Chapter 26
"Form 2 lines, class!" sigaw ni Sir Espana nang makarating sila sa harap ng Manila Ocean Park.
It was their first destination and as usual, it was bustling with people.
Magkakasunod-sunod lang silang lima sa linya. Nasa unahan si Coffee at nasa likod siya nito. Naghihintay lang sila sa may entrance habang bumibili ng tickets ang dalawa pa nilang teachers.
"Sean!" lingon niya sa lalaki sa likuran. "Dala mo ba 'yong digicam mo?"
Iwinagayway nito ang kanang kamay na may hawak na camera. Hiningi niya ito na agad naman nitong binigay.
"Tayo kayo do'n, oh!" turo niya sa malaking signage ng ocean park sa tabi. "Picturan ko kayo."
Palundag-lundag na tinungo iyon ni Coffee na sinundan nila. Pumuwesto siya sa harap ng mga ito at hinanap ang magandang anggulo.
"Elias, do'n ka sa tabi ni Coffee para gitna siya," utos niya. "Usog kayo ng konti. Okay, 1, 2 ,3."
"Ikaw naman," ani Kairos palapit sa kaniya habang nilalahad ang kamay.
Nakangiti niyang binigay rito ang camera saka tumakbo patabi kay Coffee. Matapos ang ilang shots, napansin niyang hindi pa rin umuusad ang mga kaklase.
"Tayong lima naman!" malakas na sabi niya saka lumingon-lingon para maghanap ng p'wedeng mag-picture sa kanila.
Nang may dadaan sa harap nilang dalawang babae, magalang niya itong hinarang at pinakiusapan. "Excuse me po, mga ate. P'wede ni'yo po ba kaming picture-an?"
"Sure," magiliw na sagot nito kapagkuwan ay binigay niya rito ang camera.
Hinila niya pabalik sa signage si Kairos kung nasaan nakatayo pa rin ang tatlo saka pumagitna. Bale nasa pinakgitna siya, sa kanan niya si Coffee at Elias, at sa kaliwa niya si Kairos at Sean.
They smiled when the girl started counting. After a couple of poses, they thanked her and went back to the line.
"Okay class, hindi sa lahat ng oras mababantayan namin kayo. So, make sure to monitor your friends. Kapag napansin ni'yong hindi ni'yo sila nakikita, sabihan ni'yo agad kami," paalala ni Ma'am Cruz nang makarating sa harapan nila.
Nakabili na ang mga ito ng tickets.
"Yes, ma'am!" sabay-sabay na sagot nila.
Nilingon niya ang mga nagkukulitang lalaki sa likuran niya.
"Narinig ni'yo 'yon?" tanong niya sa mga ito na ikinabaling ng mga ito sa kaniya. "Kung magsi-cr kayo o kaya may ibang pupuntahan, magpaalam kayo sa'min para alam namin kung sa'n kayo hahanapin."
"Yes, ma'am!" tumatawang sabi ng mga ito.
Pinandilatan niya ito ng mga mata para seryosohin ang sinabi niya. Wala sa tour ang isip niya kundi nasa apat na kasama lalo na kay Kairos.
She needs to be on her toes. After her ankle incident, hindi dapat siya makampante. Things may still happen if she's not cautious.
"'Wag magtutulakan," paalala ni Ma'am Cruz habang isa-isa silang pumapasok sa Manila Ocean Park.
"We will only give you an hour to explore. And this will be our meeting place," malakas na anunsyo ni Ma'am Masaca dahil marami na ring tao sa loob. "Kapag hindi pa kayo nakarating rito after an hour, iiwan namin kayo."
Pabiro ang pagkakasabi ni Ma'am no'ng huli pero alam nilang hahanapin sila ng mga ito. Ang pinakmalalang mangyayari ay ipapa-announce ng mga ito sa buong Ocean Park ang pangalan nila kapag hindi sila nakabalik sa oras.
Nakakahiya 'yon panigurado.
Matapos ang ilan pang paalala, hinayaan na sila ng mga guro na libutin ang lugar. Magkakasama silang lima na nilibot ang buong Ocean Park habang kumukuha ng litrato si Sean at minsan, siya.
"Sean, kamukha mo!" pang-aasar ni Elias nang makakita ito ng penguin.
"Nakita mo 'yong sea lion kanina? 'Kala ko kapatid mong nawawala," balik pambabara ni Sean na ikinahagalpak nila ng tawa.
"Sunny, tingnan mo. Ang ganda!" turo ni Coffee sa mga nagliliwanag na jellyfish nang makarating sila ng Jellies Exhibit.
Sunny flinched when she saw a flash of light. She then looked at Kairos who was holding the camera and pointing it at her.
"Sorry," malalaki ang matang sabi nito.
Pareho silang napa-pose ni Coffee para sa picture na kinuhanan naman ni Kairos.
"Tama na 'yang pictures," aniya kay Kairos saka hinawakan ang pulsuhan nito at iginiya sa mga clear glass para tingnan ang mga nasa exhibit.
Akala ni Sunny ay hindi niya na mae-enjoy ang field trip dahil naranasa niya na ito. Pero iba pa rin pala ang pakiramdama dahil marami na silang magkakasama.
Kung hindi niya pa pinaalala sa mga kaibigan ang oras, hindi nila ito mamamalayan. Matapos ang isang oras, bumalik sila sa may entrance kung saan anghihitay na ang mga guro at iba rin mga kaklase nila.
Sunod nilang pinuntahan ang Intramuros. Isa ito sa mga lugar na kahit ilang beses niyang puntahan, hinding-hindi siya magsasawa. Siguro ay dahil isa siyang architect at hilig niya rin ang mga historical sites.
"Quiz time!" nakangising sigaw ni Sir Espana.
Nakalimutan pala niyang Filipino teacher nila ang guro kaya mas excited ito sa kanila. Napa-ungot ang mga kaklase nila dahil sa sinabi nito.
"Kapag nakasagot kayo, libre namin ang snacks," dugtong nito na napalitan ng hiyawan ng mga kasama.
Nagtaas ng kamay si John. "Sir, pati bukas na snacks?" hirit nito na umani na naman ng hiyawan.
"Sige. Pero kung masagutan ni'yo ang dalawang tanong ko," may panghahamon sa boses ni Sir Espana.
"Oh, Jerica," sabi ni Eunice sa kaklase. "Sa inyo nakasalalay ang snacks natin."
Natawa na lamang si Jerica. malamang mga honor students ang aasaahan nila rito.
"Unang tanong!"
They became quiet when Sir Espana spoke. All of their focus was on him.
"Ano ang ibig sabihin ng Intramuros?"
Sunny smirked. She knew the answer. Pero alam niyang mas mahirap ang pangalawang tanong nito kaya naman hindi muna siya sasagot.
She looked at her classmates who are now stomping their feet, trying to recall the answer.
"Ano? Wala?" naiinip na saad ni Sir Espana. "Wala rin kayong snacks."
Mas lalong lumakas ang bulungan ng mga kaklase samantalang ang mga kaibigan niya naman ay walang pakialam sa nangyayari.
Naiiling niya na lang na binalingan si Kairos na mukhang nag-iisip rin ng sagot. Marahan niyang kinalabit ang braso nito na ikinayuko nito sa kaniya.
Tumaas ang dalawang kilay nito at nagtatanong ang mga mata. "Bakit?"
Sinenyasan niya itong yumuko at lumapit sa kaniya na ginawa naman nito.
She cupped her mouth to whisper in his ear. "Within or inside the walls ang sagot."
Kumunot ang noo nito nang makatuwid ng tayo.
"Ikaw na sumagot. Dali," pangungumbinsi niya.
Hindi pa rin ito gumagalaw kaya naman siya na mismo ang nagtaas ng kamay nito.
"Estrella?" tawag ni Sir Espana nang makita nito ang nakataas na kamay.
Lahat ng mga kasama nila ay napalingon kay Kairos. Binalingan siya nito na nangungusap ang mga mata. Nginitian niya lang ang binata kaya napabuntong-hininga na lang ito.
"Within or inside the walls po, sir," naiilang na sagot nito na mas lalong ikinalapad ng ngiti niya.
"Tama!" malakas na sabi nito.
Nagpalakapakan ang mga kakalse nila at ilang ulit ng mga ito na sinigaw ang pangalan ni Kairos sa tuwa. Napayuko na lamang ang lalaki dahil sa hiya.
"Last question," putol ni Sir Espana sa selebrasyon nila. "Bigyan niyo ako ng maikling paglalarawan tungkol sa Intramuros."
Napalitan ng mga hinaing ang boses ng mga kaklase. Nakangiti niyang itinaas ang kamay na muling ikinabaling sa kanila ng mga ito.
Pati sina Coffee ay hindi makapaniwalang napatingin sa kaniya.
"Severio?" ani Sir Espana na nakataas ang kilay.
"Binuo po ang Intramuros noong 1571 ng mga Espanol - more specifically, ni Miguel Lopez de Legazpi. Naging sentro ito noon ng pangrelihiyon, pampulitika at militar na kapangyarihan lalo na ng mga mayayamang Espanyol at Mestizos. Noong World War 2, nagsilbi ang Intramuros bilang kampamyento at kulungan ng mga Hapon. Mayroon itong pitong fortified gateways, hospital, military barracks, domestic accomodations, eskwelahan, labindalwang simbahan, at Governor's Palace," mahabang paliwanag niya.
Ang kaninang gulat na mga mukha ng kaklase ay napalitan ng pagkamangha. Nakaawang na ang mga labi nito at ilang minuto pa ang lumipas para makabawi ang mga ito.
Sir Espana complimented her. "Very good!"
Kung kanina ay pangalan ni Kairos ang sinisigaw ng mga kasama, ngayon naman ay pangalan niya. Pero imbes na mahiya, pabiro siyang nagyabang sa mga ito.
Ilang oras din nilang nilibot ang buong Intramuros. Bawat sulok na lang ay nagpa-picture sila at doon na rin sila nag-lunch.
Hapon na nang marating nila ang Campsite kung saan sila magii-stay ng dalawang gabi. Nagbabadya ang ulan nang makababa sila ng bus. Buti na lang at may hostel na p'wede nilang matulugan kung sakaling lumakas ang buhos nito.
"Class, listen up!" agaw ni Ma'am Cruz ng pansin nila. "Mayroon lang tayong 10 rooms kaya naman hahatiin natin ang bawat rooms. Bukas na lang tayo magca-camping dahil baka umulan pa."
"After ni'yong mag-grouping para sa rooms, you can rest. Tatawagin na lang namin kayo kapag kakain na," dugtong ni Ma'am Masaca.
Magkasama sina Sunny at Coffee sa isang kwarto at kabilang rin ang iba pa nilang kaklaseng babae. Samantalang sina Kairos, Sean, at Elias naman ay nasa ibang kwarto.
"P'wede kaya tayong maglibot?" tanong ni Leslie pagkatapos nilang magpalit ng mga damit.
Nagkibit-balikat si July.
"Baka umulan na," sagot ni Jerica na ikinanguso ng babae.
Nasa loob sila ng kwarto at kasama niya ng mga ito. Every room has two bunk beds and one restroom. May kani-kaniya na silang p'westo at sakto lang sa kanilang bilang ang mga higaan.
Nagsusuklay siya nang tumabi sa kaniya si Coffee. "Labas tayo."
"Sama ka Eunice?" aya niya sa kaklase. "Lalabas kami ni Coffee."
"'Wag na pala. Wala akong dalang payong," sabi nito na ikinatango niya na lang.
Nang makalabas sila ng hostel ni Coffee, nilibot nila ang campsite grounds. Hindi niya ito naikot noon dahil takot rin siyang mabasa ng ulan pero ngayon, mas gugustuhin niya na lang na maglaro roon.
Hindi naman madilim ang langit pero makapal ang ang mga ulap. Lumalakas na rin ang hangin tanda ng nalalapit na pagbuhos ng ulan.
"Magbo-bonfire kaya tayo bukas?" tanong ni Coffee habang naka-angkla sa braso niya.
"Oo," mabilis na sagot niya.
"Pa'no mo nalaman?" magkasalubogn ang kilay na sabi nito.
Natigilan siya. Sorpresa pala noon sa kanila ng mga guro ang bonfire kaya walang nakakaalam.
"Ano... nakita ko kasi 'yong paikot na bato kanina kaya malamang may bonfire," nag-aalangang saad niya, umaasang maniniwaala ito.
"Talaga?" sagot nito saka muling binalingan ang daan na nilalakaran nila. "'Di ko napansin."
Naiilang na lang siyang tumawa.
Ilang sandali pa ang lumipas nang maramdaman niya ang unti-unting patak ng ulan. Nilahad niay ang kamay at hinintay ang pagbagsaka nito sa palad niya.
Akmang tatakbo na si Coffee pabalik ng hostel nang pigilan niya ito ng yakap.
"Bitiwan mo 'ko! Bagong ligo pa lang ako!" pagpupumiglas nito.
"Okay lang 'yan. Ligo ka na lang ulit," tumatawang sabi niya habang mahigpit pa ring nakayakap kay Coffee.
Kahit na ilang beses itong nagpupumiglas, hindi pa rin ito makabitaw asa kaniya hanggang sa naabutan na sila ng ulan.
Mas lalong lumakas ang sigaw ni Coffee at nang basang-basa na ito, saka niya lang ito binitawan.
"Sunshine!" nangigigil na sigaw nito sa kaniya.
Natatawa siyang tumakbo palayo sa kaibigan. Ang kulitan nila ay nauwi sa habulan sa ulan. Pero natigilan siya nang makita ang tuamtakbong si Kairos habang nakapayong ito sa suot nitong polo kanina.
"Bakit ka nagpapaulan? Gusto mo bang magkasakit?" nakakunot-noong tanong nito sa kaniya nang makalapit.
Pati siya ay tinatakpan na nito ng polo. Lumawak ang ngiti niya saka pabirong binaba ang nakaangat na kamay nito pagkatapos ay inagaw ang polo kaya naman ay nabasa na rin ito ng ulan.
"Ayoko. Gusto kong maglaro!" aniya rito habang umaatras.
"Sali kami!" sigaw ni Sean.
Tumatakbo na rin ito kasama si Elias patungo sa kanila. Si Kairos naman ay inaagaw sa kaniya ang polo na mabilis niyang iniiwasan.
"Para ka ng bruha, Coffee," pang-aasar ni Elias nang makita ang kaibigan.
Nakaani ito ng malakas na tapik sa braso kagkuwaan ay tumakbo ito palayo sa lalaki.
"Sean!" tawag niya na ikinabaling nito sa kaniya. "Salo!"
Tinapon niya rito ang polo na pilit pa ring inaagaw ni Kairos na nasalo nito saka pabirong sinuot.
Sunny's fear had swept away as they loudly laugh under the rain. She forgot her worries about Kairos especially when she saw him laughing. All she could think of was to enjoy the moment and save it to her memories.
At habang pinagmamasdan niya ang mga kaibigan na kasama niyang naglalaro sa ulan, hindi niya mapigilang mapaisip.
Bakit nga ba ako nagpakahirap noon? Wala na 'kong naging oras para magpakasaya. After all, lahat naman 'yon mga pangamba lang.
But then suddenly, Kairos hugged her from behind making her freeze. Inaagaw pa rin nito ang polo sa kaniya pero tanging ang pagdikit nito sa kaniya ang umiikot sa isip niya.
"May rainbow," mahinang saad nito habang nakayakap pa rin.
Unti-unti nang humihina ang ulan kaya naman sumisilay na uli ang liwanag. Tumingala siya at natatanaw niya sa langit ang kulay ng bahaghari.
Napangiti siya nang maalala ang unang seryosong pag-uusap nila ni Kairos sa harap ng convenience store. Siya ang unang nakapansin ng rainbow noon pero ngayon, si Kairos na ang nagsasabi nito sa kaniya.
Has his life became colorful?
Napukaw siya nang masilaw ng isang liwanag mula sa gilid nila. Pareho nilang binalingan ito at nakita si Sean na hawak ang camera at nakatutok sa kanila. Katabi na nito ang dalawa pa na parehong kakaiba ang ngiti sa mga labi.
Lumaki ang mga mata nila nang mapagtanto ang nagyayari. Nakayakap pa pala sa kaniya si Kairos!
Para itong napapasong humiwalay sa kaniya. Siya naman ay naiilang na napa-ubo.
"S-sorry," sabi nito habang nakahawak sa namumulang tenga.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro