Chapter 44
Chapter 44: Candle
"You once told me that someday, I might regret meeting you." That's the moment he faced me. There was this melancholic feeling while staring at his eyes. Nakalapat pa rin sa bewang ko ang kanyang isang kamay. "It's starting..."
Wala akong nagawa kung hindi ang magpakalula sa kanyang titig.
Ilang sandali pa ay pinalaya ako ni Brix mula sa kanyang pagkakayapos. Umupo siya at inalog ang ulo. Huminga ito nang malalim bago bumaling sa akin.
"Wait me here. I'll just get something in the barn," aniya bago tumayo at naglakad papunta sa malapit na kamalig. Nakayuko itong naglalakad habang nasa loob ng mga bulsa ng kanyang sweat pants ang kanyang kamay.
Naiwan akong tulala sa madilim na kalangitan. What does that even mean? I don't understand. Did I do it? Nagtagumpay na ba akong makuha ang loob niya?
If that's the case, then... why am I not happy at all?
Bumalik din agad si Brix. Sinabihan niya akong umupo na ginawa ko. Magkaharap kami sa isa't isa. Bigla kong naalala ang pangyayari sa bahay sa likod ng Mansion. This scene somehow reminds me of the fireflies.
Brix showed me a candle. Sinindihan niya ito. Nakatingin lang ako sa mukha ni Brix. Gamit ang kanyang palad at hinarang niya ang hangin na umaapula sa apoy.
"This is what I do when I can't sleep," he whispered. Bumaba ang tingin ko sa kandila nang umangat ang tingin niya sa akin. "I light up a candle and watch it melt."
I stared at the candlelight. "Why can't you sleep now?"
"The sky is calm and the weather is good. It will be such a waste to sleep early," he responded. Sinabayan ko na ngayon ang tingin niya. "You see, Astra. You are like a light up candle –pure and innocent at first but you melt as time passes by. You cry tears that don't totally dry. It plants marks that haunt you every single time."
Pinahawak niya sa akin ang kandila para linisin ang mga patak sa kanyang daliri.
"Take this as advice from me," I heard Brix said. Nanatili sa kandila ang tingin ko. "As much as possible, don't let bad memories hover in your head for a long time. Forgive yourself, but don't forget. Learn to give up but don't stop fighting. Don't be like me."
Mula sa kandila ay lumipat ang tingin ko kay Brix na nakatitig sa kandilang hawak ko.
"Release and breathe..." he whispered.
Gamit ang daliri ko ay pinatay ko ang ilaw ng kandali. Umangat ang tingin ni Brix sa akin. Pinahid ko ang mga natunaw na parte ng kandila sa katawan nito bago kinuha ang posporo kay Brix at muli itong sinidihan. Nilapit ko ito sa mukha niya.
"You are still living the fire that someone from the past lit up for you," I said, straight into his eyes. "I appreciate your advice, Brix. But I hope you can accept my advice, too. Do yourself a favor and kill the old fire that haunts you to start a new one."
Nanatiling nakatitig lang sa akin si Brix.
"There are lots of reasons why some things are better left in our past, but letting them hinder you to have a peaceful present is not one of them." Tinaas ko sa pagitan ng mga mukha namin ang kandila. Hinipan ko ang apoy ng kandila. "This is why sometimes, we need to kill the fire from the past that affects your present. That's moving on, Brix..."
I was all smile while staring at him until he moved closer to me. He claimed my lips swiftly. Napapikit ako sa ginawa niya. Naramdaman kong kinuha niya sa akin ang kandila. Nilagay niya sa likod ko ang isa niyang kamay bago ako dahan-dahang hiniga sa damuhan.
He stopped kissing me to say a thing that made me feel something strange, "It's too late to kill the fire, Astra. Maybe if you came sooner... there's still a chance. Not now that... I am already the fire."
That thought haunts me the whole night. Hindi ako agad nakatulog hanggat hindi ko napagtatanto kung ano ang nararamdaman ko. The answer knocked in me that night, too.
Afraid. That's right. I am afraid not for me but for him. Pakiramdam ko ay maaari siyang sumabog kahit na anong segundo. Isang maling galaw lang... isang maling kalabit... isang posibilidad na pangyayari na tuluyang magpapakawala rito.
Pagkamulat ng mga mata ko ay nasa kwarto na ako. Tumayo na ako para mag-ayos ng sarili. Naagaw ng isang note na nakadikit sa likod ng pinto ang atensyon ko. Lumapit ako roon at binasa ito.
"I'll be out for a while. Prepare. You will come with me when I come back." – S
Kinabahan na naman ako. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kukote ni Brix at ako pa ang naisipan niyang isama. Wala naman akong maitutulong sa kanya. In fact... he's right, I might just get in his way.
Habang naliligo ay wala sa sariling napahawak ako sa labi ko. A memory of last night flashed in my head. How he kissed... it was so gentle... and it felt really honest. I'm not gonna deny that I liked it.
Nakangiting lumabas ako ng kwarto. Nagugutom na ako kaya dumiretso ako sa dinig hall. Naabutan ko sina Lord Severo, Oscar at ang isang babaeng nakayuko pero hindi ito si Celeste.
Yumuko ako nang mapagawi sa akin si Lord Severo. "Good morning, Lord Severo, Maser Oscar."
"Good morning, too, Lady Astra. Maupo ka at samahan mo kaming kumain," aya ni Lord Severo.
Umupo ako sa nakasanayan kong pwesto sa lamesa, sa harapan nila Oscar. Umangat ang tingin ng babae at ngumiti sa akin. Sinuklian ko rin naman 'yon ng ngiti rin.
"Brix will be out for a while, Lady Astra," said Lord Severo as he sipped on his drink. "Baka gabi na rin siya makauwi. Anyway... have you met, Lady Feera?"
That's I think the woman beside Oscar. "I don't think so, Milord."
"Ah. Sorry." Tumikhim si Oscar. "Lady Astra... meet Lady Feera. She will be my slave from now on. Lady Feera, meet Lady Astra. She's Brixton's."
Umawang ang bibig ko sa gulat. Umalis na si Celeste? I haven't had the chance to talk to her one last time. Nakakalungkot naman na hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya. Pero siguro naman ay makakasalubong ko pa rin siya minsan.
"Nice to meet you, Lady Astra..." Tumayo si Lady Feera at yumuko. "They are right. You really look gorgeous. I hope we can hang out sometime."
Gano'n din ang ginawa ko, tumayo para batiin siya, "Likewise... Lady Feera. Sure. Huwag kang mahihiyang kausapin ako. I hope you can take good care of Master Oscar."
"That's for sure, Milady..."
She seems good. Magalang ito at hindi palasalita. Medyo hindi pa siya gaanong makausap dahil nahihiya. Parang tuloy nakikita ko ang sarili ko sa kanya. Ganitong-ganito rin ako dati.
Nagpatuloy kami sa pagkain. Nakikinig lang ako kina Oscar at Lord Severo. Pinag-uusapan nila ang Junior Squad. Siningit din ni Oscar ang pagtulong na ginawa ni Brix.
"How about the preparation for The Unus?" Napunta sa akin ang atensyon. "I've heard that Mr. Escariaga and you went out yesterday. Was it about the preparation?"
I swallowed my food before answering, "That's right, Milord. We are already working on it."
"Good. This will be a history." There was this strange feeling when he smiled at me. "Nalaman ko rin na balak kang isama ni Brix sa mission. I hope you can remind him to come back for The Unus. I want you to be there, too."
"I understand, Lord Severo..."
Ako ang unang nagpaalam para bumalik sa kwarto. Kailangan ko pang maghanda ng gamit para sa mission. Kinakabahan man ay hindi ko pa ring maiwasang hindi ma-excite. I wonder what Brix does every mission aside from killing?
"Lady Astra!" Napatingin ako sa bagong dating.
Nakangiting sinalubong ko si Erikson. "Oh. May kailangan ka?" tanong ko.
"Grabe. Hindi ba pwedeng na-miss ko lang ang kaibigan ko?" Mahina siya tumawa. "Pero... hindi ko makita si Brix. Umalis ba siya?"
Tumango ako. "Ayon kay Lord Severo ay umalis nga. Baka mamaya pa makakauwi. Bakit, Erikson? May problema ba?"
Ngumiti lang siya bago umiling. Hindi no'n naitago na parang may kinakabahala ito. Ipagsasawalang-kibo ko na lang din sana 'yon pero biglang dumating din si Resty.
"Pwede ka ba ngayon, Astra?" tanong nito sa akin, hindi pinansin si Erikson. As usual ay naka-polo shirt na naman ito. "You know what? I feel hurt. Nakita ko sa basurahan ang bulaklak na bigay ko.
"S-sorry. Hindi ako makakasama ngayon, Master Resty. May kailangan kasi akong gawin—"
"I can help," maagap na sabi nito. "Wala rin naman akong gagawin kaya matutulungan kita kung ano man 'yan."
"Mr. Escariaga, we need to talk..." Hinawakan ni Erikson ang braso ni Resty. "This is important."
Hinawi ni Resty ang pagkakahawak sa kanya ni Erikson. "Saka na 'yan, Mr. Nadija. May kailangan pa kaming gawin ni Lady Astra." Saka ito bumaling sa akin. "Tara na?"
"He's back..." Mahina ang pagkakasabi no'n ni Erikson.
Nawala ang ngiti sa labi ni Resty. He turned to Erikson. "W-what?"
Erikson gulped. "Callum..."
Kumurap lang ako at wala na ang dalawang lalaki. Naiwan akong tulala at naguguluhan. Who is back? Bakit parang natataranta si Erikson? Bakit gano'n na lang din ang reaction ni Resty? Why did Erikson ask if Brix is here? What's going on?
What's this now?
Dumiretso na lang din ako sa kwarto ko. Kumuha ako ng maliit na bag. Pumili ako ng mga damit na kakasya sa loob. Naglagay din ako ng supot ng dugo sa loob para kung sakaling kailanganin namin. Hindi naalis sa isipan ko ang nangyari kanina.
"Who the hell is Callum?" I asked myself.
"Did I just hear my name?"
Napatayo ako at hinarap ang nagsalita. Isang hindi kilalang lalaki ang ngayon ay nakatayo sa gilid ng pinto ng kwarto ko. May hawak itong mansanas at hinahagis-hagis sa era. Kulang pula ang buhok niya.
"I don't think I was hallucinating. I really heard you called me."
Nakangiting pumasok ito sa kwarto ko at umupo sa kama. He was looking at me with a smirk on his face. Kumagat ito sa mansanas bago mahinang tumawa.
"I forgot to introduce my name." He chewed his food before he stood up. "I am Callum. They call me Freak, but you can't call me that. Callum is enough. It's a pleasure to meet you. Lady Astra... finally."
"Get out," I said.
Kumurap-kurap ang kanyang mga mata at natigilan sa pagnguya. Ilang sandali pa ay sumabog ito sa pagtawa. Napahiga ito sa kama at halos gumulong sa sobrang tawa.
Hindi nagbago ang pagkaseryoso ng mukha ko. I have a bad feeling for this guy and I don't like it.
"Y-you are funny..." he said in between of laughs. Umupo ito muli at tumingin sa akin. "Brixton didn't change after all. He is still into this kind of personality – bold and fearless. That suits you well though. You look feisty." He bit his bottom lip.
"I don't know you. Get out now," I said again.
Resty and Erikson appeared out of nowhere. Parehong masama ang tingin nila kay Callum.
Just like that, too, Callum's teasing smile faded. "Kararating ko lang mga pagmumukha niyo na agad ang makikita ko. Give me a break, Mr. Escariaga and Nadija."
"Leave her alone," said Erikson.
"Uh, nah." Callum shook his head. Muli itong kumagat sa mansanas at bumaling sa akin. "She's interesting. She somehow reminds me of that jerk. Eskelle."
In just a blink of an eye, nakalapit si Resty kay Callum at sinakal ito. Imbes na masindak kay Resty ay nagawa pa nitong ngumisi. He spit the apple out of his mouth.
Resty's eyes turned red. "Hindi ka na dapat bumalik, Callum. You should have stayed where you were," he threatened, showing his sharp fangs.
"Is this how you should greet your old friend, huh?" pang-aasar pa ni Callum. "Kung may problema ka sa pagbabalik ko, bakit hindi kayo kay Lord Severo magreklamo?"
"W-what?" asked Resty.
Tinulak siya ni Callum kaya nabitiwan siya nito. "Rude. Are you scared?"
"Si Papa ang nag pagbalik sa 'yo?" Napatingin kami sa bagong dating. Si Oscar na nakatinging diretso kay Callum. "Is that it, Callum? Si Papa?"
Callum cleared his throat. "It's nice to see you again, Leader."
"We are not," said Resty.
"It's payback time," said Callum.
Nakita ko kung paano mabahala ang tatlo. Sila Resty... Erikson... at Oscar. Nasindak sila dahil sa sinabi ni Callum na ngayon ay natatawa sa reaskyon nila.
What's happening?
Callum walked towards Oscar. "Master Oscar... I came back to clear my name. You painted me as the villain in this story. No. Master Brixton needs to know—"
Oscar grabbed him on his neck. "Huwag tayo rito mag-usap..."
"Huwag niyo nang idamay si Astra," ani Erikson. "Please. Wala siyang kinalaman dito."
Lumapit sa akin si Resty at hinawakan ako sa braso. "Sumama ka muna sa akin, Astra—"
"No," putol ko. "I-I want to know..."
"Astra!" si Erikson. "Please? Don't let yourself get involved."
I shook my head. Umatras ako at nanatili sa aking pwesto.
"Well..." Callum laughed. "Where should we start?"
"Enough," madiin na sambit ni Oscar. Napatitig ako sa kanya. Kahit na nakalabas na ang mga pangil niya at iba na rin ang kulay ng kanyang mga mata... hindi no'n nabura ang takot sa kanya.
What did you do, Oscar?
"Listen, Astra..."
"Callum!"
"You see these vampires?" pagpapatuloy ni Callum, hindi alintana ang mga babala. "You think they are good? Well, they are. They are good to everyone except to Brixton."
Resty punched the wall. Narinig ang pagdagundong no'n. Nagmura pa ito.
"They betrayed Brixton. They tried to kill him. They are the reason why Brixton is a mess right now. All of them..." Ramdam ko ang galit sa boses ni Callum. "Everyone turned their back on him! Including his father! And... Brix doesn't know yet."
Napako ako sa kinatatayuan ko.
What?
Ilang sandali akong natulala bago nabalik sa huwisyo.
"Wait..." Huminga ako nang malalim. "I need to go now."
"A-Astra..."
Nilagpasan ko si Erikson.
Hindi ko alam kung paano ako nakalabas ng mansion. Basta ang alam ko lang ay nakaharap na ngayon ako kay Servena. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan ko pero sinakyan ko 'yon.
It was as if my body knew how to ride a horse. I did it. Smooth. Dinala ko ang sarili ko sa ranch. My tears... I have tears in my eyes. My hands... they are shaking.
Hindi ko alam kung paano pahintuin ang kabayo. I tried to pull the rope but it didn't stop. Nawala ang balanse ko kaya nahulog ako. Bumagsak ako sa damuhan.
Hindi ako bumangon.
Napatitig ako sa kulay asul na kalangitan.
What?
How did that happen?
Alam ba 'to ni Brixton? Bakit parang hindi? Kung hindi man, hindi ko alam kung dapat niyang malaman. It will totally wreck him. I'm afraid of what might happen. But... he deserves to know the truth – the truth that wrecked his life.
Suminghap ako at hinawi ang mga luha sa mata.
Alam kong pinangako ko sa sariling hindi na makikialam pa. Pinangako ko sa sariling hindi na gagawa pa ng kung ano mang maaaring magpahamak sa akin. Pero... galit. Ramdam ko ang galit na hindi ko dapat nararamdaman. Wala akong kinalaman pero sobra akong apektado.
Did they really betray Brix?
Why would they do that?
Sa sobrang gulo ng utak ko ay nanatili na lang ako sa ranch. Hindi na ako nakakain ng tanghalian. Hindi ko nga napansin ang oras dahil sa dami ng iniisip ko. Parang kumurap lang ako ay madilim na.
Bumangon na rin ako. I need to go back now. Baka nakabalik na rin si Brix.
Hindi na ako gumamit ng kabayo. Tinakbo ko na lang ang daan pabalik. Medyo malayo kaya hingal na hingal ako pagkabalik sa mansion. Ang bigat ng pakiramdam ko.
Naabutan ko sina Erikson at Oscar sa bungad. Halatang may hinihintay. Napaayo ang tayo nila nang makita ako. Nag-alangan pa ang dalawa kung kakausapin ako.
"S-saan ka galing, Astra?" tanong ni Erikson. "We were worried. You okay?"
"Nakabalik na ba si Brix?" tanong ko.
"Baka mamaya kaunti," si Oscar ang sumagot. "Can we talk? Please?"
Imbes na sagutin ay nilagpasan ko na lang sila. Pumasok ako sa loob at dumiretso sa kwarto. Alam kong nakasunod sila sa akin kaya agad kong sinarado ang pinto at kinandado ito.
Kinuha ko ang bag ko at inayos ang aking mga gamit. Pagkatapos ay naligo ako uli.
Habang wala si Brix ay nanatili ako sa loob ng kwarto ko. Hindi ako lumabas dahil baka naghihintay pa rin sina Erikson at Oscar. Ayoko muna silang makausap. Hindi ko pa alam kung ano ang sasabihin ko. Naguguluhan pa rin ako.
I was just lying in my bed the whole time until some knocked on the door. "Astra? You there?"
It was Brix.
Mabilis akong tumayo at pinagbuksan siya ng pinto. Bumungad sa akin ang nakakunot niyang kilay. "Sabi ni Oscar ay hindi ka pa raw kumain? Why?"
"I'm still full. Saka... excited kasi ako sa mission." Tumawa ako.
"Really What's so exciting about this?" pagsusungit niya. "Okay then. I'll wait outside."
"Aalis na tayo?" manghang tanong ko.
"Yeah." Saka na niya sinarado uli ang pinto.
Napapikit ako dahil pabagsak ang pagsara niya.
Mabilis akong nagbihis at sinabit sa likod ko ang bag. Nakaramdam ako ng gutom kaya minabuti ko munang pumunta sa dining hall para kumuha ng mansanas. Mabuti na lang at hindi ko nakasalubong ang dalawa.
Paalis na sana ako nang may marinig na mga bulong. Sumilip ako sa isang pasilyo. Kumunot ang noo ko nang makita si Callum. Nakaluhod ito habang kausap si Lord Severo.
"I did it, Milord..." said Callum.
"Good. You can leave now."
Bago pa ako mahuli ay nauna na rin akong umalis.
Wala sa sariling napangiti ako.
"What a bunch of bullshits," I whispered, gritting my teeth in anger.
Naabutan ko si Brix sa labas. Hawak niya ang lubid ni Servena. Mukhang ito ang gagamitin namin sa paglalakbay. Mas lalo tuloy akong na-excite.
"Ginamit mo ba si Servena?" tanong ni Brix.
Natawa ako. Naalala ko bigla nung gulat na gulat itong may pangalan ang aso naming si Tati. Ngayon ay may pangalan na rin ang kanyang kabayo.
"I tried... sorry," sagot ko.
"I knew it. Ikaw lang naman ang may lakas ng loob na gamitin ang mga pag-aari ko," aniya.
Pinansin ko ang suot niya. Itim na jacket na tinernohan ng itim din na pantalon. Nakasuot din ang kulay itim na sombrero sa ulo niya. He looked like a knight in black.
Nauna siyang sumakay sa kabayo bago naglahad ng kamay sa akin.
Hindi ako agad nakakilos. Napatitig ako sa kanyang mukha.
"What?" he asked.
"You look good," I complimented.
"Should I compliment you back?" he arched his brows.
I shook my head. Tinanggap ko ang kanyang kamay at sumakay ako sa likod ng kabayo. Malakas ang pintig sa dibdib ko. Naka-jacket din naman ako pero ramdam ko pa rin ang lamig.
"You ready?" he asked.
I wrapped my arms around his waist.
"Always for you, Master Brix."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro