Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21

Chapter 21: Invitation

It's 3 a.m and the world is asleep. I should be sleeping by now, too. Yet here I am, carrying a wounded man that appeared out of nowhere.

Nangawit ako dahil nasa akin ang lahat ng bigat ni Brix. Tila wala na talaga itong lakas para maglakad pang mag-isa. Pagkarating namin sa sofa ay pabagsak ko siyang inupo na ikinaangal nito.

"That's rude," he hissed.

Humalukipkip ako sa harapan niya.

"Akala ko ba ay maliligo ka lang?" I furrowed my eyebrows to intensify my question. "Ganyan ba maligo ang isang Brixton Wenz Cardinal. Dugo?"

He winced, feeling the wounds. Parang mahina ang katawan nito ngayon para agad na mapahilom ang mga sugat sa katawan. Tuyo na rin ang labi nito na malamang ay uhaw na uhaw na ngayon. Kung ibang lalaki lang ito ay malamang na nakakaawa na ang dating niya. But no... he is Brixton Wenz Cardinal, he could kill you even in that condition.

"I didn't know!" he protested, still grimacing. "I was half-naked and ready to shower when someone knocked in and gave me an emergency mission. Damn. Why am I even explaining myself to you?"

"Aw. Hindi ko alam na responasble ka palang lalaki, Brix. Biruin mo. Hindi mo magawang tumanggi?"

"It's Dad's. Pwede bang pagsilbihan mo na lang ako?"

I let out a heavy sigh. "Bakit hindi gumagaling ang mga sugat mo? Are you that exhausted?"

"I haven't drunk anything yet. Can I bite you?"

I smirked. "No."

"Sino ang nagsabing pwede kang umayaw sa gusto ko?" tanong nito sa nagbabantang tono. "If I wanted to bite you, you would let me without hesitation."

I frowned. "Sa lagay mo na 'yan, tingin mo palalapitin ko ang labi mo sa balat ko? Ang dumi-dumi mo pa. Baka may rabies ka pa ngayon."

He stared at me, idly.

"Fine!" he let out a weighty sigh. "A bottle of wine will do. Come on."

"Stay here. Huwag kang aalis," babala ko.

Kumunot ang noo niya. "Inuutusan mo ba ako?"

"Kapag umalis ka diyan, malilintikan ka sa akin," babala ko saka na ako tumalikod at dumiretso sa kusina. Narinig ko pang may sinabi ito.

Sana lang ay mahimbing ang tulog ng mag-ina sa itaas. Maganda na rin ang kalagayan ngayon ni Brix. He is exhausted. Mahina ngayon ang kanyang senses... or at least that's what I think.

Kumuha ako ng alak sa ref at isang baso bago bumalik sa sala. Naabutan ko si Brix na nakasandal sa sofa. Nakatingala habang nakapikit ang mga mata. I am about to compliment how he looked like again.

"Hindi ba ang bilin ko ay ayokong may iba rito maliban sa 'yo kapag nandito ako?" tanong nito habang nanatiling nakapikit. "What are those rats doing here?"

"Shut up." Nilapag ko sa lamesa ang alak at baso. "Just drink, Brix. Nanghihina ka na nga, nag-iinarte pa rin. Kung gusto mo agad bumalik ang lakas mo, manahimik ka."

Dumilat ito at mabilis na nagsalin ng alak sa baso. Napangiwi ako nang hindi na niya napigilang uminom nang diretso sa bibig ng bote. Uhaw na uhaw nga ito.

I wonder how many he needed to kill this time? Mukhang mas marami sa kanina dahil sa lagay niya. Probably, he did it again... all by himself.

The focus on my eyes went down on his body. Maraming dugo at butas-butas na ang shirt nito. Kita na nga ang balat niya sa dibdib.

"Shower ka muna, Brix?" suhestyon ko.

He shook his head. "I'm still feeling fatigued. I can sleep like this anyway. Mas kailangan kong magpahinga ngayon."

"Ang dugyot m—" Napatikhim ako nang samaan niya ako ng tingin. "Wait lang. Huwag kang aalis diyan ah?"

Pumunta ako sa Comfort Room para kumuha ng basang towel. Napangiti ako. Sa wakas ay nagawan ko ng paraan ito. May maibibigay na rin ako kay Albina kapag nagkita kami bukas. Ang kailangan na lang ay dumapo ang towel na ito sa katawan ni Brix.

Binalikan ko si Brix. Naubos agad nito ang isang bote at naghahanap pa. Mukhang hindi kayang patidin ng normal na alak ang kanyang pagkauhaw.

Kumuha ako ng isa pang bote sa ref at pinatong ito sa lababo. Kumuha rin ako ng kutsilyo. Huminga ako nang malalim bago unti-unting hiniwa ang palad ko. Nakagat ko ang labi ko nang umatake ang hapdi. Pinatakan ko ng dugo ang loob ng bote.

I served him the wine without hinting to him that I mixed my blood on it. Pinanuod ko ang reaction niya nang inumin niya 'yon. Sumilip ang tipid na ngiti sa kanyang labi.

I think he liked it.

Napaigtad ito nang hawakan ko ang laylayan ng kanyang t-shirt. Pinigilan niya ako agad.

"What are you doing?" There was a hint of slight panic on his voice. "Bakit mo ako huhubaran?"

I rolled my eyes as I showed him the wet towel. "Pupunasan ka lang po, Master Brix. Para naman kahit hindi ka maligo ay presko ang pakiramdam mo."

"I don't care—"

'"I care," I cut him out. Hinawakan ko ang laylayan ng kanyang damit at sa pagkakataong ito ay hindi na niya ako pinigilan. "Makikitulog ka sa bahay ko. Ayokong may dugyot dito."

"Really? Then, why did you invite those rats?" he asked, mockingly.

Dahan-dahan kong tinaas ang kanyang t-shirt. Napalunok ako nang makita ang tattoo sa kanyang dibdib. Hindi ko ma-focus ang tingin ko roon dahil bigla akong nangatog.

Oh, God. This won't be easy.

"Stop staring and take it off completely," he reminded me when I stopped half way.

Tuluyan kong inalis ang kanyang damit. Napamura ako sa isipan ko nang manginig ang aking mga kamay. Hinawakan ko ang towel at dahan-dahang nilapit ito sa dibdib ni Brix.

Kalma, Astra.

Bahagya kong pinunasan ang kanyang katawan.

It suddenly felt hot in here.

Gumalaw siya kaya nag-flex ang kanyang mga muscles sa dibdib. Putik. Ba't ba ako nahihirapan dito? I just need to wipe his muscular body!

Get your shits together before you mess up yourself, Astra.

Tumikhim ako. "So... what's the mission?" I tried to open a topic to at least ease the heavy feeling.

"As usual," tipid na sagot nito.

Pinaragasa ko ang towel sa kanyang dibdib, paikot, hanggang sa pababa ng kanyang puson. Inulit-ulit ko 'yon. Malamang na nasa towel na ngayon ang lahat ng amoy niya.

Bigla akong nagdalawang-isip kung ibibigay ko ba ito kay Albina.

"Erikson told me that you have been meeting with one of the members of Luminous Clan," he interrupted my thoughts. "Why? To get information about me?"

"I asked her how to kill you," I responded, casually. "Of course, she doesn't know."

"You really want me dead that much huh?"

"Don't sleep tonight, Brix." Tumigil ako sa pagpunas ng kanyang katawan. "I might stab you in your chest."

He sneered. "Don't even try."

I pouted my lips.

Humikab ito, senyales na antok na. Saka ko lang napagtanto na wala siyang pampalit na damit. Hindi naman pwedeng isuot niya uli ang maruming damit.

"I don't mind sleeping without a shirt on," he suddenly said.

"You might catch a cold."

He looked at me ludicrously. Like as if that was the most stupid thing he had ever heard. Right. He's a vampire. He's immune to sickness. How stupid am I to forget that?

"Are you done?" tanong nito.

Tumango ako.

"So?" he raised his brows. "Wala ba akong kwarto dito? Should I sleep on this couch?"

Mabilis na umiling ako. Tumayo ako at sumunod naman siya. Sinamahan ko siya sa isang bakanteng kwarto dito sa baba. Hindi pa ito nagamit kaya alam kong hindi siya mag-iinarte.

Pabagsak na humiga ito sa kama.

"What a day," he yawned.

Nanatili akong nakatayo sa gilid ng pinto. Pilit kong tinutok ang aking atensyon sa kanyang mukha imbes na sa kanyang katawan. He isn't even trying but he looks like modeling just by laying in bed. Like... a lustful poster you can hang on your wall.

"Are you going to watch me sleep?" tanong nito nang hindi pa ako lumabas.

"Hindi mo ba ako uutusang mag grocery, Brix? May mga gamit ka pa ba? Like..." I bit my bottom lip as I grasp for right words. "Shower gel? Shampoo?"

He looked at me, suspiciously.

"That's not your job."

"Uy trabaho ko rin 'yon!" pagpupumilit ko. "Ano ba brand ng shower gel mo, Brix? Your perfume? Para kung sakaling bibili ako ay alam ko na."

Hindi nawala ang pagdududa sa kanyang mga mata.

"Pero kung ayaw mo naman—"

"Come here," he ordered.

"W-why?"

"Do you want my answer or not?" pagsusungit na naman nito.

I gulped as I walked towards him. Nang makalapit ako at hinila niya ako kaya bumagsak din ako sa kama. Mabilis na kinawit niya sa katawan ko ang kanyang binti at braso. I froze in my position, gasping for air.

"If you are planning to sell my details to another woman, crap the bullshit," he whispered. "You ain't getting them."

Damn. He knew.

"H-how did you know?"

He chuckled, softly. Nakatihaya ako habang siya ay nakaharap sa akin. I couldn't move. Masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin. Ramdam ko ang pagdampi ng kanyang balat.

"Sobrang liit talaga ng tingin mo sa akin 'no?" tanong niya sa mapanuyang tono. "Even if I am having a hard time reading you now, your choice of words and body language says a lot."

Pinagpawisan ako. "So? Your point?"

"You never showed affection towards me. Then, you are suddenly asking personal questions? And what's more suspicious is the fact that... you suddenly wiped my body with a wet towel. Ginagawa mo ito para sa iba. You are selling me, Astra."

Fuck it!

"Tell me..." Natigilan ako sa paghinga nang lumapit sa leeg ko ang kanyang mukha. Nanigas ako sa kinahihigaan ko. "What benefits you this? Ano ang kapalit nito?"

I gulped. "I-I just want to learn how to fight. Kapalit ng mga ito ay ang pagkatuto ko sa pakikipaglaban. That's it. That's all. Promise."

"Is that so?"

"Yes." I gulped again. "I need to surpass your abilities. That's the only way to defeat you."

I heard him chortle. "You are so brave to say these things right in front of me."

I tried to act normal, kahit na halos sumabog na ang mga kung anu-anong nararamdaman ko.

"I want a fair game," I responded. "Don't let your guards down from now on. I will always be looking for the right timing to shut you down."

Lumipas ang ilang segundo nang hindi ito sumagot.

"Go for it," he suddenly said. Naramdaman kong lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin. "Show me what you got, Astra. See me as your enemy. Never trust me."

"I will be the downfall of the greatest Cardinal," I whispered, looking forward for that day. "The world will be a witness. Prepare yourself, Brix. Huwag mong hahayaang mapahamak ka sa iba. Ako lang ang maaaring gumawa no'n."

"Sure. Just a heads-up, Astra. I can't be killed. You can only kill me if I let you."

That's the moment he freed me from his grasp. Bumaling ito sa kabilang bahagi. Kahit na malaya na ako ay hindi pa rin ako kumilos. Nanatili akong nakatihaya at nakatitig sa kisame.

"Will you ever let me?" I asked.

"Would you really do it if I let you?" he asked and... that question hit me... intense. "Goodnight, Astra."

Hanggang sa makalabas ako ng kwarto niya ay dala ko ang kanyang mga huling sinabi. Somehow... I feel guilty about it. Lahat ay gusto siyang mapabagsak. I know that he's fully aware of it. That's so tiresome. Knowing you can't trust anyone.

Niligpit ko ang mga pinag-inuman ni Brix. Dala ang towel ay umakyat na ako sa itaas. Sumilip ako sa kwarto na pinagtutulugan nina Tita at Eliyah. Nadatnan ko ang dalawa na magkayakap habang mahimbing ang tulog.

This is why Tita Ophelia is having a hard time accepting when things about Eliyah change, even the simple ones. Dahil sila lang ang magkasama buong buhay nila, ang bond nila ay sobrang higpit. But then again, the time will come. I hope she will realize that they can't be forever like this. Kung may mananatili man... that's their love.

Dahan-dahan ko na ring sinara ang pinto ng kwarto nila. Napahikab ako. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod. May pasok pa pala ako bukas.

I went in my room and locked the door. Umupo ako sa kama, hawak pa rin ang towel. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan ko para amuyin 'yon.

I feel embarrassed even though no one can see me. Okay. I get it. Brix's scent is somehow addicting. It lingers on your system. Kapag naamoy mo siya ay hahanap-hanapin mo na ito.

Tinago ko sa cabinet ang towel bago humiga na sa kama. Tinaas ko hanggang leeg ang kumot. Napabuntonghininga ako habang nakatitig sa kisame.

I suddenly remember my last conversation and that formed a smile on my lips. It was a good start. Umaayon sa plano ko ang mga nangyayari.

Kinabukasan ay wala na akong naabutan dito sa bahay. Wala na sina Tita Ophelia at Eliyah. May pasok kasi si Eliyah kaya maaga silang umuwi. Si Brix naman din ay wala na rin. Halos tanghali na rin ako nagising.

I prepared myself breakfast or probably my lunch, too. Tulala lang ako habang kumakain nang biglang sumulpot si Oscar.

"Damn. You startled me!" singhal ko.

Ngumisi lang ito bago umupo sa isang bakanteng upuan. Kumuha ito ng plato at nagsalin din ng pagkain. Mas gutom pa ito sa akin dahil nakailan siyang kanin.

"Wala ba kayong pagkain sa mansion?" tanong ko.

He swallowed his food. "Kumain na ako. Pero mukhang masarap 'tong luto mo e." Saka ito ngumiti.

"Have you seen Brix?" I asked.

Tumango ito. "Dito siya natulog?"

"Ilang beses ba siyang nakikipaglaban bawat araw?" takang tanong ko. "Pumunta rito kagabi, duguan na naman. He looked tired as hell. Isn't he abusing his body?"

Tumayo si Oscar at kumuha ng supot ng dugo sa cabinet. Imbes na bumalik sa upuan ay sumandal ito sa lababo. Sinimulan niyang inumin ang kulay pulang likido.

"I know he has tremendous ability but... seriously? Hindi ba siya nagpapahinga?"

"No." Oscar shook his head. He licked the remain on his bloody lips. "Kahit na pagod 'yon, kung galing kay Papa ang utos, susunod agad."

"So... he's more like an underdog to Lord Severo?"

That's how I see it.

"You can say that." He shrugged his shoulders.

Lumunok ako. Nagdalawang-isip ako kung sasabihin ko ang nasa isipan ko o hindi. Pero sa huli ay kusa na lang itong lumabas. "Is he just using Brix's ability to expand his authority? To make them fear him as he has Brix?"

Umawang ang bibig ni Oscar pero mabilis din na natikom.

"What?" tanong ko.

Huminga ito nang malalim bago mahinang tumango. "I am dead when someone hears me say this but... Nightfall Clan is just an ordinary clan without Brixton. He is our ace. Nightfall is nothing without him."

I knew it. I don't know why I suddenly want Brix to stop following orders from his father. Like... I want him to know his worth. He is more than just a follower. But then again... I remember what Celeste said. He's earning his Dad's trust, leading the entire clan one day.

"Anyway, Astra." Napunta uli kay Oscar ang atensyon ko. "May nabanggit ba sa 'yo si Brix tungkol sa Sabado?"

Umiling ako.

"There will be a celebration at the mansion on Saturday. I mean... para lang sa clan natin. To have fun. Everyone in Nightfall Clan is invited."

Just by hearing about that celebration, I can already say no even though he's not inviting me yet.

"Join us!" he invited, thrilled. "First time mo sa gano'n pero sigurado akong mag-e-enjoy ka. Baka magkaroon ka pa ng mga kaibigan!"

Ngumiwi ako. "Can I decline?"

"Yeah? But, why not?"

"Nahihiya ako..." pagsasabi ko ng totoo. "Saka. Nahihiya talaga ako."

Tumawa ito bago bumalik sa upuan. "Celeste and I will be there! Erikson, too. Kasama mo naman kami. No worries, Astra. Ako ang bahala sa 'yo."

I don't know but I have a bad feeling about that celebration. Siguro ay dahil makakaharap ko ang mga matataas na posisyon sa clan. O siguro ay dahil hindi ko alam kung anong klaseng kasiyahan 'yon.

"Please?" he pleaded.

No. Something is wrong. Gusto kong pumayag pero parang ayoko. Kinakabahan man ay gusto ko ring makasalamuha ang mga kauri ko pero... may mali pa rin. Magulo man pero parang may kulang para mapapayag ako nang tuluyan.

Tumayo ako at niligpit ang pinagkainan namin. I am still thinking about what's bothering me. I know Oscar, alam kong hindi niya ako pababayaan. That's already a yes for me. I feel safe with him. But... what the hell is wrong with me? I just need to confirm my attendance and I can't even do that.

"It's okay if you don't want to," I heard him said. "Siguro ay sa susunod na lang?"

Hindi ako sumagot.

I want to come but something is stopping me.

"Uy, sorry kung mapilit ako!" Naramdaman kong kinalbit niya ako. "Galit ka? Sorry na. I just thought you would love to since... but it's totally fine if you don't want to."

Humarap ako sa kanya at umiling. "What kind of celebration is that?" I asked instead.

"Party? Drinks? Conversations? Blood? It's all for fun." He smiled, assuring me that nothing bad will happen. "Oh! Kung iniisip mo kung may mananakit sa 'yo roon o magiging magulo, no. Andoon si Papa. No one will bother to ruin a party with him."

That sounds convincing, but I don't think that's what's bothering me.

"Andoon kami ni Celeste. Hindi ka namin iiwan kahit saan ka pumunta." Mahina pa itong tumawa. "Pero... no pressure naman. You can say no and it's fine."

That's it. Mukhang naintindihan ko na kung bakit tila hindi pa rin ako mapanatag sa kabila ng mga sinabi niya. May kulang na gusto kong makumpirma.

"Pupunta rin ba si Brix?" tanong ko.

He didn't mention him.

Natigilan ito. "He doesn't like that celebration. But surely, he will be hovering around, watching. But associating himself in the crowd? No. Not even Dad can force him to that."

That's it. That's what I find bothersome.

"I want to come, but if my master isn't there, I don't think I have any reason to be there, too. I'm sorry, but I need to decline the invitation."

Nawala ang ngiti sa labi ni Oscar. "Yeah. It's fine."

He forced a feeble smile.

Feeling guilty, I needed to get out of his sight. Lumabas ako ng kusina at dumiretso na lang ako sa sala. Napakagat ako sa labi ko nang maalala ang disappointed na mukha ni Oscar.

How rude of me to decline his invitation.

I want to see what kind of celebration is that and who are the invited ones. Maybe... I'll just hover around, too? I'll just probably watch the event from afar.

After all... this is part of the game I started.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro