Chapter 32
Chapter 32: Bed
I realized something while kissing him. Whatever I do, I will always be the one ends up craving for more. Gusto kong hanapin niya rin ang labi ko, na sa tuwing tatangkain kong ilayo ito ay aagapan niya agad para tumagal. It turned out the other way around. Ako rin sa huli ang natatakam at naghahabol.
Maybe Albina made some points.
I separated our lips as I gasped for air. As expected, he didn't even stop me. Magkalapit pa rin ang mga mukha namin at tugma ang aming tingin. I tried to read him but I couldn't. I wanted to know he feels about this or if this one even matters to him.
Sumandal ako uli sa upuan ko at tumuwid ng tingin. Ramdam kong nakatingin pa rin sa akin si Brix. Ilang sandali pa ay bumalik sa manibela ang kanyang mga kamay.
"I wonder who is a better kisser," I heard him asked.
He didn't get a response from me.
Hindi ko tuloy alam kung totoo bang umalis siya dahil parang alam niya lahat ng nangyari. Hindi naman pwedeng si Erikson ang nagsuplong sa akin dahil maging siya ay halatang gulat sa biglaang pagsulpot ni Brix.
But that proved my point. He can see everything. Anything that I do, no matter how tiny it is, he notices.
Nagawa niya akong ihatid sa bahay nang hindi kami nagkikibuan. Nasa loob pa lang ako ng sasakyan ay napansin ko agad si Eliyah na nakaupo sa gilid ng gate nila. Nung makita niya ang sasakyan na pumarada ay agad itong napatayo.
"Good night," said Brixton.
"Sa loob ng gate mo na lang iparada ang sasakyan mo," saad ko bago hinawakan ang pinto. "I will open the gate for you."
"Wait—"
Hindi ko na siya hinintay na makapagsalita. Lumabas ako agad at binuksan nang malawak ang gate. Ramdam ko ang pinsan ko na nakamasid sa hindi kalayuan.
Brix lowered the window. "I am not going to stay here tonight," he said.
"No. You are staying here tonight, Brixton Cardinal," matigas kong sambit. "Hindi mo ba naiisip na baka 'pag-uwi mo ay may panibagong mission na namang nilaan sa 'yo si Lord Severo? I know you are freaking strong but fuck it, Brixton. You are exhausted. Stay here tonight. Rest your mind and fangs."
Umawang ang labi nito. Huminga siya nang malalim bago tumango. Muli niyang tinaas ang bintana ng sasakyan. Gumilid naman ako para bigyan siya ng daan papasok.
Habang nagpa-park si Brix ay nilapitan ako ni Eliyah.
"Astra. Saan ka galing?" alalang tanong nito. "Ilang araw kang nawala. We were worried."
"Halos dalawang araw lang, Eliyah—"
"Lang? Is that all? You didn't even tell us." Madiin ang boses nito, pilit na ipinupunto sa akin ang bagay na 'yon. Tumagos ang tingin nito sa likod ko. "Were you with that enigmatic guy?"
I just nodded.
Narinig ko ang pagbukas at sara ng pinto ng sasakyan pero ang tingin ko ay nanatili kay Eliyah. He seemed in deep confusion. This is what happens when I hover around them. Ayokong mas lumala pa ang mga katungan nila.
If I can't give them a clear explanation, might as well not give them every reason to ask.
I let out a heavy sigh as I put my hand on his shoulder. Hindi ko inalis ang titig sa kanyang mga mata at gano'n din naman siya.
"I'm good, Eliyah," I whispered with all authenticity.
"Alam ko naman 'yon." Bumuga ito ng hangin. "But that won't change the fact that you suddenly disappeared. Answer my question, where have you been?"
"You invited me in just to talk to someone else?" reklamo ni Brix sa likod ko. "I'd rather go on a mission than to witness this dramatic human interaction, Astra."
Fuck. Can't he just stay silent for a while?
"Huwag mo na akong hanapin, Eliyah. Huwag kang mag-aalala. Palagi akong nasa maayos na kalagayan." Iyon lang ang kaya kong ipunto sa kanya.
Tumango na ako kay Eliyah bago hinimas ang kanyang mga balikat. Nginitian ko siya para kahit papaano ay bumaba ang pag-aalala niya. Subalit hindi natinag ang pagkalito sa kanyang mga mata.
"A-are you leaving?" he suddenly asked. "Mas matagal na 'to ngayon? Will it take days? Weeks? Months? I need clarification, Astra. Pamilya mo pa rin kami. Don't you think we deserve an explanation?"
"Take care of yourself," I muttered, ending this conversation. Binitiwan ko na ang kanyang mga balikat. Inaantok na talaga ako. Hindi rin ako gaanong nakatulog sa mansion. "Don't worry, Eliyah. We will still see each other. That's a promise."
"Where?" sunod na tanong nito.
Narinig ko ang pagpapatunog ni Brix sa kanyang dila. Halatang inip na inip na ito kaya bumaling ako sa kanya.
"Mauna ka na sa loob, Brix," sabi ko.
He looked at me idly.
"Nah. Don't tell me what to do." Sumandal pa ito sa kanyang sasakyan. "Come on. Tell that human to worry about himself more. You don't need that."
"Brix..." I glared at him.
He looked away and pretended not to hear.
"Saan ka naman pupunta, Astra? Bakit bigla kang nagbago?"
Napunta uli kay Eliyah ang atensyon ko.
"You don't need to know," diretso kong sagot. "I will live my life wherever I go. That's what I also want you to do. Bibisita naman ako kapag medyo lumuwag na ang schedule ko—"
"Eliyah!" Tumagos sa likod ni Eliyah ang tingin ko. Nakatayo si Tita Ophelia. Nang mapansin ako ay agad itong tumakbo palapit sa amin. "Animal ka, Astra! Saan ka galing? Jusmiyo! Balak na sana kitang ipag-print ng missing poster!"
"She's leaving..." Eliyah interrupted.
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Brix sa likod at ang bulong nitong, "Here comes another dramatic extra character in this hell of a story."
"Leaving? Aalis? Si Astra?" takang tanong ni Tita Ophelia. Namilog ang kanyang mga mata. "Sa ibang bansa ba 'yan? Nag-snow? Sama naman kami!"
Napangiwi ako. Mas humirap ngayong magpaliwanag.
Naramdaman kong lumapit sa akin si Brix at inakbayan ako.
"I am with her," he said.
"Ano ngayon? Hindi naman ikaw ang gusto kong makasama— Teka. " Nilapitan ni Tita si Brix. "Ikaw na namang animal ka? Sabi na! Kaya pala biglang naglaho si Astra— may sa demonyo ka talagang lalaki ka!"
"Is that a compliment?" Brix let out a heavy sigh. "She's leaving with me whether you like it or not. It's not like you can do anything about it though. Now. Get a life."
"Will you protect her?" biglang tanong ni Eliyah na ikinagulat ko.
He looked so serious while staring at Brix. Pakiramdam ko ay isang salita lang kay Brix ay agad itong papayag at isang salita lang din ang kakailanganin upang humadlang ito.
"Is that even a question?" balewalang sagot ni Brix.
"That's not the answer I want to hear."
"Oh fuck. Fine. I will."
"Okay." Bumalik sa akin ang tingin ni Eliyah. "You are always welcome here, Astra. Anytime. Huwag mong pababayaan sarili mo ah? Kapag hindi mo na kaya pwede ka namang bumalik dito."
"Saan ba talaga ang punt—"
"I understand," sagot ko kay Eliyah. Hinawakan ko na ang braso ni Brix at handa nang umalis. "Thank you, Eliyah. Good night, Tita. Please be good."
Hinila ko na si Brix papasok sa bahay. Narinig ko pang nagreklamo si Tita pero hindi na ako lumingon pa. Pagkapasok namin ay agad kong sinara ang pinto.
I bit my bottom lip.
Bumigat ang paghinga ko. I didn't prepare myself for that. Ang balak ko ay aalis ako nang hindi nila alam. Pero maganda na rin ito. At least ay payapa akong hindi na sila mag-aalala.
"Finally!" Pabagsak na humiga si Brix sa sofa. Bahagyang tumaas ang kulay puti niyang t-shirt. Ginawa niyang unan ang kanyang braso habang nakatingin sa akin. "Ang akala ko ay buong magdamag kayong mag-uusap."
Umupo ako sa tabi niya. Bumuntonghininga ako.
"That was a joke," biglang sabi ni Brix na ikinalingon ko. "Why would I protect you? I don't serve you. Forget what I've said."
"I know, Brix. Alam kong hindi ka tapat sa mga salita mo."
"What?" Napabangon ito. Nag-indian sit ito paharap sa akin. That was supposed to be a joke, but I don't think this man takes a joke. "I am a man of words. Sinabi ko lang 'yon para matigil na siya. You know how much I hate watching human interactions."
"Oh." Marahan akong tumango. "The hypocrisy jumped out."
Nakaramdam ako ng pagpapawis kaya tumayo na ako. Nanlalagkit na rin ako. Pero bago pa man ako tuluyang umakyat sa kwarto ay bumaling ako uli kay Brix. Bumalik ito sa pagkahiga.
"Wala kang damit dito, Brix," paalala ko.
"Naligo na ako—"
"Uminom ka ng alak!" singhal ko. Napaisip ako kung paano ang gagawin. "Ayos lang ba sa 'yong magsuot ng damit ko? Wala namang makakakita kung hindi tayo."
"Oh, God. I hate humans so much—"
"Fine!" Nakaisip ako ng panibagong paraan. "Diyan ka lang muna ah?" paalala ko bago naglakad papunta sa pinto. "May kukunin lang ako kay Tita Ophelia."
"Sasama ako." Mabilis itong bumangon.
Pinaningkitan ko siya ng tingin. "Duwag ka ba? Diyan lang 'yon sa harap!"
"Ayoko. Baka mag-drama na naman kayo—"
"Oh, God. I hate vampires so much."
"You are one..."
I glared at him.
"Fine. 120 seconds." Bumalik ito sa pagkakahiga at pinatong ang mga binti sa itaas ng sofa. "If you aren't here after 2 minutes, tell the devil I am coming."
"OA," bulong ko.
Pagkalabas ko ay tumakbo ako agad. Napamura pa ako sa isipan ko. Hindi ko alam kung nagbibiro lang talaga si Brix pero bahala na. Kesa naman sa matulog siya nang 'di naglilinis ng katawan.
Mabuti na lang ay naabutan ko si Eliyah na palabas ng pinto at magtatapon ng basura. Gulat ito sa agad kong pagsulpot.
"Whoa. Miss mo na ako agad?" biro nito.
"May extra shirt ka ba diyan?" tanong ko.
"Syempre. Para sa lalaking 'yon ba?"
"Yes. Pakibilis naman, please?"
"May time li—"
"Ako na rito!" Hinablot ko sa kanya ang plastic ng mga basura na itatapon niya. "Pakikuha na, please? Saka huwag mo nang sabihin kay Tita na nandito ako. Bilis na." Halos ipagtulakan ko na siya.
"Err. Okay?"
Nang makapasok siya ay tinapon ko sa basurahan ang mga plastic ng basura. Napahawak ako sa dibdib ko nang makita si Brix na nakatayo sa tapat ng gate ng bahay ko.
Shit. He startled me!
"1 minute," he muttered.
Inirapan ko lang siya. Bumalik ako sa tapat ng pinto ng bahay nina Eliyah. Narinig ko ang boses ni Tita Ophelia sa loob. Napailing ako. Mami-miss ko ang pagbubunganga nito.
Ilang segundo pa ay lumabas na agad si Eliyah.
"Hindi ko alam kung kasya ba sa kanya—"
"That's fine!" Mabilis na hinatak ko sa kanya ang t-shirt. Paalis na sana ako pero bumaling ako uli. "Thank you, Eliyah. Babalik ko rin sa 'yo. Goodnight!"
"Don't sleep in the same room!" pahabol ni Eliyah.
Wala na si Brix sa harapan ng bahay.
Naglakad na lang ako pabalik. Naabutan ko si Brix galing sa kusina. May hawak siyang supot ng dugo at umiinom doon. Sinimot niya 'yon at pagkatapos ay dinilaan ang labi.
"You are quick," he smirked.
"Maghilamos ka." Hinagis ko sa kanya ang damit ni Eliyah at agad naman niya 'yong nasalo sa isang kamay. "Amoy alak ka tapos uminom ka pa ng dugo. Kahit t-shirt mo na lang ang palitan mo."
"This?" Brix looked disgusted while looking at the t-shirt.
Napakagat ako sa ibabang labi. Hindi ko napansin na may Spongebob print ang t-shirt na pinahiram ni Eliyah. Hindi ko tuloy alam kung nanandya ba siya o ano. Ang dami niyang puting t-shirt na pwedeng ipahiram!
"No. There's no hell I will wear this one."
"Then, go home instead." Humalukipkip ako. "This is my house. My rules. Kung hindi mo kayang sumunod sa patakaran ko ay pwede ka nang lumabas, Brixton."
His lips slightly parted. "Are you kidding me? Hindi ko naman talaga planong matulog dito—"
"Wear that or go home. You choose, Mr. Cardinal." Saka na ako tumakbo paakyat.
Pagkapasok ko sa kwarto ko ay hindi ko naiwasang hindi matawa. Hindi ko alam kung susuotin niya ba 'yon. Knowing Brix, he would rather go home than wear something only humans would wear.
I wouldn't even be surprised if he left by now.
Pagkabukas ko ng cabinet ay gumulat sa akin ang mga bagong damit. Hindi ko na kailangang isipin kung kanino galing ang mga ito. Sa kulay pa lang nitong pula.
"Hmmm..." I murmured while rummaging the closet.
I end up choosing this red silk satin lace strap nightwear. I haven't worn like this at night but I want to try. Mukha namang presko sa katawan. Gusto kong makatulog nang mahimbing ngayong gabi.
I took a quick shower. Pagkatapos ay sinuot ko na ang nightwear. Nagpatuyo ako ng buhok sa blower. Natututunan ko na rin na hindi tumingin sa salamin. Nakakahilo lang ang pagpitik ng reflection doon.
Pinagmasdan ko ang suot ko. Yep. It really feels refreshing.
Napatingin ako sa gunting na nakapatong sa table. I don't remember using a scissor. Napansin ko rin na nakabukas nang bahagya ang drawer kaya dali-dali ko 'yong tinungo. Inilabas ko ang towel na ginamit ko kay Brix.
Napailing na lang ako. Hindi na talaga nakatiis ang bruhang Albina na 'yon. Hinati niya ang towel at mukhang nakalimutan niya pa ang gunting sa kakamadali.
I kept the scissor inside my nightwear.
Tapos na rin akong magpatuyo kaya bumaba ako para silipin kung nandito pa ba si Brix. Naabutan ko siya sa sofa, nakasandal sa sofa habang nanunuod ng TV.
Oh. He didn't leave yet.
Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi para pigilan ang pagtawa. Masyadong hapit sa kanyang katawan ang pinahiram na t-shirt ni Eliyah. Spongebob printed t-shirt has never looked this good.
Oh, man. Lahat na lang yata ay babagay kay Brix.
Lumapit ako sa kanya pero hindi man lang niya ako nilingon. Hindi ko masasabing nanunuod talaga siya. Nakatingin lang siya sa TV pero halata ang kawalan ng pagkainteresado sa kanyang seryosong mukha.
Don't tell me it's because of that shirt?
"Whoa. I didn't know you are into human TV shows," I mocked. "Good choice though. Mukhang maganda 'yan."
Inabot niya ang remote control ng TV at agad na in-off 'yon. Pagkatapos ay binato niya ang remote sa wall. Napangiwi ako nang madurog 'yon at kumalat sa sahig.
"This feels itchy," reklamo pa niya.
Umangat ang tingin niya sa akin. Sandali niyang pinasadahan ng tingin ang katawan ko.
"That's Nath's, right?" he asked.
"Yes. Binigay na niya sa akin so... It's mine now." Umikot ako sa kanyang harapan para ipakita sa kanya ang suot ko. "Bagay naman sa akin, hindi ba?"
"You look comfortable in that. Tapos ako..." reklamo pa nito.
Nagkibit-balikat na lang ako. He didn't even compliment me! I know I look so good in this nightwear. Malamang na kung may ibang lalaking makakakita lang sa akin ay agad akong pupurihin.
But... I am not giving up!
Lumapit ako sa TV at doon 'yon binuksan bago bumalik sa sofa at humiga. Nasa dulo ng mga paa ko si Brix. Mukhang wala na talaga ito sa mood. Mayamaya rin ang pagsulyap niya sa kanyang suot.
Pasimple kong tinaas ang aking binti sa ibabaw ng sofa.
Napatingin sa akin si Brix pero agad ding umiwas ng tingin. Kumunot ang noo nito.
I am laughing hysterically in my head. I know what I am doing and... what Brix is seeing. Well... he is not interested in what I am watching so I am giving him something I think he would love.
"The smell," I heard him mumbled.
Mabilis na bumaba ang mga binti ko at napaupo.
What the fuck?!
Narinig ko ang mahina nitong pagtawa kaya hinampas ko siya sa braso.
"Fuck you, Brix! Hinugasan ko 'to!"
Damn. He managed to turn the table around just like that. Ngayon ay ako naman ang halos lamunin ng lupa dahil sa hiya. But... I really washed it. Duh. Why would I do this if I didn't?
Brix looked at me confused. "The smell of this house. Ilang araw na ba 'tong hindi nalilinis?"
Mas lalong namula ang mukha ko.
"O-oo nga 'no? Medyo maamoy na," patay-malisya kong pagsang-ayon. "Matagal na rin kasi nung huli akong nakapaglinis. Pero... hindi na mahalaga 'yon. Aalis na rin naman ako bukas." Tinakpan ko ng tawa ang hiya na nararamdaman.
Sumilip ang isang ngiti sa kanyang labi.
"What?" nagtaas ako ng kilay.
Umiling ito.
"White," he mouthed.
Nanlaki ang mga mata ko. "Y-you... what the fuck, Brix? Sinisilipan mo ba ako?"
Napatakip ako sa aking bibig.
"You did it intentionally," sumeryoso ang mukha nito. "Tinataas mo ang binti mo para masilipan kita. Congrats. Your planned work. Juts don't put the blame on me and stop acting the victim."
"Ha?" Nagkunwari akong hindi alam kung ano ang sinasabi niya. "Ang kapal ng mukha mo! Kasalanan ko bang tumingin ka? Bastos ka, Brix! Bastos! OMG!"
Napailing lang ito.
"Enough of this bullshit. Matutulog na ako, " pagpapaalam nito bago tumayo. Mas lalo ko tuloy nakita ang print ng kanyang t-shirt. "I will take this off if you think I can sleep with this on. Goodnight."
I winced. Is that all?
Tumalikod na ito at nag-umpisang maglakad palayo.
No. We are not done yet.
Huminga ako nang malalim bago kinuha ang inipit kong gunting. Hindi ako nag-aksaya ng panahon. Habang hindi nakatingin si Brix ay kinuha ko ang pagkakataon para tumakbo palapit sa kanya.
I was fast... I know. I did everything to be as fast as possible with this one.
Fuck!
I was about to stab him in the back when he suddenly turned his head on my direction. I wasn't surprised he felt it but what caught me off guard was his... smirk.
What?
Gamit ang kanyang mahabang braso ay hinawakan niya lang ang ulo ko. Sa ganoon kasimpleng paraan ay nagawa niyang pigilan ang takbo ko. Nabitiwan ko ang gunting nang buhatin niya ako at nilagay sa kanyang balikat.
"H-hoy! Ibaba mo nga ako!"
Nagpumiglas ako pero wala akong nagawa.
"You need to get punished for that you bad girl."
Ilang beses akong lumunok nang maipasok niya ako sa isang kwarto dito pa rin sa ibaba. Kinandado niya ang pinto at binato ako sa kama. Mabilis na tumayo ako at tumakbo sa sulok.
He crossed his arms on his chest while staring at me ridiculously.
"Hindi ba ito ang gusto mo?" tanong niya. "You want me to be your first. I am granting it, Astra. Why are you acting like this now?"
"H-hindi sa ganitong paraan," nauutal kong paliwang. "I wanted it to be a memorable one. Kailangan may petals of red roses sa paligid at maraming mabangong kandila! Dim ang lights at pang-bride ang buhat! You did all the opposite! I wanted it to be at least romantic!"
Mas lumawak ang ngiti sa kanyang labi.
"Red roses? You love it bloody?"
I immediately shook my head. Tila natuyuan na ako ng laway sa mga sandaling ito.
Is this it? Why am I being paranoid then?
"How do you want it then?" he asked instead. "Hindi ko ito palalagpasin. You need a punishment for every time you will try to stab me. Hindi pwedeng ikaw lang ang kumikilos. Your failure is my success."
"Alam kong maiiwasan mo 'yon!"
"Alam mo pala pero bakit mo pa ring sinubukan?" Hindi nawala ang mapang-asar na ngiti sa kanyang labi. Humakbang ito isang beses palapit sa akin. "You tried to penetrate that scissor in my back. Maybe you need a penetration, too, in return?"
Halos lumuwa ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.
"Saka..." Hinawakan niya ang laylayan ng kanyang t-shirt. "Masyadong makati ang damit na ito." Saka niya hinubad 'yon at tinapon sa ibang panig ng kwarto.
Kahit na katatapos ko lang maligo at presko ang suot ko ay pinagpawisan ako.
He stood there shirtless. I didn't know he could surpass how amazed I was with Oscar. Hindi kailangan ni Brix ng kahit na anong props or background. He could stand there without doing anything and make you lose your mind.
Shit shit! Parang sinasapian ako ni Albina ngayon. Everything she said is making sense now.
I gulped.
"Okay..." bulong ko.
Nawala ang ngiti nito sa labi nang punitin ko ang suot ko sa kanyang harapan. I ripped it off until I am with nothing but my underwear. I flashed my smile after.
His adam apple's moved.
Lumapit ako sa kanya at pinaragasa sa kanyang katawan ang aking kamay. Mainit ang katawan nito at ramdam ko sa aking mga palad ang batak niyang dibdib. After on his chest, I caressed his biceps. He didn't flinch so I didn't stop either.
I put my lips on his neck and gave him small kisses. Kinailangan kong tumingkayad para maabot 'yon. Nang mangawit ay bumaba sa kanyang dibdib ang aking halik.
I looked up at him. His eyes were burning while staring back at me.
I put my hand on his crotch. Nagawa kong ibaba ang zipper ng kanyang pantalon.
He didn't stop me.
I was about to unbutton his pants when he grabbed my hand and pushed me in bed. Pumaibabaw siya sa akin at sinimulang halikan ang aking dibdib pataas sa aking leeg.
The tickling sensation made my hands scratch his back. Napaliyad ako dahil sa ginagawa niya. I was biting my lips to suppress the moan that's forming in my throat.
Fuck you, Albina! You a liar! This is nothing compared to your statements!
I felt his tongue licking my neck. Halos mamaluktot ako sa sobrang kiliti na nararamdaman. I tried to push him but he put my hands above my head, blocking my movements.
"Brix!" There, I moaned his name when I felt his fangs penetrated my neck. His right hand was on my thigh and making its way up to my undies. Napapapikit ako. "Shit. That feels good, Brix..."
I could feel the burning sensation in my entire body. His soft lips... his warm breath... and how he sucks my blood. My feelings were swirling, igniting every dead cell in my body.
Something inside me has awakened. My eyes felt scorching again. I felt so thirsty right now. I didn't know I would want him this bad that his light movements were making me so mad.
We could have been more than this by now if he wasn't so gentle!
Buong pwersa ko siyang tinulak. Nahulog siya sa ibaba ng kama at mabilis akong gumalaw. Ako naman ngayon ang pumaibabaw sa kanya. Napangisi ito dahil sa reakyon ko.
"You look good in red eyes, Milady..." he whispered.
I crashed my lips into his.
It didn't last like that. Tinulak niya ako. Tumama ang likod ko sa pader at narinig ang pagdagundong na dulot no'n, pero hindi ako nagpatinag. Mabilis akong lumapit sa kanya pero nagawa niya akong iwasan.
Shit. Nawawalan ako ng control sa sarili.
"That's right, Astra. Feel it."
Sinubukan ko siyang habulin pero masyado siyang maliksi. Binuhat niya ang kama at binato sa direksyon ko. Sinalo ko 'yon gamit ang mga kamay ko at binato pabalik sa kanya.
He managed to flinch it. Tumama ang kama sa pader na naging dahilan para masira ito.
Tumakbo palabas ng kwarto si Brix kaya sumunod ako.
Bigla siyang nawala sa aking paningin. Nagpalinga-linga ako sa paligid pero hindi ko siya makita. I couldn't even feel his presence. No. He can't leave me like this. Not fucking again!
"Brix!" I screamed his name.
I heard a chuckle somewhere.
Hindi ko alam kung bakit ko ito nararamdaman. Sa bawat segundong lumilipas na hindi ko siya nahahawakan ay mas bumibigat ang pakiramdam ko. Kung magpapatuloy ito ay baka mawala na ako nang tuluyan sa sarili.
"Show yourself, you jackass!" I yelled.
Lahat ng mahawakan ko ay binabato ko at lahat ng madadaanan kong lamesa ay tinataob ko. I wanted to restrain this feeling but it's too much to handle.
I want him so fucking bad!
"Conceal, Astra."
Napasinghap ako nang naramdaman ko sa likod ko si Brix. Hindi ako agad nakakakilos. Nahawakan niya ang dalawa kong kamay at tinali ito sa likod ko. Pagkatapos ay sinipa niya ang tuhod ko kaya napaupo ako sa sahig.
"Fuck you, Brix! Let me go!"
Umupo siya sa harapan ko. Bakas sa kanyang mukha na labis siyang nasisiyahan dahil sa paghihirap ko. He wiped the blood on my neck using his index finger and he licked it in front of my eyes.
"Your blood makes me want to be selfish with you," he whispered.
I tried to free myself but Brix made sure I wouldn't succeed. Parang ito ang ginawa nila sa akin dati. Sa bawat galaw ko ay pahigpit nang pahigpit ang kapit.
Naramdaman ko ang pagbagsak ng lakas ko.
"That's your punishment for being a bad girl. Have a good sleep, Astra."
Naramdaman ko na rin ang unti-unting pagbagsak ng mga talukap ng mata ko. Sa bawat sandaling hindi niya binibigay sa akin ang gusto ko ay pababa nang pababa ang lakas ko.
Tumayo siya at sinara ang zipper ng kanyang pantalon saka siya lumapit sa akin. Binuhat niya ako pero sa pagkakataong ito ay maingat na. Wala akong nagawa kung hindi hayaan siya.
I wanted to curse him for making me feel this way but right now... my body needs sleep more than anything.
"Happiness. Ah! This feels good." dinig kong bulong ni Brix na sinabayan pa ng mahinang pagtawa. "Oscar has been reminding me how lucky I am for having you. Maybe he hit it right this time."
Sa pagkakataong 'yon ay tuluyan na akong nawalan ng malay.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro