Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 50

Chapter 50: The Last Piece

Hindi ko naatim na makipag-usap kay Brix matapos ng nagyari kaya tumalon na ako pababa ng puno at nag-umpisa nang maglakad papunta sa tinutuluyan namin. Agad din naman itong bumuntot sa akin.

"I don't get it. Why am I gago?" Brix chortled. "Damn. That sounds off."

I gritted my teeth in anger. He's pushing my buttons.

"What's wrong with you?" He tried to grab mg arm but I flinched it. "What? Don't tell me you like that lame rose better than this one? Tasteless."

Oh, God. How he acts like nothing happened at all is making me more exasperated. What's wrong with me? Ako pa talaga? Wala lang ba sa kanya na bigla na lang siyang umalis magdamag nang hindi man lang nagsasabi?

Then again, he does it always. He will drag me in a situation and leave after. But this is not one of those. Hindi lang siya basta umalis... ginulo niya muna ang utak ko bago umalis. Iniwan akong lutang sa mga salita niya.

Nang makapasok sa loob ng tinutuluyan namin ay inaktong kong isasarado na ang pinto pero agad niya 'yong napigilan. Hinayaan ko na lang siya at dumiretso ako sa bag ko. Pinasok ko sa loob ang mga damit ko.

"The mission isn't accomplished yet," I heard him say. Sa pandinig ko ay ramdam kong parang naiinis na rin siya. "Why don't you tell me what's wrong? What's bothering you?"

"Stop!" Tumayo ako at hinarap siya. "Why don't you ask yourself, Brix?"

Bumali ang leeg niya. "Oh. Last night?"

Napapikit ako sa inis.

"Last night is my last stay here," I said as I stared at him idly. "I'm leaving today. You can stay here and finish your mission. Mauuna na ako. Sorry, Master Brix..."

"Okay." He nodded. "But bring this flower with you—"

"Brix." Huminga ako nang malalim dahil masyado nang masikip ang dibdib ko. "You don't get it, do you? Iniwan mo akong mag-isa rito kagabi. Hindi ba ang sabi mo ay huwag akong lalayo sa 'yo? Pero... ikaw naman ang nang-iwan."

"Were you scared?" Lumambot ang boses nito.

"A-akala ko ay iniwan mo na naman ako." I got teary-eyed this time. "Yes. I was scared. I got paranoid. Disppointed. Alam kong wala akong karapatang magreklamo pero... pakiusap, kung aalis ka... magpaalam ka naman. Huwag mo akong paghintayin sa wala. Para alam kong wala na rin akong hinihintay."

Natigilan ito at sa tingin ko ay nakuha niya ang punto ko. Bumagsak ang kamay niyang may hawak sa bulaklak. He looked disappointed this time.

"That's all, Master Brix. I'm sorry for being dramatic—"

"I'm sorry..."

That stopped me. Gusto kong isipin na mali ang pagkarinig ko pero malinaw 'yon. What? Brixton? The freaking beast of Nightfall Clan just said that word?

The frustration is now visible in his eyes. "I didn't mean to scare you. The truth is... I couldn't face you, too. Dapat ay naging maingat ako sa mga salitang binitiwan ko kasi alam kong ikaw ang mapapahamak—"

"Do you regret saying that?" I cut him out.

I don't know what hurts more. 'Yung pang-iiwan niya nang walang pasabi o 'yung nagsisisi siya sa mga sinabi niya kagabi.

"I don't know..." He shook his head as he checked on the flower he's holding. "But one thing is for sure." He looked up at me again. "I've never felt as brave as last night before because finally I said it. My feelings turned into words."

With my shaking lips, I said, "Gago ka talaga, Brix. As in sobrang gago mo."

Sumilip ang maliit na ngiti sa kanyang labi. "Well... I am here now, Milady. You have nothing to be scared of now that the scariest shit is with you."

Huminga ako nang malalim. "What's that again?" tukoy ko sa bulaklak.

"Bati na tayo?" tanong niya.

"Akin ba 'yan?" tanong ko.

"Hell yeah!" Inabot niya uli sa akin ang bulaklak pero sa pagkakataong ito ay tinanggap ko na. "That shit is more badass than that plain red rose you can pick anywhere."

Pinagmasdan ko ang kulay lilang bulaklak at inamoy. Damn. Bawi agad ang gago. Hindi ko alam kung mababaw lang ba talaga ako o talagang nakakaantig ang bulaklak na ito.

Natigilan kami nang may kumatok sa pinto. "Astra? Sev? Andyan ba kayo sa loob?" Si Abel.

Si Brix ang nagbukas ng pinto. Nilapag ko ang bulaklak sa lamesa para lumapit din. Bumungad sa amin si Abel. "Sorry sa istorbo pero... gusto kayong makausap ni Ama."

Hindi nakaligtas sa akin ang pasimpleng pagtingin ni Abel kay Brix. Shit. Mukhang alam na nila. Nalaman na rin ni Abel na hindi talaga ako buntis.

Bumaling sa akin si Brix. "Tara?" aya niya nang parang wala lang.

Hays. Hindi ba marunong kabahan ang isang 'to?

"Bakit daw, Abel?" tanong ko muna.

"Hindi ko rin alam e," aniya. "Pero hindi sa bulwagan. Inimbitahan niya kayo sa kanyang silid mismo. Sa tingin ko ay masyadong personal ang gusto niyang pag-usapan."

Alam na nga yata niya.

Sumunod kami kay Abel. Ngayon ay nag-iba ang timpla ng paligid. Nakatingin sa amin ang mga kawal na hanggang ngayon ay mukhang lito pa rin. Sino ba naman kasing hindi magtataka na bigla na lang nangatog ang mga rebelde dahil lang sa pagsulpot ng isang bampira?

Pumasok kami sa isang malaking bahay. Ito na yata ang pinakamodernong istruktura sa lugar na ito. Huminto kami sa isang pinto.

"Naghihintay siya sa loob," ani Abel. Hahawakan na sana ni Brix ang seradura ng pinto nang hawakan ni Abel ang kanyang braso. "Who really are you, Sev?"

Pabagsak na inalis ni Brix ang kamay ni Abel at binuksan ang pinto. Kakausapin ko pa lang sana si Abel pero mabilis akong hinila ni Brix papasok.

Naabutan naming nakaupo si Pinunong Bermudo sa kanyang swivel chair. Nakatalikod ito at nakatingin sa labas ng bintana kung saan tanaw ang bukirin.

"I was a fool not to consider that one day... you might target my clan, too..." Sa pagkakataong 'yon ay hinarap na kami ng Pinuno. "The nightmare of all vampires is inside my clan. The beast of Nightfall Clan. Brixton Wenz Cardinal."

Napahawak ako sa braso ni Brix dahil kinakabahan ako. Nanatiling nakatingin lang si Brix. Sa totoo nga niyan ay mukha pa siyang nababagot sa mga sinasabi ng pinuno.

Ngumiti si Pinunong Bermudo. "Ilang daang taon na rin akong namumuno rito. Hindi ko inaasahang darating ang araw na ako mismo ang magsusuko nito."

Kumunot ang noo ko. What?

Tumayo si Pinunong Bermudo. "Alam ko ang kakayahan mo. Ayokong madamay ang mga nasasakupan ko kaya hanggang dito na lang ako. Hindi mo na kailangang hingin pa, kusang ibibigay ko na 'to sa 'yo..."

Sa pagkakataong 'yon ay nalito ako kung saan dapat matakot. Sa maaaring mangyari sa clan na ito kung sakaling bitiwan niya o ang katotohanan na sobrang laki ng pangambang naidudulot ni Brix para maging ang isang pinuno ay mapasuko niya nang ganito lang.

"Bukas din..." Huminga nang malalim si Pinunong Bermudo. "Makukuha mo ang—"

"Ilang araw..." Putol ni Brix kay Pinunong Bermudo. "Kailangan ko ng ilang araw pa."

Bakas ang pagkalito sa mukha ng pinuno. "Hindi ko maunawaan ang gusto mo, Brix—"

"Sev," putol ni Brix sa kanya. "Gusto kong maging si Sev sa loob nang ilang araw pa. Nakalimutan mo na ba, Pinunong Bermudo? Galing kami sa Trese Clan. Ako si Sev at ito ang asawa kong si Astra. Naligaw kami sa kakahuyan at kasalukuyang nanunuluyan sa inyo nang ilang araw."

Sumilip ang maliwanag na ngiti sa mga labi ng pinuno. Huminga ito nang malalim bago tumango. "Hanggang kailan mo gustong manatili, Sev. Bukas para sa inyo ang lugar na ito."

"Okay. That's all," said Brix.

Hinawakan na ni Brix ang kamay ko at hinila ako palayo roon. Pagbukas ng pinto ay kararating lang din ni Abel galing sa labas. "Tapos na? Ano ang pinag-usapan ninyo?"

"Ang paghawak mo sa asawa ko," sagot ni Brix. "Iyon ang pinag-usapan namin dahil sa susunod na hawakan mo pa uli siya... hiningi ko na sa 'yong ama ang ulo mo."

Umawang ang bibig ni Abel sa pagkabigla.

Muli akong nagpatianod sa paghila ni Brix. Pagkalabas namin doon ay binitiwan niya rin ako para mag-inat ng katawan. "Damn. I am sleepy..."

Napatitig ako sa kanya.

"H-hindi mo tinuloy?" tanong ko.

"Nah. Hindi ba sinabi ko sa 'yong hindi dadanak ang dugo habang nasa tabi mo ako?"

"Pero kusa niyang binigay—"

"Saka..." Tumawa ito. "Alam kong hindi mo ako patatahimikin. Mukhang napalapit ka na sa ibang naninirahan dito. Kapag kinuha ko ito ay kukulitin mo akong ibalik. So..." Nakangiting yumuko ito at nilapit ang mukha sa akin. "Wish granted, Milady..."

I gave him a peck on his lips. Pareho kaming gulat sa ginawa ko.

Kumurap-kurap ang mga mata ni Brix. "What's that for?"

Namula ang mukha ko. Sa sobrang hiya ko ay nilagpasan ko agad siya at tumakbo. Nakangiwi ako. Shit. Why did I do that? Gaga ka, Astra. Gumawa ka pa ng kahihiyan!

Napahinto ako sa biglaang paglitaw ni Brix sa harapan ko. "How dare you leave after you smack my lips—"

"Stop!" Mas lalong namula ang mukha ko. Sinubukan kong ilayo ang tingin ko ngunit nahuhuli niya pa rin. "I-I didn't mean it. Nabigla rin ako!"

"Talaga?" nanuya niyang tanong.

"Y-yes..."

"Okay. Mean it this time then and make it longer." He closed his eyes and pouted his lips.

Napatingin ako sa batang nakatayo sa hindi kalayuan. Si Tegan na kumakain ng strawberry habang nakatingin sa amin. Ngumunguya pa ito habang nakatitig sa amin na parang nanunuod lang ng palabas.

"Gago. May bata..." Tinulak ko si Brix at saka nilapitan si Tegan na nanatiling nakatayo pa rin sa pwesto. "Hey. Kumakain ka na naman ng strawberry."

Tamad na lumapit din si Brix sa amin.

"What is gago?" Tegan asked.

Napakurap ako sa tinanong niya.

"Oh. He heard you, Astra. Hilig mo kasing magmura." Nilapitan ni Brix si Tegan. "Bata, saan mo nakuha ang strawberry? Pwedeng makahingi?"

"Sa farm. Namitas ako kaninang umaga..." sagot ni Tegan bago muling kumain ng strawberry. Nakanguso pa ito habang ngumunguya. "I gave two to Lady Astra. Sabi ni Papa ay bigyan ko ang mga kalaro ko pero wala siyang sinabing bigyan ka."

Umupo si Brix para magkasing-taas sila ni Tegan. "Listen, kid. Your dad is a bad influence. You shouldn't just give to your playmates. Dapat bigyan mo rin ang mga nanghihingi."

"Papa is not a bad influence, gago! Isusumbong kita kay Lolo sige ka."

Napatakip ako sa aking bibig nang marinig ang tinawag niya kay Brix. Pigil na pigil akong sumabog sa pagtawa. Inakala ba niyang Gago ang pangalan ni Brix?

"Ikaw 'yung kasama ni Lady Astra sa kabayo kahapon, hindi ba?" tanong pa ni Tegan. Bumaling siya sa akin. "Lady Astra, kaanu-ano mo si Gago?"

"Gago is not my—"

"Tegan!" Dumating si Abel. Nilapitan niya ang anak at binuhat ito. "Bakit andito ka? Tinakasan mo na naman si Lady Aida?"

Umiling ang bata. "Break time, Papa. Nanghihingi sa akin ng strawberry si Gago. Bibigyan ko ba?"

"Sino?' takang tanong ni Abel.

Tumikhim ako. Hirap na hirap na akong magpigil ng tawa. Si Brix naman ay halatang naliligaw. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa mag-ama.

"Is he your son?" asked Brix.

"Yes," Abel responded. "I have a son. That's right, Sev. Kaya huwag mo na ring iiwanan si Astra. I was just joking last night. Sige. Ihahatid ko muna si Tegan."

Kumaway pa sa amin si Tegan habang palayo sila. "See you later, Lady Astra. Bibigyan din kita mamaya ng strawberry, Gago!"

Napawi ang ngiti ko nang tumingin sa akin si Brix. Seryoso ang mukha nito. "I need you in our room... now." Saka na niya ako tinalikuran at naglakad palayo.

What now?

Sumunod ako sa kanya hanggang sa silid namin. Kinandado niya ang pinto bago humarap sa akin. Humalukipkip pa ito habang masama ang tingin sa akin.

"What, Brix? Bata lang 'yon—"

"Did you just try to flirt with a man who already has a son?" He furrowed his brows.

"Wait, what? I didn't know he has a son—"

"So, you would continue flirting with him if he doesn't have one?" Huminga ito nang malalim. "Hindi ko alam na ganito ang tipo mo sa mga lalaki. Your preference for a man is absurd. You know that? You dumb."

Naglakad ito papunta sa lamesa. Kukunin na sana niya ang bulaklak na bigay pero naunahan ko siya. "Akin na 'to. Binigay mo na. Wala nang bawian!"

Hindi ko maitago ang ngiti sa labi. Halata ang pagkaasar sa mukha ni Brix na hindi maipinta.

"First of all, I didn't flirt with him." I started to explain myself now. "Hinahanap kita kagabi at nakasalubong ko siya. Sa 'yo na mismo nanggaling, they are hospitable. He was being a gentleman to escort me while looking for you. That's just it. Now, stop acting like a jealous boyfriend—"

"I am not jealous of that lame guy," he cut me out. "Why would I? He's cheap. Rose? Hell no. But the way you ignored me just to approach that kid—"

"What the fuck, Brix?! Are you jealous of that kid?" I blurted out.

Halos lumuwa ang mga mata ko sa sandaling ito. He's impossible. Matapos sa ama ay anak naman ngayon ang pinagdidiskitahan niya. Lahat na lang ba?

"I'm not jealous of that kid! Damn it, Astra. But the way you looked at him—"

"He's a kid! That's just it!"

"You looked at him like he's the most precious—"

"Tangina, Brix. Bata 'yon—"

"That's it!" he cut me out. He looked so done of me. "You are making me want to give you a damn kid too just for you to stare at him the way you stared at that kid!"

Hindi na ako nakapagsalita sa sobrang gulat. Sobrang hindi inaasahan ang mga lumalabas sa kanyang bibig. Pero itong huli... mababaliw yata ako sa lalaking 'to.

"I'm sleepy..." Humiga na ito sa banig at niyakap ang isang unan saka ako tinalikuran. "You can stay here if you want. Whatever you do. Hindi na kita pipigilan sa kung anong gusto mo."

"Talaga?"

He looked at me in disbelief. "Are you testing my—"

"Joke," bawi ko agad. "Sige na, Brix. Matulog ka na. Baka inaantok ka lang talaga."

Binaon na niya sa unan ang kanyang mukha. "Damn. I'm so frustrated," he murmured.

Umupo ako sa tabi ni Brix habang pinagmamasdan ang bulaklak na hawak. Sa bango nito ay pwedeng gawing pabango sa katawan o 'di kaya'y kandila. Hindi ko mapigilang hindi singutin ang aroma nito.

"Brix. Lalabas lang ako sandali ah?" paalam ko bago nilapag sa lamesa ang bulaklak. Gusto kong puntahan si Ginang Melendez, baka sakaling alam niya kung ano ang pwedeng gawin sa bulaklak.

Hindi sumagot si Brix kaya akala ko tulog na. Pero nung tinangka kong tumayo ay bigla itong humarap sa akin at hinila ako. Napahiga ako sa kanyang mga braso.

"What am I to you, Astra?" he asked.

Naramdaman ko na naman ang sobrang tinding tibok ng puso ko. Sa tuwing masyado kaming malapit ni Brix sa isa't isa ay nagkakaganito ang pakiramdam ko.

He brushed my hair using his finger. It was so gentle... like a lullaby. "Aside from master. I want to know how do you see me."

Lumunok ako. "You are the only master I want to serve as long as I live."

That's the truth. Hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa kung sakaling bitiwan niya ako. Natatakot akong magising isang umaga na iba na ang pinagsisilbihan ko.

Naramdaman kong hinila niya ako at sinandal sa kanyang dibdib. His scent is better than both hyacinth and rose. For me... it's the most addicting fragrant existing.

"You know that this is an abomination, right, Astra?" he whispered. "According to the rule, a slave isn't supposed to invest a personal feeling towards her master. If broken, the most crucial punishment shall be served."

Breathing heavily, I responded, "I've heard about that."

"How about the rules of a Brixton Wenz Cardinal?"

"Brix..."

"Touch my piece and the rules will be broken," he mumbled. "Steal it and the game will be wrecked." He tightened the grip on me. "Harm it and the game is over."

He's terrifying me. His words may be tickling my feelings but it's coming for the depth of sincerity. Lulamalabas ito na tila isang pagbabanta.

"I've already lost my first piece..." he continued. "I don't want to lose you. You are my last piece. Protect me, Astra. Please be a secret. You are the only one who can save me."

Naramdaman kong unti-unti na niya akong pinakawalan. "Go now. I will just rest."

That's the moment he completely freed me.

Tila lutang na tumayo lang ako. Gaya ng madalas ay tila ipo-ipong umiikot sa isipan ko ang mga sinabi niya. Maglalakad na dapat ako palabas nang may sinabi pa ito.

"Do you want to do it with me?" he asked.

Nilingon ko si Brix. "Do what, Brix?"

"The ritual."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro