Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17

Chapter 17: World of Vampires

I forced a smile while staring at myself in the mirror. Sabi kasi nila ay mas gagaan ang araw mo kapag inumpisahan mo ito nang may ngiti sa labi. With all these things going on inside my head, I still want to have a normal day. Or at least, a peaceful one.

Huminga ako nang malalim bago kinuha ang bag ko at lumabas na. Tumambad sa akin ang katahimikan ng bahay. Binaybay ko ang daan pababa ng hagdan. Hinagilap ko ang mga aso pero mukhang binawi na sila.

Gamit ang tirang pera ay sumakay ako ng tricycle para pumunta ng school. Dala ko ang lahat ng gamit na kailangan kong ibalik. I am here to quit as their student. After this, I will find a job nearby, para may pangtustos ako sa sarili.

"You sure, Miss Martin?" tanong ng Dean namin, bakas ang panghihinayang sa kanyang mukha. "Fully paid ka na eh. We can't offer refunds anymore. Sayang ang opportunity na 'to. Marami nga diyan gustong makapag-aral pero walang sapat na pera."

Sana nga ay gano'n na lang din ako. Walang pera kaya hindi makapag-aral at hindi may pera pero hindi pwede. Maging ako ay nanghihinayang din naman pero ito ang mas makakabuti sa akin at sa mga taong nakapaligid.

"Salamat po pero gusto ko na talagang tumigil," payak na ngumiti ako.

She stared at me for a few seconds before letting out a heavy sigh. She even shook her head to show how much she disapproved of this decision of mine.

"If that's the case, then I can't do about it anymore. It's your choice after all." Pinirmahan na niya ang papel ko at inabot sa akin. "Please proceed to the Guidance Office for the clearance. Kung ano man ang pinagdadaanan mo ngayon, alam kong malalagpasan mo 'yan. Laban lang, Astra. Goodluck!"

Tumayo na ako at bahagyang yumuko. "Thank you po."

Nang makalabas ng Dean's Office ay bumagsak ang pakiramdam ko. Ito na ang huling pagkakataon na makakaapak ako sa school na ito. Nanghihinayang man ay mas pinili kong isipin na para ito sa ikabubuti ko.

"Astra!" Napatingin ako sa babaeng tumatakbo palapit sa akin. May bakas ng mga luha sa kanyang mata. "Is it true?" Bumagsak ang tingin nito sa papel na hawak ko. "W-why? Akala ko ay ayos na? Why do you have to stop?"

Parang may bumara din sa lalamunan ko. "Sa ngayon lang naman, Dahlia. Marami kasing nangyari I want to have a break."

I stiffened when she hugged me tightly.

"Ang daya mo. Hindi nga ako friendly sa school na 'to e," bulong nito na sinabayan pa nang mahinang paghikbi. "Kayo lang ni Kristan ang kaibigan ko tapos aalis ka pa? Sino pa makakausap ko? 'Yung masungit mong pinsan?"

I bit my bottom lip when I heard his name. Hindi pa ba nila alam?

"Sige na, Dahlia. May klase ka pa." Kumawala na ako sa pagkakayakap. "Bibisitahin naman kita sa inyo. Magkikita pa tayo baliw!"

"Talaga! Bibisita rin ako sa 'yo!" padabog na sabi nito.

Ngumiti ako. "Sige na..."

Kinailangan ko nang tumalikod dahil parang maiiyak na rin ako. Hindi ako lumingon. Pagkatapos ko sa Guidance Office ay lumabas din ako agad ng campus. Kahit papaano ay bumaba ang bigat na nararamdaman ko.

"This is it, Astra. New life," I said to myself.

Kinuha ko ang brochure na hawak ko kung saan nakalagay ang mga job offer. Qualified lang ako sa mga trabaho na banatan talaga ng katawan, mas gusto ko naman 'yon kaysa sa nakaupo lang at nakaharap sa computer. Mas gusto ko naman 'yong kumikilos ako.

I applied as a construction worker. Pinagtawanan lang ako. Grabe ang gender discrimination. If I know, mas malakas pa ako sa mga lalaking 'yon. Hindi na lang ako nagsalita. Tumalikod na lang ako at umatras.

Cashier, baker, dishwasher, baby sitter— no.

Sumilong muna ako sa lilim ng puno. Nauuhaw na ako. Anong oras na ba? Hindi pa rin ako nakakakuha ng trabaho. May ibang next week pa ang start pero hindi na ako makakapaghintay. Ayokong maburo sa bahay nang ilang araw.

Napabuga ako ng hangin nang may mapagtanto. Oo nga pala. Mga tao rin ang magiging katrabaho ko. Umalis nga ako sa school tapos ganito rin pala. Pinagmasdan ko ang brochure at nang mapagtanto na wala sa listahan ang babagay sa akin ay itinapon ko na ito sa basurahan.

"Ano na?" bulong ko sa sarili.

Saan naman kaya ako makakahanap ng trabaho na babagay para sa isang bampira na tulad ko?

An idea suddenly popped into my mind. Napangiti ako.

Gamit ang natitirang pera ay kumuha ako ng taxi para ihatid ako sa lugar na 'yon. Mabuti na lang at naalala ko pa ang daan. Nang makapagbayad sa driver ay agad na akong bumaba. Pinagmasdan ko ang tila abandunadong lugar.

Nightscape Club. Ito ang lugar na pinuntahan namin ni Brix. Unlike the last time, I am fully aware of what's behind this silent and seemingly haunted place.

I don't think this is a good move, but I am running out of ideas. I can still remember the first time I heard that this place is for vampires only. Brix is right. I am a vampire now, and I need to associate myself with my kind.

With all the guts left in me, I entered in without hesitation. As usual, halos mabulag ako sa likot ng mga iba't ibang kulay ng pailaw, usok, amoy ng pinagsamang dugo at alak. I ignored all the curious stares and went directly to the bar counter.

"Astra?" salubong sa 'kin ng bartender na namukhaan ako. He eyed around, searching for someone who's not here. "You alone?"

I nodded. "Where's your manager?"

"Why?" Binigay niya ang isang baso sa isang lalaki bago bumalik sa akin. "Why are you looking for my manager? Hindi naman 'yon kailangan kung gusto mong uminom. Drink?"

"I want to work here," diretso kong sabi.

Bahagyang umawang ang bibig niya. Tumitig ito nang ilang segundo sa akin bago tumawa na parang nagbibiro ako. "Alam ba 'to ni Boss Cardinal?"

"Does it matter?" I arched my brows.

Sinubukan kong usisain ang mga nagtatrabaho rito pero mukhang wala ni isa sa kanila ang manager. Their manager is probably inside the office, chilling.

"Syempre naman, Astra. Sa tingin mo ba papayag si Boss Cardinal na magtrabaho ka sa ganitong lugar?" Isang mapaglarong ngiti ang sumilaw sa kanyang labi. "I noticed how defensive he was with you when you two were here. You ain't getting this shit."

I frowned because he talks a lot. "Can you like bring me to your manager? Siya ang magdedesisyon kung pwede akong magtrabaho rito o hindi." Pigil na pigil na naman akong ikutan siya ng mga mata.

"At si Brix naman ang magdedesisyon kung susunugin ba niya ang lugar na ito o pasasabugin." He chuckled, scornfully. "No, seriously, Astra. He's your master, he should know your plans. You don't want to push his buttons."

Wala akong mapapala sa lalaking ito. He's clearly just scared of Brix, not being sympathetic of my condition.

"Hey!" Tawag ko sa isang dumaan na waiter. Agad naman itong tumigil at lumapit sa akin. "Saan ang office ng manager niyo?"

"Arki, don't—"

"There," turo niya sa isang pinto sa bandang dulo. "Bakit, Adrian? May problema ba?"

"Oh, shit!" I heard the bartender, Adrian according to Arki, curse.

I smirked. "Thanks."

Bumaling ako kay Adrian at inikutan ito ng mga mata. Naglakad ako papunta sa pintong tinuro ng lalaki. I am conscious that I am starting to get more attention. Of course, alam nilang ako ang alaga ng Cardinal na 'yon.

I stopped in front of the door. I don't have a CV or any documents to show, sa tingin ko rin naman ay hindi kailangan no'n dito. I bet the only requirement they need is Brix's approval. I know I am not getting it but I still want to give it a shot.

Huminga ako nang malalim bago kumatok.

"Come on in!" sigaw ng kung sinong lalaki sa loob.

Okay. A man. Better.

Pumasok ako sa loob nang nakayuko. Inangat ko lang ang ulo ko nang maisara ko na ang pinto. I stared at the man leaning on the swivel chair, formal attire, fixed hair, tanned skin. I ignored the blonde woman sitting on his lap, arms wrapped on his neck.

Damn. Did I just crush a fucking session?

I cleared my throat. "Are you the manager?"

"You are?" The woman asked.

I remained my eyes on the man instead. "I want to work here, Sir. Independently or as a part of a team. Any position in any shift will do. Thank you."

The guy giggled as he bit his lower lip.

May ibinulong ang babae sa lalaki dahilan kung bakit ito tumayo. Humalik pa ito sa pisngi ng babae at bago pa man ito tuluyang lumabas ay tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Confused but I didn't ask anything. Where's he going?

"What job to be specific?" the blonde woman asked.

"You are—"

"Wait. You smell familiar." She eyed me suspiciously before she snapped her finger. "You are the slave of Brixton. I knew it!"

Okay. She's the manager.

Tumango ako. "Any position will do, Ma'am."

She chuckled. "Good. You are hired."

Natigilan ako. What did I just hear?

"I'm sorry?"

"You are hired." Tumayo ang babae at lumapit sa akin. She offered her right hand for a hand-shake. "I know hiring you here is such a risk knowing you are under Brixton but who the fuck cares about that asshole? Come on. Take my hand."

I swallowed hard. Hesitating but I held her hand back.

Is that it? Wala man lang bang interview?

"Congratulations. You may start now." Binitiwan niya ang kamay ko at kinuha ang alak sa ibabaw ng lamesa niya at uminom. Nakita ko pa ang pasimpeng pag-ngiti nito bago bumalik sa kanyang upuan. "Arki! Come on in!"

Napaatras ako nang may pumasok na lalaki, ito 'yung nagturo sa akin ng office na ito.

"We have a newly hired employee. Please do the favor," sabi ng babae. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko. I am glad I have a job now but this is kind of suspicious. "Oh, no, Luv. Don't doubt me, Astra. It's just I am not scared of Brixton. You can call me Tessa."

"Dito, Astra. Sumunod ka sa akin," aya ni Arki.

"Salamat, Tessa. I will do my best." Yumuko ako bago tumalikod at sumunod kay Arki.

Napangiti ako. I didn't expect it to be this easy.

"Looks like Sir Brixton will have to visit here often," Arki said, slightly shaking his head.

Pumasok kami sa isang kwarto, mga lalagyan ng gamit. May kinuha si Arki sa drawer at ibigay 'yon sa akin. "Here's your uniform. Your shift will be 2 pm to 11 pm. Ang trabaho mo ay taga-serve ng alak. Ipapa-assist naman muna kita para alam mo ang gagawin mo."

Napalunok ako. "Pwede naman ako sa bar counter din, Arki. I can help Adrian with the mixing."

I winced. I am not good at entertaining people... vampires. Knowing they are all horny here.

"This is the only position available for women," ngumiwi rin ito at napakamot sa ulo. "You don't need to entertain them. Hahawakan mo lang ang tray na may alak. Minsan ay may target kang table pero madalas ay gagala ka lang hanggang sa maubos ang mga shot. Easy, right? Chill lang."

Pilit na ngumiti na lang ako.

Hinatid niya ako sa Rest Room at binilin na may susundo sa akin dito pagkatapos kong magbihis. Pinagmasdan ko ang kulay pulang damit na halos crop top na dahil labas ang pusod. Mini skirt na kulay pula rin ang pang-ibaba na tinernohan ng kulay pulang heels.

Damn. Nath would love to work here.

Hindi naman ako gano'n ka-conservative kaya walang problema sa akin. Nang maisuot ang uniform ay pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. I look like a cheerleader without pom-pom or that bitchy fan of a famous basketball player in a university. Natawa ako sa mga naiisip ko.

"This is it. New job. Smile, Astra. Kaya 'yan!" pangungumbinsi ko sa sarili.

"That's right." Napalingon ako sa bagong dating, isang babae na pareho ng uniform ko. "Laura here. Ako ang magtuturo sa 'yo ng gagawin mo. You ready, babe? This will be fun." Ngumiti ito nang malawak bago ako minataan mula ulo hanggang paa.

Nang hindi ako kumilos ay hinila na niya ako palabas. Nakaramdam ako nang hiya nang mas dumami ang napapatingin sa amin. Dumiretso kami sa bar counter. Napamura si Adrian nang makita ang ayos ko.

"Goddamnit! Seryoso ka ba, Astra?" Pansin kong halos itulak na niya ako palabas ng bar na ito.

"A tray, Adrian, please? I need to assist our new member," Laura giggled.

Napailing si Adrian at wala nang nagawa. Kumuha ito ng tray at nilagyan ng mga shot glass 'yon bago inabot sa akin. Bumaba pa ang tingin nito sa dibdib ko at agad na lumihis ng tingin. Inabot ni Laura ang tray.

"Carry it like this." Nilagay ni Laura ang tray sa kanyang palad at itinaas hanggang sa bandang leeg. "You don't want to serve customers with a frowned face. A smile can lighten up a dark mood. Remember that you are just here to serve, Astra. No need to talk to them."

Binigay niya sa akin ang tray at ginaya ko kung paano niya ito nilagay sa kanyang palad. Medyo nanginginig pa ang mga kamay ko pero mabilis akong nakasunod. Pumalakpak si Laura nang makuha ko ang tamang paghawak.

"Perfect. Iikot ka lang dito hanggang sa maubos ang dala mo. You will also take orders." May kinuha ito sa counter, isang notepad na nilagay niya rin sa ibabaw ng tray. "Note the orders there. Hindi naman ito mabilisan, Astra. Just enjoy."

Tumingin ako sa mga bampirang nagsasaya. I am one of them now. Kaya kong gawin kung ano ang kaya nila. Sasanayin ko na ang sarili kong makihalubilo sa kanila. I am safe here. This is my world now and I will do anything to survive. I will live until I get what I want.

"Welcome to the world of vampires, Astra," I mumbled to myself.

I flashed a confident smile as I started to walk towards the sea of thirsty vampires.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro