Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 40

Chapter 40: Blame

"Astra? Is that you?"

Shit shit. It's really Eliyah. My cousin.

Sinubukan kong lumapit pero mabilis akong pinigilan ng isa sa tatlong lalaki. Wala akong nagawa kung hindi ang tumingin sa pinsan ko. Nakapiring man ang kanyang mga mata ay agad ko rin itong nakilala.

"Astra? Ikaw ba 'yan?" ulit na tanong ng pinsan ko.

Lumunok ako bago bumaling sa lalaking may hawak sa braso ko. "W-what's this? What are you doing? Let him go."

Umiling ito. "We can't."

"Wait. Sindikato ba talaga ito?" ulit na tanong ni Eliyah. "Shit. Parte ka na ba ng sindikato, Astra? Kaya ba bigla kang yumaman? I don't understand."

"What violation?" kalmado kong tanong.

"We caught him hovering around," the guard responded. "He must be a spy sent by the other clans. We must report it to Lord Wenson. Siya ang bahala sa kanya."

"Astra? Kilala mo?" tanong ni Celeste.

"Kung ako sa 'yo ay huwag ka na lang makialam dahil baka ikaw ay madamay pa," pananakot ng lalaki pa. "Dalhin na ang lalaking 'yan nang maumpisahan na ang paglilitis."

"S-sasama ako," sabi ko sa seryosong boses. "Wala akong pakialam kahit na madamay ako. I'll take the blame if possible."

I was so desperate this time. Not again.

"Then, I'll come, too." Dumating din si Erikson. Nasa loob ng bulsa ng kanyang pantalon ang kanyang mga kamay. "Master Brixton told me to follow you, Lady Astra, wherever you go."

Kumunot ang noo ng lalaki at muling napatingin sa akin. Tinitigan niya ako nang masinsinan bago nagbago ang expression nito. Napalunok ito at tumikhim.

"We are just doing our job here, Milady," the guard said. "We vowed to protect the mansion and everyone who lives in here. Kung gusto mong sumama ay kailangan mong ipangako sa amin na hindi kami madadamay rito. Again, we are just doing our task."

I immediately nodded to agree. "I get it. I'll take all the blame. You have my word."

I heard my cousin laughed. "Milady? Master? Lord? Para akong nasa historical movie ah. Hays. Ano ba talaga 'to?"

"Remove his blindfold," utos ko.

"That's something we can't abide. Sumunod na lang kayo sa amin."

Gaya ng sinabi nito ay sumunod kami sa kanya. Tinulak ko ang isang guard na humahawak kay Eliyah at ako ang pumalit sa kanya. Narinig ko pang nagreklamo ito pero pinigilan siya ng kausap ko kanina na sa tingin ko ay ang leader nila.

"You are good," bulong ko.

Yeah. He's good. I will do anything to save him. I can't bear to lose another one. No. That would be too much. Kung kailangang akuin ko lahat ng batas na nalabag niya ay gagawin ko.

"Ang laki ng lugar na ito," dinig kong sabi ng pinsan ko. "Grabe. Ang haba ng nilakad ko para makita ito. Ang gara nga e. Feeling ko masyado akong napagod kasi namalik-mata akong kulay pula ang mga mata nung tatlong lalaki."

"Stop," I warned him. Mas lalong umangat ang pangamba sa dibdib ko. "Sabihin mo lang na naligaw ka. 'Yun lang, Eliyah. Wala kang ibang babanggitin kung hindi 'yon lang."

"Sorry. Na-miss lang kita," aniya pa.

"It's fine. Don't worry."

Pumasok kami sa isang parte ng mansion na may nakalagay na Restricted Area. Medyo madilim sa parteng ito. May mga sulo sa paligid na siyang nagsisilbing liwanag. Nang makita ang mga pinto na gawa sa bakal ay napagtanto ko kung ano ito – ang rehas.

Huminto kami sa isang pinto. Binuksan 'yon ng isa sa mga lalaki. Sumikip ang dibdib ko nang makita ang nag-iisang upuan sa gitna ng madilim na rehas. Kinailangan kong ilihis ang tingin ko.

Pinilit kong huwag magbalik-tanaw.

"You okay?" asked Erikson.

Hindi ko siya nabigyan ng pansin. Pinasok si Eliyah sa loob at ginapos sa upuan. Doon na siya nagpumiglas at tila natauhan na hindi maganda ang nangyayari.

"W-what? Akala ko ba kakausapin lang ako? Bakit ninyo ako igagapos?! Pulis ba kayo?! Where's your warrant of arrest?!"

"Hey. Don't be scared, Eliyah. Andito lang ako."

"I'm not scared!"

Umalis ang isa sa mga lalaki, malamang na para mag-report. Ang isa naman ay naiwan sa tabi namin at siya ang nagsarado sa rehas. May isang naiwan sa loob.

Nataranta ako sa mga sandaling ito. "Sasaktan ba siya?" tanong ko sa isang lalaki pero wala akong nakuhang sagot.

Tumingin ako kay Erikson. "I-I'm scared..."

"Ssshhh..." Hinawakan niya ang balikat ko at bahagya 'yong hinaplos. "As long as he knows nothing, they will release him. Sa tingin ko rin naman ay walang nalaman ang pinsan mo. Huwag kang mag-alala."

"W-what if?"

Napatungo ito. "Rules are rules."

Nanlambot ang mga tuhod ko. Inalis ko ang kanyang kamay sa balikat ko at humarap sa rehas. Sinubukan kong pakinggan ang nangyayari sa loob pero wala akong maramdaman. Parang may salamangka ang rehas para pigilan ang sino mang magtangkang manghimasok sa mga usapin na nangyayari sa loob.

Shit. Eliyah!

Hinawakan ko ang bakal na pinto bago unti-unting bumilog ang mga kamao ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag may nangyaring hindi maganda sa pinsan ko.

"Lady Astra? May usapan kayo ni Lord Severo na sasamahan mo siya sa tanghalian," paalala ni Erikson. "Alam kong wala ka sa huwisyo dahil sa nangyayari sa pinsan mo pero huwag mong kalimutan kung kanino ka nagbitiw ng mga salita."

Umiling ako. "I'll stay here..."

"Pero..."

"You can go, Erikson." Sumandal ako sa pader sa tabi ng rehas at pinikit ko ang mga mata ko. "Hindi ko iiwang mag-isa ang pinsan ko sa madilim na rehas na ito."

Narinig ko ang mabigat niyang paghinga. "Okay. Dito na rin ako. Mas nakakatakot naman si Brix."

Shit. Sinabi kong huwag na niya akong intindihin! Akala ko pa naman ay nagkalinawagan na kami kasi sumang-ayon na ito... hindi ko alam na gagawa pa rin siya ng ganitong hakbang!

I wish he could still be that naïve cousin of mine who tends to overthink and get scared easily. Malamang na matatakot siyang pumunta rito o lumayo man lang sa bahay nila.

"Milord..."

Napadilat ako ng mga mata. Nasa harapan ko na pala si Lord Wenson. Ang madalas na nakangiti niyang mukha ay hindi ko nasilayan. Minataan niya lang ako bago tinanguan ang guard. Binuksan niya ang pinto at pumasok sa loob si Lord Wenson.

"What? Papasok din ako!" giit ko sa gwardiya nang pigilan niya ako at sinarado uli ang pinto. Hindi nito ako pinakinggan kaya nagpumilit na ako. "Fuck off! Let me in, too!"

"I'm sorry, Lady Astra, but you are not allowed inside," diretsong sabi nito. "The discussion will be between the witness, the suspect, and the judge only."

Bumaling ako kay Erikson. Nag-aalala ang mukha nito pero nung nagkasalubong ang tingin namin ay bigla itong napayuko. Mukhang wala rin siyang magagawa.

I let out a heavy sigh. "I won't forgive anyone of you if something bad happens to my cousin."

"Lady Astra!" si Erikson.

I shook my head. "I'm sorry, Erikson."

Nangilid na ang luha sa mga mata ko pero ginawa ko ang lahat para hindi ito pumatak. Ayokong mawalan ng pag-asa dahil sa sandaling nawala ito ay manghihina ako. Ayoko. Gusto kong magpakatatag para sa pinsan ko.

Tita Ophelia can't handle this. Si Eliyah na lang ang kasama niya sa buhay. Ginabi pa nga lang ng uwi ang pinsan ko ay hindi na ito mapakali. Paano pa kaya... shit.

Sa bawat segundong lumilipas ay mas palaki nang palaki ang pangamba sa dibdib ko. Kung anu-ano na rin ang naiisip ko na mas nagpapaliyab sa nararamdaman ko.

Please.... not Eliyah.

Napaayos ako ng tayo nang bumukas ang rehas. Lumabas si Lord Wenson.

"Ano po ang nangyari?" kabado kong tanong.

Hinarap ako ni Lord Wenson. "Bumalik ka na sa loob ng mansion, Lady Astra. Hinahanap ka na ni Lord Severo. Naroon na rin si Oscar at Lady Celeste."

Umiling ako. "What's going to happen to him?"

"We will release him tonight." Kumalma ang loob ko dahil sa sinabi niya. "Wala siyang ibang nalaman kung hindi ang mansion. Lagi niyang tinatanong sa akin kung bakit ka namin sinali sa sindikato na ito." Napailing pa ito habang natatawa.

Napapikit ako at napangiti. "He's still that guy after all."

"I heard that he's your cousin?" tanong niya kaya tumango ko. "I see. Ikaw ang dahilan kung bakit siya napadpad dito. Kung ako sa 'yo ay kakausapin ko siya at kukumbisihin na huwag nang babalik pa. This will be the last time we will release him. Sa susunod na mahuli siyang nagmamasid ay hindi na siya palalayain pa."

Tumango ako. "I-I get it. Thank you, Lord Wenson."

"Don't thank me. This is my job as a Senior. Sa ngayon ay dumalo ka muna sa pagsasalo sa loob, Lady Astra. Huwag kang mag-aalala dahil pakakainin pa rin ang pinsan mo," aniya bago ako nilagpasan.

Napatitig ako sa rehas. Doon na bumagsak ang luha sa mga mata ko. Gumaan na ang pakiramdam ko pero ramdam ko pa rin ang kabog sa dibdib.

"Grabe. Pati ako nadamay..." dinig kong sabi ni Erikson.

Lumingon ako sa kanya. "S-sorry. Masyado lang akong nadala dahil sa nangyayari."

Sinamaan niya ako ng tingin. "Kung may kapangyarihan lang ako para papasukin ka sa loob ay gagawin ko. Pero wala akong magagawa kasi isa lang din naman akong normal na bampira dito. Utusan ng mga may posisyon gaya ni Brix."

Tumawa ako. "Kaibigan naman kita, ayos na 'yon!"

Natigilan ito. "K-kaibigan?"

"Ayaw mo ba?"

Mabilis itong umiling. "Shit. We are friends now." Tumawa pa ito.

"Kailangan ko nang bumalik sa loob," paalam ko bago nilingon ang rehas. "Maaari bang ikaw na muna ang magbantay sa pinsan ko? Babalik din ako agad!"

"Sure, friend!"

I laughed. Sa sobrang tuwa ko ay napayakap ako sa kanya. "Thank you so much, Erikson. Thank you for always being there for me."

He chortled. "What can I do? Brixton will choke me to death if I won't."

Pagkatapos sa rehas ay bumalik na ako sa loob ng mansion. Magaan na ngayon ang pakiramdam ko. Hindi maalis ang ngiti sa labi ko hanggang sa makapasok ako sa loob.

Nadatnan ko sa dining table sina Lord Severo, Celeste at Oscar. Nakatayo lang si Mr. Billy sa gilid. Napatikhim ako dahil sobrang tahimik. Nakatungo lang si Oscar.

"Maupo ka na, Lady Astra," aya ni Lord Severo.

Yumuko ako bago umupo sa tapat na upuan ni Celeste. Ngumiti ito sa akin habang si Oscar ay nakatungo pa rin.

"Shall we eat?" asked Lord Severo.

Tahimik lang kaming kumakain. Ramdam ko ang pagkailang. Nakatungo lang din ako habang kumakain.

"I've heard that the intruder was your cousin, Lady Astra?" pagbasag ni Lord Severo sa katahimikan.

Umangat ang tingin ko. "Wala naman po siyang nalaman tungkol sa atin. They will release him later."

Tumango naman ito. "Pasalamat na lang tayo dahil wala si Brix sa paligid. Hindi niya palalampasin ito. You know how much he loathes human. Lalo na nanghimasok pa siya."

Natigilan ako. "G-gano'n po ba?"

"What keeps you busy these past few days, son?" Napunta kay Oscar ang atensyon namin dahil sa tanong ni Lord Severo. "Mukhang may iba ka yatang pinagkakaabalahan."

Oscar cleared his throat before he responded, "Naging busy po ako sa training ng Junior Squad, Papa. They will have an examination soon kaya tutok ako."

"I see. Saka nga pala. Sa anak ni Mr. Escariaga ko tinalaga ang tungkulin bilang paghahanda sa Unus. Magiging parte ng paghahanda si Lady Astra."

Napatingin sa akin si Oscar. "Are you sure about this?"

"Yes," I responded.

He winced. "Knowing that guy, he just wants to flirt with you. Pwede kang tumanggi kung gusto mo."

Umiling ako. "No. I'll do it, Master Oscar."

"Maaari mo ring payagan si Celeste na maging parte no'n," ani Lord Severo. "She has been in this clan for how many years now. She hasn't explored it yet. This will be a good opportunity for her."

Napangiti si Celeste. "Thank you, Milord."

"No." Napatingin kami uli kay Oscar.

What?

"What do you mean, son?"

"She can't be a part of it, Papa," aniya pa.

Nawala ang ngiti sa labi ni Celeste at napayuko na lang.

"Why not?" si Lord Severo.

Tumingin si Oscar kay Celeste bago bumaling uli kay Lord Severo. "Pinaplano kong ibigay na lang sa iba si Celeste, Papa. I want to have another slave."

Napanganga ako sa sinabi ni Oscar.

What the fuck, Oscar?

Maging si Lord Severo ay halatang gulat.

"This is also one of the reasons why I wasn't around these past few days. Mahirap din para sa akin ang desisyon na ito dahil magaling si Celeste. Hindi ako nahirapan sa kanya. I am thankful for that, but... I want something new this time."

"Hmmm..." Napaisip si Lord Severo. Pinapatunog niya sa lamesa ang kanyang mga daliri. "I can't see any reason why but it's your choice, son. You can have another one whenever you want."

Napatingin ako kay Celeste. Nakayuko ito. Nakakuyom ang kanyang mga kamao.

Bumaling kay Oscar ang atensyon ko. Is that it? Dahil hindi niya magawan ng paraan ay bibitiwan na lang niya? Is this how he plays all the time? Ito ba ang tinutukoy niyang lagi siyang nasa safe side? This is bullshit!

"Ang plano ko ay makikipagpalit na lang ako sa iba, Papa," saad pa ni Oscar. "This is my decision."

"Your choice, Oscar."

Nawala na rin ako ng ganang kumain.

"Pagnakahanap na ako ng papalit ay maaaring siya ang tumulong sa 'yo, Lady Astra," sabi sa 'kin ni Oscar. "Sisiguraduhin kong bihasa ang makukuha ko para hindi ka rin mahirapan."

Lumunok ako. Gusto kong ilabas ang hinanakit ko pero pinili ko pa rin ang mga salita ko. "I'm good, Master Oscar. I think Master Resty can teach me well."

"Okay," he simply said.

Nagpaalam si Lady Celeste na pupunta lang Comfort Room. Nung makaalis siya ay nagpaalam din ako. Sinundan ko si Celeste at tama ang hinala ko. Sa labas ang tungo niya.

"Celeste!" tawag ko sa kanya.

Nung nasa harapan na niya ako ay bigla niya akong sinampal.

Nagulat ako at hindi agad nakakilos.

"You are bullshit, Astra!" she yelled at my face. "Matatanggap ko pa ang desisyon ni Oscar kung hindi ka lang nakialam. Doble ang sakit na nararamdaman ko ngayon kasi akala ko totoo ang sinabi mo. You lied just to comfort me! That's bullshit!'

"I-I wasn't lyi—"

"Stop!" she screamed again. "I saw it coming. You know?" Bumagsak na ang luha sa kanyang mga mata. "Alam ko na bibitiwan ako ni Oscar. Pero... dumating ka. Pinaniwala mo akong pareho kami ng nararamdaman. Bumalik ang pag-asa ko. Pero... wala. Niloko mo ako."

Sinubukan ko siyang hawakan pero umatras ito. "Hindi kita niloko. Sinabi niya—"

"Enough, please?" she cut me out. "Kung totoo man ang sinabi mo, sana ay hindi mo na lang sinabi sa akin. Sana ay hindi ko alam. Sana ay hindi ako nasasaktan ng ganito."

"I-I'm sorry..."

"Do us all a favor." Lumunok ito at hinawi ang luha sa kanyang mga mata. "Stop meddling in our lives and mind your own business. Stop playing a hero. Stop thinking you are something that can change the world. To make it short... just keep it to yourself."

Wala akong nagawa kung hindi ang pagmasdan siyang makalayo.

I bit my bottom lip. Akala ko ay nakagawa ako ng tama. Mukhang mali pala ako.

Napapikit ako. "What did I do?"

"So, you told her?" Napalingon ako kay Oscar. Diretso ang tingin nito sa akin. "I thought you could keep a secret, Lady Astra. What a disappointment. I was wrong with the thought of you."

Walang lumabas na salita sa bibig ko. Napatitig lang ako sa kanya hanggang sa talikuran niya rin ako at bumalik sa loob.

Naiwan akong gulong-gulo. I messed up. Celeste is right. Dapat hindi na lang ako nanghimasok. Sa sobrang kagustuhan kong makabawi ay nakasira lang pala ako.

Hindi ko matanggap na dahil sa akin ay mas lumabo ang mga nangyayari pero mas hindi ko matanggap na maging si Oscar ay nabigo ko... ang unang lalaking nagpakita sa akin ng pagtanggap.

I was frustrated with myself.

"L-Lady Astra..." Napalingon ako kay Erikson. "They will release him now."

Tumango ako. "I want to see him."

He stared at me. "It's not your fault."

Nilagpasan ko na lang siya. Sa dami ng maling nagawa ko ay kahit na ito man lang ay maitama ko.

Naabutan kong palabas na ng rehas ang pinsan ko pero mabilis ko siyang tinulak uli sa loob at sinarado ang pinto.

"A-Astra—"

I slapped him.

Natulala ito sa akin.

"This is enough, Eliyah. Huwag ka nang babalik dito."

"I-I'm sorry..."

Huminga ako nang malalim. "Let's forget each other. Magsimula ngayon ay hindi na kita kikilalanin na pinsan. Isa ka na lang estranghero para sa akin."

"W-what?"

"Fuck off, Eliyah. I don't want to see your face anymore."

That's the moment I turned my back and walked away.

Nang makalabas doon ay tumakbo ako. Hindi ko alam kung saan ako tutungo basta tumakbo lang ako nang tumakbo. Sa bawat hakbang na ginagawa ko ay pumapatak ang mga luha sa mata ko.

I hate myself.

I loathe myself. Lahat ng mahal ko ay nasasaktan ko.

Napaupo ako nang tumama ang katawan ko sa nakaharang na tao. Umangat ang tingin ko sa lalaking seryosong nakatingin sa akin. He looked down at me as if I was the most ridiculous thing in this world.

"Poor thing," Brix mumbled.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro