Chapter 2
Chapter 2: Slave
Hindi ako nawalan ng malay kahit na bumagsak ako sa sahig. Nakapikit lang ang mga mata ko, patuloy na nanghihina ang katawan, pero alam ko ang nangyayari sa paligid. May bumuhat sa akin at dinala ako sa clinic. Narinig kong may tumawag sa pangalan ko... si Kristan.
"Nakita ko na lang siyang nakatumba sa sahig," dinig kong sambit ni Kristan. Bakas ang pangamba sa kanyang boses. "Damn. What's with the interrogation? Can you just do your job and do something? She's badly hurt!"
Naramdaman kong lumapat ang likod ko sa malambot na kama. May humaplos sa noo ko.
"W-what?" I heard a woman gasp, probably the school nurse. "We need to call an ambulance now!"
"Wait. What's happening?"
I tried to open my eyes. Umiikot pa rin ang paningin ko dala ng matinding hilo at pagbagsak ng lakas. Gusto ko na lang mawalan nang malay para hindi ko na maramdaman ito pero tila lumalaban ang katawan ko. Pakiramdam ko ay may gusto itong makuha at hindi ito titigil hanggat hindi ito nakukuha.
"Excuse me." An unfamiliar voice suddenly appeared out of nowhere. Sinubukan kong mukhaan ito pero hindi ko magawa. "I know what to do."
"Wait. Who are you—"
"I am a doctor, too," the unfamiliar voice responded.
"What?! You can't do that!" dinig kong pagtutol ng nurse na parang may gagawing hindi maganda ang nagpakilalang doktor. "Ako ang naka-assign dito, Mister. You can't interfere with my job. And I need to bring her to the hospital as soon as possible."
I winced when I felt something pinched on my right arm. Like a familiar discomfort that I hate the most, the pain of a needle. Wait. Was that a syringe? I hate syringes!
"What did you do?!"
I was set to resist when I felt a sudden relief. Bumaba ang init na nararamdaman ko at nawala ang panunuyo ng lalamunan ko. I came back to my senses just like that. Nagawa kong imulat nang maayos ang mga mata ko. Sumalubong sa akin ang dalawang pares ng mata na hindi familiar sa 'kin.
"How are you feeling?" he asked.
"I-I don't know?" I gulped hard. Bumaba ang tingin ko sa hawak niya. Napabangon ako at napatayo sa kama nang makita ang panusok na hawak niya. "Did you just— " Napatingin ako sa braso kong tinusukan niya. Napakurap ako nang makitang walang dugo o bakas man lang na tinusok ako roon. Pero sigurado akong tinusok niya ako ng karayom.
"I don't think you still need to answer," the old man responded with a little laugh.
"Astra!" Lumapit sa akin si Kristan at hinila ako paupo. Hinawakan niya ang noo ko. Nakita kong dumaan ang gulat sa kanyang mga mata. Bumaling ito sa lalaking nakangiti pa rin habang nakatingin sa akin. "Ano ang tinusok mo sa kanya?"
"Pampakalma..." Lumapit sa akin ang lalaki at sa hindi malamang kadahilanan ay tila hindi ako nakagalaw. Nilapit niya ang kanyang bibig sa tainga ko. "It won't last, Lady Astra. When it comes back, it won't be tolerable anymore," he whispered.
Naramdaman kong may ipinasok ito sa bulsa ko bago siya lumayo.
"Mister?" The school nurse called the mysterious man. "May I know your name? This is such a disrespectful move."
The unfamiliar guy just chuckled. "Just call me..." And he turned his head on my direction again. "Mr. Billy. Anyway, I need to go now. It's a pleasure to meet you, Lady Astralla. Until again." Lumabas na ito ng pinto.
Ilang segundong nakatulala ang nurse bago ito sumunod sa labas.
Napatingin ako kay Kristan na nakatingin sa akin. Ilang sandali itong nakatulala bago huminga nang malalim. Tila nawala na ang pangamba sa kanyang mukha nang makitang ayos na ako. Bigla kong naalala ang ginawa niya para sa 'kin.
"T-thank you," bulong ko.
Umupo siya sa tabi ko at muling dinama ang noo ko. Napailing ito at mahinang natawa. "What's with this day? Ang daming hindi maipaliwanag na pangyayari." Sandali itong tumigil para hawakan ang kamay ko. "But, I don't care. You are good now and that's the only thing that matters to me."
Napangiti na lang din ako.
"Astra!" Sabay kaming napalingon sa babaeng mangiyak-ngiyak na pumasok din dito sa clinic. Napasinghap ako nang pabagsak na yumakap sa akin si Dahlia at dahil do'n ay nabitiwan ni Kristan ang kamay ko. "OMG ka girl. Namatay ka na nga kagabi, mamamatay ka pa ngayon?"
Natawa ako sa sinabi niya. Here comes the exaggerated best friend we wish to have.
"She's good now, Dahlia," said Kristan.
Kumawala sa pagkakayakap si Dahlia at pinunasan ang kaunting luha sa gilid ng mga mata. Suminghap pa ito bago tumango.
"Sabi ko kasi sa 'yo huwag ka nang papasok eh!" padabog na sabi niya na sinabayan pa ng mahinang hampas sa balikat ko. "Hindi na maganda ang pakiramdam mo kanina, nagpumilit pa rin. Hindi ka naman matalino para mag-alala sa grades mo."
"Hey, easy." Inawat ni Kristan si Dahlia nang hampasin niya ako uli.
"Ano? Papasok ka pa?" tanong ni Dahlia.
Hindi ako nakasagot. Nawala na ang sama ng pakiramdam ko kaya puwede na akong pumasok. Pero kapag naiisip ko ang sinabi nung lalaki kanina, nababahala ako. Itong nararamdaman kong kaluwagan ng paghinga... hindi rin ito magtatagal. Kung hindi lang dahil sa mga weird na nangyari ngayon, malamang na hindi ko ito paniniwalaan.
Bigla kong naalala ang sinabi ng boses kanina sa isipan ko."The more you endure it, the more you will suffer. Welcome to my world, Astralla Martin." Ano ang ibig sabihin no'n? Why am I enduring this? This weird feeling? How am I enduring it when I have no idea what's really happening?
Ano ba ang gusto niyang gawin ko?
Teka... sino ba 'yon?
Napangiwi ako nang may bumatok sa 'kin. "Gaga ka umuwi ka na para magpahinga!" bulyaw sa 'kin ni Dahlia. "Baka magkatotoo 'yung sa Facebook. Ihahatid ka na lang ni Kristan. Hindi ba, Kristan?" baling ni Dahlia kay Kristan.
Halatang hindi handa si Kristan sa sinabi ni Dahlia kaya sandali itong natigilan. "A-ah? Syempre naman. Hindi naman puwedeng hayaan kitang umuwing mag-isa pagkatapos ng nangyari."
"See?" Ngumisi si Dahlia. "Magpahinga ka na lang sa bahay, Astra. Kapag pinag-linis ka ni Ophelia, sabihin mo pagdadalhan ko siya ng isang garapong kape at asukal bukas."
Natawa ako sa sinabi niya. Hindi katulad ko, may kaya sa buhay itong si Dahlia. Medyo spoiled nga si Tita Ophelia sa kanya. Pinagdadalhan kasi niya lagi-lagi ng kape at asukal si Tita kapalit ng mas magaan na pagtrato nito sa 'kin.
"Paano kung si Eliyah ang nag-utos sa 'kin?" tanong ko na sinabayan pa ng pagtaas ng mga kilay. "Ano ang gagawin mo, Dahlia?"
Hindi nakasagot si Dahlia.
"Wait. May crush ka kay Eliyah?!" gulat na tanong ni Kristan.
Namula ang pisngi ni Dahlia.
"Mapili kasi 'yang si Dahlia, Kristan. Mataas ang taste sa mga lalaki. Kaya nga nagustuhan niya ang pinakamakisig, responsable, matured na lalaki sa buong mundo. Ang pinakamabait kong pinsan... Eliyah Lavoza!"
Mas lalong pumula ang pisngi ni Dahlia nang sabay kaming humalakhak ni Kristan. Hindi ko maintindihan kung ano ang nagustuhan niya kay Eliyah. Sa mukha naman... okay, understandable. Guwapo naman si Eliya. Ang kaso lang... 'yon lang.
Natikom ang bibig namin nang pumasok uli ang nurse. Hatalang galit ito base sa kanyang mukha.
"Hindi kilala ng admins ang nagpakilalang doktor dito," madiin na sabi ng nurse. Nakakuyom pa ang mga kamao nito at halatang handang manuntok. "Ang kapal ng mukha no'n. That's a crime!"
"Wait... he's not a doctor?" Kristan asked.
"I don't know," the nurse responded. "Pero wala siyang permission sa admins. Malamang na gawa-gawa niya lang din ang pangalan na ibinigay niya. This is infuriating. Ako ang maiipit dahil sa ginawa niya."
"Wait. Who?" Si Dahlia na walang ideya sa nangyayari.
"Kung gano'n ay dapat siyang mahuli!" pursigidong sambit ni Kristan. "Baka kung ano ang tinusok niya kay Astra. Baka panandalian lang ito at kapag bumalik ay mas malala. We should do something, Nurse. We can't just let it pass."
Natigilan ang nurse kaya tumaas uli ang mga kilay ko. "Ang sabi ng mga guard ay wala silang pinapasok na gano'ng lalaki. Actually, wala pa raw pumasok na hindi teacher o estudyante dito magsimula kanina."
"What does that mean?" I asked, confused.
"I-I don't know..." The nurse let out a heavy sigh. "Ipapaimbestiga ko ito, don't worry." Lumapit siya sa akin at hinaplos ang noo ko. "But the good thing is you are good now. Pero hindi tayo dapat magpakampante. Dadalhin ka pa rin namin sa hospital."
"No," biglang lumabas sa bibig ko.
"Wait. Who's the doctor?" Dahlia asked.
"What do you mean no, Miss Martin?" The nurse asked.
"I want to go home instead," sagot ko. "I just need a rest."
"Pero kailangan mong ma-check—"
"Pwede mo ba akong ihatid?" tanong ko kay Kristan.
Naguluhan ang tingin nito. Wala akong nakuhang sagot sa kanya.
Huminga ako nang malalim. "Ako na lang pala. Kaya ko naman," saad ko.
"Wait guys. Sino 'yung doktor na hindi doktor na gumamit ng pangalan na hindi niya pangalan?" patuloy pa rin ang pagtatanong ni Dahlia. "Someone answer me!"
Tumayo na ako at sinuot uli ang sapatos ko.
"I can't just let you go home after what happened, Miss Martin. Responsibilidad kita," pagpupumilit ng nurse. "Pauwiin din kita pagkatapos mong masuri ng mga doktor. Ako pa mismo ang maghahatid sa 'yo. Sobrang init mo kanina... nakakapaso. That must mean something."
"I will go home now," sabi ko.
"Ihahatid na kita." Tumayo na rin si Kristan. Kinuha niya sa akin ang bag ko at siya na ang nagbitbit no'n. "Ako na rin ang bahala sa mga subjects mo. Igagawa kita ng excuse letter. Papatulong ako kay nurse since alam naman niya ang nangyari sa 'yo."
Bumuntonghininga ang nurse. "If that's the case..." Lumapit ito sa isang desk at may kinuha na papel. "I will just ask you to sign this. Kapag pinirmahan mo ito ay wala na akong pananagutan kung sakali mang may mangyaring masama sa 'yo dahil sa nangyari. But, I don't suggest—"
I cut her out when I grabbed the piece of paper on her hand. Pinatong ko ito sa lamesa at kinuha ang ball pen sa gilid para pirmahan. Nang mapirmahan ay ibinalik ko 'yon sa kanya. Wala na siyang nagawa sa pagkakataong 'yon. Napailing na lang ito.
"Hello, guys? I'm still here!" Dahlia exclaimed.
Bumaling ako sa kanya. "I will explain you tomorrow, Dahlia. I just want to go home now. Pumasok ka na."
Nakaalalay sa 'kin si Kristan sa lahat ng kilos ko. Sabi ko naman sa kanya na mabuti na ang kalagayan ko pero hindi ito nagpatinag. Kulang na nga lang ay buhatin na niya ako para lang hindi mapagod. Hindi naman sa nagrereklamo ako... I don't know. Ayoko lang na iba ang maisip niya sa mga kilos ko.
Matagal ko nang inamin sa kanya na wala ibang nararamdaman para sa kanya kung hindi kaibigan lang. Kaibigan na lang naman kami ngayon pero iba ang nababasa ko sa mga kilos niya. Kaya nga niinis ako kay Dahlia kapag tinutulak niya ako kay Kristan kahit na pabiro lang.
"I almost lost my breath when I saw you lying on the floor," I heard him say. Diretso lang ang tingin ko sa daan. "I know, Astra. Your feelings won't change anymore. But can you just promise me you'll take care of yourself?"
He didn't get any response from me.
Hinawakan niya bigla ang braso ko kaya natigilan ako sa paglalakad. Bumaling ako sa kanya. Sumalubong sa akin ang mga nag-aalala niyang mata. Bahagya akong nakaramdam ng kirot dahil sa pagbalewala ko sa kanya.
"I-I'm good, Kristan." I forced a smile.
"For now." Sumeryoso ang boses niya. "I know you are a brave woman, Astra. I like it. No. Scratch that. I love it. But..." He gently pressed my arms. "I want you to know when to be brave and when to not to. Learn to read the line, Astra. There's a thin line between being brave and being careless."
I nodded. "Noted, Kristan."
"Aw!" Nabitiwan niya ako at napaatras na parang napaso dahil sa pagkakahawak sa 'kin. "Damn it. Another weird shit."
Napalunok ako nang mag-iba na naman ang nararamdaman ko.
Bumabalik na...
"I-I need to go home now," sabi ko.
Hinatid ako ni Kristan sa sakayan ng tricycle. Nagpumilit pa itong ihatid ako hanggang sa bahay pero hindi na ako pumayag. Masyado na akong nakakaistorbo sa kanya. Mag-isa akong sumakay sa tricycle at nagpahatid sa bahay.
Nagawa kong makauwi ng bahay. Sumalubong agad sa akin ang mga nakataas na kilay ni Tita Ophelia pero hindi ko na ito nabigyan-pansin. Kahit na nagsasalita pa siya ay nagmadali na akong umakyat sa kwarto ko.
"Sabi ko sa 'yo maglinis ka na lang dito eh!" dinig ko pang sabi nito.
Pagkapasok ko sa kwarto ko ay kinandado ko agad ang pinto. Pinatong ko sa lamesa ang bag ko at nagpalit ng damit. Humarap din ako sa salamin para magsuklay ng buhok. Ito ang madalas kong gawin kapag kinakabahan o may dinaramdam... haharap sa salamin ng tokador ko at susuklayin ang buhok. Kumakalma ako 'pag ginagawa ito.
Mula sa reflection ng salamin, kitang-kita ng dalawa kong mata ang bintana... nakabukas ito.
Suminghap ako at pinagsawalang-kibo na ito.
Natigilan ako nang umihip ang malamig na hangin. Tumayo ang mga balahibo sa katawan ko. Pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin... pinapanuod ako.
Ilang sandali pa ay natigilan ako sa pagsuklay nang mabitiwan ang suklay. Napatingin ako sa mga kamay kong nanginginig. Napatukod ako nang magsimula na namang umikot ang paningin ko. Bumalik ang panunuyo ng lalamunan ko.
Mas lalo akong natakot nang magsimulang manikip ang dibdib ko.
"You can't conceal it now." I heard a voice behind me.
Bumaling ako sa kanya. Mas naging malabo ang paningin ko dahil sa mga luha. Tumayo ako at sinubukang maglakad pero napaluhod ako. Napahawak ako sa binti ng kung sino mang nakatayo sa harapan ko.
"H-help me..." I begged.
I heard him chuckled.
"Sure. But, in one condition..."
His voice... I heard it before.
Napahawak ako sa leeg ko, parang sinasakal ako.
Umupo ang lalaki para magkasing-taas kami. Tumingala ako para sana makita ang mukha niya pero hindi ko magawang maaninag ito. Pero... kitang-kita ko ang nakangisi niyang labi. Halatang natutuwa dahil sa nakikita.
"Call me by my name while pleading. Can you do it?"
Asshole.
"What?!" Naramdaman kong hinawakan niya ang panga ko na parang babasagin ito. "Did you just call me asshole?" Mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa 'kin. "I am Brixton Cardinal. I am your master. Now, say Master Brix while pleading."
I smirked when I finally recognized his voice.
"Whatever you say, Master Asshole," I said.
He's the voice inside my head.
Nakarinig ako ng tawa, hindi galing sa lalaking may hawak sa 'kin. May iba pa sa kwarto ko.
"Just help her, Brix. Nahihirapan na siya oh," the other voice said.
Napayuko ako nang bitiwan ng may hawak sa 'kin. Bumagsak ako sa sahig at hindi na nakagalaw pa.
"Let her suffer," the asshole said.
"Don't be that vile to her, Brix."
"She called me asshole, Oscar. That's not how it works!"
"She's still in transition. Malay mo 'pagkatapos ay kaya mo na siyang pasunurin," pangungumbinsi pa ng isa. "And take note, Brix. Naghihintay na si Papa sa kanya. Kapag wala ka pa ring naipakilala sa kanya... ikaw rin, sige ka."
"Fuck it!"
Naramdaman kong may bumuhat sa 'kin.
"You are my slave, Astra. Always remember that."
I mentally laughed.
What a delusional asshole. Slave my ass.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro