Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 42

Chapter 42: Warning

"What?" naguguluhang tanong ko. Bumaling ako kay Erikson na mukhang hindi rin naintindihan. "Kung isasama mo si Erikson ay sino ang magbabantay sa akin? You know that I tend to do reckless things, Master Brix."

Natigilan sa pag-inom ng alak si Brix. Bumali ang leeg nito at tila maging siya ay naguluhan.

"Si Master Resty na lang ang isama mo," suhestyon ko pa. "Hindi pa naman siguro kami mag-uumpisa sa preparation for Unus. Saka mukhang may silbi pa 'yon kesa kay Erikson."

Napaubo si Erikson. "May gagawin pa pala ako ngayon. Sige. Sa susunod na lang, Lady Astra, Master Brix," saad nito bago tumalikod at umalis na.

I looked at Brix. I caught him staring at me, too. Inalog niya ang kanyang ulo bago tumayo. Hawak niya sa kanyang kamay ang alak bago umalis at iniwan din ako.

Napabuga ako ng hangin.

"Seriously?" I mumbled.

"You are fucking dumb," I heard Brix mumbled, too.

I just rolled my eyes.

Lalabas na rin sana ako ng dining hall nang biglang bumalik si Brix. Madiin niya akong tinitigan.

"You know what?" Nilagpasan niya ako. Dumiretso siya sa table at nilapag doon ang bote na hawak. Humarap ito sa akin. "Since you lack comprehension, just go and clean my room."

"Okay," I simply responded.

Gusto ko ring makita ang kwarto ni Brix. Sabi kasi nila ay salamin ng isang tao ang kanyang kwarto. Dito mo unang malalaman kung anong klaseng tao siya. I think it's applicable for a vampire.

Nakabuntot lang ako kay Brix at nakayuko.

Brix suddenly stopped. "Good morning, Little bro."

Sinundan ko ng tingin ang binati ni Brix. Sa itaas ng hagdan ay nakatayo si Oscar. Nakapatong sa railing ang kanyang mga braso at nakadungaw sa ibaba. Sa isa niyang kamay ay may hawak na bote ng alak.

Oscar just nodded. He didn't even gaze at me.

Sumulyap sa akin si Brix at nakita kong pumorma ang ngiti sa kanyang labi. Bigla akong kinutuban nang masama. Gano'n pa man ay sumunod ako sa kanya hanggang sa makaakyat kami sa engrandeng paikad na hagdan at tumabi kay Oscar.

Shit.

I stood behind them. What is he thinking? You know that this one will make me feel uncomfortable! O baka ito talaga ang gusto niyang mangyari?

"You know what, Little bro?" Brix patted his shoulder. "My slave has been feeling anxious since this morning. You know? She was being a hero trying to fix a problem that has nothing to do with her and that made things even more complicated. Nahihiya siya sa 'yo dahil sa nagawa niya."

Tangina naman, Brix!

"So?" Oscar asked.

Shit. I can't stand here anymore. Gusto ko nang umalis pero parang napako ako sa kinatatayuan ko.

"Maybe you could give her a little sympathy and forgive her?" Brix chuckled. "I know she's a little bit annoying sometimes and dumb but I think... you can do better."

Napasinghap ako nang biglang humarap sa akin si Oscar. Sumikip ang paghinga ko nang makita ko ang kanyang mga mata na sobrang lungkot. He's really that affected.

"I don't blame you, Lady Astra," he said in a cold voice and that completely contradicted his first statement. "Please don't make it about you. You have nothing to do with it. Wala kang dapat na ikahiya."

Tila tinakasan ako ng mga salita ngayon. Napayuko na lang ako.

Narinig kong natawa si Brix. "Ikaw naman kasi Astra. Hindi naman siya ang amo mo kaya bakit mo siya aalalahanin? You should worry about me more!"

I gritted my teeth in anger. This asshole is getting into my nerves. Gusto kong maging maayos ang pakikisama sa kanya pero sa tuwing tatangkain ko ay itutulak niya ako sa puntong kailangan kong kalimutan kung ano ang dapat kong gawin.

"Please just go," ani Oscar. He let out a heavy sigh. "Mukhang may importante pa kayong gagawin. By the way, it's good to see you again, Brix."

"Actually, papunta na talaga kami sa kwarto ko," dinig kong sagot ni Brix. "Mukhang nasa mood ang alaga kong maglinis ng kwarto. At kung ano man ang maaaring mangyari pa."

Fuck you, Brix!

"Go ahead then."

Brix let out a heavy sigh as he patted Oscar's shoulder again. "A little reminder to man up, little bro. And don't put the blame on someone else."

"Sinabi ko na, Kuya. Hindi ko siya sinisisi," may diin na sambit ni Oscar. "I don't blame anyone."

I got chills. I think this is the first time I've heard Oscar called Brix 'Kuya'.

"You see, Brix?" Humarap na si Oscar kay Brix. "I am not like you. Hindi malakas ang loob ko at lalong hindi ako malakas para ipagtanggol ang isang bagay na gusto ko laban sa mga nakakataas. Don't make it sound so easy. Again, I am not like you. What a shame but I will never be like you." Ramdam ko ang pait sa pagkakasabi niya no'n.

Sumikip ang dibdib ko.

Oscar was about to go when I said something that halted him. "You are way better than him, Oscar."

I said it.

Napalingon si Oscar habang si Brix naman ay nanatiling nakatingin lang din sa kanya. Silence took over us for a moment and just like that too, Brix's lips shut.

Oscar chuckled while shaking his head. "That sounds good. I just hope it's true. Anyway... I gotta go."

"He's just powerful but you are a better man," I said with my chest. "Power intimidates things that are genuine while being a better man attracts genuine things. You get genuine love, respect and trust."

Oscar lips slightly parted. He shook his head as if he wanted me to shut my mouth.

I looked at Brix who happened to be staring at me, too. His dark and deep eyes didn't show any emotion. It was as if he's just staring into oblivion.

I'm at it again. Fists balled up, I said, "I wish I could live in a parallel universe where I serve a better man instead of a powerful one."

"Stop," Oscar mumbled. Hinawakan niya ang braso ko at hinila ako palayo roon hanggang sa makalabas kami ng mansion. Ramdam ko ang kaba sa dibdib niya. Hinarap din niya ako.

"What's that?" he asked in disbelief.

I swallowed. "S-someone has to say it."

"You regret it now, right?" I could sense how tensed Oscar right now. Ilang beses pa itong lumunok. "Tell me, Astra. You regret saying that, right? If that's the case, then you need to talk to him and apologize."

"W-why would I do that? Nagsabi lang ako ng totoo—"

"Fuck!" He pinched the bridge of his nose as he looked at me, ridiculously. "Just apologize to him. That's not even hard, is it, Astra? Huh? You can do that, right?" Desperate, that's Oscar now.

Natutop ako.

Naglabas si Oscar ng sigarilyo at sinidihan ito. Ilang hithit lang ang ginawa niya ay upos na agad ito. Mukha na rin siyang nababahala. Doon na rin ako kinabahan.

Hinarap ako uli ni Oscar. Hinawakan niya ang balikat ko at tumitig sa aking mga mata. "Whether you mean it or not, just apologize to him. Please? Just do it."

Hindi ako nakapagsalita. Dahil sa inaakto niya ay kinabahan na rin ako.

"You see." Bumuga ng hangin si Oscar. "Brix tends to do the most crucial thing possible just to ease his frustration. You pushed his buttons. Nakita mo ba ang mukha niya kanina? You fucked up yourself, Astra."

I bit my bottom lip. "Then... I need to prepare myself? Is that it, Oscar?"

He shook his head as a response. "Brix knows better, Astra. He knows where to hit it right and more painful. How's that? Something will hurt you not physically but emotionally and mentally."

My heart began to pound abnormally. Just like that, I fucked up myself again.

"Wait. Let me talk to him," ani Oscar. "Babalikan kita rito." Sa isang iglap ay nawala na siya.

Napaupo ako at napayuko. What did I do?

"Fuck!" I cursed under my breathe.

I did it again!

Hindi na rin ako mapakali kaya tumayo na ako at naglakad papasok sa loob. Nakasalubong ko si Oscar na palabas na rin sana. Hindi nagbago ang pagkabalisa sa kanyang mukha.

"I can't find him..." he said. "I don't know what he's up to."

"C-can you drive for me?" tanong ko.

Bumali ang leeg nito. "You are not thinking—"

"Please?" I pleaded, feeling feeble.

He nodded. "I'll just get my car."

Naghintay lang ako nang ilang sandali ay nakuha na agad ni Oscar ang kulay puting sasakyan. Pumasok ako roon at tinuro ko ang daan papunta sa bahay nila Tita Ophelia.

Ayokong isipan na pareho kami ng iniisip ni Brix pero kilala niya ako. I can endure the pain but not the pain of someone close to me. He knows where to hit me.

"He won't go that far, will he?" I asked, eyes shut.

Pilit kong pinapakalma ang naghuhuramentadong dibdib.

"Do you really think Brix is that kind of man? That he knows what he should do or not?" Ramdam ko ang panunuya sa tinig ni Oscar. "No. Gagawin niya kung ano ang iniisip niya. Hindi ko alam na sa tagal niyo nang magkasama ay hindi mo pa rin siya kilala."

I know. It's just that... I can't get used to it.

Masyadong mabilis ang pagmamaneho ni Oscar. Halos lahat ng sasakyan ay i-overtake na niya. He's even exceeding the speed limit set on this road.

"Bawal 'yon, hindi ba? May rules na bawal tayong makialam sa mga tao," saad ko pa, pilit na kumakapit sa ideya na nasa huwisyo si Brix para hindi ituloy ang iniisip ko.

"One thing about Brix that you should know or something you should already know by now. No rules can stop him to go after something he wants."

Pinahinto ko ang sasakyan ilang metro mula sa bahay nila Tita Ophelia. Ako lang ang lumabas ng at pumasok sa loob ng gate. Huminga ako nang malalim. Kakatok na sana ako sa pinto nang may marinig na ingay sa loob.

Sumilip ako sa bintana. Naabutan ko sina Tita Ophelia at Eliyah na nanunuod ng movie. Nagtatalo pa ang dalawa. I don't see any problem aside from the horror movie they are watching. Hindi mahilig sa gano'n si Eliyah sa pagkakaalam ko.

That made calm me down. They look good. Gusto ko mang makausap sila pero minabuti ko na lang na umalis na. Saka... sinabi ko na kay Eliyah na kalimutan ako.

"What happened?" tanong ni Oscar pagkapasok ko sa loob ng sasakyan. "It it good?"

Huminga ako nang malalim. "Mukhang ayos naman sila."

"Hays!" Napahinga rin nang maluwag si Oscar. "Mabuti na lang. Akala ko kung ano na naman ang pinasok ni Brix. Pero... sila lang naman ang malapit sa 'yo, hindi ba?"

Natigilan ako. "D-drive... please."

"Wait. Okay."

No. Not Dahlia.

Gaya ng kanina ay pinahinto ko ang sasakyan ilang metro mula sa bahay nila Dahlia. Pumasok ako agad sa gate at kumatok sa pinto. Bahagyang nanginginig pa ang mga kamay ko.

Mayamaya ay bumukas din ang pinto.

"Oh, Astra," bati sa akin ng Mommy ni Dahlia, bakas ang pagkabigla sa kanyang mukha. Agad itong tumingin sa likod ko at tila may hinahanap pa. "Hindi mo pa ba kasama si Dahlia? Akala ko ay magkikita kayo?"

That left me horrified.

"Astra?"

Brixton Wenz Cardinal!

Imbes na sumagot ay tumalikod ako at patakbong bumalik sa loob ng sasakyan. Umupo ako at niyakap ang mga tuhod ko. Tila sasabog ang utak ko sa dami ng naiisip kong posibilidad ng pagkawala ni Dahlia. Pero sa iisang direksyo lang ang turo ng mga 'yon... kay Brix.

"Did something— I knew it!" Hinampas ni Oscar ang busina ng sasakyan. "He's at it again."

Bumigat ang paghinga ko. Ano ang pinaplano ni Brix?

"You good?" alalang tanong ni Oscar.

"Can we just for a while?" I asked.

"Where?"

"I don't know. Just drive."

"Okay..." he agreed.

Binuksan ko ang bintana ng sasakyan para pumasok ang hangin. Hindi ako makapag-isip nang mabuti. Gusto kong mag-isip ng isang bagay na magpapakalma sa akin, isang rason kung bakit hindi magagawa ni Brix na saktan si Dahlia.

Nothing – nothing will stop him. I can't think of anything.

"Let's just go back to Mansion," ani Oscar nang mapagtanto na wala akong plano. "I'll talk to Lord Escariaga. He handles this case. Baka sakaling magawan niya ng paraan. Just breathe, Astra."

I don't know what to react. But one thing is for sure... something will change after this. I know. Matapos nito ay may magbabago sa pananaw ko.

Gaya ng sinabi ni Oscar ay bumalik kami sa Mansion. Pumasok ako sa loob habang siya ay sinabi niyang pupuntahan niya si Lord Escariaga para humingi ng tulong.

May problema rin si Oscar at dumagdag pa ako. Pakiramdam ko ay napakapabigat ko na masyado.

Imbes na dumiretso sa silid ay napagpasyahan kong lumabas uli. Naglakad-lakad ako sa hardin. Napakakulay ng mga bulaklak at presko ang hangin. Pero hindi ito naging sapat para patahanin ang kaba sa dibdib ko.

I regret it now. Fuck. I always regret things.

Oscar is right. Hanggang kailan ko ba itatapon ang ideya na hindi basta-basta si Brix? Hindi siya basta-bastang bampira. Hindi siya basta-bastang lalaki. Hindi siya 'yung basta-bastang lalaking makakasalubong mong ngingitian ka o 'di kaya'y titingnan man lang.

He's not like any other man.

"A penny for your thoughts, Milady."

Napatingin ako sa nagsalita. Si Brix. Nasalikod niya ang kanyang mga kamay habang nakangiting nakatingin sa akin. Bahagyang ginigulo ng hangin ang kanyang buhok.

"You seem in deep thoughts," he noticed.

Madami akong tanong para sa kanya. Mga tanong na nalunok ko nang makita ang isang babaeng naglalakad palapit sa amin. Halata sa kanyang mukha ang pagkalito.

"D-Dahlia?"

Shocked registered on her face when she recognized me. Nangilid ang mga luha sa kanyang mata bago patakbong lumapit sa akin at yumakap nang mahigpit.

"Astra..." she cried.

Umawang ang bibig ko sa sobrang sikip ng paghinga ko. Tumingin ako kay Brix na nakatingin lang sa amin. He was smiling... he knew what he's doing.

I faced Dahlia. "Are you okay?"

Tumango ito. "Pinakain ako ni Brix. Sabi niya ay umalis ka raw nung pagdating namin dito."

Narinig kong sumipol si Brix.

Hinawakan ko ang braso ni Dahlia at hinila siya palayo. Nang masiguro na malayo na kami kay Brix ay muli kong hinarap ang kaibigan ko. Sobrang laki ng ngiti sa kanyang labi.

"Mabait naman pala siya, Astra," puna ni Dahlia. "Sabi niya ay nami-miss mo na raw ako kaya sinundo niya ako."

I stared at my best friend, teary-eyed. "I-I miss you..."

Niyakap ko na lang siya uli. Naiiyak ako sa sobrang tuwa. Tuwa na ayos lang siya, na nagkita kaming muli at tuwa na nakasama ko uli siya. I miss her.

"Ang ganda rito," bulong niya.

Napagpasyahan kong igala si Dahlia sa hardin. Ang dami niyang kwento sa akin. Nakangiti lang ako habang nakikinig sa kanya. Nagkwento rin naman ako. Mga kwentong ligtas para sa kanya.

"Whoa! Nakasakay ka na pala sa kabayo?" mangha niyang tanong.

Umupo kami sa bench nang mangawit.

"Yes," sagot ko, natatawa.

Tumawa rin ito. "Grabe. Ang layo na ng narating mo."

"May tanong ako Dahlia," sabi ko sa seryosong boses. Huminga ako nang malalim bago nagpatuloy. "Uhm. Alam mo ba kung paano ka narating dito?"

Umiling ito. "Nung sinundo ako ni Brix ay nakatulog ako sa sasakyan. Pagkagising ko ay nandito na ako. Akala ko nga nananaginip lang ako dahil para akong nasa isang fairy tale e."

Natawa ako sa sinabi niya. "Dark fairy tale, you mean?"

"It's still a fairy tale," she responded, chuckling. "Seryoso. Akala ko hindi na kita makikita pa, Astra. Bigla ka na lang kasing naglaho pagkagising ko."

Tumuwid ako ng tingin. "Sorry. Nakalimutan kitang bisitahin."

"Time's up!" Biglang sumulpot si Brix.

Dahlia pouted her lips. "Bawal na bang i-extend?"

Brix shook his head.

"Grabe. Duty mo na pala sa trabaho, Astra," ani Dahlia na malungkot na naman. "Kahit na nagtatrabaho ka rito ay huwag mong pabayaan ang sarili mo ah? Kapag nakaipon ka na mag-aral ka uli."

Tanging tango lang ang naisagot ko.

I hugged my best friend one last time.

"Take care, Dahlia."

"Be happy, Astra..."

Pinanuod kong sumama si Dahlia kay Brixton.

Nung mawala sila sa paningin ko ay nag-unahan na ang mga luha sa mata ko. It was a relief that she's safe and Brix didn't harm her. But... I am still scared.

This is a warning from Brix.

He didn't do this for me, not in a good way. He did this to scare me.

No. I already lost Kristan.

I can't afford to lose another one again.

I think... I already know what changed in me now.

I'm giving up.

I'm giving up the idea of avenging things that already happened. What happened in the past will stay in the past. What matters right now is what's left in me. I need to protect it.

One is enough.

I give up, Brix. You won.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro