Chapter 1
Chapter 1: That Night
Nothing is more infuriating than waking up to the sound of loud thuds coming outside your door. It's been months, but I am still not used to being interrupted when asleep. Still, I tried to cover my ears with a pillow, but the banging got even louder.
"Astra!" sigaw ni Tita sa labas.
Wala na rin akong nagawa kung hindi ang bumangon. Inaantok na binuksan ko ang pintong sa tingin ko ay bibigay na sa susunod na kumatok pa siya. Can she just wake up me in a nicer way? Kailangan ba talagang kalabugin ang pinto?
"Ouch!" angal ko nang dumapo sa ulo ko ang mabigat na kamay ni Tita Ophelia, parang bakal sa bigat. Suot na naman niya ang paborito niyang kulay pulang bulaklakin na bistida. "Magandang umaga din, Tita," pabalang na bati ko.
"Anong oras na? Feeling prinsesa ka na naman, Astra?" Inambahan niya pa uli ako ng batok pero mabilis na umatras ako. Gusto kong umangal kasi kahit kailan ay hindi ko naranasang prinsesa ako rito pero tinikom ko na lang ang bibig. "Magluto ka na ng agahan. Pagkatapos ay linisin mo ang kwarto ni Eliyah."
"Wait. May pasok din ako—"
"Ang sabi ko ay linisin mo ang kwarto ni Eliyah," putol niya sa akin na sinabayan ng panlilisik ng mga mata. "Wala akong pakialam kung ma-late ka sa klase o kahit 'di ka na pumasok. Bakit ba napaka maangal mong bata? Ano sa tingin mo? Libre ang pagtira mo sa amin?"
Napangiwi ako sa dami ng sinabi niya.
"Ma! Pakuha ng tuwalya!" Eliyah shouted from somewhere.
"Kumilos ka na, ha?" pagbabanta pang sabi ni Tita Ophelia bago ako tinalikuran.
Nang makalayo siya ay pabagsak na sinarado ko ang pinto. Nag-inat ako ng katawan bago inumpisahang ligpitin ang higaan ko. Hindi naman gano'n kalakihan ang kwarto ko. May kama na sakto lang sa akin, isang kabinet na lalagyan ng mga mangilan-ngilan kong damit at ang pinakapaborito kong bagay sa mundo, ang mahiwagang tokador na gamit ko na magsimula pagkabata pa. Iniyakan ko talaga ito para lang hindi ibenta ni Tita Ophelia.
Ang buhay ko ay parang isang fairy tale. Nang mamatay ang magulang ay napilitang makitira sa pinakabruhang kamag-anak kung saan paninilbihan ang kapalit ng iyong paninirahan. Hindi mawawala ang anak ng bruha na mang-aapi, si Eliyah na binata na pero isip-bata pa rin. Hindi pa kami kailanman nagkasundo ng lalaking 'yon. Ang kaso lang, hindi ako anghel gaya ng mga nasa fairy tale. Hindi ko hahayaang maliitin ako ng mga taong makikitid ang utak.
"Astralla!" sigaw na naman ni Tita Ophelia.
"Napa'no ka, Ophelia?!" pabirong sigaw ko pabalik.
I chuckled as I immediately followed on the kitchen. Tita Ophelia was having her first coffee of the day. Nakakalimang tasa nga yata siya ng kape sa isang araw. As usual ay busy na naman sa cell phone. Masyadong malayo sa kanyang mukha ang cell phone at ang pagpindot niya sa screen ay gamit lang ang isang daliri. Oh, well. Oldies.
Itinali ko nang pa-bun ang buhok ko bago sinuot ang lumang apron. This is how I start the day, aside from waking up in the sound of annoying thuds, cooking breakfast. Kumuha ako ng mga sangkap at sinimulan ng magluto. Hindi ko man namana ang kabutihang loob ni Mama, namana ko naman ang kahusayan niya sa kusina. Habang nakasalang sa apoy ang niluluto ay napatingin ako sa mga hugasan.
Kumunot ang noo ko. Sa pagkakaalam ko ay hinuhugasan ko ang mga plato bago ako matulog. Ayoko sa lahat ay hinahayaang lumipas ang araw nang may hugasan sa sink. Pero... bakit parang nakalimutan ko yata kagabi?
"Saan ka kumain kagabi?" dinig kong tanong ni Tita.
Napatingin ako sa kanya. "Po?"
Pabagsak na ibinaba niya ang cell phone.
"Where you eat... rice... last night?" Napakapa pa ito bago mahinang tumawa. "English na 'yan ah? Baka 'di mo pa rin maintindihan."
Mas lalo akong naguluhan.
"Hindi ako kumain dito?"
Tinaas niya ang mga kilay niyang guhit lang.
"Hindi ko nga alam na umuwi ka. Hindi ba ang bilin ko ay kapag wala ka pa sa bahay bago mag alas otso ng gabi ay hindi na kita papasukin. Kinandado ko ang pinto, saan ka dumaan? May sikreto ka bang daanan na hindi ko alam?"
Umawang ang bibig ko pero agad din na natikom nang maamoy ko ang niluluto ko. Tumalikod ako at hininaan ang apoy. Humarap ako uli kay Tita na tutok na naman sa cell phone.
Napasandal ako sa lababo at napaisip. Okay. That's strange. Hindi ko matandaan na umuwi ako kagabi. Nagising lang ako kaninang madaling-araw dahil sa isang panaginip na nasaksak daw ako sa likod. Wala sa sariling napahawak naman ako sa likod ko. Wala naman akong nararamdaman na kakaiba.
"Ma!" sabay kaming napalingon sa lalaking naka puting polo shirt, naka-boxer shorts lang ito at halatang natataranta. Here comes the baby boy of Lavoza Family, Eliyah. "Tingnan mo. Kamukhang-kamuha ni Astra!" Pinakita niya ang cell phone kay Tita.
Lumapit din ako para sumilip.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang sarili sa picture na kumakalat sa Facebook, nakahandusay sa sahig at nababalutan ng dugo. Nanlamig ang buo kong katawan. Imposibleng kamukha ko lang 'yon dahil pareho kami ng damit.
Sabay na napatingin sa akin ang mag-ina.
Mahinang tumawa si Tita pero halatang pilit. "A-ano ka ba, Astra. Alam kong may hindi tayo pagkakaintindihan pero huwag mo naman kaming multuhin."
Sa sobrang gulat ay hindi ako nakapagsalita. Hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko kung sakali. Kinilabutan ako sa pagkakataong ito. Posible kayang hindi panaginip ang nangyari kagabi? Pero kung gano'n man, bakit buhay pa ako? Bakit nakauwi ako nang parang walang nangyari?
Napatalon ako sa gulat nang pisilin ni Eliyah ang pisngi ko. "Buhay siya, Ma. Nahahawakan ko."
I flinched my head when he was about to pinch me again.
"H-hindi ako 'yan!" I shook my head. "Patay na 'yan, buhay pa ako."
"Anong hindi?" Si Eliyah na muling tumingin sa cell phone bago lumipat sa akin. Pabalik-balik ang tingin niya. "Teka..." Kumunot ang noo nito bago lumapit sa akin. "Kanino damit ang suot mo?" Hinawakan niya ang damit ko.
Mukhang hihimatayin yata ako nang mapagtantong hindi akin ang suot kong damit. Alam ko lahat ng damit ko, hindi akin ang isang 'to. Mukhang bago pa. Wala naman akong bagong damit. Kanino galing 'to?
"May price tag pa," natatawang puna ni Eliyah. "Ninakaw mo ba 'yan?"
"'Yung niluluto mo, Astra!" Nabalik ako sa huwisyo nang marinig ang umaalingawngaw na tinig ni Tita Ophelia. "Hindi ka multo kaya pwede kitang batukan. Ikaw naman, Eliyah. Mag pantalon ka na para makapag-almusal na."
"Pero kung hindi si Astra—"
"Wala na akong pakialam diyan," putol ni Tita kay Eliyah. "Bakit ba pinoproblema mo 'yan, Eliyah? Andito si Astra. Kung sino man ang babaeng 'yan, mamayapa na lang sana ang kaluluwa niya."
Lutang ako hanggang sa matapos kaming mag-agahan. Pumasok na si Eliyah habang ako ay naiwan para maghugas ng mga plato at para linisin ang kwarto niya. Nasa iisang school lang naman kami pero hindi pa kami kahit kailan nagsabay sa pagpasok. Mas pabor naman sa akin 'yon. Baka i-babysit ko pa siya.
Nang matapos kong linisin ang kwarto ni Eliyah ay umakyat na uli ako sa itaas. Dalawa ang kwarto sa ikalawang palapag pero ako lang ang natutulog doon. Duwag kasi si Eliyah kaya mas gusto niyang matulog kasama Mama niya sa ibaba.
Pumasok ako sa kwarto ko para kumuha ng damit. Kinuha ko rin ang nakasampay na tuwalya. Tatalikod na sana ako nang mapagawi ang tingin sa bintana. Namutla ako nang makitang may bakas ng dugo roon.
Nablangko ang isipan ko nang ilang segundo.
Inalog ko ang ulo ko. Pinunasan ko na lang ang dugo at sinara uli ang bintana. Bumaba na ako para pumunta sa CR. Pinilit kong huwag nang isipin ang mga kababalaghan na nangyayari dahil sumasakit lang ang ulo ko. Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako ng CR.
"Gagi!" Napahawak ako sa dibdib nang sumulpot sa harapan ko si Tita Ophelia.
"Akala ko ay wala ka nang balak lumabas ng CR," aniya bago ako bahagyang tinulak palayo sa pinto ng CR. "Kapag lumabas ka, isarado mo ang gate ah? Baka lumabas si Tati," bilin pa niya na ang tinutukoy ang alaga nilang aso.
Umakyat na ako sa kwarto ko. Natulala ako nang makitang nakabukas ang bintana. Sigurado akong sinarado ko ito kanina pagkatapos kong punasan ang dugo. Gusto kong isipin na gawa lang ito ng hangin pero masyado nang luma ang bintana, kinakalawang na ito at pahirapang buksan. Hindi ito kakayanin ng hangin lang.
"Si Tita Ophelia. Siya ang nagbukas," pangungumbinsi ko sa sarili.
Umupo ako sa harapan ng salamin habang sinusuklayan ang kulay itim kong mahabang buhok. Biniyayaan din ako ng tangkad na sabi ni Mama ay namana ko kay Papa. Ang mga labi kong kulay rosas ay kay Mama ko nakuha. At mga bilog na matang ilang beses pa lang lumuha.
Napasinghap ako nang maramdaman na parang umiinit ang pakiramdam ko. Bigla akong nakaramdam ng panghihina kahit na katatapos lang ng agahan. Tila bumigat din ang katawan ko. Matagal na nung huli akong magkasakit, mukhang mararamdaman ko uli ito.
Napansin kong nakanguso ang labi ko kaya agad ko itong pinalitan ng ngiti. Nabitiwan ko ang suklay nang biglang maglaho ang sarili ko sa salamin. Mabilis na pumikit ako at nagdasal na sana ay namamalik-mata lang ako. Pagkamulat ko ng mga mata ko ay nakikita ko na uli ang sarili sa salamin.
"Gising, Astra. Hindi ito wet dream na hinihiling mo, bangungot 'to," bulong ko sa sarili.
Sinuot ko na ang uniform ko at kinuha na ang bag ko. Hindi na ako nag-abalang tumingin pa sa salamin dahil baka kung ano pa ang makita ko. Sa pagkakataong ito ay sinarado ko uli ang bintana at sinigurado kong nakakandado ito. Ngayon, kapag naabutan ko itong bukas na naman mamaya ay makikisiksik na ako sa kwarto nila Eliyah sa ibaba. Ilang buwan na rin ako dito pero ngayon ko lang naramdaman ito.
Napahawak ako sa railing ng hagdan nang umikot ang paningin ko.
"Astra?" Napatingin ako kay Tita na nasa sala, nakaupo sa sofa habang nakatingin sa akin. "Namumutla ka. Hindi ba maganda pakiramdam mo? Huwag ka na kayang pumasok? Maglinis ka na lang dito."
Huminga ako nang malalim at kinalma ang sarili. Mas lalo akong magkakasakit kung mananatili ako rito. Nagawa kong makababa ng hagdan nang hindi natutumba. Mas tumaas ang init na nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Nanunuyo ang lalamunan ko kaya pumunta muna ako ng kusina para uminom ng tubig.
"Astra..." Nabitiwan ko ang baso nang may marinig na bumulong.
Napangiwi ako nang magkalat ang mga piraso ng basag na baso sa sahig. Nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan. Inikot ko ang tingin sa paligid pero wala namang ibang tao rito kung hindi ako. Pero 'yung tinig... parang napakalapit. Parang nasa loob ng ulo ko?
"Anong nangyari? Anak ng— bawas ng bente sa baon mo 'yan!" ani Tita Ophelia nang makita ang basag na baso. "Ano ba ang nangyayari sa 'yo, Astra? Kanina ay ayos ka pa naman. Ilang buwan ka na rito kaya huwag mong sabihin na naninibago ka pa rin?"
Lumunok ako at aktong yuyuko na para pulutin ang mga piraso ng baso pero pinigilan ako ni Tita. "Wala ka nang magagawa, Astra. Bawas na 'yan sa baon mo. Ako na ang bahala rito. Pumasok ka na."
Masyado akong nanlalambot para sumagot kaya tumango na lang ako. Sinundan niya pa ako ng tingin hanggang sa makalabas ako ng kusina. Naglakad ako sa sakayan ng tricyle at nagpahatid sa Riverside University. Third year college na rin ako sa pinili kong HRM course. Kahit naman gano'n si Tita ay hindi niya ako pinapatigil sa pag-aaral. Ginagawa niya raw ito para kay Mama.
"Astra?!" Natigilan ako sa paglalakad nang may tumawa sa akin. "Buhay ka?" gulat na tanong ni Dahlia, ang nag-iisa kong kaibigan. Hindi naman sa hindi ako palakaibigan, hindi lang talaga ako kaibiganin. Siguro ay dahil minsan... okay, madalas na masungit ako at wala sa mood. Aminado naman ako.
"Kung patay na ako, ba't pa ako mag-aaral?" pagsusungit ko.
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang braso ko. Pinisil-pisil niya pa ito na parang nagdududa na totoo talaga ako. "Pero... sino 'yung kumakalat ngayon sa Facebook?" Kinuha niya ang phone niya at pinakita sa akin. "Ito ang suot mo nung magkita tayo kahapon."
Suminghap ako nang hangin. "H-hindi ko rin alam."
Bigla na namang pumasok sa isipan ko ang mga kababalaghan na nangyari kanina. Hindi kaya ine-engkanto ako? Hindi ako naniniwala sa gano'n pero wala naman akong maisip na ibang dahilan kung bakit ako nagkakaganito.
"You don't look good." Hinaplos niya ang noo ko gamit ang kanyang palad pero mabilis na tinanggal din niya. "Ouch! You are burning like hell. Is that even normal?" Shocked registered on her pale face.
"Exegerrated ka na naman." Pinilit kong tumawa kahit na may bahagi sa 'kin na naniniwala sa sinabi niya. Sa dami ng kababalaghan na nangyari, posibleng totoong nag-aapoy ako sa init ngayon. "Medyo hindi lang maganda pakiramdam ko."
Naramdaman ko na naman ang panunuyo ng lalamunan ko.
Napatingin ako sa sikat ng araw. Pakiramdam ko ay ito ang dahilan kung bakit sobrang nanghihina ako. Umaga pa lang kaya hindi pa ito gaanong tirik pero tila napapaso na ako sa init nito. Dapat pala nag sunblock ako dahil parang masusunog an balat ko.
"Hi girls!" sabay kaming napalingon sa lalaking dumating.
"Oh, Kristan. Buti dumating ka." Humalukipkip si Dahlia at nag-umpisa na namang magtaray. "Pagsabihan mo nga itong si Astra. Nilalagnat na pero pumasok pa rin."
Napatingin sa akin si Kristan. "Hey—"
"Hep!" I cut him out. "You are not my boyfriend."
"Paano kung mamatay ka? Para saan pa ang ilang buwan niyang paghihirap na ligawan ka?" pagsingit na naman ni Dahlia. "Alam mo, Astra? Tigil-tigilan mo nga 'yang pagiging sensitive sa mga tao. Ano? Allergic ka sa humans?"
Napangiwi ako nang maingayan. Tila naririnig ko lahat ng mga boses sa paligid, umaalingawngaw sa utak ko at naririndi ako.
"Punta muna tayong clinic?" suhestyon ni Kristan. Mas lumapit pa ito sa akin. "Kung ayaw mong umuwi, at least makainom ka man lang ng gamot. Tara?"
Tumango na lang ako. Gusto ko ring makainom ng tubig.
Hahawakan na sana niya ang braso ko nang bigla itong tumalsik. Nanlaki ang mga mata ko at sa sobrang gulat ay hindi nakapagsalita. Natigilan din ang mga estudyante at natulala kay Kristan na bumabangon.
"W-what?" Si Dahlia. "The fuck?"
Nang makabawi ay tumakbo ako para lapitan si Kristan.
"Ayos ka lang?" alala kong tanong.
"What just happened?" kunot-noong tanong niya. Pinagpagan nito ang itim na slacks bago bumaling sa 'kin. "Damn. It felt like someone pushed me away when I was about to touch you."
Someone? Bigla kong naalala ang tinig na tumawag sa 'kin kanina.
Nag-ring na ang bell hudyat na mag-uumpisa na ang first subject.
"S-salamat na lang, Kristan. Kailangan na naming pumasok," sabi ko bago nilapitan ang tulala kong kaibigan. "Tara na." Hinawakan ko ang braso niya at hinila na siya papunta sa classroom.
Pagkapasok namin ay nahalata ko agad ang kakaibang tingin ng mga kaklase namin. Hindi ko naman kailangang magtanong dahil dinig na dinig ko ang usapan nila na akala nila ay patay na ako.
"What just happened?" Napatingin ako kay Dahlia na hanggang ngayon ay gulat pa rin. "Weird. Ano ba talaga ang nangyari kagabi, Astra? 'Yung babae sa Facebook, ikaw 'yon, hindi ba?"
"Astra!" Napatingin ako sa isa sa mga kaklase namin. Lumapit ito sa 'kin. "Ikaw 'yung viral ngayon sa Facebook, 'di ba? Tinulungan mo 'yong babaeng ninakawan ng bag. Kaso ikaw ang napuruhan. Ikaw 'yon, hindi ba?"
Naglapitan din sa akin ang iba naming kaklase at sabay-sabay silang nagsalita. Kumuyom ang mga kamao ko nang mag-umpisa na namang umikot ang paningin ko. Mas lalong bumagsak ang pakiramdam ko sa mga sandaling ito.
"Hero ka na, Astra!"
"How did you survive?"
Stop... please.
"Move! May sakit si Astra!" dinig kong sambit ni Dahlia. Malabo na ang paligid, hindi ko na nga alam kung nakamulat pa ba ang mga mata ko o nakapikit na. "I said move! Bingi ba kayo?!"
"Astra..." Narinig ko na naman ang tinig ng lalaki sa isipan ko.
Kinuha ko na ang bag ko at tumayo. Hinawi ko ang mga kaklase ko at tumakbo palabas ng classroom. Nagmadali akong bumaba ang building. Malabo ang paligid kaya marami akong nababanggang estudyante na nakakalat.
"Astra..."
Imbes na sa clinic ay dumiretso ako sa CR. Pumasok ako sa isang cubicle at kinandado ang pinto. Umupo ako sa nakasarang bowl. Wala na ang ingay ng paligid pero hindi bumubuti ang pakiramdam ko.
"Astra..."
"Stop!" I yelled. "Get out off my head!"
I heard a soft chuckle somewhere. It reverberated in my head and it made me feel dizzy even more.
"The more you endure it, the more you will suffer. Welcome to my world, Astralla Martin." the voice said and I was too feeble to even comprehend what's happening.
Alam kong may mali, hindi ito basta sakit lang. It felt like my whole body was dying for something I couldn't offer.
Tumayo ako at lumabas uli ng sink. Halos mangapa na ako dahil sa panlalabo ng paningin.
Something struck my head, and I collapsed on the cold floor. While in the dark, flickers of memories started to flashback. That night while I was heading home. I saw a woman running after a thief. I helped her.
I got stabbed in the back.
Bleeding... I knew no one was capable of saving me that time.
That's when I realized... I really died that night.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro