Chapter 37
Chapter 37: Lesson Four
I gulped. What?
"Sooner or later, you will encounter an insurgent," Brix explained. Pinakawalan niya ang pagkakaabay sa akin at naglakad palapit sa kambal. "Evan and Ethan had fought a lot of insurgents already. Bihasa na sila sa pakikipaglaban. They are actually leading the Junior Squad of Nightfall Clan."
Whoa. That was amazing. Still... why can't I take them seriously? Alam kong hindi hamak na mas sanay na sila sa akin pero... siguro ay dahil masyado silang bata para sa akin. I don't even know if I can attain to hurt them.
"It looks like she doesn't like that idea, Kuya Brix," puna ni Evan na ngayon ay nakangisi na sa akin. "Well... I can't blame her. Masyadong maganda ang kutis niya. She's probably scared to get cuts."
Lumapit sa akin si Ethan at hinawakan ang isa kong kamay. Tumingala pa ito para sabayan ang tingin ko. Hindi katulad ni Evan ay nagagawa niya akong ngitian.
"You get stronger every time your wounds get deeper," makahulugang tugon nito sa nag-aalangan kong desisyon. "I've learned from Kuya Brix that if you want to ignite your ability, think of something that hurts you. Something your mind always forgets to remind you. Something... you need to remember yourself."
Umangat ang tingin ko kay Brix. Nakatingin ito kay Ethan. Hindi ako magtatakang malakas nga ang dalawang ito. Mukhang si Brix pa ang nagturo sa kanila.
"No matter how much in pain you are and how much you want to avenge that, if your ability sucks, it's useless, Ethan," the other twin interfered the conversation. "If she wants to conquer, she needs to learn how. We are not in a supernatural story. She can't summon a fireball out of the grief nor enhance her ability without training."
"Are you scared, Astra?" asked Brix.
"I think she is," sagot ni Evan na napapailing pa. "You know what, Lady Astra? You don't need to win against us. Well, there's no hell you will. Still... I want to see how far you can go."
"Are you willing to train me?" I asked him.
He chuckled. "Call me Master Evan."
"No," madiin kong sambit.
"I knew it." Bumuga ito ng hangin na parang nahihirapan siyang kausapin ako. "Fine. Just don't complain if you get scratches, all right? I hate crybabies so much."
"Coming from you?" I wanted to say that but instead, "You won't hear anything from me."
Tumango naman ito. "Call."
Pagkatapos naming magkasundo ay lumabas muna ang kambal para maglaro. Kami naman ni Brix ay nanatili sa loob para magluto ng pananghalian.
Pinanuod kong maghiwa ng mga sahog si Brix. Namamangha man sa bilis ng kanyang mga kamay, hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kanyang mukha. Masyadong seryoso.
I cleared my throat. "Why did you do that?"
"Just be thankful they are in the mood to train someone," masungit na wika nito.
"Hindi 'yon ang ibig kong sabihin." Napairap ako. Masyado na akong nanliliit sa dalawang lalaking 'yon. "You asked them to scare me. You know? That's so childish."
Sandali niyang binitiwan ang kutsilyo para tumuon ng pansin sa akin. Tinukod niya ang kanyang mga kamay sa lamesa. Saka ako tinitigan nang masinsinan.
"How did you know they are twins?" he asked. "They are one of the fastest juniors not just in this clan. Kapag kumilos sila ay parang hangin lang. Aakalain mo na iisang bampira lang sila. So... how?"
Lumunok ako at umiwas ng tingin. "Magaling ako e."
"Seriously?"
Huminga ako nang malalim bago siya binalikan ng tingin. "No'ng gabi ng celebration sa Mansion. Nabanggit ni Lord Wenson ang kambal. You are right. They are freaking fast."
"I see." He gently nodded. "You didn't see them in your own skill. This will make things harder for you. Paano mo sila makikita mamaya? They are going to have real fun."
Tumalikod na si Brix para umpisahang ilagay ang mga sahog. Ako naman ay nanatili sa upuan ko at nakatingin lang sa kanya. Hindi ko naman kailangang tumulong dahil baka makagulo lang ako. It's either ako ang magluluto o siya, hindi kami pwedeng magtulungan.
"Anak ba talaga sila ni Lord Reggar?" tanong ko.
"Yes. Lord Emannuelle Reggar and Lady Merlaine. So, don't you dare mess up with them."
Tumango ako. "Kung si Lord Escariaga at Lady Tessa ay anak si Resty at si Lord Wenson naman at Lady Elly ay anak si Randolf. How about Lord Trojan?"
Napatingin sa akin si Brix. "Why?"
"Wala lang. Curious lang ako." Pinagsalikop ko ang mga daliri ko na nasa ibabaw ng lamesa. "Masyado kasi siyang tahimik. Tapos wala rin siyang kasama nung Sabado. Wala pa ba siyang anak?"
"Curious your ass," bulong nito bago bumaling uli sa niluluto. "You must be one those women going crazy for him. He's the youngest member of the Seniors, is that even surprising?."
"It is, though. At a very young age, he's already part of the Seniors. Isn't it amusing?"
"Lame. I am younger than him when I built my own clan," he suddenly said.
"So?"
Napatingin uli sa akin si Brix, pero sa pagkakataong ito ay may bahid na ng pagkairita ang kanyang tingin. "Are you dumb? He's just a part of Seniors. He doesn't own this clan."
"So, how's that related to your achievement?"
Lumunok ito.
"I put him in that place," mababang boses na sabi nito bago tinuon uli ang tingin sa ginagawa.
Umawang nang bahagya ang mga labi ko.
"You, what?"
"He's not originally part of this clan. He's one of the insurgents I saved," Brix clarified. "When I merged my clan, I wanted to be one of the Seniors. They all disagreed. So instead of me, they asked for one of my members. That's it."
That left me in confusion. Then, why the hell Lord Trojan is against the idea of Brix ruling this clan? Brix is the reason why he has a position here and also the reason why he's no longer an insurgent. He owes everything he has to Brixton!
"Tawagin mo na ang kambal. Maghahain na ako," utos ni Brix. "Call them politely. Don't initiate an argument."
"Okay."
Sinunod ko ang utos nito. Habang naglalakad ako palabas ay puno pa rin ako ng katanungan. Kung tama ang hinuha ko, mukhang maging si Lord Trojan ay tinalikuran na si Brix. Gano'n ba katindi ang pangamba nila sa kanya?
Umangat ang ulo ko at mabuti na lang ay agad akong umiwas nang makita ang lumilipad na bato papunta sa akin. Tumama 'yon sa bintana na naging dahilan para mabasag ito.
"Shit," I cursed.
That almost hit me!
"Lady Astra! Sorry! Sorry!" Humahangos na pinuntahan ako ni Ethan. Nakangiwi pa ang labi nito. "Hays. Hindi ko alam na palabas ka, Lady Astra."
"N-no. I'm good."
Ganito ba talaga maglaro ang mga ito?
"Well..." Dumating din si Evan na nakahalukipkip. Masyado pa ring maangas ang dating nito. "Muntik ka na roon. Sigurado ka bang gusto mo kaming makalaban?"
"Makalaban?" tanong ko. "Tuturuan ninyo ako at hindi kakalabanin. Don't use this as an excuse to be rude. Anyway, get inside. Luto na ang pagkain."
"Yay!" Naunang pumasok si Ethan.
Daanan lang sana ako ni Evan nang hawakan ko ang kanyang braso. "Don't stop yourself later. Show me what you got and I will do the same." Saka na ako naunang pumasok.
Naabutan ko na nakaupo na sina Ethan at Brix. Uupo na rin sana ako sa isang bakanteng upuan nang maunahan ako ni Evan. Iyon na lang ang natitirang upuan.
Nag-umpisa na silang kumain nang hindi man lang ako inaaya. Wala na rin naman akong magagawa kaya kumuha na lang ako ng pagkain at kumain nang nakatayo.
"Oo nga pala, Kuya," ani Ethan. Lumunok muna ito bago nagsalita uli. Kapansin-pansin kung gaano kaelegante kumain ang kambal. Halatang galing sa marangyang pamilya. "I overheard Lady Celeste and one of your maids in the mansion—"
"We don't do that here, Ethan," ani Evan. "Eavesdropping? Not cool."
"Sorry. Hindi ko naman sinadya. I just happened to be there. Pero..." Bumaling sa akin si Ethan bago tumingin uli kay Brix. "She was crying that time."
"Wait, why?" tanong ni Evan.
Napatingin ako kay Evan. Masyado itong apektado dahil sa nalaman tungkol kay Celeste. He looked bothered with that. Hindi naman nakapagtataka 'yon. Kahit naman sino ay mag-aalala para kay Celeste. She's always been good to me. Alam kong gano'n din sa lahat ng nakapaligid sa kanya.
Just like what Even said, she's better than me. I will never be as good as Celeste.
"Why was she crying?" tanong pa ni Evan.
Tumawa si Ethan. "I can't say it since I just overheard it. Hindi ba pinagalitan mo ako?"
"No. Ugh! Come on, Ethan!"
Si Brix naman ay tahimik lang na kumakain pero alam kong naghihintay rin ito sa kung ano mang sasabihin ni Ethan. Maging ako rin naman ay naiintriga sa sasabihin niya.
Ethan let out a sigh before he continued, "I heard her said that Kuya Oscar has been avoiding her. Iyon lang kasi umalis din ako agad. Right. That was rude."
Natigilan ako sa pagkain. What happened?
Pumahalungbaba si Evan sa lamesa. Tila malalim ang iniisip nito. Mukha na tuloy siyang matanda dahil sa kanyang kinikilos. "Why would Kuya Oscar do that?"
"She likes him," biglang sabi ni Ethan,
Natikom ang bibig ko pagkatapos marinig 'yon. Panandalian kaming kinain ng katahimikan.
Mabilis na lumiko ang tingin ko kay Brix. Sandali lang itong natigilan pero agad ding nagpatuloy sa pagkain. Alam kong alam na rin niya ito pero hindi niya lang binabanggit kaya hindi na ito gulat.
"T-that's absurd." Tinakpan ni Evan ng pilit na tawa ang kaba niya. "Lady Celeste knows she can't cross that line. That's forbidden. Don't makeup things, Ethan. Ipapahamak mo lang si Lady Celeste!"
Ngumuso si Ethan. "Hindi naman ako gumagawa ng kwento. Narinig ko kaya!" pagpupumilit pa nito. "You know that I don't lie, Evan. Lalo na 'yung ganito."
"Stop!" Evan screamed. Namumula na ang mukha nito, parang maiiyak na naman. "K-kapag may nakarinig sa 'yo ay mapapahamak si Lady Celeste! You know the punishment, Ethan."
"Why? She's just a slave here," ani Ethan na naguguluhan na rin sa inaasta ng kakambal. "Marami naman nang napahamak na alipin. Nasaksihan pa nga natin kung paano pinarusahan ang isa sa kanila."
Evan's first balled up. "Kuya Brix, don't tell anyone about what Ethan said."
Brix shrugged his shoulders. "That's none of my business."
"You, too, Ethan!" Pinanlisikan ni Evan ng tingin ang kakambal. "Forget what you've overheard. If that's true, you must keep it a secret. I don't want to lose Lady Celeste."
"Crush mo siya 'no?" pang-aasar ni Ethan.
"H-hindi—"
"Crush mo siya!"
Nag-asaran na ang dalawa habang ako ay halos hindi na maubos ang pagkain. Alam na rin yata ni Oscar na may gusto sa kanya si Celeste. He knows what will happen if someone from higher ranks finds out. What's he going to do now?
Natapos kaming kumain. Pinilit kong ubusin ang pagkain. Sinama ni Brix ang kambal sa labas habang ako ay naiwan sa loob. Niligpit ko ang mga pinagkainan namin.
Bigla-bigla akong natutulala.
Shit. Nag-aalala rin ako para kay Celeste. Paano kung nalaman ng isa sa mga Seniors na may gusto siya kay Oscar? Ano ang gagawin ni Oscar? I want him to save Celeste, pero hindi ko rin naman siya masisisi kung hindi niya magagawa.
I feel bad for Celeste.
Pagkatapos kong maglipit at maghugas ay pumunta muna ako sa kwarto. Sinilip ko sa bintana ang tatlo. Naabutan kong nakahiga sa damuhan si Evan, nakatulala sa itaas at sa hindi kalayuan naman ay nag-uusap nang masinsinan sina Ethan at Brix.
I think I know what they are talking about. Tahimik man si Brix ay alam kong ayaw niya rin na may masaktan kina Celeste at Oscar. Kung walang magagawa si Oscar, kikilos ba si Brix?
This is complicated.
That's why I always remind myself why I am here.
Nagpahinga muna ako sa kwarto. Nasa dulo na ako ng pagtulog nang biglang may kumatok sa bintana – si Brix na sinenyasan akong lumabas na.
Mag-uumpisa na ba?
Huminga ako nang malalim bago inayos ang ilang hibla ng buhok ko. Alam kong hindi mag-aatubili si Evan na baliin ang mga buto ko lalo na't binalaan ko siyang huwag magtitimpi.
This for myself, too. Alam kong mas malala pa rin ang mangyayari kapag mga totoong kalaban na ang nakaharap ako. Kung hindi ko magagawa ang training na ito, malabong magawa kong magpumiglas sa iba.
Lumabas na rin ako. Naabutan ko sina Evan at Ethan na nakatingala kay Brix na ngayon ay nakakaakyat sa puno. Tumabi ako sa dalawa at tiningala rin si Brix.
"Listen..." Kumagat siya sa mansanas at nginuya 'yon. "There will be no rule in this game. Magtatapos lang ang laro kapag sumuko ang isa sa inyo." Bumaling sa akin si Brix. "I am not expecting one of them to yield but manage to last longer, all right?"
Lumunok ako bago sumagot, "Naiintindihan ko."
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Evan. "I won't show mercy to you, Lady Astra."
"Me, too..." Bumaling sa akin si Ethan na nakangiti. "Sorry. Ang tagal ko na rin kasing hindi nakakalaban."
"I-it's fine," sagot ko kahit na kinakabahan na ako.
"This will be two versus one." Naagaw uli ni Brix ang pansin namin. "Isa lang sa kambal ang kailangan mong mapasuko, Astra. Remember to not hesitate to attack. They won't do that to you."
"Okay..."
Umupo na si Brix sa sanga at tumango. "Good luck. Ready?"
"I am," the twins said in unison.
Nalipat sa akin ang tingin nilang tatlo, naghihintay ng sagot ko.
"I am..." Nanlaki ang mga mata ko at napaluhod nang biglang sumugod si Evan at sinipa ang tuhod ko."Shit. Hindi naman halatang kating-kati ka nang saktan ako ah?"
Evan smirked. "Lesson number 1, don't let your guard down."
"Noted," I responded, sarcastically.
Sa isang iglap ay naglaho ang kambal... pero hindi talaga naglaho. Ramdam ko sila, paikot-ikot sa paligid. Parang hangin lang na tumatagos sa mga puno.
Tumayo ako pero may agad na sumipa sa binti ko kaya muli akong napaluhod.
"Hindi ka man lang ba makakagalaw?" pang-aasar ni Brix.
Huminga ako nang malalim bago tumalon sa isang sanga ng puno. Sa isang banda ng tingin ko ay naramdaman ko ang hangin na palapit sa akin. Tumalon ako sa kabilang sanga kasabay ng pagkabali ng sangang una kong sinampahan.
Shit. They are really fast!
"Hi." Bumaba ang tingin ko kay Ethan na nasa baba. Lumapit ito sa puno na tinutungtungan ko. "Gaano ba 'to katibay? One... two... three." Pinadapo niya ang kanyang kamao sa katawan ng puno kaya umugong ito. Mabuti na lang at nakahawak ako kaya hindi nahulog.
"Nice," Ethan complimented. "However..."
"Got yah!" Biglang sumulpot sa likod ko si Evan at hinawakan ang dalawa kong braso. I tried to restrain but his grip was so tight. "Rule number 2, watching your back is more important than what's in front of you."
"Shit!" I mumbled.
Tumunog ang buto ko nang binigla niya itong pihitin. My lips parted due to the force he exerted to twist my bone. Unti-unti akong nawawalan ng lakas.
"Third lesson, don't hesitate," Evan whispered.
I winced when he started to twist my arms more. Kahit na maliit lang siya ay pambihira ang lakas niya. Hindi lang sila mabilis, may lakas din sila para pahiyawin ka sa sakit.
My eyes dropped at Ethan who's still on the ground. He was looking at Evan and I could see how proud he was. Commendable. Mukhang walang inggitan sa dalawang ito kahit na magkapatid sila.
"Just yield already," panunuya ni Ethan.
"Huwag muna..." si Evan naman. "We barely starting..."
I tried to look for ways to get off his grip.
I bit my bottom lip as I jumped off the tree. Evan didn't let go off my arms. Nagawa niya akong baliktarin sa himpapawid at hinampas ako sa lupa. Naramdaman kong lumagapak ang likod ko.
"Ouch!" Hindi ko na napigilang hindi umangal. Panandaliang namanhid ang likod ko bago umatake ang sakit.
Nilapitan ako ng kambal na halatang tuwang-tuwa. Nag-apir pa sila.
"Suko na?" tanong ni Ethan.
I watched them attentively.
Bumaling ako sa likod nila. "L-Lord Reggar?"
"What?!" Sabay na napalingon sa likod ang kambal.
Kinuha ko ang pagkakataon na 'yon para hablutin ang binti ni Ethan. Bumagsak ito sa lupa at mabilis ko siyang dinaganan. Hinawakan ko ang dalawa niyang braso at pwersahan na tinayo.
"Shit! Ang daya!" angal nito.
"Lesson four, don't get deluded," I said, grinning.
Evan stared at me angrily. "Let him go..."
Napangiti ako. That's it. This is done.
"No." I shook my head.
"Let him go!"
"Ah!" Ethan's scream of grief reverberated in the silence when I twisted his arms. "That freaking hurts! You are good, Lady Astra!"
Humakbang si Evan isang beses palapit sa amin. Madilim na ang tingin nito sa akin ngayon. Alam kong sa oras na mabitiwan ko si Ethan ay siya na ring katapusan ko.
"Stop." I warned him. "One more move and I'll break his arms."
Tumigil naman ito. "Y-you can't do that."
Niyakap ko mula sa likod si Ethan at sinugarado kong hindi makakagalaw ang kanyang mga kamay. "Don't move or I'll hurt him more," babala ko pa.
Gaya ng inaasahan ko ay hindi nga ito gumalaw.
"Luhod," utos ko.
Bumali ang leeg nito. "W-what?"
"Kneel down and yield," I commanded.
Narinig kong tumawa si Ethan. "Ang galing mo, Lady Astra. Mananalo ka pa yata."
Pinanuod kong unti-unting baliin ni Evan ang kanyang mga tuhod. Ilang pulgada na lang ay maglalapat na ang lupa at tuhod niya nang bigla itong umupo at may pinulot. Pinabulusok niya sa direksyon ko ang batong nahawakan.
Sobrang bilis. Sa sobrang bilis ay sinangga ko na lang ito gamit ang kamay ko. Naramdaman kong tumama sa palad ko ang bato at mabilis ko itong kinuyom.
"I got the stone," I said.
Napatingin ako sa kamay ko nang may pumatak na dugo.
Napaatras ako nang magbago ang kulay ng mga mata ni Evan. Dahan-dahan itong tumayo mula sa pagkakaupo. Diretso ang tingin nito sa akin. Naglaho ang pangamba sa kanyang mukha.
Shit!
Binitiwan ko ang bato at tinulak palayo sa akin si Ethan. Nung humarap ito ay napagtanto kong maging siya ay naapektuhan. Habang humahakbang ako paatras ay umaabante naman sila. Alam kong susugod na sila kahit na anong segundo.
"Hey. Is this still part of the training?" I asked them, nervously.
When I didn't get a response, that's when I knew I fucked up.
They were about to attack me when Brix blocked their way. Kumurap lang ako ay bagsak na ang kambal. Nilagay niya ang walang malay na dalawa sa magkabila niyang balikat bago bumaling sa akin.
He looked at me using those unstable eyes. Papalit-palit ng kulay. Mula sa itim at pula. I know he's trying to suppress his thirst for my blood, something the twins failed to do.
"Ihahatid ko na sila. You should get back inside and clean the blood," he ordered in a calm voice. Hindi ako agad nakakilos sa sobrang gulat. "I said go back inside!"
Tila natauhan naman ako sa pagsigaw niya.
Lumunok ako. "D-did I do it?"
Kumunot ang noo niya. "They can smell you. If you don't want trouble, clean the blood now."
"I am asking you. Did I do it?!"
He turned his back to me. Handa na itong umalis nang hindi sinasagot ang tanong ko. "Go back inside and wait for me."
"I-I failed, right?"
"Not really. You are a clever woman, I'll give you that," he said as he started to walk away. He stopped again and turned his head on my direction. "What are you doing?"
"I-is that a compliment?"
Napalunok ako nang umigting nang tuluyan ang pagkakapula ng kanyang mga mata.
"Go back inside now or I'll wake up the twins to let them dry your blood."
Napaatras ako bago tumakbo pabalik sa loob ng bahay.
I did it!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro