Chapter 22
Chapter 22: Celebration
I stared at my unstable reflection in the mirror. Nakasuot na naman ang kulay pula kong damit na litaw ang pusod, ang maiksi kong palda at ang mataas na sapin sa paa. This is my second day as a worker here in Nightscape Club. It should be easy now. Kailangan ko lang ulitin kung ano ang ginawa ko kahapon.
"Let's start," I mumbled to myself.
Lumabas na ako ng Rest Room at dumiretso sa bar counter kung saan isang hindi familiar na lalaki ang nadatnan ko. Nagpakilala itong si Resty, ang kapalit ni Adrian sa duty tuwing ganitong araw.
"Ikaw ba 'yung bago, hindi ba?" tanong niya sa akin. May bahid ng pagkamangha ang kanyang mukha nang bumaba sa katawan ko ang kanyang tingin. "Wow— I mean, Astra, right?"
I nodded. "I just started yesterday." Pinitunog ko ang mga daliri ko sa ibabaw ng counter, hinihintay na bigyan na niya ako ng tray at nang makapag-umpisa na.
"Cool. How's your first day though?" Sinimulan na niyang lagyan ng alak ang tray na dadalhin ko.
I shrugged my shoulders. "So far, so good."
Minataan ko ang mga nagkakasiyahan sa kalayuan. Familiar na ako sa ilan sa kanila dahil sila rin ang kahapon, mga regular customer siguro. May mga bago rin sa paningin ko, malamang na hindi ko sila nadatnan kahapon o hindi ko lang namukhaan.
"Sabi ni Laura na-impress mo raw si Ma'am Tessa ah?" Napunta uli kay Rest yang aking atensyon. Saktong kalalapag niya lang ng tray sa harapan ko. "Saka... may malaswa raw na pangyayari."
I rolled my eyes. "Tsismoso mo naman, Sir Resty. Ayos na ba?" tanong ko.
Tumawa ito saka tumango.
"Ito naman. Maka-sir, wagas. Nakikipagpalagayan lang ako ng loob eh," tawa-tawang sambit na niya. "Sungit. Smile naman diyan, Astra. Ang ganda-ganda mo e."
For a reason, I am not comfortable with him. Mabulaklak ang dila. Kung marupok lang ako ay malamang na pumula na ngayon ang pisngi ko at hinalikan na siya sa labi dahil gwapo siya at sinabihan niya akong maganda.
"Okay," the only word came out of my lips.
I don't need I need to be a good co-worker here. Hindi naman ako nagpasa ng resume na nagsasabing I am friendly and trustworthy. Forget the work ethic. I am here to earn money. That's all
"Hoy, Resty!" Sumulpot si Laura. "Nilalandi mo si Astra, 'no? Lahat na lang ng babae rito nilandi mo!"
"Baliw. Nakikipagkilala lang ako," ani Resty bago umalis para puntahan ang ibang customer sa kabilang panig ng counter.
Nilagay ko na sa palad ko ang tray at hinanda na ang sariling pasukin ang grupo ng mga bampira na naghihintay. Hindi lang naman kami ni Laura ang waitress dito, may iba rin pero hindi lang kumikibo. Kapag nakakasalubong ko ay iba ay tumatango lang ang mga ito.
"Pupunta ba uli si Brix dito?" pahabol na tanong ni Laura.
Hindi ko na ito pinansin. Nag-umpisa na akong mag-serve ng alak. Nakailang rounds din ako. Hindi pa rin tumitigil si Resty sa pagtatanong ng kung anu-ano. Pasimple pa ang mokong. Hindi yata siya na-inform na bawal akong landiin.
"Labas tayo minsan, Astra?" anyaya ni Resty pagkabalik ko uli sa counter. "I mean... para lang magkapalagayan tayo ng loob? Magkatrabaho kasi tayo at hindi magandang nag-iiwasan."
"I'm good," I responded, idly. "Iba ang hindi interesado sa umiiwas., Resty."
Pumorma ang mapang-asar na ngiti sa labi niya. "Crush mo ako 'no? Huwag ka nang mahiya, Astra! Sagot ko ang lahat. Hatid-sundo pa kita."
I think that's it. I've had enough.
"Ask Brixton," I muttered.
"Why him?" Bahagya akong naguluhan sa tanong nito at kung paano hindi siya natinag nang banggitin ko ang pangalan ni Brix. "Hindi naman siya ang gusto kong ilabas. Ikaw."
Tumikhim ako bago inayos ang ilang hibla ng buhok na kumawala sa likod ng tainga. I don't know but there's really something strange about this aggravating loquacious flirty grinning guy.
"I am under Brix, I can't decide for myself anymore," I explained, something he should know better than I do. "Just because you can't see me with him doesn't mean you can flirt with me. I value my life as much you do."
He glowered, showing the same expression as I am. "I am not flirting with you—"
"Then, shut up and fill my tray instead," I cut him out.
"Are you that scared of Brix?" he furrowed his brows.
"Is there any reason not to?"
Pumahalungbaba ito sa counter habang nakatingin pa rin sa akin. Hindi nga rin kumukurap ang kanyang mga mata sa kabila ng pagpatay sindi ng iba't ibang kulay ng mga pailaw.
"Ako ang bahala sa 'yo." And he winked at me.
Ngumiwi ako. "Why are you acting so brave?"
"You don't know me huh?" Muling sumilip ang mapang-asar na ngiti sa kanyang labi. "Well, I am Resty Escariaga. I am the son of the owner of this club."
"And?"
Does he think that's enough reason for Brix not to kill him? Just because he is the son of the owner of this club? The club that Brix won't hesitate to burn down if he gets annoyed?
"Meh. My Dad is Lord Romualdo Escariaga. One of the seniors of Nightfall Clan. Co-league of Lord Severo and other seniors." He seemed proud and confident with that. "If Brix hurt me, he would put his position at risk. He has been earning it for decades now and just to be ruined by this? Nah."
Kung kanina ay naaangasan pa ako sa kanya, ngayon naman ay nandidiri na. Akala ko pa naman ay may sasabihin siya na ikalalaglag ng panga ko sa gulat, na kaya niyang tapatan si Brix. Kapit lang pala sa itaas ang pinanghahawakan niya.
"You know what, Mr. Escariaga? Just fill my tray. You are the son of Ma'am Tessa, good for you. Pwede kang magbulakbol sa trabaho. Not me."
"I got you— oh, shit!" A stunned expression registered on his face while looking behind me. "Shit. Shit. Why now? Why in my watch?" patuloy pa rin ito sa pagmumura.
Nagtaka ako nang biglang tumahimik ang paligid. I thought it was because the devil had arrived, but no. The moment I saw a group of vampires entering the club, I felt goosebumps all over my body. They were being led by the one and only leader of the Nightfall Clan, Lord Severo Cardinal.
"The seniors are here," Resty mumbled, feeling uncomfortable. "And Dad's not with them. Shit man. I can't do this."
My lips parted. So... they are the seniors of Nightfall Clan. Pansin naman sa porma ng mga ito at kung paano sila tumindig na matataas ang posisyon nila. Ngayon ay nangatog ang mga tuhod ko.
"Shit. You serve them, Astra," tulak sa akin ni Laura na nakalapit na pala. "I can't do this, too. This is too much for me."
I gulped hard. "W-why me? Bago pa lang ako rito. Baka pumalpak ako!"
I don't even know who they are.
Halata ang pangamba sa mukha ni Laura. "N-no. Kahit na mangyari 'yon, may magtatanggol sa 'yo. Lord Severo is here, too. Kilala ka na niya. Not me. Please do us all a favor, Astra."
"Ikaw ang team leader, Laura—"
"Shut up," putol ni Laura sa isang waitress na kasama rin namin. "Astra can handle them. Please, Astra? Wala akong kapit kapag pumalya ako. Do you want me to die? Ganyan ka ba, Astra?"
Oh, damn! Kapag ba pumalya, buhay ang kapalit?
Bumaling ako kay Resty na nagkunwaring abala sa mga alak. Napaikot na lang ang mga mata ko. Kung makapag-angas ito kanina— oh, shit. How should I approach them?
"Here." Nilapit sa akin ni Resty ang tray na may laman ng mga shot ng alak. "Good luck, Astra. Serve them will all respect. Never say something unless you are being asked to. And most importantly, bow your head."
That makes me shiver.
"I-I don't think—"
"Come on!" Tinilungan ako ni Laura na ilagay sa palad ko ang tray. "Just ask them for drinks and that's all. Hindi mo naman kailangang magtagal sa kanila. The faster, the better. Still, you need to be careful and respectful."
Namawis ang aking palad. Pakiramdam ko ay mabibitiwan ko ang tray na hawak ko o 'di kaya'y madadapa sa harapan nila. Alam kong hindi lang ako ang nakakaramdam nito. Halos lahat dito ay halatang kabado.
"Good luck." Resty patted my shoulder.
Madiin akong pumikit sandali. Breathe in, breathe out. I'll just pretend they are regular customers, except they are not and I am so dead if I fail.
Naglakad na ako palapit sa lamesa nila. Mas lalong nangatog ang mga tuhod ko habang palapit ako nang palapit sa kanila. Dinig na dinig ko na ang mga tawa nila.
I gulped as I approached them.
Head bowed, I asked them, "Would you like to drink or not?"
Oh, fucking shit!
That's not it. Parang pinagbabantaan ko sila.
Natigilan ang pagtawa nila at biglang tumahimik. Ngayon ay alam kong halata na ang panginginig ng katawan. Gano'n pa man ay pinanatili ko ang pagkakatungo ng ulo gaya ng bilin ni Resty.
"Astra?" That's Lord Severo.
Should I respond?
"You are working here?" he asked again.
"Oh, Brix's slave?" Another voice entered my ears. "I didn't know that elusive guy has great taste on women." Sinabayan niya pa 'yon nang mahinang pagtawa.
"Astra?" tawag uli sa akin ni Lord Severo.
"Y-yes, My Lord," I responded.
Did I do it right? My Lord? Should it be just Lord Severo? Napamura ako sa isipan ko. Nagkabuhol-buhol na ang mga naiisip ko. Pati yata ang dila ko ay tila dumikit na.
"May I see your drinks?" Isang hindi familiar na boses na naman ang nagsalita.
Maingat na ibinaba ko sa lamesa nila ang tray na naglalaman ng iba't ibang shots. Napatingin ako kay Lord Severo. Mabilis na yumuko uli at hindi na nagtangka pang lingunin ang ibang kasama niya.
"No tequila here," sabi ng lalaking nagtanong kung ano ang mga dala ko. "One tequila for me, please? Saka vodka kay Lord Wenson at Lord Reggar . You are fine with wine, Lord Severo?"
Kinuha ko ang notes ko at nilista ang mga sinabi niyang wala.
"Leave the tray here and get their orders, Astra," ani Lord Severo.
"Okay." Tatalikod na sana ako para magmadaling umalis nang makalimutan ko ang paggalang. "Po. Okay po. Sandali lang po. Kukunin ko po ang order niyo nang buong puso." Saka na rin ako nagkumahog bumalik sa counter.
Halos yumakap na ako kay Laura nang salubungin niya ako.
"What happened?" tanong nito.
Pulang-pula ang mukha ko. "Shit!" pigil ang pagtili ko.
"May nangyari ba?!" alalang tanong ni Laura. "Bibitayin ka na?! Bakit?! Ano nagawa mong katangahan?!"
"Drink first." Inabutan ako ni Resty ng isang shot at inisahang lagok ko 'yon. "Calm down, Astra. I think you did well." Napatingin ito sa hawak kong note at kinuha 'yon.
"Tequila and vodka," buga ko ng hangin.
Hinawakan ni Laura ang braso ko at hinarap ako sa kanya. Nag-aalala ang tingin nito. Parang gusto ko na mag quit sa trabaho na ito para hindi ko na kailangang bumalik sa table nila.
"What happened? Magsalita ka nga gaga!" singhal ni Laura.
Umiling ako. "Wala ang ibang alak na gusto nila. Hindi ko na yata kayang bumalik doon, Laura. Baka mahimatay na lang ako bigla sa sobrang kaba."
"Hey, hey! Nakaya mo na, Astra. Kailangan mo na lang ngayong bumalik para ibigay ang alak na hindi mo nadala. Tapos... tapos na. Hindi ka na babalik sa kanila!" Saka niya ako binigyan ng isang matamis na ngiti.
I bit my bottom lip.
"Here." Inabot sa akin ni Resty ang isang aluminum container na pinuno ng mga yelo, nasa loob ang mga bote ng vodka at tequila. "Idol na talaga kita, Astra. Ang tapang mo!" aniya pa.
Okay. I did it before, I will do it again.
"Wish me luck." I rolled my eyes as I turned my back and walked again towards the seniors.
This time, hindi ko napigilang hindi lingunin ang mga kasama niya. Halos magkakasing-tindig lang silang lahat. Pero may isang nakapukaw sa aking atensyon. Isang lalaking sa tingin ko ay kasing edad lang ni Brix. He doesn't even look like one of the seniors. Parang anak lang siya ng isa sa kanila. Siya agad ang mapapansin mo lalo na kulay abo ang kanyang buhok.
"Vodka and tequila." Saka ko dahan-dahan na nilapag sa lamesa ang container. For some reason, I am not shaking now. Maybe it's all at first. "Is that all?"
"Have a seat," said Lord Severo.
What?
"Astra, please take your seat and let's have a little conversation," pag-uulit ni Lord Severo nang hindi ako kumilos. "Don't be intimidated. Matagal-tagal na rin no'ng huli nating pag-uusap."
Huminga ako nang malalim bago tumabi sa tabi ng pinakabatang kasama nila dahil doon lang ang may puwang. Magkadikit ang aking mga binti, nakayuko pa rin ako.
"Meet Lord Trojan." Umangat ang tingin ko sa lalaking pinakabata na pinakilala ni Lord Severo. "He's the youngest part of this league. Followed by Lord Escariaga. He's not here though."
Lord Trojan just nodded at me as he poured a drink into his glass.
"And... Lord Wenson, Lord Reggar. Meet Astra," pakilala ni Lord Severo sa dalawa pa. "Brixton's. Look how gorgeous she is. I told you. My son never disappoints." He chuckled as he gulped his drink.
"How's the life of being a vampire, Astra?" Lord Wenson asked. Siya ang pumuna kanina sa akin. "Mukhang hindi ka naman nahirapan sa malaking pagbabago ng buhay mo ah?"
Tumikhim ako. "I always crave for blood, My Lord."
Lord Severo and Lord Wenson laughed in unison.
"That's good. How's the transition?" sunod na tanong ni Lord Wenson. Nagsalin ito ng alak sa baso at nilapit sa akin. "And... one more thing. Hindi niyo pa pala isinakatuparan ang ritwal. Lord Severo, what's taking the celebration so long?"
"Brix isn't ready yet," simpleng sagot ni Lord Severo. "I think he's still doubting if he really wants Astra. Just give him enough time. Sooner or later... he will also decide."
Natigilan ako. So... I am not officially his yet?
Wala sa sariling ininom ko ang binigay na alak sa akin.
"Mukhang natitipuan mo yata si Astra, Lord Severo?" puna ni Lord Trojan.
Napatingin ako sa kanya. Nakangisi ito habang nakatingin kay Lord Severo. Prenteng nakasandal sa couch at hawak ang baso na may laman na alak. Nakabukas ang ilang butones ng kanyang polo.
"She's such a catch, Lord Trojan. Can you blame me?" Humalakhak si Lord Severo. "If Brix won't decide to take her. I don't want her to be with someone else. Lalayo pa ba tayo?"
Nanuyo ang lalamunan ko.
"Anyway, Astra. Are you attending the party on Saturday?" Lord Wenson questioned. "Or... are you even aware of that event? Knowing you are under Brixton who doesn't care about such events."
Tumanga ako. " Master Oscar has already told me that. But, If Master Brix won't attend—"
"Be my date on Saturday," biglang sabi ni Lord Severo na ikinatigil ko. "You will attend the party. Don't worry, Astra. Ako ang bahala sa lahat. You just need to show yourself to everyone and bless them with your stunning face and body."
Itinago ko sa ibaba ng lamesa ang mga nakakuyom kong kamao. Now, this man talks like a pervert boomer who hasn't been in bed with a woman for a fucking long time. Shit!
"I'm sorry, Lord Severo. Pero sa tingin ko ay kailangan mo pa ring humingi ng pahintulot kay Brix." Nagsalita na rin sa wakas si Lord Reggar. "She's still under his commandment. Don't you think, My Lord?"
Lord Severo shrugged his shoulders.
"Alam mo namang ibibigay ng anak ko lahat ng makapagpapasaya sa akin, Lord Reggar. Kung gugustuhin kong makuha si Astra, hindi siya magdadalawang-isip na ibigay siya sa akin," pagmamayabang ni Lord Severo.
Yeah. Just like how you use that as leverage to make him do cruel things and make everyone fear him. I'm starting to get irritated now.
Tumawa si Lord Wenson habang mahinang tumatango. "Well. See you on Saturday then, Miss Astralla Martin," aniya sa akin.
"You wish— I mean. Let's see, My Lord," agap kong sagot. Ito ang mahirap sa akin, misan ay hindi ko maitago ang emisyon ko. "Pwede na po ba akong bumalik sa trabaho? Marami pa kasi kaming ginagawa."
"Yeah. Sure," si Lord Wenson.
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Lord Trojan na tila nang-aasar pero hindi ako lumingon sa kanya. Nanatili ang atensyon ko kay Lord Severo, naghihintay ng kanyang salita para tuluyan na akong makalaya sa pwesto nila.
"You don't seem happy with my invitation, Miss Martin," puna ni Lord Severo. I see. I'm being transparent again. "Don't you want to be my date that night? Are you declining my invitation?"
I shook my head. "I think Brix will attend that celebration, too, Lord Severo. You two can date me at the same time. That would be even more fun, don't you think?"
I flashed my wicked smile.
"Brix never attended that celebration before, Astra." Si Lord Wenson.
"What makes you think he will attend?" manghang tanong ni Lord Severo.
Nagkibit-balikat ako. "Maybe because I'm such a catch just like what you've said earlier? See you on Saturday, Dear Lords." Saka na ako tumayo. Yumuko muna ako bago umalis.
Imbes na sa bar counter ang diretso ko ay pumunta ako sa Rest Room. Nag-aalab ang dibdib ko. I am starting to feel something with that boomer. Siguro ay ayos pa kung inimbitahan niya lang ako, pero 'yung sasabihan niya ako ng mga gano'n?
"Fuck it!" I said in frustration.
Napatukod ako sa lababo.
What now, Astra?
Brix... I will make him attend that party. If I am going to attend that celebration, he should, too. If I have a date that night, it should be him. It's only Brixton Wenz Cardinal.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro