7
Aislinn's Point of View.
'wake up, Aislinn."
Nakarinig ako ng malalim ngunit hindi masakit sa tenga na boses. Maganda ito para saaking tenga. At kilala ko kung kaninong boses ito.
Walang iba, kundi kay Noah.
Napadilat ako ng dahan-dahan. Sumalubong saakin ang kanyang mga mata na sobrang ganda na nakatingin saakin.
Sa di maipaliwanag na kadahilanan ay bigla huminto ang paligid ko. Nagkatitigan kaming dalawa.
Ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Ang mga mata niya nakakaakit at di nakakasawang pagmasdan.
Pano ako hindi mahuhulog sa katulad mo ha?
Kung mata mo pa lang, nakakahulog na..
"Ehem." Bigla kaming nabalik sa realidad at agad-agad napatingin kung saan nang galing ang boses na yon.
Pareho kami napatigil. Isang magandang babae na maayos manamit. Mukha asa mga 50 pataas na ang edad ngunit maganda ang kutis nito at tila pinangangalagaan niya ang hubog ng katawan niya. Ang sexy, sana ol.
"M-mom, what are you doing here?" Mom? Mas lalo ako napatigil. Si Tita to?! Omyghad, my mother-in-law. Syet, kakagising ko palang naman. Baka may panis pa kong laway omegee!
I woke up like this ang peg ko tae!
Kung kelan di pa ko masyado disente saka ko makikita si Tita. Huhu!!
"Hindi ba dapat ikaw tanungin ko, anak? Kung ano meron dito?" Maaliwalas na ngiti na wari sobrang saya niya sa nakikita niya ngayon. Ganon yung expression ni Tita.
Kinakabahan ako mga sis!! Napatingin ako kay Noah. Ngayon ko lang narealize kung ano ang posisyon namin ngayon.
Nakakulong ako sa dalawang braso niya na nakapatong sa sofa. Like asa pagitan ako nung dalawang braso niya. Tapos nakatayo siya.
Dali-dali niya itong tinanggal. "Don't get the wrong idea, mom." Mabilis na saad niya.
Napatayo ako at dahan-dahan ngumiti. "A-Ahm hello po." Nag-aanlinlangan kong bati sakanya.
"Hello, hija." Bahagya siyang lumapit saakin. "Are you my son's girlfriend?" Tanong niya saakin na nakangiti. Halata ang saya sakanyang mukha.
Sana nga po eh. Sasagot pa lang sana ako ng unahan ako ni Noah. "We're just friends." Tumingin ako sakanya at bahagyang nalungkot.
"We're just friends." ....ang sakit naman nung impact.
"Hindi ikaw kausap ko,,, hija?" Bahagyang tinarayan ni Tita si Noah. At bumaling saakin.
Bumigat ang aking pakiramdam.
Tangina, dama ko yung "friends"
"T-Tama po si Noah, tita. K-kaibigan niya lang ako." Pilit akong ngumiti sakanya.
UMAYOS KA AISLINN!! Hindi ngayon ang panahon na mag drama ka.
Pigilan ang dapat pigilan.
"Really? Ang alam ko wala namang kaibigang babae ang anak ko, so it means—"
"Mom! We're just friends." Paguulit ni Noah. Lumapit siya saakin at bahagyang hinila ako palayo ng onti sa mama niya. "This is Aislinn, Mom." Pagpapakilala niya.
Ngumiti ako. "Hello po tita! Ako po si Aislinn, soon to be your daughter-in-law!!" Masiglang saad ko.
Nanlaki ang mata ni Noah sa sinabi ko. Napatawa naman si tita.
"Joke lang, Noah." Mahinang saad ko sabay peace sign. Pinanlakihan lang niya ako ng mata.
"I like you, Aislinn. My name is Raquel, I'm his mom. You can call me tita." Saad niya. Ambait naman niya.
Imbes na mag shake hands kamo, bigla niya akong niyakap. "I really like your attitude!! Akala ko pa naman jowa ka na ng anak ko. " Excited na saad niya saakin at bahagya hinawakan ang aking kamay.
Bet ako ng mama niya gais. Lam niyo na wihhh.
Ba't pa kailangan ng approval ni Noah, kung sa mama niya okay na. Jowain ko na agad ghorl! Pak!
"Ako din po tita, pangarap—joke lang!" Hihirit sana ako kaso ansama ng titig niya saakin eh.
Di pa nga ako nakakamove-on sa lintek na kaibigan lang eh.
"Diba sabi mo aalis ka na? Come on, ihahatid na kita sa baba." Tumingin ako sakanya. Sumesenyas saakin na makisama nalang ako sakanya.
"Oo nga pala, Tita alis na po ako." Magalang na saad ko sakanya.
"Bakit naman? Mag luluto pa naman ako! Dito ka na mag lunch?" Tanong niya. Pumunta na siya sa kitchen. "Noah anak, kunin mo yang mga paper bag, dalhin mo dito. Magluluto ako. Join us, Aislinn. I know you didn't have proper meal di kase marunong mag luto tong si Noah." Saad ni Tita at nag aayos ng mga ingredients na pinamili niya.
TAENA! Ambait ng mama ni ni Noah kabaliktaran niya. Ngumiti ako sakanya at nag aalinlangan. Napatingin ako kay Noah. Kita ko nagiintay siya ng tamang sagot.
"Ahm...tita" tawag ko sakanya.
"Yes?" Nakangiting saad niya saakin.
"Maybe next time nalang po. May pupuntahan po kase ako and mag lulunch naman po ako don." Magalang na sabi ko. Sumimangot naman si Tita pero ngumiti ulit siya.
"No problem. Patawag mo lang ako kay Noah kapag bumisita ka ulit dito. Noah, ihatid mo na ang jowa mo." pang-aasar ni tita.
Napangiti ako ng pilit.
"Hindi nga sabi eh. Tara na nga!" Yaya ni Noah na medyo badtrip na dahil sa pang-aasar ni tita.
Tumawa lang si tita. Pumunta ako sakanya at nakipag-beso. "I wish na sana ikaw nalang ang jowain ng anak ko. Don't give up okay?"
Napangiti ako. "Syempre naman po hehe.." di ko sure kung totoo ba ang sinabi ko.
Tahimik akong naglalakad sa tabi ni Noah papunta sa elevator. Nang makapasok kami doon, nagsimula siya magsalita.
"Let's clear things up, alam mo naman na wala akong gusto sayo diba? Kaya sumuko ka na habang maaga pa. Hindi porket na pinapapasok kita at hinahayaan kita gawin ang gusto mo ibig sabihin na may pag-asa na maging tayo which is wala." Dare-daretsong saad niya.
Grabe naman yun. Ilang kill na ba? haha.
Syempre naman sino naman ako para mag isip diba? Masyado lang ako siguro na excite na lume-level up na.
Nasaktan ka tuloy sa katotohanan Aislinn..
Ngumiti ako ngunit di ako tumingin sakanya. Nababasa na ang mata ko. Pinipigilan ko lang tumulo ang luha ko.
"Naiintindihan ko, Noah." maikling pahayag ko sakanya.
Bumukas na ang elevator, lalabas na sana ako ng hilain niya ang braso ko.
Buti nalang at napigilan ko ang pagtingin sakanya. "Look at me." Saad niya. Ngunit hindi ako tumitingin sakanya.
"Magsasara na yung elevator." Saad ko. Hinila naman niya ako palabas at dare-daretso kami sa parking lot.
"I said look at me." Pag-uuliy niya pero hindi parin ako tumitingin sakanya.
Maiiyak kase ako. Ang sakit ng mga sinabi niya.
Nagexpect ako, sobra to the point na akala ko magiging okay na. Pero yun pala nagexpect lang pala ako sa wala.
"Hindi ka aalis dito na hindi ka tumitingin saakin. Magmatigasan tayo, Aislinn." Tumingin na ko sakanya. At tumulo ang mga luha ko.
Tinanggal ko ang braso ko sa pagkakahawak niya at pinunasan ang patuloy na pag-agos ng luha ko.
Napatahimik siya. "Nakakainis ka naman eh! Pinipigilan ko nga umiyak kaya hindi ako tumitingin sayo!" Inis na saad ko.
Pesteng luha to, di tumigil. "Stop crying..I'm sorry." Mahina ngunit ramdam ko ang sincere na sorry niya.
"Anong sorry! Di mo naman kailangan maging harsh sakin eh! Ako dapat magsorry kase nagexpect ako, sorry ha kung sobra kita naabala." Saad ko. "Kasalanan ko to tama ka naman eh. Aalis na ko.." saad ko pa at pinunasan ang luha ko.
Tumalikod na ako at tumakbo para makaalis na don.
Sumasakit dibdib ko. Naiinis ako sa sarili ko kase kahit nasasaktan ako, gusto ko pa din siya. Tanginang puso to.
Napa-upo ako bigla. Napaiyak nalang ako sa sarili ko. Nakakahinayang ka, Aislinn.
Sabi na kasi wag magexpect, ayan ka tuloy nasasaktan.
Masyado ako nakampante. Oo, tama naman eh. In the first place, ako tong mapilit.
Alam na nga hindi ako gusto eh. Pinagsisiksikan ko pa sarili ko. Hanggang kelan ba ko magiging ganto, kapag ba ipinamuka pa saakin ni Noah na di niya ko kaya mahalin?
May mali ba saakin?
Hindi ba ko kamahal-mahal?
O sadyang maling tao ang pinili kong mahalin?
Kahit naman maling tao siya, sakanya parin ako tinamaan wala rin.
Mas lalo ako napaiyak. Ang sakit ng nga salita niya. Tumatagos saakin.
Aislinn, apaka hina mo! Ilang taon ka na niya nasasabihan ng ganon, pero ngayon ka lang gaganyan?
Masisi niyo ba ako kung ngayon ko ramdam yung sakit? Kase di naman na gusto ang nararamdaman ko sakanya eh.
Mahal ko na...
..pero hindi ako kaya mahalin pabalik.
Apaka galing.
"Huwag na huwag ka na ulit tatakbo ng basta-basta."
Napatigil ako, sinundan niya ako?
--------
Vote, Comment, and Follow!!
Lovelots! - Littlegirlost
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro