Chapter 33
Sunny blinked slowly, her vision adjusting to the harsh, fluorescent lights.
Unti-unting luminaw ang paningin niya at ang una niyang nakita ay ang puting kisame.
Isang kaluskos sa kaniyang tabi ang umagaw ng atensyon niya.
"Ma," paos na tawag niya sa babaeng nakaupo sa may gilid niya na nagbabalat ng mansanas.
Nakatayo malapit sa kanila ang kaniyang ama na napabalikwas nang magsalita siya, ang mukha nito puno ng pag-aalala.
"Gising ka na, anak," malamyos na sambit ng kaniyang ina habang mahigpit na hawak ang kamay niya.
"Anong nararamdaman mo? May masakit ba?" puno ng senseridad na tanong ng papa niya.
Sunny cleared her throat. "Ayos lang po ako."
Kahit na naghihina pa, sinubukan niyang umupo. Inalalayan naman siya ng mga magulang.
"Ano pong nangyari?"
Nagsalubong ang tingin ng kaniyang mga magulang, puno ng pag-aalala.
"Nasangkot ka sa isang aksidente," putol ng papa niya sa katahimikan.
Sunny’s mind raced, trying to piece together the fragments of memory. She remembered being with her friends, laughing, carefree. But then…
Gumapang ang kaba sa dibdib niya. "Nasaan sila?"
"Ayos lang sila. Pero isa sa mga kaibigan mo," nag-aalangang sagot ng kaniyang ina. "iniligtas ka."
Si Kairos...
Si Kairos ang huling nakita niya bago siya nawalan ng malay. Tumakbo ito palapit sa kaniya.
"Anong nangyari kay Kairos?" kumakabog ang pusong tanong niya sa mga ito.
Lumungkot ang ekspresyon ng mga magulang niya. 'Di alam ng mga ito kung pa'no siya sasagutin.
A surge of adrenaline coursed through Sunny’s veins. Ignoring her weakness, she swung her legs over the bed and stood up, her parents rushing to steady her.
Hindi siya kayang pigilan ng mga ito na puntahan si Kairos kahit na nahihirapan at nanghihina pa siya.
Kailangan niyang makita si Kairos. Kailangan niyang malaman ang kalagayan nito.
Nagpatianod na lamang ang mga magulang niya sa kaniya. Iginiya siya ng mga ito patungong ICU.
Napakatahimik ng hallway roon. Tanging ang matinis na tunog ng mga makina ang maririnig at ang paghikbi ng isang babae.
Bumaling ang tingin ni Sunny sa unahan niya. Nakita niya roon ang mga kaibigan niya. Nakatayo sina Elias at Sean habang malayo ang mga titig. Si Coffee naman ay nakaupo, hinahaplos ang likod ng isang may ka-edaran ng babae. Ito ang naririnig niyang umiiyak.
As she approached, their eyes met hers. Her mind slowly understanding the situation.
Pinilit niyang maglakad papalapit sa malaking bintana at tanawin ang lalaking nakahiga. Maraming tubo at wires na nakakabit rito.
It is Kairos. His face, usually so full of life, was pale and still.
Tears welled up in Sunny’s eyes. "Sorry," she whispered, her voice barely audible.
Kasalanan ko 'to.
Nanghina nag mga tuhod niya, ang pag-iyak niya ay umalingawngaw sa buong lugar. Dali-dali siyang nilapitan ng mga kaibigan para pakalmahin pero hindi niya magawang tumigil sa paghikbi.
Mahigpit siyang niyakap ni Coffee habang paulit-ulit na hinahaplos ang likod niya. "Tahan na. Tahan na, Sunny."
Marahan siyang itinayo nila Elias at Sean at iginiya paupo sa tabi ng babae.
"Kagigising mo lang at malamig ang sahig," sabi ni Sean habang hinuhubad ang suot na sapatos kapagkuwan ay isinuot sa kaniya.
Samantalang walang imik na inilagay naman ni Elias ang jacket nito sa likod niya.
Tahimik niya lang na tinanggap ang mga ito, walang lakas na magpasalamat. Binalingan niya ang katabi nang marahan nitong pinatong ang kamay sa kamay niya.
Doon niya lang napagtanto kung sino ito. Ang pamilyar na maamo nitong mukha, ang pag-aalala nito para kay Kairos...
Sunny suddenly knelt before the woman, her heart heavy with guilt. "Sorry po," she pleaded, her voice barely a whisper. "Sorry po. Kasalanan ko po 'tong lahat. Kung hindi lang po sana ako naging pabaya, hindi po sana mangyayari 'to kay Kairos."
Paulit-ulit ang paghingi niya ng tawad sa ina ni Kairos. Hindi niya alam kung pa'no pagagaanin ang loob nito. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang sabihin.
Ang mga kaibigan at magulang niya sa tabi ay maluha-luha siyang tinintingnan habang nagsusumamo sa nanay ni Kairos.
"'Wag mong sisihin ang sarili mo," malamyos na sambit nito.
Umangat ang tingin niya sa babae na ngayon ay medyo umaliwalas na ang mukha. Bahid pa rin ang pamumula ng mata nito pero tumigil na ito sa pag-iyak.
Hinawakan nito ang magkabila niyang balikat saka iginiya patabi sa kaniya. Bumaba ang kamay nito hanggang sa tumigil sa kaniyang mga palad kapagkuwan ay marahan itong pinisil.
"Ikaw si Sunny, hindi ba?"
Mahina siyang tumango bilang sagot.
Gumuhit ang isang ngiti sa labi nito na ipinagtaka niya. "Iniligtas ka ng anak ko gaya ng pagligtas mo sa kaniya. Ibig sabihin no'n ay mahalaga ka sa kaniya. Kung mayroon mang dapat na humingi ng tawad rito, ako dapat iyon."
Nagsalubong ang dalawang kilay niya. "Po?"
"Iniwan ko siya," puno ng hinanakit na sagot nito. "Lumaki siyang wala ako sa tabi niya. Ang masaklap pa ay hindi ko man lang alam na inaabuso na pala siya ng tatay niya. Dapat ay nasa tabi niya ako, ngunit umalis ako."
Natigilan ito, ang mga mata ay bumaling kay Kairos. "Pero nandyan ka. Ikaw at ang mga kaibigan mo. Binigyan mo siya ng pamilya, ng dahilan para mabuhay."
Bumalik ang tingin nito sa kaniya. "Alam mo ba na sa tuwing ikinukwento ka sa akin ng anak ko, puno ng saya ang mukha niya. Ang dating walang buhay na mga mata nito ay napalitan na ng tuwa. Kaya't salamat."
Isa-isa nitong tiningnan sina Coffee, Elias, at Sean. "Salamat sa inyo."
Muling bumuhos ang mga luha sa mga mata niya.
"Magiging maayos din ang lahat. Naniniwala akong magigising rin si Kairos," pangungumbinsi nito sa kanila.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro