Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14

Chapter 14: Blood and Lips

Iniwan muna ako ni Celeste sa kusina para pakiusapan ang mga trabahador na bilisan at nang makaalis na. I was left with a cloud of thoughts, too dangerous knowing someone else could read it all.

Who would have thought Brix once associated himself with a human? At hindi lang sila basta nagkasama, naging magkaibigan pa. How was their relationship? Was it that intimate for him to even make that far? I mean, hindi naman lalagpas sa linya ang galit ni Brix kung hindi niya talaga pinahalagan ang pagsasamahan nila ng taong 'yon.

I let out a heavy sigh. Napatingin ako sa ibabaw ng lamesa kung saan nakapatong ang simot na supot ng dugo. Bigla akong nakaramdam uli ng uhaw. Niligpit ko 'yon bago sumunod kay Celeste. Naabutan ko itong hinahatid na ang mga trabahador sa pinto habang pinasasalamatan ang mga ito.

"Wala bang meryenda muna diyan?" biro ng isa na sinamahan pa ng mahinang pagtawa.

"Dadagdagan ko na lang ang bayad sa inyo," pagtanggi ni Celeste. Hawak na niya ang pinto at handa nang ihampas sa kanilang mga mukha. "Umalis na kayo kung gusto niyo pang mabuhay at makapagtrabaho."

"Number mo muna?" tanong ng isa. "Sagot ko na load mo."

Napalunok ako nang biglang sumulpot sa likuran nila si Oscar. Hindi nila ito pansin dahil na kay Celeste ang atensyon nila. Tahimik man ay alam kong nakikiramdam lang si Oscar. Isang maling galaw pa ng mga taong ito ay hindi na sila makakauwi pa.

I felt the tension this time. "Please? I'll double your check," Celeste begged.

"Oh, sige na nga! Dagdagan mo na lang ah?" pagsuko ng isa. "Tara na. Damot." Pagtalikod nito ay sumalpok ang mukha niya sa dibdib ni Oscar. Kinailangan pa nitong tumingala para masabayan ang tingin ni Oscar.

"Gusto niyo bang ako na lang magdagdag sa sahod niyo?" Ngumiti si Oscar pero hindi dahil sa tuwa. "O gusto niyo rin ng contact number ko?"

Naghilaan ang mga lalaki at nagkumahog lumabas ng gate.

"Master Oscar..." Yumuko si Celeste. "I didn't know you would be here, too."

Nasundan ko ng tingin ang kilos ni Oscar hanggang sa makalapit siya kay Celeste. Hinawakan nito ang baba ni Celeste at ingata para magtagpo ang kanilang mga tingin. Napaiwas ako ng tingin nang siilin niya ng mabigat ng halik ang labi nito.

Whoa. That escalated quickly.

"Astra..." Napatingin ako sa labas ng gate kung saan nakatayo si Tita Ophelia.

Nilagpasan ko ang dalawang naghahalikan para lapitan si Tita.

I immediately notice the plate she' holding. "Penge namang kanin. Nakalimutan kong magsaing. Papalitan ko rin mamaya!"

Tumango ako at kukunin na sana ang plato nang bigla niya itong iniiwas.

"Kukunin mo lang ang plato?" tinaas nito ang mga guhit na kilay, halatang nainsulto. "Aba naman, Astra. Hindi magandang asal 'yan. Papasukin mo naman ako! Ano? Dahil wala ka na sa pundar ko ay babastusin mo na ako?"

Napangiwi ako. Bumaling ako sa likod ko, wala na ang dalawa.

Pagkaharap ko naman kay Tita ay nakapasok na ito ng gate at todo ngiti pa.

"Pasok na tayo?" aya niya.

Nasa loob na siya ng gate, ano pa baa ng magagawa ko? Pagkapasok namin ay hindi ko pa rin naabutan ang dalawa. Saan na kaya ang mga 'yon? Kanina naghahalikan lang sa labas ah.

"Ang pangit naman ng pintura!" angal ni Tita. "Bago ba ang TV mo? Palit na lang tayo? Hindi ka naman mahilig manuod, hindi ba? Saka may sobra ba kayong pintura? Papalitan ko sana ang pintura ng kwarto mo para doon na si Eliyah. Ayaw na niya sa kwarto ko e."

Good for Eliyah.

Hindi pa man kami nakakarating ng kusina ay andami na agad nasabi ni Tita. Pinuna niya ang sahig, ang ceiling, ang mga appliances na gusto niyang hiramin at ang mga abstract painting na dumi lang daw sa wall. I would lie if I'd say I didn't miss her rants. Damn. Just one day... I was just gone for one damn day.

"May ulam ba? Baka naman..."

"Sige, Tita. Upo ka na," saad ko.

Nakangiting umupo ito. Nilapit ko sa kanya ang mga ulam na niluto ni Celeste at sinalinan ng kanin ang plato niya. Nag-request pa ito ng juice pero wala akong naibigay. Kahit tubig ay walang laman ang ref. Mga karne lang at alak.

"Pati ba naman tubig wala? Ano ba naman 'yan!" reklamo nito habang puno na ang bibig.

"Ikukuha na lang kita sa bahay niyo, Tita," paalam ko pero agad ding natigilan nang maramdaman na may naglalakad palapit sa kusina. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto na si Brix ito. "Tita. OMG. Magtago ka muna sa ilalim ng lamesa!"

No. I don't want another mess after what happened last night.

"H-ha?" Hindi ko na siya pinatapos pa sa pagsasalita, hinila ko siya at sapilitang itinago sa ilalim ng lamesa. "Punyeta naman. Kumakain pa ako. Bakit ba— aray. Naumpog ako!"

"Basta. Huwag kang gagawa ng ingay ah?" paalala ko. "Please?"

Umayos ako ng tayo nang pumasok na si Brix. Huminto ito sa bungad at iginala ang tingin sa kusina. As usual ay nakaputing t-shirt na naman ito na hapit sa kanyang batak na katawan. Basa pa ang buhok nito na halatang katatapos lang din maligo gaya ko. Even from where I am, I can smell his lingering scent.

"Good morning!" kabadong bati ko kay Brix.

"What's that smell?" he sniffed. Ngumiwi ang kanyang labi. "May patay na daga ba?"

"Brix..." I glared at him. Alam niyang nandito si Tita Ophelia. "Doon muna tayo sa sala?" Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kanyang braso. "Amoy patay na daga nga rito. Mukhang hindi pa nalinis."

"Okay. I can't stand the smell here."

Bago kami tuluyang makaalis ay sinulyapan ko si Tita. Nakayuko ito, pulang-pula ang mukha habang masamang nakatingin sa akin... lalo na kay Brix.

Brix faced me as soon as we reached the target place, away from Tita. "Kaya nga kita dinala rito para hindi mo na makasama ang mga taong 'yan tapos..." Hinaplos niya ang kanyang braso. "I don't want to see her here whenever I am also here. Hear me, Astra. Ikaw lang ang dapat na maaabutan ko rito."

I just nodded.

"Bring the paper here," he said.

"Paper?"

Nagtaas ito ng kilay. "Yeah. Don't tell me you already forgot?"

Saka ko lang napagtanto kung ano ang tinutukoy niya. Bumagsak ang tingin namin sa dalawang asong naghahabulan. Tuwing nakikita ko ang mga ito ay napapailing ako. Kamukhang-kamukha kasi ni Tati, even the slightest details such as mark.

"Pwede bang bawiin mo na lang ang mga aso, Brix?" tanong ko. "I changed my mind. I can't live with them anymore." Bahagyang lumungkot ang boses ko.

Ayokong mapalapit ako sa kanila at magawan sila ng masama pagkatapos. Mas mabuting lumayo na lang ako sa mga bagay na masasaktan ko lang. Even though they are cute and good accompany, I don't want to invest feelings on them.

"Okay. I'll ask Celeste to take them away. Anyway, where is she?"

"Kanina..." Tinuro ko ang labas. "Hindi ko alam e."

Saan na nga ba ang dalawang 'yon?

Brix smirked. "They are somewhere in this house."

Kahit na naguguluhan ay tumango na lang ako. Umakyat na ako sa kwarto ko. Kinuha ko uli ang bagahe ko at inilabas ang kulay brown na papel. Blangko ito. Nang makuha na ay lumabas na rin ako.

Pababa na sana ako nang may marinig na ingay sa isa sa mga kwarto dito. May dalawang kwarto dito. Isa sa akin at isang bakante. May dalawa ring kwarto sa ibaba. Ipagsasawalang-kibo ko sana ang ingay nang mas lumakas ito.

I don't believe in ghosts but if vampires exist— Oh, no.

Sumilip ako sa pinto at agad ding napasara nang makita ang hindi dapat makita. Napabagsak ang pagsara ko kaya nakita nila ako. Nagkumahog akong bumaba ng hagdan at bumalik kay Brix. Parang nasusunog ang mukha ko.

What the hell? I should have knocked... or just ignored the noise at all.

"I-ito na..." Inabot ko kay Brix ang papel, nakaupo ito sa sofa. Nanginginig pa ang mga kamay ko.

"What's wrong?"

Mas lalong namula ang mukha ko.

Napailing ito. "You saw them fucking."

"Ikaw kasi inutusan mo pa akong kunin ang papel na 'yan!" sumbat ko sa sobrang inis at pagkapahiya. "Pero..." Napalunok ako. "Bakit niya tinali sa kama si Celeste? That's forced, right? That's not right."

"I see. It's not. They are just having fun." He chuckled.

Umupo ako sa tabi niya. "What's that paper for?"

Sinubukan kong ibaling ang atensyon sa papel.

"A contract." Naglabas ito ng pocketknife. Bahagya itong natigilan bago ibinalik sa bulsa ang bagay na 'yon. Luminga-linga ito sa paligid. "Do you have a needle or even just a small sharp object?"

"What for?"

"I need your blood on this paper."

I gulped. "W-wala eh."

Sandali itong tumigil at nag-isip ng ibang paraan. "Then, we will have to use my knife."

"Ay, meron yata!" Tumayo ako at aktong aakyat na nang may maalala na naman. Nakangiwing bumaling ako kay Brix. "P-pwede na yata ang kutsilyo." Walang gana na bumalik ako sa tabi niya.

"You don't want it rough?"

Nabilaukan yata ako kahit na walang kinakain. Madali kong nalaman kung ano ang ibig sabihin ng tanong na 'yon.

"Tragic," he whispered. Nilabas niya uli ang kutsilyo at inabot sa akin. "Anyway, here. Kaunting hiwa lang ang kailangan."

"Will it hurt?" I asked, tensed.

He frowned. "What do you think?"

"But, I am a vampire, right?"

Mas lalong tumamad ang tingin niya sa akin. "Ito na ang pinakamagaan na paraan para sa bagay na ito, Astra. Oscar bit Celeste's neck just to get a blood for this paper. I wouldn't do it to you since you don't want it rough." He almost rolled his eyes.

"Is that a good thing?" I am not making any sense here.

"What's wrong with you? I am being sympathetic to your condition here. Kaunting hiwa lang ang kailangan mo."

Huminga ako nang malalim at pinagmasdan ang talim ng kutsilyo. Hindi naman bago sa akin ang masugatan. Nasugatan na nga yata lahat sa akin maliban na lang sa puso. Putik naman. Dugo lang pero nagiging ma-drama ako.

"Don't worry, Astra. Your heart stopped beating the moment I turned you like us. Hindi na masusugatan ang puso mo."

"Ang literal mo naman. I mean is my feelings." Napaismid ako. Ang baba ng tingin niya sa mga tao pero ang baba din ng commonsense niya. "Pwedeng isang patak lang?"

He nodded. "As long as your blood touched the paper."

"What's this for? I mean... I need an exact detail."

"That's for unity. You will be officially marked as one of us, a member of Nightfall Clan."

Okay.

I just need a drop of my blood. That's it. That's all.

"What's taking you so long?" iritadong tanong ni Brix. "This is nothing, Astra. Mararanasan mo ring maligo sa dugo. So, take this as a preparation for that."

"Kasi naman—" Bigla niyang hinablot sa akin ang kutsilyo. "Ano? Galit ka na naman?"

Binigay niya sa akin ang papel. "Drop it here."

Saka ko lang napagtanto na may sugat na pala ako sa palad. Mukhang ginawa niya ito nung hinablot niya sa akin ang kutsilyo. Hindi lang isang patak ang nailapat ko sa blangkong papel. Napalaki ang hiwa.

"Oh, fuck!"

Pagkalingon ko kay Brix ay wala na ito.

Luminga-linga ako pero hindi ko na siya makita. Ilang segundo pa ay naghilom na ang hiwa sa aking palad at halos mapuno na ng kulay pula ang dating brown na papel. May humablot sa akin ng papel. Si Oscar na tinitiklop ito.

"Ako na ang maghahatid," aniya. "Babalik din si Brix."

"Saan siya pumunta?"

"Ibabaling sa iba ang pagkauhaw," mahina itong tumawa.

Tumagos sa kanyang likod ang tingin ko, kay Celeste na nakangiti. "You did it, Astra!" masaya niyang sabi.

Imbes na matuwa ay nailang ako. Hindi ko pa rin makalimutan ang nasaksihan kanina. Hindi ko rin alam kung makakalimutan ko pa ba 'yon. I mean... Celeste was tied down in bed and on top of her was Oscar half naked, nakapantalon pa rin itong nakababa lang nang ilang pulgada. But what I couldn't get rid of is... the sound of their moans.

Oh, come on, Astra. Don't act like you haven't watched any porn video.

"I'm sorry for that," Oscar chuckled while shaking his head. "Celeste forgot to lock the door."

Natigilan kami nang makarinig ng pagkabasag ng gamit sa kusina. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung sino ang iniwan ko roon. Nagmadali kaming pumunta sa pinanggalingan ng ingay.

Naabutan ko si Tita Ophelia, hawak niya ang kanyang plato at puno pa ng kanin ang bibig habang sakalsakal ni Erikson. "I found a trespasser, Lady Astra. She was stealing foods," saad pa nito.

"Bitiwan mo, Erikson," utos ni Oscar.

"Pero, pinsan—"

"Kilala siya ni Astra," putol ni Oscar. "Hindi ba ang utos ni Brix ay bantayan mo si Astra at hindi saktan ang mga malapit sa kanya?"

Dali-daling binitiwan ni Erikson si Tita na natulala.

"I didn't know. Sorry," Erikson winced. "Sorry, Lady Astra."

Lumapit ako kay Tita. "A-ayos ka lang, Tita?"

"B-bakit ba lagi na lang akong sinasakal?" tulalang tanong nito.

Sinamaan ko ng tingin si Erikson na kumamot lang sa kanyang batok. "Sorry na ate. Akala ko kasi magnanakaw ka."

"Ihatid na kita, Tita," prisinta ko.

Hawak-hawak ko sa braso si Tita hanggang sa makabalik kami sa bahay nila. Inupo ko ito sa sofa at kinuha ang kanyang hawak na plato. Pumunta ako sa kusina para ikuha siya ng tubig. Nahimasmasan naman ito pagkatapos.

"Ayos ka na, Tita?" tanong ko.

Bigla itong humagulgol. "Sorry na, Astra. Bumalik ka na rito!"

Natigilan ako.

What?

"H-hindi na kita sisigawan, promise. Pwede ka nang sumabay kay Eliyah sa pagpasok. Hindi na kita gigisingin sa umaga. Pwede mo na gawin lahat ng gusto mo. Bumalik ka na, please?"

That made me emotional, too. Gusto ko sana kaso hindi na pwede. Hindi na ako maaaring bumalik sa dating gawi. Hindi na ako maaaring makihalubilo sa mga tao nang matagal.

"Sige na, Astra!" Hinawakan niya ang balikat ko at niyugyog ako. "H-hindi ko naman talaga gustong palayasin ko. Nadala lang ako ng galit. Sorry na."

"Pero, Tita..."

"T-tapos si Eliyah..." Mas lalong lumakas ang hagulgol niya. "Hindi ko na makausap nang matino. Laging nasa labas ng bahay. Tapos kagabi, hindi ko na rin siya kasama matulog. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero please... dito ka na lang."

Nag-isip ako ng paraan para kahit papaano ay maibsan ang lungkot na nararamdaman niya.

"Alam ko na!" Napangiti ako. "Minsan, doon kayo matulog sa bahay!"

"Talaga?" Lumiwanag ang kanyang mukha. "Sige!" bigla itong tumayo. "Sige, mag-iimpake na ako!"

"No!" I laughed. "Minsan, Tita. Hindi araw-araw."

Tumango naman ito. "E 'di gabi-gabi?"

Napangiwi ako.

"Basta, Tita. Pwede naman kayong dumalaw sa bahay. Katapat lang naman e."

"Sige! Sabi mo 'yan ah?"

Tumango ako. "Sige, Tita. Uwi na ako. May mga bisita pa ako eh."

"Teka, Astra. Sino ba 'yung lalaki?" bigla niyang tanong.

Si Brix?

"Bakit, Tita?"

"Wala lang. Para kasing nakita ko na siya nung bata pa ako. Pero, imposible naman 'yon, hindi ba? Ano 'yon? Hindi siya tumatanda?" Humalakhak ito.

Ngiti lang ang naisukli ko.

"Sige, Tita. Una na ako."

"Saka nga pala, Astra. Ayokong makita ang lalaking 'yon kapag dumalaw ako sa bahay mo ah? Ayokong makita ang pagmumukha ng animal na 'yon!"

Tumango na lang ako at saka na lumabas.

Pagkauwi ko ay si Brix na lang ang naabutan ko. Nakasandal ito sa sofa at nakapatong ang mga braso sa malawak na pagitan. Nakapikit din ito pero alam kong alam niyang nakatingin ako sa kanya. Somehow, he looked peaceful. He looked like a normal human who has no special ability.

I suddenly remember what Celeste said.

"What did she say?"

Natauhan ako nang magsalita si Brix pero nanatili pa ring nakapikit.

"W-wala..."

Damn.

"Okay..." At hindi na uli siya nagsalita pagkatapos.

Nanatili akong nakatayo sa harapan niya at nakatitig lang.

"What do you want, Master Brix?" I asked, politely.

He has done a lot of good things to me. Maybe, I need to at least give back a few.

I didn't get any response from him.

"Are you tired? You can sleep in my bed," I said.

Oh, come on, Astra. Siya pa talaga ang mapapagod?

"Do you want my blood? I had endured the pain earlier. Maybe, I can do it again this time."

With all that, I still didn't get any response from him. Imposible namang nakatulog ito.

I let out a heavy sigh.

"Kung wala kang iuutos—" Natigilan ako nang bigla siyang mawala.

The next thing I knew... he was already kissing me.

Rumagasa sa likod ko ang kanyang palad papasok sa aking damit. Naramdaman ko ang init ng mga ito na humahaplos sa aking balat. I felt stiffened when his hand moved the clasp of my bra and before he could even unclasp it, he stopped.

He stopped kissing me, too.

"Do you want me to pull out your eyeballs, Erikson?"

Napatingin ako sa bintana. Kumurap lang ako at nawala na si Erikson.

Bumalik na sa sofa si Brix habang ako ay naiwan pa ring lutang. Biglang nagbago ang pakiramdam ko. Hindi ako mapakali at hindi ko maintindihan kung bakit.

"May pasok ka bukas, hindi ba?" tanong nito.

Tango lang ang naisukli ko. Bumagsak sa kanyang labi ang aking tingin. Pakiramdam ko ay nakasanib ngayon sa akin si Nathalia para maging sabik ako sa labi. Nanunuyo ang lalamunan ko. Mukhang alam ko na kung bakit hindi ako mapakali.

"Susunduin kita uli mamayang gabi."

I gulped. "Okay..."

I couldn't stop staring at his lips.

I heard him chuckled.

"Babalik ako." Tumayo na ito at handa nang umalis.

No. He can't just leave.

"Can I have a kiss first?" biglang lumabas sa bibig ko.

Brix's ecstatic laugh reverberated in the silence.

Oh, fuck. Why am I craving for his lips now?

"You still don't know, huh?" He took one step closer to me, smirking devilishly. "A vampire's kiss is hard to forget or maybe unforgettable at all. It lingers in your system, disturbing your senses until you can't think of anything but to kiss again. Unfortunately... you are a victim now."

Humakbang ako palapit sa kanya pero umatras ito.

"Please, kiss me..." I begged.

He shook his head. "That's your punishment for being a bad girl." He caressed my face to tease me even more. "Poor girl. You have to endure it until tonight."

Just one damn kiss!

"I will come back tonight. Have a good day, Astralla."

And just like... he disappeared.

I was left dumbfounded.

Umupo ako sa sofa, tulala.

This somehow reminds me of Eliyah's case.

Humiga ako at tumulala sa kisame.

"I just want a kiss," I mumbled.

He will meet me tonight.

I will have another kiss tonight. Whatever it takes.

I didn't know I would crave for two things.

Blood and lips.

Fuck you, Brixton Wenz Cardinal!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro