gate. Wala pa namang alas otso ng gabi kaya hindi pa kinandado ni Tita Ophelia ang mga pinto. Mula sa bintana ay nakikita ko pang bukas ang mga ilaw. Malamang na naglalaro pa ng xbox si Eliyah at malamang din na hinihintay niya ako para gawin ang mga assignment niya.
Huminto ako sandali para ayusin ang sarili. Marami mang nangyari ngayon pero hindi ko dapat ito ipahalata. Knowing Tita Ophelia, when she feels something strange, she won't stop until she gets the answer. No. I feel so tired and being confronted for things I myself can't even comprehend is the least I need right now.
Napaatras ako sa gulat nang sumulpot sa harapan ko si Tati. Kumunot ang noo ko nang tahulan ako nito nang tahulan. Sinubukan ko siyang hawakan pero umatras ito at mas naging agresibo. Parang hindi niya ako kilala.
"Tats, si Astra 'to." Tinangka ko pang lapitan ito pero bigla itong tumakbo sa isang sulok, patuloy pa rin sa pagkahol sa 'kin.
He doesn't know me anymore. Malamang na gawa ito ng pagiging bampira ko. I feel so attacked that it makes me sicker. Masasabi kong sa asong ito ako naging pinakamalapit. Ako ang nagpapaligo, nagpapakain at naglalabas sa kanya. Ngayon ay hindi na niya ako makilala.
"Ano ba 'yan?!" Biglang bumukas ang pinto at tumambad sa 'kin si Tita Ophelia, nakasuot na ang white face mask niya kaya hindi ko makita ang mga guhit niyang kilay. As usual ay naka pulang bestida na naman ito. "Well, well. Buti bumalik ka pa, Astralla?" Humalukipkip ito.
Tumakbo si Tati papunta sa likod ni Tita.
Lumunok ako bago sumagot.
"Tita... na-miss ko na si Mama," bigla kong sabi.
Wala na akong mairason na magsasalba sa 'kin. Kahit ganito si Tita ay mahal niya ang kanyang kapatid. Pagdating kay Mama ay tumutuwid ang kanyang mga kilay at tumitikom ang matalak nitong bibig. Hindi ko madalas banggitin si Mama dahil maging ako ay nalulungkot pero wala na akong pagpipilian.
Sorry, Ma...
Bumaba ang tingin niya sa suot ko at mas naging magulo ang kanyang tingin.
"Na-miss mo ang Mama mo kaya bumili ka ng bagong dress?"
Mahina akong napamura nang hindi napagtanto kung ano ang suot ko. Hindi ako nakasagot.
"Eliyah! Kunin mo na nga muna itong si Tati!" sigaw ni Tita Ophelia sa loob.
Tamad na lumitaw sa eksena si Eliyah at kinarga si Tati. Napatingin ito sa akin at agad na ngumiti. "Andyan ka na pala, Astra. Nasa table sa sala ang mga gamit ko. Pagkatapos mong gawin, pakiayos na lang sa bag ko. Huwag mong kakalimutan."
"I'm tired, Eliyah. Hindi mo ba kayang gawin ang assignment mo?" pagdaing ko.
"Bakit ko pa gagawin kung andyan ka naman." Saka na ito tumalikod at bumalik na sa loob.
Muling napunta kay Tita ang tingin ko.
"Saka ano naman ngayon kung na-miss mo siya? Saan ka galing?" Muli nitong pinasadahan ng tingin ang dress ko. "Saan mo nakuha ang pambili mo ng magarang damit na 'yan? Kay Dahlia ba? Nasaan ang kape ko?"
"Pinuntahan ko po sa sementeryo si Mama." Nangilid ang mga luha ko. Gawa-gawa man ang kwentong ito pero totoo ang nararamdaman ko.
Kung nandito lang sana si Mama, hindi ganito kabigat ang nararamdaman ko. I know she wouldn't believe whatever story I have to tell right now, but surely, she would listen and comfort me. Damn. Being alone never struck me this hard.
"Pumunta ka sa sementeryo nang naka-dress?"
"Tita... hindi ko na kaya. Miss na miss ko na si Mama."
"E-ewan ko sa 'yo, Astra." Nakita ko ang paglunok nito na halatang apektado sa sinasabi ko. "Pumasok ka na. Maghugas ka muna ng plato bago mo gawin ang assignment ni Eliyah." Saka na ako nito tinalikuran at pumasok na sa loob.
Napatingala ako sa kalangitan. Puno ng bituin. Hinawi ko ang luha sa aking mga mata bago mapait na ngumiti. Bumuga ako ng hangin bago pumasok sa loob. Naabutan kong bukas ang TV, nakakalat sa lamesa ang mga gamit ni Eliyah. Wala na rin si Tita na malamang ay nasa kwarto na para 'di matakot si Eliyah.
Inaantok man ay dumiretso ako sa kusina para maghugas ng mga plato. Maya't maya ang paghikab ko. Inalog-alog ko na lang ang ulo ko para gisingin ang diwa. Nang matapos sa kusina ay dumiretso ako sa sala. Pinatay ko ang TV at niligpit ang mga gamit ni Eliyah.
Umupo ako paharap sa lamesa at ginawa ang assignment ni Eliyah. Baliw talaga ang isang 'yon. May instruction naman at examples pero hindi pa magawang sundan. Hindi ko nga alam kung paano nakakapasa ang lalaking 'yon. O tamad lang talaga siya.
Minasahe ko ang mga kamay ko nang matapos akong magsulat. Sumandal ako sa upuan at nag-inat ng katawan.
What a day!
Isinalansan ko na sa bag ni Eliyah ang mga gamit niya. Buti na lang isip-bata si Eliyah dahil kung hindi at nalaman niyang may gusto sa kanya si Dahlia, malamang na gagamitin niya ang advantage na 'yon. Kawawa si Dahlia kung sakali.
Pumunta muna ako sa CR mara maghilamos. Napangiwi ako nang mabasa ang laylayan ng dress na suot ko nang yumuko ako. Hinubad ko na ito dahil nangangati na rin ako. Ipinulupot ko sa katawan ko ang tuwalya at bitbit ang dress ay umakyat ako sa kwarto ko.
Ipinagsawalang-kibo ko ang nakabukas na bintana.
Ini-hanger ko ang dress sa loob ng closet bago naghanap ng maisusuot. Nang makakuha ng pantulog ay umupo ako paharap sa tukador. Hinawakan ko ang suklay at sinimulang hagurin ang aking buhok.
Pansin ko ang pamumula ng gilid ng mga mata ko dala ng pag-iyak.
Bigla kong naalala ang sinabi ni Brix. Susunduin niya ako uli bukas. Ibig sabihin no'n ay makikita ko na naman siya at dadalhin niya ako sa mansion nila. Iniisip ko pa lang ang mga nangyari kanina ay sumisikip na ang dibdib ko.
I don't want to see him anymore. I wish I wouldn't see him forever.
Napalingon ako nang may marinig na kaluskos sa bintana. Wala naman akong nakita kung hindi ang isang puting supot na nakalapag. Binitiwan ko ang suklay at tumayo para kunin ang supot. Umupo ako sa kama at binuksan ito.
Kumunot ang noo ko nang makita ang sitsirya at... alak?
Pumunta ako sa bintana at dumungaw. Wala akong naabutan pero alam kong si Brix ang may dala nito.
Binalikan ko ang supot at nang may mapansin na papel ay binasa ko ang nakasulat dito.
"Pampatulog," nakasulat.
Napaismid ako. Igagaya niya pa ako sa kanya na hindi makakatulog kapag hindi nakainom ng alak.
Binalik ko sa supot ang mga 'yon at itinago sa ilalim ng kama. Hindi ko gagalawin 'yon dahil baka kung ano pa ang mangyari sa 'kin. Unang pagkikita pa lang namin pero sirang-sira na siya sa akin. Sana lang ay hindi ko na talaga siya makita pa.
Humiga na ako sa kama at agad ding nakatulog.
Isang milagro na nagising ako nang kusa kinabukasan, walang kumatok sa pinto. Ang buong akala ko ay napaaga ang gising ko pero pagtingin ko sa wall clock ay alas nuwebe na pala ng umaga. Sabado ngayon kaya walang pasok. Kahit naman sabado ay maaga akong ginigising ni Tita para tulungan siyang magbenta sa palengke.
Humikab ako at humarap sa tukador. Sandali kong pinasadahan ang buhok ko bago niligpit ang higaan at bumaba na. Nasa hagdan pa lang ako ay dinig na dinig ko na ang matining na boses ni Tita sa kusina. Tumatawa rin siya na hindi madalas mangyari lalo na sa umaga.
What's happening?
Nasa bungad ako ng kusina nang makita ang napakaraming pagkain na nakahain sa lamesa. Hindi magkamayaw sa pagkain sina Tita Ophelia at Eliyah na hindi nila ako napansin. Dahan-dahan akong naglakad para tingnan ang mga pagkain.
Natigilan ako nang mapagtanto na ito ang mga pagkain kahapon sa mansion ng mga Cardinals.
"Oh, gising ka na pala Astra," malawak na ngiting bati ni Tita. "May nagpadala ng mga pagkain dito kanina tapos may bulaklak pa." Itinuro niya ang lababo kung nasaan ang isang bukete ng pulang rosas. "May manliligaw yata ako."
Humalakhak si Eliyah. "Asa ka pa, Ma."
Binatukan ni Tita ang anak niya. "Anong asa? Eh para kanino ito kung hindi para sa 'kin?"
Nilapitan ko ang bulaklak at binasa ang note doon.
"Get well. - B."
"Kumain ka na, Astra. Magbibigay ako sa mga kapit-bahay natin. Ipagmamayabang ko pang may manliligaw ako," tumatawang sambit ni Tita. "Who you sila ngayon sa 'kin. Sabi nila wala nang magkakagusto sa 'kin. Well, may kano yata akong nabihag ang puso habang naglalakad sa daan."
Muli ko hinarap ang mga pagkain.
"Ano 'to?" Itinaas ni Eliyah ang isang supot ng kulay pulang likido.
Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung ano 'yon.
"Alak 'ata 'yan." Kinuha ni Tita ang supot at kumuha ng baso. "Matikman nga. Mukhang masarap 'to."
Mabilis na tumakbo ako palapit sa kanila at inagaw ang supot. "Ito na lang akin! Sa inyo na lahat ng pagkain na 'yan. Basta huwag na ito."
Damn it, Brix!
"Sigurado ka?" nagtaas ng kilay si Tita. "Wala nang bawian ah?"
"O-opo. Sige, may kukunin muna ako sa kwarto ko," paalam ko.
"Magbihis ka na, Astra. 'Pagkatapos kong mamigay sa mga kapit-bahay ay magtitinda pa tayo sa palengke. Baka umaasa ang kano na makita ako," dinig ko pang sabi nito.
"Kadiri ka, Ma," pahabol na wika ni Eliyah.
Imbes na sa kwarto ay pumunto ako sa CR. Sinigurado kong nakakandado ang pinto bago binuksan ang supot. Napasinghap ako nang maamoy ang halimuyak ng pulang likido. Tila may sumanib sa akin nang maamoy ang bagay na 'yon.
Napalunok ako nang magbara ang lalamunan ko.
Inalog ko ang ulo ko. Binuhos ko sa inidoro ang likido at pinahigop ito sa tubig. Pinagmasdan ko kung paano ang namantsahan na tubig ay bumalik sa malinis. Nang masigurong wala nang bakas ay itinapon ko sa basurahan ang supot.
Nagpalipas ako nang ilang minuto bago lumabas. Pagkarating ko sa kusina ay si Eliyah na lang ang nandoon. Kalahati rin ng mga pagkain ay wala na. Malamang na namimigay na nga sa mga kapit-bahay si Tita Ophelia.
Kumuha ako ng delatang pagkain at nagbukas no'n. Ito na lang ang uulamin ko kesa sa kainin ang mga pagkain na galing sa lalaking 'yon. Buo na ang pasya kong putulin ang namamagitan sa amin. Kahit na magpakita siya at pilitin akong sumama, hindi ako magpapatangay.
"Ayaw mo ng mga ito? Ang sarap kaya!" puna ni Eliyah. Tapos na ito ngayon sa pagkain at cell phone naman ang pinagtutuonan ng pansin. "Teka. Para sa 'yo ang mga pagkain na ito, hindi ba? Imposibleng para kay Mama ito."
Hindi ko siya sinagot. Kumain na lang ako.
"Kanino galing 'to? Doon ba sa nagbigay ng damit sa 'yo? May nanliligaw ba sa 'yo?"
Nginuya ko ang kinakain bago sumagot. "Hindi ko rin alam, Eliyah."
"Anong hindi?"
"Pagkagising ko ay bago na ang damit ko. Pauwi na ako kagabi nang biglang magbago ang damit ko. Nakakatakot man pero pakiramdam ko ay may nanliligaw na engkanto sa 'kin."
Natigilan ito sa pagpindot sa cell phone. Binitbit nito ang upuan niya at nilapit sa akin.
"B-baliw ka ba? Isusumbong kita kay Mama!"
Ngumisi na lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Palapit nang palapit sa 'kin si Eliyah. Kulang na nga lang ay kumandong na siya. Duwag talaga ang mokong na 'to.
"Hindi totoo ang engkanto!" pagpupumilit pa niya. "Gumagawa ka ng kwento para pagtakpan ang manliligaw mo."
Tumayo ako at kumuha ng baso. Naramdaman kong nakasunod sa 'kin si Eliyah.
"Engkanto raw. Akala naman niya matatakot ako," dinig ko pang bulong nito.
Nagsalin ako ng tubig sa baso at uminom. Hindi ko pa 'yon nakalahati nang maramdaman na parang babaliktad ang sikmura ko. Mabilis akong lumapit sa sink at isinuka ang ininom na tubig.
"Tae ka, Astra. Nabuntis ka yata ng engkanto!" bulalas ni Eliyah.
Napatukod ako sa lababo, hinang-hina.
What the fuck? Bawal ba uminom ng tubig ang mga bampira? Napangiwi ako. Nauuhaw na ako.
"Ma! Ma!" sunod-sunod na sigaw ni Eliyah pero nanatili pa rin sa tabi ko.
Hinarap ko ang duwag na lalaki. "Pwede ba manahimik ka?"
Tinulak niya ako. "Tinatakot mo ako e."
Umirap ako.
Hindi ko na nakain pa ang pagkain ko. Niligpit ko na lang ang mga kalat. Hanggang sa pagpunta ko ng kwarto ay nakasunod sa 'kin si Eliyah. Hindi ko na lang pinansin. Medyo nasanay na rin ako. Minsan nga magpapasama pa ito sa CR. Sa labas lang naman ako pero gusto niyang marinig ang boses ko bawat segundo para alam niyang hindi ako umalis.
"Magbibihis ako, Eliyah. Lumabas ka muna," sabi ko habang naghahanap ng damit sa closet.
Wala akong nakuhang sagot sa kanya. Pagkaharap ko ay hawak-hawak na niya ang supot na itinago ko sa ilalim ng kama. Kinakain na niya ang sitsirya habang hawak sa isang kamay ang alak. Ngumiti ito sa akin nang makitang masama ang tingin ko sa kanya.
"Hindi ko na sasabihin kay Mama na may nanliligaw na engkanto sa 'yo. Basta akin na lang 'to ah?"
"Eliyah!" dinig kong sigaw ni Tita sa ibaba.
Bumuga ako ng hangin bago tumango. "Bahala ka. Bumaba ka na. Andyan na Mama mo."
Tumayo ito at kumaripas ng takbo palabas ng kwaro ko. "Ma! Ma! May nanliligaw na engkanto kay Astra. Nabuntis pa siya!"
Ang balak ko sana ay magpapalit na lang ng damit at mamayang pag-uwi na lang maliligo dahil marurumihan din naman ako sa palengke, pero nakaramdam ako ng init kaya dumiretso na rin ako sa pagligo. Ilang minuto na ako sa loob ng CR pero hindi pa rin ako basa.
Pinagmamasdan ko ang tubig. Mamamatay ba ako 'pag nabasa?
Lumunok ako bago sinubukang ibabad ang kamay sa tubig. Mabilis ko ring inalis. Pinagmasdan ko ang kamay ko. Mukhang wala namang nangyari. Malamang na nakakaapekto lang ang tubig kapag naiinom.
Natapos akong maligo pero hindi pa rin naalis ang init ng katawan ko.
Idinaan namin si Eliyah sa kumare ni Tita Ophelia. Doon siya nagpapalipas ng hapon kapag nagbebenta kami ni Tita sa palengke. Alangan namang iwan naming mag-isa sa bahay ang lalaking 'yon, edi namatay siya sa takot.
Pagkarating namin sa palengke ay agad kong inayos ang mga gulay at karne. Dito kami kumukuha ng pangtustos araw-araw. Malaki ang kinikita ni Tita lalo na kapag may mga okasyon tulad ng fiesta, pasko, bagong taon kung kailan hindi magkamayaw ang mga mamimili.
"Good morning!" Natigilan ako sa paghiwa nang sumulpot si Dahlia. May hawak itong supot na diniretso agad kay Tita Ophelia. "May isang linggo kang kape, Tita. Huwag niyong pagurin si Astra ah?"
Ngiting-ngiti si Tita. "Salamat, Dahlia. Naku. Ang swerte ko talaga ngayong araw."
"Bakit, Tita?" tanong ni Dahlia.
Pinagtuonan ko na lang ng pansin ang paghiwa sa karne at pagtimbang nito. Nagbayad ang ale sa 'kin at sinuklian ko siya. Hindi pa man nabibitiwan ang kutsilyo ay may bago na namang namimili.
"May nagbigay ng napakaraming pagkain kanina sa amin. May nanliligaw sa 'kin," dinig kong kuwento ni Tita. Kilig na kilig pa ito. "May rosas pa na nakalagay na get well. Tanong ko lang. Saan ko makukuha ang well? Baka gusto niya akong pumunta ro'n tapos doon kami magkikita."
Lihim akong natawa sa sinabi ni Tita.
"Ano ka ba, Tita? Get well po, ibig sabihin, sana maging maayos na ang kalagayan mo!" Tawang-tawa si Dahlia. "Grabe, Tita. Hindi na kita ma-reach. Dinaig mo pa si Astra na tatandang dalaga kasi ayaw magpaligaw."
Tumabi na sa 'kin si Dahlia. "Ano? Ayos na pakiramdam mo?" Hinaplos niya pa ang noo ko.
"Ito po, 145 po lahat," sabi ko sa ale na namimili. Nagbigay ito ng isang daan at singkwenta kaya sinuklian ko siya ng limang piso. "Salamat po. Balik kayo ah?" Malawak na ngiting sinalubong ko ang namimili at gano'n din hanggang sa pag-alis niya.
Nang mabitiwan ang kutsilyo ay nag-inat ako.
"Oh, may kailangan ka?" baling ko kay Dahlia.
Ngumuso ito. "Kapag ba binisita kita ibig sabihin may kailangan ako? Hindi ba pwedeng kinukumusta ko lang ang nagkasakit na kaibigan?"
Natawa ako sa sinabi niya.
"Ayos lang ako, Dahlia." Umayos ako uli nang may bumibili na naman.
"So, sino 'yung sinasabi niyong doktor na hindi naman doktor?"
"Isang kilo po?" tanong ko sa namimili.
"Hindi rin ako sinagot ni Kristan kahapon eh," dinig ko pang sabi ni Dahlia.
"Dalawa na," sagot naman ng ale.
Sandali akong bumaling kay Dahlia. "Pupuntahan na lang kita mamaya sa inyo, Dahlia. Nagbebenta pa ako, hindi kita makakausap nang maayos. Sige na."
"Talaga?!"
Tumango ako.
"Oh, sige. Alis na ako." Natigilan ako nang yakapin pa niya ako. "Sige, Tita. Sana mahanap mo na ang forever mo."
"Malapit na, Dahlia!" Humalakhak si Tita.
Nang matapos ang isang namimili ay binuksan ko ang isang box para kumuha ng mga bagong karne. Natigilan ako nang maamoy ang dugo. Biglang namanhid ang mga kamay ko. Naabutan ko na lang ang sarili kong hawak ang karne na may dugo pa. Natatakam ako.
"Ano na, Astra? Kumuha ka na at isara mo na 'yan. Matutunaw ang yelo!"
Hindi ako nakakilos. Naririnig ko na naman ang mga bulong sa paligid. Tila nasusunog na naman ang mga mata ko.
"Astra?" Hinawakan ni Tita ang braso ko.
Hinawi ko ang kamay niya at tinulak siya. Mahina lang ang ginawa ko pero tumalsik siya at nahawi ang mga karne sa lababo.
Napayuko ako at nag-umpisang tumakbo. Marami akong nabubunggo dahil hindi ako nakatingin sa daan. Nasusunog ang mga mata ko, ibig sabihin no'n ay nag-iba ito ng anyo. Ayokong makita nila ang kakaiba sa 'kin.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya umuwi na lang ako.
Hawak-hawak ko ang hininga ko hanggang sa makapasok ako sa bahay.
Napatingin ako sa salamin. Nanlamig ang buong katawan ko nang makitang sobrang pula ng aking mga mata. Ilang sandali pa ay nawalan ako ng gana. Kapag natatakam ako sa dugo, nagiging bayolente ang kilos ko. Habang buhay na ba akong ganito?
Napatingin ako sa asong kumakahol.
Tati...
Napasinghap ako nang maamoy ang dugo nito.
No... you can't do this, Astra.
Bago pa man makatakbo ang aso ay nahawakan ko na ito.
Ilang sandali pa ay unti-unting bumaba ang init na nararamdaman ko. Bumuti ang pakiramdam ko. At nang makabalik sa huwisyo ay napansin kong nababalutan ng dugo ang kamay ko at sa harapan ko ay nakahandusay si Tati.
Napaupo ako, hinang-hina.
Nanginginig ang mga kamay ko.
Kusang lumabas sa mga mata ko ang luha.
Patay na si Tati... at ako ang gumawa.
"First victim."
Napalingon ako sa lalaking nagsalita.
"B-Brix..."
He stared at me. "This is just the start, Astra. You can do worse than this."
Binalikan ko ng tingin ang asong walang buhay.
Muli kong binalik ang tingin sa lalaking nasa harapan ko.
Hindi ko inakalang darating ang araw na gagapang ako papunta sa kanya. Hinawakan ko ang pantalon niya gamit ang mga nanginginig kong katawan. Wala pa ring patid ang pag-agos ng luha sa aking mga kamay.
Tulala, wala sa sarili, ibinulong ko ang mga katagang, "Ilayo mo ako rito, pakiusap."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro