Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 41

Chapter 41: We will

Brix stood there and looked down at me as if I was just some pathetic shit on his way.

"W-what did you just say?" I asked, fists balled up.

He let out a heavy sigh as he said, "I thought tears could blur your eye sights and not your eardrums. Uhm. I must be missing something here."

I nodded.

Tinulungan ko ang sariling makatayo. Pinagpagan ko ang dumikit na dumi sa akin bago bumaling kay Brix. Seryoso pa rin ang tingin niya sa akin. Gustong-gusto kong magbago 'yon. Gusto kong alisin ang pagkakaseryoso ng kanyang mukha.

"First Evan and now, Celeste..." He shook his head. "Ilang paalala pa ba ang dapat na sabihin sa 'yo para matuto ka? You will continue to hurt yourself if you keep doing that."

"Why did you come back?" I asked instead.

He just shrugged his shoulders.

"You looked just came back." Pinasadahan ko ng tingin ang kanyang maruming damit. May mga mantya rin ng dugo. "Hindi ba dapat ay kay Lord Severo ang bagsak mo? Para mag report sa kanya? Come on, Brix. Lord Severo wants to hear some good news from his underdog."

Umigpit ang kanyang tingin dahil sa sinabi ko pero hindi ako nagpakita ng ano mang pagkabahala. I've had the worst. Nasira ko ang sarili ko kina Celeste at Oscar at maging ang pinsan ko ay muntik nang mapamahak dahil sa akin. Those glares from him won't work anymore.

"Watch your words," he said in a deep voice.

Ngumiti ako bago lumapit sa kanya. Pinasadahan ko ng kamay ang kanyang dibdib habang nakatingin sa kanya mga mata. Kung kanina ay walang emosyon ang kanyang mga mata, ngayon ay bakas ang pagkainsulto roon.

"Are you staying here tonight, Master Brix?" I asked in a seductive voice. "Kung gano'n ay hindi ko alam kung sino ang uunahin kong patulugin sa inyong dalawa ni Lord Severo. Should I take you first? Ah. Of course. You hate it when someone takes the first spot."

Magaspang na hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa kanyang dibdib at pabagsak na nilayo sa akin.

"Watch your words," he threatened me.

"Aren't you going to thank me?" I asked.

Nagsalubong ang kanyang mga makapal na kilay. Oh no. My master is getting more annoyed. Let's push it more.

"Ako ang magiging daan para makuha mo ang gusto mo," saad ko habang nakatingin sa kanyang mga mata. "If you still think I am just a poor thing in your world, think again. Kahit na alipin ang tingin mo sa akin, hindi mo maipagkakaila na kung wala ako ay mahihirapan ka. Stop acting like I owe you everything, Master Brix. It's disgusting how you take credits from everything."

I was about to turn my back when he grabbed my hand and pulled me closer to him. Pinaragasa niya ang kanyang kamay sa bewang ko at mas dinikit ang katawan ko sa kanya.

"Why do I find you attractive all of a sudden?" he whispered.

My jaw literally dropped. What the fuck?

"Why do I find it attractive how you talk back to me?" he asked again. Mas lalong dumilim ang tingin niya sa akin. "No one ever talked to me like that and those who did get the most crucial ending. Aren't you scared of me?"

"Why?" I asked.

"I killed an entire clan. I betrayed my friends. I disappointed a lot of members of mine. I killed your friend and I'll kill more if I won't get what I want."

He stopped talking so I think it's my turn. "Is that all?"

Mas humigpit ang pagkakahawak niya sa bewang ko.

"Have you forgotten, Brix? You killed me the moment you turned me like this. Maybe if I was still a human, I would fear a vampire like you. But sadly, we are in a different situation now."

A smirk form on his lips. "You really don't know me yet. Poor thing."

"I hate you so much," I whispered.

Pinalaya ko ang isa kong kamay at pinadapo ito sa kanyang pisngi. Sa halip na tumalim ang titig nito o maging marahas ay mas lalo lang lumawak ang ngiti sa kanyang labi.

"Is that all that you've got there?" he teased as he moved his face closer to me. Ramdam ko na ngayon ang mainit niyang hininga sa mukha ko. "I see. There's really something interesting in you."

"C-can you just kill me?" I begged.

He just stared at me.

I sniffed and wiped my tears away.

"I can't live like this anymore," I complained, grieving. "I thought I could but I was wrong. You see, Brix? The only thing that keeps me going is my will to avenge myself, Kristan and everything you took away from me the moment you turned me into this. But looking at it now... it doesn't make sense anymore. So..." Lumunok ako. "Just kill me, Master Brix."

"Not until I get what I want," he said.

Mas lalong bumuhos ang mga luha sa mata ko. "Gano'n ba? Sige. Pero ipangako mo sa aking palalayain mo na ako kapag nakuha mo na ang gusto mo. Promise me, Brix."

Tumitig ito nang ilang sandali sa akin bago natawa. Binitiwan niya ang pagkakahawak sa akin habang umiiling pa. "Strange. Why do I see myself in you?"

Napatingin ako sa sasakyang paalis. Sa loob no'n ay nakita ko si Eliyah na nakayuko. Mapait na napangiti ako bago ibinulong ang mga katagang, "I'm sorry..."

Brix cleared his throat. "I wanna drink."

Bumaling ako sa kanya. "Me, too..."

Tumango ito. "I'll just get my car. Wait me here."

Hindi na niya ako hinintay sumagot at umalis na ito agad.

Hinawi ko ang luha sa mga mata ko. Sobrang sikip pa rin ng paghinga ko. Iniisip ko pa lang na makakasalubong ko si Oscar sa loob ng mansion ay nakakaramdam na ako ng hiya. Hindi ko alam kung magtatagal ba ako sa loob.

Dumating ang sasakyan ni Brix at pumasok ako agad doon. Pumunta kami sa Nightscape Club at dumiretso sa counter kung saan naabutan ko naka-assign na bartender na si Adrian.

"Lady Astra... Master Brix." Lumunok si Adrian. "As usual?"

Brix just nodded. Tinaas niya ang manggas ng kanyang puting t-shirt sa balikat. Gusto kong punain na hindi pa siya nagpalit ng damit pero wala na akong pakialam doon.

Dumating ang alak na dala ni Adrian. Sinalinan ko sa baso si Brix at ako ang tumungga sa bote ng alak. Narinig ko pang may binulong ito pero hindi ko na nabigyan pansin pa.

Bumaling ako sa paligid. Tahimik. Hindi ordinaryong pangyayari sa Nightscape Club. Oo nga pala... may kasama ako. Hindi ko tuloy alam kung magandang ideya na kasama ko siya. Gusto ko ang ingay sa lugar na ito.

Pabagsak na ibinaba ko sa counter ang bote ng alak. Bumuntonghininga ako. "Gago. Nasira ko lalo sina Oscar at Celeste. Akala ko makakatulong ako pero mas nasira ko lang sila. What's worst is Oscar is mad at me," bulong ko sa sarili.

"Why is that even worst?" asked Brix.

Tumingin ako sa kanya. "You won't understand."

"Okay."

Dumating si Adrian at inabutan ng bagong alak si Brix dahil inangkin ko ang buong bote. Pasulyap-sulyap pa sa akin si Adrian, halatang may gustong sabihin pero hindi magawa dahil andito si Brix.

I gulped again. "I don't know what to do..."

"Who even told you to do something?" Brix interrupted again. "Wait." Pinaikot niya ang upuan ko paharap sa kanya. "Bakit ba gumagawa ka ng hakbang nang hindi ko alam? I'm your master. Ako lang dapat ang mag-uutos sa 'yo. No one has the right to hurt you other than me."

"You're not capable of hurting me, Brix," I said.

Bumali ang leeg nito. "You aren't really afraid of me?"

Sa halip na sumagot ay pinaikot ko uli ang upuan ko paharap sa counter. Ang isang bote ay nadagdagan pa hanggang sa hindi ko na mabilang. Ramdam ko na ang pagbigat ng katawan ko.

"I have another mission after this," said Brix. "Baka bukas din ay aalis na ako. Don't do something stupid again. Just do what I told you to. Alam kong alam mo kung ano ang tinutukoy ko."

Humarap ako sa kanya. Wala sa sariling napatitig ako sa mukha niya.

"What?" he asked.

"Guwapo ka, Brix." That came out of nowhere.

He looked at me, confused. "You are showing affection towards me now huh?"

"Dati ka pa guwapo sa paningin ko," sambit ko pa. "I am not blind, you see?" Nilapit ko sa kanya ang mukha ko at nilayo naman niya ang kanya. "You have fans bestowed to kill anyone in just a matter of second and eyes that penetrate any boundary. Above all, you can make any woman lose their senses just by mere touch and make them feel the greatest vampire to ever lived just by your kiss. Truly, a beast."

"What the fuck are you saying?" Pumula na rin ang pisngi niya, malamang na dahil sa alak. "You are just drunk but you seem hallucinating. Are you done drinking?"

"Guwapong hangal." Tumawa ako. "Guwapong gago. Putik, Brixton Wenz Cardinal. Mas guwapo ka pa nga yata kay Oscar. Guwapo rin naman si Lord Severo. Magkamukha nga kayo."

Umiling lang si Brix bago muling tumagay.

"Guwapo si Eliyah. Guwapo si Resty. Guwapo si Kristan. Guwapo si Erikson."

"I don't understand," reklamo ni Brix. "Lahat na lang ba guwapo para sa 'yo?"

Umiling ako. "Mr. Billy... hindi siya guwapo."

He chuckled. "Ewan sa 'yo. Ang hirap mong kausap."

I pouted my lips. "Ang guwapo rin ni Lord Trojan."

"Whoa. Stop right there," aniya. Umiling pa ito. "You are not allowed to say that in front of me. He's a Senior. Hindi mo dapat siya pinagpapantasyahan."

Mas lalong humaba ang nguso ko. Uminom ako sa alak bago muling tumingin kay Brix.

"Alam mo ba kung ano ang common sa mga pangalan na binanggit ko, Brix?" tanong ko. Hindi siya sumagot at hindi ko na rin hinintay 'yon. "Sinabihan din nila ako ng maganda. Gorgeous. Hot. Stunning."

Brix arched his brows. "And?"

"I didn't hear you say it yet."

"That's because you are not. They are all lying."

"Baka ikaw 'yung bulag, Brix?" Biglang bumuhos ang mga luha sa mata ko. Shit. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. "Sabi ni Oscar ay may kabayo ka rin daw. Totoo ba 'yon?" Pinununasan ko ang luha sa mga mata ko.

"Marami na rin pala kayong napag-usapan ni Oscar. Are you always having a conversation?" Umiling-iling pa ito. "I see. That's why you are so damn affected. Poor thing."

"Malaki ba?" tanong ko.

"What now?"

Ngumuso ako. "Sabi niya baka gusto ko rin daw sumakay sa kabayo mo. Kapag ba sumakay ako roon ay hindi ako masasaktan? Sumakay ako sa kabayo ni Oscar at hindi ako nasaktan. He was gentle. That was my first time but he made it look so easy."

"That..." Brix bit his bottom lip, halting his laugh. "I have one, of course. I just can't tell what Oscar meant by that."

"Ano'ng pangalan ng sa 'yo? Armando ang pangalan ng kay Oscar."

"Just horse or sometimes shit." Saka siya uminom uli. "Why would I name a horse?"

"Ikaw nga may pangalan—"

"Are you comparing me to a horse?"

"That's not my point, you know?" I rolled my eyes.

Kukunin ko pa sana ang alak pero nilayo na ito agad ni Brix. "Enough. Mukha ka nang gagapang mamaya."

I cried again. "H-hindi na ako makakasakay sa kabayo ni Oscar..."

"Cry it out."

Yumuko ako sa lamesa at humagulgol. Pumasok din sa isipan ko si Celeste at ang mga sinabi niya. I wasn't trying to save the world. All I wanted was to make it up for her good deed towards me. Is that even wrong?

"I'll talk to Oscar," biglang sabi ni Brix.

"As you should."

"To make it up to you."

Doon umangat ang tingin ko. "Will you really do that?" manghang tanong ko. Pero napagtanto kong ayoko rin. "No. Don't do that. Ayokong mapilitan lang siya."

"It's not your fault though." He stared at the ice cubes on his glass. Inikot niya 'yon gamit ang kanyang daliri. "He should not blame you for lacking the balls to stand up for that woman."

"I-it's not that easy," bulong ko. Yumuko ako uli sa counter at paharap kay Brix. "He must be scared, too. Kapag nalaman ng isa sa mga Senior ang namamagitan sa kanila ay si Celeste ang mapapahamak."

"Then, why did you try to do something on that?" he looked at me, absurdly. "Alam mo naman pa lang walang magagawa si Oscar pero tinangka mo pa rin silang ipag-ayos."

"You are really always watching me huh?" I smirked.

"You are changing the topic." He let out a heavy sigh.

Nakaramdam na ako ng antok. "Will you really set me free after you get what you want, Brix?" halos naging pabulong 'yon. "Seriously... I'm tired. I just want all these to end."

"What if I don't want to?"

That's the moment I closed my eyes. "I will hate you even more..."

"I don't need you to hate me. I need you to fear me."

I yawned. "Stop. You are not scary to me, Brix."

'Yon lang ang mga huling natatandaan ko bago ako nagising kinabukasan na nasa kama na. Malamang na nakatulog na ako sa club at kinaladkad na lang ni Brix pauwi. I'm still thankful he didn't leave me there alone though.

Here I am, contemplating whether to go out of my room or just stay here for the whole day. Nakaligo na ako pero hindi ko man lang magawang lumabas ng kwarto. What if makasalubong ko si Oscar? Wala pa akong mukhang maihaharap sa kanya.

Shit. Bahala na. Gutom na rin ako.

Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto. Sumilip muna ako sa pasilyo at nang masigurong wala siya ay mabilis akong tumakbo. Bumaba ako at dumiretso sa dining hall.

Sa kabutihang palad ay mga kasambahay lang ang naabutan ko. Mukhang wala rin si Lord Severo. Naabutan ko roon si Lady Ersa at siya ang nag-asikaso sa akin.

"Kapag may gusto ka pa ay tawagin mo lang ako, Lady Astra," aniya sa akin.

"Salamat, Lady Ersa."

Tahimik akong kumakain hanggang sa marinig kong may sumisipol. Sinundan ko ng tingin si Brix. Pumunta ito sa cabinet at kumuha ng alak doon. Gamit ang kanyang ngipin ay binuksan niya ito.

"Nakauwi ka na pala," puna niya sa akin.

Natigilan ako sa pagnguya. "Excuse me?"

"Good morning!" Dumating din si Erikson na malawak ang ngiti. "Friend..."

Tumango lang ako bago kumain.

"Friend?" asked Brix.

"Friend na raw kami sabi ni Lady Astra, Master Brix," ani Erikson.

"You stoop that low?"

Nabulunan ako dahil sa sinagot ni Brix. Mabilis naman na inabutan ako ni Erikson ng wine sa baso. "Hindi naman, Master Brix. Nakakatuwa lang talaga si Lady Astra. Ang galing niyang sumayaw."

Hindi ko na talaga masundan ang usapan nila.

Tumingin ako kay Brix. "H-hindi ikaw ang naghatid sa akin dito?"

"Why would I do that?"

Bumaling ako kay Erikson. "Ikaw?"

Nakangiting tumango ito. "Ang hirap mo ngang awatin sa pagsayaw," natatawa niyang sabi. " Pati si Lady Tessa ay lumabas na rin sa office para pigilan ka pero sinukahan mo siya."

Napapikit ako.

What the hell?

"I-iniwan ako ni Brix?" paglilinaw ko.

"Nagpaalam ako sa 'yo," sagot nito. Umupo siya sa tapat kong upuan. Inalog pa niya ang kanyang ulo para pumatak ang tubig mula sa kanyang basang buhok. "You said go."

Mapaklang tumawa ako. "You really have the audacity to leave a woman in that kind of place? What if something bad happened to me? Would you take responsibility?"

"You are my slave. What are you talking about?"

Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili. Tapos na rin ako kumain. Tatayo na sana ako pero may sinabi pa si Brix. "Aalis ka na? Hindi mo ba huhugasan ang pinagkainan mo?"

"Ako na po, Master Brix." Lumapit sa akin si Lady Ersa at kinuha ang pinagkainan ko.

"Ang sabi mo Erikson ilang linggo bago makakabalik si Brix," tanong ko.

Nataranta naman ito. "Well... usually, it takes like that. Pero these past few missions, medyo napapabilis siya. That's not surprising though! That's Brix."

"That depends on me. If I want to work faster, I can," Brix responded, conceitedly. "Why? Aren't you happy to see your master, Lady Astra? Is that it?"

Huminga ako nang malalim. Here I come again, being bossy. I need to contain myself. He's still my master and talking back is such a disrespectful move. Kahit na gaano ko siya kinamumuhian, I still need to contain it.

"Not at all, Master Brix," I said in a calm voice.

"Good. I have another mission soon."

I nodded. "Please be careful."

I was about to leave when he said something.

"Of course, we will."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro