Chapter 36
Chapter 36: Twins
His last words stopped me from attempting to go back inside. What did he just call me?
"I-insane?" I asked in disbelief.
Madiin akong pumikit. Babalewalain ko na lang sana 'yon pero may sinabi pa siyang naging dahilan para tuluyang magpanting ang mga tainga ko.
"How dare you talk back to me," he said.
Humarap ako sa kanya. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa akin.
I glared at him as my fists balled up.
"What?" he crossed his arms on his chest. Tumikas ito ng tayo. "Lumalaban ka na ba sa akin, Astra? You silly girl. How dare you look at me like that."
"Ang baho mo," bulong ko.
Nanlaki ang mga mata niya. Bumagsak ang mga braso niyang nakalahukipkip. Bumuga siya ng hangin bago madiin na pumikit.
"Come again?" he asked, eyes shut.
"Ang sabi ko ang baho mo," ulit ko.
Dumilat ito at tumango. "I am not up for this childish play. Is that supposed to annoy me or what? Try harder."
"Aristotle," I mumbled.
Just like I thought, I caught him off guard. Natigilan ito at nawala lahat ng emosyon sa kanyang mukha. All of a sudden, he looked exactly the same the first time I saw him.
"Enough of this conversation—"
"I don't care who's Eskelle and how he managed to be friend with someone like you but..." Umigting ang titig niya sa akin pero hindi ako nagpatinag. "He is gone. And here you are, still living the grief."
He just stared at me. I was expecting him to be violent but instead, he gave me nothing. Like I was not even in front of him, opening something that has been hunting him even in his dream.
"Have you forgotten already, Brix? I promise to shoot you down." I sneered. "If your way of avoiding that to happen is by passing my possession to someone else, crap it. I'll still look for ways to kill you."
"Okay. Are you done?" he asked.
I was breathing heavily when I said, "I will make you always remember the first time you saw me." I prepared myself to go back inside. "I won't stop until that day comes. Remember. That's all."
I was about to leave when he said something, "Really? I doubt it. You look hopeless now. You don't have enough courage to do it with that condition."
"Let's see..." I whispered.
Tuluyan na akong pumasok sa loob ng bahay at sinarado ang pinto. Mabibigat ang paghakbang ko hanggang sa makapasok ako sa loob ng kwarto at sinarado rin ang pinto.
Umupo ako at sumandal sa dulo ng kama. Madiin akong napapikit.
Fuck!
What to do now?
Biglang sumagi sa akin ang nabasa ko na nakaukit sa puno. Aristotle. I need more details about that. I caught him off guard when I mention it. Maaaring ito ang makatulong sa sitwasyon ko.
Information... I need more of it.
Sumilip ako sa labas ng bintana. Naabutan ko si Brix na nakasampa na ngayon sa puno. Nakasandal ito at nakapikit pa rin. Pinaglalaruan niya ang isang bato na hinahagis-hagis sa ere.
Napatitig ako sa kanya. He's right. I feel hopeless now.
Wala ba talagang ibang paraan para matalo ko ang lalaking ito?
He's good at hiding. That's I think one of his advantages. No one exactly knows his real intention. No one barely knows him anymore. Even his family. He remains mysterious to everyone.
Bumagsak ang tingin ko sa bag ni Brix. Hindi ako nagdalawang-isip na kunin 'yon at ilapag sa kama. Nilabas ko ang mga laman nito pero bigo akong makahanap ng bagay na makakatulong sa akin.
I bit my lower lip in frustration. I can't find anything to use against him.
Ayokong mawalan ng pag-asa pero... paano kung wala talagang paraan? Habang-buhay ko na bang dadalhin ang bigat ng nararamdaman ko?
Binalik ko na rin sa loob ng bag ang mga damit. Sinigurado kong maayos ito. Pagkababa ko no'n ay biglang bumukas ang pinto.
Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat.
"Learn how to knock!" I yelled... at no one.
Wait, what? Bumukas lang ang pinto pero wala naman.
Lumunok ako. Sumilip ako sa labas ng bintaba. Umakyat sa dibdib ko ang kaba nang makita si Brix sa itaas ng puno. Gano'n pa rin ang posisyon niya.
Kung gano'n ay... "Erikson?" tanong ko. "Ikaw ba 'yan? Don't try to startle me!"
Walang sumagot.
Shit!
Huminga ako nang malalim. Bampira din naman ako. May kakayahan akong ipaglaban ang sarili ko kung sakaling masamang-loob man ang naghihintay sa akin sa labas ng kwarto.
Bahala na!
Pagkalabas ko ng kwarto at biglang nagliparan ang mga gamit. Napako ako sa kintatayuan ko. Ano ang nangyayari? Umiwas ako nang lumipad ang sofa papunta sa direksyon ko.
"Stop!" I screamed.
I heard giggles. This scene was familiar to me. Bumalik ang alaala ko nung gabing nasa mansion ako at biglang nabasag ang vase nang may dumaan. Ganito ang pakiramdam na 'yon. Hindi man lang nabahala sina Lord Wenson at Lord Severo kaya malamang na hindi masamang-loob ito.
"You twins should stop now," I guessed. Iyon ang narinig ko kay Lord Wenson nung gabing 'yon. "Stop playing around!"
Tumigil ang gulo sa paligid at pumayapa. Dumapo ang tingin ko sa dalawang batang lalaki na nakatingin sa akin. Nanlalaki ang mga mata nila habang nakatingin sa akin.
"H-how did you know we are twins?" the boy in red cap asked.
"Bitiwan mo ang table," utos ko dahil hawak pa rin niya ang lamesa at handang itapon. Hindi ito kumilos. "I said put down the table!"
"Okay."
Napapikit ako nang bigla niyang bitiwan ang lamesa kaya bumagsak ito at lumikha ng nakakabinging ingay. Kanino bang anak ang mga ito?
"Lady, how did you know that we are twins?" the boy in red cap asked again. Ang isa naman ay tumayo sa sofa at nagtatalon. "Hindi ba bago ka pa lang?"
"And?" I furrowed my eyebrows.
Hindi ko maatim na tingnan ang paligid dahil sa sobrang gulo.
"Cool." He grinned. Lumapit siya sa akin. "Since you easily noticed that we are twins, something a newbie like you can't simply detect, I am Ethan and..." He pointed his little finger at the other boy sitting on the sofa. "He's Evan. We are twins!"
"Okay." Tumango ako. Magkamukha sila, paanong hindi sila magpakakamalan na kambal? "Perhaps, are you two lost?"
"No," masungit na sabi ni Evan, ang isa pang batang lalaking nakaupo sa sofa. "Are you dumb? We have been in this place longer than you. Do you think there's a chance for us to get lost?"
Inirapan pa ako nito.
"Hey, Evan! Respect the lady, she's dumb because she's still a newbie," Ethan said and he looked at me, feeling proud that he defended me.
"Thank you for defending me, Ethan," I said, sarcastically.
"No worries. We are not lost, Lady. In fact, Kuya Brix knows we are here. He even said that we should do this," he said as he smiled broadly.
My lips slightly parted. "T-this mess? Really?"
He nodded. "He gave us an order to scare you."
"Ridiculous. She looks scarier," Evan mumbled.
Huminga ako nang malalim at pilit na binalewala ang mga sinabi ni Evan. "Okay. Bakit kayo napadpad dito? Sinabi ba ni Brix na pumunta kayo rito?"
Akala ko ba ay walang nakakaalam na nandito kami?
"We were just playing hide and seek," sagot ni Ethan. "Tapos napunta kami rito. Andito rin pala si Kuya Brix. What are you two doing here anyway?"
Umiling ako. "Nothing."
"Are you two playing hide and seek, too?!" excited na tanong pa ni Ethan.
"No. But... Kuya Brix? How are you related to Brix?" tanong ko.
"Isn't he, your master?" Lumapit sa akin si Evan at tiningala ako gamit ang kanyang mga mapanuring mata. "You are supposed to call him Master Brix. Not just by his name, you impolite newbie. Tsk."
Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili. Kahit na bata ito ay baka mapatulan ko. Ilang minuto ko pa lang siya nakilala pero namumuro na agad.
"Okay. How are you kids related to Master Brix?" I asked again.
"No!" Ethan yelled as he looked at his twin. He seemed so bothered right now. "Sshhh, Evan. She didn't mean to call us a kid. Forget it."
Kumunot ang noo ko. What?
Ang masamang tingin ni Evan ay biglang lumungkot. Yumuko ito at kumuyom ang mga kamao. Ilang sandali pa ay narinig ko ang mahinang paghikbi niya.
"H-hey... I didn't mean to call you a kid—" Napangiwi ako nang bigla itong umiyak nang malakas. Umupo ito sa sahig at nagwawala.
Napahilot ako sa sintido.
Ethan looked at me as if he wanted me to help him tame his brother. They kind of remind me of the Cardinal brothers. Oscar could be this boy in red cap, Ethan, and Brix could be the boy weeping on the floor, Evan.
"What happened?" Umangat ang tingin ko sa bagong dating, si Brix na nakatingin kay Evan na nagwawala sa sahig. "Why is he weeping?"
Lumapit si Ethan kay Brix. Sinenyasan nitong yumuko si Brix na ginawa naman niya saka ito bumulong. Tumango naman si Brix at tumikhim.
"Inasar mo pala, Astra?" ani Brix.
"Huh? Hindi ah!" pagtanggi ko. "I just called him a kid. I mean... how's that even offensive? He is though! Kung ayaw mong matawag na bata, Evan, tumahan ka na."
"Whoa." Brixton interrupted again. Lumapit ito sa akin habang umiiling. "Tame him before his Dad even finds out what you did to one of his sons."
"So?" I crossed my arms on my chest.
Ano naman ngayon kung malaman ng Papa nila?
"Lord Reggar wouldn't like it," Brix whispered.
Nanuyo ang lalamunan ko. Their father is Lord Reggar? Biglang sumagi sa isipan ko si Lord Reggar katulad ni Lord Trojan. Madalas na tahimik lang ito kaya medyo nakakatakot ang dating nito.
Lumunok ako bago bumaling sa lalaking nagwawala pa rin.
"Sorry na, Evan..." nakangiwi kong sabi. "I didn't mean to call you a kid."
"No!" sigaw niya bago mas lumakas ang pag-atungal.
I tried to touch his arms but he flinched it. "Go away! I don't like you!"
"No. I'm sorry—"
"No! Lady Celeste is better than you!"
Natigilan ako sa sinabi niya.
Tumayo si Evan at pinunasan ang luha sa mga mata. Suminghap pa ito bago bumaling sa akin. Sobrang sama ng tingin niya.
"You are bossy, Lady Astra. You don't even acknowledge Kuya Brix as your master. You think you are that cool. Kuya Brix doesn't deserve a slave like you. That's why I don't like you, too."
I bit my bottom lip. Pinagsalikop ko ang mga kamay ko bago tumango.
"I understand," I said. "Still, I'm sorry."
"You are his slave, Lady Astra," he continued. "Don't act like you are superior. You are nothing without him. Do yourself a favor, stop bossing around."
"Okay. That's enough, Evan," Brix interrupted.
Umirap lang ito.
"T-that's rude..." Ethan said. "You don't disrespect a lady like that, Evan."
"What? Someone has to remind her!" simpleng saad ni Evan.
"Are you guys thirsty?" tanong ni Brix sa kanila. "I have remaining packs here. Come on. I know you are thirsty."
Hinila ni Brix ang dalawa papunta sa kusina.
Nang makaalis sila ay inumpisahan kong pulutin ang mga kalat. Nilagay ko sa dating ayos ang lamesa at mga sofa. Napansin ko rin na nasira ang lock ng pinto sa kwarto, malamang na dahil sa biglaang pagbukas kanina.
Huminga ako nang malalim. Pakiramdam ko ay may tinik sa lalamunan ko.
"Prepare your things, bukas din nang maaga ay ililipat na kita," ani Brix. Wala ang dalawa na malamang na umiinom sa kusina.
I bit my bottom lip as I bobbed my head.
"Okay..." sagot ko sa mababang boses.
"Huwag mong sabihin na apektado ka sa sinabi ng bata?" tanong ni Brix na natatawa. "Oh, come on. He just spilled the truth though, don't you think?"
"He's older than me, right?" naguguluhang tanong ko.
"Yes."
"Kapag pinatulan ko 'yan ay hindi na child abuse, hindi ba?"
Tumawa uli ito habang umiiling. "Don't even try. Ikaw ang masasaktan. They just look like that but they are trained to fight. You won't stand a chance."
Napairap na lang din ako.
Biglang dumating si Ethan. Hawak-hawak niya ang supot ng dugo. Namantsahan na rin ng dugo ang kanyang damit dahil makalat itong uminom. Dinilaan pa nito ang kanyang labi.
"I think you are cool," he suddenly said to me.
"Stop feeding her confidence, Ethan," said Brix. "Pagkatapos niyong uminom ay magluluto na kami. Dito na lang kayo kumain."
"Talaga?!"
Tumango si Brix. "Yes. And... I need your help."
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Brix.
"What do you mean, Kuya?" naguguluhang tanong ni Ethan.
Lumapit sa akin si Brix at inakbayan ako. Napasinghap ako sa ginawa niya.
Lumabas din si Evan mula sa kusina. Hindi katulad ni Ethan ay malinis itong uminom. Wala ngang bakas sa kanyang labi na kaiinom niya lang.
"Are you in, Evan?" tanong pa ni Brix.
"Maybe?" simpleng sagot nito.
"Ano ba 'yon, Kuya?" tanong ni Ethan.
Humarap sa akin si Brix bago mas hinigpitan ang pagkakaabay sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong kinabahan.
Ano na naman kaya ang naisip nito?
"Astra wants to learn how to fight. Please do the pleasure."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro