Chapter 25
Mabilis na dumaan ang mga araw ni Sunny. Natapos nila ang pagko-community service at gumaling na rin ang paa niya.
At ngayon nga, nakatayo sila sa harap ng dalawang bus habang bitbit ang kani-kaniyang mga maleta.
It was the start of their field trip that she has been concerned about. Alas-otso ang call time nila at alas-siyete y media na pero hindi pa rin duamrating si Kairos.
Wala sa sariling kinagat niya ang mga kuko, nilulukob ng kaba ang dibdib. Malinaw ang usapan nila na sasama ito kaya walang dahilan para hindi ito sumipot.
Ayaw niyang mag-isip ng kung anong masasamang nangyari. Lalo lang siyang kakabahan. May oras pa naman si Kairos para makahabol.
"President of each section, check the attendance," Sir Espana announced.
Tatlong teachers ang sasama sa kanila at ito ang mga advisers ng bawat section. Pero dalawa lang ang bus kaya malamang ay hahatiin ng mga ito ang isang klase.
Sunny preferred that her section will join Kairos'. Nang sa gayon, mas lalo niyang mabantayan ito.
"Nandito na ba lahat?" tanong ni Ma'am Masaca na ikinatigil niya.
Binalingan niya ang mga estudyante nakatayo sa may gilid nila. Naroon sina Elias at Sean at mukhang nag-aalala rin ang mga ito.
Nagtaas ng kamay si Sean. "Ma'am, wala pa po si Kairos."
Ma'am Masaca tilted her head and glanced at her. Nagtatanong ang mga mata nito.
"Sasama po 'yon," pangungumbinsi niya rito pati na rin sa sarili niya.
Sunny eyes lit up when she saw Kairos running towards his classmates. Even though he's panting, he didn't forget to wave at her when their eyes met. She sighed in relief.
"Kumpleto na po," sabi ng mga president ng bawat section matapos bilangin ang mga kaklase nila.
"Okay class, listen!" malakas na sigaw ni Ma'am Cruz para marinig nilang lahat. "As you can see, mayroon lang tayong dalawang bus. So, we have to divide a section."
Nagkatinginan sila ni Kairos nang sabihin 'yon ng teacher nila. Malamang ay pareho rin ang iniisip nito.
"Ma'am!" tawag ni Eunice habang nakataas ang kamay. "Section na lang po namin ang hatiin ni'yo."
"Sus! Gusto mo lang makasama 'yong crush mo sa kabilang section," pang-aasar ni Blue na umani nang hiyawan mula sa iba.
"Class, quiet!" suway ni Sir Espana.
Akala nila ay sesermonan sila nito kaya nagulat sila sa dinugtong nito. "Anong section ang crush mo?" nakangising tanong nito.
"Nasa 4-Garnet po!" si Leslie ang sumagot.
Pulang-pula na ang mukha ni Eunice sa hiya pero tuloy pa rin ang pangangantyaw ng mga kaklase.
"O siya! Ma'am?" baling ni Sir Espana kay Ma'am Masca dahil ito ang adviser nila.
"Ben, can you divide your classmates?" utos ni Ma'am Masaca pagkatapos ay hinayaan na sila.
"Kami! Kami!" hiyaw ni Coffee habang naka-angkla sa braso niya at patalon-talon pa. "Sa 4-Sapphire kami sasama!"
Napalakas ata ang pagkakasabi nito kaya naman napabaling sa kanila ang kabilang section. Umani rin ito ng kantsyaw mula sa mga ito na ikinatgo ni Coffee sa likod niya.
Pailing-iling na lang siyang napangiti dahil sa inakto nito.
Habang nag-uusap pa ang section nila tungkol sa kung sinu-sino ang isasama sa ibang bus, pina-una na ng mga teachers nila ang mga tagakabilang section sa loob.
Nagpaalam pa sa kanila ang tatlong lalaki bago ang mga ito umakyat sa bus.
Nang matapos maglista si Ben, isa-isa nang tinawag ni Ma'am Masaca ang mga pangalan nila at kung saan sila sasakay. At dahil malaksa sila ni Coffee kay Ben, sinama sila nito sa 4-Sapphire.
They were smiling ear to ear as they rode the bus while holding their bags tightly. Nang makasakay, mabilis nilagn nahanap ang kinauupuan ng tatlo dahil nakataas ang mga kamay nina Elias at Sean. Dumako ang tingin niya sa katabing upuan nito at ano'n si Kairos, nakasilip.
Bale ang ayos ng seating arrangement s loob ay may 3-seater sa kanan at 2-seater naman sa kaliwa. Nasa 3-seater sina Elias at Sean samantalang nasa kabila si Kairos.
Nauna na sa kaniyang maglakad papunta sa tatlo si Coffee. Nasa likod lang siya nito habang ang tingin ay nasa pwesto ni Kairos.
Ngunit natigilan siya nang maramdaman na may humawak sa pulsuhan niya. Binalingan niya ito at tumaas ang dalawang kilay niya nang makitang si Joshua ito.
"Shine," anito habang tinatapik ang katabi nitong bakanteng upuan. "Dito ka na."
Hindi niya alam kung pa'no sasagutin ang lalaki. Matapos ang pag-uusap nila noong intrams, hindi na iyon nasundan pa.
While looking at him now, Sunny's certain that her feelings for him is already gone. Wala na ang kilig na naramdaman niya no'n sa tuwing nagtatama ang tingin nila. Wala na rin 'yong mga lumilipad na paru-paro sa tiyan niya kapag naririnig niya ang boses nito.
"Sunny!"
Napalingon siya nang marinig ang baritonong boses ni Kairos. He was already standing up and his face was grim. Even her friend's faces hardened at the situation.
Marahan niyang hinila ang sariling kamay mula sa pagkakahawak ni Joshua saka naiilang itong kianusap.
"'Di na," mahinang pagtanggi niya rito sapat lang para marinig nito. "Na-reserve na ni Kairos 'yong uupuan ko. Pero, salamat pa rin."
Binigyan niya pa ang lalaki ng isang ngiti bago ito tuluyang iniwan ro'n. Buti na lang at wala sa kanila ang atensyon ng iba pa nilang mga kaklase kaya hindi ng mga ito napansin ang tensyon.
Lumambot ang ekspresyon ni Kairos nang makaharap niya ito. Tinulungan siya nitong iakyat ang dakla niyang maleta sa compartment saka iginaya siya nito sa upuan na katabi ng bintana.
"Buti na lang nakahabol ka," aniya sa katabi nang makaupo ito. "Kinabahan ako. Akala ko 'di ka na sasama."
"Nag-promise ako sa'yo kaya tutuparin ko."
Her heart skipped a beat when Kairos told her that with an intent gaze. Mabilis niyang iniwas ang tingin rito saka naiilang na tumawa.
"Class, settle down!" malakas na wika ni Sir España habang nakatayo ito sa unahan. "Aandar na ang bus."
Binalingan niya ang katabi. "Madalas ka bang nahihilo habang bumabyahe?"
"Hindi ko alam," sagot nito na may kasama pang pag-iling. "Ngayon lang ako makakabyahe ng malayo."
"Gano'n ba?"
Binuksan ni Sunny ang dalang sling bag. Habang kinukuha roon ang pakay, naramdaman na niya ang pag-andar ng bus kasunod ng hiyawan ng mga kasama.
"Inumin mo 'to para sure," aniya kay Kairos nang ibigay rito ang gamot na dala.
"Ano 'to?"
"Bonamine. Para 'di ka mahilo," sagot niya saka binalingan naman ang tatlo sa kabilang upuan. "Coffee!"
Natigil sa kulitan ang tatlo at nilingon siya.
"Pakiabot nga 'to kay Coffee," utos niya kay Kairos matapos bigyan ulit ito ng gamot na agad naman nitong pinasa sa kabila.
"Thank you!" magiliw na sabi ni Coffee pagkatapos ay ininom agad iyon.
"Kayo?" aniya kina Elias at Sean. "Mahihiluhin ba kayo?"
"Eto si Sean, sensitive 'yan eh," biro ni Elias.
"'Wag mo ngang ipasa sa'kin. Ikaw 'tong suka ng suka kahit tricycle lang ang sinasakyan," balik pang-aasar ni Sean.
"Ewan ko sa inyo! Pero uminom pa rin kayo para sigurado," malakas na hiyaw niya sa mga ito kaya naman natigilan ito sa pagbibiruan.
Ipinasa niya kay Kairos ang dalawa pang gamot na binigay naman nito sa dalawang lalaki. Napilitan na lang ang mga ito na inumin iyon.
Susunod rin pala, kailangan pang sigawan.
"Naks! Nanay na nanay si Shine!"
Kumunot ang noo niya nang marinig ang boses ng lalaki na nasa kaharap nilang upuan. Tumayo ito at nilingon siya.
"Mukha ka ng nanay," dugtong pa nito na may ngisi sa labi. "Nanay ng magiging anak ko. Boom!"
Nagsi-hiyawan ang mga kasama nila sa loob ng bus nang bitiwan ng lalaki ang pick-up line samantalang napangiwi siya rito. Kaklase ata 'to nila Kairos kaya hindi niya alam ang pangalan nito.
"Kilala ba kita?" tanong niya.
Mas lalong lumakas ang sigawan ng mga kaklase nang magsalita siya. Kuminang naman ang mga mata ng lalaking kaharap at ipinatong pa nito ang baba sa ibabaw ng upuan.
"Bakit?" nakangiting ani nito sa kaniya.
"Hindi 'yan pick-up line, Neil!" si Coffee ang sumagot. "Hindi ka talaga n'yan kilala."
"Boom, bars!" sigaw ni Sean at Elias.
Namilog ang mga mata ng tinawag na Neil ni Coffee saka napaayos ito ng tayo. "Seryoso?"
"Ngayon kilala na kita," patango-tangong saad niya. "Sinabi na ni Coffee pangalan mo, eh."
Humagalpak ng tawanan ang mga tao sa paligid nila dahil sa sinabi niya. Kahit si Kairos ay napangiti rin.
"Nakaka-hurt ka," nakangusong sabi pa ni Neil na nakahawak sa dibdib nito.
"Kay Lia ka na lang daw kasi ulit!" rinig niyang sigaw ng isang babae sa may unahan nila.
"Comeback na 'yan!" hirit pa ng isang lalaki.
"Sorry, pero hindi na binabalikan pa ang mga cheater," mataray na wika ng isang babae na sa tingin niya ay 'yong Lia.
Nagsi-hiyawan uli ang mga kaklase. Ang ingay na ng bus nila pero hindi naman sila sinusuway ng mga teachers sa unahan.
Binalingan niya si Kairos na nagtatanong ang mga mata. Hindi niya na kasi alam ang pinag-uusapan ng mga kasama. Nagkibit-balikat lang ito marahil ay hindi rin nito alam ang nangyayari.
"Nag-almusal na ba kayo?" tanong ni Elias sa kanila na ikinapukaw niya. "Ginawan tayo ni lola ng sandwich."
Nilabas nito sa bag ang limang tinapay at isa-isa itong binigay sa kanila.
"Pasabi kay lola, salamat," ngumunguyang ani Coffee.
Nag-thumbs up naman si Sean. Samantalang siya, na kay Kairos ang tingin.
Pa'no ba naman, hindi agad nito binigay sa kaniya ang tinapay kundi inalis muna nito ang pagkakabalot sa tissue ng ibabaw bago ilahad sa kaniya para kakainin niya nalang ito.
Nahihiya niyang tinanggap ang sandwich saka kumain.
The smallest things he does for her makes her heart flutter. He always does things for her willingly. Maliit man o malaking bagay.
The noises started to drown as the thoughts about him are the only one she can hear. Her insides feel fizzy and her eyes only focus to the guy beside her.
She knows that feeling well. No'ng una, hindi niya matanggap sa sarili ang nararamdaman. Pa'no ba naman, kaibigan lang ang turing niya rito noon. Komportable siya kapag kasama niya ito.
But, whenever he was beside her, her chaotic thoughts always stopped. Hindi nila kailangang mag-usap. Sapat na ang presensya nito para pakalmahin siya.
In her past, he was just a background character. Then suddenly, he became the highlighted line on her book, the rainbow in her sky.
Kaya nang madalas na itong pumapasok sa isip niya, nang palagi na siyang nag-aalala para rito, at nang kaligtasan na nito ang inuuna niya, wala na siyang nagawa kung hindi tanggapin sa sarili.
She already like Kairos.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro