Chapter 28
Chapter 28: Reason
Lord Severo guided me to the table for seniors. Si Tessa ang agad na ngumiti sa akin, katabi niya ang isang senior na ngayon ko lang nakita. He's probably Mr. Escariaga. I can say that because he resembles the naughty and annoying bartender kid from Nightscape Club, Resty.
Lumipat sa isa pang babae ang aking tingin. Maiksi ang kulay brown na buhok nito at singkit ang kanyang mga mata. Katabi niya si Mr. Reggar na malamang ay ang kanyang asawa.
"Milady, meet Lady Astra. She's Brixton's chosen one. Lady Astra, she's Lord Reggar's wife." Mr. Severo introduced me to that lady with short hair. "Lord Escariaga... Astralla Martin. She'll be my accompany tonight."
Ngumiti ang babaeng maikli ang buhok. Tumayo ito saka lumapit sa akin. Wala rin akong nagawa kung hindi ang tumayo para harapin siya.
"I've been staring at you for a while now, Lady Astra." Her voice was gentle and as soft as the background music. "I'm sure I wasn't the only one struck by your presence. I'm Lady Merlaine anyway. It's a pleasure to meet you, darling..."
"Red reminds me of your daughter, Lord Severo," I heard Lord Reggar said. "I really think red is the rightful color to symbolize a Cardinal."
I sniffed when she pulled me for a hug. Yumakap din ako pabalik, maingat baka magulo ko o magusot ang kanyang magarang kasuotan.
"Welcome to Nightfall Clan. Have fun tonight," sambit pa ni Lady Merlaine bago kami bumalik sa upuan.
Nakipagkamay rin ako kay Lord Escariaga.
"So... she's that girl." Nilingon ni Lord Escariaga si Tessa bago bumaling uli sa akin. "I can see very well why my son is eager to date you." Saka siya humalakhak.
Bumaling ako kay Lord Trojan na tahimik lang at nakikinig sa amin. Hawak nito ang isang wine glass na natunawan na ng yelo. Wala siyang kasamang babae. Baka hindi rin nakadalo gaya kay Lord Wenson.
"I haven't seen Oscar yet, My Lord," ani Tessa na nakangiti. She looks gentle now. Hindi halatang may iba siyang lalaki sa bar. "And... Of course, Brix wouldn't be here. Nath is probably on her business."
"Just an ordinary event for Cardinals." Tumawa si Lord Wenson.
Mahina ring tumawa si Lord Severo. "He's probably with Celeste now. Having the first experience for tonight."
Sunod na humalakhak ay si Lord Escariaga. "He never changed. Masyado siyang malapit sa kanyang alipin, Lord Severo! It's amusing."
"That's honestly quite disturbing, don't you think, Lord Severo?" Sumali sa usapan si Lord Trojan. Ininom nito ang alak na hawak bago uli nagsalita. "I mean... according to the rules, that's alarming."
Napasinghap ako nang dumapo sa hita ko ang kamay ni Lord Severo. Alam kong napansin 'yon ni Tessa kaya umiling ito. Nagsalin ito ng alak sa baso at inabot sa akin.
"Chill, Lady Astra..." Saka ako kinindatan ni Tessa.
"Very well, Lord Trojan," nakangiting sagot ni Lord Severo. Tumingin muna ito sa akin bago nagsalita uli. "I am sure my son is still in his right mind. He wouldn't stoop that low for a slave."
That hit me.
Ininom ko ang inalok na alak ni Tessa.
"Oscar is just that friendly, My Lords," I interrupted the conversation. "I'm pretty sure even Celeste is aware of that rule, too."
Yes. She is well aware.
"Is that so?" Napansin ko ang nakakalokong ngiti na pumorma sa labi ni Lord Trojan. "Anyway, how's being the slave of Brixton, Lady Astra?" He added.
I cleared my throat.
"What can I say, My Lord? Don't you know how this one works?" I asked, sarcastically. "I mean... of course, katulad lang din naman sa iba. He will just call me when he needs something. Not that I am complaining."
"How about the ritual?" Lord Escariaga asked.
Damn. Here comes the damn ritual again.
"Hindi ba nasabi na 'to sa atin ni Lord Severo?" si Lord Reggar na naiiling na lang. "It will happen in Brix's preferred time. Wala tayong magagawa roon. That is... if he still is interested in her. Lord Severo is here if ever the rejection happens anyway. Astra is in safe hand whatever happens."
Kumuha ako ng alak at nagsalin uli sa baso ko. Hindi ako makasabay sa topic nila. Medyo akward dahil ako pa ang pinag-uusapan sa lamesa na ito.
"Why not?" Si Tessa. "Astra is a lovely woman. I'm sure Brixton knows what he would me miss if ever. Right, Lady Merlaine?"
Tumawa si Lady Merlaine. "Only fools would deny Astra's impeccable presence. Even Lord Escariaga's son is drooling for her."
Napangiti ako sa sinabi nila. I hope these boomers will stop with this now.
"That's enough," putol ni Lord Severo sa usapin bago inalis sa aking hita ang kanyang kamay. "I don't think Lady Astra still feels comfortable hearing your opinions. I invited her to have fun and to meet the others, not for you to interrogate her. No offense, My Lords."
Napatikhim ang mga kasama namin at hindi na rin muna nagtanong tungkol sa akin.
While the waiters are serving us food. I wandered my eyes around. Si Resty ang agad na naagaw ng aking pansin dahil malapit lang ang kanilang lamesa sa amin at nakatingin din siya sa akin.
"Hot," he mouthed as he smirked.
I just rolled my eyes before I roamed my eyes again. I tried to find Erikson but he is nowhere to be found. Nakita ko na rin si Laura, kasama si Adrian. Even... Randolf is here, too.
"Greetings, My Lords..."
Nabaling sa bagong dating ang aking atensyon. Sa wakas ay nandito na rin sina Oscar at Celeste. Oscar looks hot in that black tuxedo with a gentle smile on his lips. Also, Celeste might be bowing her head but she looks elegant and precious in that white gown with pearl embroidery.
"Oh. You are finally here, Oscar," Lady Tessa said.
"Greetings, Milady..."
Napangiti ako kung paano salubungin ng mga seniors si Oscar. Lahat sila ay nakangiti sa kanya... even Trojan. He really earned their respect. I wonder if they show the same treatment as Brix?
Are they obedient and respectful with Brix?
I noticed something. They don't even acknowledge Celeste's presence. Nanatili pa rin ito sa likod ni Oscar, nakayuko habang hinihintay na matapos si Oscar sa pagbati.
"Hey, Astra." Nakita ko ang galak sa mukha ni Oscar. "You look... gorgeous. Would you mind?"
He tried to reach for my hand but I flinched it away. I made sure it wouldn't be that obvious to the seniors though.
Tumayo ako at nilapitan si Celeste.
"Hey..." I called her attention.
Umangat naman ang tingin nito sa akin. Mas lalo kong napagmasdan ang maamo nitong mukha kung saan may bahid ng lungkot.
"You look stunning, Celeste." I smiled.
Ramdam ko kung gaano ito kakabado. Maging ang kanyang ngiti ay halatang pilit. Nakikita ko tuloy sa kanya ang sarili nung lumabas ako kanina.
I pulled her for a hug.
"Thank you for last night," I whispered.
"No worries, Astra. You look stunning, too," sagot nito sa mababang boses.
Hinarap ko uli siya.
"Aren't you going to join us?" tanong ni Lord Wenson nang magpaalam na si Oscar.
"I am afraid I would like to celebrate with my cousins, My Lord," ngiting tugon ni Oscar bago kami nilapitan ni Celeste. "Hey. Are you good?" tanong niya sa akin.
Humakbang paatras si Celeste pero agad kong hinawakan ang braso niya.
"I am. Thanks, Oscar. Lord Severo makes me feel comfortable," I responded.
Naguluhan ang kanyang tingin. Alam kong batid na niya ngayon na may mali.
Alam kong wala akong karapatang manghimasok sa relasyon nila ni Celeste pero hindi ko lang mapigilan. Sa tuwing nakikita ko na ang lapit nila sa isa't isa kapag walang nakakakita ay naiinis ako. Pakiramdam ko ay may nararamdaman din siya kay Celeste pero hindi niya lang din maamin.
"Sige na, Astra," ani Celeste na nakangiti na ngayon. "Bumalik ka na sa lamesa niyo. I'm fine. Thank you."
Bumuga ako ng hangin bago tumango. Muli ko siyang niyakap bago bumaling kay Oscar. Naguguluhan pa rin ang tingin nito sa akin.
"What did I do?" he asked.
"Nothing." I bit my bottom lip as I shook my head. "Sorry." Saka na rin ako bumalik sa pwesto ko.
Pinagmasdan kong maglakad sila Oscar at Celeste sa table nila Resty. Napansin kong halos hindi niya dikitan si Celeste. Ganito ba talaga ang trato niya sa kanya sa harap ng iba?
Napabuga na lang ako ng hangin. Saka ko lang napagtanto na wala na sina Lord Reggar, Lord Escariaga, Lady Melaine at Tessa. Natanaw ko sila sa harapan, mahinang sumasayaw. Tanging kami lang nila Lord Severo, Trojan at Wenson ang naiwan.
"Why don't you dance Lord Severo, Lady Astra?" suhestyon ni Lord Wenson. "Wala lang akong partner ngayon. Kung hindi ay nasa harapan na rin ako." Natatawa pa ito.
"Wanna dance?" Lord Severo asked.
"Sure." I smiled.
Nauna siyang tumayo bago naglahad ng kamay sa harapan ko. Tinanggap ko 'yon at sabay kaming pumunta sa harapan. Gumilid ang ibang mga sumasayaw para bigyan kami ng puwang.
I put my hands on his shoulders and he wrapped his arms around my waist. Pinagdikit niya ang katawan namin. Naamoy ko na naman ang pabango nitong mahahalintulad kay Brix.
"How's your experience here so far?" he whispered in my ear.
Dinikit ko ang ulo ko sa kanyang dibdib at pinagmasdan ang mga paa naming gumagalaw sa saliw ng musika. Bigla kong naisip si Brix. Ano kaya ang ginagawa niya ngayon?
"Astra?"
"I don't know..." I answered, casually. "I mean, it's good. But..."
"But?"
Huminga ako nang malalim bago humarap sa kanya. Nung tumitig ako sa kanyang mga mata ay parang nakatingin din ako kay Brix. Somehow... I feel like I am dancing with that demon.
"Ano pa ba ang dapat gawin ni Brix para bitiwan mo na ang katungkulan mo?" tanong ko.
Tumitig ito nang ilang sandali sa akin bago umiling.
"I am not ready yet..." Ngumiti ito nang payak. "Buong buhay ko ay nilaan ko sa clan na ito. Hindi pa ako handang bitiwan ito. But we will also get there."
Lumunok ako. "But... Brix will be a good leader. You have nothing to worry about, Lord Severo. Your clan will be in good hands."
"I know. I've seen it. The way he ruled the insurgents, I know he can rule this clan, too." Mas bumaba sa bewang ko ang kanyang mga kamay. "But I don't think he's prepared enough. It takes more than power to rule something. It involves good communication which something he lacks."
"He can learn that..." dipensa ko.
He shook his head.
"Does he need to kill more?" diretso kong tanong. "Kailangan pa ba niyang pumatay nang doble sa mga napatay na niya para mapatunayan ang sarili?"
Ngumiti ito at bahagyang natawa. Tumaas uli sa aking bewang ang kanyang kamay.
"I really respect your bravery, Astra..." aniya at ramdam ko ang sinseridad sa kanyang payapang boses. "I'm not gonna lie... I didn't invite you here just to be my accompany."
Hindi ako sumagot pero nanatili akong nakatitig sa kanyang mga malalim at nakangiting mata.
"I want to be with you," he said as he pulled me closer. "I want to know you more. I'm really interested in you, Astra..."
Nakaramdam ako ng takot sa mga sandaling ito. Alam kong ito ang gusto ni Brix, ang tuluyang mahulog ang loob ng ama sa akin. Hindi ko alam kung bakit at 'yon ang kinakatakot ko.
Ano ang plano ni Brix?
"What if Brix rejects me?" I couldn't help but to ask.
"Then..." Mas nilapit niya ang mukha sa akin. "Be with me instead."
I need confirmation right now. May hinuha na ako kung ano ang plano ni Brix.
"What if that happens?" I asked.
Hindi na siya sumagot. Mas hinigpitan niya ang kapit sa akin. Yumuko na lang ako dahil ramdam ko ang mga matang nakatingin sa amin.
I want to ask more but I don't think I am prepared enough for the possible answers. Kahit na kating-kati akong magtanong ay tinikom ko na ang bibig ko.
"I can treat you better than this..." he whispered.
I closed my eyes.
"I am not ready to let go of this position yet..." he whispered. "But I've been living with the same life for a very long time now. I want something new this time..."
My lips trembled.
Mukhang tama ang hinuha ko na plano ni Brix.
Mukhang naiintindihan ko na kung bakit sinabi 'yon ni Oscar.
"Kapag nahanap ko na ang gusto ko... magbibitiw na rin ako," sagot nito. "Right now... I'm still on the process of getting to know more about what I really want. If things get clearer... I would settle down with that and I would let go of this position."
That's it.
Brixton wants me to be that reason... so he can take over the position.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro