Chapter 4
Chapter 4: The Cardinals
I rarely feel hopeless as I am right now. When my Mom died, I promised her that I would live my life whatever it takes. I promised her that I would finish my study, get a better job and be happy. When she died, half of me died together with her. Pero hindi 'yon naging dahilan para mawalan ako ng pag-asa. Unti-unti ring bumalik ang sigla ko dala ang mga pangakong binitiwan, ngunit panandalian lang din.
I wish he just let on that cold ground and breathless.
Pero ito ako ngayon sa isang sitwasyon na wala akong ideya. Oh, I am about to become an immortal. Sounds thrilling for some. Not for me. Silently, I have been wishing to finally meet my demise. Sana ay kasama ko na ngayon si Mama. But I am stuck here, but not as a human anymore.
Dinala ako ni Brix sa isang bakanteng silid. Walang kahit na anong gamit dito. Maliit lang ang silid na ito na may isang pinto at maliit na bintana sa itaas kung saan sumisilip ang liwanag. Kung tama ang hinala ko ay... kulungan.
Gawa ng panghihina ay wala akong nagawa kung hindi ang umupo sa isang sulok habang yakap ang mga binti.
"Do you really need to do this?" dinig kong tanong ni Oscar, bakas ang pag-aalala.
"This is inhumane!" Nathalia exclaimed. "Get her out of here now, Brixton."
"We are not humans, for Pete's sake, Nathalia. Stop exaggerating," Brix retorted. "Saka puwede ba? This is none of your business. She is my slave, and I can do anything I want to her without asking for your permission."
Hinawi ko ang tuyong luha sa aking mga mata. Nanatili akong nakayuko at hindi magawang tingnan ang mga nilalang na dahilan kung bakit ako nandito. Natatakot man pero hindi maitatanggi ang tindi ng galit na nararamdaman ko... lalo na sa isang lalaki.
"This is her punishment, too," I heard Brix say. "She is my slave, and I want her to know what happens to those who won't follow my words. I don't care if she's in transition, confused, or just being a pathetic human. My words aren't allowed to be wasted."
Nawala ang init na nararamdaman ko matapos makaalis sa sikat ng araw. Ngayon ay napalitan ito ng panlalamig. Nanginginig ako at hindi ko alam kung dahil ba sa lamig na nararamdaman, galit o takot. Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon.
"Damn it, Brix. She got a bruise on her right arm!" Nathalia started to panick. "Oh, my feels! Her skin... I can't watch it anymore. Mr. Billy, ask the maids to prepare my tub! I need to relax!" And I heard the sound of her stilettos as she walked away.
Sumandal ako sa pader habang yakap pa rin ang mga tuhod. Nanatiling sa marmol na sahig ang tingin ko. Alam kong nakatingin sa akin sina Brixton at Oscar kaya hindi ko rin magawang iangat ang mukha ko.
"Astra..." called Oscar with his worried voice. I even heard him let out a weighty sigh. "Just do it, Ms. Martin. After that, it won't hurt anymore. Promise. And no one can hurt you anymore. You will become one of the strongest in this world."
I just shook my head.
No. I never wanted to be the strongest or something that makes me superior to others. Kahit na anong ipaliwanag nila, hindi ko kailanman matatanggap ang ginawa nila sa 'kin. They cursed me and dragged me into their miserable endless life. That's unjustifiable.
"Hey. It's not a curse—"
"Stop talking, Oscar. Ipasok niyo na ang babae," dinig kong utos ni Brix na pinutol ang sasabihin ni Oscar. "Iwan mo na kami, Oscar. Ako na ang bahala rito. She's my slave after all. You have your own damn Celeste. Your dumbass doesn't know how lucky you are you have a slave like her. Unlike this hardheaded one."
Mga panibagong yapak ang pumasok at malapit ito sa akin.
"You know why, Brix? Because I didn't treat her like this. I got her through my harmless way, by my charm." Oscar laughed scornfully. "If there's someone unlucky here, it's not you. Stop playing the victim here!"
"Yeah? You talked too much. Fuck off!"
"Ewan sa 'yo, Brix. Daig mo pa si Mr. Billy kung makapag sungit. Bahala ka nga!" Ilang sandali pa ay narinig ko ang mga yabag palayo.
Pagkaalis ni Oscar ay mas sumikip ang hangin.
"You are nothing against me, Astra. You think I am evil? I hate to break it to you but I already surpassed being evil." Narinig ko ang mga yabag palayo pero huminto rin ito matapos. "This is the last time I will let you disobey me. No more after this."
Umangat ang tingin ko sa kanya. Walang emosyon ang kanyang mga mata. Parang nakatingin lang siya sa kawalan at malalim ang iniisip. Parang wala ako sa harapan niya. I wish I could read what's on his mind just like what they do to me everytime. I wish I could understand why he is this vile. He seemed filled with hatred.
A wicked smirk molded on his lips. "Unfortunately, you will never reach my mind. You are wondering why I am this cruel to you. No. I am not. You are just a human, easy to read, and emotional. Enjoy the food."
He closed the door after that as I heard his footsteps slowly fading.
I clenched my fist firmly. I wanted to scream and release my frustration but the woman who's also here caught my attention. She was just staring at the light emitting from the small window. Tila wala ito sa huwisyo.
Napalunok ako nang makitang may hawak itong patalim sa kanyang kamay. Bumagsak sa akin ang tingin niya. Pumatak ang luha sa kanyang mga mata. Parang humihingi ito ng tulong sa akin para palayain siya.
Umawang ang bibig ko nang makitang itinaas niya ang patalim at nilapit sa kanyang braso.
Stop...
Tila nalagutan ako ng hininga nang sugatan niya ang kanyang braso.
My heart started to pound abnormally. I am losing my senses. Parang nasusunog ang mga mata ko at kumukulo ang dugo ko. The smell of her blood was disturbing my sanity. I gulped the lump in my throat.
Nanginginig ang mga kamay ko habang unti-unting tumatayo. I am losing my control. Hindi ko maalis ang titig ko sa braso ng babae na dumudugo.
"Do it..." I heard Oscar somewhere in my head.
"Don't do this to me," I begged. "Just kill me please..."
"Don't lose hope, Astra. Just because you are linked to him now doesn't mean you are linked forever. Someday... it will be broken. If there's a way in, there's always a way out. For now, just do what needs to be done."
Nag-umpisa nang humakbang ang mga binti ko nang hindi ko namamalayan.
"Just think this way, Astra. Don't think being a vampire is a curse. Think of it as a gift. As long as you have this gift, you have a chance to stand against him. You can use this gift to avenge what happened to you."
Kumuyom ang mga kamao ko. Isang pangalan lang ngayon ang umiikot sa isipan ko. Siya ang puno't dulo ng mga nangyayari sa 'kin. Kung naririnig niya man ako ngayon, gusto kong malaman niya ang nararamdaman ko. Gusto kong malaman niya na hindi ako basta-basta lang. Gusto kong malaman niya na masyado niyang minamaliit ang kakayahan ng isang taong katulad ko.
"Good luck, Astra..." Those were the last words I heard from Oscar.
Bumaling ako ng tingin sa babaeng nasa harapan ko. Nakatulala ito sa akin at walang kamalay-malay sa nangyayari. Tumutulo sa marmol na sa hig ang kanyang malapot na dugo. Sobrang bango ng dating sa 'kin no'n.
I won't ever forgive you, Brixton Cardinal. As long as I live, you are my enemy.
Ipinikit ko ang mga mata ko at pagkamulat nito ay wala ng buhay ang babaeng ngayon ay nakahandusay na sa sahig. Punong-puno ng dugo ang damit ko at may tumutulo pang dugo sa labi ko. Dapat ay nagsisigaw na ako sa takot pero nagawa ko pang ngumiti. Dinilaan ko ang kamay kong may dugo. Strangely, this feels good. It's not that bad after all.
Lumuwag ang paghinga ko at naramdaman ko ang kaginhawaan.
Mayamaya ay narinig ko ang mga yapak palapit. Humarap ako sa pinto nang bumukas ito. Tumambad sa akin si Brix na nakatingin sa babaeng walang buhay. Bumali ang tingin nito papunta sa akin bago pumorma ang isang ngiti sa kanyang labi.
"It's done," he whispered and I could sense how thrilled he was.
Sumulpot si Oscar sa kanyang likod. Malawak ang ngiti sa kanyang labi.
"Finally. Welcome to Nightfall Clan, Miss Astralla Martin!" Oscar said as he walked closer to me. Inabot niya sa akin ang isang malinis na tela. "You look gorgeous even in that condition. I am happy for you, Sis Astra."
Pinunasan ko ang labi ko ng malinis na tela habang hindi pinuputol ang tingin kay Brixton. Nawala ang ngiti sa labi nito habang nakatingin sa puting tela na inabot sa 'kin ni Oscar. Bumagsak ang tingin ko sa hawak niyang panyo. Itinago niya ito sa kanyang bulsa. Tumalikod ito at naglakad palayo.
"Tara na. Kailangan mong maglinis ng katawan," aya sa 'kin ni Oscar.
Bago kami tuluyang makalabas ng silid na 'yon ay binalingan ko ng tingin ang walang buhay na babae. Oddly, I don't feel anything for her. Sa katunayan nga ay naiingit pa ako sa kanya. At least, hindi na siya mahihirapan pa.
Unlike me, I just got into a completely different world. It felt like I had just got reborn.
I feel so energized now.
"I knew you could do it," natatawa pang sabi ni Oscar. "Nakatulong pala ang mga sinabi ko sa 'yo."
Tumigil ako sa paglalakad na ikinatigil din niya.
Bumaling siya sa 'kin. "May problema ba?"
"There's a way to break-free from this curse, right?" I asked.
Natigilan ito nang ilang sandali. "Yeah? Hmmm... yeah!"
I arched my brows. "Huwag mong sabihin na sinabi mo lang 'yon para mapilitan akong uminom ng dugo? Did you just lie, Oscar?"
"No. Of course, not." Madiin na umiling ito pero ramdam ko ang pang-aalangan sa kanya "Alam ko meron pero hindi ko pa rin natutuklasan. Pero at least, may chance 'di ba? Malalaman din natin 'yan."
Napaismid ako.
Sinalubong kami ng tatlong babaeng naka-uniform na kulay puti at asul na umaabot lang hanggang sa kalahati ng hita. Yumuko ito sa harapan namin at bumati. Sa dami ng nangyayari sa 'kin, hindi ko pa rin maiwasang mamangha. Parang prinsipe at prinsesa ang turing nila sa mga magkapatid na 'to.
"They will help you," Oscar whispered. "Kita-kits na lang mamaya, Sis Astra. Hahanapin ko pa 'yung boss mo."
I followed the three women. Dinala nila ako sa isang malawak na silid. Namilog ang mga mata ko habang nakatingin sa maraming damit. May mga gamit din pa para sa katawan katulad ng mga palamuti, alahas, pabango at iba pa. Base rin sa disenyo ng mga ito ay halatang mamahalin.
These vampires are damn wealthy.
"Hey!" Sumulpot bigla sa harapan ko si Nathalia. Napakurap ako habang nakatingin sa kanya. Iba na ang suot niya pero kulay pula pa rin ito. Hanggang hita ang haba ng kanyang damit. Hindi nakakasawa ang amoy ng kanyang pabango. "Don't you really recognize me?" she suddenly asked. There was a bit of disappointment in her.
Kumunot ang noo ko bago umiling. "Have we met before?"
Tumikhim ito bago naglakad palayo sa akin bago tumigil pero nanatiling nakatalikod. Hindi ko maunawaan ang pinaparating niya.
"How about this?" Bigla itong humarap sa akin at ngumiti nang matamis. Napanganga ako nang mag-umpisa itong rumampa palapit sa akin sa nakakaakit na paraan. "Don't tell me you still don't recognize me?"
"I-Ikaw 'yung super model sa Hollywood, hindi ba?" manghang tanong ko.
She winked at me. "Finally..."
"Cool..." I mumbled. "A vampire model."
Nawala ang ngiti sa labi nito.
"Model is enough, they don't know I am a vampire though," she said as she flipped her hair. "Uh, someone found out pala. Pero, I don't want to lose my career so I killed him instead. And... I really like the shape of your lips."
Hinila niya ako sa hilera ng mga magagarang damit. Hindi niya ako hinayaang mamili, siya ang pumili para sa akin. Kulay asul na dress ang napili niya para sa 'kin na tinernonahan ng kulay puting stilletos. Pagkatapos pumili ng damit ay hinila niya ako sa shower room.
Suminghap ako nang maamoy ang mabangong bulaklak na nanggagaling sa bumubulang tubig ng bathtub. May mga kandila sa paligid na mas nagpapadagdag sa bango. Nakaka-relax ang background music. Dim din ang ilaw. Actually, okay na ako sa bathtub. Hindi pa ako nakababad do'n kahit kailan e.
"Magbabad ka lang, ah?" saad ni Nathalia na inaayos ang mga damit ko malapit sa salamin. "Take your time. Your skin needs a break, nababad sa araw. Mayabang talaga 'yang Brixton. Akala naman niya guwapo siya..." Tumigil ito at halatang nag-isip. "Okay, fine. Guwapo siya. Pero, magbabad ka na lang Astra. Kapag may kailangan ka, huwag ako ang hanapin mo ah? Maraming katulong diyan. See yah later."
Pagkasara niya ng pinto ay binalikan ko ng tingin ang bathtub. Lumapit ako roon at ibinabad ang aking kamay. Maligamgam ang tubig.
Tumayo ako at hinubad lahat ng saplot sa katawan, ipinatong ko ito sa gilid. Pumasok ako sa loob ng bathtub at binabad ang katawan ko. Ipinayapa ko ang likod ko sa mabangong tubig. Tumingala ako at tumingin sa kisame.
This feels good. Hindi na ako magugulat kung makakatulog ako.
What will happen to me now? I couldn't help but ask myself.
I am tied to the person who saved my life. That means I need to follow everything he says even if it's against my will. He's a demon so I don't think I can win against him. As long as I am linked to him, I can't do anything.
Bigla sumabi sa isipan ko ang mga sinabi ni Kristan. "I want you to know when to be brave and when to not to. Learn to read the line, Astra. There's a thin line between being brave and being careless."
He's right, and this is the time when I shouldn't put myself at risk. There's nothing I can do but be an obedient girl. Or at least expand my temperance. I need to be careful. I know there's a way out of this hell, and that's what I should find out... whatever it takes. I can't live like this forever.
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Naalimpungatan ako nang may marinig na katok sa pinto. Sumilip si Nathalia bago tuluyang pumasok. Base sa kanyang mukha ay halatang may masama itong sasabihin.
"I know I said to you to take your time but..." she paused for a moment. Iba na naman ang damit na suot niya pero kulay pula pa rin ito. Ilang beses kaya 'to magpalit sa isang araw? "Pero parating na si Papa. We need to get ready before he even arrives. He's been expecting you, Astra."
So... is this meeting the parents?
"Okay. I'll just take a shower," I said.
"Okay. Oh, wow. Mas lumitaw ang ganda ng kutis mo. Dito lang ako sa labas." Humagikgik ito bago lumabas at muling sinara ang pinto.
Umahon ako sa bathtub at nagbanlaw. Kinuha ko ang tuwalya para magpatuyo ng katawan. Mas guminhawa ang pakiramdam ko ngayon. Kahit na hindi ako gumamit ng pabango ay masyado nang humahalimuyak ang bango ng katawan ko. My skin has never been this smooth and glowing.
I was all smiles when a realization hit me. I am going to meet their father. The father of Brixton Cardinal. How's he like? Is he the darker version of Brixton? Probably. Mukhang sa kanya nagmana ng kaitiman ng budhi ang lalaking 'yon. Nevertheless, I am going to meet another character in this vampire drama.
Scared? Nah. Why would I? He could kill, and I would still be thankful.
I wrapped the towel around my body before I stepped outside. Naabutan kong nakaupo sa sofa si Nathalia habang nakatingin sa cell phone. Napansin 'ata niyang nakatingin ako kaya mabilis na tumayo ito.
"Halika..." Pinaupo niya ako paharap sa isang magarang tukador. Hinaplos niya ang basa kong buhok. "How do you like your hair? Since you have long silky black hair, I don't suggest doing anything but to dry it. But, your choice."
"Patuyuin na lang," sagot ko.
"Perfect." She plugged in the blower and started to dry my hair. Masyadong magaan ang pagkahawak niya sa buhok ko na tila takot na takot itong mahablot kahit na isang hibla lang. "You can try those perfume, Astra. Whatever suits your taste."
Habang pinapatuyo niya ang buhok ko ay nagsubok ako ng mga pabango. Hindi naman ako nahirapan pumili dahil mas gusto ko ang mild lang ang amoy. Ang iba kasi ay medyo hindi na maganda sa ilong.
Pagkatapos niyang patuyuin at maayos ang buhok ko ay inalalayan niya akong suotin ang kulay asul na dress. Napasinghap ako nang higpitan niya ang sa dibdib na parte. Umangal ako na masikip pero ang dahilan niya ay mas maganda raw 'yon at masasanay rin ako.
Pinagmamasdan ko ngayon ang sarili sa harapan ng salamin. Well... I look good. Kahit na puro puri ako kay Nathalia ay ngiti lang ang naisasagot ko. Hindi naman ako mahilig sa ganito. Though it feels comfortable, I am just not into expensive things. But, I am not complaining.
"Brixton can choke," Nathalia snickered.
Humarap ako sa kanya. "Pwede bang bigyan mo ako ng kaunting idea about sa Papa niyo? How's he like?"
Humalukipkip si Nathalia habang nag-iisip. "You know Brixton, right?"
I swallowed hard I nodded.
"Hell yeah. He's nothing in front of our father. He's just like you, a pet of him. You know? Pero, hindi lang naman siya. Kami rin. Strick and manipulator. Kahit na matagal na namin siyang kasama ay medyo intimidated pa rin kami sa presence niya. Well, he's a beast. Tip, Astra? Just do what Brix tells you. He knows our father better than anyone else here."
Wala sa sariling napangiti ako. I think nasagot na ang tanong ko kung bakit ganito ang tingin ni Brix sa mga tao. Power. He knows he is superior and humans can't do anything against him. Just like when he's in front of his father. He feels powerless.
Hawak-hawak ni Nathalia ang braso ko habang naglalakad kami pababa sa engrandeng hagdan. Hindi ko maiwasang mapatingala kung saan may higanteng aranya. Mas napansin ko ngayon ang detalye ng paligid. May mga lalaking nakaitim ang nakatayo sa bawat sulok. Tahimik na nagmamanman sa paligid.
"Damn. Gorgeous as hell. I just hope he can be kind sometimes," Nathalia mumbled.
Masyado akong naaliw sa nakikita na hindi ko napansin ang isang lalaking naghihintay sa dulo ng hagdan. He was wearing a black tuxedo paired with fitted black slacks. Ngayon na wala na akong masamang nararamdaman ay mas napagtuonan ko siya ng pansin. His presence screams authority and darkness. The way he stood there, hands inside the pocket of his slacks, he could undeniable catch anyone's eyes.
Nathalia was right. Just kindness and he could be a dream guy. Still, not my type.
"I will go ahead," Nathalia said when we reached Brixton. Humalik pa sa pisngi ko si Nath bago naglakad palayo. Pinagmasdan ko pa kung paano siya maglakad. Parang nasa runway lang. Meanwhile, I couldn't even step my stilettos without trembling.
Brix cleared his throat that caught my attention. Mula sa dibdib ko ay tumaas sa mga mata ko ang kanyang tingin.
"Just don't do stupid things, don't make it hard for both of us." He arched his brows.
Tumitig ako sa kanya nang ilang segundo bago tumawa.
Kumunot ang noo nito.
"I was a human, Brix. Nakalimutan mo na? Humans are stupid. Don't expect too much from me," panunuya kong saad. "But, don't worry, Brix. It's just a heads-up. I will still try to be a decent human."
"You are no longer a human, Astra."
"Still, I was once a human. A pathetic emotional human."
Bumali ang leeg nito. Wala pa man ay nararamdaman ko na handa na itong makipagtalo. His tolerance was damn low. Mahilig siyang mangmaliit pero kapag sa kanya na ginawa ay mabilis itong mapikon.
He pinched the bridge of his nose as he let out a weighty sigh. Dahil malapit ako sa kanya ay naamoy ko ang mabangong hininga nito. Medyo amoy alak pero mabango pa rin. Binasa niya ng laway ang labi bago tumango at inangat ang braso sa 'kin.
Tiningnan ko lang ang nakalahad niyang braso.
"Can we just walk without doing that? We are not in a pageant," I complained.
Madiin itong napapikit, ramdam ko ang pagpipigil nito.
"This is not for pageant only, you stupid human. This is for formality," he whispered in exasperation. I could now see the dark clouds starting to loom about his head. "Kumapit ka lang sa braso ko. Mahirap ba 'yon?"
Umismid ako bago kumapit sa kanyang braso. Napatango ako nang maramdaman ang tigas ng muscle niya roon. Damn. This demon smells good, too. Dahan-dahan lang kaming naglalakad papunta sa tinahak kanina ni Nath.
"Is there foods?" I asked.
"Of course," he responded.
"Can I take out?" tanong ko pa.
Kailangan kong magdala ng pagkain para kay Tita Ophelia. Umalis ako nang hindi nagpapaalam. Malamang na nag-aalburuto na 'yon ngayon kaya kailangan ko ng pampaamo. Sasabihin ko na lang na galing ako sa fiesta.
"Why? Fuck it. Okay." I could feel how tensed he was. His father is really that intimidating huh? "'Pagkatapos ay ipapabalot ko lahat ng pagkain at ipapadala sa inyo. Now, don't do stupid things and if you can, just eat your food. Don't open your damn mouth unless you need to."
"How could I eat with mouth closed?"
Hindi na niya ako sinagot. Palihim akong napangiti. Pakiramdam ko ay hindi pa man kami nakakaabot sa hapag-kainan ay sasabog na siya.
"Wait. Ikaw 'yung tumawag sa isipan ko, 'di ba?"
"Bakit ba andami mong tanong?" inis na tanong niya. "My father is waiting. He hates waiting."
"Nagulat ako nung bigla mo akong tinawag sa isipan. Nabasag ko ang baso ni Tita Ophelia. Nabawasan ng twenty pesos baon ko. Bayaran mo 'yon." Medyo kulang na kasi ang pera ko tapos mababawasan pa. Baka maglakad na lang ako sa susunod.
"Twenty pesos? Fine," he simply responded.
"Oops. Fifty na 'yon ah?" Naramdaman kong hinigpitan niya ang pagkakaipit sa kamay ko sa kanyang braso. "Syempre dapat may interest. Saka para na rin sa mga panlalait mo sa 'kin. Hindi ba slave mo ako? Dapat may bayad bawat utos mo. Wala ng libre ngayon—"
"Shut up. Let's talk after this," he cut me out. "Here we go. Be a good pet, Astra."
Pagkapasok namin sa isang silid ay tumambad sa akin ang malapad na lamesa na puno ng pagkain. Nakaupo na roon si Nathalia katabi si Oscar na naka kulay puting tuxedo. Kailangan ba talaga naka-formal attire kapag kakain sila?
"Keep going," Brix mumbled on my ears.
Habang naglalakad ay napatingin ako sa isang lalaking nasa pinakagitna. Tahimik lang itong kumakain habang nagbabasa ng dyaryo. Gusto kong magmura kasi kung ito ang sinasabi nilang Papa nila, hindi makatarungan. Parang magkasing edad lang sila. Mas matured ang mukha kay Brix na may bigote. Nakatupi hanggang siko ang sleeve ng kanyang suot at kumikinang ang gintong relo sa kanyang kamay.
Uupo na sana ako pero pinigilan ako ni Brix.
Napatingin ako kay Nathalia na nakangiti sa 'kin. Tumango ito.
Muli kong ibinalik ang tingin sa lalaking kumakain.
"Sir?" tawag ko.
Umawang ang bibig ko nang higitin ako ni Brix palapit sa kanya.
"Papa..." magalang na tawag ni Brixton. "Just like what I have promised you, I found mine. Her name is Astralla Martin. She is willing to serve not just me but also you. You can have her anytime you want."
Namilog ang mga mata ko.
Pinakawalan na ni Brix ang braso ko. Akala ko ay tapos na ang palabas pero dumausdos sa braso ko ang kamay niya pababa sa aking kamay. Nagitla ako nang hawakan niya ang kamay ko at hinaplos 'yon. Ngayon ay naramdaman ko ang init ng kanyang palad.
Umangat ang tingin ng Papa nila sa 'kin. Tila tinakasan yata ako ng kaluluwa nang tumitig ito sa akin. Napakalamig at tila tumatagos. Ngayon ay alam ko na kung bakit parang asong maamo sila kapag kaharap siya.
"Greet him and introduce yourself..." Brix whispered.
I cleared my throat.
"Hello, Sir. I am Astralla Martin. My friends call me Astra. I am 19. It's a pleasure to meet the vampire daddy." Todo ngiti ako hanggang sa matapos akong magpakilala. "Guwapo pala kayo. Kung mag kwento kasi si Nathalia ay parang sobrang tanda niyo na, masungit at galit sa mundo. Hindi naman pala." Natatawa pa ako.
Napatingin ako kay Oscar nang mapaubo ito. Nabilaukan ito sa kinakain kaya mabilis na ininom ang kulay pulang likido.
Umawang ang bibig ko nang higpitan ni Brix ang pagkakahawak sa aking kamay. Napatingin ako sa kanya. Namumula ang mukha nito. Mukhang dapat ay hindi ako nagsalita. Pero sabi niya magpakilala ako. Saka ang bilin niya ay sumagot ako kung kinakailangan.
Nathalia faked a cough. "Pasensya na, Papa. Hindi pa namin siya gaanong nasabihan kasi masyadong biglaan ang mga pangyayari. But, don't worry. I will make sure she will learn everything after this. Sa susunod na pagkikita niyo ay mas maayos na."
Tinaasan ako ng kilay ni Nathalia bago ito umirap.
Sumimangot ako.
"Lord Severo." Napatingin ako sa bagong pasok na si Mr. Billy. May hawak itong alak at nagbuhos sa wine glass ni Severo. Nakayuko lang ito hanggang sa matapos siyang magsalin at nakayuko rin ito hanggang sa pag-alis.
Napatingin ako sa mga pagkain.
"Ang sarap..." Namula ang mukha ko nang masabi ko ang nasa isipan ko.
Narinig ko uli na parang nabilaukan si Oscar. Nagpaalam ito na tatawagin daw si Celeste. Halatang pigil na pigil itong sumabog sa pagtawa.
Nanatiling nakatayo naman si Brix, pulang-pula ang mukha. Naramdaman kong nanginginig ang kanyang kamay.
"Brixton..." Mas bumigat ang hangin nang marinig kong nagsalita ang Papa nila.
Napapikit si Brix. "Pasensya na, Pa..."
Gulong-gulo ako sa nangyayari at mas lalo akong naguluhan nang humalakhak si Mr. Severo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro