Chapter 10
Chapter 10: Tonight
Sinundan ko lang kung saan pumunta si Eliyah at nahanap ko agad ang CR. Nadatnan kong palabas ng Men's Comfort Room ang pinsan ko, may sinabi ito sa 'kin pero hindi ko gaanong napagtuonan ng pansin. As I walked into the Women's Comfort Room, I immediately locked myself in one of the cubicles.
Umupo ako sa nakasarang bowl at sumandal. I could still feel my face burning like hell.
I need to give up my virginity for the sake of the ritual. Hindi ko alam kung saan ako nangangamba. Dahil ba hindi ko pa naranasan 'yon at hindi ko alam kung paano gawin o sa kadahilanan na ibibigay ko ito sa isang lalaking hindi ko pa lubusang kilala? Or whatever it is, heck! I didn't see this one coming. I know being a vampire is bloody but... err.
"Kalma, Astra. Masarap naman daw 'yon sa pakiramdam," pangungumbinsi ko sa sarili.
Ayon sa naririnig ko ay pinagsamang sarap at kirot daw ang pakiramdam no'n. Sa una ay masakit pero hindi kalaunan ay mawawala na ito— masarap na. Shit! What am I thinking? Kahit na anong pakiramdaman no'n, hindi ko dapat ito ibigay sa isang lalaking hindi ko mahal!
But... there's nothing else I can do.
The worse is... it will be done tomorrow.
"Sis, nakita mo ba 'yung guy sa bandang dulo? 'Yung naka-white shirt?" dinig kong tanong ng babae sa labas ng cubicle. Kahit na malayo ako ay malinaw ang kanyang tinig. "He is with his maid and I think the other guy is his brother. He's freaking hot!"
Tumaas ang mga kilay ko. Nakilala ko agad ang tinutukoy nila. Maid?
"OMG! I was about to tell you!" The other girl giggled. "Hindi nga ako gaanong makakain nang maayos, sis. Nakaharap siya sa 'kin kaya pakiramdam ko ay titingin siya sa 'kin kahit na anong segundo. I was preparing the whole time but nothing happened."
"Fuck off, girl. Ako ang unang nakakita. Respeto naman!" Tumawa rin ang isang babae. May pagkaharot din ang dalawang 'to. "Wait. Help me here, sis. Kailangan ko pang ibaba. Baka cleavage lang ang katapat niya."
Naririndi na ako sa kanila kaya tumayo na rin ako at lumabas ng cubicle. Naabutan ko ang dalawa na nakaharap sa salamin. Agad ko ring ibinaling sa iba ang tingin ko dahil baka akalain nilang kapansin-pansin sila.
Dumiretso rin ako sa tapat ng salamin malapit sa kanila. Sa pagkakataong 'yon ay naagaw ko ang kanilang atensyon. Pinitik ko ang buhok ko bago naghugas ng kamay. Hindi ako maarte pero parang gusto kong mag-inarte ngayon.
"Girl... 'yung maid," bulong ng babae.
Isang pang tawag mong maid, ingungudngot na kita.
Tumikhim ang babae.
"Hi. Pwede ko bang makuha phone number ng boss mo?"
I mentally rolled my eyes. Ang harot ng boses kanina pero ngayon mukha namang siga.
I remained my composure, not giving a damn.
"I have a business proposal for him. I know he will be happy." There she goes again, the flirty voice. Naramdaman kong may kinuha ito sa pouch niya, cell phone. "So... may I know his contact number?"
Alam kong sa 'kin siya nakaharap pero pinanatili ko pa rin ang atensyon sa salamin. Wala akong ibang magawa kung hindi ang ibabad ang kamay sa tubig para magmukhang abala. Wala sana akong balak na kausapin ang mga ito kung hindi lang ako kinalabit na parang namamalimos.
"Wala akong barya," pabalang kong sagot.
"W-what?"
I let out a heavy sigh as I turned my head to them. "Business proposal? Is this kind of scam? Unprofessional. Hindi ba dapat ay nag-research muna kayo? Bakit hindi niyo alam ang contact number ng target niyo? It is so unprofessional to get someone's information this way. Do your research, girls."
Napanganga ang dalawa sa sinabi ko.
"Boss?" I chuckled, to mock them even more. "As far as I know, I don't work for anyone. I am the boss. And uh," I snapped my finger as I grinned. "For your information, he's not a business man. Just the driver of the boss. My driver," I said, emphasizing the last two words.
I made my grand exit, smirking until I bumped into someone. Umangat ang tingin ko kay Brix na nakakunot ang noo. Mukhang kanina pa ito naghihintay sa labas ng CR. Naramdaman ko ring nakatingin sa amin ang dalawang babae.
"What took—"
"Ang sabi ko hintayin mo ako sa sasakyan, hindi ba?" I cut him out. Tinaasan ko siya ng kilay na mas lalong nagpakunot sa kanyang noo. "Hays..." Hinawakan ko ang tela ng puting t-shirt niya. "Tara na nga. May meeting pa ako." Saka ko na ito hinila palabas.
Nang tuluyan kaming makalabas ay binitiwan ko rin agad ang damit niya. Wala sa sariling napahalakhak ako at halos maglupasay sa sahig habang inaalala ang mukha ng dalawang babae. Hindi ako mahilig makipag-away pero hindi rin ako anghel na titiisin ang pang-aapi. Heck, I don't initiate a fight, I finish it.
"I know what you did there." Napatingin ako kay Brix na nakahalukipkip, tamad na nakatingin sa 'kin.
Pabiro kong hinampas ang matigas niyang braso. "Ang galing ko, hindi ba?"
Bumali ang leeg nito. "As far as I know, I don't work for anyone. Especially for you."
I winced. "It was just for a show!"
"That's the show?" he asked.
I nodded. "Galing ko, hindi ba?"
Natigilan ako nang pumorma ang isang ngisi sa kanyang labi. "Good. I feel relieved now that I know you are good at this. I think you are prepared enough for the show tomorrow, right?"
Just like that, I feel anxious again. I was about to say something when he already walked away. Wala akong nagawa kung hindi sumunod sa kanya sa parking lot kung saan naabutan ko si Eliyah, nakasilong ito sa isang puno at kitang-kita ko ang usok sa kanyang bibig.
"What the hell?" I mumbled, stunned.
Nang matanaw ako ni Eliyah ay agad niyang binitiwan ang sigarilyo at inapakan ang baga nito. Pansin kong nataranta ito, alam niyang nahuli ko siya.
"What's that?" I asked him.
"I-I just tried..." Namumula ang mukha nito. "Huwag mong sabihin kay Mama."
"Kailan ka pa natutong manigarilyo, Eliyah?" kalmado kong tanong.
"It's not that serious. He's no longer a kid," dinig kong pag-epal ni Brix.
Bumaling ako kay Brix at sinamaan siya ng tingin. "Alam mo?"
He shrugged his shoulders.
Hindi ko napigilang hampasin ang kanyang balikat. "Gagi ka! Kapag nalaman ni Tita na binigyan mo ng sigarilyo si Eliyah, malilintikan ka sa kanya!"
Brix just eyed me, languidly.
"Sorry na!" sabi ni Eliyah na nakaagaw uli sa atensyon ko. "Hindi na kita aawayin basta huwag mo akong isumbong kay Mama! Please, Astra. Ang tagal na niyang hindi gumagamit ng sinturon, malalatayan na naman ako kapag nalaman niya!"
Madiin akong napapikit bago huminga nang malalim. "Fine, Eliyah. Basta kapag nalaman ito ni Tita, hindi ako sabit ah?"
Mas ako ang malalatayan kapag nalaman ni Tita na kinukunsinti ko ang baby niya.
My cousin nodded instantly. "Thanks!"
"Nasa bahay niyo na ang aso," dinig kong sabi ni Brix.
"Anong aso?" tanong ni Eliyah. "May bago kaming aso?!"
"Ihahatid ko na lang kayo," pagbabale-wala ni Brix sa pinsan ko.
Hindi katulad kanina, ako na naman ngayon ang nasa harapan ng sasakyan. Tahimik kami sa pagkakataong ito. Si Eliyah ay abala sa kanyang cell phone habang si Brix naman ay diretso lang sa kalsada ang tingin.
Bigla kong naisip ang mangyayari bukas.
"Mag-condom ka," bulong ko.
"Prohibited." Napalingon ako dahil sa isinagot niya at kung paanong lumabas ito sa bibig niya nang gano'n lang. "It's a sacred ritual, Astra. Using protection is like faking it. We can't fake it, that's an abomination."
"Are they going to watch?"
He shook his head.
"Then, we can fake it," I said, ending the conversation.
"What?"
"I-I am not ready." There, I said it.
Kahit na anong gawing kong rason, hindi ko pa 'yon kayang gawin.
Itinabi ni Brix ang sasakyan sa gilid ng kalsada saka siya humarap sa akin. Alam kong gagawin nito ang lahat para mapapayag ako pero higit pa ro'n ang kailangan niyang gawin para makumbinsi ako. I am about to give up the only pressure thing left in me, I am not ready for that.
Bumagsak sa ibaba ang tingin ko at pinaglaruan ang mga kamay.
"W-we have talked about this, Astra..."
"Yeah," I responded sarcastically. Bumaling ako uli sa kanya. "We have discussed this the day before it's going to happen. You've given me enough time to prepare. Now, I can't do anything but force myself to believe I am prepared."
"I didn't tell you because you are my slave!" may diin niyang sambit. There he goes again, using slavery. "I shouldn't tell you my moves before first of all, you can't do anything to turn down or disobey my orders."
Napatingin ako sa likod. Mabuti na lang at tulog na ang pinsan ko.
"This is absurd," Brix mocked.
He drove us home. Ilang minuto na kaming nasa tapat ng bahay pero wala pa ring kumikilos sa amin. Hindi rin naman ako makalabas kasi kinandado ni Brix ang pinto. Ang pinsan ko naman ay humihilik pa.
"I'm sorry..." I mumbled.
"Don't feel sorry," he responded. "I am going to postpone the event."
Napatingin ako sa kanya. "T-Thanks..."
Nakahinga ako nang maluwag at napangiti. Hindi ko inakalang may soft part din pala ang isang 'to. Akala ko ay kailangan pang dumanak ang dugo para makumbinsi siyang hindi pa ako handa.
He nodded. "No worries. I am going to meet you again tonight."
Natigilan ako. "For what?"
Bumaling ito sa akin. "I just postponed the event before you are not prepared yet. So, I guess, I need to prepare you first?"
Nanlaki ang mga mata ko. "Baliw ka ba?"
Narinig kong bumukas ang pinto pero hindi ko naalis kay Brix ang tingin ko.
"Brix!"
He smirked. "I'm going to use condom this time, don't worry."
I bit my bottom lip as I shrieked, "Jerk!"
Lumabas na ako ng sasakyan at umikot sa likod. Sa sobrang inis ko ay sinampal ko si Eliyah para magising. Mahina lang naman pero sapat para maalimpungatan ito. Bigla siyang napabangon kaya nauntog sa bubong.
"Aw..." angal nito.
"Let's go," I said.
Nauna na akong pumasok ng gate, bahala na si Eliyah kung hindi pa siya susunod.
Mabibigat ang hakbang ko pero lahat yata ng inis sa katawan ko ay naglaho nang marinig ang kahol ng aso sa loob. Nagmadali akong pumasok, naabutan ko ang isang aso sa itaas ng sofa. Nakatingin ito sa 'kin. Napatakbo ako at niyakap ito.
"Tati!" I got teary-eyed.
Sinuri ko ito. Hindi ko na napigilang hindi maluha nang mapansin na parang si Tati talaga ito. Mula sa laki, balahibo at pakiramdam. Parang nabuhay uli ang alaga namin.
"OA mo naman, parang ang tagal niyong 'di nagkita ah?" Sumulpot sa likod ko si Eliyah. Humikab pa ito. "Matutulog pa ako." Saka ito pumasok sa kwarto nila.
Niyakap ko uli si Tati.
"Pakainin muna natin?" Umangat ang tingin ko sa nagsalita. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang nakangiting mukha ni Oscar, hawak nito ang bowl na pagkainan ni Tati. "Nakakaaliw pala ang mga aso. Kanina pa kami naghahabulan dito." Tumawa ito.
Kinuha niya sa 'kin si Tati at inilapag sa sahig. Nilapit niya ang bowl na may pagkain. Hindi ko maiwasang mapangiti uli nang makitang gutom na gutom ito. Si Oscar din ay todo ngiti habang nanunuod.
"Ah!" Napatayo ako sa gulat nang marinig na sumigaw si Eliyah. Kumaripas ito ng takbo palabas ng kwarto at lumapit sa 'kin. "M-may tao sa kwarto ko!"
Nanlaki ang mga mata ko nang lumabas ng kwarto si Nath, hawak nito ang lipstick ni Tita Ophelia. "Ang cheap ng lipstick na ito, Astra. Mukhang hindi naman ito ang ginagamit mo." Tinapon niya ang lipstick.
Hindi ako nakakilos dahil sa mga pangyayari.
"Nath, pakuha naman ng tubig," utos ni Oscar, hindi nito magawang iwanan si Tati. "Baka mabulunan si Tita tapos mamatay pa."
Napatingin ako kay Eliyah na nakanganga, gulong-gulo.
Madiin akong napapikit. Ano'ng ginagawa ng mga Cardinals sa bahay na 'to?
"What the heck are you two still doing here?" Brix entered the scene.
Akala ko ay umalis na ito pero mukhang naramdaman niya rin na nandito ang mga kapatid niya.
"Sorry, Brix. Ang cute ng aso! Hindi ko agad naiwan." Humalakhak si Oscar habang patuloy pa rin sa paghimas ng balahibo ni Tati. "Pwede ba tayong mag-alaga ng aso, Nath? Para naman may kakulitan din ako."
Sinundan ko ng tingin si Nath. Nilapitan nito ang pinsan kong gulat sa mga nangyayari. Hinawakan pa nito ang kanyang labi at hinaplos. "Malambot. Damn. Why do boys have softer lips than girls? This is frustrating! Even Oscar and Brix, kahit walang ginagamit."
Hindi ko kinakaya ang mga nangyayari kaya lumapit na ako kay Brix. "Help me. Baka dumating na si Tita Ophelia. Paalisin mo na sila," pabulong kong pakiusap.
I don't know what's going to happen if Tita Ophelia caught a group of strangers in her house.
"Ah, oo nga pala!" Tumayo si Oscar at may kinuha sa kusina. Paglabas nito ay may hawak na siyang bukilya ng pulang rosas. "Ito nga pala Brix 'yung bulaklak nung aso na pinabili mo rin. Teka. Bakit kailangan ng aso nito?"
"What? That's for Tita, not Tati!" Brix corrected him.
Napatikhim ako.
"Oh... who's that?" sunod na tanong ni Oscar.
Napahilot ako sa sentido. Paano ko ba mapapalayas ang mga bampirang ito? Ginugulo nila ang katahimikan ng pamamahay na ito. Gusto ko nang umakyat sa kwarto ko at umidlip pero hindi ko naman sila pwedeng iwanan na lang dito.
"No... no—" Naagaw ni Eliyah ang tingin ko. Masyadong malapit na ang mukha ni Nath sa kanya hanggang sa tuluyan na siya nitong halikan sa labi.
My jaw literally dropped. What the hell?!
"Soft talaga, sis." Nath giggled.
"Stop, Nath. You two, leave now," utos ni Brix.
"Oh, my feels! Oo nga pala, magpapa-pedicure pa ako!" Lumapit si Nath sa TV kung saan nakapatong sa ibabaw nito ang kanyang pouch. "I need to go." She kissed me on my cheek before skedaddling the house.
Napahinga ako nang maluwag. Umalis na rin sa wakas ang pinakamagulo sa tatlo.
Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman na may palapit na sa bahay. "S-Si Tita Ophelia..." bulong ko. "Brix. Umalis na kayo!"
"Shit." Mabilis na lumapit si Brix kay Oscar at hinila ito paalis.
Nang makaalis sila ay nakakabinging katahimikan ang sumunod. Napatingin ako kay Eliyah, tulala pa rin ito at namumula pa ang kanyang mukha.
"T-that's my first kiss..." I heard him mumbled.
"Astra!" Nasa gate pa lang si Tita ay dinig na dinig ko na ang matining na boses nito. Nataranta ako dahil wala pa akong naisip na dahilan nang bigla kong pagtakas sa palengke. "Walang hiyang bata ka. Andyan ka na ba?!"
Mabilis na kinuha ko ang bulaklak sa sofa. Pabagsak na pumasok si Tita, pulang-pula ang mukha at kulang na lang ay umusok ang ilong sa sobrang galit. Handa na itong sumabog kahit na anong segundo.
"T-Tita..." I showed her the bouquet of red roses. "Dumalaw uli ang manliligaw mo. Ibinilin niya sa 'kin na ibigay sa 'yo ang bulaklak na 'to!"
Nawala ang pagkairita kanyang mukha nang mahawakan ang bulaklak. "Talaga? Hala! Sayang naman at hindi kami nagtagpo!" Kinikilig na tumawa ito.
Napangiti rin ako. Nagmana talaga sa kanya si Eliyah.
"Oy, Eliyah? Ba't tulala ka diyan?" untag ni Tita sa anak niya. "Nakita mo rin ba ang manliligaw ko?"
Umiling lang si Eliyah bago nakangiting pumasok ng kwarto.
"Oy, Astra. Bakit bigla kang umalis ka kanina—"
"Ang gwapo po ng manliligaw niyo!" putol ko sa kanya, binali agad ang topic na bubuksan nitos. "Naku lang, Tita. Nakakalaglag ng panty!"
Humalakhak si Tita, tuwang-tuwa sa mga sinasabi ko. "Ano ka ba, Astra?! Nakakahiya naman kapag nakita niyang nalaglag ang panty ko!"
"Hindi ka naman nagpa-panty kaya wala kang dapat ikahiya!"
"Ano'ng sabi mo?!"
Humalakhak ako at pabirong hinampas siya sa balikat. "Biro lang, Tita. Ikaw na. Haba ng hair mo, naapakan ko yata."
"Meet me tonight..." Natigilan ako nang marinig ang boses ni Brix.
"Ano, Astra? Kailan daw siya uli babalik?" untag ni Tita.
Napatitig ako kay Tita at isang kapangahasan ang pumasok sa isipan ko. Hindi ko alam kung ano ang kalalabasan nito pero bahala na. Hindi ko pa kayang gawin ang gustong mangyari ni Brix. Gagawin ko ang lahat para maudlot ito.
"Mamayang gabi, Tita. Babalik ang manliligaw niyo," nakangisi kong tugon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro