Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 38

Chapter 38: Five Questions

I watched as the clear water turned red when I soaked my bleeding hand. Ibinabad ko ang kamay ko nang ilang segundo bago ito inangat. Sa sandaling segundo ay nawala ang hiwa sa palad ko dala ng pagsalo ko sa bato.

I bit my lower lip. This is such an achievement to me. It might seem nothing compared to others but... this is the first time I won a fight against original vampires.

I see this as a good start.

"You are a clever woman, I'll give you that," I suddenly heard Brix's voice inside my head, an echoing sound that filled my satisfaction. "You are a clever woman, I'll give you that."

I know that I didn't totally win. If I wasn't that clever enough to get their weakness, I'd be probably on deep shit right now. Talk about luck, maybe?

Lumabas na ako ng CR at pumunta sa kusina. Napatukod ako sa lamesa nang maramdaman ang panghihina ng mga tuhod. I don't feel any pain but I feel so feeble suddenly.

I almost crawled just to get myself a pack of blood on the hanging cabinet. Nang maabot ang sadya ay napaupo ako sa sahig. Dali-dali kong binuksan ang supot ng dugo at ininom ang laman nito.

I closed my eyes as I felt the liquid flowing through my throat and down my veins. Unti-unti ko ring naramdaman ang pagbabalik ng lakas ko. Naubos ko ang isang supot. Tumayo ako at kukuha pa sana nang mapagtanto na wala ng supot.

That's enough though.

I let out a heavy sigh. This will be our last night here. It's been just two days! Err. Why do I sound complaining now?

Fine! I am enjoying being with Brix accompany. Funny because this will be probably the last time I can be with him. Pagkatapos ng gabing ito ay iba na ang sasadyain ko.

Naligo na rin ako dahil malagkit ang pakiramdam ko. Hanggang sa natapos akong maligo ay hindi pa rin bumabalik si Brix. Nag-uumpisa na ring dumilim.

Habang wala siya ay napagpasyahan kong magluto muna. Sa pagkakataong ito ay hindi ako gumamit ng posporo. Kumuha ako ng kawayan at ginawa ko kung ano ang ginawa ni Brix.

Halos mangawit na ang mga braso ko sa pagkiskis pero hindi ko pa rin makita ang kislap. Sa halip na sumuko ay pinagpatuloy ko pa rin ito. Inabot ako ng ilang minuto bago ko napansin ang kaunting kislap. Dahil doon ay mas nagkagana akong bilisan.

Nabuo ang malapad na ngiti sa akin nang makita ang apoy sa lutuan. Nagawa ko! Pakiramdam ko tuloy ay maiiyak ako sa sobrang tuwa. Ang dami kong nagawa ngayong araw.

I heard footsteps coming in my direction. Finally!

I think Brix would be kind of proud of this achievement or even if he's not, at least, he would know that I did it.

Sinalubong ko ang paparating. Nawala ang ngiti sa labi ko nang makita si Erikson. Nakangiti ito sa akin at kumaway pa. Tumagos sa kanyang likod ang tingin ko.

"Brix has some errands to do," he said when he noticed I was looking for someone else. "Binilin niya sa akin na sunduin ka raw dito. Pero kung ayaw mo pang sumama ay huwag ka raw pilitin."

Tila may bumara sa lalamunan ko. "H-hindi. Sasama naman ako. Ano pa ba ang gagawin ko rito kung wala siya?"

"You sure?"

Tinuro ko ang kusina. "E-Erikson. Nakagawa ako ng apoy gamit ang kawayan!" Dapat ay masaya ko 'yong ilalathala pero ang labas ay sobrang lumbay. "Brix taught me how. I-I just did it..." But he's already gone.

"Good job!" Erikson complimented.

That's when I ran out of words. Tumalikod na ako at binalikan ang nagawa ko. Natigilan ako nang makitang usok na lang ito. Hindi ko nabantayan kaya agad na naapula ang apoy.

"We can do it again," ani Erikson.

I bit my bottom lip. Fuck!

Humarap ako kay Erikson. "No. Nagawa ko na rin naman e. That's enough."

Erikson looked at me. "He will be gone for weeks. But who knows?"

"So?" I arched my brows.

"In those weeks... if my calculation is accurate..." Bahagya itong umiwas ng tingin. "He won't come back as your master anymore."

"Okay..." Iyon ang tanging lumabas sa bibig ko. "I guess I need to practice saying Master Severo instead of Master Brix or Lord Severo, right? Also... Lord Brixton."

Tumuwid uli ang tingi niya sa akin. "I don't think he will get the position that quick. You will still serve Lord Severo as the Clan Leader. If there's something you need to exercise, that's... hiding the fact that you aren't ready to serve anyone other than Brixton."

"T-that's normal. Siya ang una kong pinagsilbihan."

"It is..." He nodded. "You know what is not?"

Umiling ako.

Lumapit pa siya sa akin bago sinabing, "You've got a personal attachment to your master. That's not normal for slaves like you. That's... abomination."

"What are you saying?"

"Anyway..." He put his hands inside the pocket of his pants. "Kung gusto mong ipagpabukas na lang ang paglipat sa mansion ay pwede naman. You don't seem ready though."

"I am..."

"Sure," he agreed.

"Not prepared yet," I continued.

He laughed. "So, we need to spend the night here." Bumaling ito sa basag na bintana. "Those twins are something else. Buti na lang at hindi ka nila napagtripan."

"Actually..." I grinned. "Nagkaroon kami ng kaunting labanan. Guess who won?"

Namilog ang mga mata ni Erikson. "I see. That's why the twins were sleeping on Brix's shoulders. Ikaw ba ang gumawa no'n? No. I don't believe you."

Tumawa ako. "Sino ba pa?" proud kong sabi.

"Point taken. Hindi naman papatulan ni Brix ang mga 'yon."

"They are good, commendable," I said, nodding my head. "But not better than me. Malakas lang sila, mautak ako."

Humalakhak si Erikson.

A thought suddenly popped in my head. Even though he didn't see the fight, he seemed more proud of me than Brixton. Siguro ay masyado na lang talagang mataas ang expectation ni Brix para maabot ko.

"Sa labas na lang ako matutulog," ani Erikson. "Mas gusto ko pa ngang matulog sa taas ng puno kesa sa malambot na kama. You can sleep here. Don't worry. I will still assure your safety."

I shook my head. "I have no plan of sleeping tonight."

"Ow. What's your plan then?"

"Humuli ng mga alitaptap!"

"Whoa! I like that idea, too!" he exclaimed, thrilled.

Pagkatapos naming magkasundo ni Erikson ay pumasok muna ako sa kwarto para ayusin ang mga gamit ko. 'Yung mga marumi lang naman ang kailangan kong ayusin dahil maayos sa cabinet ang mga damit ko.

Naagaw ng pansin ko ang bag ni Brix. Sumikip bigla ang dibdib ko. Is that it, Brix? Dinala mo ako sa lugar na ito nang hindi ko alam at nauna ka ring umalis nang hindi ko pa rin alam. Fuck you!

I gritted my teeth in anger. How dare you put me in this situation and then leave me. Ikaw ang dahilan kung bakit nandito ako... tapos bigla mo akong bibitiwan.

For the second time, fuck you!

My fists balled up. "How dare you."

Tears started to loom around my eyes. I hate it. I hate it when my frustrations turn into tears. I am tearing up not because I am hurt... I am tearing up because of so much wrath.

Huminga ako nang malalim at kinalma ang sarili ko. Lumabas ako ng kwarto at naabutan si Erikson na nakaupo sa sofa. Napatayo ito nang makita ako.

"Ready?" tanong niya.

Tumingin ako sa labas. Madilim na.

"Wait. I forgot my jacket," sabi ko bago bumalik sa kwarto.

I put my purple jacket on. Mabilis din akong lumabas at sabay kaming lumabas ng bahay ni Erikson. Sinabi niya pa sa akin na hindi na namin kailangang bumalik dito dahil ipapakuha na lang niya ang mga gamit namin.

Now here we are... walking in darkness.

Pinasok ko sa bulsa ng jacket ko ang aking mga kamay. Gabi na pero malinaw ang paningin ko. Nakakatuwa nga na parang mas malinaw pa nga yata sa dilim ang mga mata ko kesa sa liwanag.

"To be honest..." Napalingon ako kay Erikson na natatawa. "Hindi ko alam kung paano humanap ng alitaptap. Wala naman kasi silang exact location. They are everywhere. Sometimes... on the place you least expect them to be. I am not even sure if we can find one here."

Umiling ako. "Trust me... meron."

"Why? Nakakita ka?" manghang tanong niya.

"Brix." Halos naging hangin lang ang pagkakasabi ko no'n.

Naguluhan ang tingin nito. "Brix?"

"Nakakuha siya," tipid kong dugtong.

"Si Brix?" Tumaas ang mga kilay niya. "Wait, wait. Si Brix ay humuli ng alitaptap o nakakita? Clarify, please?"

"Aksidente lang sigurong nakahuli siya. Baka dumapo lang bigla ang mga alitaptap sa kanyang palad," natatawa kong wika. Ayokong mag-isip ng iba pang dahilan.

"I don't think so..." bigla niyang sabi bago tumuwid uli ng tingin. "Those things are bad memories for him. You know? We do our best to avoid getting flashbacks of our worst memories."

Hindi na ako nagsalita sa pagkakataong 'yon. Ayoko nang isipin kung bakit ginawa ni Brix 'yon, wala na rin namang saysay. Ayokong isipin kung bakit ginawa niya sa akin ang isang bagay na dapat ay iniwasan niya. Ayoko nang mag-isip pa.

"Anyway... paano mo natalo ang kambal?" pag-iiba niya sa usapan.

Biglang bumalik sa isipan ko ang mga nangyari kanina. Wala sa sariling natawa na lang ako.

"Cheating?" pabiro kong sagot.

"There's no cheat when it comes to fighting, Astra," he explained. "If you manage to win, you win. If you lose, you lose. Cheating doesn't exist in battles."

"I had no choice though. Halos baliin na nila ang mga buto ko. Kaya ayon... biniro ko silang nasa likod nila si Lord Reggar. That worked. I caught them off guard."

"Seriously?" Natawa ito. "That's a tactic, not a cheat."

"Gano'n ba sila katakot kay Lord Reggar?" hindi ko naiwasang itanong.

Erikson shrugged his shoulders. "Sabihin na lang natin na maihahalintulad si Lord Reggar kay Lord Severo. They are both excellent vampires and leaders. Kaya siguro gano'n din sila ka-strict sa mga anak nila."

Ow. I get it.

"Si Lord Escariaga?" tanong ko.

"The mischievous Senior along with Lord Wenson. Like father, like son," natatawa niyang sagot. "Spoiled si Resty sa kanyang ama. Actually, mas strict pa nga si Lady Tessa sa kanya e."

Tumango ako. "Kaya pala gano'n na lang ang mokong na Resty na 'yon."

"Mas lalo ka niyang guguluhin ngayon, hinalikan mo e," aniya pa kung saan bakas ang pang-aasar. "Sa totoo lang, bilib ako sa lalaking 'yon. Siya lang ang hindi takot kay Brixton."

"I know..." I mumbled. "I also think they have history."

"Well..."

Napalingon ako sa kanya. "You know?"

Tumawa ito. "Let's just say.... I am part of that history."

I gave him my confused look.

"Seems like luck isn't with us tonight," puna ni Erikson. "Wala pa akong napansin na maliit na ilaw."

Tumingin naman ako sa paligid. Tama nga. Kanina pa kami naglalakad pero wala pa akong nakikita. Mukhang lilipas nga ang gabing ito nang hindi kami nakakasilay ng isa man lang.

"What should we do now?" tanong ko.

"Let's just keep walking."

Nakatungo ako habang naglalakad. Sa pagsikat din ng araw ay may malaking pagbabagong mangyayari sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang hindi kabahan. I don't know where to start with this one. Bahala na siguro. I was also clueless when I started here.

"Can I say something?" biglang sabi ni Erikson.

"Go," tugon ko habang nakayuko pa rin.

"I lied..." Umangat ang tingin ko sa kanya. "I don't think I can sleep in that place."

"Why?"

"Bad memories..." he chuckled. "So bad..."

I gulped. "Who is Aristotle?"

Natigilan ito. "W-what do you mean? D-did Brix say something?"

Doon ko napagtanto ang hinala ko. Malaki ang ginampanan no'n sa nakaraan nila. If Brix couldn't give me answers, I think I can get it from Erikson.

"Tell me..." hamon ko.

Dumiretso ang tingin nito pero ako ay sa kanya pa rin ang atensyon. Mukhang nahihirapan itong sagutin ito. It must be that impactful to the extent they needed to forget that it even happened.

"Brix led it," he said.

"What?"

"It was the first ever junior squad of Nightfall Clan," he explained. Malayo pa rin ang tingin nito na animo'y iniisip ang panahon na 'yon. "Luckily, I was a part of that. Aristotle Squad."

"And Brix was leader, right?"

That was not a hunch.

"Right."

I knew it.

"And Resty was a part of it?" tanong ko pa.

"Right again. Magaling ka pa lang pagdugtong-dugtungin ang mga parte ah?"

"What happened?" pagbabale-wala ko sa puri niya.

"Hmmm..." Tumingala ito. "Let's just say... some things are bound to happen and no one can predict nor stop it, not even us. That's the easiest way to explain it. Sorry."

Tumango ako. "I understand."

"Andito na tayo..." biglang sabi ni Erikson.

Tumigil siya sa paglalakad kaya tumigil din ako. Lumingon ako sa paligid para maintindihan ang sinasabi niya pero wala akong nakita kahit na anong special sa lugar na ito.

"Why here?" tanong ko.

Hinawakan niya ang balikat ko at tinalikod ako. Umawang ang bibig ko sa tanawin. Mukhang nasa mataas kaming bahagi ng burol at mula rito ay kitang-kita ang malawak na mansion sa malayo. Maging sa gabi ay matingkad ito kung pagmasdan.

"The lights that surround the mansion look like fireflies," I murmured, amazed.

"Really?" Natawa si Erikson. "Maybe, I didn't disappoint you after all."

I couldn't get my sight off the scenery. The mansion looked enchanting from afar, like some castles in a fairytale in the middle of nowhere. Kung hindi ko lang alam kung anong klaseng nilalang ang mga nakatira dito ay baka naisin ko rin na manirahan sa lugar na ito.

"Damn. Being in this place feels surreal." Bumaling ako kay Erikson na nakahiga sa damuhan at nakatingala sa kalangitan. "It's been a long time. Like... a very long time."

Muli kong tiningnan ang mansion. Sobrang tagal na sigurong nakatayo ng mansion nito. Ang ideya pa lamang na maraming nang pinagdaanan ang lugar na ito ay naninindig na ang mga balahibo ko, paano pa kaya kapag nalaman ko pa?

Why did Brix bring me here?

"I miss you, Lady Astra," biglang sabi ni Erikson. "Ilang araw pa lang na hindi kita binatantayan. Kaya nung kinausap ako ni Brix para puntahan ka ay hindi na ako nagtanong pa."

I sat beside him. "What will happen after, Erikson?"

"What?"

"Mapupunta na ako kay Lord Severo. Hindi na ako mahahawakan ni Brix..." saad ko na tila naintindihan naman niya. "That also means... hindi mo na ako responsibilidad."

Huminga siya nang malalim. "Right. Ba't 'di ko naisip 'yan?"

"To be honest... I am comfortable with you," I said. "Damn. Mukhang napalaki talagang pagbabago ang mangyayari sa akin kapag tuluyan na akong binitiwan ni Brix."

"If I was him, I wouldn't let you go," aniya.

"Unfortunately... you were not him."

"You didn't have to say that," he chortled. "But yeah. Tragic."

Bumuga ako ng hangin.

"Don't worry, Erikson. Hihilingin ko kay Lord Severo na ikaw pa rin ang magbabantay sa akin," sabi ko. "Unlike Brix, I think I can make a request from him."

"Whoa. Will you really do that?"

I bobbed my head. "I'll try..."

"I think I need to do something in return," aniya. Umupo ito at humarap sa akin. "Hmmm. Five questions." He showed me his five fingers.
I will answer five questions from you... honestly."

"Honestly?"

"With all the honesty left in me."

Kumabog ang dibdib ko. Shit. Why am I feeling anxious all of a sudden?

"One..." Lumunok ako. "What happened in that house?" tukoy ko sa maliit na bahay na pinagdalhan sa akin ni Brix.

"That was our home, the home of Aristotle Squad," he explained. "But before it even became our home... that place had been Brix and Eskelle secret rendezvous first."

Isang katanungan pa lang ang nasagot ay halos sumabog na ang ulo ko sa dami ng katanungan. I could even throw a lot of follow-up questions regarding that but I didn't. I need to save it for more important questions.

"Second. Oscar... was Oscar part of Aristotle Squad?"

He shook his head. "Socrates Squad. Oscar led it. After Aristotle Squad, his squad was the second one leading the rank that time. Together with Nathalia and Randolf."

"Three more questions..." I said. "I need to save the two for future questions."

He nodded. "Tell me that last question for tonight."

Tumitig ako nang diretso sa kanyang mga mata. "Paano nakuha ni Eskelle ang loob ni Brixton?"

Natigilan si Erikson. Ramdam kong nahirapan ito sa katanungan na 'yon.

That's the main question in my head so far. I need to know how did Eskelle, a human, get the trust of Brixton Wenz Cardinal, the most elusive vampire I know... because for me... that seems impossible.

"Please?" I pleaded.

Ilang beses lumunok si Erikson bago ko nakuha ang sagot na tuluyang nagpatikom sa aking bibig.

"He was the only one who stood a chance to kill Brixton Wenz Cardinal."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro