6
HIIII!! WELCOME BACK SAAKIN!! ANDITO NA NAMAN AKOOO HEHE.
ENJOY READING! MWUAH!!
Aislinn's Point of View.
Lumaki ang ngiti ko. Yung tipong banat na banat na yung balat ko sa mukha dahil sa laki ng ngiti ko.
Pinapasok niya ako yehey!
"Noah, buksan ko na ba?" Saad ko at pumunta sa kusina niya para kumuha ng platito at tinidor.
"Para saan ba punta mo dito? Malamang bubuksan mo yan tsk. Bilisan mo para makaalis ka na agad." Masungit na saad niya at binangga niya ako ng mahina.
"Attitude mo!" Saad ko sakanya. Pero imbes na sagutin ako dare-daretso lang siya sa sala.
Matapos kong maghiwa ng slice ng cake, pumunta na rin ako sa sala niya at inilapag iyon sa maliit na table sa harap.
Umupo ako sa tabi niya, di naman talagang tabi sakanya. Merong space samin dalawa. Kala ko nga magagalit siya eh pero kinuha lang niya yung cake at tahimik na kumain.
Tahimik lang kaming kumakain ng cake. Ramdam na ramdam ko yung aura niya rito. Bad mood paren.
"Noah?" Mahinang saad ko.
Hindi niya ako sinagot at nagpatuloy sa panonood ng tv. "Noah?" Ngayon nilakasan ko na ng onti pero di parin ako naririnig.
Pogi nga, ang bingi naman.
Kumuha ako ng maraming hangin. Ibinuka ko na yung bibig ko para pasigaw na tawagin siya.
1
2
3...
"Subukan mo sumigaw, aalis ka ngayon dito." Napatakip ako ng bibig ko. Muntik na. Putek kasi siya eh!
"Naririnig mo naman pala ako eh!" Inis na saad ko. "Pero di ka nagsasalita dyan."
"Not now okay? Wala akong sa mood makipag away sa baliw na kagaya mo. So shut up for now." Saad niya habang nanood parin.
Sana ako nalang yung tv.
"Sagutin mo muna tanong ko."
"Ano."
"Bakit ka ba bad mood kanina sa mga kaibigan mo?" Tanong ko at kumain ulit ng cake. Sarap.
"Dahil sayo." Napakunot ako. Ang hina naman, hangin lang ata yung lumabas sa bibig niya.
"Ha?" Tanong ko.
"Hakdog." Napairap ako de oras.
"Tsk. Epal mo" saad ko. "Bakit nga kaseeee" pangungulit ko.
Binigyan niya ako ng isa-pang-tanong-aalis-ka-na-look.
"Sabi ko nga." Saad ko at nilagyan ang bibig ko ng cake para tumigil kakatanong sakanya.
Ayokong umalis pa dito, minsan nalang 'to e. Lulubusin ko na.
----------------------
Noah's Point of View.
Buti naman nanahimik na si Aislinn. Nanood lang ako ng movie sa tv ko at kumakain ng cake na bigay niya.
Don't get me wrong, my mom said bawal tanggihan ang pagkain. Kaya I let her in.
Nice excuse, Noah.
I closed my eyes to clear my thoughts. Ano ba kasi meron dito sa babaeng eto? At nakakaramdam ako ng kung ano.
I better not think about it anymore. All I know, I don't have feelings for her.
I was lost in my thoughts when my phone suddenly vibrated. Kinuha ko ito at tinignan ang nag notif saakin.
Mga Poging Nilalang (group chat)
Dustin: Oy Noah! Nakita namin yon! Pakyu, wala raw gusto pero pinapasok mo ulol men!
Clark: oo nga! Pakyu ka, Noah. Ano meron sainyo ni Aislinn?
Dustin:Kayo na bang dalawa?
Clark: Mukha namang sila na eh. Hindi pa ba @Noah
Nang mention pa nga si gago.
Shut the fuck up. There's nothing between us, so STOP ASSUMING dumbass.
Seen by Dustin, Clark, Elvin
Clark: Ulol!
Dustin: Huwag mo kaming pinagloloko!
Elvin: Wala namang masama kung aamin ka saamin eh HAHAHA.
Aba, sumali pa tong si Elvin. Akala ko pa naman maasahan ko siya ngayon.
Dustin: oo tama, kung hindi pa kayo. Ano kayo?
Clark: Malamang tao, pre. Bobo ka?
Dustin: Tanga, wala sakin yung topic okay? Balik tayo kay Noah oy!
Elvin: do you like Aislinn?
Dustin: or are you already inlove with her?
Napatahimik ako sa tanong ng mga kaibigan ko. Do I like her or
I'm already inlove with her?
I shook my head. Hindi maari, muli ako tumingin sa phone ko at kita ko na nag iintay sila ng sagot ko.
Bakit ba kasi nangyayari saakin to? Kung hindi ko siguro binalik yung bracelet niya, tahimik pa buhay ko but i didn't regret giving it back to her.
Fuck! Noah, get back to your senses!! Nagsimula na akong magtype.
No, wala akong nararamdaman sakanya sa totoo lang. Tigilan niyo na pagsasabi na gusto ko siya. You know that love is not for me. This will be the last time I'm gonna clear this all out,
Seen by Dustin,Clark,Elvin
I will never like her nor love her.
Pagkatapos kong isend iyon, nilapag ko na ang cellphone ko. Tumingin ako sa tv at tapos na ang movie na pinanood ko. Sadyang mabilis lang ba talaga yung movie or matagal lang ako nag-isip at nakipag-away sa mga kaibigan ko ng dahil sa babaeng yon.
Speaking of Aislinn, wala ba siyang balak umalis rito? This is the last time na papasukin ko siya dito sa condo ko. I really have to clear things out with her, kung hindi mas lalo pang gugulo ang buhay ko.
"Wala ka bang balak umalis—" napatigil ako ng bigla siyang sumandal saakin. Napakunot ang noo ko at dapat tatanggalin ko ng makita ko siyang natutulog.
Bigla ko naalala sinabi ni Elvin saakin.
"Pre, Aislinn is different. Kaibigan mo ko Noah, hindi mo ko maloloko. I know you already have feelings since the day you met her..."
Nahulog na ba talaga ako?
Gusto ko na ba talaga siya?
O mahal ko na siya?
Ayoko lang siguro aminin sa sarili ko?
I can't. I can't love her, ayoko masaktan siya sa kagaya ko.
I promise that I will never fall inlove and I can't broke it. I really can't.
Gumising ka Noah, nadadala ka lang ng emosyon mo.
Attachment lang ito.
-----------------
HI GAIS!!
Grabe mga nangyayari ngayon :((
Kamusta na kayoo? Sorry if sobrang busy ko kase graduating na ako. Kaso dahil sa covid-19 di pa namin alam kung gragraduate pa ba kami. Wihhh, talon :((
Stay safeee sainyooo!! Always wear mask and lagi kayo maghuhugas ng kamay ang mag aalcohol. If di naman kailangan lumabas, wag na po kayong lumabas.
Mas maganda na mas nagiingat po tayo ngayon, lalo na padami ng padami ang nagkakaroon nito, mahirap na. Mas okay na asa bahay tayo, kahit bored tayo hehe. Uminom din kayo ng vitamins and kumain ng masustansiyang pagkainn hihi. Sana ol kumakain ng gulay :(( sorry na po don.
Ayun langgg!! Stay safe sainyooong lahatt!!!
-Lovelots!
-Littlegirlost
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro