Chapter 5
Chapter 5: Good Night
I have no idea what's going on but Mr. Severo's ecstatic laugh somehow lightened the mood. Hindi ko alam kung ano ang nakakatawa pero dahil siya lang ang tumatawa ay sumabay na lang ako. Wala pa ring reaksyon ang mukha ni Brix pero alam kong hindi niya gusto ang nangyayari base sa mahigpit na paghawak niya sa 'kin. Si Nathalia naman ay halatang clueless din gaya ko.
"I didn't expect this," Mr. Severo mentioned while still laughing. Nasagi niya ang baso ng alak pero bago pa man 'yon mahulog sa sahig ay nahawakan niya agad. Napalunok ako sa sobrang bilis ng kanyang galaw. He took a sip on it while gazing at his son.
"Don't mind her, Dad. She's just like that," said Brix as he slightly bowed his head. "I apologize for the impudent behavior this girl had shown you. I promise that it won't happen anymore."
I mentally rolled my eyes. Can't he stop insulting me? Kung may nasabi man akong hindi maganda, kasalanan ko bang bigla na lang nila akong dinala rito? Malay ko ba sa mga nangyayari. Akala ko nga mas malala pa ang Papa ni Brix sa kanya pero hindi. I think he's the real monster here.
Napasinghap ako nang tumaas sa pulso ko ang kamay ni Brix. Naramdaman kong bumabaon ang kuko niya roon kaya napangiwi ako sa hapdi. Napatingin ako sa kamay ko. Nanlumo ako nang makitang tumutulo na sa sahig ang dugo ko.
"Stop..." Nathalia interrupted. Napalunok ako nang makitang sobrang pula ng kanyang mga mata. Gano'n pa man ay hindi ito nakasira sa ganda niya. Bumagay pa nga na parang naka-contact lens lang. "Huwag mong hahayaan na ulitin ko pa ang sinabi ko, Brixton."
Brix immediately let go of my hand.
Nanlaki ang mga mata ko nang makitang unti-unting naghilom ang sugat doon at ilang segundo pa ang lumipas ay nawala ito nang tuluyan. Wala man lang peklat o bakas na nasugatan ako sa parteng 'yon. This is how powerful vampires are.
"Please, have a seat." Mr. Severo motioned his hands on the seats.
Ako na ang nauna dahil mukhang wala pang balak na maupo ni Brix. Nang bumaling siya sa 'kin ng tingin ay nakita kong nag-aalab ang kanyang mga mata. Mabilis kong iniwas ang tingin ko dahil nakakapanghina ang tingin niya.
Napatingin ako sa mga nakahain sa lamesa. Kumalam ang sikmura ko. Gusto ko nang kumain pero hindi ako kumilos baka mas magalit si Brix. Pinaglaruan ko na lang ang mga kamay ko at nakaiwas ang tingin sa mga pagkain.
"Please, enjoy the food, Astra," Mr. Severo said.
Naging hudyat 'yon para kumuha na ako ng mga pagkain at nilagay sa plato ko. Napuno ko na ng pagkain ang plato ko pero hindi pa rin kumikilos si Brix. Nakatingin siya sa plato ko. Ipinagsawalang-bahala ko na lang 'yon dahil baka hindi pa siya gutom.
"Oh, my feels! Take it easy, sis Astra," natatawang sabi ni Nath.
Narinig ko uli ang mahinang pagtawa ni Mr. Severo pero hindi ko na napagtuonan ng pansin. Ngumiti ako kay Nathalia nang abutan niya ako ng isang baso ng dugo. Sumimsim ako roon kaya mas nagkagana ako sa pagkain.
"Damn it!" biglang mura ni Brix na ikinatigil ko. Napalingon ako sa kanya. Nakaharap ito kay Mr. Severo na umiinom ng alak. "Can you give me more time, Dad? I will find a better one, someone who is not as stupid as this one. I promise." I could sense how desperate Brix was at this moment.
Natigilan ako sa pagnguya dahil sa sinabi niya. Ibig bang sabihin no'n ay malaya na ako? Hindi na ako babalik sa lugar na ito?
Mr. Severo snickered, shaking his head. "Why, son? You've got yourself a perfect one. Why change?"
Mahinang tumawa si Brix pero alam kong panunuya 'yon. Sinulyapan niya pa ako at tiningnan mula ulo hanggang paa bago napailing. Nakakainsulto man ay wala siyang narinig sa 'kin. Masyadong hayok kung ipangalandakan niyang ayaw niya sa 'kin.
"She's useless, Dad," sabi ni Brix.
That hit me. Hindi pa ako nainsulto nang ganito sa buong buhay ko. Hindi pa ako nagpigil nang ganito sa tuwing may mambabastos sa akin. Still, I kept everything inside me. But then again, if I am useless for him, that really means he's ready to set me free. Should I play his game this way? Until he gets tired of me, being useless? Is it the way out of this mess?
"Useless just because you can't have her in your palms?" Nathalia interrupted the conversation. Sumama rin ang tingin sa kanya ni Brix pero wala 'yong epekto sa kanya. "Why, Little Brother? You don't want her because whatever you do, you can't tame her. That's how I see it. What happened to the ruthless heir of Nightfall Clan?"
Bumagsak ang tingin ko sa kamay ni Brix na nakapatong sa lamesa. Kitang-kita ko ang pagguhit ng mga kuko niya sa lamesa. Ramdam ko ang sobrang pagpipigil nito sa galit. Kaunting tulak na lang sa kanya ay sasabog na ito.
"Is that it, son?" tanong ni Mr. Severo na nakangisi.
Bumagal ang paghinga ni Brix. Mukhang pigil na pigil talaga ito. Niluwagan nito ang tie sa kanyang leeg.
Hindi ko na rin nagawang kumain dahil ramdam ko ang pagtaas ng tension sa paligid. Parang nasa movie ako at naghihintay na lamang kung sino ang unang aatake para makapagtago ako sa ilalim ng lamesa.
Ilang sandali pa ay narinig ko ang pagtawa ni Brix na hindi kalaunan ay mas lumakas. Hinawakan nito ang baso na may laman na dugo at uminom doon. Malawak pa rin ang ngiti sa kanyang labi pero hindi ko masasabing natutuwa siya. Dinadaan niya sa pagtawa ang frustration na nararamdaman.
Napasinghap ako nang bumagsak sa hita ko ang kanyang mabigat na kamay. Hindi ako nakakilos nang haplusin niya ako roon. Ipinasok niya sa loob ng dress ko ang kanyang kamay kaya naramdaman ko ang init mula sa pagragasa niya. Sa sobrang gulat ay hindi ko nagawang kumilos para hawiin 'yon.
"Don't make me laugh, Nath. Sinasabi mo bang tumitikilop ako sa babaeng 'to?" Muling tumawa si Brix. Hinaplos-haplos niya ang hita ko. "That's very insulting, don't you think?" His lips formed a smirk.
He's ready to raise hell any moment and so am I.
Napapikit ako nang tumaas ang pagkakahawak niya sa hita ko. I haven't been insulted like this before. Hindi pa nga ako nakahalik ng lalaki sa buong buhay ko. Hindi ko inakalang sa isang halimaw ko pa mararanasan ito.
I am in their territory and whatever I do, I won't stand a chance against him. Iyon ang lagi kong iniisip para hindi gumawa ng magaspang na hakbang na magpapahamak sa 'kin. Pero nasasagad niya ang pasensya ko.
"You are useless, Astra..." I heard Brix mumbled. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin na nararamdaman ko ang mainit niyang hininga sa leeg ko. Nanatili pa rin akong nakapikit at pilit na kinakalma ang sarili. "Hear me? Useless human."
Nang maramdaman kong hinalikan niya ako sa leeg ay napatayo na ako. Kusang gumalaw ang kamay ko at kinuha ang baso na may lamang dugo. Walang pag-aalinlangan na binuhos ko 'yon sa mukha ni Brix.
I heard Nath gasped. "Oh, snapped!"
"Replace me then. Who cares, Brix?" Masyadong mabigat ang paghinga ko. Ngayon lang ako nainsulto nang ganito. "I would rather die than serve a devil like you. I am useless? Perhaps, your delusional mind is somehow right. But at least I am not a moron like you. You think you are that powerful? I hate to break it to you, but I can't feel it."
My heart skipped a beat when Brix starkly grabbed me on my neck and pushed me on the wall. Sa sobrang lakas ng pagtama ng likod ko ay napaawang ang bibig ko. Umangat ako sa ere habang sakal-sakal pa rin ni Brix. Wala akong nagawa kung hindi ang tumingin sa mga pula niyang mata. Lumitaw ang mga ugat niya sa leeg dahil sa sobrang galit. He was showing his fangs and I knew he could kill me right here and right now.
I am kind of scared but I managed to grin. Nahihirapan na akong huminga dahil sa pagkakasakal niya sa 'kin pero hindi ko bibigay ang kasiyahan na gusto niya, ang makita na masindak ako. Iyon naman ang hanap niya, ang katakutan siya. Doon siya kumukuha ng lakas.
"You deadhead insensitive pathetic human." His words were firm and coming from the depth of irritation.
I got teary-eyed when I started to feel suffocated.
Biglang nawala sa paningin ko si Brix. Bumagsak ako sa sahig habang habol-habol ang hininga. Napaubo pa ako. Napalingon ako sa ibang bahagi ng dining hall. Nakahiga na sa sahig si Brix habang nasa ibabaw niya si Oscar at hawak siya sa leeg.
"I don't want to fight you, Brix. Not in front of our father," madiin na saad ni Oscar. "Go back to your senses and show a little bit of consideration."
"Hey." Napalingon ako sa babaeng bagong dating na kasama ni Oscar. Maamo ang mukha nito na nakangiti. Inalalayan niya akong makatayo. "Ikaw ang nakuha ni Master Brix, hindi ba? Astra. That's what I've heard from Master Oscar."
I just nodded. She must be Celeste.
Muli kong binalikan ng tingin ang dalawang lalaki. Hindi pa rin umaalis sa ibabaw ni Brix si Oscar.
Si Mr. Severo naman ay tahimik lang na umiinom ng alak at bumalik na sa pagbabasa ng dyaryo, hindi alintana ang kaguluhan sa paligid. Sa tabi niya ay si Mr. Billy na nakatingin lang sa magkapatid na parang normal na ang ganitong eksena.
Napahawak ako sa leeg ko. Ramdam ko pa rin ang hapdi nito.
"That's it." Tumayo na si Nathalia at nilapitan ang dalawa. Hinila niya ang collar ng tuxedo ni Oscar at itinayo ito.
Pabagsak na inayos ni Oscar ang kanyang puting tuxedo habang masama pa rin ang tingin sa kapatid.
"Go back to your senses, Brothers. I am here to take a break, not for this childish play." Nathalia was irritated now. "Oh, my feels. I hate being the eldest Cardinal. Kailangan kong umawat ng mga pasaway na kapatid."
Oscar walked closer to me. Napatingin siya sa leeg ko at bumuga ng hangin. "I'm sorry. I shouldn't have left. Hindi ko nabantayan si Kuya. You okay now?"
Hindi ako sumagot. Do I look okay after what that asshole did to me?
Sunod na nilapitan ni Nath si Brix at hinawakan nito ang patilya saka sapilitang itinayo. Umangal si Brix pero hindi siya binitiwan ni Nathalia hanggat hindi ito naitatayo. Sinipa pa nito ang sikmura ni Brix dahilan para mapaatras ito.
"Damn!" Brix groaned.
"Seat and enjoy the food," simpleng sabi ni Nath bago bumaling sa akin. Sa isang iglap ay bigla itong ngumiti. "Pasensya na, Astra. Ganito lang talaga sila maglabingan. Halika. Kumain ka lang." Bumali ang tingin nito sa babaeng nasa tabi ko. "Oh, hey there, Celeste. It's been a long time."
Lumapit ang babaeng nasa tabi ko at yumakap kay Nath. "It's been a long time, Lady Nathalia. You look gorgeous as always," she complimented, which made Nath giggle. She really enjoys compliments.
"Same, Sis. Mas lalo kang gumanda. Hiyang ka yata kay Oscar?" pang-aasar ni Nath.
Lumapit din si Celeste kay Mr. Severo. Yumuko ito at humalik sa kamay nito.
"It's a pleasure to meet you again, Lord Severo," bati nito na sinabayan pa ng bahagyang 'pag yuko.
Hindi sumagot si Mr. Severo.
Naramdaman kong may nakatingin sa akin. Tinaasan ako ng kilay ni Brix bago umirap. He even mouthed, "That's how you do it, idiot."
Bumalik kami sa lamesa ngunit sa pagkakataong ito ay hinila ako ni Oscar palayo kay Brix. Hindi naman kumibo si Brix. Nawalan na ako ng ganang kumain. Sumama ang pakiramdam ko, hindi dahil sa may masakit na naman akong nararamdaman, kung hindi dahil sa nangyari.
Suminghap ako nang magbadya ang mga luha ko. Itinago ko sa ilalim ng lamesa ang mga nanginginig kong kamay.
Hindi ako iyakin pero maraming nangyari ngayon. Una, naintindihan ko na ang mga 'di maipaliwanag na pangyayari sa 'kin. I really died that night and I am no longer a human now. Second, I was forced to drink blood. Then, this confrontation. This is too much to handle.
Nakatungo lang ako habang nakikinig sa kanila. Halatang malapit si Celeste sa pamilyang ito, lalo na kay Nath. Wala akong narinig na salita mula kay Brix at kay Mr. Severo. Mapait akong napangiti nang mapagtanto kung paano itrato ni Oscar si Celeste.
"You okay?" bulong ni Oscar. Napansin yata niya ang pananahimik ko.
Tumango ako pero nakayuko pa rin.
"Gusto mo munang magpahinga? Ipapahatid kita sa kwarto," suhestyon niya.
"I want to go home," I whispered.
Hindi na siya nagsalita nang sabihin ko 'yon. Akala ko ay hindi pa pwede dahil hindi siya sumagot, pero humanap lang pala siya ng tiyempo para masabi ito sa mga kasama namin.
"Papa," dinig kong tawag ni Oscar. "Hindi maganda ang pakiramdam ni Astra. Siguro ay naninibago pa ang katawan niya sa mga pangyayari. Nagkita naman na kayo at nagkakilala, maaari ko na ba siyang ihatid nang makapagpahinga?"
I bit my bottom lip to halt my tears. Not here, Astra. Don't shed a tear here.
Tahimik na nagdasala akong pumayag sana si Mr. Severo dahil hindi ko na kayang pigilan ang luha ko 'pag nagtagal pa ako. I don't want them to see me in tears, especially Brix. Masyado nang mababa ang tingin niya sa mga tao.
"Sure," Mr. Severo responded immediately. "Brix, ihatid mo muna si Astra sa bahay nila."
Napaangat ang mukha ko dahil sa sinabi ni Mr. Severo. Umatras ang luha ko nang maintindihan kung ano ang gusto niyang mangyari.
Nahuli ko ang tingin ni Brix pero agad itong umiwas at bumaling kay Mr. Severo.
"Pa—"
"Ako na, Pa," putol ni Oscar kay Brix. Uminom ito bago pinunasan ng tissue ang labi."She has had enough. At least, kahit man lang pauwi ay hindi siya makatanggap ng pang-iinsulto. So, please, Dad. Let me do the favor."
Umiling si Mr. Severo. Pinunasan nito ng towel ang kanyang labi. Gusto ko sanang sabihin na kahit wala nang maghatid sa akin pero hindi ko nga pala alam kung nasaan ako. Alam kong malayo ito sa bahay ni Tita Ophelia. Sana lang ay si Oscar na ang maghatid sa akin. O kahit sino na lang basta huwag lang si Brix.
"Celeste is here, siya ang asikasuhin mo Oscar," ani Mr. Severo bago bumaling kay Brix na wala man lang reaksyon. "You had me at first, son. It's been a long time since a human pique my interest. Natuwa ako sa pagpili mo sa kanya pero mukhang hindi gano'n ang nakikita ko sa 'yo. Such a shame."
Napayuko si Brix, halatang 'di gusto ang mga naririnig.
Napansin ko ang lihim na pagngiti ni Nath na parang natutuwa sa eksena.
"I'm sorry, Dad," Brix mumbled.
"You asked me to give you time to replace her? Sure. I'll give you that. Ihatid mo na si Astra." Napaayos ako ng tayo nang tumayo na si Mr. Severo. Pabagsak na inayos nito ang kwelyo ng suot bago naglakad palayo. Nakasunod sa kanya si Mr. Billy.
Kaming lima na lang nila Brix, Oscar, Celeste at Nathalia ang naiwan. Nagpatuloy sa pagkain si Nathalia.
"Shame. Dad was so proud of your choice, Brix. Have you heard him laugh like that before? Whatever. Kawawa naman si Astra sa 'yo. Good choice though," pang-aasar ni Nath. "Ihatid mo na si Astra. She needs a break from this commotion."
"Ako na lang ang maghahatid." Tumayo na si Oscar. "Let's go, Astra."
Tumayo na rin ako at hinanda na ang sarili.
Tumingin ako kay Nath. "Itong dress—"
"It's yours," ngiting putol ni Nath.
"Thank you." I turned my head on Celeste. "Nice to meet you, Celeste."
"Pleasure, Lady Astra." Nakangiting sagot ni Celeste.
"I'll be back. Maiwan muna kita rito, Celeste." Naunang naglakad si Oscar.
Susunod na sana ako nang may humawak sa braso ko. Ang mainit na palad nito at ang higpit ng pagkakahawak niya, hindi ko na kailangang tingnan kung sino ito.
Nilingon ko si Brix. "Ako ang maghahatid sa 'yo," madiin na sambit nito.
"Oh, you are not satisfied yet, huh?" mapaklang tumawa si Oscar. "Why? May mga pang-iinsulto ka pa bang hindi nasasabi, Brix? Go ahead. Say it all now. Ako ang maghahatid kay Astra."
Mas humigpit ang pagkakahawak ni Brix sa braso ko.
"I don't want to argue about this, Oscar. Narinig mo si Papa, sa akin niya ibinilin si Astra." Sinubukan na akong hilahin ni Brix pero hindi ako kumilos. Kumunot ang noo nito. "What? Don't tell me you are scared of me? Akala ko ba hindi ka takot?"
Umiling ako. "I am not scared of you. I just don't want you," I responded with my feeble voice.
I tried to free myself from his grasp but he tightened the grip. Sa huli ay hindi rin ako nakatakas.
"You are my slave, Astra," madiin na sambit ni Brix habang diretso ang tingin sa mga mata ko. "Ako ang magdedesisyon para sa 'yo. Walang ibang maghahatid sa 'yo kung hindi ako. Unless you want to go home by yourself."
"Fine!" Napatingin ako kay Oscar dahil sa sinabi niya. "It's fine, Astra. Hindi ka na niya guguluhin matapos ang gabing ito. Don't worry, just because you are no longer part of this clan doesn't mean you are no longer my friend. You still have my eyes."
Napangiti ako sa sinabi niya.
Napasinghap ako nang hilahin na ako ni Brix. Nakatungo lang ako hanggang sa makalabas kami ng malaking bahay. Tumigil kami kaya umangat ang tingin ko. Madilim na pero maliwanag ang paligid dala ng mga lamp post at iba pang pailaw sa paligid.
Tumikhim si Brix. "Wait me here. I'll just get my car."
Minataan ko siya hanggang sa mawala siya sa tingin ko.
Walang gana na umupo ako sa bench sa ilalim ng puno. Mansion pala ang bahay nila, hindi na nakapagtataka. Umihip ang hangin at dahil naka-dress lang ako ay inabutan ng lamig ang binti ko pataas sa aking katawan.
Pinaglaruan ko sa paa ko ang mga maliliit na damo.
Hindi naman sa nanghihina ako, wala lang akong gana. Pero... makakalaya na ako kay Brix. Napangiti ako nang maisip ko 'yon. Ibig sabihin ay hindi ko na siya makikita at hindi ko na uli siya makakausap kahit kailan.
Sa dami ng mga masamang nangyari ngayon, at least ay maganda naman ang dulo.
Napagitla ako nang may bumusina sa harapan ko. Napaismid ako. Kailangan ba talagang bumusina?
Tumayo ako at binuksan ang pinto ng kulay itim na sasakyan saka pumasok. Sumalubong sa akin ang familiar na amoy ni Brix. Sandali kong iginala ang tingin sa sasakyan niya. It looks expensive. Masyadong moderno ang disensyo na umiikot sa black at maroon ang kulay.
"Seatbelt," paalala ni Brix. Naka-white long sleeve na ito na nakatiklop hanggang siko.
Tamad na inilingkis ko sa katawan ko ang seatbelt. Sinimulan ng magmaneho ni Brix. Umikot kami sa higanteng fountain na umiilaw bago dumiretso sa main gate. May mga nagbabantay roon. Malayo pa lang kami ay binuksan na nila agad ang gate.
Pagkalabas namin ay napagtanto kong tama ang hinala ko. Nasa gitna ng bukirin ang mansion nila.
Gabi na. Sigurado akong kanina pa ako hinahanap ni Tita Ophelia. Hindi ko na alam kung ano ang irarason ko sa kanya. Mapapagalitan na naman ako. Hindi bale na, kaya kong tiiisin ang mga salita ni Tita Ophelia. Paulit-ulit lang naman. Gano'n pa man ay hindi niya ako nagawang saktan gaya ng nangyari sa akin ngayong gabi.
Nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Walang magandang tanawin kung hindi ang kadiliman pero mas maganda na 'to. Ayokong bumaling sa harapan dahil baka magkadikit pa ang mga tingin namin.
Ilang sandali pa ay tumigil ang sasakyan.
Kumunot ang noo ko. Hindi pa kami nakakaalis sa bukirin at alam kong hindi rin naman nasira ang makina ng sasakyan. Nagtataka man ay hindi ko inalis ang tingin sa labas ng bintana. Nakakangawit man ay tiniis ko ito.
"You are still linked on me," I heard Brix said.
Bumaling ako sa kanya. Nadatnan ko siyang diretso ang tingin.
"Unlink me then," hamon ko.
Bumaling siya sa akin. "I can't do that."
"Do I need to die? Then, kill me," matapang kong sabi. "Whatever you want, Brix. I am your slave anyway. You saved me. I owe you my life. You can take it back whenever you want." My fists were clenched.
I don't like this conversation.
"That's suicide." He shook his head. "Kahit na hayaan na kita, bampira ka pa rin. You will live the rest of your life as a vampire. Manganganib lahat ng lalapit sa 'yo. You just finished the transition. Mahihirapan ka pang i-control ang sarili mo."
Napatitig ako sa kanyang mga mata. "What are you trying to say, Brix?"
He swallowed hard.
"Ang sabi mo ay papalitan mo na ako—"
"What if I don't want to?" he cut me out.
Nangilid ang luha sa aking mga mata. "Y-you are just saying this because..." Lumunok ako nang may bumara sa lalamunan ko. "You want to make your dad proud. Nung malaman mong nadismaya siya sa desisyon mong papalitan ako, nagbago ang isip mo. You don't really like me, right, Brix?"
Natigilan ito.
There, I hit the bull's eye.
"Why, Astra? Mas gusto mo bang maging malaya sa mundong ito? Do you think you can survive this world alone? You are no longer a human. And do you think we are the only vampires in this world? No. Do you think I am the worst man in this world? No."
Napaiwas ako ng tingin nang manlabo ang mga mata ko. Bago pa man pumatak ang luha ko ay pinunasan ko na agad ang mga mata ko.
"You need me, Astra. And I need you, too. We need each other."
Muli kong ibinalik sa labas ng bintana ang tingin ko.
"Just drive me home, Brix," bulong ko.
Hindi siya nagsalita pero ginawa niya ang gusto ko. Tahimik lang kami hanggang sa maiparada niya ang sasakyan sa harapan ng gate namin. Bubuksan ko na sana ang pinto pero nakakandado pala ito.
"Alam kong hindi maganda ang una nating pagkikita," sabi niya na ikinalingon ko. Nahuli ko ang kanyang titig sa akin. "Susunduin uli kita bukas. I will be gentle this time. Gusto kong magkasundo tayo sa pagkakataong ito. I will discuss all the things that you need to know. We will make a peaceful agreement."
Sa kagustuhan kong makalaya ay tumango na lang ako.
Bago pa man ako makalabas ay may pahabol pa itong sinabi.
"When all is said and done, it's still nice to meet you, Astra. Good night."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro