Chapter 20
Chapter 20: Tired
Hinayaan ko muna ang mag-ina na magliwaliw sa bahay bago umakyat sa kwarto ko. Sinigurado ko namang nakakandado ang cabinet na naglalaman ng mga supot ng dugo. Alam ko kasing kapag sinabi kong huwag pakialam ay mas lalo nilang pakikialaman.
I rummaged through my closet to find a comfortable pair of clothes. Gusto ko nang mag-shower. I am feeling hot, maybe because of the alcohol that's still being absorbed by my body, probably because of noise pollution in that club. Or simply because of Brix.
Damn. Why is he always included in my thoughts?
Nang makapasok sa Comfort Room ay humarap ako sa salamin. Pumipikit pa rin ang imahe ko sa harapan ng salamin. I tried to touch my reflection. I miss being a human. I miss my best friend. I miss not craving for blood. I miss who I was.
To miss things from the past, that's all I can do right now.
I took a quick shower. Ayoko namang magtagal dahil kinakabahan ako sa mag-ina sa ibaba. Lalo na si Tita Ophelia na malamang ay nalibot na ang buong bahay. Tahimik naman ang pakiramdam ko kaya nagtagal ako sa harapan ng salamin ng tukador.
Wala sa sariling napahawak ako sa aking labi nang maalala ang nangyari kanina. I would lie if I was going to say I didn't like it. Siya ang unang nakahalik sa akin kaya hindi ko ito maikumpara sa iba. Ganito ba talaga 'yon?
Speaking of the devil... I hope he won't show up tonight.
Bumaba na rin ako para samahan ang mag-ina. Gaya ng inaasahan ay nanunuod lang sa sala si Eliyah. He's back at it again, watching his favorite cartoon of all time over and over again, freaking Spongebob.
Hinagilap ng mga mata ko si Tita Ophelia pero wala siya rito sa sala. Hindi ko rin siya maramdaman sa bahay.
Lumapit ako sa pinsan ko. "May load ka, Eliyah?"
"Meron," sagot nito pero nanatili sa TV screen ang atensyon.
"Paki-text naman si Dahlia. Tanungin mo kung gusto niyang mag sleep over dito." Tutal ay andito na rin naman sina Tita at Eliyah, gusto ko na ring isama si Dahlia para isahang problema na lang kung sakali. "Do you have her contact number?"
Eliyah tilted his head on my direction. "Yata? Bakit pa natin siya isasama? Maingay lang 'yon! Baka magising pa 'yung kaluluwa ng may ari ng bahay na ito. Hindi ba, Astra? Nakakatakot 'yon."
Bumuga ako ng hangin. "Just text her, Eliyah. Nasaan ba si Tita?"
"Bumili ng mga chips. Puro daw kasi alak, gulay at karne ang laman ng ref mo." Hinugot niya sa kanyang bulsa ang cell phone. "Bakit ba kasi hindi ka bumili ng cell phone mo? Bayaran mo 'tong load ko."
Ramdam ko ang panunuyo ng lalamunan ko kaya dumiretso muna ako sa kusina. Number code ang lock ng cabinet na binuksan ko. I took a plastic of blood and slid it inside my shirt. Pumasok ako sa CR para doon inumin ang dugo.
Nilapit ko sa ilong ko ang dugo para amuyin. In just a matter of seconds, I felt the rushing warm feeling crawling in my veins. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at inisahang inom ang dugo.
Uminit ang pakiramdam ko habang dinaramdam ang paggapang ng likido pababa sa aking lalamunan.
I tilted my head in the mirror. I saw someone licking the blood on her lips, sneering like she was up to something. No matter how many times I try to accept who I have become, whenever I see myself in the mirror, I still wonder who that girl I am looking at is. It still feels bizarre to see a monster in the mirror.
Nag-ayos ako bago bumalik sa sala. Nakadapa na ngayon si Eliyah sa sofa, habang nakaharap pa rin ang ulo sa flatscreen TV. He looks like he's not even enjoying it. What's wrong?
Inusog ko ang mga binti niya para makaupo ako sa bandang paanan niya. Tinuon ko ang atensyon sa TV.
"So... she's Nathalia," I heard Eliyah mumbled.
Hindi ako kumibo. I knew there's still something wrong.
"Nathalia Cardinal," dinig ko pang bulong nito. His voice sounds amused and peaceful at last. "Pinuntahan niya ako uli. Just like how she first approached me, it happened in just a blink of an eye."
That's the moment I looked at him. "Ano ang ginawa niya?"
"Waved her goodbye and kissed me again." He chuckled while shaking his head.
"She's no good for you," sabi ko.
Tumihaya ang pinsan ko at pinatong ang mga kamay sa tiyan. Tumitig ito sa kisame, tila malalim ang iniisip. Kapansin-pansin ang ngiti sa kanyang labi. Ang buong akala ko ay nahimasmasan na ito pero mukhang isang palabas lang ang lahat.
"Sino ba talaga 'yung lalaking engkanto, Astra?" Tumingin ito sa akin. "Ang vague ng kwento mo, ang daming loophole. For once, since tayo lang naman ang nandito, can you like trust me by saying the truth?"
No. The truth won't do anything good to anyone around me.
"So, that was all an act?" I furrowed my eyebrows, ignoring his question. "Nami-miss ka na ni Tita Ophelia, kaya pinapalabas mong nagbalik ka na sa dati? That you are back at being childish and scaredy-cat again?"
Bumuga ito ng dati. "I'm still that naïve and annoying boy, Astra. If something has changed, it's the fact that I had my first kiss. Now two. I had it with the most enigmatic woman I've ever met. She's so strange to me."
"Itigil mo na ang pagpapantasya sa kanya." Sumandal ako at bumaling na lang sa TV. "I said it before and I will say it again. I will always make you remember that she's no good for you and to anyone around you."
"You really care that much to me huh?" manghang tanong niya.
Hinampas ko ang kanyang binti na nakapatong sa hita ko. "Gago ka ba? Alangan namang hayaan kitang mapahamak."
I rolled my eyes.
Tumawa ito at naglikot ang mga binti. "Sweet. Don't worry, Astra. I got you, too. Kapag sinaktan ka ng lalaking 'yon, ako ang bahala."
Nagtaas ako ng mga kilay bago humarap sa kanya. Ang akala ko ay nakangiti ito pero hindi. Seryoso ang kanyang mukha. Walang bakas ng pagbibiro.
"Can you do me a favor, Eliyah?"
"Tell me."
"Do everything to stay away from that man," I said with all the sincerity left in me.
Curiosity filled his confused eyes. "I will, but not until he hurt you."
"Kahit na mangyari 'yon," seryoso kong sambit. "Kung kinakailangan na lumayo kayo ay gawin niyo na lang. Just stay away from him. Just do it."
"How about you?" Napalitan ng galit ang kanyang tingin. "Should we just leave you with that guy?" Umupo ito at humarap sa akin. "Kung pagbantaan mo ako ay parang napakadelikadong tao ng lalaking 'yon."
I gulped. "He is..."
"Kung gano'n ay bakit ka magpapaiwan sa kanya? Is he somehow blackmailing you?" Humalukipkip pa ito. "May sextape ba kayo na ginagamit niyang pang block sa 'yo?"
Nanlaki ang mga mata ko. "What the hell Eliyah?!"
Bumali ang leeg nito. "I'm serious, Astra. If that guy hurt you and I saw tears in your eyes, without any hesitation." And he showed me his clasped fists. "I know he is stronger and superior... but my fists wouldn't budge."
Mabuti na lang at dumating na si Tita Ophelia na may balang ilang plastic bags na may chips. Tuwang-tuwa pa ito habang nilalatag sa lamesa ang mga binili niya dahil naka sale daw ang mga 'yon.
"Binilhan na rin kita para may stock ka." Inikutan pa ako ng mga mata ni Tita. "Gagamit kami ng kuryente sa pagtulog dito kaya ito na lang ang pambawi ko." Saka niya nilagay sa gilid ang extra na plastic.
Sinamahan ko ang mag-ina sa Spongebob marathon nila. Tawa sila nang tawa habang ako ay napapatingin lang sa kanila. Nakahiga pa sa hita ni Tita si Eliyah na kumakain. Habang ako ay nasa gilid lang, tahimik na kumakain at paminsan-minsan ay napapasulyap sa kanila.
I miss this.
"Wala ka bang naaalala ngayon, Astra?" biglang tanong ni Tita.
Napaisip ako. "Bakit po?"
"Ito 'yung araw, hindi ba?" Malungkot na ngumiti ito.
Ah. Oo nga pala. Nakalimutan ko na. Ngayon ang death anniversary ni Mama. Sa dami ng mga nangyari ay maging ang isa sa pinakamapait na araw ng buhay ko ay nakalimutan ko pa.
Whoa. I survived.
"Gusto mo bang bisitahin natin siya, Astra?" tanong ni Eliyah. Umayos ito ng upo. "Malapit lang naman dito. Tara?"
Umiling ako. "Let's just stay here."
"Nako, Astra. Baka hinihintay ka ni Luisa. Kapag hindi ka dumalaw ay siya ang dadalaw sa 'yo," pananakot pa ni Tita. "Sige na, Eliyah. Samahan mo na si Astra. Ako na muna ang maiiwan dito."
I shook my head. "Pwede bang sumama ka na lang, Tita?"
Ayokong maiwan siya rito habang wala ako.
Sa huli ay kaming tatlo ang pumunta sa puntod ni Mama. Umupo ako at hinawi ang ilang tuyong dahon sa lapida. Sinindihan ko ang kulay puting kandila. Sa tuwing pumupunta ako rito ay bumibigat ang pakiramdam ko. Strangely, nothing feels heavy anymore. It feels like finally... I have learned to be alone.
"I miss you, Mom," I muffled, wishing she could hear me wherever she was. "I thought I wouldn't survive this world without you. It was hard. But then again... I did it. You raised a warrior, Mom. I hope you are proud of me."
Looking back... I am proud of myself.
"Hoy, Luisa. Dalaga na ang anak mo," dinig kong sabi ni Tita. Mas lumapit siya sa akin at hinagod ang aking likod. "Naku. Kung nakikita mo siya ngayon, matatawa ka. Mukha kayong kambal!"
That made me smile. Laging sinasabi ni Tita na masyado kaming magkamukha ni Mama. Lalo na nung kasing edad ko raw ito. Kaya rin siguro minsan ay nagpipigil si Tita sa akin, naaalala niya sa akin ang kanyang kapatid.
"Sana Tita Luisa kamukha mo rin si Mama— aray!" angal ni Eliyah nang batukan siya ni Tita Ophelia.
"Magkamukha kami!" pagdidiin ni Tita na ikinatawa ko. "Bumilog lang ako ngayon, Eliyah. Bukas. Ipapakita ko sa 'yo mga tinago kong picture. Baka malaglag pa panga mo kapag nakita mo ang kurba ko dati."
"Huwag ka na mag-abala—"
"Gumalang ka namang bata ka." Piningot ni Tita ang tainga ni Eliyah. "Pero aminado naman ako. Mas maganda si Luisa. Haba ng hair niyan e. Araw-araw may dalaw sa bahay. Halos mapuno na ng bulaklak ang bahay."
"Pero... si Tito Rold ang pinili niya," dinig kong sabi ni Eliyah. "Sayang lang at hindi ko naabutan si Tito. Sobrang gwapo niya siguro, 'no, Ma? I mean... Tita Luisa looked like a goddess."
"Oo..." mababang boses na tugon ni Tita. "Guwapo na hangal."
Napatingin ako kay Tita. "Ano po ibig niyong sabihin, Tita?"
Napalunok si Tita. "May attitude siya. 'Yung mga manliligaw ni Luisa ay mabait lahat. Pero iba si Rold. Niligawan niya si Luisa nang patago. Tutol sa kanya ang mga magulang namin pero imbes na kunin niya ang loob ng mga ito, patago niyang kinita si Luisa."
"I-I didn't know that story." An amused sound escaped my lips. "So bad boy type pala si Papa?" I giggled.
"Sobra." Mahinang natawa si Tita. "Kaya nga hindi na ako magtataka kung hambog ka rin, Astra."
Mas lumawak ang ngiti sa labi ko. Hindi ako kailanman nagkaroon ng interest kay Papa pero ayon sa kwento ni Tita, mukhang napakainteresante niyang tao. No wonder why Mom fell in love with him.
"Astra..." Lumapit sa akin si Eliyah. "Kaliwa."
Pasimple akong sumulyap sa kaliwa. Kumaway sa akin ang isang babae na agad kong nakilala. Nagpaalam muna ako na lalapitan si Albina. Malawak ang ngiti nito nang maabutan ko.
"What do you want, Miss Montereal?" tanong ko habang pasimpleng sinusulyapan ang mag-ina.
"How's Brix?" she asked.
"Still the beast," I responded casually. "Magkaiba tayo ng clan, bakit ang hilig mong makipagkita sa akin? Hindi ba 'to bawal?"
"No!" she shook her head. "Magkaiba lang tayo ng clan pero hindi tayo magkaaway. Siguro ay may competition pero since... normal na myembro lang tayo, medyo labas na tayo sa politics."
"So?"
"Let's have a walk?" she requested.
Tinanaw ko ang mag-ina na nagkukulitan. Mukhang nagsasaya pa sila kaya pumayag na muna ako sa kagustuhan ni Albina. Pumasok kami sa masukal na dulo ng sementeryo, kung saan matataas ang mga puno.
Napaubo ako nang bigla akong sikmuraan ni Albina.
"What the fuck?!" bulalas ko.
Humalakhak ito. "Yeah right, Miss Martin. What the fuck?! Hindi mo man lang nakita na aatakihin kita?"
I winced. "Fuck off bitch. Why did you attack me?"
She looked disappointed. "You don't know how to fight?"
"Seriously?" I rolled my eyes.
Tumalon ito papunta sa isang sanga ng puno at umupo roon. She looked down on me with an annoying sneer. What's with this woman?
"Nabalitaan kong natikman mo na raw ang labi ni Brix?" Mas lumawak ang ngiti sa labi ni Albina. "How was it, Astra?"
Nanatili akong nakatayo at nakatingala sa kanya.
"Say something, Astralla Martin!" she screamed, frustrated when she didn't get an immediate answer.
"It was a kiss, okay? Nothing special."
Mukhang nalugi naman ang mukha nito sa isinagot ko.
"You didn't like it?" tanong niya. Hindi ako nakasagot na ikinangiti nito. "I knew it!"
"He's a good kisser. What do you expect?" I rolled my eyes again.
Of course, I liked it.
She giggled. "I envy you. Damn."
I just shrugged my shoulders.
"Why did you attack me?" pagbalik ko sa tanong.
"That was a test and you disappointed me like..." Huminga ito nang malalim. "How could you let your guard down while you are with someone you barely know? That's a fucking suicidal, stupida!"
I forced a laugh. Didn't she know how insulting that was to me?
"If you want to stand a chance against that beast, give it up, Astra." Naiiling pa ito na mas dumagdag sa pagkainsulto ko. "Hindi ka nga mananalo sa akin, sa lalaking 'yon pa kaya? You know what? I thought you are better than this."
"I just turned into a vampire like a couple of days ago. Can you like give me a freaking time to learn things?"
"Sure." She bobbed. "Gusto mo bang ako na ang magturo sa 'yo? I will do it for free!" excited na sambit pa nito. "Ay, not totally free pala. Gusto kong balitaan mo ako lagi tungkol kay Brix kapalit ng pagtuturo ko sa 'yo."
"Really? Bakit ko naman sasabihin sa 'yo ang mga ginagawa ni Brix? I may not be as strong as you, but I am not a fool." I crossed my arms on my chest, still looking up at her. I saw this coming. "If you want to know something about Brixton, do it yourself."
Ngumiwi ang labi nito. "No. That's now what I meant. Gusto ko lang malaman kung ano ang shampoo na gamit niya o ang brand ng shower gel niya. His perfume, too. Gusto ko ring ibigay mo sa akin ang mga ginamit niyang towel. 'Yung hindi pa nalalabahan ah?" Pumula pa ang pisngi nito.
My eyes widened. "Y-you are obsessed."
"No!" Mas pumula ang kanyang mga pisngi. "Gusto ko lang naaamoy ko siya kapag may ginawa ako. You know?"
Kung nalalaglag lang ang panga ko ay malamang na sumasayad na ito sa lupa ngayon.
"I-I don't get it," pagkukunwari ko.
"Oh, come on!" she frowned. "I am tired of just imagining him. I want his actual scent. That does something more intense."
Hindi ko na napigilan ang sumabog sa tawa. What the hell is wrong with this woman and why is she so obsessed with Brix? I get it. Brix is freaking gorgeous. But to this extent? That's absurd!
"Seryoso ako!"
"Okay okay." I bit my bottom lip to halt my laugh. "Gamit na towel sa kanya kapalit ng limang beses na pagtuturo mo sa akin. Deal?"
Mabilis na tumango ito. "Deal! Pero request lang sana, Astra. Yung towel sana na pinangpunas niya sa kanyang katawan... pababa. Please?"
Ngumiwi ako. Ako ang nahihiya sa gusto niyang mangyari.
"S-sige. Ako ang bahala!" tumango ako. "Kailan tayo mag start?"
"Ngayon na?" tanong niya.
"Err. Bukas na lang," sagot ko. "Dito pa rin. Same time."
"Sure. Sure!" Tumalon ito pababa. "Makukuha ko rin ba bukas ang towel?"
"I'll try..." Hindi ko alam kung paano makukuha 'yon.
"Yay! Thanks!" And she hugged me tightly. "See you tomorrow!"
"Fuck!" Napaluhod ako nang tuhuran niya ang sikmura ko. Halos mamaluktot ako sa sakit habang siya ay tawa lang nang tawa.
"Goodbye, Astra. See you tomorrow! Don't forget the towel. Thanks."
And just like that... she disappeared.
Ilang segundo pa ang lumipas bago nawala ang sakit ng sikmura ko. Sakit man ang dinala niya sa akin sa ilang minuto lang ng pagkikita namin, hindi ko maipagkakaila na tama siya. I don't know her but I let my guard down. That's I think the lesson for today. Never let your guard down.
Binalikan ko na ang mag-ina. Paalis na rin sana ang mga ito para mauna na sa bahay.
Dahlia replied that she can't join us tonight. Oo nga pala. Finals na ngayon kaya malamang na marami siyang hinahabol na requirements. I suddenly miss being a student. Mga school requirements lang ang inaalala ko. Unlike now... problema kung paano pumatay ng isang lalaking 'di kayang patayin.
Payapa naman na dumaan ang ilang oras. Kumain kami nang sama-sama, si Tita Ophelia ang nagluto. Nanuod din kami ng mga movies, mabuti na lang at hindi Spongebob. Nagkwentuhan at nagtakutan. So far... everything is good.
Pinagamit ko sa kanila ang isang bakanteng kwarto sa itaas. Kung saan ko naabutan ang isang madugong eksena. Sa gano'n ay hindi na ang eksenay na yon ang maalala ko kapag nakikita ang silid na 'yon.
Nang makatulog ang mag-ina ay pasimple akong pumuslit sa kusina at uminom ng dugo. Naligo rin ako at nagpatuyo ng buhok. Sinubukan kong matulog pero gising na gising ang diwa ko. Ilang oras lang akong tulala sa kawalan.
Pagod ako pero hindi bumibigay ang katawan ko. Parang may hinihintay ito.
Alas tres pasado na pero mulat pa rin ang mga mata ko. That's when I decided to go out for a walk. Gabi na pero malinaw pa rin ang paningin ko. Hindi ko pa rin nakikita si Erikson, malamang na may ginagawa.
I looked up at the starry sky. Umihip ang hangin na gumulo sa buhok ko.
May naramdaman akong palapit kaya dumiretso ang tingin ko. Under the moonlight, Brix appeared out of nowhere. Just like earlier, his body was covered with blood. His panting was even more severe now. May mga butas ang kanyang damit. There were scratches on his body, too.
"H-hey—" I gulped.
Humakbang ito palapit sa akin. Ramdam ko ang panghihina nito. His eyes looked tired, too.
"Have you been in a fight again?" I asked.
Napasinghap ako nang pabagsak na yumakap ito sa akin. Napaatras ako dahil bumagsak sa akin ang lahat ng kanyang bigat. That confirmed my questions. He's gone in a huge fight again.
Hindi ko maiwasang hindi matanong. Ilang laban ba ang pinapanalo niya araw-araw? Ilang laban pa ba ang kailangan niyang ipanalo para tuluyang makuha ang loob ng ama?
"You okay, Brix?"
"I am," he whispered. Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking batok. "I just want to sleep here tonight. I am so fucking done for today."
Niyakap ko siya pabalik.
"Sure. Let's go inside."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro