2
~~~Aislinn's Point of View.~~~
"Sa wakas na tapos nadin ako!" saad ko. Humilata ako sa sofa ni Noah. Aksidente na nasinghot ko yung amoy ng sofa.
*Sniff*Sniff*
'Ang bango.' Bakit kaya ambango nang sofa niya?! Ang madumi lang habang naglilinis ay yung sahig at yung kitchen.
Tas nung tinignan ko yung sofa, malinis siya. As in, siguro lagi siya nakatambay dito at ayaw niya na dudumihan yung sofa.
Saka anene ba! INUPUAN NIYA TO?! Uso kaya sakanya umutot? O pati yung utot niya mabango? iieeeee. Sana maamoy ko. Kahit yun lang, charot.
"Andito ka pa din?!" Bigla ako napatingin sa sumigaw. Ayan na naman yung sigaw niya.
Tumingin ako sa gawi niya at handa na makipag-away.
O_O
*DUG*DUG*DUG*
Si Noah......
BAGONG LIGO?!
Pakshet!!!!! Ang bango niya!!! ::>_<:: As in!!! Abot dito yung amoy!!! Myghad.
"Sabi ko sayo di ako makakauwi nang ganto yung damit." saad ko.
"Tsk." Umalis siya. Okay lang naman kung dito ako matulog.
"Huk!" May binato siya saakin.
-Sniff-Sniff-
KAAMOY NIYA TO! Napatingin ako sa binato niya isang black na long sleeves.
Umupo siya doon sa single sofa. "Kababae mong tao pero ganyan ka umasta sa bahay na hindi sayo. Unbelievable." sarcastic sa sabi niya saakin.
"Ikaw kaya maglinis ng napakaduming unit ah? Sino hindi mapapagod." Dahilan ko pero deep inside, masaya ako hehe.
"In the first place, who order you to clean?" balik niya. Sungit amp.
Umupo ako ng maayos. "Sarili ko." saad ko.
"Tsk." saad niya. "You can change in my room." sabi niya. Kaya dali-dali ako pumunta sa kwarto niya.
Ang linis ng kwarto niya. Wait lang bakit ang dumi ng labas pero malinis naman ito?! Gago ata yun.
Di ako makapaniwala na andito ako sa loob ng kwarto ni Noah?!
Napaupo ako sa kama. Ang lambot. Inamoy ko yung unan. Amoy Noah!!
Naimagine ko kapag natutulog siya. KYAHHH!!!!! Napagulong ako sa kilig! Nakarinig ako ng katok.
"Oy babae, bilisan mo nga dyan."
"Oo na!" sigaw ko. Tsk. Panira ng moment ah.
Nagbihis na ako. Naka long sleeves at palda na ako ngayon. O well, sarap ipagsigawan sa mga hipong babae na umaaligid kay Noah ko, na nasuot ko damit niya eh!
Lumabas na ako, nakita ko naman siya sa sala nanood. Tinignan niya ako ng sandali. Sungit! "May paper bag ka?" tanong ko.
"Ewan." tsk. Naghanap ako ng sa mga cabinet. "Ba't andyan ka!" napatingin ako ng bigla siya sumigaw.
"Naghahanap ng paper bag." tipid na sabi ko.
"Nakita nanood e. Nakakainis. Kaya ayoko magpapasok ng babae dito e!" reklamo niya.
"Edi wow." Sagot ko at dinilaan siya ng mahanap ko na. Umupo ako sa sofa kung saan siya nakaupo.
Inilagay ko doon yung damit ko at sumandal. Di ko napigilan na tumingin sakanya.
Ang pogi niya lalo kapag seryoso. Kinikilig ako!
"Don't stare at me." sabi niya kaya napiwas ako. "Hanggang anong oras mo balak may stay sa condo ko." Tanong niya.
"Habang buhay." Sagot ko. Hala! Yung paborito kong palabas ay pinanood niya. Is this destiny?
"What?!" Di makapaniwalang sabi niya. "Umalis ka na nga!" taboy niya. Tumingin naman ako sakanya. Nakatingin siya saakin.
"Hindi porket pogi ka madadaan mo ko sa ganyan. Aalis din ako huwag ka mag-aalala. Wait ka lang, di pa ko tapos tignan ka." sabi ko at tinignan siya. Anlandi ko pota.
Napapikit siya. "Bwisit."
"May sinasabi ka?" tanong ko.
"Tsk." Tumingin ulit siya sa tv.
"Uy Noah, may tanong ako." sabi ko habang nanood. Nag indian sit pa ako. Kumuha din ako ng unan at inilagay sa lap ko.
"Siguraduhin mo na may kwenta iyang sasabihin mo." masungit na sabi niya saakin. Napa kasungit ba, nakapayong ata siya nung nagpa-ulan ang Diyos ng kabaitan. Buti pa ko salat na salat ko yun. AHAHAHA.
"Bakit hinayaan mo na ko na makausap ka at pinapasok mo pa ko sa condo mo?" tanong ko habang nakatingin sakanya. Bigla naman nag slow motion yung pagtingin niya. ^////^ Nakakamula kainis.
"Eh baliw ka e, wala na ko magagawa." tipid na sabi niya. "Pero di ibig sabihin na kinausap kita at pinapasok na kita dito close na tayo..." bigla siyang lumapit saakin.
Sobrang lapit niya kaya napaatras ako. Nu ba kayo! May hiya padin ako noh! Yung puso ko nag wawala na naman!! ARGH Konting-konti nalang at hulog na hulog na ko sakanya!!
Ramdam na ramdam ko yung paghinga niya...tas naduduling na ata ako dahil yung mga mata niya nakatingin mismo sa mata ko.
"Wala akong kaibigan na baliw!" napapikit ako ng sumigaw siya sa mukha ko! AS IN SA MUKHA! Di niya ba alam na baka mapasa saakin yung germs na nasa bibig niya? Tanga amput. Pero ayos lang ^_^ Choosy pa ba ko? E si NOAH kaya to. Okay lang na mapasahan niya ko ng germs atleast sakanya naman galing e. HEHE.
"Sabi ko nga." saad ko. Umalis na siya sa pagkakalapit saakin. Sayang~~~ Hahalikan ko pa sana siya ^_^ madami pa naman time dun hahaha.
Tumayo na ako. Tinignan naman niya ko. "Aalis ka na?" tanong niya. Tumango naman ako at kinuha na ang aking bag.
Sinuot ko na din ang sapatos ko. Humarang ako sa harap yan. Sayang, kung puwede lang ako magstay habang buhay dito gagawin ko na.
"Oy, alis malaking harang ka." Ako? MALAKING HARANG?
"Oy! Sexy kaya ako!" sabay pose. Diet nga ako ngayon e. Binigyan niya ko ng wala-akong-pake-look. T_T sabi ko nga la siyang pake e! "Peram cellphone." sabay lahad ng kamay ko.
Kumunot ang noo niya. "Ayoko." sabi na e, di niya basta-basta ibibigay.
"Woah!" hinawi ba naman niya ako ang ending ayun napaupo ako sa sofa ulit. Edi siya na malakas! Sabi sainyo e sexy ako e WAHAHAH.
Balak ko sana kunin yung number niya, kaso ayaw niya ibigay. Di naman ako puwede sumuko agad. Dito na ko oh! Syempre lubusin na.
Pero dahil pagod na ako makipag-away sa future boyfie ko, sa susunod ko nalang kukunin.
Tumayo na ulit ako. "Aalis na ko." Nakangiting paalam ko sakanya. Pero imbes na pansinin ako nakatuon lang siya sa tv.
Pinanliitan ko siya ng mata. "Wala man lang bang bye dyan?" Tanong ko pero imbes na sagutin ako inilipat lang niya sa ibang channel yung tv.
Ano kaya puwede kong gawin para saakin siya tumingin? Yung tipo di niya makakalimutan ako ngayong gabi?
Inilagay ko saaking baba ang kamay ko at nag-isip.
Isip Aislinn...
Isip...
*TING*
Aha! ALAM KO NA.
Nakangiti akong yumuko, kasing pantay ng pisngi niya. "Dahil nagsusungit ka dyan, at ayaw mo man lang ako pansinin, eto nalang." Kumunot naman ang noo niya.
*Tsup.* Dali dali akong tumayo at tumakbo papunta sa may pintuan palabas.
Tumingin siya saakin at napahawak sa pisngi niya. Kinindatan ko lang siya.
"Goodbye crushieee! Hihi." Saad ko.
Hindi ko na hinintay siya makapagsalita. Sinarado ko ang pintuan niya.
Napahawak ako sa dalawang pisngi ko na ngayon namumula.
"Taena Aislinn, nagawa mo yon." Di makapaniwalang sabi ko sa sarili ko.
Nagflashback bigla yung ginawa ko. "KYAHHHHH!!!" napasigaw ako sa kilig. "NAGAWA KO NA SA WAKAS!" saad ko at naglakad habang sumasayaw.
Wala akong pakealam kahit na weirduhan na yung mga tao saakin. Basta ako masaya, kasi nanakawan ko si Noah ng halik. OMYGHAD.
------------
Hello guys!!
Kamusta naman ang dalawang chapters? Nagustuhan niyo ba? If kung gusto niyo siya ipagpatuloy magcomment and magvote po kayo!!
Salamat! Love lots! -Littlegirlost.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro