Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 48

Join the Twitter discussion using our official hashtag: #LinkedSoulsWP

Enjoy reading!

***

Chapter 48: My Secret

Hindi pa sana titigil sa pang-aasar si Brixton kung hindi lang kumatok sa pinto si Ginang Melendez. May kasama itong isang babae at pareho silang may dalang tray na naglalaman ng mga pagkain. Pinatong nila 'yon sa ibabaw ng maliit na lamesa, sa tabi ng lampara.

"Isusunod namin ang alak," saad ni Ginang Melendez pagkatapos ayusin ang mga pagkain. "Pagkatapos ninyong kumain ay pakilabas na lang 'tong lamesa para maipakuha namin ang pinagkainan ninyo."

"Salamat, Ginang Melendez," si Brix na nakangiti pa rin.

Bumaling sa akin ang Ginang. "Ayon sa narinig ko ay buntis ka raw? Gusto mo pang magpatawag ako ng manggagamot para suriin ang kalagayan mo?"

I gulped as I shook my head. "H-hindi naman po masama ang pakiramdam ko, Ginang Melendez. Salamat na lang po." Tinakpan ko ng ngiti ang hiya na nararamdaman.

Ngayon ay nahihiya na talaga ako. Matapos niya kaming patuluyin at pagsilbihan ay pagsisinungalingan lang namin siya. Meanwhile, Brix doesn't give a damn like as usual. Nagagawa pa nga nitong tumawa.

"Sigurado ka?" tanong pa ni Ginang Melendez.

Umakbay sa akin si Brix. "Sa totoo lang ay hindi niya kailangan nang manggagamot, Ginang Melendez. Ang kailangan niya ay init ng katawa ko—"

Pabiro kong kinurot sa tagiliran si Brix. Gago talaga 'to.

"Can you just shut up, please?" inis na bulong ko.

Damn. When did he become this loquacious? Sinapian ba siya ni Resty? Hindi na siya naiiba sa kanya ngayon. They are both annoying and embarrassing.

Natawa si Ginang Melendez sa kagagawan ni Brix. "Hay. Nakakatuwa naman kayong mag-asawa. Mukhang mahal na mahal niyo ang isa't isa."

Nabilaukan ako sa sariling laway. Geez. This is awkward.

Natatawa lang si Brix sa pinaggagawa niya.

"Oh. Maiwan na muna namin kayo para makakain," saad ni Ginang Melendez bago naglakad na palabas. Napahinto rin ito at muling tumingin sa amin. "Oo nga pala, Ginoong..."

"Sev," ani Brix.

"Ginoong Sev. Pinaunlakan ng pinuno na makita mo siya. Maaari kang pumunta sa bulwagan pagkatapos kumain o bago matapos ang araw. Naghihintay lang sa 'yo si Pinunong Bermudo."

Nang makaalis ang dalawa ay hindi ako nag-atubiling lapitan ang mga pagkain. Sa amoy pa lang nito ay alam kong masarap na. Kinuha ko ang isang tray at nilapag sa harapan ko.

"Damn. My wife is starving..."

"I haven't eaten anything since last night," I said, ignoring what he just called me. Humigop ako sa mainit na sabaw. Hindi nga nagsisinungaling si Brix dahil sabaw pa lang ay masarap ba. "Kumain ka na lang din, Brix."

Kinuha ni Brix ang tray niya at nilapit sa akin. Ngayon ay magkatapat na kaming kumakain. Nakayuko kami dahil hindi namin ginamit ang lamesa.

"If you want more, you can have mine," said Brix.

"Tama na sa akin 'to," sagot ko naman.

Tahimik lang kaming kumakain nang narinig ko ang mahinang pagtawa ni Brix. Umangat ang tingin ko sa kanya. Humihigop siya ng sabaw habang nakangiti.

"Ano'ng nginingiti-ngiti mo diyan, Brix—"

"Sev," he cut me out. "Nothing. Kung nakita mo lang ang mukha mo kanina, matatawa ka rin. You are not that good at acting. Bahala ka. Baka mabulilyaso ang plano natin."

Natigilan ako sa pagnguya. "What do you mean? Bakit naman ako ang makakasira sa plano natin? I thought you already got this one? Sinabi mo 'yon sa akin."

Yeah. That's what he told me. Ang sabi niya ay wala naman akong gagawin kasi siya na ang bahala. Well... maliban na lang sa sinabi niyang huwag akong aalis sa kanyang tabi.

"We are role playing here." He swallowed the food first. "Kapag nalaman nilang hindi ka buntis o 'di kita asawa, everything will go haywire. They will start to question our identity. If that happens, I don't think I can still fulfill my promise not to shed a drop of blood."

Napatitig ako sa kanya. Muli siyang bumalik sa pagkain at iniwan akong lutang dahil sa mga sinabi niya. Magsasalita pa lang sana ako nang may kumatok sa pinto.

Tumayo si Brix at pinagbuksan 'yon. Isang babae ang nag-abot sa amin ng isang bote ng alak at umalis din naman agad. Bumalik sa pwesto si Brix at inabot ang dalawang baso ng alak.

"Seryoso? Kailangan talaga natin 'tong pagpapanggap?" tanong ko.

Gamit ang ngipin ay nabuksan ni Brix ang alak. Nagsalin ito sa dalawang baso at nilapag sa harapan ko ang isa.

"Not necessary but since you don't want this mission to be an invasion, then you should," he said as he sipped on his drink. "That's your choice though. Hindi rin naman ako sanay sa ganito. Mas gusto ko ang mabilis na paraan."

Kinuha ko ang sinalin niyang alak sa baso at uminom. Nakatitig ako kay Brix na halatang seryoso talaga. Hindi naman mahirap sa akin ang magpanggap... pero hindi ako kumportable lalo na at kilala ko kung sino ang lalaking nasa harapan ko.

"Pero... kahit na tayo lang dalawa ay kailangan pa ring ituloy ang pagpapanggap?"

Sumama ang tingin niya sa akin. "You dumb. They are not humans. Each one of them has an ability of a good vampire. Maliit lang ang clan nila kaya tutok sila sa isa't isa."

"Oh..." That left me speechless.

"You decide first." Muling nagsalin si Brix ng alak sa baso at diretsong nilagok 'yon. Nilagay niya ang pinagkainan namin sa mga tray at binitbit 'yon. "Magpapahangin muna ako. Pagbalik ko dapat ay nakapagdesisyon ka na."

Nang makaalis siya ay napabuga ako ng hangin.

Ayaw ko rin naman na dumanak ang dugo sa lugar na ito. Kung gano'n ay wala akong magagawa kung hindi sakyan ang plano ni Brix. Ang magpanggap na asawa niya.

"Sev..." bulong ko. "He's Sev."

Right. Iyon lang ang dapat kong isipin. Hindi si Brix ang kasama ko kung hindi si Sev – isang normal na bampira mula sa Trese Clan. At ako... ang kanyang kasama.

Nakapag-desisyon na ako. Hindi ko na mahintay si Brix kaya lumabas na rin ako para hanapin siya. Palubog na rin ang araw kaya halos nakasindi na ang mga sulo sa paligid.

Niyakap ko ang sarili nang umihip ang malamig na hangin.

Buhay na buhay ang lugar na ito at ramdam ko kung gaano kapayapa ang pamumuhay nila. Kahit na hindi nila ako kilala ay ngingitian nila ako kapag nakasalubong.

Hindi ko mahanap si Brix. Pumunta na kaya siya sa bulwagan para kausapin si Pinunong Bermudo? Kung gano'n ay sana lang maayos ang resulta.

"Are you lost?"

Napatingin ako sa lalaking nagsalita. Halos magkasingkatawan lang sila ni Brix. May mga tattoo ang kanyang braso. Mahaba ang strap ng kanyang kulay berdeng damit kaya kita ang mga malaki niyang braso at dibdib. Banayad ang ngiti sa kanyang labi.

Oh. He reminds me of Peter Pan.

"Hindi. May hinahanap lang ako," sagot ko sa mababang tinig.

Medyo nakakahawa ang mahinhin niyang pananalita.

Tumango naman ito bago nilagay sa kanyang likod ang mga kamay. "Kung tama ako... kayo 'yung mga panauhin na narinig kong nanuluyan dito. Tama ba? I really rushed to finish farming just to greet you."

"Ah. Oo. Pero... pansamantala lang naman," maagap kong sagot.

Napansin ko ang mga natuyong putik sa kanyang damit.

"Ah. Galing kasi ako sa pananiman," aniya nang mapansin kung saan ako nakatingin. Maging ang kanyang pagtawa ay napakabanayad. "Hindi pa ako nakapagpalit ng damit. Pasensya na."

"Hindi. Ayos lang."

"Ow. My bad. Ako nga pala si Abel." Pinunas niya muna sa damit ang kamay at sinigurong malinis 'yon bago ito inilahad sa harapan ko. "If you wouldn't mind?"

Nakangiting tinanggap ko 'yon. "Astra," pakilala ko.

"Welcome to Esparago Clan." Then, he gave me that gentle smile again. "Would you mind if I keep you accompany as you look for that someone?"

I shook my head. "Not at all."

Sabay kaming naglakad ni Abel. Bawat madaanan namin ay kakausapin niya at kitang-kita ko ang galak sa mga mata ng mga babae sa tuwing ngingitian niya.

"Ang sarap ng mga pagkain niyo rito," pagbukas ko ng topic. "Sigurado akong bihasa ang mga tagapagluto ninyo."

"Ah." Tumawa siya. "Gano'n na nga. Saka... fresh from the farm kasi halos lahat ng mga sangkap na gamit namin. Kilala ang pangkat namin pagdating sa mga sangkap. Mabuti naman at nagustuhan mo."

"Tagatanim ka rin ba?" tanong ko.

"Ah. Oo. Tumutulong ako," sagot naman nito. "Kung gusto mo ay puwede kitang dalhin sa farm bukas. Teka. Sino nga ulit 'yung kasama mong hinananap mo?"

"Ah. Si Sev."

"Oh. Lalaki?"

Tumango ako. "Sabi niya ay magpapahangin lang siya. Hindi ko lang alam kung saan banda."

Natigilan kami nang may lumapit sa aming babae. Namumula pa ang mukha nito at halos hindi makatingin kay Abel. Napansin ko agad ang kulay pulang rosas na hawak niya.

"Para sa 'yo nga pala, Abel..."

Halos magtatalon sa tuwa ang babae nang tanggapin ni Abel ang inalok na rosas.

"Whoa. Salamat dito," ani Abel.

Hinawakan pa ni Abel ang braso ng babae. Tila natulala naman ito sa ginawa ni Abel. Sa sobrang gulat ay hindi na siya nakapagsalita. Ako ang nakaramdam ng hiya para sa kanya.

"Ah. Sige. Salamat uli sa bulaklak," ani Abel bago kami nagpatuloy sa paglalakad. Natawa pa ito. "Nakakagulat lang na lagi akong binibigyan ng mga bulaklak."

Seryoso? Hindi ba niya alam na mukha siyang anghel? Hindi na nakapagtatakang magkagusto sa kanya ang karamihan sa mga babae rito.

"Sa 'yo na lang?" alok niya sa akin.

Nahihiya akong tumanggi kaya tinanggap ko na lang ang rosas. "Salamat. Pero... hindi ba nakakahiya? Bigay sa 'yo ito tapos ibibigay mo lang sa akin."

Nakangiting umiling naman siya. "Hindi naman, Astra. Saka... napagtanto ko lang na bagay sa 'yo ang rosas na 'yan. Kakulay ng mga labi mo."

Oh, God.

Napatunganga ako sa sinabi niya. Ang smooth ng pagkakasabi niya na parang wala lang sa kanya kahit na ang totoo ay nakapakalas ng epekto ng mga binitiwan niyang salita.

Parang gusto ko tuloy gumawa ng malaking tarpaulin na may nakalagay na, "Protect Abel at all cost." Sa totoo lang ay parang kasalanan ang saktan ang lalaking 'to.

Tumigil kami sa paglalakad at tinanaw sa hindi kalayuan ang malaking bonfire. Pinaliligiran 'yon ng magpapamilya. Ang mga bata ay naghahabulan sa paligid nito. May mga pagkain silang dala. Dinig na dinig ko ang mga tawanan nila.

"This is fascinating," I couldn't help but to voice it out.

Kung sa Nightfall Clan ay palakasan at pataasan ng ranggo, dito naman ay parang walang gano'n. Parang lahat ay pantay-pantay at walang nagaganap na inggitan.

"Ganito talaga kapag ang pinuno ng isang lugar ay bukas ang puso sa lahat. Kahit na anong problema ay gumagaan dahil nagtutulungan. Nakakahanga talaga ang Pinunong Bermudo," kwento ni Abel kung saan dama ko ang labis na pagkamangha sa kanyang boses. "Gusto kong maging tulad niya balang araw."

Pinanuod ko ang pagbuga ng apoy ng ibang kalalakihan. Kahit na gaano kalamig ang klima rito ay napapainit nila. Esparago Clan. Nakakamangha.

"Gusto mong tikman ang ibang alak?" excited na tanong ni Abel.

Pumayag ako sa gusto niya. Pinuntahan namin ang isang malaking kamalig. May mga naabutan kaming trabahador na busy sa paggawa ng mga alak. Gaya ng kanina ay binati ni Abel ang halos lahat ng nandito.

"Here..." Inabutan niya ako ng baso.

Nilapitan namin ang mga naglalakihang jar.

"Lahat ng mga alak na ito ay may halong dugo kaya maaari ding pampatid-uhaw," paliwanag pa niya. "Pero nakakalasing pa rin naman. Gusto mo bang tikman?"

"Sige."

Lumapit ako sa isang jar at nagsalin ng alak sa baso ko. Tinikman ko 'yon. Nakatingin sa akin si Abel, halatang gustong malaman kung ano ang reaction ko.

"Ubas..." sabi ko. "Ang sarap!"

"Sabi sa 'yo." Tumawa ito. "Sige lang. Tumikim ka pa ng iba kung gusto mo. Pero babala lang, Astra. Nakakalasing ang mga 'yan. Mas mataas ang alcohol content kesa sa dugo."

Gaya ng sinabi niya ay hanggang tikim lang talaga ako. Sa sobrang pagkaaliw ko ay nasira ko ang isa sa mga jar. Nabutas 'yon kaya tumalsik kay Abel ang laman na alak.

"S-sorry..." Nataranta ako.

Mabilis na dinaluhan kami ng ibang mga trabahador para takpan ang butas ng jar. Sa isang iglap ay nagawa kong guluhin ang maayos na paggawa nila rito.

Napangiwi ako habang nakatingin sa katawan ni Abel na basa. Tumutulo pa sa kanyang hubad na dibdib ang alak.

"Sorry talaga. Hindi ko sinadya," paghingi ko ng paumanhin.

Tumawa lang si Abel. "Ayos lang, Astra. Maliligo na rin naman ako mamaya. Gusto mo pa bang tumikim?"

Tumanggi na ako. Binitiwan ko agad ang baso baka kung ano pa ang magawa kong mali. Napagpasyahan ko na ring lumabas doon dahil nahihiya na ako.

"Sorry talaga, Abel..." paghingi ko pa rin ng paumanhin.

Tinawanan niya lang ako uli.

Dumiretso ang tingin ko. Sa hindi kalayuan ay natanaw ko si Brix, naglalakad kasama ang isang matanda na may suot na balanggot sa kanyang ulo. Tumatawa ang matanda habang si Brix naman ay diretso ang tingin sa akin.

Napalunok ako. Sobrang seryoso ng tingin niya. What? Did something go wrong?

"Si Pinunong Bermudo," bulong ni Abel. "Halika, Astra. Bumati tayo..."

Wala akong nagawa kung hindi ang sumama kay Abel. Sinalubong namin sina Brix at Pinunong Bermudo. Hindi pa rin inalis ni Brix ang mga mata sa akin.

"Ama..." Nagmano si Abel.

Gulat man na ama niya si Pinunong Bermudo, nagawa kong yumuko at bumati rin. "Magandang gabi, Pinunong Bermudo."

"Bakit naman ganyan pa rin ang damit mo, Abel? Nakakahiya sa mga bisita natin. Sige na. Magpalit ka na," ani Pinunong Bermudo bago tumingin sa akin. "Ikaw ay si?"

"Astra po..." tugon ko.

"Oh." Napatingin si Pinunong Bermudo kay Brix. "Siya pala ang kasama mong tinutukoy. Hindi mo naman nabanggit na sobra ang gandang taglay niya." Tumawa ito.

Napatingin din si Abel kay Brix. "Ay! Ikaw pala ang tinutukoy ni Astra na kasama niya. Kanin aka pa niya hinahanap. Ako nga pala si Abel..." pakilala ni Abel.

Nanlumo ako nang hindi sumagot si Brix. His penetrating eyes remained steady at me. That's when I found out... it's telling me something else.

Lumunok ako bago kumapit sa braso ni Brix. "Kanina pa kita hinahanap, Sev," malambing kong sinabi bago humarap kay Abel. "Ah. Abel. Si Sev nga pala. Asawa ko..."

There. The role play continued.

Gulat ang mukha ni Abel. "Talaga?!"

Huminga ako nang malalim. Kinuha ko ang kamay ni Brix at nilagay ko ito sa ibabaw ng tiyan ko. "Sa totoo nga niyan ay magkaanak na kami," dugtong ko pa.

"Wow!" Kita ang tuwa sa mukha ni Abel. "Congrats! This is so unexpected. Balak ko pa naman sanang pormahan ka," biro pa nito bago humagalpak ng tawa.

"Why don't you try it?" Brix dared him.

Sumikip ang paghinga ko. Shit. He's about to start something.

"Mapagbiro ka talaga, Abel..." Tinakpan ko ng tawa ang kaba na nararamdaman. "Maaari na ba kaming magpahinga, Pinunong Bermudo? Medyo pagod kasi kami."

Pumayag naman agad ang pinuno. "Sige lang. Kung may kailangan kayo ay magsabi lang kayo sa mga kasama natin. Maaari kayong manatili rito nang ilang araw."

Hinila ko na si Brix. Hindi ito nagsalita hanggang sa makabalik kami sa tinutuluyan namin. Kinandado ko agad ang pinto at mga bintana bago bumaling kay Brix. Nanatili itong nakatayo.

"Ano'ng problema mo?!" inis kong tanong sa kanya. "Gumagawa ka ba ng dahilan para magalit? Para may dahilan ka para magsimula ng sigalot? Gano'n ba, Brix?"

Wala akong nakuhang sagot sa kanya.

Kinalma ko ang sarili ko. "T-tahimik sila rito, Brix. Huwag ka namang gumawa ng gulo. Kung gusto mo silang mapaanib, gawin mo sa hindi madugong paraan."

Gusto ko mang kumalma pero nung hindi pa rin sumagot si Brix ay tuluyan na akong sumabog. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kwelyo ng damit niya.

"A-are you going to slaughter them?"

A devilish grin formed on his lips. "You are giving me the reason to..."

"What? Ginawa ko naman ang dapat, hindi ba? Nagpanggap akong asawa mo—"

"That's it," he cut me out. "It didn't feel genuine. But when I caught you staring at that guy, you were giving him all the fucking sincerity in this shitty world. What? Is that part of the plan? To flirt with a random man? Oh. Not just a random man, but the son of the leader of this clan."

"Jesus. You are ridiculous, Brix!"

Binitiwan ko ang kwelyo ni Brix at aktong tatalikod na nung hawakan niya ang braso ko. Marahas na hinarap niya ako sa kanya at tinitigan sa mga mata.

"Why, Astra? Are you intimidated of me? Kaya mo ba pinagkakait sa akin 'yon? That's why you can't look at me in the eyes with sincerity? Don't you like being with me? Don't you like me?"

"That's how it works! That's how it is supposed to be. I should be scared of you. I should be intimidated by your immense power and fear how short your temperance is because you tend to do the worst thing possible when someone triggers you."

"Fuck it. How dumb!"

"What do you want?!" I screamed at his face.

"To see me the other way!" He yelled back. Bumigat ang paghinga niya. "I want you to see me the way they can't. Like I am not a threat. Like I am not... Brixton Wenz Cardinal."

Natutop ako sa kinatatayuan ko. Parang nahimasmasan naman ako sa sinabi niya.

Suminghap si Brix bago bumuga ng hangin. "I'm tired of being Brixton Wenz Cardinal." He chuckled, shaking his head. "They take away everything I value. Always..."

"B-Brix..."

Umiling ito uli. "The truth is... I am buying more time with you. I am not sure what I want to do with you. You are confusing me, Astra. You are taming the evil in me."

Naglakad na ito palabas pero huminto siya sa tapat ng pinto.

"If there's something I am sure right now... that is... I value you. If possible, I want you... I want you to be a secret. My secret."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro