Chapter 39
Chapter 39: Confessed
Nanatili kami roon sa burol hanggang sumikat ang araw mula sa Silangan. Hindi na ako nagtanong pa kay Erikson pero nagkwento ito tungkol kay Brix – ang dating Brixton Wenz Cardinal na masiyahin, palakaibigan at pilyo.
I was shaking my head the whole time. I couldn't visualize Brix being jolly and friendly. Now that I think of it, I want to see it, too. I want to see the playful side of the devil.
Hinatid na ako ni Erikson sa mansion gaya ng napag-usapan. Malakas ang kabog sa dibdib ko. Parang gusto ko tuloy bawiin ang sinabi kong nais kong manirahan doon. Parang... mas gusto ko na lang uli sa maliit na bahay sa likod kahit ako na lang mag-isa.
Sinalubong kami ni Mr. Billy at ng iilang mga babaeng katulong.
"Good Morning, Lady Astra," Mr. Billy welcomed me with a smile. "Lord Severo has been expecting you here. Sa ngayon ay tutulungan ka muna ni Lady Ersa na makapag-ayos ng sarili. Pagkatapos ay nais ni Lord Severo na samahan mo siya sa agahan."
Lumapit sa akin ang isang babaeng balingkinitan ang katawan na sa tingin ko ay si Lady Ersa. "It's a pleasure to meet you, Lady Astra. I am Lady Ersa. Please follow me."
Susunod din sana sa akin si Erikson pero pinigilan siya ni Mr. Billy. "Your job here is done, Mr. Nadija. You may take a break now."
"What? Master Brixton has given me the order to assist her, Mr. Sandoval," Erikson reasoned out. "Please let me follow her. I promise not to cause any trouble."
"Lady Astra," tawag sa akin ni Lady Ersa nang tumigil ako sa paglalakad. "Pakiusap po, sumunod na kayo sa akin para makapagpalit na kayo ng damit."
Naguluhan ako. Gusto kong samahan din ako ni Erikson pero mukhang walang plano si Mr. Billy na payagan ito. Nagpumiglas pa ito kaya tumawag na ng mga bantay si Mr. Billy.
"Lady Astra, please go," nakangiting sabi ni Mr. Billy.
"Please let me in, too!" Erikson pleaded.
Hinawakan na ni Lady Ersa ang braso ko kaya wala na akong nagawa. Tinanaw ko lang si Erikson at tinanguan kita. Nilabi ko ang mga katagang, "I'm fine."
Nang makalayo ay hinablot ko rin ang braso ko mula sa pagkakahawak ni Lady Ersa. Medyo nagulat pa ito sa inasta ko.
"Sorry. I can walk." I apologized.
Sinamahan ako ni Lady Ersa. Hinintay niya ako hanggang sa matapos akong makaligo. Inalalayan din niya ako sa pagpapalit ng damit. Pumili ako ng isang kulay puti at bulaklaking bestida na tinernohan ng kulay itim na sandals.
"Do I really need to dress up like this every morning?" Hindi ko napigilang hindi tanungin si Lady Ersa na ngayon ay sinusuklayan ang buhok ko. "Like... this formal?"
"Masasanay ka rin," natatawa niyang sagot.
I rolled my eyes. "Who else will be on the dining table?"
"I'm not sure," she responded. "Pero hindi ko nakita si Master Oscar at wala rin si Master Brix. Baka si Lord Severo lang o 'di kaya'y isa sa mga kasamahan niya."
Napatango na lang ako.
Nang matapos niya akong ayusan ay hinikayat na niya akong lumabas para samahan sa dining hall. Binilinan ko muna siyang mauna na sa labas ng kwarto at susunod din ako agad.
I need to be alone for a while.
Pagkasara niya ng pinto ay napaupo ako sa kama. Pumikit ako para pakalmahin ang sarili. Pilit kong pinapasok sa isipan ko ang rason kung bakit ako nandito. Hindi ako narito para manirahan lang. Narito ako para pagsilbihan si Lord Severo.
Brix's words echoed in my head. "Take this as a favor, Astra. Make Lord Severo feel comfortable with you. He doesn't need to love you. No. You don't need to make him love you. He's not that kind of man. Ang kailangan lang ay matuwa siya sa 'yo. This is my last request as your master."
May parte sa akin na tutol sa gusto niyang mangyari pero hindi ko rin maiwasang hindi isipin ang mga sinabi sa akin ni Evan. "You are his slave, Lady Astra. Don't act like you are superior. You are nothing without him. Do yourself a favor, stop bossing around."
I am so confused right now. But if there's something that weighs more, that's Evan's words. He's right. I am nothing without Brixton. I am his slave. If this is what he wants, I must do it.
I heard knocks on the door. "Lady Astra? Please hurry up. Lord Severo is already waiting for you," said Ersa.
Napatitig ako sa kawalan.
"Lady Astra?"
Tumayo na ako at inalog ang ulo. Huminga ako nang malalim bago lumabas ng silid. Nakangiting sinalubong ako ni Lady Ersa. Tumango ako sa kanya kaya nauna na itong naglakad. Nasa likod niya lang ako.
Magkasalikop ang mga kamay ko habang naglalakad. Bumaba kami sa engradeng paikad na hagdan bago dumiretso sa dining hall. Nasa bungad pa lang kami ay dinig ko na ang tawa ni Lord Severo.
He's not alone.
Pagkarating namin ay nadatnan namin si Lord Severo na kausap si Resty na nakaupo rin. Sabay silang napalingon sa amin. Tumango lang si Lord Severo habang si Resty ay kinindatan ako.
Shit. Why is this asshole here?
"Maupo ka," saad ni Lord Severo, ang kamay ay nakaturo sa isang bakantang upuan sa tabi ni Resty. "I believe you already knew each other. Is that right, Mr. Escariaga?"
"That's right, Milord," Resty responded, politely.
Nakatingin sa akin si Resty hanggang makaupo ako sa tabi niya. Agad nitong inusog ang kanyang upuan palapit sa akin. Hindi na lang ako kumibo.
I looked at Lord Severo. "It's a pleasure to meet you again, Milord," I greeted as I bowed my head.
"Likewise, Lady Astra. Shall we eat now?"
Kukuha na sana ako ng pagkain pero naunahan na ako agad ni Resty. Pinaglagyan niya ako ng pagkain sa plato ko. "Has anyone already told you today that you look gorgeous as always?" he whispered.
"Stop teasing around, you jerk," I mumbled, too.
"So... can I date you after?"
"Ask Lord Severo," panunuya kong sagot. Kinuha ko na ang plato ko at bahagya itong inilayo sa kanya. "Just eat, Master Resty. I can handle myself."
Namuo ang pagkamangha sa kanyang mukha, parang natatawa pa nga. "Shit. That sounds so freaking good. Master Resty. Why did that sound romantic suddenly?"
"Is there a problem, Mr. Escariaga?" usisa ni Lord Severo.
Tumingin sa kanya si Resty. "Not at all, Milord. I'm just making Lady Astra feel comfortable. Parang nai-intimidate yata sa inyo. Ako na ang humihingi ng pasensya."
What the fuck? I am not intimidated at all!
"That's odd. I thought she's already comfortable with me," Lord Severo asked, confused. "Anyway, I've heard from Brix that you want to stay here for a while. Is that right, Lady Astra?"
Inabot ko ang wine at sumimsim nang bahagya roon bago sumagot. "That's right, Milord. Pero maninilbihan naman po ako rito bilang kapalit."
"What?" bulong na naman ni Resty. "You could have told me. Pwede ka sa amin. Hindi mo pa kailangang manilbihan."
"I see." Lord Severo nodded. Nginuya muna niya ang kinakain bago nagsalita uli. "If that's the case, then serve me instead. Marami ng katulong dito."
That's it.
"The pleasure is mine, Milord," I responded.
Nag-umpisa na rin akong kumain habang si Resty ay bumubulong pa rin. Mas pipiliin ko pang manirahan sa kalsada kaysa sa bahay nila.
"We need more wine," ani Lord Severo. "Mr. Billy, are you there?"
Nung walang sumagot ay ako na ang tumayo. Pumunta ako sa cabinet na gawa sa salamin at kumuha ng alak doon. Binuksan ko muna ito bago bumalik sa lamesa.
"I'll pour you some wine, Milord," sabi ko bago inabot ang wine glass niya. "For now on, if you want something, don't hesitate to ask me. Anytime, Lord Severo."
Tumawa ito. "Right. Thank you for that."
Napagawi ang tingin ko kay Resty. Nakakunot ang noo nito. Mabilis niyang inubos ang lamang alak ng baso bago 'to pinatong sa lamesa. Tumikhim pa ito.
"Pour me some wine, too," he ordered.
I mentally rolled my eyes. Lumapit ako sa kanya at sinalinan din ng alak ang baso. Nakaramdam ako ng pagkailang dahil sobrang lapit ng mukha niya sa akin.
"You look even more gorgeous closer. Jesus. You are unreal," he mumbled.
Nang matapos akong magsalin ng alak at bumalik na ako uli sa upuan ko. Nakikinig lang ako kina Lord Severo at Resty. Ayon sa pagkakaintindi ko ay bibisita raw dito ang ibang clan leader.
"Please do the pleasure and lead it," said Lord Severo. "I don't think Oscar is in the right condition to lead the preparation. How about the Barbarian Clan?"
"They confirmed their attendance, Milord."
"Good." Tumango si Lord Severo. Pinagsalikop niya ang mga kamay sa ibabaw ng lamesa. "I'll ask Lord Wenson to assist you. That's all for now."
Tumikhim si Resty. "I still have one thing I want, Milord."
Uminom ng alak si Lord Severo bago tumango.
Bumaling sa akin si Resty bago muling lumingon kay Lord Severo. "I need a woman as my assistant. I want Astra to help me with the preparation."
Umawang ang bibig ko. What?
"I'm afraid Lady Astra lacks the experience, Mr. Escariaga." Tumingin sa akin si Lord Severo, tila nag-iisip pa. "Good. I think you can help her with that."
What the hell is happening?
Lumawak ang ngiti sa labi ni Resty. "Thank you, Milord. That's all for now." Tumayo na si Resty at bagyang yumuko bago tumuwid ng tayo at humarap sa akin. "I'll need you one of these days, Lady Astra." Saka na ito naglakad palabas.
What does that even mean?
Lord Severo cleared his throat to get my attention.
"We have a yearly tradition we call The Unus. All clan leaders are invited to attend. The celebration is always being held in the clan which leads the rank," he explained.
I get it. So, I need to help Resty on the preparation? Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kukote ng lalaking 'yon. Alam naman niyang baguhan pa lang ako.
"Are you done?" asked Lord Severo. "Can we have a walk?"
Tumango ako. Nauna siyang tumayo bago ako sumunod. Nakalagay sa kanyang likod ang dalawang mga kamay habang naglalakad. Dumating na rin si Mr. Billy na ngayon ay nakasunod sa amin.
"Stand beside me, Lady Astra." Nilingon ako ni Lord Severo.
Lumunok ako bago pinantayan ang paglalakad niya. Lumabas kami ng mansion at ngayon ay naglalakad na sa labas. Bawat madadaanan naming bantay ay yumuyuko sa amin.
"How's being with Brix?" he suddenly asked.
Napayuko ako. "N-nothing."
"Let me rephrase my question. How's being a slave?"
Napakapa ako ng sagot. "I-it was honestly hard. Pakiramdam ko ay dinala ako sa isang lugar at niligaw. Ang mga punong akala ko ay nakatayo lang ay gumagalaw pala at ang tubig na akala ko ay maaaring inumin ay lason pala. Everything felt strange."
"Don't you feel superior now that you are a vampire?"
Napatingin ako sa kanya. Diretso lang ang tingin nito sa daan.
Dumiretso na lang din ang tingin ko. "If I would have given a chance to choose to die or to be a vampire, I wouldn't hesitate to choose the first one."
"I see. Do you blame Brix?"
Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi. Hindi ko alam kung saan patutungo ang usapan na ito o kung ano ang sadya niya kung bakit kailangan niyang malaman ang nararamdaman ko.
But it feels good. It's nice to know that someone cares how I feel about being like this.
"I would kill him if I have the chance," I said, straight to the point.
Natawa siya sa sinabi ko. "It must be that frustrating when you found out that there's no way you will stand a chance against him, huh? No one succeeded to surpass his ability yet."
Hindi ako kumibo. He's right though. I couldn't agree more.
"Do you know how to win a fight?" he questioned.
"By surpassing your opponent's ability?" I replied, unsure.
He chuckled. "That's right. But... there are so many ways to win a fight, Lady Astra. It is not just about how you manage to surpass your opponent's ability. Sometimes... you lose in their eyes but what they don't know is losing the game is your definition of winning it."
That left me speechless. I don't get it.
"Anyway, Brixton told me that you want your own car, is that right?" pag-iiba niya sa usapan. "May balak ka pa rin bang magtrabaho si Nightscape Club?"
Umiling ako. "Not anymore."
May mas marami pa akong importanteng dapat gawin kesa sa magtrabaho sa club na 'yon. Ngayon na nasa mansion na ako, nasa paligid ko na lang ang mga kasagutan sa tanong ko. Ang kailangan ko na lang ay magmasid at makiramdam.
"May I ask?"
"Sure."
"Saan ko ba pwedeng makita si Celeste?" tanong ko.
"Hmmm. I'm not sure."
"I can help you with that!" Erikson appeared out of nowhere. Kumamot pa ito sa kanyang batok. "I'm sorry for interrupting, Milord. But... you don't know the answer and I know it."
"Can you help Lady Astra?" tanong ni Lord Severo.
"Without hesitation," sagot nito.
Huminga nang malalim si Lord Severo. "Ask her to join us for lunch. Kapag nakita niyo rin si Oscar ay pakisabi na ring sumama siya. Ikaw na ang bahala kay Lady Astra, Mr. Nadija."
"Yes, Milord."
Yumuko kaming dalawa ni Erikson bago nagpaalam na aalis na. Nung makalayo kami ay hinarap niya agad ako. "What happened?"
I shrugged my shoulders. "Wala naman. We just had breakfast and that's all."
"Okay. Wait me here. Kukunin ko lang sasakyan ko," bilin niya bago umalis.
Sumandal ako sa puno habang naghihintay kay Erikson.
Si Celeste... gusto ko siyang makausap. Gusto kong malaman kung ano ang nangyari at bakit humantong sa ganito. She was there for me when I needed someone. Gusto kong bumawi sa kanya.
Dumating si Erikson at agad akong sumakay sa kanyang sasakyan. Habang nasa byahe ay hindi ako kumikibo. Iniisip ko rin kung nasaan ngayon si Oscar.
Huminto kami sa isang apartment. Pinindot ko ang doorbell. Ilang minuto lang ay may babaeng lumabas. Gulat ang mukha ni Celeste habang nakatingin sa amin. Agad kong napansin na mugto ang kanyang mga mata.
"Hey. What brings you here?" she asked.
Bumaling ako kay Erikson na palabas pa lang ng sasakyan. "Hintayin mo na lang ako rito, Erikson," sabi ko.
"Whoa. Okay." Saka ito pumasok uli ng sasakyan.
Hinila ko si Celeste papasok sa kanyang apartment. Sinarado ko muna ang pinto bago siya hinarapan. Nakayuko ito at hindi makatingin sa akin.
"What happened?" paunang tanong ko.
"N-nothing..." Suminghap ito.
"Hey..." Hinawakan ko ang kanyang kamay na ikinaangat ng tingin nito. "You are safe with me. Please? I'm worried. May nangyari bang hindi maganda?"
She bit her lower lip. "I-I confessed..."
I knew it.
"He has been avoiding me," aniya pa. "I-I don't know what to do anymore, Astra. I'm scared..." Lumandas ang luha sa kanyang mga mata. "Hindi ako takot na baka may makaalam na iba, takot akong baka mag-iba ang tingin niya sa akin. I regret that I did it."
"He likes you, too..." I said.
Natigilan ito. "P-please... don't."
Hinaplos ko ang kanyang mga kamay. "Trust me, Celeste. Pareho kayo ng nararamdaman. He's just scared, too. He's scared because he cares for you."
Mas lalo itong naiyak. Bahala na kung magalit sa akin si Oscar dahil sa sinabi ko pero kailangang malaman ni Celeste. Saka ang unfair na bigla niya na lang itong iniwasan. She doesn't deserve this much burden.
"A-are you sure?" nanginig ang kanyang mga labi.
Tumango ako. "Sumama ka sa akin sa mansion. Inimbitahan ka ni Lord Severo para sa lunch. Baka dumating din si Oscar doon. You two need to talk. Baka makalahata sila at maghinala. Things will get even worse."
"What if gets mad even more?"
"He won't," I said, straight into her face. Binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti para paniwalaan niya ako. "Tell him what you feel. Be honest."
Tumitig sa akin nang ilang sandali si Celeste. "T-thank you..."
"You also comforted me when I was feeling down."
"M-magpapalit lang ako ng damit," aniya bago patakbong pumasok sa kwarto.
Napabuga naman ako ng hangin. Nilibot ko ang tingin dito pero napatitig ako sa nag-iisang picture frame. Maliit pa 'yon at hindi agad pansin. It was a photo of her and Oscar.
I really hope this will end well.
Kasama na namin si Celeste pagbalik sa mansion. Hawak ko ang kanyang kamay dahil nanginginig siya sa takot. I was there to make her feel at ease.
Damn. This is not so me. I don't usually meddle in someone else's life. Siguro ay gusto ko lang makabawi kay Celeste. Ayoko rin namang nagkakaroon ng utang na loob sa iba. Gusto ko ay walang panghahawakan sa akin ang iba.
Pagkatapos nito ay hindi na rin ako makikialam.
Nung huminto ang sasakyan namin ay agad ding kaming lumabas. May kasabay pa kaming isang sasakyan na huminto. Lumabas ang tatlong lalaki roon at may hawak silang isang lalaking nakapiring ang mga mata.
"Baka isa na naman siya sa mga taong nakakita sa atin," ani Celeste nang mapansin kung saan ako nakatingin. "Hayaan mo na, Astra. Tara na."
Bigla ko tuloy naalala ang araw na 'yon. Sumikip ang dibdib ko.
I was about to ignore it when I heard a very familiar voice.
"Sindikato ba kayo?" tanong ng lalaking nakapiring ang mga mata.
Nakaramdam ako ng biglang panglalambot.
"E-Eliyah?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro