Chapter 35
Chapter 35: Congratulations
Hindi ko alam kung ilang minuto ko nang pinagmamasdan ang mukha ni Brix. Basta pagkagising ko ay naabutan kong magkaharap na ang mga mukha namin na may sobrang liit na pagitan. This is the first time I've managed to stare at his face this close.
The details were satisfying my morning desires. Mula sa tikom niyang labi at bahagyang nakataas na damit kung saan sumisilip ang kanyang v-line. Hindi ito nakuntento sa malambot na unan dahil ginawa niya pang unan ang kanyang braso. Parang gusto ko rin tuloy abutin ang kanyang isa pang braso at gawin ding unan.
I sniffed. How could he smell this good this early?
"Ang aga naman, Astra," pangaral ko sa sarili sa isipan.
I suddenly remember the schedules and rules he mentioned yesterday. Kahit na labag sa kalooban ay napilitan akong bumangon sa pinakamarahan na paraan. Halos maging ang aking paghinga ay pigilan ko para hindi makalikha ng ingay.
Kumuha ako ng damit sa closet ko para makaligo. Bago pa man ako tuluyang lumabas ng silid ay nilapitan ko uli si Brix. Hinaplos ko ang kanyang mukha bago tumakbo palabas at marahan na sinarado ang pinto.
"Yes," I murmured.
Nakangiting pumasok ako sa CR para maligo. Pinuno ko muna ng tubig ang isang malaking timba bago nag-umpisang maghubad ng damit at maligo. Nakabukas ang gripo para habang kumukuha ako ng tubig sa timba ay napapalitan din ito agad.
Wala sa sariling napatingin ako sa hawak kong sabon. Lumunok ako. Wala namang ibang sabon dito kaya malamang na ito rin ang ginamit ni Brix nung naligo siya kahapon.
So, what?
Muli akong lumunok bago inamoy ang sabon.
"Ang bango," bulong ko.
Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pagtagas ng tawa sa bibig. Ano bang nangyayari sa akin? Malamang na sabong mabango ito kaya mabango. Anong katarantadahan ito, Astra?
Nang matapos maligo ay agad akong nagbihis at pinulupot sa ulo ang towel para hindi mabasa ang damit ko dahil sa buhok ko. Dumiretso rin agad ako sa kusina para maghanda na ng agahan.
Oh, hell. I forgot the process of preparing food in here. Kailangan kong magpadingas at mauusukan ako. Dapat pala ay nagluto muna ako bago naligo.
Hays.
Hindi ko ginaya ang ginawa ni Brix. I used the match to light up the woods. Habang nagliliyab ang mga kahoy ay dali-dali kong hinugasan ang bigas at sinalang sa apoy.
Naghugas ako ng kamay sa sink pagkatapos.
Siniguro ko munang pang matagalan ang siklab ng apoy bago pumunta sa sala. Hinubad ko ang towel sa buhok ko at sinampay. Habang nagsusuklay ay binuksan ko ang mga bintana at pinto.
Napasinghap ako nang salubungin ng sariwa at malamig na hangin. Dinig na dinig ko rin ang mga huni ng ibon at lagaslas ng mga sanga ng puno sa paligid. Sobrang gaan sa pakiramdam.
Hindi ako nakuntento sa loob. Lumabas ako para tuluyang malanghap ang hangin.
Nag-inat ako ng katawan bago tumingala sa langit. Maaliwalas ang langit at hindi pa gano'n katindi ang sikat ng araw. Sa totoo lang ay mas gusto ko ang ganitong lugar kesa sa dati kong tirahan. Tahimik at sariwa ang hangin. Pahirapan nga lang sa mga gawain pero ayos lang.
A question suddenly popped into my mind. Why here?
Dito rin ba madalas pumunta si Brix kapag gusto niyang mapag-isa? Alam din ba nila Oscar ang lugar na ito o tanging si Brix lang? Ano ba ang meron sa lugar na ito at bakit parang ang lungkot? Ang daming katatungan ang namuo sa isipan ko.
I believe every place has a history. What happens here?
Naglakad-lakad ako sa paligid hanggang sa dumapo ang tingin ko sa isang puno. May nakaukit sa katawan nito na mga letra. Mas nilapitan ko ito para mabasa.
"Aristotle," I read.
What?
I traced the carved letters using my palm. Halatang matagal na ito dahil halos hindi na rin mabasa. Kung hindi lang siguro matalas ang paningin ko ay malamang na hindi ko ito napansin.
Nabalik ako sa huwisyo nang may maamoy.
"Shit. Yung sinasaing ko."
Nagkumahog akong bumalik sa loob. Hinila ko palabas ng lutuan ang ibang mga kahoy para humina ang apoy. Mabuti na lang at hindi nasunog ang kanin dahil baka palayasin ako ni Brix.
Wait. Hindi pa ba gising ang isang 'yon?
Tumuwid ako at bumaling sa paligid. Nasaan ang mga pagkain?
May isang kulay pulang box sa gilid. Pagkabukas ko no'n ay lumabas ang usok na dulot ng lamig. Mga frozen meat ang laman nito. Naglabas ako ng isa at kumuha ng plato para ipatong doon. May mga sangkap din sa hanging cabinet kaya kumuha ako roon.
Nang maluto ang kanin ay inumpisahan ko namang lutuin ang ulam.
Biglang pumasok sa isipan ko ang nabasa ko. Aristotle?
Natapos akong magluto ay hindi pa rin lumalabas ng kwarto si Brix. Hinanda ko na sa lamesa ang mga pagkain bago naghugas uli ng mga kamay. Nagugutom na ako pero hindi pa rin gising si Brix.
Should I wake him up? Wala siyang sinabing gisingin ko siya.
But I am hungry!
Mas mabuting gisingin ko na lang siya kesa sa mauna akong kumain.
Nagsuklay ako uli ng huhok. He told me to be presentable even if he's not. Basta siguro maayos ang buhok ko at nakaligo na ay ayos na. I don't think he's expecting me to wear a gown though.
Huminga ako nang malalim bago pumasok sa loob. Naabutan ko si Brix na nakatihaya at tulog pa rin. Mas tumaas ang kanyang damit na ngayon ay halos kalahati ng ng katawan niya ang kita.
I blushed when my eyes laid on his bulge. Freaking hell?
I did my best to not focus my attention on that. Naglakad ako sa gilid niya pero hindi ako agad kumilos. Nag-iisip ako kung paano ko siya gigisingin. Mukhang mahimbing ang tulog niya.
Tumikhim ako. "Brix— Master Brix?"
Wala akong nakuhang sagot.
"Master Brix? Breakfast is ready," I repeated.
Still, I didn't get a response. Kumakalam na ang sikmura ko. Gutom na ako at kung magpapatuloy siyang ganito ay baka siya na ang kainin ko. Err. Kung anu-ano na tuloy ang naiisip ko.
Napapikit ako nang bumaba na naman sa shorts niya ang tingin ko. Mabilis kong binaling sa iba ang tingin ko.
This is hard... just like him.
I cleared my throat again. "Master Brix?" Hinawakan ko ang braso niya. "Wake up. Baka lumamig na ang pagkain. Hindi na masarap 'yon kapag malamig."
Naghintay ako ng sagot pero wala pa rin akong nakuha.
Nag-uumpisa na akong mairita. Mabilis pa naman akong mainis kapag gutom.
"Master Brix?" Niyugyog ko ang kanyang braso pero mahirap dahil mabigat. "Alam kong naririnig mo ako. If inaatok ka pa, you can tell me. Mauuna na ako."
Napapikit ako sa inis nang hindi pa rin ito kumibo. If he's really deep asleep, this is the right time to stab him. I don't think he deserves a painless death but this is an opportunity.
"Okay," I mumbled.
Tumalikod ako at lumabas uli. Pumunta ako sa kusina at kumuha ng kutsilyo. Pagkabalik ko sa kwarto at gano'n pa rin ang posisyon ni Brix. Hindi ko alam kung nananadya ba siya o ano.
Let's just try.
"Sleep tight," bulong ko.
Binuhos ko ang buong lakas ko at inambahan ng saksak ang kanyang dibdib. Gumilid lang si Brix at naiwasan niya ang kusilyo. Tumama ito sa kama at tumagos doon ang kutsilyo ko. Hindi pa rin ito bumangon.
Hinugot ko uli ang kutsilyo at pinatama ito sa direksyon niya. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla itong tumihaya uli pero sa pagkakataong ito ay nakamulat na ang mga mata.
Shit.
Hinawakan niya ang palapulsuan ko kung saan hawak ko ang kutsilyo. Gamit ang isa pa niyang kamay ay kinuha niya sa akin ang kutsilyo at tinapon sa ibang panig ng silid.
"Is this your way of greeting me?" he asked in a cold tone.
I swallowed hard. "K-kanina pa kita ginigising..."
"So, this is your way of waking me up?"
Sinubukan kong bawiin ang braso ko pero hindi niya ako binitiwan. Napatukod ang isa kong kamay nang hilahin niya ako palapit sa kanya. Ngayon ay sobrang lapit na ng mga mukha namin sa isa't isa.
"I'm fucking thirsty," he whispered.
His eyes turned red. Ngumiti ito kaya sumilip ang mga pangil sa kanyang labi. I may be dumb sometimes but I know he's not playing this time. This is no longer for fun. I can tell it just by staring at his eyes.
"I-I'm sorry..." I whispered.
In that cue, his eyes turned back to normal. Tinulak niya ako kaya napaupo ako sa sahig. Pabagsak na bumangon ito at walang pasabi na lumabas ng kwarto at iniwan akong tulala.
Napapikit ako. Shit.
Sumunod ako agad. Hindi ko naabutan si Brix sa kusine pero nakasarado ang pintuan ng CR. Nakabukas din ang cabinet na may mga laman na dugo. Malamang na umiinom siya ngayon sa upuan.
Napangiwi ako at napasabunot sa buhok. What did I do?
Sabi nga nila ay biruin mo na ang lasing, huwag lang ang bagong gising. He's clearly annoyed. Dapat pala ay hinintay ko na lang siyang magising o 'di kaya'y nauna na akong kumain. Sa tingin ko ay mas mabuti pang gano'n na lang ang ginawa ko.
Mayamaya ay bumukas ang pinto ng CR. Lumabas si Brix at dumiretso sa bakanteng upuan sa harapan ko. Basa pa ang mukha nita at ang kanyang buhok.
Kumuha ito ng pagkain at nagsimula nang kumain.
Kumain na lang din ako nang tahimik. Pasulyap-sulyap ako kay Brix na walang imik. I want to apologize but I don't know how. Parang nahihiya tuloy ako sa kanya ngayon.
I realized that he didn't wake me up yesterday. Mahimbing ang tulog ko kahapon pero hindi niya ako ginising. He even prepared things by himself without bothering me.
Hanggang sa matapos kaming kumain ay hindi ito umimik. Matapos niya kumain ay agad itong umalis. Habang ako ay halos hindi maubos ang pagkain.
Napabuntonghininga ako. Tumayo na ako at inumpisahang ligpitin ang pinagkainan. Habang naghuhugas ay sumagi sa isipan ko ang nangyari kagabi. Those fireflies helped me release my emotion. Matapos no'n ay agad din akong nakatulog.
Nakatulog din ba siya agad no'n? I don't think so. Kaya siguro parang puyat ito. Malamang na magdamadag siyang binulabog ng mga multo sa nakaraan. Putik. I feel guilty now.
I even tried to stab him.
I'm doomed.
I need to apologize.
Binilisan ko ang paghugas at pagligpit. Hindi ko naabutan si Brix sa kwarto at wala rin siya sa CR. Sumilip ako sa labas ng bintana at tama nga ako. Naabutan ko siya sa posisyon niya kahapon. Nakasandal sa puno, nakaupo at nakapikit ang mga mata.
Hindi ako agad nakakilos. Kung sa malapitan ay napagmasdan ko ang detalye ng kanyang mukha, sa malayuan ay naramdaman ko kung ano ang nararamdaman niya. Hindi ko alam kung paano o pwede ba ito pero... ramdam ko ang lungkot niya.
"Brix..." I mumbled his name out of nowhere.
Lumabas din ako at naglakad papunta sa direksyon niya. Nung nasa tapat na niya ako ay tila natutop ako. Walang lumabas na salita sa bibig ko. It seemed like I forgot the reason why I am even standing in front of him right now.
I bit my bottom lip. Dumiretso ako sa katabing puno at umupo rin doon. Niyakap ko ang mga tuhod ko. Yumuko ako at pinaglaruan sa isang kamay ang tuyong dahon.
"This isn't right," dinig ko.
Umangat ang tingin ko kay Brix. Sarado pa rin ang kanyang mga mata.
"I shouldn't doing these things," he mumbled. "Not again."
"I-I'm sorry..." I whispered.
"No," he responded. "This is my fault. We can't be like this anymore."
Sumikip ang paghinga ko. What does that even mean? We can't be like this anymore? We aren't even a thing except that he's my master and I serve him. I don't get his point.
"This is our last day here," aniya pa. "Bukas din ay ihahatid na kita sa mansion katulad ng gusto mo. You will have your own car. Alam kong alam mo na kung ano ang gusto kong mangyari, hindi ba?"
"I know. Gusto mong mapalapit ako sa ama mo at kapag tuluyang nahulog ang loob niya sa akin, bibitiwan na niya ang posisyon. Kapag nangyari 'yon ay malaya ka nang makuha ito. Hindi ba, Master Brix? Gano'n ang gusto mong mangyari?"
"Yeah. That's right."
Umiwas ako ng tingin. That's right? Damn. Bakit ang dali para sa kanyang sabihin 'yon?
"Take this as a favor, Astra. Make Lord Severo feel comfortable with you. He doesn't need to love you. No. You don't need to make him love you. He's not that kind of man. Ang kailangan lang ay matuwa siya sa 'yo. This is my last request as your master," he continued.
Bumigat ang paghinga ko.
"I wish you all the best then," I said.
"Kapag nagawa mo ito ay lalapitan na ako ni Papa. Hihingin niya ang permiso sa akin na makuha ka. I want you to prepare, Astra. You will serve him soon."
"Okay..."
"You've been a great slave," he complimented like as if I needed that. "I'm not going to lie and deny the fact that... you surprised me. I didn't know you could make it this far. I'm proud of you."
Nag-init ang gilid ng mga mata ko. "No. Don't be. I'm just doing my part as your slave. Take this as my gratitude for saving my life. Congratulations in advance, Lord Brixton Wenz Cardinal."
I heard him chuckle. "That's not how you do it. You should congratulate me while on your knees. But you don't need to do that. I appreciate it enough."
Umawang ang bibig ko. Kakainom ko lang pero parang nanghihina na agad ako.
"Is that it?" I chortled, too.
Tumayo ako at naglakad sa harapan niya. Nakapikit pa rin ang kanyang mga mata pero alam kong nakikita niya ako.
"I'm Astralla Martin..." I knelt down before him. Naramdaman kong tumama ang tuhod ko sa magaspang na lupa. "I'm glad I will be the first vampire to say this. I'm also pleased that I once became a slave of the leader of Nightfall Clan. With all that... congratulations in advance, Lord Brixton."
Bumilis ang paghinga ko habang kinakapos sa hangin.
It's funny how things change this fast. Parang kagabi lang ay sinurpresa niya pa ako ng mga alitaptap tapos ngayon ay nakaluhod na ako sa harapan niya. Parang kahapon lang ay hinahangad pa nito ang posisyon pero ngayon ay abot-kamay na niya.
"Where's the sincerity in that?" he asked.
"W-what?"
That's the moment he opened his eyes.
"I can't feel the sincerity with your voice, Astra," he said with a slight grin. "You're not happy that I will be the next leader, right? Not that I am surprised since everyone is against that but... I am not expecting you are one of them."
I don't think he's offended at all. His grinning face says a lot.
I cleared my throat. "I mean it."
"Really?"
Natigilan ako na ikinatawa niya.
He shook his head. "It doesn't matter anymore. I'm kind of disappointed but I am used to it. But I don't think you are capable of doing anything against that. You will also bow in my presence one day. You will look at me not as this man anymore but as someone higher than everyone else in this clan."
Natulala ako sa kanya. Hindi ko inaasahan na ganito rin siya kababaw. Gano'n ba talaga ang tingin niya sa akin?
"Forget it. Go back inside. I need to stay here for a while," he said and shut his eyes again.
Clenched fists, I asked, "What if I don't want to? What if I don't want to do that favor?"
"I am your master, Astra. Just do it."
"Y-you don't get it..." bumaba ang boses.
"I get it. Clearly."
Tumayo na rin ako nang mangawit. Pinagpagan ko ang mga tuhod ko.
Tumalikod na rin ako. Hindi ko napigilan ang sarili kong itanong ang isang bagay na sa tingin ko ay hindi niya nakuha, "What if I don't want to have a master other than you?"
Nagsimula na akong maglakad papasok sa bahay pero mabilis akong natigilan. Biglang sumulpot sa harapan ko si Brix. Nakakunot ang noo nito habang nakatitig sa akin.
Hindi ko napigilang hindi mapangisi.
"W-what did you say?" he asked.
"You heard me."
Lumunok ito. "I want to hear it again."
Huminga ako nang malalim bago tumango.
"I will make Lord Severo feel comfortable with me. He will let you take over his position soon. I will do you a favor, Brix."
Napatingin ako sa kamay niya nang hawakan niya ang braso ko.
Kumunot ang noo ko. Why is he acting like this all of a sudden?
"That's not what I've heard," he said and I could feel how desperate he was. "I want to hear it again. You don't want what? Astra. I heard it. I just want to hear it again. I don't know why. Fuck! Can't you like fucking say it again?!"
Napatitig ako sa kanyang mga mata.
Lumunok ako bago tumango.
"I don't want to have a master other than you, Master Brix. That's right. You heard me now. But you are right. What can I even do? So, yes. Gagawin ko kung ano ang gusto mo."
Umawang ang bibig nito. Sa pagkakataong 'yon ay nabitiwan na niya ako. Kinuha ko ang pagkakataon na 'yon para umalis sa harapan niya at bumalik na sa loob.
Bago ako tuluyang nakapasok sa loob ay narinig ko pa ang sinabi nito.
"Y-you are insane..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro