Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 45

Chapter 45: Bad idea

It was all good until I've realized where we were heading to. Umasa akong ang daan namin ay sa masukal o mapunong lugar dahil kabayo ang dala ni Brix at hindi kotse.

"Sigurado kang dito ang daan, Brix?" tanong ko baka sakaling may iba siyang plano.

"What?"

"Magkakabayo tayo sa highway?" hindi makapaniwalang tanong ko.

He laughed. "So?"

"Seryoso ka ba?" Nag-umpisa na akong mataranta dahil mukhang hindi siya nagbibiro. "Pwede ba 'to sa highway na puno ng mga modernong sasakyan?"

Mas lumakas ang pagtawa nito, hindi alintana ang pangamba ko. "This is not really our destination but you lied. Hindi ka pa kumain kaya kakain muna tayo. Malayo-layo ang destinasyon natin."

Lumunok ako. "B-balik na lang tayo sa Mansion..."

"Too late..."

Lumabas na kami sa highway. Shit.

Sinandal ko na lang ang ulo ko sa likod ni Brix dahil nahihiya ako. Hindi ba nahihiya si Brix? Parang galing kami sa isang hystorical movie from the past na biglang napadpad sa kasalukuyan.

"Where do you want to eat?" asked Brix.

"Kahit saan. Basta malapit."

Napapikit ako nang may bumusina sa likod namin.

Nakapikit ako hanggang sa naramdaman kong tumigil na ang kabayo. Pagkamulat ko ng mga mata ay nasa parking lot na kami ng isang restaurant. Puro mga sasakyang tulad ng kotse syempre ang narito at ito kami... kabayo.

Hinampas ko sa braso si Brix. "Shit! Nakakahiya."

Nauna na akong bumaba kay Brix. Mabuti na lang at gabi na ngayon kaya kung may nakakita man sa amin ay hindi kami matatandaan. Pinanuod kong itali ni Brix si Servena sa malapit na puno.

Bumaling siya sa akin pagkatapos. Inayos nito ang kanyang jacket.

"Why did you lie?" tanong niya.

"I did not." Halos mapairap ako. "Tinanong mo ako kung kumain na ako at ang sinagot ko sa 'yo ay busog ako. Wala akong sinabing kumain na ako. Okay?"

"Kaya pala kumalam ang sikmura mo kanina," aniya.

Nanlumo ako. "T-talaga?"

He nodded. "That's when I realized you were lying. Why? Bakit ka nagkulong sa kwarto? Did something happen?" naging mapanuri ang kanyang tingin. Bumuntonghininga ito na tila pagod na sa akin. "What did you do this time?"

Sa halip na sumagot ay tinalikuran ko na siya at nag-umpisang pumasok sa restaurant. Sumunod naman ito agad. Sinalubong kami ng isang waiter na nag-assist sa amin sa lamesa na pangdalawahan. Inabutan kami ng menu book.

"Can I take your orders now, Ma'am, Sir?"

Nahihiya man ay marami na rin ang in-order ko. Sa totoo lang kasi ay gutom na gutom na ako. Hindi ko nakain ang mansanas na kinuha ko. Gano'n din naman si Brix.

"So..." Pinagsalikop ni Brix ang kanyang mga daliri sa ibabaw ng lamesa. "You didn't answer my question yet. Bakit nagkulong ka sa kwarto? Ano ang ginawa mo?"

Lumunok ako. "C-Callum is back..."

"So? The Freak freaked you out?" He furrowed those thick brows.

"What happened to him?" tanong ko. "Ayon sa narinig ko ay mukhang may ginawang hindi maganda 'yung lalaki?"

He shook his head as he let out a heavy sigh. "False accusations. It's good that he's back though. At least he has the balls to show up now. What about it?"

"False accusations?" takang tanong ko.

"You won't understand."

"It has something to do with you, right?" I asked again. I was being careful with my words that it's hard to point out what I really wanted to ask. "Oscar, Resty and Erikson. They are involved, aren't they?"

Bumali ang leeg nito. "Mukhang mas marami na ang alam mo kesa sa naiisip ko ah? What a curious cat. Be careful. Too much information isn't good for anyone."

Huminga ako nang malalim bago tumango. Iniiwasan niya ang tanong ko. "Oo nga pala. Sabi ni Lord Severo ay kailangan nating makabalik bago mag-umpisa ang Unus."

"Oh, that?" Napaisip si Brix. "I am not sure. Pero makakahabol naman siguro tayo bago magtapos."

"Masyado bang malayo?"

Umiling siya.

"You are with me, the only reason why I do things faster than the usual," diretsong sagot nito. Walang dating sa kanya 'yon pero sobra para sa akin. "That means I can prolong my comeback. Why?"

Umiling ako.

Nagtaas ito uli ng kilay. "You aren't thinking of Mr. Escariaga, are you?"

"Kawawa kasi siya. Wala siyang katulong para sa paghahanda—"

"At ako hindi?" putol niya. Sumama ang tingin nito sa akin.

Napatikhim ako. "Hindi ka naman mukhang kawawa—"

"Mas kawawa ako, hindi mo ba nakikita?" putol niya sa akin. "He's just there to prepare for that damn celebration while I am away and doing more dangerous things."

Nawalan ako ng mga salita. That's not what I meant.

Mapaklang tumawa si Brix. "I don't want to talk about this anymore. Wala kang ibang babanggiting pangalan kung hindi ang pangalan ko habang kasama mo ako."

I let out a heavy sigh. "Okay, Master Brix..."

Mabuti na lang at dumating na ang order namin. Wala na kaming pansinan ni Brix. Para ngang may competition sa pagitan namin na pabilisan ng pagkain e. Wala pang ilang minuto ay ubos na namin ang mga order namin.

"Wrong move," ani Brix pagkatapos kumain. "Naparami kain ko. Baka antukin ako."

"I know how to ride a horse now," pagmamayabang ko. Nagsalin ako ng alak sa dalawang baso at inabot sa kanya ang isa. "Sinakyan ko na nga kanina ang kabayo mo."

"She has a name now." He took a sip of his drink.

Uminom din ako sa alak na hawak ko. "Will you let me ride her? Ikaw ang pasahero ko no'n."

"Uhm." Pinaningkitan niya ako ng tingin. "I don't know. I'm not really comfortable when someone else is riding her. Ikaw pa lang ang sumakay sa kanya maliban sa akin."

I burped. "You choose."

"Gross." He looked at me in disgust. "Kaya ko namang matulog nang ilang araw. I don't trust you."

"Well. Bahala ka..."

May lumapit sa aming waiter. Medyo nag-aalangan pa nga ito kung lalapit ba siya o aalis na lang. "Excuse me. Sa inyo po ba 'yung kabayo sa parking lot?" nahihiyang tanong nito.

Napatikhim ako at agad na yumuko.

"Why? Did you touch her?" dinig kong tanong ni Brix.

"N-not really, Sir. Pero... pwede po ba namin siyang ilipat sa ibang pwesto?" magalang na tanong ng waiter. "We will make sure she will be safe and unharmed."

"No need. Aalis na rin kami." Nakita kong naglabas ng card si Brix sa kanyang bulsa at nilagay 'yon sa ibabaw ng lamesa. "Keep the card here. Babalikan ko na lang. Let's go, Astra."

Tumayo na rin ako.

"Who owned that fucking horse on the parking lot?!" There's this guy suddenly popped in the scene. Kita mo ang tindi ng galit nito sa namumula niyang mukha. "Dinumihan niya ang sasakyan kong bagong linis!"

Naistatwa ako sa kinatatayuan ko habang si Brix ay nakatingin lang din sa lalaki.

Lumapit ang waiter sa lalaking nagwawala para pakalmahin ito pero hindi ito nagpatinag. "I don't care! Why would someone bring a fucking horse on the parking lot?!" patuloy na pag-iingay ng lalaki.

"My mistake." Napangiwi ako nang sumagot na si Brix. Napunta sa kanya ang atensyon ng lalaki at ng mga kumakain na naistorbo. "I should have brought Servena in here instead."

"Is it you?" the guy asked Brix. "You own that fucking horse?"

Hinawakan ko ang braso ni Brix para pakalmahin ito. "Umalis na lang tayo, Brix. Hayaan mo na lang siya. Huwag mo nang patulan," pakiusap ko para hindi na lumala ito. Nakakahiya na rin sa mga kumakain.

"Okay," sagot ni Brix. "I'm not going to waste my time on this human anyway..."

Nakahinga ako nang maluwang dahil pumayag agad si Brix. Lalagpasan na lang sana namin ang lalaki nang bigla niya akong hinawakan sa braso. Napatalon pa ako sa gulat dahil sa ginawa niya.

"Pay for that," he said while looking at Brix.

Sinubukan kong alisin ang kamay ng lalaki sa pinakabanayad na paraan pero hindi ito nagpatinag. Mas hinigpitan pa nga niya ang pagkakahawak na nakakasakit na.

"I said pay—"

"Hindi mo ako bibitiwan?" Gamit ang isa kong kamay ay sinakal ko siya. Mabilis naman na nabitiwan niya ako kaya hinayaan ko na lang din siya.
"Good boy..."

I heard Brix chuckled. "Akala ko ba ay ayaw mo nang gulo?" he mumbled.

Hinila ko na si Brix palabas ng restaurant. Mabibigat ang hakbang ko dahil sa pagkairita. Why would someone make such a commotion over a small thing? Pwede naman niyang ipalinis uli!

It's embarrassing. Ito naman si Brix patawa-tawa lang.

"Hindi mo ako bibitiwan?" Brix mimicked my voice. "You looked like you were about to pull his heart out of his chest. Ibang klase ka rin palang magalit."

"Kasalanan ng kabayo mo." Umirap ako.

Pinuntahan namin kung saan nakatali si Servena. Napangiwi ako nang makita ang kanyang dumi sa harapan ng sasakyan ng lalaki. Oh. Kaya naman pala sobra siyang nangangalaiti.

"Gross..." I murmured.

Sumakay kami uli sa kabayo at lumabas na ng parking lot. Dumaan kami uli sa highway pero sa pagkakataong ito ay hindi na ako nakakahiya. Mas nakakahiya ang nangyari sa restaurant.

Nakahinga ako nang maluwag nang sa wakas ay pumasok na kami sa kakahuyan. Mabagal lang ang pagpapatakbo ni Brix kay Servena. Bigla akong napahikab.

"Inaantok ka na?" dinig kong tanong ni Brix.

"Nope." Umayos ako ng upo. Masyado na akong nakasandal sa kanya. "Anyway... pwede ko bang malaman kung ano ang mission? Is it bloody? Do I need to fight, too?"

"Expansionism," he responded. "To expand our wealth, alliance, territory and power. Sometimes, invasion, too. Invasion only happens when both parties didn't agree on the same terms and agreements. That's where the bloody part takes place. Of course, the result is always in favor of us."

Okay. That was quite terrifying.

"But this mission is expansionism, right?" I asked, tensed.

"I can't say," aniya na tuluyang nagpakaba sa akin. "But Esparago Clan is just a small clan. If they are well aware of what we can do, they won't hesitate to nod their heads and agree."

"And what if they are not?"

"Are you scared?"

"Of course," sagot ko naman. "Kahit na maliit na clan lang sila, mas malakas pa rin sila sa akin. Ayokong makaabala sa 'yo sa mission na 'to. – Wait. May idea ako!"

"Ano na naman 'yan?" tamad na tanong nito.

"Iwan mo ako sa isang lugar tapos balikan mo na lang ako kapag tapos na," saad ko. "Hindi naman ako aalis doon saka sandali ka lang naman, hindi ba?"

Mas binagalan niya ang pagpapatakbo kay Servena. Parang naglalakad na lang kami ngayon.

"Listen, Astra..." Seryoso na ngayon ang boses niya. "You won't leave my side no matter what. When I said side..." Hinila niya ang braso ko kaya napayakap ako sa kanya. "This close."

There was this strange feeling crawling in my chest. Wait, is that my heartbeat? Ang akala ko ba ay hindi na tumitibok ang puso ko pero... bakit nararamdaman ko ito ngayon?

"I promise not to kill anyone in this mission," he whispered. "If that's what worries you, then I won't. Sisiguraduhin kong hindi dadanak ang dugo habang nasa tabi mo ako."

Fuck. My hearbeat. Am I being a human again?

"Brix..." Halos naging hangin lang ang mga salita ko. "Sabi mo huminto na sa pagtibok ang puso ko? Bakit nararamdaman ko ito ngayon? Is this a good sign? Am I being a human again?"

He laughed. "Idiot. Not literally. You aren't origininally born vampire. You still have a heart. Good for you. That's also what makes you weaker than the rest. Heart tends to interfere with your life. So... don't use it. It's useless."

I gulped. "T-that means... I can live without a heart, too?"

"I should have enrolled you to Junior Squad for you to learn things," he said, shaking his head. "I don't want to spoil things to you. When we come back home, learn it yourself."

"Fine."

Tahimik na lang kami uli. Pigil na pigil ako sa paghikab. Habang palalim nang palalim ang gabi ay papikit din nang papikit ang mga mata ko. Hindi na nga lang ako sumasandal kay Brix para kahit papaano ay malabanan ko ang antok.

"Whoa!" Brix pulled both rein to halt the horse. Bumaba ito at may kinuha ito sa bag na nakasabit kay Servena. Hinagis niya sa akin 'yon kaya tiningnan ko naman. Isang tela na may mga pangkapit.

"What's this?" I asked.

Muling sumakay si Brix sa kabayo. "Wrap it around you," he ordered.

Naguguluhan man pero kinapit ko sa katawan ko ang tela. Napasinghap ako nang hilahin ni Brix ang tali ng tela na nakapulupot sa katawan ko at tinali rin yong sa katawan niya. Ngayon ay nakasandal na ako nang tuluyan sa likod niya.

"You can sleep now without worrying you might fall," he said and we continued going.

Napangiti ako. "Thank you..."

Yumakap ako sa kanya at pinahinga ang mga kamay ko sa kanyang hita. Hindi ko na kailangang yuamakap nang mahigpit dahil nakatali na ako sa kanya. Hindi na ako mahuhulog.

"Are you good?" I asked.

"Go on and sleep."

Humikab ako bago sinandal ang ulo sa likod niya. Pinikit ko ang mga mata ko at hindi rin nagtagal ay nakatulog ako. Nagising na lang ako nang maramdaman na magalaw ang sinasakyan namin.

Paakyat pala kami sa bundok. Madilim pa rin pero halatang pasikat na ang araw.

"Okay ka pa, Brix?" tanong ko.

"Yeah. Nakatulog ka talaga habang nakasakay sa kabayo. Ibang klase." Hindi ko alam kung namamangha ba ito o nanunuya. "Do you want to stop first?"

"I-I'm thirsty..." sabi ko.

Hinito niya ang kabayo at inalis ang pagkakapulupot sa kanya ng telang nagdidikit sa aming katawan. Bumaba siya at tinali ang kabayo sa puno. Nanatili akong nakasabay sa kabayo nang ilabas ko sa bag ko ang dalawang supot ng dugo.

"Malayo pa ba?" tanong ko bago hinagis sa kanya ang isang supot.

"Yeah. Don't tell me you are tired? Kagigising mo lang."

Umiling ako. "Hindi. Ikaw?"

"Nah."

Inubos ko ang laman ng supot bago 'to tinapon. "Ako naman ang magpatakbo kay Servena tapos ikaw ang matulog."

"I'm good. That doesn't sound like a good idea to me." Binitiwan niya rin ang supot nang maubos. "Saka... ang likot ng mga kamay mo habang natutulog. Nagugulat na lang ako bigla mong hahampasin ang hita ko."

Namula ang mukha ko sa sinabi niya. "Baka nanaginip akong nakasakay sa kabayo. Sabi ko kasi ako naman ang magpatakbo kay Servena! Marunong naman ako."

Ngumisi ito. "Should I wrap that thing around you, too? So, I can sleep?"

Napalunok ako. "Ikaw bahala..."

Pumayag naman ito sa gusto ko. Ako na ngayon ang may hawak sa tali ni Servena at si Brix ang nasa likod ko. Hindi naman niya tinali sa akin ang tela at hindi rin naman siya nakahawak sa akin. Magaling naman siya sa pagbalanse kaya okay lang.

"Ganyan lang ang pagpapatakbo. Huwag mong bilisan ah?" paalala pa niya. "I'll just rest for a while."

"Okay, Master Brix..."

Hindi na siya nagsalita. Sinilip ko siya sa likod ko. Tuwid ang upo niya. Nakapatong sa kanyang mga hita ang dalawa niyang kamay habang nakapikit. Magaling talaga siya sa pagbalanse. Kahit siguro bilisan ko ang pagpapatakbo ay hindi siya mahuhulog.

Ilang minuto ang lumipas ay naramdaman kong sumandal sa akin si Brix. Nakiliti ako nang dumausdos sa bewang ko ang kanyang mga kamay. Pinahinga niya ang kanyang ulo sa balikat ko.

Shit. Bigla akong kinabahan.

Parang nauubusan ako ng hininga. Dahil doon ay nawala ako sa konsentrasyon sa pagpapatakbo kay Servena kaya nahila ko ang dalawang tali nito. Napahiyaw ako nang bigla itong tumakbo.

"Fuck! Pull back both reins!" utos ni Brix na nagising.

I tried to pull the reins but it didn't stop.

"Bitiwan mo ang mga tali!" ani Brix.

Pinakawalan ko ang kapit ko sa mga tali kaya nawala ang balanse ko. Napapikit ako nang maramdaman kong nahulog na ako. Bumagsak ako sa lupa pero hindi ko naramdaman ang sakit.

Nagmulat ako ng mga mata. Ang mukha agad ni Brix ang sumalubong sa akin, masyadong malapit ito sa mukha ko. Nakakawit sa katawan ko ang kanyang mga kamay at nakapatong ako sa kanya.

Suminghap ako.

"W-what just happened?" I asked.

I swallowed hard when Brix moved his lips closer to my ears.

"You are a bad idea." He chuckled.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro