Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 54

Chapter 54: The S

Ang kwentong ito ay tila isang sapot ng gagamba na tugma-tugma, paikot-ikot ngunit sa iisang direksyon din ang bagsak. Ang lahat ng piraso na kapag nahilera ay nakaturo lahat sa iisang direksyon – Brixton Wenz Cardinal.

Paano humantong sa ganito ang lahat? Bakit dahil lang sa iisang pagkakamali niya ay pinarusahan siya nang ganito? Hanggang kailan niya ba papasanin ang bigat ng nakaraan?

Mula rito sa itaas ng puno ay pinagmasdan ko ang unti-unting pagdating ng mga bisita. Nag-umpisa na ring magdatingan ang mga pinuno ng bawat pangkat. Lahat sila ay sumalubong maliban sa akin

I want to watch from afar where I can see everything. Para makita ko maging ang maliit na detalye na hindi mapapansin ng mga nasa harapan.

Kumagat ako sa mansanas bago bumuntonghininga. Nasaan na ba si Brix? Sabi niya ay sandali lang siya. Umasa akong darating din siya kagabi pero bigo ako.

Natigilan ako sa pagnguya nang makita ang isang babaeng nakasakay sa magarang puting kabayo. She was wearing a red hat that I barely had a glimpse of her face. Pero kung paano yumuko ang mga kawal... mukhang siya na ito.

The mother of Cardinals – Lady Grenda Cardinal.

What happened to her? Akala ko ay wala na siya kaya hindi nababanggit dito sa Mansion. Bakit nasa iba na siyang clan?

That's the moment I jumped off the tree. Tumakbo ako para lumapit sa mga kasama kong nag-aabang. Tumabi ako kina Resty, Oscar, Erikson, kasama rin ang mga Seniors na pinamumunuan ni Lord Severo.

Huminto ang kabayo sa harapan namin. Yumuko ang mga kasama ko, maging ang mga Seniors maliban lang kay Lord Severo. Ako naman ay hindi nakagalaw nang matanaw ang kanyang mukha.

For a moment, I thought I was looking at Nathalia with that familiar red fashion style. She was wearing a red dress, a pair of red gloves and red diamond earings on both ears. Her red lips that compliment her blonde hair make her look even more regal. It's no doubt – The Queen of Cardinals.

"Welcome to Nightfall Clan, Lady Grenda," Lord Severo greeted her with a smile. Naglahad ito ng kamay sa babae. "It's been a long time, Milady."

"Things don't really change in this place." Even her chuckle sounds elegant. Hinubad niya ang mga gloves at binigay sa lalaking kawal. Saka tinanggap ang nakalahad na kamay ni Lord Severo.

Nung makababa ay lumipat sa mga Seniors ang tingin ni Lady Grenda. "Well. Looks like we have a new Senior. Right, Lord Escariaga, Lord Reggar, and Lord Wenson?"

"Welcome back, Milady..." Isa-isang humalik sa likod ng kamay ni Lady Grenda ang mga Seniors.

"I am Lord Trojan, Milady. It's a pleasure to meet the Lady of Cardinals," Lord Trojan bowed his head, too.

I was astonished by the scene. Para akong nasa isang royal gathering.

"My boy..." Nalipat kay Oscar ang tingin ni Lady Grenda. Mas lumiwanag ang ngiti nito nang makita ang anak. "Aren't you happy to see me again?"

Nakangiting lumapit si Oscar at bahagyang yumuko. "Welcome back, My Queen..."

Napangiti ako nang magyakapan ang mag-ina. Mukhang na-miss nila talaga ang isa't isa. Mas tumindi tuloy ang katanungan sa isipan ko. Bakit niya titiisin na mapawalay sa pamilya?

"Where the hell is Nathalia?" dumiin ang boses ni Lady Grenda habang lumilinga-linga sa paligid. "Oh, come on. Didn't you inform her that I will come for a visit?"

Tumawa si Lord Severo habang naiiling. "You know your daughter, Milady. She hates being stuck in one place for a long time. It's not good for the skin according to her."

"Marami pa naman akong dalang damit para sa kanya!" Halata ang pagkainis sa boses ni Lady Grenda. "Oh, my feels! Can you like inform her to visit me one of these days?"

"I will..." said Resty.

"Aristotle—"

"It's Resty, Milady," Resty cut her off immediately.

Marahan na tumawa si Lady Grenda. "Hindi ka pa rin nagbabago, Mr. Escariaga. You still hate your squad. Well... I can't blame you." Umikot ang kanyang mga mata. "May I see my room now?"

Kumunot ang noo ko. Isn't she going to look for Brix, too?

Napatingin sa akin si Lady Grenda. I was taken aback when she smiled and approached me. Tila natuyuan ako ng lalamunan. Sa malapitan ay damang-dama mo kung gaano ka-importante ang babaeng ito sa mga Cardinals at sa Nightfall Clan.

"I like your black hair..." Hinaplos niya ang buhok ko. "Smooth. I like your shade of lipstick, too. You are gorgeous, baby. May I know the name of this lady?"

"I'm Astralla Martin, Milady..." I introduced my name.

Sandali itong natigilan bago bumaling kay Lord Severo. Tumango naman ito sa kanya kaya muli akong tiningnan ni Lady Grenda. Muli ring bumalik ang ngiti sa kanyang labi.

"I see..." she chuckled as she caressed my cheeks using the back of her hand. "I want you to be my accompany for the rest of The Unus. Are you good with that?"

Bahagya akong nagulat sa sinabi niya.

"Let me find you someone else—"

"I am not asking you, Mr. Nadija," madiin niyang pinutol ang mga salita ni Erikson. "I am asking this gorgeous lady named Astra. Do you want to be my accompany?"

I smiled. "Pleasure, Milady..."

She nodded. "As I expected. Shall we?"

Naglakad na kami papunta sa pansamantalang titirahan ni Lady Grenda. Nauuna silang naglalakad nila Lord Severo at Oscar. Nasa likod nila ang mga Seniors at nasa likod naman kami nina Erikson at Resty.

"She's still annoying..." Resty mumbled.

Natutulala pa rin ako. Hindi ako makapaniwalang nakaharap ko ang pinagmulan ng mga Cardinals. Pero... bakit hindi niya hinahanap si Brix?

"Are you sure about this?" Napatingin ako kay Erikson. "You can say no, Astra."

"I can but I won't..." I responded. "I want to know her more, Erikson. Gusto kong mas makilala ang ina ng mga Cardinals."

Kailangan kong makalapit sa kanya at siya na mismo ang nagpalapit sa akin. Alam kong may alam siya na sila lang dalawa ni Lord Severo ang nakakaalam. I wonder if Oscar is somehow a part of this strategy?

"Wala na akong partner. Hays," dinig kong angal ni Resty.

Pumunta kami sa titirahan ni Lady Grenda. Kung sa ibang leaders ay gawa sa kahoy ang mga bahay nila, kay Lady Grenda naman ay moderno. Isang palapag lang pero malawak. Hindi naman nakakagulat 'yon. She's probably afraid of mosquitos.

"Dito na lang..." ani Lady Grenda nung nasa pinto na kami. Hinawakan niya ang braso ko at hinila ako patabi sa kanya. "I want to rest first. Si Lady Astra na lang muna ang maiiwan sa akin. Thank you for a warm welcome, Nightfalls."

Napalunok ako nang tumingin sa akin si Lord Severo. "Are you good with this, Lady Astra?" he asked.

"I am, Milord..." sagot ko.

Tumango naman ito bago muling bumaling kay Lady Grenda. "Well, please rest well, Milady. Ipagpahatid na lang kita ng pagkain dito. We will have our first meeting tonight." Nalipat sa akin ang tingin ni Lord Severo. "Ikaw na ang bahala sa kanya, Lady Astra..."

Tumalikod na si Lord Severo at naglakad palayo na agad na sinundan ng mga Seniors. Nanatili namang nakatayo pa rin ang tatlong lalaking sina Oscar, Resty at Erikson.

"You go and rest too Oscar," said Lady Grenda.

"Kung may iuutos ka ay maraming pwedeng gumawa no'n, Ma. Huwag si Astra..." ani Oscar. "Please let her rest with you, too..."

Iwas na iwas ako ng tingin kay Oscar. Hindi ko pa rin makalimutan ang ginawa niya kahapon.

Tumawa si Lady Grenda. "Of course, My boy. Kailangan ko lang ng kasama. Don't worry. Hindi ko naman gagawing alipin si Lady Astra."

"I will be hovering around, Mom. Kapag kailangan mo ako ay ipatawag mo lang ako." Yumuko na si Oscar bago tumalikod at naglakad palayo. Sumunod na rin sina Resty at Erikson.

Hinila na 'ko ni Lady Grenda sa loob saka sinarado ang pinto. Binitiwan niya rin ako pagkapasok. Hinubad niya ang kulay pulang sombrero at nilapag 'yon sa kulay pulang sofa.

"Let's check the rooms..." aniya.

Sumunod ako. May dalawang kwarto rito. Pumasok kami sa main room. Bumungad sa amin ang malaking kama na kulay pula. Maging ang mga kurtina ay kulay pula. Ang agad na nilapitan ni Lady Grenda ay ang walk-in closet.

"Oh." She chuckled. "Mabuti na lang at nandito na ang mga damit ko." Humarap siya sa akin. "Can you get me a glass of wine?"

"Sure, Milady."

"Kuha ka na rin ng sa 'yo," aniya pa.

Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kusina. Kumpleto rin ng gamit dito. Nakita ko agad ang salamin na lagayan ng mga alak. Kumuha ako ng dalawang baso at nagsalin doon.

Damn. Why isn't she mentioning Brix?

Nang makakuha ng alak ay bumalik din ako agad sa kwarto. Naabutan kong nakapagpalit na ng damit si Lady Grenda. Dress pa rin naman ito na kulay pula. Kung hindi ko lang alam na siya ang ina ni Nath ay aakalain kong kambal sila.

"Here, Milady..." Nilapag ko sa maliit na table ang isang baso at ang isa pa ay hinawakan ko. "Are you hungry? Do you want me to get you some foods—"

"Can you comb my hair?" she requested.

"Sure!"

Nilapag ko ang wine glass at tinanggap ang suklay na inabot niya. Kinuha niya ang kanyang alak bago humarap sa tukador. Habang hinahagod ko ang buhok niya ay umiinom siya ng alak.

"I've heard a lot about you..." she started. "Feisty, gorgeous, fearless, distracting and a messy woman. But no one told me you are this graceful and obedient."

Ngumiti ako. "I am not insane to act reckless in front of you, Milady..."

"But you have the guts when it comes to Brixton Wenz Cardinal. Imagine being as fearless as you. Commendable."

That's the first time I've heard her mention him. Pero hindi katulad ng malambing na pagbanggit niya sa mga pangalan nina Oscar at Nathalia. How she mentioned Brix's name came out like It's nothing to her.

Tumikhim ako. "And I already regret the times I did that..."

"Drink your wine..." she ordered.

Hininto ko ang pagsuklay sa kanyang buhok para abutin ang alak ko. Inisahang lagok ko lang 'yon bago bumalik sa pagsuklay. Hindi naman magulo ang buhok niya pero gusto niya lang siguro ma-relax. Kahit na galing siya sa initan ay mabango pa rin.

"How is he?" she suddenly asked.

Bahagya akong natigilan. "Still miserable..."

"As he should..."

Natigilan ako sa pagsuklay pero agad ding nakabawi. Hindi ko inaasahang maririnig ko 'yon sa kanya. She's acting like he's not even her son. Ano ba ang nagawa ni Brix sa kanya? Is she mad at him, too?

"He's like his father but worse," she continued. "Proud and arrogant. Shame."

I agreed with that somehow except that she sees Brix worse than his father. Hindi ko tuloy maiwasang hindi isipin na mukhang ako lang ang nakakaalam sa totoong Brix. He's not what they thought he is!

Napaayos ako ng tayo dahil bigla ring tumayo si Lady Grenda. "Ikaw naman ang umupo, Lady Astra. I want to brush your black silky hair, too."

Kinuha niya sa akin ang suklay at pinaupo ako sa pwesto niya. Napasinghap ako nang simulan niyang hagurin ang buhok ko, marahan na marahan na hindi ko tila ang haplos ay hangin lang.

"You are really gorgeous. You suit to be a queen..." she said. "You can actually take my place as the Queen of Nightfall Clan. Well... matagal na rin naman akong wala rito. Maybe, the time has finally come."

"A slave cannot be a queen..."

"Unless married to a king..." Natigilan ako sa sinagot niya. Hininto niya ang pagsuklay sa buhok ko. Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa batok ko. "You can't be the queen of this clan unless you marry the king."

Hindi na ako nakapagsalita dahil hindi ko makuha ang punto niya.

"Would you like to be a queen, Lady Astra?" she whispered. "I can help you..."

I swallowed. "H-how?"

"You know the answer."

"I cannot marry Lord Severo."

She chuckled. "Bull's eyes. But... his time has come."

"What do you mean, Milady?"

"After The Unus, a new era will be born," she whispered on my ear. "There will be a new king and definitely, a new queen."

Natutop ako sa kinauupuan. Ipapasa na ba ni Lord Severo kay Brix ang position? Dapat ay natutuwa ako pero bakit hindi ko magawa? I feel strange about this.

"Brix needs to be there..." bulong pa niya.

Pagkatapos no'n ay sinabihan muna ako ni Lady Grenda na umalis para makatulog siya. Tulala ako at malalim ang iniisip habang naglalakad. Ito na ba talaga?

"Aw!" I winced when I bumped into someone.

"Apologize, Milady..." Yumuko ang kawal na nabunggo ko bago humabol sa mga nagmamartsa niyang kasama. Sinundan ko siya ng tingin.

Naningkit ang mga mata ko habang nakatingin sa marka sa kanyang batok. Parang inukit gamit ang mainit na bagay. Katulad na katulad ng kay Brix. S.

"Astra!" Napatingin ako kay Erikson. "Ayos ka lang?'

Tumango ako. Tumingin ako sa kawal pero wala na ito.

"May problema ba?" Sinundan din ni Erikson ng tingin ang pinagmamasdan ko. "Huy. Ano nga? Sino ba ang tinitingnan mo?"

I shook my head. "I'm hungry. Kain muna tayo?"

"Tara kain!" masaya niyang aya.

Sinamahan niya akong kumain. May mga sinasabi si Erikson pero hindi ko magawang pagtuonan ng pansin. Hindi mawala sa isipan ko ang mga sinabi ni Lady Grenda. Kung gano'n ay kailangan nga ni Brix na makabalik sa lalong madaling panahon.

He needs to claim the position.

"Makakarating ba si Brix?" biglang tanong ni Erikson.

"Sabi niya..." Ngumuso ako. "Sana..."

Nung gabing 'yon ay nagkaroon ng pagtitipon sa Battle Arena. Isa-isang pinakilala sa lahat ang mga leader ng clans at may kasama silang dalawang kawal. Mukhang ginawa nga nila ang sinabi ni Resty na utos ni Lord Severo, ang magsama sila ng dalawang malalakas na kawal.

For what?

Nakaposisyon din sa paligid ang Junior Squad at lahat ng mga batikan sa pakikipaglaban. I almost rolled my eyes. Sa tingin ko naman ay malalakas ang mga leader na ito. The security was absurd. Ano ba ang kinakatakot nila?

Nagkaroon din ng palabas nung gabing 'yon. Nagsindi ng bonfire sa gitna at may mga sumayaw. May mga nagbubuga ng apoy at nag-umpisa na rin ang palabas ng mga Junior Squad. Bakas ang tuwa sa mga mata ng mga leaders.

Napangiti ako. They are enjoying the show. Resty did a great job organizing this event.

Pumirmi ang tingin ko kay Lady Grenda na nakangiti rin habang nakatingin sa palabas. Hindi ko pa ring mataganggal sa isipan ko kung paano niya banggitin si Brix. Parang wala lang sa kanya.

"Ang galing!" si Erikson na tuwang-tuwa.

Nagmasid ako sa paligid. Hinanap ko ang kawal na may markang S pero sa halip na siya ang makita ko... mas marami pa. Kala tang mga kawal na may markang S.

What the hell?

Lumipas ang gabi nang payapa. Hindi ko na napuntahan uli si Lady Grenda sa tinutuluyan niya. Inabangan kong dumating si Brix pero wala pa rin.

Hanggang sa ikatlong araw ng Unus ay wala pa rin si Brix. Nagsimula na rin akong kabahan. Where the hell is he? Huwag niyang sabihin na hindi siya darating!

He is about to become the leader of Nightfall Clan! Shit. Brix. Where are you?

Nawalan na ako ng ganang makihalubilo sa iba nung pagsapit ng ikaapat na araw ng Unus. Hindi na rin ako mapanatag. Hindi na ba makakahabol si Brix? Ano ang dahilan?

"Here..." Inabutan ako ni Erikson ng supot ng dugo. Umupo rin siya sa bench na inuupuan ko. "Hindi ka na naman makatulog? Ilang araw na 'yan ah?"

Binuksan ko ang supot at kinalahati ito. "I haven't seen Oscar yet..."

"He must be busy," aniya. "Why?"

Umiling ako. "I just find things weird. What's the purpose of tight security? Sabi ni Resty ay hindi naman daw ganito dati pero bakit ngayon? For what?"

Tumawa si Erikson at hinagod ang likod ko. "Hey. Easy. Last na bukas ang Unus. Don't overthink..."

Inubos ko na ang laman ng supot. Bumuntonghininga ako. "We will have a new leader by tomorrow, too. Pero mukhang hindi mangyayari kapag 'di dumating si Brix."

Napatingin sa akin si Erikson. Gulat ang kanyang mukha. "W-what?"

Huminga ako nang malalim. "Iyon ang sabi ni Lady Grenda sa akin. Paano kung wala pa rin si Brix? Sayang ang pagkakataon. Hays. Saan na ba kasi siya?"

Umiwas ng tingin si Erikson. Kumunot ang noo ko.

"S-sige, Astra..." Tumayo na ito. "Matutulog na ako."

Naningkit ang mga mata ko. "Erikson..."

"Bakit?"

Lumunok ako. "Is Brix a real Cardinal?"

I know that question is absurd. Pero kung paano tratuhin ni Lady Grenda ito nang parang wala lang. I must be missing something. Like... the main piece of the puzzle.

"W-what?"

Tumayo rin ako at hinarap siya. "I have two more questions left, right? Is Brix a real Cardinal?"

Napapikit ito at kinagat ang kanyang labi. "Yes..."

My fists balled up. "Okay. He is a Cardinal since he is a son of Lord Severo Cardinal..." Lumunok ako. "How about Lady Grenda? Siya ba ang tunay na ina ni Brix?"

"That?" napakapa ito ng sagot. "I am not sure..."

I furrowed my brows. "Hindi kita maintindihan."

"Ang rason kaya napatalsik si Lady Grenda sa Nightfall Clan ay tinangka niyang patayin si Brix..."

I felt horried when I heard that. Sobrang ginimbal nito ang isipan ko. Suminghap. Tangina. Ano? Paano? Bakit? Bakit lagi na lang si Brix? Ang gago ng pamilyang ito.

Bumaba ang boses ni Erikson. "Anong klaseng ina ang makakagawa no'n sa anak, hindi ba? Kaya ang sagot sa tanong mo ay hindi ko rin alam. I don't know. I am still confused until now."

Napaupo ako uli sa bench. Tila sasabog ang isipan ko sa dami ng katanungan. Pakiramdam ko ay maiiyak na lang ako. Bakit ganito ang buhay ni Brix?

"Kung gano'n..." Natawa na lang ako sa pagkayamot. "Hindi si Brix ang tinutukoy ni Lady Grenda. Kung gano'n katindi ang galit niya kay Brix, imposibleng si Brix ang papalit na leader."

"Oscar..." bulong ni Erikson.

Napapikit ako. What the fuck?

Pero... bakit pinapapunta ni Lady Grenda si Brix? Bakit gusto niyang naroon din si Brix?

Napadilat ang mga mata ko nang may mapagtanto.

"I-it's a trap..." wala sa sariling bigkas ko.

"Then, we must warn Brixton," desididong sambit ni Erikson.

Tumango ako. "He must not attend that. They must not start a war against Brixton. Or else... the Nightfall Clan will fall."

"What do you mean?"

Lumunok ako. "He is—"

"Astra!" Nagulat ako nang bigla akong niyakap ni Erikson. "Shit!"

Napatingin ako sa likod niyang may tama ng palaso. Kung hindi ako nagkakamali ay ito rin ang palaso na ginamit sa amin sa gubat. Hindi ako agad nakalagaw sa bilis ng pangyayari.

"I-I can't move..." Erikson whispered. "Shit. Damn it."

"E-Erikson..."

"S-sorry. Sorry. I can't move. R-run... please?" he whispered. "Fuck. Run, Astra..."

Nawala sa kapit ko si Erikson at bumagsak sa lupa. Tila nablangko naman ang isipan ko. What's happening?

Bago pa man ako makakilos ay naramdaman kong may tumama sa likod ko. Ilang sandali pa ay namanhid na ang buong katawan ko. Hanggang sa unti-unti na rin akong bumagsak sa lupa.

Please, don't underestimate Brixton Wenz Cardinal.

He is the S.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro