Chapter 33
Chapter 33: Break
I've had the best sleep. It was all good until I realized I wasn't in my room anymore. Malaki ang kwarto ko sa dating bahay ngunit ang isang ito ay medyo maihahalintulad sa silid ko kina Tita Ophelia. Maging ang mga gamit dito ay mukhang hindi mamahalin. Andito pa rin ang tukador ko.
Where the hell am I?
Kanina pa ako nakasandal sa dulo ng kama at pilit na iniintindi kung ano ang nangyayari. Isa lang naman ang makakagawa nito sa akin, siya lang din naman ang huli kong kasama kagabi. Ang tanong ay saan niya ako dinala?
Nakarinig ako ng ingay sa labas.
Lumunok ako bago bumaba na sa kama. Sinuot ko ang nakahandang kulay puting malambot na tsinelas. Huminto ako sa harapan ng pinto. Nagdalawang-isip ako kung bubuksan ko ba.
What if I was abducted?
Why would even do that?
I gulped and shook my head.
I was about to hold the doorknob when someone suddenly opened the door. Tuluyang nagising ang diwa ko nang tumama sa mukha ko ang pinto. Pabagsak ang pagbukas no'n kaya malakas ang tama.
"Ah!" I complained.
Brix just looked at me like nothing happened.
"Practice to knock, Mr. Cardinal!" I hissed.
"Wala ka bang balak na magbihis muna?" tanong niya.
Saka ko lang napagtanto na naka-underwear lang pala ako. Nanlaki ang mga mata ko at dahil sa sobrang gulat ay pabagsak na sinarado ko uli ang pinto. Hindi ko alam kung natamaan ko siya. Sana.
"Shit," I murmured.
Some details of what happened last night started to remind me that I should be embarrassed right now. Nagmakaawa lang naman ako kay Brix na gawin namin 'yon. Nagmukha akong uhaw sa kanya kagabi!
"Gaga ka, Astra!" Umiling-iling ako.
Pero alam kong sinapian lang ako nung kagatin ako ni Brix sa leeg. Just like his kiss, his bite must have an enchantment, too. Like... everything he does will affect me in any way.
"It's pretty normal," I mumbled.
Nandito pa rin ang closet na galing sa dati kong tinirihan kaya kumuha ako ng maisusuot doon. Pumili ako ng jagger pants at kulay puting pang-itaas. Kumuha ako ng pantali sa buhok at pina-bun ang buhok ko.
I let out a heavy sigh as I skedaddled my room. Naabutan ko si Brix na pinapalitan ng cover ang mga sofa. Naka-simpleng white t-shirt pa rin itong nakatupi sa kanyang balikat at ang pang-ibaba naman ay sweat pants.
"Nasaan tayo?" tanong ko.
Pinagpagan ni Brix ang kanyang mga kamay bago humarap sa akin. Sandali niyang ginala ang tingin sa simpleng bahay. Gusto ko tuloy isipin na maging siya ay hindi rin alam kung nasaan kami.
"Mansion," he responded, casually. Pumaywang ito habang tamad na nakatingin sa akin. "Hindi dapat ako ang gumagawa ng mga ito. Pwede bang tumulong ka naman?"
Kumurap-kurap ako. "Mansion? Ito?" I motioned my hand around.
What's so mansion about this cheap house?
"It still is part of the mansion. It's just located in the backyard." Pabagsak na umupo ito sa sofa at pinatong ang isang binti sa isa pa. "I can't risk by putting you in the main. Maraming mamahaling vase at painting doon. Things that are worth more than your life."
"Do you really think I am that clumsy?!" Ako naman ngayon ang pumamaywang sa harapan niya. "Saka... mukhang malayo 'to sa main gate. Why don't you just put me in the main? I promise not to break anything! Cross my blood!"
"Uhmm." He shook his head. Humikab pa ito bago pinatong ang mga braso sa itaas ng sofa. "Hindi ba ang sabi mo ay baka bigyan na naman ako ni Dad ng mission kapag nakita niya ako?"
Napataas ang mga kilay ko. "Your point?"
"He won't see me here..."
Umawang nang bahagya ang labi ko nang maintindihan ang sinabi niya. Pinaningkitan ko siya ng tingin pero hindi nagbago ang expression nito. Mukhang seryoso talaga siya rito.
"You will live here, too?" I asked for clarification.
"You can sleep outside though. It's your choice."
Umupo ako sa tabi niya nang mangawit.
Tumagilid ang ulo niya papunta sa direksyon ko. Masyadong tamad ang tingin nito.
Lumunok ako nang biglang may maisip.
"S-sa iisang kwarto?" pabulong kong tanong.
Iisa lang naman kasi ang nakikita kong silid dito. Maliban na lang kung plano niyang matulog sa sofa na napakaimposible. Sobrang arte pa naman ng lalaking ito.
"Yes. What's with the interrogation? I can bring you anywhere I want." Pabagsak na tumayo ito at umalis. "Get your shits together. You aren't going to live here as a princess."
Mabilis na sumunod ako sa kanya.
Pumunta kami sa kusina. Napangiwi ako nang makita ang lutuan na ginagamitan pa ng siga na nakalagay sa dulo na may labasan ng usok. Gawa sa kawayan ang lamesa at kahoy naman ang mga upuan. Ayos naman ang mga kasangkapan.
"Ililipat din kita sa kabila," aniya habang nilalagyan ng mga tuyong kahoy ang lutuan na gawa sa bato. "I want to rest for a while. You are right. I need a break."
Nang matapos niyang lagyan ng mga tuyong kahoy ang lutuan ay hinanda naman niya ang dalawang kawayan at tuyong bao. Yumuko ako para mas tutukan ang ginawa niya.
"Gagawa ka ng apoy diyan?" usisa ko dahil nakita ko na ito sa movie.
Sinimulan niyang ipagkiskis ang mga kawayan. Paulit-ulit niya na ginawa 'yon.
Napangiwi ako. Wala namang nangyayari.
"Wala ka bang posporo?" tanong ko.
Hindi niya ako pinansin. Pinagpatuloy niya ang pagkiskis sa kawayan. Ang sakit na nga sa tainga. Mukhang desidido talaga siyang mapaapoy 'yon. Poor him, I don't think his perseverance would work.
"Brix? Wala namang nangyayari," paalala ko.
Wala pa rin akong nakuhang sagot sa kanya.
I shrugged my shoulders.
All of a sudden, I noticed a slight park igniting. Hanggang sa nakabuo siya ng apoy at maagap niya itong nilagay sa tuyong bao para mas sumiklab. Nang mapasiklab ay sinindihan na niya ang mga tuyong kahoy sa lutuan.
"Ang galing..." bulong ko. Sobrang natuwa ako kaya nahampas ko siya sa braso. Shit. Ang tigas talaga. "Ang galing mo ro'n, Brix. Hindi ko inakalang marunong ka niyan! Wala sa hitsura eh."
"We were born before instant flame was even invented, Miss Newbie," pagsusungit nito. "Pakikuha naman nung kaldero tapos lagyan mo ng dalawang takal ng bigas."
Mabilis na kumilos ako at kinuha ang kaldero. May isang malaking lata na naglalaman ng bigas at may pang takal doon na baso. Nilagyan ko ng dalawang takal ng bigas ang kaldero gaya ng utos mi Brix.
Oh. I suddenly missed doing this.
Aagawin na sana ni Brix sa akin ang kaldero pero inilayo ko ito. Nakangiti kong tinungo ang sink. Buti na lang at may tubig dito. Akala ko ay mag-iigib pa kami.
"Para tayong mag-asawa nito, Brix," sabi ko.
"You are my slave," he reminded me.
Naglaho ang ngiti sa labi ko dahil sa isinagot nito. Nakaharap pa rin siya sa lutuan at patuloy na pinaliyab ang apoy. Kahit na likod pa lang nito ay alam mong gwapo na. Sana pati ugali nakikita na rin sa likod para malaman agad nilang hayop ang ugali nito. Panira naman e.
"Take this as a tutorial, ikaw na ang gagawa nito sa mga susunod na araw," aniya pa.
I stuck my tongue out and mumbled, "KJ."
Nang mahugasan ko na ang bigas ay binigay ko na ito kay Brix at sinalang niya ito sa apoy. Umupo muna ako at nanatiling nakatitig sa malapad na likod niya.
Bumuga ako ng hangin.
"Paano ako makakapasok sa trabaho nito?" bulong ko.
"You will not though." Tumayo na si Brix at nagpagpag ng mga kamay. Humarap siya sa akin. "Tessa knows you aren't able to come for a few days. Take this as a break, too."
I winced. "So... dito lang tayo?"
"I need a massage," he said.
"I am not good—"
"Ano ba ang alam mo?" putol niya sa akin.
Uh oh. Galit na naman si Manong Brix. Pero ano bang magagawa ko kung hindi ako marunong magmasahe? Magkunwaring kaya ko at baliin lahat ng buto niya sa katawan? Wait— that's a good idea though!
Tumawa ako. "Joke. Marunong akong magmasahe. Pero dapat nakadapa ka. Natutunan ko 'to dati e. Tapos mas maganda kung nakapiring ang mga mata mo para mas feel mo!"
"So you can stab me again in the back?" he arched those thick eyebrows. "You are making me a fool, you sneaky rascal."
"Hindi ah!" agap ko.
Pumilantik ang dila nito nang dalawang beses bago umiling.
"Pero Brix, hindi alam ni Oscar na nadito tayo?" tanong ko. "As in walang nakakaalam?"
"Why? Do you want Oscar to join us?"
Mabilis akong umiling. "But he can smell us, right?"
"He can't." Muli itong umupo para lagyan ng tuyong kahoy ang lutuan. "Let's just say we are in the most distant part of the mansion. Walang pumupunta rito."
"So, bakit mo ako dinala rito?"
Napalunok ako nang bigla siyang bumaling sa akin gamit ang mga nanlilisik na mata.
"Are you dumb? Kasasagot ko lang diyan, hindi ba?" Huminga ito nang malalim. "Mabuti pa ay maghilamos ka muna, Astra. May muta ka pa sa gilid ng mga mata."
Mabilis na napahawak ako sa mukha ko.
"Bakit hindi mo sinabi agad?!"
Kumunot ang noo nito. Ilang sandali pa ay kinagat niya ang pang-ibabang labi.
"What?" tanong ko.
Lumobo ang pisngi nito bago sumabog sa isang malakas na pagtawa. Nabitiwan niya ang hawak na kahoy dahil sa sobrang tawa habang ako ay naiwang nakatulala sa kanya at naguguluhan.
"Ano, Brix? Pagtatawanan mo lang pala ako kaya mo ako dinala rito?"
"No!" He tried to halt his laugh. May tinuro ito sa mukha ko. "Forget it. Huwag ka nang maghilamos. Stay like that, Astra."
"Sabi na binibiro mo lang akong may muta ako eh!"
Naningkit uli ang mga mata nito bago tumawa.
Sa sobrang inis ko ay napatayo na lang ako at umalis. Padabog na pumasok ako sa kwarto. Umupo ako sa kama at humalukipkip.
Ano ang nakakatawa?
Kumuha ako ng towel bago humarap sa tukador. Mula sa pumupitik na reflection ko sa salamin ay nakita ko ang kulay itim na bagay sa mukha ko. Hinawakan ko ito at mas kumalat. Saka ko lang napagtanto na may uling pala ang mga kamay ko. Malamang na dahil sa kalderong hinawakan ko.
"Gago ang Brix na 'yon ah," bulong ko.
Napatitig pa ako sa mukha ko. Mayamaya ay natagpuan ko ang sariling tumatawa rin.
"Gaga, Astra. Ang dugyot mo," bulong ko.
Lumabas ako ng kwarto at hinanap ang CR. Nakita ko ito sa bandang kusina. Pumasok ako sa loob at sa kabutihang palad naman ay may tubig naman. Wala nga lang shower. Tabo lang ang gamit pero pwede na.
Naghilamos lang ako at sinigurong burado ang uling sa mukha. Gamit ang towel ay pinatuyo ko ang mukha ko. Kung si Eliyah lang ang nakakita sa akin ay malamang na kinunan na niya ako ng picture at in-upload sa Facebook.
Darn. I miss them already.
Pumasok din sa isipan ko si Dahlia. Ano kayang ginagawa niya ngayon?
Parang may bumara sa lalamunan ko nang may isa pang lalaking pumasok sa isipan ko. Hindi kailanman nawala sa isipan ko ang araw na 'yon. He will get justice for that. I promised that to myself.
Well... I am here for that.
Nang matapos ay bumalik ako sa kusina. Napahinto ako sa paglalakad dahil sa nasaksihan. Nakahubad na ang damit ni Brix na ngayon ay nakalagay sa kanyang balikat. Pinapaypayan pa rin nito ang lutuan. Tumutulo pa ang pawis nito sa kayumanggi niyang balat sa likod.
I cleared my throat. "Ano pa ang gagawin ko, Master Brix?" tanong ko.
"Ikuha mo na lang muna ako ng damit sa kwarto. Maliligo muna ako," aniya nang hindi tumitingin sa akin. "Take over this task after."
"Huh?"
Humarap siya sa akin. "Bingi ka ba?"
"Hindi..." Iniwasan kong tumingin sa kanyang dibdib. "Sabi ko nga ikukuha na kita ng damit, Master Brix. Sungit."
Pinikit ko ang mga mata ko bago tumalikod.
Shit. Araw-araw ko bang masasaksihan ang tanawin na ito?
Ang saya naman pala!
Bumalik ako sa kwarto. Hinanap ko kung saan nakalagay ang mga damit ni Brix. Puro sa akin lang naman ang laman ng iisang cabinet. Malamang na sa kanya ang malaking pulang bag sa dulo.
I opened the bag and the first thing my eyes laid on was his white t-shirts, of course. Kumuha ako no'n bago nilaliman ang hanap para kumuha ng shorts. May towel na nakatupi na nilabas ko rin. Pinaghandaan niya talaga ang araw na 'to ah?
At... wait. May kulang. Pati ba 'yon?
Bigla akong pinagpawisan. Pero sabi niya ikuha ko siya ng damit para makaligo siya. Kung pinagbawalan niya akong hawakan ito, bakit ako ang inutusan niya? Ano pa ang saysay ng pag-utos niya sa akin kung babalik din naman pala siya rito para kunin 'yon?
"OMG. Kaya ko 'to," bulong ko sa sarili.
Binuksan ko pa ang isang bulsa ng bag. Kinagat ko ang labi ko nang makita ang mga underwear niya. Kinuha ko ang pinaka unang kulay itim bago sinara uli
"Whoo!" Napahinga ako nang malalim.
I doubled check his things. White t-shirt, shorts, towel and underwear. Ito lang naman yata ang ginagamit niya? Right. Wala naman akong nakitang bra sa loob kaya malamang na ito lang.
Palabas na sana ako nang may maisip at parang gusto kong ihampas sa pader ang ulo ko dahil doon. But... this is an opportunity. Saka hindi naman niya malalaman.
This curiosity will surely put me in a huge embarrassment if get caught.
Huminga ako nang malalim. Dahan-dahan kong niladlad ang kanyang kulay itim na pang-loob. Nanginginig pa ang kamay ko dahil sa kamamadali. Baka bigla siyang pumasok.
Namula ang mukha ko nang tuluyang maladlad ang nakatuping underwear. What the fuck?! What the hell?! It completely makes sense but... how could I take this— No. Stop. Baka mabasa niya ang nasa isipan ko.
Lumunok ako bago lumabas ng kwarto nang parang walang nangyari.
Hindi mawala-wala sa isipan ko ang size niya. I mean... sa hubog ng katawan pa lang niya ay masyado nang halata. What's so surprising about this? Shit. Stop thinking about it if before you even mess up yourself, Astra!
Naabutan ko si Brix sa tapat pa rin ng lutuan.
"Ito na, Brix." Shit. Lumulubog ang boses ko.
Humarap naman niya sa akin. Binigay niya ang pamaypay sa isa kong kamay bago tinanggap ang mga damit. Mabilis na lumapit ako sa lutuan at pinaypayan ito.
"Shit," I mumbled again.
Puro mura na ang mga lumalabas sa bibig ko. Sino ba naman kasing hindi mapapamura?
"Astra?"
"Hoy. Inutusan mo ako!" Dinuro ko sa kanya ang pamaypay na hawak ko. "Ikaw na lang dapat ang kumuha kung papagalitan mo rin naman ako! Saka... I don't care. Walang malisya."
Bumali ang leeg nito. "What?"
Umirap lang ako bago bumalik sa pagpaypay sa lutuan.
Sobrang kabado ako ngayon.
"Akala ko tinupi ko ang mga damit ko," dinig kong bulong niya. "Did you happen—"
"Ewan!" putol ko sa kanya. "Baka ulyanin ka na? Matanda ka na, hindi ba? Hindi naman nakatupi ang underwear mo," saad ko habang tutok pa rin sa niluluto. "Maligo ka na, Brix. Baka mamatay ang apoy nito. Hindi ako marunong magpadingas."
"All right. Huwag mong tigilan sa pagpaypay. There's a pipe there, you can use it to blow."
Napunta sa kanya ang atensyon ko. "N-nasaan?"
Lumapit siya sa akin at kinuha ang isang kulay itim na tubo.
"Bulag ka ba?" pagsusungit na naman nito.
"Sorry naman ah?" pabalang kong sagot.
Kasalanan ko bang masyado akong binulabog ng underwear niya?
"Kapag humihina ang apoy gamitin mo 'to, dagdagan mo rin ng kahoy," paalala niya. Inabot niya sa akin ang tubo. "Huwag maarte. Hindi 'yan marumi. Kasya naman siguro sa bibig mo 'yan, 'no?"
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Mahina akong tumango.
"Yes, Master Brix," mahinahon kong sagot.
Nang marinig ko ang pagbukas at sara ng pinto sa CR ay napabuga ako ng hangin. Binitiwan ko ang pamaypay na hawak at ginamit na lang ang tubo na binigay ni Brix.
Namula ang mukha ko.
What the hell am I thinking?
But... that was... freaking... huge.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro