Chapter 28
Sunny was rooted on her place. Time seems to slow down as she hears Kairos strumming a familiar tune on the guitar.
Alam niya ang kantang 'yon dahil nakaukit na sa puso niya ang paggigitara nito.
Hindi siya maaaring magkamali. Ilang beses na niyang inulit-ulit ang kanta kaya kilala na niya ang paraan ng pagtugtog nito.
Don't tell me...
"Fallin' out, fallin' in
Nothing's sure in this world, no, no."
Nahigit ni Sunny ang sariling hininga nang magsimula ng kumanta si Kairos. Kilala niya ang baritonong boses na 'yon.
Ang boses na nakasama niya sa loob ng sampung taon. Ang boses na dahilan ng pagbabalik niya sa taong iyon.
Hindi siya maaaring magkamali.
"Breakin' out, breakin' in
Never knowin' what lies ahead
We can never really tell it all, no, no, no."
Hindi pa rin nagsi-sink in sa isip niya ang nalaman.
Bigla na lang pumasok sa isip niya ang napag-usapan nila noon ni Joshua tungkol kay Kairos.
"Tanda ko pa no'ng third year kami, sinubukan kong kaibiganin siya pero nag-away lang kami. Dati, madalas niyang tinatakpan ang mukha niya. Kung hindi gamit ang panyo, nagsusuot siya ng face mask. Akala ko pa no'n may sakit siya 'yon pala mailap lang siya sa tao. Pero ako naman itong si makulit, araw-araw ko siyang binubulabog. At mukhang napasobra nga ako isang araw."
Lalaking naka-face mask? Noong third year sila?
Sumagi sa alaala niya ang araw na napulot niya ang mp3 player.
Umalingawngaw ang malakas na tunog ng bell sa buong open field ng eskwelahan tanda na tapos na ang lunch time.
Mabilis pa sa alas kwatrong nagsitayuan ang mga estudyanteng kumakain sa may damuhan at nakipagsabayan ng takbo sa mga taong papunta na sa kani-kanilang mga classroom.
"Sunny, tara na! Baka maunahan pa tayo ni sir," aya ni Coffee sa kaniya saka nagsimula na ring tumakbo.
"Saglit lang!" ani Sunny matapos ayusin ang mga gamit.
Kaagad niyang sinundan ang kaibigan ngunit hindi niya napansin ang paa ng lalaking nakasandal sa malaking puno na daraanan niya. Napahiyaw siya nang mapatid rito dahilan para maalimpungatan naman ito.
"Sorry," anila sa isa't isa nang magtama ang kanilang mga mata.
Pasulyap niyang sinilip ang lalaki ngunit hindi niya ito mamukhaan dahil sa suot nitong itim na sumbrero at face mask. Ngunit nalaman niyang 3rd year na rin ito kagaya niya dahil sa kulay ng suot nitong lanyard.
"Time na," paalala niya rito pagkatayo habang pinapagpag ang palda.
Dali-dali naman nitong kinuha ang mga gamit at tumayo. Ni hindi man lang siya nito nilingong muli bago tuluyang tumakbo papalayo.
Dumako ang tingin ni Sunny sa isang puting bagay sa damuhan.
"Teka!"
Mabilis niya itong pinulot saka nilingon ang lalaki para tawagin pero tuluyan na itong nawala sa bilang ng mga estudyanteng tumatakbo.
"'Yong mp3 player mo," nai-bulong niya na lang sa sarili.
Muli niyang sinilayan ang lalaki sa gitna ng stage.
"Say goodbye, say hello
To a lover or friend
Sometimes we never could understand
Why some things begin then just end
We can never really have it all, no, no, no"
All this time, he was the owner of that voice. Bakit ngayon niya lang na-realize ang napakahalagang bagay na 'yon?
Was she too blind to see the person she was looking for was beside her all along? O nag-focus siya sa maling tao kaya hindi niya ito napansin?
"But oh, can't you see?
That no matter what happens
Life goes on and on
And so baby, just smile
'Cause I'm always around you
And I'll make you see how beautiful
Life is for you and me"
Hindi maalis ni Sunny ang mga mata kay Kairos na ngayon ay nakatingin na rin sa kaniya. Bumilis ang tibok ng puso niya nang magtama ang mga titig nila at ngitian siya nito.
Ramdam niya ang hampas ni Coffee sa kaniya pati na rin ang tilian ng mga kaklase nila pero masyado na siyang lunod sa sarili nilang mundo. Unti-unting lumalabo ang mga tao sa paligid nila at tanging si Kairos lang ang napakalinaw sa paningin niya.
"Take a little time, baby
See the butterflies' colors
Listen to the birds that were sent
To sing for me and you
Can you feel me?
This is such a wonderful place to be"
It was overwhelming to hear the song live while seeing Kairos singing it with all his heart. And to think that he died on her original timeline...
Hindi niya maipaliwanag ang kirot na nararamdaman ng puso niya ngayon.
"Even if there is pain now
Everything will be alright
For as long as the world still turns
There will be night and day"
Those were the warm words that calmed her chaotic thoughts. Para bang kinakausap siya ng kumakanta na magiging maayos din ang lahat. Lilipas din ang mga sakit na nararamdaman niya.
Ilang beses na pinaalala sa kaniya ng kantang 'yon na hindi lang puro lungkot at hinagpis ang meron sa buhay. Na kapag tumingin ka sa paligid, maraming magagandang bagay ka ring makikita.
And that's why she fell for him. She liked him for 10 years.
"Can you hear me?
There's a rainbow always after the rain"
She can't hold back her tears anymore. Isa-isa na itong kumawala sa mga mata niya. Mabilis niya itong pinahid saka tumayo kapagkuwan ay tumakbong palayo roon.
Narinig niya pa ang pagtawag sa kaniya ni Coffee pero hindi na niya ito nilingon.
Napakasikip ng dibdib niya. Para siyang kinakapos ng hininga at alam niyang kapag nanatili pa siya roon, makikita ni Kairos ang kalagayan niya at masisira niya lang ang moment nito.
'Di niya alam kung saang parte na siya napadpad ng campsite. Malayo na 'ang narating niya dahil hindi na rin niya naririnig ang mga boses ng kaklase.
She was now in the middle of a field. Tanging ang liwanag na lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw niya at konting liwanag na mula sa mga poste 'di kalayuan sa kinatatayuan niya.
There, she cried her heart out.
Kairos is alive.
Paulit-ulit na pangungumbinsi ni Sunny sa sarili.
Buhay si Kairos at kasama niya ito ngayon. Pero bakit parang nagluluksa ang puso niya? Bakit sumasagi sa isip niya ang panahon na nawala ito?
Dahil ba nalaman niya na ito pala ang nakasama niya sa loob ng sampung taon? Na ito pala ang taong takbuhan niya sa tuwing nasasaktan siya? Na ang boses nito ang tanging nagpapakalma sa magulo niyang isip?
Kung hindi pa siya nakabalik ng 2013, hindi niya makikilala si Kairos at hindi niya rin malalaman ang naging parte nito sa buhay niya.
Sunny let out a deep breath, trying to calm herself.
Bago pa niya kailanganing ibalik sa lalaki ang mp3 player, sisiguruhin niyang mabubuhay ito. Sisiguruhin niyang makikita niya pa ito sa taong 2023, na hindi na lang sa isang mp3 player maririnig ang boses nito.
"Sunny."
She stilled when she heard Kairos' voice from behind. Kinagat niya ang ibabang labi para pigilan ang sariling umiyak uli habang dahan-dahan itong hinarap.
Concern was painted on his face. Humahangos ito na para bang galing lang ito sa pagtakbo.
"A-ayos ka lang ba?" puno ng pag-aalalang tanong nito.
Umiwas siya ng tingin saka tumingala. Ilang beses rin siyang napakurap-kurap para lang hindi tumulo ang mga luha niya.
Bakit niya ba palaging tinatanong kung okay lang ako?
Gusto niyang sabihin na, oo. Ayos lang siya. Pero ayaw niyang magsinungaling sa lalaki.
She pursed her lips. Alam niyang kapag nagsalita siya, mababasag lang ang boses niya.
"Hindi mo ba nagustuhan ang ginawa ko?"
Mabilis niyang binalingan si Kairos na taimtim nang nakatitig sa kaniya. He was staring deeply into her eyes. Para bang may kung ano sa mga mata nito na gustong ipahiwatig.
"Sunny..." Binasa nito ang pang ibabang labi saka huminga ng malalim. "Gusto kita."
Nahigit niya ang sariling hininga nang marinig ang mga binitawang salita ni Kairos.
Ilang segundo itong nanahimik, tila ba nagdadalwang-isip kung itutuloy ba nito ang sasabihin.
"Matagal na 'kong may gusto sa'yo pero natatakot akong umamin dahil kaibigan kita at ayokong lumayo ka sa'kin," may halong takot ang boses nito at napansin niya ang panginginig ng kamay nito.
Kairos was wholeheartedly confessing his feelings for her and there she was, just standing in front of him, not knowing what to do or what to react.
Bigla na lang nawala ang mga pangamba niya kanina. Para bang na-blanko na ang isip niya at ang tanging pumasok roon ay ang mga sinasabi ni Kairos.
He cleared his throat as he gathered his thoughts. "Magmula nang dumating ka sa buhay ko, naranasan kong maging masaya uli. Pagkatapos ng mahabang panahon, nalaman kong kaya ko rin palang ngumiti. Hindi mo lang alam pero ikaw ang nagsilbing payong ko no'ng mga panahong mag-isa lang akong nakatayo sa ulan."
She had that effect on him?
Ginusto niya lang noon na maging kaibigan siya nito habang binabalik niya sa dati ang buhay niya pero hindi niya sukat akalain na pati ang buhay nito ay mababago niya.
"Kairos..." Her voice was almost a whisper.
Sumilay ang ngiti sa labi nito. "Sa tuwing tinatawag mo ang pangalan ko, para bang lumiliwanag ang mundo ko. May kung ano sa puso ko ang nakikiliti kapag nakikita kita. Ako ang tipo ng tao na lumalayo at tinutulak ang iba pero pagdating sa'yo, gustung-gusto kong makasama ka."
Sunny tried to open her mouth but words won't escape. Ilang beses na umawang ang labi niya para subukang sagutin si Kairos pero hindi niya alam kung ano ba ang sasabihin.
She can't find the right words.
"Sunny," umangat ang tingin niya nang tawagin siya nito sa malamyos na boses. "Hindi ko sinasabi sa'yo 'to dahil umaasa akong magkakagusto ka rin sa'kin. Umaamin ako kasi gusto kong maging tapat sa'yo."
Pinakatitigan niya ang gwapong mukha ng kaharap. Walang bahid ng ekspektasyon ang mukha nito. It was all admiration and pure love towards her.
Naputol ang katahimikan sa pagitan nila nang biglang umihip ang malakas na hangin dahilan para magsiliparan ang mga talutot ng bulaklak sa feild na kinatatayuan nila.
Doon niya lang napagtanto na nasa gitna sila ng napakaraming dandelion.
Naalala niya na naman ang dahilan kung bakit siya bumalik sa nakaraan. Alam niyang may nais ipahiwatig sa kaniya ang bulaklak.
"10 years," saad niya na ikinabaling sa kaniya ni Kairos. "Kaya mo bang hintayin ang sagot ko pagkatapos ng sampung taon?"
Gusto niyang aminin rin ang nararamdaman para sa lalaki. Pero hindi niya alam kugn ano ang mangyayari sa oras na maubos ang mga petals ng dandelion na hawak niya.
Ang gusto niya lang ay makikita niya pa rin ito sa taong 2023.
Sa panahong 'yon, sisiguruhin niya nang sasabihin kay Kairos ang nararamdaman niya para rito ng walang pag-aalinlangan.
Marahan itong tumango. "Handa akong maghintay –"
How can he just accept that so easily?
Napakatagal ng sampung taon. Maraming p'wedeng magbago. Maraming p'wedeng mangyari.
"– kung ang ibig sabihin no'n ay makakasama pa kita sa loob ng sampung taon."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro