Chapter 11
Chapter 11: Messed up
Binuhat ko si Tati at inakyat sa kwarto ko. Iniwan ko muna si Tita Ophelia na hanggang ngayon ay yakap-yakap pa rin ang bulaklak. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaawa na paniwalang-paniwala siya sa kasinungalingan ko. Si Eliyah naman ay hindi na lumabas ng kwarto, malamang na dinaramdam pa rin ang pagnakaw sa kanyang first kiss.
Nilagay ko si Tati sa kama. Humiga ako at tumagilid paharap sa kanya habang hinihimas ang kanyang tiyan. He likes it when I am scratching his tummy, titihaya pa ito habang nakaangat ang kanyang mga paa sa ere.
Wala sa sariling napabuga ako ng hangin.
I'm just halfway of the day but it feels like a week had passed already. Hindi pa rito natatapos ang araw na ito, I still have a long night ahead of me. I still need to spend energy because the worst is yet to come. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari mamaya... bahala na.
I yawned until I fell asleep. Nagising ako nang may pabagsak na nagbukas ng pinto. Ang unang pumasok sa isipan ko si Tita Ophelia dahil siya lang naman ang nakakagawa no'n, pero ang nakita ko ay ang isang babaeng nakasimangot.
Pabagsak na umupo sa tabi ko si Dahlia, nakahalukipkip.
Nagising din si Tati at tumalon pababa ng kama saka ito lumabas sa kaunting nakabukas na pinto. Tamad na bumangon ako at napatingin sa labas ng bintana. Hapon na rin pala. Masyadong napasarap ang tulog ko.
I looked at Dahlia with confusion. Hindi ito nagsasalita pero nakasimangot ang mukha.
Napangiwi ako nang maalala na nangako pala ako sa kanyang bibisitahin siya sa bahay nila. Mukhang ito ngayon ang dinaramdam niya. Grabe pa naman magtampo ang isang 'to, daig pa ang jowa sa hirap suyuin.
"Dadalhin na sana ako sa ospital nung nurse sa clinic nang biglang dumating ang isang lalaking nagpanggap na doktor," banggit ko sa nangyari nung araw na 'yon na pumukaw sa atensyon ni Dahlia. She was still frowning, not satistied. "I don't know who he is pero nakatulong naman siya sa 'kin. Gumaan ang pakiramdam ko no'n."
"Tapos?" nakanguso pa rin niyang tanong.
"Umalis na rin siya no'n," dugtong ko. "That's it."
Nakipagtitigan pa nang ilang segundo sa 'kin si Dahlia bago tumango. Kahit papaano ay nawala na ang pagkasimangot ng kanyang mukha pero bakas pa rin 'yon. Bigla kong naalala si Eliyah. Putik. Hindi dapat malaman ni Dahlia ang nangyari. It would cause more drama. I hate dramas.
"May manliligaw raw na darating si Tita Ophelia?" sunod na tanong nito, naguguluhan at hindi makapaniwala. "May rosas siyang yakap-yakap nung madatnan ko. Sabi ko nga ilagay niya sa tubig para hindi malanta."
Oh, shit. No!
"Baka gabihin 'yon," paggawa ko ng alibi.
Bigla itong ngumiti na kinabahala ko. "Gusto kong makita ang manliligaw niya. Ano kaya hitsura niya? Saka pwede naman akong matulog dito, hindi ba?"
"B-baka hanapin ka ng Mommy mo, hindi ka nagpaalam," pagrarason ko pa.
Dadagdag pa siya sa aalalahanin ko mamaya. Hindi ko na nga alam kung ano ang gagawin ko.
"It's okay." She showed me her phone as she giggled. "I will do it now."
Napabuga ako ng hangin. Tinawagan niya ang kanyang Mommy at nagpaalam na matutulog dito. Hindi siya nahirapang kumbinsihin ito dahil kilala naman ako ng Mommy niya, minsan na rin akong natulog sa kanila nung isang araw na hindi ako papasukin ni Tita Ophelia dahil ginabi ako ng uwi.
"Astra?" Biglang pumasok si Tita sa kwarto ko. Bagong ligo ito. Nakabalot pa ang isang tuwalya sa kanyang buhok at ang isa naman ay sa kanyang katawan. "Pumasok ba sa kwarto ko si Tati?" Pinakita niya sa 'kin ang lipstick niya. "Nakita ko ito sa sala, nakatapon."
"Grabe, Tita. Seryoso ka ba talagang may nanliligaw sa 'yo?" Humalakhak si Dahlia.
"Darating siya ngayon, Dahlia," proud na sagot ni Tita. "Kaya nga nagbibihis na ako dahil baka madatnan niya akong dugyot."
"Kailangan palang huwag kang magpakita sa kanya, Tita? Para wala siyang madatnan na dugyot?" pabirong sabi ni Dahlia at nung makita ang nangangalaiti na tingin ni Tita ay mabilis niya itong binawi. "Joke. Dyosa ng mga dugyot naman ang ibig kong sabihin, Tita."
"Dugyot pa rin 'yon!" sumbat ni Tita.
"At least dyosa, 'di ba, Tita? Ayaw mo bang maging dyosa?" tanong ni Dahlia, nang-aasar.
Napaisip naman si Tita bago mahinang tumawa. "Oo nga 'no? Ang galing mo talaga, Dahlia! Sana ikaw na lang pamangkin ko. Puro stress lang dala sa 'kin ni Astra. Hindi pa nga ako niyan pinuri kahit na isang beses!" Saka siya bumaling sa 'kin.
Tumikhim ako. "Naglikot kanina si Tati. Mukhang nahablot nga niya 'yan, Tita," sagot ko na tinutukoy ay ang lipstick. "Ah, Tita? Magpabango ka, ah? 'Yong mabangong-mabango! Boys like it that way."
Kailangang mabaling ang amoy sa kanyang pabango at hindi sa kanyang dugo. Baka pagnagtagal ay hindi mapigilan ni Brix ang sarili. Ayokong namang maging madugo ang gabing ito at ako ang may kasalanan.
"Oo nga, Tita!" sang-ayon ni Dahlia. "Huwag kang mag-deodorant!"
Siniko ko si Dahlia dahil sa sinabi niya.
Umismid lang si Tita bago umalis.
Bigla akong kinabahan sa mangyayari mamaya. Ang pinanghahawakan ko na lang ngayon ay sana hindi sumipot si Brix para walang problema, pero ako naman ang malilintikan kay Tita kapag hindi siya sumipot. Kapag sumipot naman siya, magiging magulo ang lahat. Ano ba 'tong gulong napasukan ko?
"Agh!" I groaned in frustration. Pabagsak na humiga ako sa kama at tinakpan ng unan ang mukha.
Naramdaman kong humiga rin si Dahlia. "Ang sarap talagang kausapin ni Tita Ophelia. Ang daling utuin," sambit nito na sinabayan pa ng tawa.
Napasinghap ako nang yakapin ako ni Dahlia at siniksik ang sarili sa 'kin. Naramdaman kong uminit ang pakiramdam ko nang maamoy ang dugo niya. I could smell her perfume but the smell of her blood lingered on my nose and disturbing my senses.
"Hindi ko pa nakita si Eliyah," bulong nito. "Wala ba siya?"
Kumuyom ang mga kamao ko nang maramdaman na tila nasusunog ang aking mga mata. Mabilis na tinulak ko si Dahlia palayo at bumangon ako. Umangal ito nang mapalakas ang tulak ko sa kanya kaya nahulog siya sa kama.
I turned my back immediately. Damn it. I know my eyes were red now. I could feel it burning like hell.
"Ouch. Ang sakit ah!" Naramdaman kong bumangon ito. "May problema ba, Astra. Ayaw mo na ba akong kayakap?" she asked, dramatically.
Kalma, Astra...
Naramdaman kong palapit sa 'kin si Dahlia.
"Stop," I warned her, still not looking. Umisip ako ng dahilan para hindi siya lumapit. "Uutot ako, mabaho lumayo ka muna sa 'kin, Dahlia. Nakakamatay 'to!"
"Eh?" I didn't convince her. "You okay?"
Kahit papaano ay bumaba na ang init na nararamdaman ko sa katawan. Huminga ako nang malalim bago humarap. Naabutan ko si Dahlia, naguguluhan sa nangyayari.
"Astra?" kunot-noong tawag niya sa 'kin. "Ayos ka lang ba talaga?"
"Si Eliyah! Nasa sala nanunuod!" bulalas ko.
Nanlaki ang mga mata ni Dahlia at mabilis na kumaripas ng takbo pababa. Napahinga ako nang maluwag. Kailangan kong maging maingat, ayokong madamay ang kaibigan ko sa kung ano mang napasok ko.
I'm starting to think... how can I live like this? Sa ngayon ay kaya ko pang dalhin ang sarili, pero kapag tumagal na... natatakot ako sa maaari kong magawa. Natatakot akong dumating sa puntong nasasaktan ko na ang mga taong malapit sa 'kin.
Sumunod din ako sa baba. Nasa hagdan pa lang ako ay nakita ko na agad si Dahlia, nakaupo sa tabi ni Eliyah na busy sa cartoons na pinapanuod. I got dumbfounded when a realization struck me. I was right. Eliyah was here and watching. The vampire abilities still shock the hell out of me.
May naamoy ako sa kusina kaya doon ako dumiretso. Naabutan ko si Tita na nagluluto. Pansin ko ang ngiti sa kanyang labi habang humuhuni. Nakaramdam ako ng konsensya. Ginagamit ko siya para sa pansariling kapakanan.
"Ang sarap naman niyan, Tita!" Titikman ko sana ang isang putahe nang hampasin niya ang kamay ko.
"Para 'yan sa manliligaw ko, magbukas ka na lang ng de-lata," aniya bago bumalik sa pagluluto. "Ano na bang oras? Wala ba talaga siyang sinabing oras kung kailan bibisita?"
"Titikman ko lang baka hindi masarap," sagot ko. "Saka, hindi e. Basta sabi niya ay dadalaw siya ngayong gabi."
"Masarap 'yan, ako ang nagluto. Hindi bale na. Luto na rin naman ito mayamaya." Bigla siyang humarap sa akin, nakakunot ang noo. "May napansin ka bang kakaiba kay Eliyah? Kanina pa tahimik. Bigla na lang ngumingiti."
Napalunok ako. "Po? W-wala naman..."
"Baka kagagawan 'to ng engkanto mong manliligaw ah!" pinanlisikan niya ako ng tingin. "Ang sabi niya nakaraan ay nabuntis ka raw ng engkanto. Hindi kaya pinarusahan siya kasi nagsumbong siya sa 'kin?"
Mahina akong tumawa. "Naniwala ka naman sa kanya. Mahilig lang gumawa ng kwento si Eliyah. Mukha ba akong buntis?"
"E, ano ang nangyayari sa kanya ngayon?"
"Baka may crush na siya," bigla kong sabi. "Alam mo 'yon? Inspired siya."
Natigilan si Tita, nakita kong lumungkot ang kanyang mukha.
"A-ang baby ko, may crush na?" Lumunok ito at umiling. "Imposible 'yang sinasabi mo, Astra. Hindi pa marunong magkagusto ang anak ko."
"Ano ka ba, Tita!" Pasimple akong tumikim sa niluluto niya. Lalo akong nagutom, masarap talagang magluto si Tita. "Hindi na baby si Eliyah. He's already a teenager. Sa ayaw at sa gusto mo, magkaka-crush 'yan."
Suminghot si Tita bago bumalik sa pagluluto.
"Ang baby ko may crush na..." dinig ko pang bulong nito.
Bumalik ako sa sala, naabutan ko ang dalawa sa parehong posisyon kanina. Tutok na tutok si Eliyah sa Spongebob na pinapanuod habang si Dahlia naman ay nakatulala sa kanya. Hindi ito pansin ni Eliyah.
Umupo ako sa pagitan nila.
"Huy. Dito ka sa gilid ko," pabulong na sabi ni Dahlia. "Gaga ka. Sinisira mo moment namin."
Hindi ko pinansin ang kaibigan ko. Bumaling ako kay Eliyah. Bigla akong nainggit sa kakayahan nila Brix na makabasa ng isipan, gusto kong mabasa ang mga umiikot sa isipan ni Eliyah. Tama nga si Tita. Mukhang wala ito sa sarili.
"Eliyah?" tawag ko sa kanya.
"Hmmm?"
Nalunok ako. Shit. Hindi ito ang inaasahan kong reaction niya. Kapag iniistorbo ko siya sa panunuod ay babatukan niya ako. Ngayon ay parang malamig itong makitungo. Damn it, Nath. What have you done to my cousin?
I cleared my throat. "Action movie na lang panuorin natin? Ang boring ng Spongebob! Pang-bata lang 'yan e." Tumawa pa ako para dagdagang ang pang-iinsulto sa pinakapaborito niyang pinapanuod ko.
"Oh!" He nodded. Kinuha nito ang remote control sa TV. "Right, this is getting boring."
Napanganga ako.
What the fuck, Nathalia Cardinal? What did you do to Eliyah?
"Ano sa tingin mo, Astra?" tanong sa 'kin ni Eliyah, nakangiti. "Wala ako gaanong alam na action movies eh. Ikaw na lang pumili." And for the first time since I got in this house, Eliyah Lavoza lent me the remote control.
"Romance na lang!" pag-epal ni Dahlia bago inagaw ang remote control kay Eliyah, sinigurado niya munang mahahawaakn niya ang kamay ng pinsan ko. Mahina itong tumili dahil sa ginawa habang ako naman ay parang sasabog ang ulo.
"Ayos ka lang ba, Eliyah?" tanong ko, kinakabahan.
Hindi naalis ang ngiti sa labi ng pinsan ko.
He chuckled, softly. Damn. That was sexy. When did he learn to chuckle seductively?
It feels like I am talking to a complete stranger now. This is not the Eliyah I know. Hindi ko alam kung maganda ba ito pero hindi ako sanay... hindi yata ako masasanay na ganito siya umakto. For the first time, hinagilap ko ang isip-bata kong pinsan.
"May I know her name?" he whispered.
Mabilis na napagtanto ko kung sino ang tinutukoy niya. "W-wala 'yon, Eliyah. Playgirl 'yon. Hindi siya nagseseryoso sa mga lalaki. She's no good for you. Mabibiktima ka lang niya at paiiyakin. Kalimutan mo na 'yong nangyari."
She's no good for him. Kahit naman lagi kaming nagtatalo ng lalaking ito, ayokong mangyari sa kanya ang nangyayari ngayon sa 'kin. Mas mabuting lumayo na lang siya kay Nath, mas makakabuti sa kanya 'yon.
"Oh, come on!" he frowned.
"Sino?" pagsingit ni Dahlia.
"I've got my first—"
"OMG! May alam na akong movie!" putol ko kay Eliyah. Nanginginig ang kamay na kinuha ko ang remote control at nag-play basta ng movie sa TV. "Nakakakilig 'to tapos may kasamang action. Magugustuhan niyong dalawa!"
Shit. Nahihilo ako sa mga nangyayari.
"Sigurado ka, Astra?" nakangiwing tanong ni Dahlia habang nakatingin sa TV.
Saka ko lang napagtanto na ang napindot ko ay isang documentary about crocodiles.
"Joke." I faked a laugh as I changed the movie. "This one is good, too. Wait, Dahlia. May pag-uusapan lang kami ni Eliyah."
Hinila ko ang pinsan ko at pumasok kami sa kwarto nila. Nang masara ang pinto ay hinarap ko si Eliyah, hindi natitinag ang ngiti sa kanyang labi. This is getting creepy. Hindi ako sanay na nakangiti ang lalaking ito.
"Look, Eliyah. May gusto sa 'yo si Dahlia," sambit ko. Wala na akong ibang mairason. "I love my best friend, I want the best for her. I don't think it's you but you can be a good partner. Maganda siya, mabait, may kaya sa buhay, matalino kahit kaunti. What do you think?"
Kumunot ang noo ng pinsan ko. "May gusto sa 'kin si Dahlia?"
Tumango ako. "Y-yeah. Huwag mo lang sasabihin sa kanya na sinabi ko sa 'yo."
"That's so sad," he chuckled. "I like someone else."
"Gago," napamura ako. "Wake up, Eliyah!" Hinawakan ko ang balikat niya at niyugyog siya. "You don't want to be involved with that woman. She's odd. I mean... hindi siya bagay sa 'yo. You can't like her."
"Well..." He shrugged his shoulders. "That's how I like it."
Bumagsak ang mga balikat ko. "Engkanto siya!" bulalas ko.
Please... believe me.
Tumawa ang pinsan ko. "Don't be ridiculous, Astra. Your excuse is so lame. Why? Bakit tutol na tutol ka sa babaeng 'yon?"
Napaatras ako. Hindi ko na alam kung ano pa ang sasabihin ko.
"So..." Ngumiti uli ang pinsan ko. "Tell me her name, please?"
Natigilan ako nang marinig na tumili si Dahlia. Mabilis na lumabas ako ng kwarto. Napanganga ako sa naabutan.
That's when I realized how messed up my life has become.
Hawak-hawak ni Brix sa leeg si Tita Ophelia.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro