Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23

Chapter 23: Officially

Nagpalipas pa ako ng sandali sa loob ng rest room para ayusin ang sarili at para din pahupain ang mga nagkabuhol-buhol sa isipan ko. Pagkalabas ko ay si Laura ang agad na tumambad sa akin. Mukhang kanina pa ito nakatayo, hinihintay ako.

I was about to pass her when she blocked my way. I knew it. She really waited for me to come out.

Tumikhim ito. "I'm sorry for pushing you under pressure, Astra. I know you are new here and you don't have enough knowledge when it comes—"

"I'm fine," I cut her out. I wanted to smile to give her assurance but I couldn't. Not at this moment that I'm still in the process of grasping things on my palms. "It's part of my work. I did it. It's done. No need for this, Laura."

I tried to make my explanation shorter and clearer as much as possible and for her not to worry anymore. I don't have time for this pettiness. That's not what I need right now.

Lumungkot ang mukha nito. Hindi pa rin kumbinsido sa sinaad ko.

"What happened?" she asked as she swallowed. Bahagya siyang gumilid nang may dumaan at pumasok din sa rest room. "Pinaupo ka pa sa tabi nila. Ano ang pinag-usapan niyo?"

Umiling ako. "Nothing serious. Look, Laura. I am under Brixton's authority. You know him. Maraming connection ang kanyang pangalan at ngayon na nasa pangangalaga niya ako ay dawit ako roon. This is one of them. Not to be rude but I don't think you can't comprehend it even if I tell you."

Umawang ang bibig niya pero agad ding tumikhim. Tumango ito at nagpalitaw ng tipid na ngiti sa labi. I didn't want to sound rude but I don't think I succeed.

Bumagsak ang tingin ko sa kamay kong hinawakan niya. Hinaplos niya 'yon na parang sinusubukang pagaanin ang nararamdaman kong hindi niya mapagtanto.

"Thank you. Kung may kailangan ko, huwag kang mahiya ah?" aniya. "Babawe ako sa 'yo. Salamat uli."

Tanging tango lang ang nakuha niyang sagot sa akin.

Pagkabalik namin sa main ay naabutan namin na palabas na ang mga seniors. Kinausap sila ni Ma'am Tessa. Wala man lang bahid ng pagkailang sa kanya kahit na matataas ang kanyang mga kausap. Not surprising, her husband is one of them. She's definitely almost on the same level as them.

"Did they harass you?" usisa sa akin ni Resty.

Napaikot ang mga mata ko. Pagkatapos kay Laura ay siya na naman. Buti na lang at wala sa paligid si Arki dahil baka malamang ay sumunod siya sa pang-uusisa sa akin.

This is what I hate most – explaining myself. I don't really explain myself that much. If you think I am an unfriendly bitch just because you don't see me smiling often or initiating a conversation, eat shit. The hell I care.

Ito ang pag-uugali na hindi ko namana kay Mama. She was literally an angel while I am... until provoked.

Umupo muna ako sa high stool at hinayaan muna ang iba na mag serve. I think pang-isang buwan na trabaho na ang katumbas ng paninilbihan ko sa mga seniors na 'yon.

"Anyway, what do you think, Astra? Do you want to go out with me?" pangungulit na naman niya.

Here we go again.

"Shot," I requested.

Kumuha ito ng shot at binigay sa akin. Inisahang lagok ko 'yon. Lahat ng alak dito ay may halong dugo. Gano'n pa man ay hindi sapat para tuluyang mapatid ang uhaw namin sa matagal na oras.

"You good?" he interrogated. "What really happened back there? You seemed infuriated when you walked out. Those boomers really harassed you huh?"

"Stop calling them boomers." Dumating na rin si Ma'am Tessa. As usual ay nakangiti na naman ito sa akin. "I'm glad you kept them entertained while I was away, Astra. Ang laki na talaga ng naitutulong mo sa Nightscape Club."

I just gave her a wry smile.

"Do you want to go home now?" tanong pa nito. "Hindi pa tapos ang duty mo pero sige lang."

Umiling ako. I don't want to go home yet. Tahimik doon at baka mas lumala ang mga nasa isipan ko. At least here, I am kind of entertained.

Tumabi sa akin si Ma'am Tessa. "Honey, what's wrong? Did they say something..."

"I think they harassed her, Mom," pagsusumbong ni Resty. "She was good earlier but now... ang ganda mo kasi, Astra. Sabi sa 'yo labas tayo min—"

"Work, Resty. I am still paying your ass," Ma'am Tessa cut him out.

"Tell her to date me, Mom!"

"You can't force a woman to date you, Resty. Kung ayaw ni Astra, leave her alone. Bigyan mo muna nga kami ni Astra ng maiinom bago ka umalis," utos pa nito sa anak.

Napabuga ako ng hangin habang nakatingin sa iba't ibang klase ng bote ng alak na naka-display sa hindi kalayuan. Ang mahinang music kanina ay bumalik sa dagundong. Despite the roaring sound, I can still hear Tessa clearly.

"Tell me," hamon ni Tessa. "Kung may makakaintindi man sa 'yo, isa ako roon. You know? I am the wife of one of the seniors, Romualdo Escariaga. I feel the burden of that power."

Halos umikot ang mga mata ko. Naalala ko nung una ko siyang nakita sa office niya. May kasamang ibang lalaki. Ngayon ay halos ipagmalaki niyang may asawa na siya.

"Here." Nilapag ni Resty ang isang bote ng alak at dalawang baso sa harapan namin. "Enjoy your drinks. Hope you date me someday, Astra." At umalis na rin ito.

Kinuha ni Tessa ang bote ng alak at nagsalin siya sa dalawang baso. Inilapit niya sa akin ang isa. Hindi ito umimik. Mukhang naghihintay pa rin na sagutin ko ang huling tanong niya.

I gulped my shot. Gumuhit sa lalamunan ko ang mainit na likido at naramdaman ko ang pagkabuhay ng mga ugat ko. Mukhang mas marami ang blood content ng alcohol na ito kung ikukumpara sa ibang nainom ko na.

"Lord Severo?" she suddenly asked as she poured a drink on my shot again. "Am I right, Astra? Siya ba ang gumugulo sa isipan mo?"

"He wants to date me," diretso kong sabi bago uminom uli. "He wants me to attend the celebration on Saturday. Maybe he wants to fuck me?"

"Oh." An amused sound escaped Tessa's lips. Pinaikot niya ang upuan ko paharap sa kanya. "What did you say? Did you agree? What was his reaction?"

I just shrugged my shoulders.

"Pumayag ka?" tanong pa nito na ikinatawa ko.

"Can I say no?" I asked, feeling ridiculous.

"Well..." Napailing na lang din ito. "Still, he needs Brix's approval. You are under him. That's the law. No one is above the law. Kung hindi papayag si Brix, hindi ka rin niya pwedeng pilitin."

Natawa na lang ako sa ikalawang pagkakataon.

"We are talking about his son here, Tessa. Not just another family member." Kinuha ko na rin ang shot niyang hindi pa nagalaw at ininom 'yon. "And... not just his son." I snapped my fingers. "It's his son who would do anything just to please his father."

Kung madali niyang napapasunod si Brix na pumatay, paano pa kaya na ako lang? Alam kong hindi lang din ako mabitiwan ni Brix dahil ako ang kapit niya sa ama niya. He doesn't want to disappoint him... even in the slightest point.

"Kausapin mo si Brix. Sabihin mo sa kanya na ayaw mo. I think he will understand. Knowing... it's Lord Severo Cardinal."

Kumunot ang noo ko. "What do you mean?"

She grimaced, struggling to say something.

"Come on, Tessa. What's with Lord Severo?"

"I mean..." Lumunok ito at napakapa ng idudugtong. "Fine. He doesn't date often. Mailap din sa babae. Pero kapag napukaw mo ang atensyon niya... congratulations!" Sarkastiko itong tumawa.

Nanuyo ang lalamunan ko kahit na kaiinom ko lang. Nagsalin na lang uli ako sa baso at nilagok 'yon. Hindi lang isa. Nagsunud-sunod ang pag-inom na ginawa ko.

"Still, you are under Brixton. Don't worry. Malabong makuha ka pa niya. Unless..."

"Unless Brix gives up on me. Of course, it will happen." Huminga ako nang malalim. I suddenly remember when Brix told Lord Severo that he can have me anytime he wants. "So... am I going to be the next mistress of the leader of Nightfall Clan— no, fuck. I'm still a slave!"

I laughed sarcastically. I don't know if it's because of the alcohol or out of frustration that I am being a pessimist. Siguro ay gusto lang talaga ako makasama ni Lord Severo at iyon lang. Still... the possibility is there.

"We are still uncertain about that, Astra. Baka gumagawa lang ng paraan si Lord Severo para mapapunta ka sa celebration na 'yon para sumunod din si Brix. Knowing Brix never attended celebrations before."

Lumunok ako. "As in... never? Kahit na anong celebration?"

"Mabibilang lang sa daliri pero kapag present naman siya, parang wala rin. Nasa isang sulok at umiinom mag-isa. Lalapitan siya ng mga pinsan niya pero wala siyang pakialam. We barely remember he even attended."

"Dati pa ba siya ganito?"

Out of curiosity, there must be something behind this. Hindi naman puwedeng bigla na lang siyang naging ganito. Oscar seems like a party goer. Dapat ay gano'n din si Brix since magkapatid sila at magkasama na dati pa.

"Yes." She bobbed. Nagsalin ito ng alak sa dalawang baso at inabot sa akin ang isa. Ininom muna niya ang sa kanya bago nagpatuloy. "Though not to the extent he wouldn't even attend at all. Yung mabibilang lang sa daliri na dinaluhan niya? That's all before..."

Nagtaas ako ng kilay nang putulin niya ang sasabihin niya.

"Before?" bitin na tanong ko.

"Basta. Hindi naman talaga siya dating ganito kailap."

"I know the story, Tessa," sabi ko nang maintindihan ang parte ng kwento niyang nahihirapan sabihin. "When his human friend died, everything has changed. It seemed like... he died with that person, too."

Mapait na ngumiti ito. "Alam mo na rin pala?"

Tumango ako.

"Ang maamong demonyo ay bumangis," natatawa niya pang sabi. "Sure, he has been the beast. But not this wicked. Not this wild. Now... he's untamed."

"The only one who can tame him is his father?" I asked.

She shrugged her shoulders. "You can say that."

Tumahimik kami pagkatapos. No. He's still untamed. I know one day... he will unleash the beast again and all the hatred and emptiness he has been concealing. Darating ang araw na mapupuno rin ito at hindi na makapagpipigil pa. I wonder what happens when Brixton unleashes his anger?

I shivered just with that thought.

"Oh, ang tahimik niyo yata?" puna ng kararating lang na si Resty. Nakangiti pa rin ito. "Napag-isipan mo na ba ang alok ko, Astra? Ito naman oh! Isang araw lang naman 'yon."

"I want to go home," I mumbled out of nowhere.

Napatingin sa akin si Tessa. "Sure. Go ahead. Kami na ang bahala rito."

"Oo nga!" pagsang-ayon ni Resty. "Para na ring mapag-isipan mo na ang alok ko sa 'yo."

I hate to admit this but I suddenly missed Adrian. Ang daldal at kulit ng isang ito.

Tumayo na ako sa upuan ko at dumiretso uli sa rest room para magpalit ng damit. Nang makapag-ayos ay hindi ako nag-atubiling lumabas na. Walang dumadaan na sasakyan kaya naglakad pa ako sa terminal ng jeep.

Hindi pa man ako nakakarating sa terminal ng jeep nang may huminto na sasakyan sa tabi ko. Bumaba ang bintana nito. Si Erikson na nakangiti.

"Sakay na," aya niya sa 'kin.

I didn't hesitate to hop in.

"Tapos na duty mo?" tanong niya bago nag-umpisang magmaneho.

Sumandal ako at tumingin sa kalsada.

"Have you seen Brix?" I asked.

"Hindi pa. Why?"

Hindi na ako sumagot. May ilang araw pa bago mag Sabado. Siguro naman ay makakikita ko pa siya bago umabot ang araw na 'yon. I know I am hopeless... but I still want to give it a try. I still want to convince him to come with me.

"What's bothering you?" he suddenly asked.

Tumagilid ang ulo ko, sa direksyon ng bintana. Pinagmasdan ko ang mga taong nadadaanan namin. Nasaan ba ako ngayon kung normal pa rin ako? Ano ang ginagawa ko? Ano ang iniisip ko? It's not I miss it. It's just... I wonder what could happen?

"Sa tingin ko ay matatagalan pa bago bumalik si Brix," bigla niyang sambit.

Napatingin ako sa kanya. "Saan siya pupunta?"

"Mission? It usually takes months," aniya na ikinabagsak ng mga balikat ko. Nakatingin ito sa akin habang nagmamaneho. "Hindi ako sure. Hopefully not that long."

"Umalis na ba siya?" tanong ko.

"Hindi ko lang alam. May kailangan ka ba?"

Suminghap ako bago binalik sa labas ng bintana ang tingin. Tila nawalan na ako tuluyan ng pag-asa. Hanggang sa makauwi ako ay wala akong imik.

I took a quick shower. I was drying my hair when I remembered Albina. Tumayo ako at kinuha sa loob ng cabinet ang towel na ginamit ko kay Brix.

Wala sa sariling inamoy ko na naman 'yon.

"Iyan na ba yung ginamit na towel ni Brix?!"

Napatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot si Albina. Halos pumuso ang kanyang mga mata habang nakatingin sa hawak ko. I don't think I still need to answer. Alam kong amoy na rin niya ngayon ito.

"Give it to me," excited na utos niya.

I shook my head as I kept it inside the drawer again.

"Why are you here?" tanong ko. "Hindi ka pwedeng bigla na lang pumasok dito, Albina. What if Brix is around? What do you think will happen?"

Umiling ito. "I made sure he's not around. Yung towel... bigay mo na sa akin."

Umiling ako uli. "Not until you answer my questions."

Umupo ito agad sa kama ko at pinakitang handa siyang makinig at sumagot. Hindi pa rin natitinag ang malaki nitong ngiti. Mukha talaga siyang anghel na medyo malibog.

"Ask me," she dared.

I let out a heavy sigh.

"Sinabi mo sa akin na kaya kong paikutin si Brix kung gugustuhin ko," pag-uumpisa ko. "I think it seems impossible but do you think I can make it happen even in just a couple of days?"

Mas lumawak ang ngiti sa kanyang labi.

"More details," she requested.

"Like... I want him to agree on my condition," I said.

"What condition?"

I glared at her. "Can you like suggest options kapalit ng paghingi ko ng kundisyon? 'Yon bang mahihirapan siyang tanggihan 'yon? Na may chance na mapapayag ko siya?"

Tumitig ito nang ilang segundo sa akin bago tumango, tila naintindihan na ang pilit kong ipinupunto.

"I get it." Tumayo siya at naglakad sa ibang bahagi ng kwarto ko. "Option one..." Humarap siya sa akin. "Sex all day. You will let him do whatever he wants to you. Tie you down. Hang you. Whatever he desires."

Napangiwi ako. "Next..."

"Option two... if the first option fails, sex for three consecutive days—"

"Tangina naman, Albina. Sex lang ba ang alam mo?"

"Ano ang gusto mong gamitin mo laban sa kanya? Puso mo?" Halos umikot ang kanyang mga mata. "He doesn't like you, Astra. Hindi mo siya mapipikot. Pero lalaki pa rin siya... at nakakaengganyo ang inilalahad mo sa harapan niya. If you can't get him through his heart, get him through his crotch. That's it."

Napabuntonghininga ako.

"Paano kung pati 'yon ay ayawan niya?" tanong ko.

"Huwag kang papayag. Maghubad ka agad!"

"Wala na ba talagang ibang option? Baka naman may alam kang ikaw lang ang nakakaalam? Yun bang magagamit ko laban sa kanya? Para mapapayag siya sa kagustuhan ko kahit man lang sa sandaling panahon."

Ako na naman ang napaupo sa kama. Kahit papaano ay tinatanggap ko na rin na wala na akong magagawa. Maybe the best thing to do now is to prepare for that day.

"Bakit ba? Ano ba 'yung kundisyon na gusto mong makuha?"

Tumungo ako at pinaglaruan ang mga binti ko.

"I just want him to come with me to the celebration that will happen on Saturday," I muttered, hopeless. "Or else, I need to go with Lord Severo."

"Shit!" Pabagsak na umupo sa tabi ko si Albina. Hindi ko mabasa kung gulat ba siya o may ibang dahilan pa. "You are doomed. You won't stand a chance if it's against his Dad. You know him, Astra."

"I know..."

"Tragic. I don't think I can help you with this one." Ngayon ay tila maging siya ay nawawalan na ng pag-asa. "Still... you need to give it a try. Tandaan mo ang mga sinabi ko, Astra. Do it."

Tinaas ko sa kama ang mga binti ko at niyakap ito.

"Pwede ko na bang makuha ang towel?" tanong niya.

"If your plan works," walang gana na sagot ko.

"Aw. Sayang. Sige. Goodluck! Baka biglang dumating si Brix."

Nang makaalis si Albina ay humiga ako sa kama. Tumitig ako sa kisame habang nag-iisip. I'm still not officially his yet. That means... he can still give up on me. Wala akong hawak sa kanya.

It felt like a lightning struck my head and the looming cloud of thoughts disappeared.

Napabangon ako sa kama.

This is my fault.

The ritual... I need to do it.

I want to be Brixton's... officially.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro