Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13

Chapter 13: Slaughtered

Pumasok na uli ako sa malaking bahay, umakyat sa maalikabok na kwarto at binaluktot ang katawan para magkasaya sa sapin. Hindi maalis sa aking isipan ang sinabi ng estrangherong 'yon. If that's true then he's right. Fuck it! Really? There's no hell I can unlink myself from Brix if that's the case. I mean, how could I kill him? A demon like him? How could I get near him without being killed first?

I mentally laughed. This is absurd. But, in the back of my mind... I am hoping there's a way. I know there is. But right now, I can't do anything but to follow whatever he wants.

That bulge of thoughts helped me fall asleep immediately.

Nagising ako sa ingay ng mga kaluskos sa ibaba. Bumangon ako sa kama at nag-inat ng katawan. Nakaramdam ako ng pangangawit dala ng pagtulog. Ilang sandali pa ay saka lang pumasok sa isipan ko kung ano ang mga nangyari kagabi. Wala na ako sa pundar ni Tita Ophelia. Andito na ako sa malaking bahay... na binigay sa 'kin ni Brix.

Napangiwi ako nang makaramdam ng panlalagkit. Saka ko lang napagtanto na halos maligo na rin ako sa alikabok. Mukhang gumulong-gulong ako sa kama.

I let out a heavy sigh.

I heard whispers from outside the door. Mga yabag ng maraming paa, paggalaw ng mga mabibigat na bagay at ang isang kilalang boses. Tumayo ako at humarap sa salamin ng tukador. Gamit ang daliri ay pinasadahan ko ang aking buhok.

"Good morning, Astra," I greeted myself as I flashed a weak smile.

Natigilan ako nang marinig na may natumbang gamit na lumikha ng malakas na kalabog. Hindi ko na napigilan ang sariling lumabas ng kwarto. Sumilip ako sa ibaba. Nadatnan ko ang ilang mga lalaki na may bitbit na bagong mga gamit sa pangunguna ni Celeste.

She instantly felt my presence the second her name crossed my mind. Tumingala ito sa akin at kumaway.

"Nagising ba kita? Pasensya na, Astra. Medyo baguhan yata ang mga trabahador na ito," natatawang bati niya habang malawak na nakangiti. "Oo nga pala..." Napalunok ako nang nasa tabi ko na agad siya. Hindi 'yon pansin ng mga trabahador na busy. "Nagluto ako ng agahan. Kumain ka muna."

Sumunod ako sa kanya sa kusina. Hinabol ko pa ng tingin ang mga bagong gamit. May appliances, mga sofa, kurtina, pintura at iba pang bagay na pampabuhay sa nanlalatang bahay na ito. Sa kusina naman ay halatang tapos na sila. Malinis na ang lahat at nakaayos na rin ang mga bagong gamit.

"Ito pa lang nadala ko." Nilabas ni Celeste ang isang supot ng dugo sa isang cabinet at pinatong 'yon sa lamesa. "Sa susunod ay pupunuin ko na ng stock ang cabinet. Oo nga pala, Astra. Can I have a favor?"

"Bakit?"

She winced as she said, "Huwag mong sabihin kay Brix na nagising kita, please? Ang bilin niya kasi ay huwag kang gigisingin."

Napatango na lang ako. Ang akala ko ay si Oscar ang nagpapunta sa kanya rito. "Sure. Pwede muna ba akong maligo? Nanlalagkit na kasi ako."

"Sige lang. Thank you." She nodded. "Dito pa lang sa ibaba CR ang naayos namin, hindi pa nagalaw ang sa itaas. Sa sala na lang at sa itaas ang hindi nagalaw since ipinagpaliban muna talaga namin baka magising ka na nangyari nga."

Tumango lang ako bago umakyat uli sa kwarto. Binuksan ko ang bagahe ko at naglabas ng towel at damit.

Natigilan ako nang may marinig na mga bagong boses. Bumaba na ako at nadatnan sina Dahlia, Kristan at Eliyah. Ang unang nakapansin sa akin ay si Dahlia na agad na tumili. Napatingin din sa akin ang dalawang lalaki.

"Ang bongga mo na, Astra!" Humahagikgik na bati sa 'kin ni Dahlia pagkababa ko. "Hanep naman. Pwede akong mag sleep-over dito tapos manunuod tayo ng movies all night tas magkukwentuhan! I can imagine it na." Hawak-hawak pa niya ang isang kamay ko habang tumatalon.

Napapatingin sa amin ang ibang trabahador.

"Sure. Pero not now, inaayos pa eh," sagot ko.

"How can you even afford this huge house?" Eliyah asked suspiciously while roaming his eyes around. Amusement was evident in his eyes. "Ang mga bagong gamit na ito. Wait. They look expensive, too. What's happening?"

Binawi ko ang kamay ko kay Dahlia. "Inutang ko lang. Babayaran ko rin nang paunti-unti," paggawa ko ng alibi. "Welcome to my new house, new life." I laughed to hide how tensed I am.

"Really?" I could smell the sarcasm in Eliyah's voice.

Ito ang pagkakataon na sana ay childish pa rin ang pag-iisip niya. He would surely bite my reasoning just like that. I still can't believe the sudden change in his personality and mentality. Really? In just one kiss?

"I doubt it," pag-epal na naman ni Dahlia na may mapaglarong ngiti sa labi. "'Yung lalaki kagabi malamang ang may pakana ng mga ito. He looked scary as hell but expensive as fuck, too. He kinda reminds me of those Hollywood hunks."

"Ma'am?" Napatingin ako sa isang trabahador. "May dumating pa po para daw sa inyo."

Bumaba ang tingin ko sa dalawang aso na naglalakad.

Napasapol ako sa noo ko. Really, Brix? Mga kamukha pa talaga ni Tati?

"Ang cute!" Kinuha ni Dahlia ang isa at inakay sa kanyang braso. "Malamang na galing din ito sa lalaki. Gosh. Why so lucky, Astra? Sana all, 'di ba?" Sabay na nagnakaw ito ng tingin kay Eliyah na walang kaalam-alam.

Napatingin ako kay Kristan na tahimik lang na nakatingin sa 'kin. Payak na ngumiti ako pero wala akong nakuhang sagot. Halatang hindi ito naniniwala sa mga sinasabi ko.

"Wait. Babalik din ako. May inuutos pa pala si Mama!" ani Eliyah bago kumaripas ng takbo palabas.

"Balik ka!" pahabol pang sabi ni Dahlia.

"Sino 'yung lalaki, Astra?" kalmadong tanong ni Kristan ilang segundo matapos makaalis ng pinsan ko. "Balita ko ay may sumundo raw sa 'yo kagabi."

"Hoy! Tinanong mo kaya ako!" sumbat ni Dahlia na nilalaro ang mga aso. "Hindi naman ako magdaldal kung hindi ko akong tinanong."

"Ah..." Napakapa ako ng ipapatong sa alibi pero bigo ako.

"Wait. May nanliligaw ba sa 'yong mayaman?" sunod na tanong ni Kristan na sinabayan pa nang mahinang tawa pero halatang pilit. "I don't see any problem with that except it all happened suddenly. Ni wala ka ngang nabanggit sa amin. So, I think you owe us an explanation?"

"Astra?" Lumabas si Celeste sa kusina. "Oh, hey there. Friends kayo ni Astra?" Nakangiting binate nito ang mga kaibigan ko.

"Friend ka rin ba niya?" taas-kilay na tanong ni Dahlia.

"Family," biglang lumabas sa bibig ko saka nakabuo ng panibagong kwento. Lumapit ako kay Celeste at hinila siya palapit sa mga kaibigan ko. "Anak siya ni Tito Jose na kapatid ni Mama. Siya ang may pakana ng lahat ng ito. Hindi ba, pinsan?" tanong ko kay Celeste.

Mas lalong tumaas ang mga kilay ni Dahlia.

"Celeste?" Nginitian ko siya.

"A-ah... oo!" Pilit na tumawa ito. "Nabalitaan kasi ni Papa na wala na si Tita kaya agad niya akong pinadala rito para matulungan ang pinsan ko. Wait, kayo ba ang mga tinutukoy ni Astra na kaibigan niya?"

Tumikhim si Dahlia bago lumapit sa amin. "Wait. Magkalinawan muna tayo rito, Miss. Pinsan ka lang niya, hindi kayo magkaibigan, hindi ba?"

"Dahlia..." I warned her. She's so possessive when it comes to me.

"We are also friends," sagot ni Celeste.

"Really? Saan may birthmark si Astra—"

"Dahlia," I cut her out when she was about to cross the line. "Maliligo lang ako. Kung gusto niyong umuwi ay pwede na or kung gusto niyong manatili ay sa kusina muna kayo. Maalikabok pa rito. Si Celeste muna ang bahala sa inyo."

Hindi na ako naghintay pa ng sagot sa kanila. Agad akong tumalikod at hinanap ang CR dito. Nang mahanap ay pumasok ako at kinandado ang pinto. Napabuga ako ng mabigat na hangin. Hindi kumakagat si Kristan.

Tinimpla ko ang shower sa maligamgam bago naghubad ng damit. Habang minamasahe ng mga patak ng tubig ang katawan ko ay umiikot naman ang isipan ko sa mga ideya. Kung ipagpapatuloy ko ang kwentong ito, paano ko ipapasok si Brix? Should I just tell them he's also my cousin?

Pero ang problema ko ay kapag dumating si Brix. Imposibleng sumunod 'yon sa gusto ko. Saka sinabi na niya sa 'kin kagabi na hindi na niya ako gagawan pa ng pabor. Imbes na mapagaan ng tubig ang katawan ko ay mas lalo lang itong bumigat.

Naghilod ako at nagbabad uli sa shower bago kinuha ang tuwalya at nagpunas. Nakatingin ako sa salamin habang nagpapatuyo. Napakurap ako nang maglaho na naman ang sarili sa reflection ng salamin. It seems like it's flickering, parang napupunding ilang na hindi magtatagal ay mamatay na rin.

Sumagi rin sa isipan ko ang ritual na sinasabi ni Brix. I need to ask Celeste for some information.

Nang makapagbihis ay lumabas na rin ako ng CR. Naabutan ko ang dalawa kong kaibigan sa kusina, nakaupo habang si Celeste naman ay nakasandal lang sa lababo at nakatingin sa dalawa. Hawak pa rin ni Dahlia ang isa sa mga aso habang si Kristan naman ay pinaglalaruan ang supot ng dugo, inihagis-hagis niya pa 'yon sa ere, walang kaalam-alam kung ano ang bagay na 'yon.

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang hindi niya ito nasalo. Mabilis na kumilos ang katawan ko. Ilang dipa na lang sa sahig ang supot nang mahawakan ko. Pigil ang paghinga ko.

"Oh, shit! Sorry!" Napatayo si Kristan.

"Baka kasi malagkitan ang sahig." Lumapit ako kay Celeste at inabot sa kanya ang supot.

Shit. Muntik na 'yon!

"So, why can't you answer my simple question?" dinig kong tanong ni Dahlia, malamang na para kay Celeste. "Kung kaibigan mo talaga si Astra, dapat ay alam mo kung saan siya may peklat. Unless..."

Pasimple kong nginuso kay Celeste ang ibaba ko.

"I know. On her butt," nakangiting sagot ni Celeste. "My cousin has a birthmark on her butt."

"Wrong!" Humalakhak si Dahlia. "Sa talampakan. OMG. Kaibigan mo ba talaga siya?"

"Meron din ako ro'n, Dahlia," pagsakay ko na lang sa kanila. "Magsusuklay lang ako. Celeste, pwede mo ba silang mabigyan muna ng pagkain? Thanks!" Katulad kanina ay hindi ako naghintay ng sagot para tumalikod agad. Hindi rin ako bumaling kay Kristan na nakasunod sa 'kin ang tingin.

Nang makabalik sa kwarto at kumuha ako ng suklay sa bagahe ko at humarap sa tukador. Habang hinahagod ko ang aking buhok ay napag-isipan kong hahanap ako ng trabaho sa gabi para may pangtustos sa aking pangangailangan.

Ayokong iasa lahat kay Brix. Ayokong may maisumbat siya sa 'kin 'pag dating ng araw.

Nanunuyo na naman ang aking lalamunan. Natigilan din ako sa pagsuklay nang mawala na naman ang reflection sa salamin ang sarili ko. Ganito ba talaga ang mga bampira? Hindi makukumpleto ang araw ko hanggat hindi nakikita ang sarili sa salamin.

Minabuti ko na ring bumalik sa kusina dahil baka kung ano na ang nangyayari. Naabutan ko sila sa kaninang posisyon nang umalis ako. Umupo na ako at kumuha ng pagkain. Inaya ko ang dalawa pero busog pa raw sila.

"If that's the case, then who's the guy last night?" Kristan asked. "Kapatid mo ba, Celeste?"

"Hindi sila magkahawig." Si Dahlia ang sumagot. "I mean, masyadong malayo ang hitsura nila. Even the height difference. Also, the attitude. So..."

"Boyfriend niya," sagot ko habang ngumunguya pa.

Nanlaki ang mga mata ni Celeste pero hindi nagsalita.

"Nakakahilo naman kwento niyo," ani Dahlia.

Sabay kaming napalingon sa isang trabahor na sumilip. "Ma'am, tapos na po kami sa sala. Pwede na po ba kaming mag-umpisa sa itaas?"

"Sure! Wait guys, ah? Asikasuhin ko muna 'to," pagpapaalam ni Celeste.

Hindi nakabuti ang pag-alis ni Celeste. Ngayon ay hindi na ako makakain nang maayos.

Bumuntonghininga si Kristan. "Anyway, papasok ka pa rin naman sa school, hindi ba?" tanong nito.

Tango lang ang naisagot ko. Hindi ko naman pwedeng itigil 'yon.

Ilang sandali ay biglang bumalik si Celeste. "She's here..."

"Oh, my feels!" sabay-sabay kaming napalingon sa bagong dating. As usual ay nakapulang dress na naman ito at may gloves pa na kulay pula rin. "This is actually huge. Hey there guys." Napunta kay Kristan ang tingin niya at agad na sumilay ang isang ngiti sa kanyang labi. "You are?"

Napatikhim ako.

"Kristan," sagot naman ni Kristan.

Napansin kong bumaba sa labi ni Kristan ang tingin ni Nath. Oh fuck. Not again!

"Nath..." I shook my head.

Umirap lang ito sa akin bago nagpatuloy sa pagpasok sa kusina. Yumuko si Celeste sa kanya.

"Anyway, napadaan lang ako para i-check ang bahay," pansin ko pa rin ang pagnakaw nito ng tingin kay Kristan. "Ayaw mo ba talaga sa amin, Astra? Mas maaalagaan kita ro'n. Or if you want, ipapadala ko sa 'yo ang mga damit ko. You will love red."

"Ang ganda mo naman, Miss," puna ni Dahlia. "Kaanu-ano mo si Astra? Pinsan ka rin."

Napalunok ako. Mas lalong nanuyo ang lalamunan ko.

Nath looked at my bestfriend from toe to head and rolled her eyes.

"Brix will be here after a few hours, Astra. Celeste, please make sure no humans will be around," Nath ordered, completely ignoring Dahlia's questions. She snapped her fingers, didn't make a sound because of the cotton gloves. "Please do reserve a room for me. Fuck colors if it's not red."

"As you wish, Lady Nathalia," magalang na sagot ni Celeste.

Nath cleared her throat as she looked at Kristan. "I know you want to get my contact number. Here it is—"

"Actually..." Kristan cut her out as he shook his head.

"W-what?"

"Ako na ang magbibigay mamaya!" agap ni Celeste, halatang kabang-kaba sa mga sandaling ito. "Huwag na kayong magpagod magsalita, Lady Nathalia. Ako na lang ang magbibigay mamaya sa kanya, nahihiya lang 'yan."

Nath bit her lower lip. She looked frustrated.

"Don't bother, Celeste. I don't want him in my contact list anyway." Pinitik pa nito ang kanyang buhok bago bumaling sa 'kin. "Nanunuyo na ang labi mo, Astra. You need to drink as soon as possible, baka ang isang lalaki rito ang mainom mo kapag hindi nakapagpigil."

"Yeah." I just nodded, silently hoping she will leave now.

"That's all." She beamed. "I should go no, right?"

"Salamat sa pagbisita," sagot ko.

Paalis na sana siya nang dumating naman ang pinsan ko. Nagkasalubong ang dalawa. Nanlaki ang mga mata ni Eliyah at hindi nakakilos sa sobrang gulat.

"Excuse me?" maarteng sabi ni Nath dahil nakaharang sa daan niya si Eliyah.

My cousin gulped, tensed. "H-hi?"

Nath furrowed her brows. "Do I know you?"

Nalusaw agad ang ngiti sa labi ng pinsan ko. Gumilid ito at binigyan ng daan si Nath. Hanggang sa makaalis si Nath ay hindi na nagsalita si Eliyah.

"Who the hell is that bitch?" Dahlia asked, infuriated.

"D-don't call her that," Celeste said.

Inilapag ni Dahlia sa ibaba ang aso. "Weirdo. Mauna na muna ako, Astra. Babalik na lang ako siguro mamaya or bukas." Humalik ito sa pisngi ko at may ibinulong pa. "Akala mo mapapaniwala mo akong boyfriend ng babaeng 'to ang lalaki kagabi? Try harder next time." Kumindat pa ito bago umalis.

Tumayo na rin si Kristan. "Pwede ba akong bumisita rito kahit kailan?" tanong nito.

Tumayo rin ako at tumango. "Of course, anytime."

Bumaling ito kay Eliyah. "Oh, Eliyah? Tara na? Maglalaro pa tayong basketball, hindi ba?"

Tumango lang ang pinsan ko at walang gana na sumama.

Napahinga ako nang maluwag.


"Drink first." Celeste gave me the pack of blood. "I know you have lots of questions in your mind. I'll try my best to enlighten you."

Tinanggap ko ang supot ng dugo at binuksan. Kung dati ay lasang kalawang ito sa aking dila, ngayon naman ay parang matamis na prutas na hindi ko kayang tigilang inumin hanggat hindi nauubos. Para din itong alak na gumigising sa mga natutulog kong ugat.

Sinimot ko ito hanggang sa huling patak.

"So... what do you want to know?" Celeste asked.

Dinilaan ko ang labi ko. "I want to know Brix more."

Nilapag ko sa table ang walang lamang supot.

Tumawa ito. "Hindi kita matutulungan diyan."

"Why?"

Umupo kami para mas makapag-usap nang masinsinan.

"I don't even know that much about Master Oscar, si Master Brix pa kaya? He's the most mysterious guy I've ever known. Pero kung may masasabi man ako sa 'yo, kung matalim ang dila niya, mas lalong matalim ang kanyang pangil. He won't hesitate to kill an entire clan just to satisfy his anger."

Tumayo ang mga balahibo sa batok ko. "H-he killed an entire clan? Akala ko ba ay bawal 'yon?"

That's what he told me.

"Bawal nga. Napatalsik siya sa clan dahil doon, naging isang insurgent na walang tirahan, palipat-lipat ng lugar at kaaway ng lahat. Pero imbes na gano'n lang ang gawin niya, nilipon niya ang lahat ng insurgent na nakilala niya. Until he created his own clan..."

Damn. What a wise man.

"His clan became one of the most powerful but unlike any other clan, they don't follow orders from above," pagpapatuloy nito sa kwento. "But, he is still the son of Lord Severo and he will do anything just to get his attention back. To make it up for his father, isinuko niya sa Nightfall clan ang kanyang clan. The two clans merged. But that's not enough para mapagbayaran niya ang kanyang nagawang kasalanan. Until now, he is still earning Lord Severo's trust."

Sa wakas ay nalaman ko na rin kung bakit tila uhaw na uhaw itong makuha ang loob ng kanyang ama.

"Wait. Why did he slaughter an entire clan?"

Doon natigilan si Celeste, halatang hindi kumportable sa tanong na 'yon.

"Come on, Celeste..." I encouraged her.

"I-I can't say it... it's forbidden."

Nilapit ko sa kanya ang aking upuan. "Sa atin lang namang dalawa eh. Sige na. Promise, hindi ito makakalabas," pabulong kong sabi.

Napalunok ito.

"Pero kasi Astra..."

"Sige na, please?" pagsusumamo ko.

Ilang sandali pa ay tumango ito at nagpakawala ng isang mabigat na hininga.

"Ipangako mo munang hindi niya malalaman na sa akin mo ito nalaman. He will kill me, Astra. Without hesitation..."

Alam kong isusugal niya ang kanyang buhay kapalit ng impormasyon na ito, nakaramdam man ng awa ay mas nanaig sa akin ang kagustuhan na malaman ang kasagutan. Hindi ako patatahimikin nito.

"I promise, Celeste. Ako ang bahala sa 'yo. I won't ever let him harm you because of me."

"H-he slaughtered an entire clan to avenge his human friend."

That left my lips slightly parted. I think I just got the answer why he hates humans that much. Siguro ay ayaw na niyang maulit ang pangyayaring 'yon. Sa halip na sa mga kapwa niya bampira ibuhos ang kanyang galit ay mas pinili niyang ibaling ito sa mga tao.

"Stop overthinking, Astra. Malapit na siya."

Mahirap pero sinubukan kong iwaglit ang mga sinabi niya sa akin.

One thing is for sure... he's not that heartless after all.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro