Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

8

Noah's Point of View.

"Naiintindihan ko, Noah." maikling pahayag niya saakin. Napatingin ako sakanya ngunit imbes na tumingin siya saakin ay nakatingin lang siya sa harapan.

Wait, umiiyak ba siya?

Tatanong ko na sana siya ng bumukas na ang elevator, palabas na sana siya ng pigilan ko siya.

Di ko rin alam bakit ko siya pinigilan. Hindi ba mas okay na masaktan siya para tigilan na niya ako?

"Look at me." Seryosong sabi ko pero hindi parin ako nakatanggap ng sagot mula sakanya.

"Magsasara na yung elevator." Saad niya.

Hinila ko naman siya palabas at dare-daretso kami sa parking lot.

"I said look at me." Pag-uulit ko ngunit hindi parin niya ako tinitignan. Naiinis na ako, ganun ba galit niya saakin ha?

"Hindi ka aalis dito na hindi ka tumitingin saakin. Magmatigasan tayo, Aislinn." Nagulat ako ng bigla siyang tumingin saakin at dare-daretso ang pagtulo ng mga luha niya.

Binawi niya ang braso na hawak hawak ko. Napatahimik ako bigla..

Ganun ba kasakit iyon?

"Nakakainis ka naman eh! Pinipigilan ko nga umiyak kaya hindi ako tumitingin sayo!" Inis na saad niya.

Napakalma ako de oras. Naguilty ako bigla.

"Stop crying..I'm sorry." Paghingi ko ng tawad. I don't know, pero lumalambot yung puso ko kapag umiiyak siya.

"Anong sorry! Di mo naman kailangan maging harsh sakin eh! Ako dapat magsorry kase nagexpect ako, sorry ha kung sobra kita naabala." Saad niya habang umiiyak. "Kasalanan ko to tama ka naman eh. Aalis na ko.." mas lalo ako napatahimik. Magsasalita pa sana ako ng bigla siyang tumakbo.

Napapikit ako. Tama naman na siguro yung sorry ko. It's not my business anymore.

Diba masungit ako? Diba masama ako?

Tumalikod na ako. Wala na sana akong balak habulin siya in the first place.

Gusto mo ba talaga yan, Noah?

Hahayaan mo siyang umiyak ng ganun?

Napatigil ang mga paa ko. Hindi ba dapat maging masaya ako kase nasaktan ko siya?

Asan na yung Noah na walang pakealam kahit umiyak yung babae?

Ibig sabihin non, aayawan na niya ako. Ibig sabihin lang non, susukuan na niya ako, edi maganda.

Napahilamos ako ng mukha. Tangina naman.

"Iba si Aislinn, tandaan mo yan."

Dali-dali akong lumakad palabas ng parking lot. Hinanap ko siya sa magkabilang gilid.

Argh, bakit naalala ko na naman sinabi ni Elton saakin.

Bahala na.

Dali-dali akong tumakbo. Napatigil ako ng makita ko siya nakaupo at umiiyak.

Nainis ako sa mga dumadaan na tinitignan siya na parang ewan. Sinamaan ko sila ng tingin at lumapit sakanya.

"Huwag na huwag kang tatakbo ng basta-basta." Saad ko. Bigla siyang tumigil sa pag-iyak.

Tumingin siya saakin ng saglit at bumalik sa pwesto niya.

Napabuntong-hininga ako. "Come on, tumayo ka na dyan. I can't leave you ng ganyan ka." sincere na sabi ko.

Tumayo siya at pinunasan ang luha niya. "Sana di mo nalang ako hinabol. Nag-abala ka pa-" mabilis ko siyang nahawakan na muntik na siyang matumba. "nanghihina tuhod ko. Aislinn, kaya mo to."

I feel guilty. She don't deserve this treatment from me. But ayoko naman mas masaktan siya.

"Tara, ihahatid na kita." Hinila ko siya pabalik sa parking lot.

----------------

Aislinn's Point of View.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil hinabol niya ako o dahil naawa siya saakin...

Tahimik lang ako sa byahe. Ewan ko pero wala akong gana kiligin o maging hyper ngayon kasama siya.

Parang bigla nawala lahat ng energy ko sa mga sinabi niya saakin.

Naluluha na naman ako. Buti nalang napigilan ko. Hindi ko kayang magalit sakanya kaya mas lalo ako naiinis sa sarili ko.

Kahit anong gawin ko mahal ko parin siya at umaasa parin ako na kaya niya ako mahalin.

Naputol ang katahimikan naming dalawa na mag salita siya.

"Andito na tayo." Tinanggal ko ang seat belt na nakasuoy saakin at binuksan ang pintuan ng kotse niya.

"Salamat sa paghatid saakin." Saad ko ng mahina.

Gusto ko na makawala dito. Ang sikip sa dibdib. Onti nalang baka masabi ko sakanya na mahal na mahal ko siya.

At sa pangalawang beses hinawakan na naman niya braso ko. Pinigilan ko ang pagtulo ng luha ko at mga salita na gustong lumabas sa bibig ko.

Aislinn, pigilan mo ang sarili mo. Pigilan mo ang sarili mo na mas mahulog pa sakanya.

Bakit kailangan pa niya ako pigilan? Para saan pa? Ayoko na magkaroon ng expectation, masakit eh.

Tumingin ako sakanya, nakatingin siya saakin. "Bukas nalang, Noah." Saad ko at dahan-dahan na tinanggal ang kamay niya sa braso ko.

Baka lumuha na naman ako kapag kinausap niya ako. Kaya mas mabuti na to, ayoko na tumitig sa maamo niyang mukha kasi tiyak, matatalo na naman ako.

Akala niyo siguro di naman ganon kasakit yung sinabi niya no? O well, hindi niyo naman nararamdaman eh.
Kase kung ikaw nasa posisyon ko, masasaktan ka rin kase nag-expect ka na meroon yun pala wala naman talaga.

Dare-daretso akong pumasok sa loob. Hindi ako tumingin sakanya, kase alam ko na kapag tumingin ako sakanya, wala na naman. Mamahalin ko na naman siya at gugustuhin.

Imbes na pumunta ako sa unit namin, dumaretso ako sa garden. Umupo ako sa medyong tagong lugar at umiyak ng tahimik.

Tangina Aislinn, ang hina mo. Nakayuko lang ako at hinayaan bumuhos ang luha na patuloy na umaagos.

---------------------FAST FORWARD (AFTER 3 DAYS) -------------

"Hoy Aislinn!" Tumingin ako kay Patricia na nasa harapan ko. Kumunot naman ang noo ko. Ang aga-aga ang lakas ng bunganga.

"Ang istorbo mo. Bakit ba?" Tanong ko.

"Huwag mo ko ginaganyan, ano nangyari sainyo ni Noah? At bat di mo siya pinapansin aber?" Tanong niya saakin.

Umiwas naman ako ng tingin at sa di ko inaasahan na pagkakataon, ang pagiwas ko ng tingin kay Patricia ang paglanding ng mata ko sa grupo ni Noah na nakatingin din saakin. Pucha naman, ganon ba ako kahalata?

Hinila ko siya paupo sa tabi ko. "Masyado bang halata?" Mahina na tanong ko sakanya.

"Myghad besh, tinanong mo pa talaga yan saakin! Oo teh! Halatang halata na. Sino hindi makakahalata e, tatlong araw ka na diyan tahimik at hindi ginugulo si Noah!" Bulyaw niya saakin.

Napabuntong-hininga ako. "Hindi ko na siya gusto." Pagsisinungaling ko. "Nabobored na ko sakanya." Miss ko na siya.

"SERYOSO?!" napatalon ako sa gulat ng bigla siyang sumigaw. Lahat tuloy ng kaklase ko nakatingin saamin, pati na rin si Noah.

"Joke lang yon teh, naniwala ka naman." Saad ko at umirap. Inirapan din niya ako.

"Nagiinarte ka na naman diyan, ikaw? Mawawalan ng feelings sa lalaki na yon? Hoy, babaita tandaan mo ilang beses mo na yan sinabi saakin nagawa mo ba? Hindi!" Siguradong sigurado na sabi ni Patricia saakin, matching ngiti pa.

Well, my point naman siya doon. Pero iba na kasi ngayon. Ngayon, alam ko na wala na akong pag-asa sakanya.

Sakanya na mismong nanggaling.

Hay, Aislinn. Bakit kase siya pa diba?

"Hindi ba...puwedeng napagod lang ako kaya..." Wala sa sarili kong saad.

Napatigil ako, at tumingin sa kaibigan ko.

"Ayoko na?"

-----------------------------------------------------------

Don't forget to Vote, Comment and Follow!!

- Lovelots!!

-Littlegirlost.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro