Chapter 34
Chapter 34: Fireflies
Hindi ko hinayaang mamatay ang apoy. Sa tuwing lumiliit ito ay dinadagdagan ko agad ng kahoy. Sinubukan kong doon ituon ang buong atensyon ko para tuluyang makalimutan ang kaharutan na ginawa ko kanina.
Dinig na dinig ko ang lagaslas ng tubig mula sa CR. Freaking hell! I couldn't help but imagine Brix naked while the water was caressing his biceps, chest, and everything.
I swallowed and shook my head. Bakit ba sobrang lakas ng epekto ng demonyo na 'yon?
Pagkalabas ni Brix sa paliguan ay sa akin agad ang diretso niya. Ni hindi na nga niya nagawang makapagsuklay. Umatras ako para hayaan siya ang pumalit sa akin. Medyo nabasa pa ang white t-shirt niya dahil tumutulo ang tubig sa kanyang buhok.
Here comes my mind again asking, is he wearing it now?
Napalunok ako at tila tinakasan nang kaluluwa dahil bigla siyang humarap sa akin. Nangatog ang tuhod ko. Alam niya bang sobrang apektado ako sa kanya kaya niya ginagawa ito?
Fuck it. It's working well, Brixton Wenz Cardinal!
"I think you need to know the schedule," panimula niya bago humalukipkip. Taimtim itong tumitig sa akin. "You can sleep anytime you want, basta kailangan mong magising nang umaga. Ang una mong gagawin pagkagising sa umaga ay lumabas ng kwarto nang hindi ako nagigising."
"How about you?" tanong ko.
"Pagnakalabas ka na ng kwarto ay maghilamos ka agad o maligo. Your choice. I don't want to see you looking frowsy or still in bed hair. Be presentable in front of me even if I am not."
Umawang ang bibig ko sa mga sinasabi niya. He always looks presentable though.
"Prepare breakfast." Lumapit ito sa cabinet na gawa sa kahoy at may nilabas. "If you can't create a fire, here's the match." Hinagis niya sa akin ang posporo na nasalo ko naman agad.
"Meron ka pala nito—"
"Aside from schedule, we have rules here, too. Rule number one, don't talk if I am not done talking yet. Don't interrupt me. Are we good?"
"Eh paano kung emergency. Like... nagsasalita ka tapos hindi mo alam may aatake na pala sa likod mo?" pagrarason ko dahil masyado na akong dehado.
Saka... hindi ko pa naman mapigilan minsan ang bibig ko.
"Rule number two, I don't want to hear you complaining." Humarap ito sandali sa lutuan at nang masiguro na ayos pa ang apoy ay humarap din siya agad sa akin. "After you prepare breakfast, do the cleaning. Don't eat yet. Sabay tayo."
"Opo..." Pinigilan kong mapairap.
Suminghap ito bago inalog ang ulo. Tumalsik ang ilang butil ng tubig. Natulala pa ako sa kanya dahil parang nag slow motion 'yon.
"Master Brix..." he said after. "I don't want to hear you calling me Brix or Brixton. Master Brix."
"How about Master Brixton?" Sinamaan niya ako ng tingin kaya agad kong binawi ang sinabi. "Joke. Yes. I understand, Master Brix."
"Mamaya na lang ang mga kasunod. Lumabas ka muna at manguha ng mga tuyong kahoy," utos niya bago tuluyang pinakawalan ang mga braso mula sa pagkakahalukipkip. "Huwag kang lalayo. Maraming kahoy sa malapit."
"Yes!" Iyon na yata ang pinakamagandang sinabi niya. Hinagis ko sa kanya ang posporo na nasalo naman nito agad. "Ngayon na ba? Ngayon na!"
Nung tumango siya ay 'yon ang naging hudyat para umalis ako. I've been wanting to get away from his sight. Masyado ko na siyang pinagpapantasyahan.
Napangiwi ako nang masilaw sa sinag ng araw pagkalabas. Bumungad sa akin ang katahimikan ng paligid. There were trees everywhere. Mukhang nasa masukal talaga kaming bahagi ng mansion. Pero may malaki rin namang distansya sa pagitan ng maliit na bahay na tinirihan namin bago ang mga puno.
Yumuko ako habang naghahanap ng mga maliliit na tuyong kahoy. Nakailang beses akong lumunok kahit na ilang hakbang pa lang ang layo ko sa bahay.
I looked up. The sun was at its peak. Kaya pala nanunuyo na ang lalamunan ko at medyo kumakalam na ang sikmura ko. Ilang sandali pa ay umikot ang paningin ko na ikinatigil ko.
What's happening? Am I that hungry?
Umayos din agad. Huminga ako nang malalim.
Nagpatuloy ako sa pangunguha ng kahoy. Nakailan na rin ako at medyo hindi na kayang hawakan ng mga braso ko. Bumaling ako sa bahay. Malapit lang naman pero bakit tila ang layo sa tingin ko?
"Shit!" I cursed when I felt something in my skin. It felt like the sunlight was penetrating in my skin like a voltage of electricity.
That's when I realized I need to go back as soon as possible.
Nakaramdam ako ng sobrang paghihina. Gano'n pa man ay nagawa kong makabalik sa bahay. Halos maglakad na lang nga lang ako dahol sa pangangatog ng mga tuhod.
Pagkarating ko sa kusina ay nanlabo ang mga paningin ko.
"Astra?"
Nabitiwan ko ang mga kahoy na dala at bago pa man ako tuluyang bumagsak sa sahig ay may sumalo na agad sa akin. May sinabi siya pero parang maging ang aking pandinig ay masyadong nanghihina.
It looked like my body would shut down any moment.
Ilang sandali pa ay dumampi ang likod ko sa malambot na kama. Mayamaya rin ay bumalik na si Brix. May pinatak siya sa bibig ko na siyang dahilan kung bakit nabuhay ang mga ugat ko.
Inagaw ko sa kanya ang supot ng dugo at mabilis na inubos 'yon. Naramdaman ko na naman na parang nasusunog na ang mga mata ko. Bumalik sa ayos ang aking pakiramdam ko.
"Hindi ka ba uminom sa bahay kahapon?" dinig kong tanong ni Brix.
Hindi ko siya napagtuonan ng pansin. Sinimot ko ang laman ng supot hanggang sa huling patak nito.
"The only way so we can withstand the sunlight is by drinking blood. Kapag hindi tayo nakainom nito nang matagal ay hindi mo kakayanin ang araw. It's our fuel. It's the only reason why we are still alive."
Bumaling ako kay Brix at umirap. "Para namang alam ko," bulong ko.
"I'll get you another pack," aniya bago lumabas uli.
Sumandal ako sa kama at pinahinga ang likod. Kaya pala gano'n na lang kung maapektuhan ako ng sikat ng araw. Paano kaya kung nagtagal pa? I couldn't imagine the pain.
Bumalik si Brix at hinagis sa akin ang isang supot pa ng dugo na agad ko namang nasalo. Hindi ako nagdalawang-isip na buksan agad 'yon at inumin.
"I guess I need to prepare things by myself now." I could feel the disappointment in his voice. "Rest well para bumalik agad ang lakas mo. Ako na muna ang bahala."
Nung makalabas siya ay naubos ko rin agad ang dugo.
Pinatong ko sa side table ang supot ng dugo bago bumalik sa kama.
Bumuga ako ng hangin. Pinikit ko ang mga mata ko.
Napangiti ako. Para talaga kaming mag-asawa ni Brix. O kung hindi man ay para kaming nagtanan. Bahala siya kung ano ang isipin niya sa sitwasyon namin. Basta ako ay gano'n ang tingin ko.
Binalikan ako ni Brix at inalalayan na makapunta sa kusina. Hanggang sa makaupo ako ay nakaantabay ito. Ayos naman na ang pakiramdam ko pero nagkunwari akong nanlalambot pa.
"Grabe. Akala ko kanina ay mamatay na ako," bulong ko.
"It takes days without drinking blood before you die, idiot. Sigurado naman akong lalapain ka muna ng mga asong lobo bago ka mamatay."
Nanlaki ang mga mata ko. "M-may mga asong lobo sa paligid?"
"Yes, but they won't bite you." Sinimulan niyang ayusin ang mga plato sa lamesa. Nilagay niya ang isang tela at doon pinatong ang kaldero na may kanin. "Unless some stupid wolf comparable to you would try to drink your blood. Your blood is a poison to them."
"Still, it will hurt!" protesta ko.
"At least you won't die."
"Paano kung kagatin nila ang mukha ko?!" Napatayo ako at kinalampag ang mga palad sa lamesa. "Hindi nga ako mamamatay pero masisira naman ang mukha ko!"
"They will take your neck first."
"Huwag mo na akong uutusan sa labas! Last na 'yong kanina," natataranta kong sambit. "Bahala ka sa buhay mo, Brix. Hindi na ako mangunguha ng mga kahoy!"
Tumitig ito nang ilang sandali sa akin bago natawa. "Ibang klase. Bampira na takot sa asong lobo? You are really strange. Anyway, looks like your energy is back now."
Natigilan ako bago tumikhim at bumalik sa pagkakaupo. Iniiwas ko ang tingin ko sa niluto niyang beef steak. Kumalam ang sikmura ko pero hindi ko pinahalata.
Tumalikod si Brix at binuksan ang cabinet kung saan din nakatago ang mga supot ng dugo. Kumuha siya ng alak doon at nilapag sa lamesa.
"Ilang araw bago bumalik ang lakas ko?" tanong ko sa mababang boses.
Umangat ang tingin ni Brix mula sa pagsasalin ng alak sa baso.
"Days?" takang tanong niya.
"Aw. Buwan ba?" Lumungkot ang mukha ko bago bumuga ng mabigat na hangin. "Sayang. Paano ako gigising nang maaga para makapagluto ng agahan?"
Mas lalong nangunot ang noo ni Brix. "Kung hindi pa bumabalik ang lakas mo ngayon, malamang na mamaya rin ay babalik ito. Don't make this as an excuse. Days your face."
"Iba kasi ako—"
"Shut up. Let's eat."
Kukunin pa lang ni Brix ang sandok sa kanin ay naunahan ko na siya. Kumuha ako ng kanin sa kaldero at nagsalin sa plato. Pagkatapos ay humiwa ako ng steak at naglagay rin sa plato ko.
"Wala pa raw lakas..." dinig kong bulong nito.
Habang kumakain ay hindi ko napigilang hindi isipin. Pagkatapos naming kumain, ano na ang gagawin namin? Mukha namang walasyang pasyalan dito. Alangan namang magtitigan kami hanggang mamaya?
"Wala bang kuryente dito, Brix? Wala tayong ilaw mamayang gabi?" tanong ko.
Nilunok niya ang nginunguya bago sumagot. "May lampara naman tayong gagamitin."
Napaisip naman ako. "Alam ko na!"
Umangat uli ang tingin nito. Bumagal ang pagnguya niya habang naghihintay sa sasabihin ko.
Uminom muna ako ng alak para malunok ang kinakain.
"What if manghuli tayo ng thousand of fireflies tapos ilagay natin sa lampara? Hindi ba mas maganda 'yon?" I can already visualize the scene. "Sige na! Gusto ko 'yon e."
Tuluyang tumigil ang kanyang bibig sa pagnguya pero hindi natinag ang pagkatitig niya sa akin. He was looking at me ridiculously. I knew that he's not into that kind of romantic scene but still... I want to experience it.
"Nakita ko na ito sa movie, Brix! Sigurado naman akong may alitaptap sa paligid. Please?"
Nilunon niya ang kinakain bago sumagot. "I chose this place to have a peace of mind. I can't believe I brought you with me. You have the most absurd ideas out there."
"Eh? Sige na. KJ naman nito."
"Do you really think you can catch a thousand of fireflies in a single night? Do you really think you can use them to light up a room completely?"
Nawala ang excitement ko sa sinabi niya. "Ay... gano'n ba 'yon? So... hindi totoo ang pinanuod ko?"
"Humans," he mumbled. "Let's just eat. Do us a favor, will you? Stop thinking anything."
Napaismid na lang ako. "Oo na po..."
Hanggang sa matapos kaming kumain ay hindi nawala sa isipan ko ang mga alitaptap. Bata pa lang ako nung huli akong makakita nito. Kahit na siguro isa lang ang makita ko ay mapapatalon na ako sa tuwa.
"Maghugas ka na, magpapahinga lang ako sa kwarto." Tumayo na si Brix at naghugas ng kamay. "Saka... hindi ba ang sabi ko ay Master Brix ang itawag mo sa akin?"
"Oo na po, Master Brix."
Pinanuod ko siya hanggang sa makaalis.
Humaba ang nguso ko. Ang KJ talaga no'n kahit kailan.
Nagligpit din ako agad. Habang gumagawa ay hindi pa rin naalis sa isipan ko ang alitaptap. Sana ay may maligaw rito sa bahay. Malabo kasing makakita ako no'n kung hindi ako lalabas sa gabi. Malamang na matutulog agad si Brix kasi break nga niya ito.
Hindi ko naabutan si Brix sa kwarto. Kinabahan ako agad. Hindi naman niya siguro ako iiwang mag-isa rito, hindi ba? No. Alam kong hindi gano'ng lalaki si Brix.
I was right. Sumilip ako sa bintana at nakita ko agad siya. Nakaupo ito sa ilalim ng puno, nakasandal at nakapikit ang mga mata. Nagmadali akong lumabas at pinuntahan siya.
"Are you meditating?" I asked, amused. This is the first time I saw him this calm.
I didn't get a response from him.
Umupo na lang din ako sa isang puno. Bumuga ako ng hangin. Pasulyap-sulyap ako kay Brix. Ni hindi man lang siya gumagalaw. Mukhang meditating nga ang ginawa niya.
Kinuha ko ang pagkakataon na 'yon para titigan siya.
I couldn't help but to wonder what really happened in his past? Bakit humantong sa gano'n ang lahat? Pakiramdam ko ay may isang parte no'n na hindi ko pa alam. Isang parte na humubog kay Brix at nagtulak sa kanya para maging ganito.
I know I shouldn't but I want to know what really happened.
What happened to Brix?
I have a plan and I'm including it now. I want to know what happened in the past. Resty... I know he was a part of it. Kung gaano katindi ang galit niya kay Brix, alam kong may malalim na dahilan 'yon.
Hindi ko napansin na nakatulog na pala ako.
Nagising ako nang maramdaman na tumapik sa mukha ko. Mukha agad ni Brix ang nakita ko. Mabilis din itong tumayo nang magising ako.
Mabilis naman akong sumunod sa loob. Madilim na rin pala. Mukhang napasarap ang tulog ko.
Gaya nung umaga ay si Brix ang nagpadingas. Tinulungan ko lang siya. Tahimik lang kami. Nagkakamali nga ako ng ginagawa katulad ng na hindi ko napansin na wala na palang apoy kaya nagpasiklab uli si Brix.
I didn't hear anything from him. I even called him just Brix but he didn't complain. Is this part of that meditation? To be calm? Or... did I miss something while sleeping?
Naunang pumasok si Brix sa kwarto matapos kumain habang ako ay naiwan sa kusina para magligpit. Gamit ang lampara bilang liwanag ay nagawa kong makapaglinis.
Naabutan ko si Brix na kalalabas lang ng CR. Bagong ligo ito. Hindi niya ako pinansin. Pumasok din ito agad sa kwarto nang hindi ako nililingon.
Ano kayang nangyari roon?
Pumasok din ako sa loob. Naabutan ko siyang nakahiga na sa dulo ng kama. Nakatalikod ito sa akin at nakabalot ng kumot. Hindi ko na lang din siya kinibo.
Kumuha ako ng pantulog sa loob ng cabinet saka rin lumabas. Pumasok ako sa CR para maligo. Hindi naalis sa isipan ko ang biglang pagtahimik ni Brix.
Shit. This is even worse. Mas gusto kong sinusungitan niya ako kesa sa hindi niya ako iniimik. Wait. May nagawa ba akong hindi niya nagustuhan?
I recalled what happened earlier. I mean... lahat naman ng ginawa ko ay hindi niya nagustuhan.
Natapos akong maligo. Hindi ako agad pumasok sa kwarto. Nanatili ako sa sala habang nagpapatuyo ng buhok. Kinandado ko na rin ang mga pinto at bintana.
Wala sa sariling napatitig ako sa lamparang nakapatong sa ibabaw ng lamesa.
I suddenly miss my Mom. Kapag walang kuryente dati ay hindi kandila ang sinisindihan niya kung hindi ang lampara. Siya ang nagsisindi no'n at ako naman ang humihipan.
Shit. No. I don't want to feel this anymore.
Suminghap ako. Pumasok na rin ako sa kwarto. Naabutan ko si Brix sa ganoon pa ring posisyon. Hindi ko lang maaninag kung gising pa ito dahil nakatalikod siya.
Humiga na lang din ako. Nasa magkabilaan kaming panig ng kama at magkatalikuran. Niyakap ko ang unan at pinikit ang mga mata ko.
I'm not sleepy yet.
"Do you miss someone right now?" Brix suddenly asked.
Eyes shut, I responded, "I do..."
"Do you also wish that someone was here?"
I bit my bottom lip. Bakit kailangang ganito pa ang mga tanong niya?
"It's sad, right? We can't do anything now but to miss them." Nakikinig lang ako sa kanya. Hindi ko rin naman alam kung ano ang sasabihin. "I hate this kind of night."
"What do you do when this happens?" I asked.
Ilang segundo ang lumipas bago siya sumagot. "I go out. Maglalakad-lakad. You know? I can't sleep with all these."
That's the moment I opened my eyes. "I'm good, Brix. You can go out."
"You sure?"
Madiin akong pumikit. "Yes..."
Narinig kong gumalaw ang kama. Narinig ko rin ang pagbukas at sara ng pinto.
This is what I do, too, when I miss my Mom. I isolate myself. Though I'm scared to be left alone here, this is better for both of us. Pareho naming kailangang mapag-isa.
"I miss you, Mom..." I whispered.
Damn. My tears.
Hindi ako agad dinalaw ng antok. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakapikit at sinusubukang matulog pero bigo ako. Hanggang sa marinig ko ang pagbalik ni Brix ay gising ako.
"Astra?" dinig kong bulong nito. "You still awake?" he asked.
"Hmmm?"
"Umupo ka muna," utos niya.
Huminga ako nang malalim at lumunok. Umupo rin ako gaya niya. Lumapit naman agad siya sa akin at tumitig sa mukha ko.
"Bakit?" tanong ko.
Mas nilapit niya ang mukha sa akin.
Kumunot ang noo ko. "Why, Brix?"
Ilang sandali pa ay nakita ko ang isang maliit na umiilaw sa pagitan ng mukha namin. Ang isa ay naging dalawa hanggang sa hindi ko na nabilang.
"I only caught fifty fireflies," he whispered. "I hope it will somehow make you feel better."
Nangilid ang luha sa mga mata ko.
Tumingala ako at sinundan ng tingin ang mga lumilipad na alitaptap. He's right. Even a thousand fireflies aren't enough to light up this small room. Still... I love seeing their tiny lights.
Damn.
I forgot to remind myself not to sob.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro