Chapter 43
Chapter 43: Maybe
Brix came back. He sat beside me on the bench. There was just silence. No one between us dared to break it for a few minutes. Pareho rin kaming nakatulala at nakatingin sa mga bulaklak sa hardin na ito.
I let out a heavy sigh. Pinaglaruan ko ang mga daliri ko.
"She will be home safely," Brix said.
"I'm sorry, Master Brix..." bulong ko.
I didn't get a response from him.
"I admit it. You scared me to death," I said in a low voice. Sa sobrang hina ng boses ko ay mabilis itong tinatangay ng hangin palayo. "I can't lose her or anyone because of me anymore. I can't blame you. You did that to remind me of my stand in this story. I crossed the line many times, said things I should not. And for that..." I bit my bottom lip. "I'm really sorry."
This time, I mean it. I am really sorry.
"Are you scared of me now?" he asked.
Mapait akong ngumiti bago tumango. "Sobra. Akala ko ay mababaliw na ako sa sobrang takot. Kaya kong tiisin ang sakit pero ibang usapan kapag isang malapit na sa akin ang nasasaktan dahil sa kagagawan ko."
"That's right." Huminga nang malalim si Brix bago tumayo. "You should scared of me. I can do worse than that. Sa susunod na lumagpas ka sa linyang nakaguhit para sa 'yo ay hindi na ako magdadalawang-isip na itatak 'yon sa isipan mo habang buhay."
I nodded. "I understand..."
"You know what's the longest relationship we can get? Memories. Time passes but memories remain. Nothing is scarier than living with haunting memories. Trust me."
Those are his last words before he left.
I immediately wiped my tears away. I'm still being haunted by my memories of Kristan but I can bear it. Kaya ko pa itong dalhin pero kung madadagdagan ito ay hindi ko na kakayanin.
This is the time when I should be contented with what I still have.
"Astra..."
Umangat ang tingin ko sa bagong dating. Si Celeste na nakangiti sa akin. Umupo siya sa tabi ko kaya hinarap ko siya.
Bumuntong-hininga ito. "I've heard what happened."
"I'm sorry..." I muttered. "Hindi na dapat ako nakialam pa sa inyo. I feel embarrassed."
"Sorry din," aniya sa malungkot na boses. "Hindi mo kasalanan kung bakit ako nagkakaganito. Sorry sa mga nasabi ko. I didn't mean it. Masyado lang akong lumubog nung araw na 'yon."
I gave her a tight hug.
"We should be on the same side," she said. "Walang ibang makakaintindi sa atin kung hindi tayo ring dalawa. They don't know how it feels to be left with no choice but to do whatever the rules say. But I do and you also do somehow."
Agreed. But right now... I totally understood what is my role in this story. I started as a slave and it will end as a slave, too. Iyon ang dapat kong itatak sa isipan ko.
Damn. What does it feel like my story is about to end? Like the stars in my dark pace is finally aligned? Or... is it just the start of something else?
Nalaman ko na nakatakda na pala ang pagpapalit ni Oscar kay Celeste bukas. Ayon sa nalaman ko ay sa isang mayamang angkan din mapupunta si Celeste.
We are the same though. Brix is about to give me up.
An unusual thing happened after. We had lunch together— Brix, Oscar, Celeste and me. Wala pa rin si Lord Severo na malamang ay may importanteng ginagawa.
"Akala ko ay may lakad ka, Brix?" tanong ni Oscar habang kumakain kami.
"Cancelled," said Brix. Pinunasan niya ng tissue ang kanyang labi bago uminom ng wine. "It's an easy mission so Dad gave it someone else. He also told me to stay here for a few days."
I was just eating my food in silence, just like Celeste.
"Oo nga pala, Lady Astra." Umangat ang tingin ko dahil kay Oscar. "Resty told me to inform you that he will be here later. May pag-uusapan daw kayo?"
Napatango ako. "I think for the preparation for Unus, Master Oscar."
Oscar bobbed his head. "Okay. May specific date na ba kung kailan 'yan mangyayari? It changes every year, depends on the schedule of the leaders."
Umiling ako. "I'm not sure..."
"I think I can still help with that," he said with a smile. "Kung may tanong kayo ni Resty ay maaari kayong sumangguni sa akin. I've been the organizer of that tradition many times now."
"Noted that, Master Oscar."
"Anyway, Brix..." Napunta uli kay Brix ang atensyon ni Oscar. "Can you come with me later? May examination kasi ang Junior Squad and I want you to check on them first."
Tumingin sa akin si Brix kaya napayuko ako.
"Okay," sagot ni Brix.
"Thanks!"
Pagkatapos naming kumain ay umalis na sina Brix at Oscar. Kaming dalawa ni Celeste ang naiwan. Tinulungan namin ang mga babaeng tagapagsilbi sa pag-aayos.
"Boo!" Napatalon ako sa gulat nang may sumigaw sa tainga ko. Muntik ko nang maihampas kay Resty ang hawak kong plato. Tawang-tawa pa ito.
Binitiwan ko ang plato bago siya hinarap. "Mag-uumpisa na ba tayo sa preparation for Unus?" tanong ko.
"Yes, yes! Magbihis ka na," aniya habang natatawa pa rin. Dumiretso ito sa cabinet at kumuha ng alak. "Bilisan mo na, Astra. Marami pa tayong kailangang gawin."
"Okay..."
Pumanhik ako sa kwarto ko at kumuha ng maisusuot na damit. Narito na rin ang tukador ko. Sandali akong naligo at hindi rin ako nagtagal sa pag-aayos ng sarili.
Lalabas na sana ako nang mapagtanto na nakabukas ang pinto. Bumaling ako sa kama kung saan nakahiga si Resty. May binabasa pa itong libro.
"Kanina ka pa d'yan?" tanong ko.
"Medyo. Tapos ka na?" Binaba niya ang hawak na libro para tingnan ako. Pinasadahan niya ng tingin ang suot ko bago umayos na ng tayo. "Mukhang gano'n na nga. Tara na?"
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko.
He cleared his throat. "First of all, this is all job. Walang halong malisya. Lahat ng gagawin natin ngayon ay parte ng ating trabaho. Ayokong pag-isipan mo ito ng iba. Naiintindihan mo ba?"
Tumango ako.
And the next thing I knew, Resty brought me to a fancy restaurant. Hindi lang ito basta restaurant. Sa ambiance nito ay pansin mo agad na napaka-romantic. May mga kandilang mabango, soft music, petals of red roses.
"Seriously?" I rolled my eyes.
"We will have our meeting here."
Wala na rin akong nagawa kung hindi ang umupo. May lumapit sa aming waiter. Ngiting-ngiti si Resty habang sinasabi ang order naming dalawa.
I roamed my eyes around. Pangmag jowa talaga ang lugar na ito. May nakita pa akong magkahawak-kamay.
Tumikhim si Resty pagkatapos mag-order. "Hindi kasi ako makapag-isip nang maayos sa magulong lugar," aniya. "Unlike here, it's peaceful and romantic. Good place to think. This is not a date if that's what you are thinking."
Napatingin ako sa isang lalaking lumapit. He started to play his violin.
"Okay. Whatever, Mr. Escariaga."
Pinatong niya ang mga nakasalikop na kamay sa ibabaw ng lamesa habang nakatingin pa rin sa akin. "First of all, let's talk about us. Kailangan nating magkapalagayan ng loob."
Natawa na lang ako. He's so obvious!
"What?" tanong niya.
"There's nothing you should know about me, Mr. Escariaga," sabi ko. Kinuha ko ang nakasalin na wine sa baso at uminom. "Maliban na lang sa slave ako ni Brix."
He looked annoyed now. "Let's make a rule. Rule number one. Don't mention his name."
"You are ridiculous. He's my master!" giit ko. "Bakit ba napakalaki ng galit mo sa kanya?"
"Fine." He breathed. "Let's talk about The Unus instead."
Dumating na ang order ni Resty kaya kumain muna kami. Kakakain ko lang sa Mansion kaya hindi ako gutom. Gano'n din si Resty na halos hindi magalaw ang pagkain.
"Excuse me, Ma'am." Lumapit ang isang babaeng may hawak na bukalya ng pulang rosa. Inabot niya 'yon sa akin. "Happy first date with Mr. Escariaga. Enjoy."
I looked at Resty. "What's this?"
Tumawa siya. "Flowers? I am not so sure," may panunuyang sagot nito.
"Akala ko ba hindi date ito?"
"It's just a rose. Masyado kang malisyosa," aniya pa.
Tinabi ko sa ibabang lamesa ang bulaklak saka seryosong tumingin kay Resty. "Listen, Mr. Resty Escariaga. Pwede bang magseryoso na tayo? Stop playing around and let's start about the discussion for The Unus."
"Fine..." He let out a weighty sigh. Bigla itong tumayo at lumapit sa akin. Inayos niya ang kwelyo ng kanyang polo bago naglahad ng kamay. "Let's dance."
Tamad na tinitigan ko siya.
"Ayaw mo?" tanong niya.
Padabog na tinanggap ko ang kanyang kamay at sumama sa kanya sa gitna. Hinawakan niya ang bewang ko. Pinatong ko naman sa kanyang balikat ang aking mga kamay.
"Dad told me that Brix almost put your friend at risk," bulong ni Resty. Wala siyang nakuhang sagot sa akin. "That's not surprising though, pero malamang na natakot ka. Are you okay now?"
I remained silent. I don't want to talk about it.
"Matapang siya dahil alam niyang siya ang maaaring papalit kay Lord Severo," saad pa ni Resty. "Pero malabo 'yon. Half of the Seniors are against of that idea. We still have democracy here. It won't be easy for him."
"Why are you saying this?"
"Lord Severo..." he mentioned. "He wants me to ask each leader to bring two of their strongest men during The Unus. He also asked me to put our strongest guards to protect the leaders."
I gave him my confused look. I don't get his point.
"I don't understand, too, Astra," bulong niya sa akin. "This is bizarre. The Unus has been happening for a long time now. The guarding is not this strict but right now... it feels something is wrong."
"Baka gusto niya lang na mas maging ligtas ang mga pinuno," sabi ko. "After all... tayo ang malalagay sa alanganin kapag may nangyaring hindi maganda sa isa sa kanila."
"Maybe? We are not that sure. Hindi natin alam kung ano ang balak ni Lord Severo." He chuckled. "But one thing is for sure... you will be about to witness a history."
Napalunok ako. What's he planning?
Pagkatapos naming magsayaw ay bumalik kami sa table. Sa pagkakataong ito ay nagseryoso na si Resty. Binigyan niya ako ng ideya sa tungkol saan ang tradition na 'yon. It is to strengthen the bond of the leaders, to protect the peace and prosperity among the clans.
"Also, Phoenix Clan leader Lord Morales will join The Unus," saad pa ni Resty. "Phoenix Clan has been absent on the said event for a decade now. If there's a competition, their clan would more likely the only clan to stand a chance to take the first spot from us."
Uminom ako sa baso ko. "So... they are the second clan on the rank? Phoenix Clan?"
He nodded. "I think makikipagkasundo na sila ngayon kay Lord Severo. They did everything to take our place but they never succeeded. Siguro ay napagtanto na rin nilang wala silang laban sa atin."
"Ilang araw kadalasang tumatagal ito?" tanong ko.
"Four to six days," sagot ni Resty. "Madalang lang na umabot sa five or six days. Usually talaga ay four days lang. Unless, may importante pa silang sadya. We will use the East Wing of the Mansion for this event just like before. Doon maninirahan ang mga leaders habang nandito sila."
Tumango ako. "We need to prepare foods that match their tastes. May lists ka na ba ng mga pagkain?"
"Yep. As usual naman. May mga na-assign na rin akong magluluto," aniya pa. "Baka bukas din ay mag-umpisa na silang maghanap sa mga sangkap."
I nodded again. "Pwede ba tayong gumawa ng palabas?" tanong ko.
"What do you mean?"
"A battle. It will keep them entertained and at the same time, we will showcase the skills of our clan. We can bring the Junior Squad in. What do you think?"
Resty winked. "Your ideas are making me horny."
"Baliw." Natawa ako.
"Noted that, Lady Astra."
Madilim na rin nung natapos kaming makapag-usap ni Resty. Hinatid niya ako uli sa Mansion. Binalaan niya ako na maging handa dahil pasulpot-sulpot siya para sunduin ako.
"Thank you for the treat," I said. "And also... for this," tukoy ko sa bukalya ng rosas na hawak.
He laughed. "Pleasure. Sa susunod ay huwag mong angasan ang mga ideya mo ah?"
"Goodnight."
"Goodnight, Astra. See you again."
Hinitay kong makaalis ang sasakyan ni Resty. Pagtalikod ko ay sumalpok ang mukha ko sa isang katawan. Umangat ang tingin ko kay Brix.
"M-Master Brix..." Lumunok ako.
Bumaba ang tingin niya sa rosas na hawak ko kaya mabilis ko itong tinago sa likod ko.
Tumikhim ito. "There's a trashbin a few meters away from you," he mentioned.
I bit my bottom lip. Labag man sa loob ko ay nilapitan ko ang trashbin at nilagay roon ang bulaklak na bigay ni Resty. Nanlumo pa ako dahil sayang.
I walked towards Brix again. "What brings you here? May pupuntahan ka ba?"
Napasinghap ako nang hawakan niya ang kamay ko. Nagpatianod ako sa kanyang pagkakahila. Hindi ako nagtanong o nagreklamo. Hinayaan ko lang siya.
Huminto kami sa isang kulay puting kabayo na nakatali sa puno.
Wait. What? Don't tell me—
"What should I name her?" Brix asked.
Umawang ang bibig ko sa pagkabigla. Is he asking me to name this horse? Is it his?
Lumapit ako sa kabayo. Kasing laki lang ito nung kay Oscar pero mas maamo. Puti ang balahibo. Pero napansin kong may peklat ito sa katawan. Parang letrang S.
"Servena," I mumbled. Nakangiting humarap ako kay Brix. "Servena is a good name for her."
He stared at me before nodding his head.
Pinakawalan niya sa pagkakagapos si Servena bago siya sumakay. Pagkatapos ay nilahad niya ang isang kamay sa akin. Tinanggap ko 'yon. Inalalayan niya akong makasakay sa likod.
He didn't say a thing. Pinatakbo na lang niya bigla ang kabayo. Mabilis. Mas mabilis kesa kay Oscar. Kakaiba. Hindi ko maramdaman ang takot ngayon. Malamang na dahil hindi na ito ang unang pagkakataon na nakasakay ako sa kabayo.
The night breeze caressed my bare face. Ramdam ko ang lamig na nanunuot sa balat. Tumingala ako sa madilim na kalangitan. Puno ng bituin na pinaghaharian ng bilog na buwan. Parang sumusunod ito sa amin.
Napangiti na lang ako. Why do I find it even more romantic than that fancy restaurant?
"Bakit ginabi kayo?" tanong ni Brix.
"Marami kaming napag-usapan," sagot ko pero mabilis kong inagapan. "Pero sa susunod ay hindi na ako magpapagabi. I'll try to get home earlier."
"So... there's still next time?"
"Yeah? Marami kasing gagawin."
We stopped on the same spot where Oscar and I stopped. Naunang bumaba si Brix. Naglahad pa ito ng kamay pero hindi ko na tinanggap. Nagkusa akong bumabang mag-isa.
Pinakawalan niya ang lubid ng kabayo. Nanatili lang naman ito sa pwesto habang kumakain ng damo.
Bumaling ako kay Brix na nakatingala. "How's the preparation for Unus?"
"Good," I responded.
Umupo ako sa damuhan at niyakap ko ang mga tuhod ko. It still feels strange talking to Brix this calm. Parang tuloy nakakaramdam ako ng pagkailang.
"I want to sleep here," ani Brix saka ito humiga sa damuhan.
Hindi makapaniwalang bumaling ako sa kanya. "Seriously?"
"Mukha ba akong nagbibiro?"
"So... I need to sleep here, too?' tanong ko.
"You won't sleep though." He smirked. "You are here to serve us my eyes while I am sleeping."
"Ow..." I nodded, gently. "Okay."
Nawala bigla ang ngiti sa kanyang labi. Umirap ito at muling dumiretso ng tingin sa langit. Walang nagsalita sa amin sa loob ng ilang minuto. Tanging hangin lang at ang huni ng mga kabayo ang naririnig ko.
I yawned. "Mukhang mauuna pa ako sa 'yong makatulog," biro ko.
"It's you..."
Napatingin ako sa kanya. "What?"
He closed his eyes. "Ikaw ang sinasabi kong isasama ko sa mission. Hindi ko alam kung bakit ang akala mo ay si Erikson. I was looking at you at that time. Even Erikson knew I was referring to you."
My lips slightly parted. Shocked. I had two mixed feelings about it – anxious and thrilled. Anxious that I might just get in his way and thrilled with the idea of being with him on a mission.
"B-baka makasagabal lang ako sa 'yo, Master Brix," saad ko. "Sinwerte lang ako kaya nanalo sa kambal. I am not prepared yet to go for a mission."
"Of course, you might," he chukled, still eyes shut. "Who even says you need to fight? Ayokong umuwi agad kaya isasama na lang kita. Ayokong alalahanin ang mga gagawin mo habang wala ako."
Humiga rin ako sa tabi niya at humarap sa kanya. "Hindi na ako gagawa ng ikakasama mo."
"Ilang beses mo na bang sinabi 'yan?" Tumagilid din siya paharap sa akin. Nakatukod ang isa niyang kamay sa kanyang ulo. "Mabilis kang madala sa emosyon, Astra. That's why you tend to do reckless things. Only weak vampires would let their emotions get the best of them."
Napaiwas ako ng tingin. I know he's right. "There's a thin line between being brave and being reckless," according to Kristan. I was being reckless all this time.
"Pero paano na ang sinabi mo sa akin na laging dumikit kay Lord Severo?" tanong ko. "Mahihirapan akong gawin 'yon kung sasama ako sa 'yo."
Nagtaas ito ng mga kilay. "I thought you are sorry? Bakit ang dami mo ngayong rason? Sasama ka sa akin sa ayaw o sa gusto mo. End of conversation."
Bumalik ito sa pagkakatihaya. Nakapatong sa kanyang dibdib ang mga magkasalikop niyang kamay. Sa position niya ay mas lalong umangat ang dating ng kanyang mukha. Mula sa kanyang pilik-mata, matangos na ilong at mapulang labi.
"I just want you to get what you deserve, Master Brix," I whispered. "Marami ka nang naisakripisyo para lang dito. You need to claim it now."
He let out a heavy sigh. "I don't know. Shut up now, Astra."
"Bakit, Brix? Nagdadalawang-isip ka na ba?"
"I said shut up."
"Okay..." Tumihaya na rin ako.
Pigil na pigil akong humikab. Ramdam ko na ang antok. Mukha ngang mauuna pa akong makatulog kesa kay Brix. Napagpasyahan kong umupo na lang pero mabilis din akong napahiga nang hatakin ako ni Brix.
Tila tumigil ang paghinga ko nang yakapin niya ako.
"Don't say anything," he whispered as he tightened the grip on me. "I will say something that I might regret after. I will just say it once. Listen."
Pinikit ko na lang ang mga mata ko. Dahil sa yakap ni Brix ay naibsan ang lamig na nararamdaman ko. Amoy na amoy ko ang pabango niya ngayon.
"You think I didn't feel anything when I killed your friend?" bulong pa rin niya.
Suminghap ako. "It's done now, Brix."
"Right. That's how it was supposed to be, but when I saw how shocked you were... it felt wrong," he continued. "And for the fucking first time, I saw someone who can be shocked when I do cruel things. Someone who can't stand looking at me stained with blood."
"Brix..."
"Maybe you won, Astra. Maybe... meeting you is a mistake."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro