Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 51

Chapter 51: The Fog

Lutang ako nang makasalubong ni Abel. Nawala ako sa katinuan dala nung huli naming pag-uusap ni Brix. Kulang na nga lang ay makalimutan ko rin ang dahilan kaya ako lumabas.

"May hinahanap ka na naman?" tanong ni Abel. May hawak ito kalaykay na nakapatong sa kanyang balikat. Mukhang papunta ito sa farm dahil sa ayos niya.

"Hinahanap ko kasi si Ginang Melendez. Have you seen her?" I asked, try to set aside the things that bother me.

Tumingin sa likod si Abel. "I think kasama niya ang ibang tagapagsilbi para maglaba sa sapa." Humarap siya uli sa akin. Binaba niya ang hawak na kalaykay. "Samahan na kita."

"No." Umiling ako. "Saan ba ang sapa?"

Hinawakan niya ang braso ko at hinila ako sa sulok. Saka niya binitiwan ang kalakyak para harapin ako. Napalunok ako sa sobrang seryoso ng kanyang mukha.

"Did Sev kidnap you?" he suddenly asked.

"W-what?" I chuckled. "Ano ba ang sinasabi mo?"

Tumikhim siya. "You lied about your pregnancy. And... something about that guy is bothering me. Hindi ko alam kung paano ipaliwanag pero masama ang kutob ko sa kanya. Tell me, do you need help? Huwag kang matakot."

Hinawi ko ang kanyang kamay sa braso ko. "Sev is a good man, Abel. Pikon lang siya at hindi palabiro. At tungkol sa pagbubuntis ko, ginawa lang namin 'yong alibi para papasukin kami."

"For what? What's the alibi for?"

Natigilan ako. "P-para patuluyan niyo kami rito. I'm sorry for lying. Wala kaming ibang pagpipilian."

"Fine!" He let out a heavy sigh. "But..." Ramdam ko ang pag-aalangan sa kanya. "Sino ba talaga ang lalaking 'yon? How come those insurgents are afraid of his presence? Kahit na si Papa, nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata. Who is he?"

"Sev..." sagot ko diretso sa kanyang mga mata. "He is Sev. That's all you need to know about him." Saka ko na rin siya tinalikuran. "Kung hindi mo masasabi kung saan ang sapa ay salamat na lang."

"Sa likod. Papasok sa kakahuyan. Hindi ka rin lalayo dahil malapit lang doon," sagot nito bago bumuntonghininga. "I'm sorry for meddling too much in your life."

"Sige. Salamat sa pagturo..." Naglakad na rin ako papunta sa likod na sinasabi niya.

I don't to ruin Sev. Ito lang ang tanging hiniling niya kapalit ng katahimikan sa lugar na ito – ang manatili pa nang ilang araw bilang si Sev.

As I walked into the woods, I heard a gushing sound somewhere. Sinundan ko ang narinig at dinala na ako nito sa sapa kung saan nadatnan ko ang mga babaeng tagapagsilbi na naglalaba sa gilid ng sapa.

"Lady Astra?"

I didn't even need to look for her because she already approached me. Her welcoming smile didn't budge. Medyo may katandaan na rin ang histura niya gaya ni Pinunong Bermudo.

"Magpapalaba ka ba?" tanong nito. Pinunas niya sa damit ang mga basang kamay. "O may kailangan na iba?"

"Magtatanong lang po sana ako kung ano ang pwedeng gawin sa bulaklak para hindi malanta? Maliban sa pagbabad sa tubig," sabi ko. "'Yon po sanang mapapakinabangan."

Halatang napaisip naman ito. "Kandila. Pwede mong gawing kandila para magamit niyo rin sa tuwing nagpapainit kayo ng asawa mo." Saka siya mahinang tumawa.

Napangiwi ako. Parang si Albina lang ang isang 'to.

"Salamat po. Uhmm..."

"Hindi ka marunong," aniya saka tinanaw ang mga babaeng naglalaba. "Oh siya. Ipapasa ko na muna sa iba ang labahan ko para masamahan ka."

"Ay. Pwede naman pong sa susunod na lang," agad kong pagtanggi dahil nakakahiya. Saka andito lang naman ako para magtanong. "Pasensya na po sa abala."

"Hindi." Hinawakan niya ang braso ko, ramdam ko ang lamig ng kanyang kamay. "Kaunti na lang naman ang lalabahan ko. Sandali lang ah?"

Wala na rin akong nagawa kung hindi hintayin siya. Kinausap niya ang isang babae at binigay sa kanya ang labahin. Wala akong nabakas na pagtutol sa babae. Nakakamangha talaga ang pagsasamahan nila rito.

Siguro mas madali ang buhay ko kung dito lang ako napadpad. Unfortunately, I got in the most powerful and dangerous clan of vampires.

"Tara na..." aya ng ginang matapos.

She brought me to her house. Hindi katulad sa tinutuluyan naming gawa sa kahoy, gawa sa bato ang bahay na ito. Malinis ang kulay puting pader. May mga kagamitan siyang gaya ng pananahi.

"Pasensya na. Nataranta ako kanina dahil sa paglusob ng mga rebelde kaya nakalimutan kong maglinis. Maupo ka muna," saad niya habang nililigpit ang mga tela sa gilid ng makina. "Teka. Kunin mo na kaya ang bulaklak na gagawin mong kandila?"

"Ay sige po."

Gaya ng sinabi niya ay kinuha ko ang bulaklak sa silid namin. Si Brix ay nakadapa na at walang pang-itaas, mukhang nainitan. Gano'n pa man ay mahimbing ang tulog nito.

Sumagi sa isipan ko ang sinabi niya kanina. Hindi ko pa alam ang isasagot ko. May parte sa akin na gusto... gustong-gusto dahil ito ang paraan para tuluyan akong matali sa kanya at may parte rin na takot dahil alam kong mali. Sa oras na pumayag ako ay siya ring oras na tinanggap ko ang isang panibagong dagok.

Though I want to be with him so bad... I can't stop thinking of all the possible consequences. I need more time. Ayokong magpadalos-dalos ng desisyon.

Bumalik ako sa bahay ni Ginang Melendez. Nadatnan ko na ang mga aparato na gagamitin namin tulad ng wax, tali, at mga shot glass na paglalagyan ng wax.

"Nasaan nga pala ang asawa mo?" tanong ng ginang habang nakatalikod pa rin sa akin at nag-aayos. "Kaninang umaga ko pa siya hindi nakikita."

"Nasa silid po. Natutulog."

Narinig kong tumawa ito. "Masyado sigurong napagod kagabi..."

"Ay. Ito na nga po pala ang bulaklak."

Humarap siya sa akin. Nang makita niya ang hawak kong bulaklak at napawi ang ngiti sa kanyang labi. Ilang sandali pa ay umangat ang tingin niya sa akin.

"Hyacinth. B-bihira dito ang mga ganyang bulaklak. Kadalasan ay sa pinakasuluk-sulukan natatagpuan ang mga ganyan." aniya. "A-ang asawa mo ba ang kumuha nito?"

Naguguluhan man pero tumango ako. "Mas mabango naman po 'yan kesa sa mga bulaklak sa paligid."

"Gano'n na nga..." Bumuntonghininga ito pero hindi pa rin tinatanggap ang bulaklak.

"May problema po ba?" tanong ko.

"Wala. Wala." Tinanggap niya ang bulaklak bago ngumiti uli... pero alam kong pilit na ang ngiti niya. "Lalagasin lang natin ang mga talulot ng bulaklak at patutuyuin. Kailangan nating magmadali dahil palubog na ang araw."

"S-sige po."

Tinulungan ko siya sa paglagas ng mga petals ng bulaklak. Naninibago ako ngayon sa kanyang pananahimik. Pansin ko rin ang maya't mayang pagsulyap niya sa akin na tila may gustong sabihin.

"Ako na po ang maglalabas..." Kinuha ko ang sisidlan na naglalaman ng mga talutot. "Sandali lang po."

Ramdam kong nakasunod ang tingin niya hanggang sa makalabas ako. Weird. Mukhang hindi niya nagustuhan ang bulaklak na dala ni Brix. Mabango naman ito at hindi hamak na mas maganda sa mga nakikita kong bulaklak dito.

Nilapag ko sa mainit na lugar ang sisidlan at pinatungan ito ng bato para hindi tangayin ng hangin. Pagkatapos ay bumalik din ako agad sa loob.

Nadatnan kong nagpapadingas na si Ginang Melendez. Umupo ako sa tabi niya at pinanuod siya. Saka gusto ko ring mainitan. Masyadong malamig ang klima rito.

"Gusto mo bang magpatingin mamaya sa manggagamot?" biglang tanong ng ginang. "Para masuri niya ang kalagayan mo at ng anak mo na rin."

"Hindi na po. Baka hanggang bukas na lang din naman kami rito," sabi ko. "Siguro ay bibisita naman kami lagi rito. Ang babait ng mga naninirahan dito."

Napatingin ako kay Ginang Melendez nang hawakan niya ang braso ko. Now, she is really acting weird. "Naniniwala ka ba sa manghuhula, Lady Astra?"

Shit. Naninibago na talaga ako sa kanya.

"H-hindi po ako sigurado..." nag-aalangan kong sagot.

"Isa akong manghuhula," aniya. Binitiwan niya ang braso ko at saka nilapitan ang isang malaking kandali sa ibabaw ng isang lamesa. "Hindi ko kayang suriin ang nararamdaman mo pero kaya kong mabasa ang mga simbolo..."

Hindi ako nakasagot.

Humarap siya sa akin nang nakangiti. "Sa totoo niyan ay gustong-gusto ko talagang gawin sa 'yo ito. Magmula nung makita kita... at ang asawa mo."

Nanuyo ang lalamunan ko. Naghihinala na rin ba siya?

"Hindi kita pipilitin..." aniya nang hindi ako sumagot. "Alam kong nakakatakot ang ginagawa ko pero madalas ay nagbababala lang ako. Hindi ko nakikita ang totoong mangyayari pero nararamdaman ko. Kung handa ka na... sabihin mo sa akin. Sana lang ay hindi pa huli ang lahat."

"B-bakit po, Ginang Melendez? Ano po ang nararamdaman niyo sa akin?" Lumakas ang tibok ng puso ko. "Masama po ba? May mangyayari po bang hindi maganda?"

"Ang inyong mga mata ng asawa mo ay may ibang hangarin. Walang pagkakaisa. Mahina ang pananggala. Marupok ang pinanghahawakan ninyo. Isang ihip ng hangin ay maaaring matumba."

"Po?"

"Matataas na alon. Ipo-ipong pilit na kumakawala sa pagkakagapos. Nagsusumiksik na alapaap. Ang oras ay tila isang kandilang unti-unting nalulusaw. Alam mo ba kung ano ang senyales nito? Isang mapaminsalang bagyo."

Natutop ako sa kinauupuan ko. Hindi ko maunawaan pero sumikip nang sobra ang dibdib ko. Kung ano man 'yon ay hindi maganda sa pakiramdam.

Tumawa ang Ginang. "Hindi pa ako sigurado. Hindi pa kita nasusuri nang mabuti. Minsan ay mali rin naman ako. Pero ngayon ko lang ninais na sana nga... sana ay nahihibang lang ako."

Tinakpan ko na lang ng isang ngiti ang pagkalitong nararamdaman. Kung gano'n ang nakikita niya sa akin ay ayoko na ring kumpirmahin pa. Ayokong alalahanin ang parating... gusto kong mabuhay sa kasalukuyan.

Sinalang na ni Ginang Melendez ang aparato para sa pagtunaw ng wax. Ako naman ay hinanda ko na ang mga baso na pagsasalinan. Simple lang naman ang paggawa pero kailangan mabilis lalo na mabilis ding matuyo ang wax.

Mabilis din na natuyo ang mga bulaklak. Bago namin sinalin sa lalagyan ang nalusaw na wax ay binuburan muna namin ito ng tuyong bulaklak. Nakagawa kami ng sampung kandila.

"Kailangan na lang nating patuyuin," sabi ng Ginang nang matapos kami. "Madilim na rin. Siguro ay bumalik ka muna sa tirahan ninyo dahil baka gising na ang asawa mo. Balikan mo na lang bukas dito ang mga kandila."

"Salamat po!" Hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ko.

"Maaari ko bang mahingi ang mga sobrang tuyong bulaklak?" aniya. "Gusto ko rin sanang magamit ito kung maaari."

"Sige po. Sa inyo na lang."

"Salamat, Lady Astra. Sige na."

Yumuko ako sa kanya bago lumabas. Habang naglalakad ay naiisip ko pa rin ang mga sinabi niya. Isang bagyo? Kung ano man 'yon ay hindi na siguro ako gaanong maaapektuhan. Naging isang bagyo ang buhay ko nang maging ganito ako.

Naabutan ko si Brix sa harapan ng bahay namin. Naka-jacket na ito at nakaupo. Nang makita niya ako at bigla itong napatayo. Masama ang tingin nito.

Lumapit ako sa kanya. "Ano ang ginagawa mo sa labas? Malamig dito."

"Where have you been?" malamig ang boses nito. Humalukipkip pa siya. "Hindi ba ang sabi mo ay lalabas ka lang? Wala kang sinabing gagabihin ka."

"Eh? Nagpatulong kasi ako kay Ginang Melendez na gawing kandila ang bulaklak na bigay mo." Tumabi ako sa kanya at hinawakan ang jacket niya. "Pumasok na tayo."

"What? Ginawa mong kandila?"

Tumango ako. "Kesa sa malanta at hindi mapakinabangan."

"Magandang gabi..." Napatingin kami sa dumating na dalawang babae. "Ipapasok lang sana namin ang pagkain niyo."

Tumabi kami ni Brix para makapasok ang dalawang babae. Naramdaman kong umakbay sa akin si Brix. Hinaplos ko ang kanyang kamay.

"What's wrong?" he asked.

"What?"

"Wala."

Nang makalabas ang mga babae ay kami naman ni Brix ang pumasok. Umupo na kami at kumain. Pareho lang kaming tahimik. Gutom din ako dahil maghapon akong hindi kumain.

"You can go here anytime you want," Brix suddenly said.

Nanatiling tikom ang bibig ko.

Tumikhim si Brix. "Hindi ba ang sabi ni Papa ay kailangan nating umuwi bago mag Unus? Sa isang araw pa 'yon. Pwede pa tayong humabol."

"Hindi ba kasama si Pinunong Bermudo sa Unus?" tanong ko.

Umiling si Brix. "Kadalasan ay may mga ranggo o mataas na pangkat lang ang kasama roon. Esparago Clan is also an independent clan. Wala silang kaalyado."

"Oh." I nodded.

"May problema ba, Astra?" tanong na naman nito. Uminom muna siya ng alak bago nagpatuloy. "Kanina ka pa tahimik. Tungkol ba 'to sa sinabi ko—"

"No." Umiling ako. "Not at all."

Umusog siya sa akin. "Then, what?"

Napatitig ako sa kanya. "Ang sabi sa akin ni Erikson ay si Eskelle lang ang tanging nagkaroon ng pagkakataon para mapatumba ka. How's that possible? He was a human, right? That doesn't make sense."

He stared at me for a while. "Do you really want to know?"

Tumango ako.

"Finish your food and let's have a walk," he said as he stood up. "Nasa labas lang ako."

Minadali ko ang pagkain at agad ding sumunod kay Brix. Magkatabi lang kami ni Brix habang naglalakad. Napagpasyahan kong kumapit sa kanyang bewang at mas idikit ang katawan namin. Umakbay rin siya sa akin.

"He saved me..." Brix started. "It was a risky mission and I managed to win it. Pero napuruhan ako. Hindi na ako makagalaw. Lying on the ground, my body felt numb. I was losing consciousness when he suddenly appeared. He lent me his blood. That's how I survived the death."

Manghang napatango ako. "H-hindi pala literal. He could have let you die there but he saved you. Have you felt like you owe him your life? Is that it?"

Brix nodded. "Yeah. He was the bravest man I've met. He knew I was not a human but he never got scared. He treated me like a brother... I did the same."

"Whoa. That was heartwarming..." I chortled.

"Erikson. Resty. Braun. Three of my members." Ramdam kong parang nahihirapan si Brix sa sasabihin niya ngayon. Huminga siya nang malalim. "They were all there that day."

Napatingin ako sa kanya. "What?"

"They were there when I was in the verge of dying, watching form a far, waiting for it to happen..." He chuckled. "That's how Kelly got me. He was the only one who helped me."

Natutop ako. Sa tingin ko ay 'yon ang ibig sabihin ni Callum nung sinabi niyang tinangka nilang patayin si Brix. Hindi ako makapaniwala. Siya ang leader nila pero nagawa nila 'yon.

Pero ang hindi nila alam ay... alam ito ni Brix. He knew about it all this time.

"Maybe you are right, Astra. Power intimidates genuine things. I looked up to them not just my comrades but also my friends but I don't think they did the same. Tragic."

"How about Oscar?" I gulped.

Si Brix naman ang napatingin sa akin. "What about Oscar?"

Natahimik ako. Shit. He doesn't know yet.

Umiling ako. "Alam ba 'to ni Master Oscar?" tanong ko na lang.

"Maybe..." He shrugged his shoulders. "Naging kaibigan ko si Eskelle. He became my secret. Naging pabaya ako kaya nalaman din ito ng ibang squad hanggang maging si Oscar. Sinumbong niya ako kay Papa. It was against the rules but he let me be friends with him anyway."

What? Is that it? Gano'n lang baa ng kasalanan ni Oscar? I don't think so. Parang may iba pa siyang ginawa para mangamba nang gano'n.

"Siguro ay nag-aalala lang siya sa 'yo," sabi ko na lang.

"I'm not sure..." He let out a heavy sigh. "Kay Kelly ko naramdaman ang tunay na pagkakaibigan. I've never felt like that before, not with my comrades, not with my family. The acceptance..."

But they took him away, too. He's right. Lahat ng pinahahalagahan niya ay nawawala... kinukuha... at pinagkakait sa kanya.

"That led you to that, right?" he asked.

"Yeah. But I discovered something that day, too..." He looked at me again. "I have this strange ability that keeps me miles different from the rest. Do you want to see it?"

Lumunok ako bago tumango.

Hinila ako ni Brix papasok sa loob ng kagubatan. Binitiwan niya rin ako saka bahagyang lumayo sa akin. Huminga siya nang malalim bago ngumiti sa akin.

"This is me, Astra..."

Napasinghap ako nang biglang lumamig. Nanayo ang mga balahibo sa katawan ko. Napatingin ako kay Brix. Nakatingin ito sa akin gamit ang kanyang mga pulang mata.

Ilang sandali pa ay namuo ang hamog na bumalot sa paligid. The thick fog filled my sights. Napakapa ako ngayon dahil parang nabulag ang mga mata ko. Ito rin 'yung pakiramdam ko no'ng muntik ko nang mawala si Servena.

"It took me quite some time before I mastered this ability..." Sa isang iglap din ay naglaho ang mga makapal na hamog. Nakalapit na pala sa akin si Brix. "Lumalabas ito sa tuwing umaapaw ang nararamdaman ko. I want you to know that fog is a threat to everyone but for you... it's a safe place."

Napatulala ako sa kanya.

Hinaplos niya ang mukha ko. "Are you scared of me, Astra?" he asked.

"Can you do it again?" I requested.

He smiled.

When the fog blinded our sights, I claimed his lips. I wrapped my hands around his neck as I pulled him closer. Naramdaman kong rumagasa sa bewang ko ang kanyang kamay.

I parted our lips to give my answer.

"You are the only master I want to serve as long as I live. I want to do it with you, Master Brix."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro