Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

5

Elvin's Point of View.

"Are you damn serious, man?" di makapaniwalang tanong ni Dustin.

"Nice joke, tol." Pagbibiro ko. Babae? Imposible.

"Ikaw? Magdadala ng babae dito? Ulol." Saad ni Clark sabay taas ng gitnang daliri niya.

Kumunot ang noo niya. "It's not like dinala ko siya dito. Siya yung sumunod saakin at nagpumilit pumasok." Nagkatinginan kaming tatlo at sabay-sabay tumingin ulit sakanya.

"Tapos?" Dustin.

"I let her be. Matigas ulo non eh." saad ni Noah, kita namin sakanya na walang bahid na inis doon. Nagkatinginan kaming tatlo.

Ah, tsk. Kilala na namin. Napangiti ako ng dahil doon.

"Si Azariah yan noh?"

"Si Aislinn!"

"Si Aislinn Azariah?!" Sabay-sabay namin tanong sakanya.

Mas lalo kumunot ang noo niya. "Tsk, yeah." Saad niya.

Napangiti kaming tatlo at sabay sabay na.

"AYIEEEEE!!"

"Nakupu! sabi na gusto mo yon ehhh yieeee!" Dustin.

"Sa wakas, binata na siya!" Clark.

Syempre, hindi ako magpapatalo. "Lord, salamat po at ginawa niyo na tunay na lalaki si Noah! Amen" sabay praying position. Hahaha

Sarap asarin ni Noah.

"AMEN" sabi naming tatlo.

"Fuck you." inis na saad niya saaming tatlo. "Umalis na kayo dito, ang aga aga mga gago kayo." Inis na saad niya saamin.

Nagtawanan kami. Aasarin pa namin sana siya na makita namin na nakakunot ang noo niya habang hawak ang phone niya.

Tumingin naman sakin si Dustin, ngumiti siya na nakakaloko at dahan-dahan na pumunta sa likod ni Noah.

Sobrang nakafocus si Noah doon sa kausap niya sa phone na di niya namalayan na natitignan at nababasa na ni gago.

Tumingin saamin si Dustin.

"Si AislinnHINALIKAN KA NIYA?!" Sigaw ni Dustin.

"FUCK OFF! OH SHIT." nabitawan niya yung phone niya sa gulat pero dali-dali naman niya iyon nasalo.

Oh oh.

"GAGO TOL, seryoso?" Saad ni Clark.

Nanatili lang akong tahimik at pinagmamasdan yung nangyayari. Halata na nagpipigil lang si Noah.

Tumayo siya at pumunta sa pintuan. Binuksan niya yon. "Get out." Mahinahon pero halata sa boses niya na naiinis na siya.

Tumayo na ako at dumaretso sa pintuan. Tinap ko siya. "Una na ko, tol."

Tinignan lang niya ako, napatawa ako ng mahina, hindi ata maganda ngayon mas asarin siya.

Isa lang ang alam ko. Natamaan na ang kaibigan ko.

"Joke lang tol, huwag mo na kaming paalisin." Rinig kong saad ni Dustin.

"Am I joke to you? You know I hate someone who read my private messages. Shut up, I'm fucking pissed right now. Get out of my face and house, never comeback here again."

*BLAG*

"Taena mo bro, biruan lang yon. Di ka mabiro! ulol inlove ka lang kay Aislinn!" Sigaw ni Dustin.

Napakamot ako sa ulo at dali-dali hinila sa damit si Dustin. Ang ingay eh. Baka ipapulis pa kami dito.

"Pfftt, mukha atang bawal na tayo tumambay sa bahay ni Noah ah. Gago ka Dustin!" Tawang tawa na sabi ni Clark.

Napatawa nalang rin ako. Mukha nga di na kami makakapunta ngayong week dito.

"Oh! Aislinn, what are you doing here?" Napatigil kami ni Dustin sa paghaharutan ng makita namin si Aislinn na papasok sa entrance.

O_O ----> kaming apat.

Parang kaming statwa na di alam sino unang gagalaw. Biglang napakamot sa ulo si Aislinn.

Ngumiti siya saamin. "Hehe, bibisitahin ko sana si N-Noah.." awkward na sabi niya.

Napatingin ako sa hawak niya. May dala siyang cake. "Chocolate Cake?" Tanong ko.

Tumingin naman siya doon sa hawak niya. Tumango siya at ngumiti.

Ngiting inlove. "Oo! Gusto kasi ni Noah nito diba?" Excited na tanong niya.

"Yup! Tara, hatid ka namin sakanya!" Dustin. Inakbayan niya si Aislinn.

"Oy teka lang." Hinila ko siya sa tenga. "Baka gusto mong mamatay doon?" Saad ko.

"B-bakit? Serial killer ba si Noah?!" Nagpapanic na saad ni Aislinn. "Pero kung ganon...mahal ko parin siya hehe." Nakakabilib pagmamahal niya.

"Hindi ganon haha, nabwisit kase saminn si Noah." Clark.

Tumango-tango siya. Ngumiti ulit siya saamin. "Ganon ba? Baka di niya ko papasukin kung badtrip yon." Nanghinayang yung itsura niya.

"Hindi ganon si Noah." Saad ko. "Papasukin ka non. May alas ka eh." Tinuro ko yung cake.

Nabuhayan naman ang kanyang mukha. Tumango siya saakin. Napangiti ako.

"Sige na! Salamat sainyo hehe. Pupuntahan ko na siya. Kita nalang tayo mamaya." Dali-dali siyang tumakbo papunta elevator.

Kumaway muna siya bago sumakay ng tuluyan.

"Ang swerte ni Noah." Clark.

"Antagal na rin kayang sinusuyo ni Aislinn si Noah." Dustin.

"Di naman manhid si Noah, sigurado ako alam niya ginagawa niya. Hayaan na natin sila. Tara na." Pag-yaya ko.

"Teka lang Elvin!" Dustin. "Tignan natin kung papasukin ni Noah si Aislinn!"

Nagtinginan kami ni Clark.

And ang ending. Ayon andito kami. "Puta ka Dustin, nakakapagod umakyat." Umakyat kami sa hagdanan kesa mag elevator.

And 30th floor condo unit ni Noah. Hinayupak na Dustin to.

"Shhh." Tumakbo kami para mas maunahan namin si Aislinn. Kaya eto.

"Noah!" Pinindot ni Aislinn yung doorbell.

"Hala ka! Binuksan ni Noah." Saad ni Clark.

Mula rito kita namin ang pagbukas ng pinto ni Noah. Lumabas roon si Noah. Kita parin sakanya yung bahid ng inis.

"I'm not in the mood. Go away." Rinig kong saad ni Noah. Ang cold parin ng boses niya kay Aislinn. Hays.

"Hehe alam ko. Nakasalubong ko sina Elvin sa baba eh. Sila naman nang inis sayo eh." Aislinn.

"And? What are you doing here?"  Masungit na saad ni Noah.

Ngumiti ng malapad si Aislinn. "Eto oh! Pasalubong ko sayo. Walking distance lang kase yung coffee shop ni Patricia sa unit mo kaya naisipan ko dalhan ka ng paborito mong cake." Aislinn.

"I'm not interested." Sinarado ni Noah yung pintuan.

Babae pagsasarahan niya? Gago ba siya. Lalakad na sana ako papalapit ng hinila ako ni Clark. "Ang usapan titingin lang, hindi mangengealam."

"Kala ko ba di ka interesado?" napatago ako bigla. Binuksan ulit ni Noah yung pintuan. Ang pagkakaiba, ngayon mas malaki na ang pagbukas nito.

"Ano pang tinatayo mo dyan? Baka magbago isip ko— what the?!" Napangiti ako. Niyakap ni Aislinn si Noah.

"Tara na." Hinala ako bigla ni Dustin.

"Anlabo niyo kanina gusto niyo mapanood ngayon ayaw niyo na." Mahinang saad ni Clark.

Pero hinila ako ni Dustin pababa. Ngumiti ako. "Bro, im fine."

"Madami ng kutsilyong nakatusok dyan sa puso mo. Stop acting like it didn't hurt. Huwag kang martyr."

---------------------
Don't forget to Vote, Comment and Follow!!

-Lovelots!

-Littlegirlost

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro