Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 47

Chapter 47: Esparago Clan

Hininto ni Brix ang kabayo sa tabi ng sapa para makapaglinis muna kami ng katawan. Naputikan din kasi si Servena dahil sa akin nung sumakay ako.

I took off my clothes except on my undergarment. Nasa hindi kalayuan naman sina Brix na ngayon ay nakatalikod sa akin habang pinaliliguan si Servena. He was also topless and soaking wet.

Malakas pa rin ang buhos ng ulan kaya mas mataas ngayon ang tubig dito sa sapa. Naglinis ako ng katawan at sinigurong wala nang putik sa katawan ko bago ko hinugasan ang mga damit ko.

"I found a cave nearby," said Brix from a distance. "We can stay there as we wait for the rain to stop. Doon na rin siguro muna tayo para makapagpatuyo ng mga damit."

I shivered in the piercing blow of the wind. Nagmadali akong matapos maghugas ng mga damit bago patakbong lumapit kina Brix at Servena na tapos na rin.

He looked at me. "You done?"

I blushed when I realized that I was just wearing underwear. Hindi ko naman kasi masusuot ang damit ko dahil basa, mas lalo lang akong lalamigin.

I nodded. "P-punta na tayo sa yungib na sinasabi mo. Ang lamig na rito e."

Tumango rin ito bago hinila si Servena paahon sa tubig. Naunang sumakay si Brix bago naglahad ng kamay sa kain. Tinanggap ko 'yon at sumakay sa kanyang likod. Nagdalawang-isip pa ako kung hahawak ako sa katawan niyang hubad pero no'ng pinatakbo niya si Servena ay napayakap din ako.

I was biting my lower lip. Ramdam ko sa mga kamay ko ang tigas ng katawan niya. He doesn't seem to care so I just shrugged it off. Ayoko namang mahulog at maputikan uli.

Naunang bumaba si Brix sa kabayo nung nasa harapan na kami ng kuwebang sinasabi niya.

"I'll just check first." Saka niya inabot sa akin ang tali ni Servena.

Pumasok siya sa loob para suriin ang lugar. Wala pang isang minuto ay lumabas na rin agad ito. Hindi siya nagsalita. Hinawakan niya lang ang tali ni Servena at hinila kami papasok.

Bumaba ako kay Servena nang makapasok sa loob. Medyo naibsan ang lamig na nararamdaman ko dahil mainit-init ang temperatura dito. Mabuti na lang at may mga tuyong kahoy rin dito sa kuweba kaya nakagawa ng apoy si Brix.

"Hang your wet clothes here." Brix lent me a wooden stick "We need to hang it beside the fire so it will dry quickly. Medyo mangangamoy usok nga lang."

Brix stood up and started to unzip his wet pants.

Mabilis na iniiwas ko ang tingin ko. Nilabas ko ang ilang damit kong nabasa sa loob ng bag at sinampay 'yon sa kahoy na binigay ni Brix. Nang matapos ay inangat ko ang tingin ko.

"Here..." bigay ko kay Brix ang stick na may damit ko. Iwas na iwas akong tumingin sa ibaba niya dahil naka-boxer shorts lang siya. "Huwag mo na lang ilapit sa apoy para hindi gaano mangamoy usok."

Lumapit ako sa apoy para mas madama ang init. Niyakap ko ang mga tuhod ko habang pinagmamasdan ang unti-unting pagkain ng apoy sa mga tuyong kahoy.

I could still hear the drain drops outside.

Naramdaman kong tumabi rin sa akin si Brix. Siniksik niya ang mga kahoy sa apoy para mas sumiklab ang apoy. Kahit papaano ay naibsan ang panginginig na nararamdaman ko.

Suminghap ako. "M-malayo pa ba tayo?"

"Napalayo tayo," sagot nito bago umayos ng upo. Tumikhim siya. "You went too far. Mabuti na lang at kasama mo si Servena kaya nahanap din kita agad. Kung hindi ay baka kinabukasan na kita makita."

"At least you are still thinking of finding me." I chuckled.

"Yeah. For sure."

I took a glance of him. Diretso ang tingin nito sa apoy. Sa dibdib niya ay sumisilip ang maliit na tattoo na letrang S. May iba pa siyang tattoo sa dibdib. Tumikhim ito kaya umiwas din ako agad ng tingin.

"She's a woman," he suddenly said.

"The archer?" tanong ko, nakatutok ang tingin sa apoy.

"Yeah. She was covering her head but I managed to see the strand of her long hair. Mabilis siyang tumakbo palayo. Hindi ko na sinundan dahil baka mas lalo lang akong mapalayo sa 'yo."

"Ah..." Iyon lang ang lumabas sa bibig ko.

"Are you hungry?"

Umiling ako. "Hindi pa naman..."

"I can get us some foods—"

"No," mabilis akong tumanggi. Pinatong ko sa tuhod ang aking baba habang pinagmamasdan pa rin ang apoy. "Ayokong maiwang mag-isa rito. Baka bumalik 'yung babae. Stay here."

"Okay. Kapag tumila rin ang ulan ay aalis na tayo agad. Bago siguro lumubog ang araw ay mararating na rin natin ang Esparago Clan."

"Ah. Malapit na rin pala."

Wala nang nagsalita sa amin matapos no'n. Binaliktad namin ang mga damit para matuyo ang ibang parte nito. Tuyo na rin ang katawan ko pati ang undergarment na suot ko maliban sa aking buhok.

Naramdaman kong nagtama ang mga braso namin ni Brix kaya bahagya akong umusog. Ilang sandali pa ay naramdaman ko uli na nagtama ang mga braso namin pero alam kong sinadya na niya.

"Do you want to hear our plan?" he asked.

"Sure!"

Ginatungan niya muna ang apoy bago bumalik sa tabi ko.

"Magkukunwari tayong naliligaw. Trese Clan. Iyon ang clan na sasabihin nating pinanggalingan natin. We won't reveal our real identity for them to let us in. You can use your real name since they don't know you. And I will use an alternative name. Esparago Clan is known for their hospitality, getting in isn't that hard. Once we get in, I'll make the move."

Whoa. That was a clever idea.

"What am I going to do?" I asked, thrilled.

Tumingin sa akin si Brix kaya napalingon din ako. Kumunot ang noo nito. "Haven't I told you not to leave my side? That's your task."

I pouted my lips. "But... I want to do something else. I want to be a part of the success of this mission. This is my first time and it will really mean so much to me."

An astonishing smile shaped on his lips. "Yeah. I think you are right." He chuckled, shaking his head. "Damn. You are learning faster than I thought."

"Ow. You are complimenting me now." I couldn't help but to laugh.

"Uhm. I can't think of anything you can do right now. We will figure it out once we are already there," he explained and I agreed. "But for now... stick on your first job. Don't leave my side."

I don't know what came in my mind and why I suddenly moved closer to him and looked at him straight into his eyes. "This close, Master Brix?" I asked.

That smile on his lips vanished.

"A-ah..." Napangiwi ako. Shit.

Aatras na sana ako nang hawakan niya ang braso ko. Napatitig ako uli sa kanyang mga mata kung saan mapagmamasdan din ang repleksyon ng nagliliyab na apoy.

"Yeah." His adam's apple moved. "I want you to be always this close to me."

Mula sa kanyang mga mata ay bumaba ang aking tingin sa kanyang labi. Tila may pwersa na humihila sa akin palapit sa mga 'yon. Hindi ko alam. Basta ang alam ko ay hinagkan ko na ang kanyang mga labi.

He didn't respond to my kiss. Natigilan ako nang mapagtanto kung ano ang ginagawa ko.

I parted our lips. "S-sorry..."

Lalayo na rin sana ako nang mahawakan niya ang batok ko. Binalik niya ang pagkakadikit ng mga labi namin pero sa pagkakataong ito ay tumugon na siya.

It feels like I am drowning while kissing him— like he's taking my breath away. I am not a kid nor dumb enough to not realize what's this strange and looming feeling.

My tears fell down my eyes as I pushed him away. Tumayo ako at naglakad palayo. Mabigat ang paghinga ko. Tumigil ako sa bungad ng yungib kung saan tanaw ko ang unti-unting pagtila ng ulan.

No. I don't like this.

I sniffed as I wiped my tears. What should I do? This is wrong and we both know it.

I heard the echo of footsteps rushing towards my direction. Nanatili akong nakatalikod at nakatingin sa mga patak ng ulan... hanggang sa naramdaman ko ang jacket na bumalot sa hubad kongkatawan.

"Put your clothes on. I'll just check around," saad ni Brix bago ako nilagpasan at lumabas. Nakadamit na ito ngayon. Lilingon pa sana siya sa akin pero tumalikod na ako at pumasok na uli sa loob.

Trembling, I know that I messed up something.

Natuyo na ang mga damit ko kaya sinuot ko na ito. Isinalansan ko sa loob ng bag ang aking mga gamit. Nang matapos ay umupo ako uli sa gilid ng apoy habang naghihintay kay Brix.

"Shit." I whispered, feeling the weight in my chest. "No. I don't want to end up like Celeste."

There's only one remedy to this abomination – be with someone else. Right. I need to focus on Lord Severo when we come back. Pareho kaming makikinabang ni Brix sa gano'n.

Though I'm still hoping that this feeling is just caused by the cold weather.

Bumalik na rin si Brix at kinalas ang pagkakatali kay Servena. Tumayo ako nang apulahin niya ang apoy gamit ang lupa. Ginawa niya ang mga 'yon nang hindi ako tinitingnan.

"Mukhang hindi titila ang ulan," aniya matapos mapatay ang apoy. "Ambon na lang din naman kaya pwede na. We can't wait here any longer."

Suminghap ako. "Yeah. Mukha ngang hindi titila nang tuluyan ang ulan."

Sumakay na siya kay Servena. Hindi ko na siya hinayaang mag-abot ng kamay sa akin dahil sumakay na rin ako agad. Imbes na yumakap ako sa kanya ay humawak na lang ako sa tela ng kanyang jacket.

"Medyo madulas ang daan," ani Brix habang pinapalakad si Servena palabas ng yungib. "It's better to clasp your arms around my body than to hold that jacket, Astra."

Wala na rin akong nagawa kung hindi ang yumakap sa kanya. Hindi mahigpit ang hawak ko sa kanya kaya hinawakan niya ang mga braso ko at hinigpitan ito.

"Let's go..." he said.

The cold breeze caressed my bare skin the moment I stepped outside Ang putik sa daan ay dumidikit sa mga sapatos ni Servena na nag-iiwan ng mga bakas. Sa mga luntiang daon din ay may marka ng nagdaan na ulan.

Ilang oras kaming naglalakbay bago lumapag sa malinis na lugar, wala nang matatas na puno at mga damo. Sa hindi kalayuan ay kitang-kita ang mga sulo.

"We're here..." said Brix.

Ang malaking tarangkahan na gawa sa kahoy ay binabantayan ng dalawang kawal na naging tatlo nang matanaw kami. Agad na naglabas ng mga sandata ito.

"Maybe they are not that hospitable," I chuckled.

Si Brix ang bumaba sa kabayo para lumapit sa kanila. Hindi niya alintana ang mga matatalim na espadang nakatutok sa kanya. Gano'n na siguro siya kabihasa sa mga ganitong eksena.

"Ano'ng clan ito?" tanong ni Brix. "Malakas ang ulan kanina kaya naligaw kami ng asawa ko. Maaari ba kaming pumasok para magpalipas ng gabi?"

What?

"Saang pangkat kayo kabilang?" tanong ng isa sa kanila.

"Mula kami sa Trese Clan. Nasa ibang bahagi ng bundok 'yon. Kung papatuluyin niyo kami ay ihahayag namin ito sa aming pinuno para bigyan kayo ng gantimpala." Nakangiti si Brix sa kanila. 'Yong ngiti na hindi ko madalas makita. "Pasensya na talaga sa abala. Buntis pa ang asawa ko kaya kailangan talaga namin ng matutuluyan."

Namula ang mukha ko sa sinabi niya. He didn't inform me about this!

Nag-usap ang tatlong lalaki bago napagpasyahan na isangguni muna ito sa pinuno nila. Pumasok ang isa sa tatlong kawal para maglathala. Lumapit naman sa akin si Brix.

"You heard me?" he asked.

Lumunok ako bago tumango. "Hindi mo sinabing ganito pala 'yon."

Tumawa ito. "Hindi ko rin naman alam. Basta na lang pumasok sa isipan ko."

Pagkabalik ng isang lalaki ay hinayaan na nila kaming makapasok sa loob. Binuksan nila ang malaking tarangkahan para papasukin kami. Ang unang napansin ko ay ang mga sulo na nakahilera sa daan papunta sa isang malaking bahay sa dulo.

There were trees surrounding the pathway. Sa pagpasok namin nang tuluyan ay natagpuan ko ang pinakapayapang lugar sa mundo. Yari sa kawayan ang mga bahay at sa bawat sulok ay may sulo. May mga naghahabulang bata.

Brix pulled the reign when a kid blocked our way. He looked up at us using those confused eyes. "Ang ganda naman ng kasama mo, Kuya. Ako si Tegan—" Naputol ito sa pagsasalita nang buhatin siya ng isang babae.

"Paumanhin sa abala..." Saka nahihiyang umalis ang babae.

Tumikhim ang isang kawal na naghahatid sa amin. "Hanggang dito na lang pwedeng pumasok ang kabayo ninyo. Ako na ang bahala sa kanya," aniya.

Bumaba na kami ni Brix kay Servena saka nito inabot sa kawal ang tali ng alaga. "Kayo na ang bahala sa kanya. Kung maaari ay pakilagay siya sa mainit-init na lugar."

"Sige. Dumiretso lang kayo. Naghihintay sa inyo si Ginang Melendez. Siya ang maghahatid sa inyo sa pansamantalang tutuluyan niyo," saad pa ng kawal bago umalis kasama si Servena.

Hindi ako agad kumilos. Muli kong pinagmasdan ang lugar na ito.

"I could live here and I wouldn't even complain," I said.

Sinundan ko na si Brix nang maglakad ito. Gaya ng sinabi ng kawal ay sinalubong kami ng isang babae na sa tingin ko ay si Ginang Melendez. Nakangiti ito sa amin.

"Kayo ba ang mga panauhin?" tanong nito sa amin.

"Kami nga po," sagot ko.

"Ako si Ginang Melendez. Maligayang pagdating si Asparago. Sumunod kayo sa akin. Ipapakita ko sa inyo ang silid," aniya na ginawa naman namin.

Hinatid kami ni Ginang Melendez sa bahay na gawa rin sa mga kahoy. Sa loob no'n ay naabutan namin ang isang lampara, banig na nakalatag at dalawang unan. May maliit na lamesa rin sa gilid.

"Dito muna kayo maninirahan," ani Ginang Melendez. "Ipahahatid ko na lang dito ang mga pagkain niyo. Kung gusto niyong maglibot ay pwede naman. Huwag kayong matakot. Hindi kami nananakit," biro pa niya.

Aalis na sana siya nang may sinabi si Brix. "Ginang Melendez, maaari ko bang makausap ang pinuno ninyo? Gusto ko lang magpasalamat nang personal sa pagpapatuloy niya sa amin."

"Itatanong ko muna," sagot ng ginang.

"Maraming salamat po," ani Brix.

"Walang anuman. Ikukuha ko muna kayo ng makakain." Saka na lumabas ang ginang.

Umupo ako sa banig at hinaplos ang malambot na unan. Mainit-init ang temperatura dito. Ang sarap sa pakiramdam. Mukhang mapapasarap ang tulog ko ngayong gabi.

Sumilip muna si Brix sa labas ng bintana bago 'yon sinarado. Saka siya umupo sa tabi ko.

"I told you, they are hospitable," aniya bago humiga sa hawak kong unan. "Masarap din ang mga pagkain nila rito. Gusto mo bang maglibot mamaya?"

Tumango ako, iwas na iwas na bumaba ang tingin sa kanya.

"Uhm. Kumusta naman ang pakiramdam mo?" dinig kong tanong ni Brix.

"Ayos naman," sagot ko.

"Eh 'yung anak natin?"

Hinila ko ang unan na gamit niya at hinampas ito sa kanyang mukha. "Tumigil ka nga, Brix! Nakakakilabot ang pinagsasabi mo!"

Tumawa ito nang malakas. Tuwang-tuwa talaga siya. Pansin kong hilig na niya akong asarin a.

"Hindi nakakatuwa..." bulong ko. "Hindi naman natin kailangang magpanggap 'pag walang nakakakita."

Ramdam kong tila nasusunog ang mukha ko. Shit. Parang may kumikiliti sa tiyan ko.

"Wait." Umayos ng upo si Brix at saka humarap sa akin. "Alam ko na kung ano ang gagawin mo. Hindi ba sabi mo ay gusto mo nang ibang gagawin?"

Mabilis na tumango ako. "Please? 'Yung medyo challenging."

"Yeah. For sure..."

"What is it?" tanong ko.

Napalunok ako nang bigla niyang nilapit ang mukha sa akin.

"Be a good wife to me..."

"Hindi ka titigil, Brix?"

Umiling ito. "Pwede pa bang maging kambal ang anak natin sa loob ng isang gabi?"

"Brix..."

Tumawa ito. "Fine. Titigil na..."

"Good." Nakahinga ako nang maluwag.

"Yeah. Baka kung mapaano pa anak natin."

"Brixton!"

Humalakhak ito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro