Chapter 24
The sound of running water filled Sunny's ears as she walked in the middle of a sugarcane field.
Mabagal lang ang paglalakad niya dahil iniinda niya pa rin ang sakit ng paa niya. Ang alam ng mga magulang niya ay nahulog siya sa hagdanan kaya nabali iyon.
Kaya heto sila ngayon ng mama niya, dinayo ang lumang bahay ng lolo at lola niya para magpahilot.
Nang malaman niyang pupuntahan nila ang lolo't lola niya, labis ang tuwa niya. Matagal niya na kasing hindi nakikita ang mga ito lalo na no'ng namatay na ang mga ito.
Pero nasa taon siyang buhay pa ang lolo't lola niya kaya kahit na masakit ang paa niya, masayang-masaya siya na dalawin ang mga ito.
"Dahan-dahan ka lang. Baka madulas ka na naman rito," paalala ng mama niya nang makarating sila sa may sapa.
Kapag kasi pumupunta sila roon, palagi siyang nadudulas sa batuhan. May mga malalaking bato roon na nagsisilbing daanan para makatawid ka sa kabilang dako.
As she carefully crossed, she can't help but glance at the stream beneath them. Napakalamig at napakalinis ng tubig no'n. Madalas nga sila noong maligo ng mga pinsan niya roon.
Ligtas naman siyang nakatawid. May iilang hakabng pa silang kailangang akyatin bago matanaw ang bahay ng lolo at lola niya.
Nasa gitna kasi ito ng malawak na taniman ng mga tubo. Naalala niya pa na kapag naglalaro sila noon ng mga pinsan niya, kumukuha sila ng tubo at sinisipsip iyon. 'Di naman halata kung kukuha sila sa dami ba naman ng tanim.
Pero sa taong 2024, wala na ang lahat ng 'yon. Ang dating mapunong lupa at malinis na sapa ay napalitan na ng subdivision. Nawala na ang ganda ng lugar.
So now that she sees its old appearance, she can't help but feel nostalgic.
"'Nay," tawag ng mama niya sa matandang babaeng nakaupo sa bangko sa labas ng bahay.
Napatayo ito nang makita sila at lumiwanag ang mukha nito. Matapos mag-mano ng mama niya rito, binalingan siya nito pero imbes na magmano rin, mahigpit niya itong niyakap na ikinagitla nito.
Kilala siya ng mga ito na hindi touchy at mahiyain kaya nagulat ang mga ito sa ginawa niya.
"'La, na-miss po kita," she whole heartedly admitted.
Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang sariling umiyak lalo na nang haplusin ng lola niya ang likod niya. Baka mag-alala pa ang mga ito.
"Ay sus, naglalambing ang apo ko," malamyos na saad ng lola niya.
Marahan siyang kumawala sa yakap saka sinilip ang nakabukas na pinto. "Si lolo po?"
"Nasa duyan sa likod bahay," sagot nito at iginiya sila papasok sa loob. "Baka napagod kayo sa biyahe. Ano nga pala ang dahilan at napadalaw kayo?"
"Eto kasing apo niyo, kung anu-anong pinaggagawa. Nahulog sa hagdan kaya ayan, napilay," sagot ng mama niya na para ring sinesermonan siya.
Bumaba ang tingin ng lola niya sa paa niya nang iika-ika siyang naglakad papunta sa may kusina. Naroon kasi ang isa pang pinto na dinadaanan nila kapag pupunta sila ng likod-bahay.
"Sa'n ka pupunta?" tanong ng mama niya nang lampasan niya ang mga ito sa sala.
Nilingon niya ang mga ito. "Babatiin ko lang po si lolo."
Nadatnan niya sa likod ng bahay nila ang lolo niya na nakhiga sa duyan. Naroon din ang dalawa niyang pinsang lalaki na sina Dan at Ric na sumisipsip ng tubo. Halos mga ka-edad niya lang ang mga ito kaya naman malapit siya sa dalawa.
"'Lo!" malakas na tawag niya sa matanda na ikinasilip nito.
Gaya ng pagkakaalala niya, hindi palangiti ang matanda. Salubong na naman ang mga kilay nito at ang talim ng tingin. Pero panlabas lang ito, alam naman niyang mahal sila nito.
Iika-ika siyang lumapit sa duyan saka niyakap rin ang lolo niya. Katulad ng lola niya, nabigla rin 'to sa inasal niya.
"Na-miss rin po kita," sabi niya rito na lalong ikinabilog ng mata nito.
Binalingan niya naman ang dalawang pinsan an natigil na sa pagsipsip. "Musta?"
Tinanguan siya ng mga ito bilang bati.
"Sinong kasama mo?" tanong ng lolo niya saka umupo ito sa duyan. "At anong nangyari d'yan sa paa mo?"
Napakamot siya ng batok. "Si mama po. Tsaka eto po, nahulog ako sa hagdanan ng eskwelahan namin."
Nang marinig ang mga sinabi niya, humagalpak ng tawa ng dalawang lalaki sa harap niya. May kasama pa itong pagpalo sa mga hita.
"Ilang galunggong nakuha mo?" biro ni Dan.
Napanguso na lang siya sa mga ito.
Sinamahan siya ng lolo niya pabalik ng sala kung saan nagku-kwentuhan ang mama at lola niya. Nang makaupo siay ro'n, sinimulan na siyang hilutin ng lola niya.
Ngayon na naman lang siya nakasigaw ng sobrang lakas dahil sa sakit. Samantalang ang lolo niya ay nagka-kape lang sa tabi niya habang namimilipit siya roon. Ang dalawa niyang pinsan naman ay hindi na makahinga sa kakatawa.
Doon na sila magpapalipas ng gabi ng mama niya na ikinatuwa niya. Gustung-gusto niya kasi ang lugar lalo na kapag madilim na.
Lumalabas ang mga alitaptap na nagsisilbing liwanag roon. Hindi lang isang grupo ng mga alitaptap ang lumilipad roon kundi isang buong puno ang pinaliliwanagan ng mga ito.
After dinner, they already prepared to sleep. Maagang natutulog ang mga tao sa bahay ng lolo't lola niya kaya maaga rin ang mga itong nagigising.
Pero hindi pa siya dinadalaw ng antok kaya naman lumabas siya ng bahay. The cool night breeze greeted her outside making her brush her arms.
Hinila niya ang bangko palapit sa malaking puno sa may tabi ng bahay nila at doon umupo. Pinagmasdan niya ang mga alitaptap habang pinalilibutan ng mga ito ang malaking puno.
Noon siya pa gustung-gusto ang punong 'yon pero palagi siyang tinatakot ng mga pinsan na may engkanto raw na nakatira roon at baka kunin siya.
Natatawa na lang siya kapag naaalala ang mga 'yon.
Napakatahimik ng gabi na tanging ang tunog lang ng mga kuliglig at tuko ang maririnig sa buong paligid. Malayo ito sa ingay sa siyudad.
"Hindi ka ba makatulog, apo?"
Umangat ang tingin niya nang marinig ang malmyos na tinig ng lola niya. Nakangiti nitong inabot s akaniya ang isang baso ng mainit na gatas pagkatapos ay tumabi ito ng upo sa kaniya.
Kahit na hindi siya mahilig sa gatas, malugod niya pa rin itong tinanggap at ininom iyon.
Ginaya nito ang ginagawa niya kanina at pinagmasdan rin ang lumiliwanag na puno.
"Naalala ko no'ng bata pa ang mama mo pati na rin ang Tito Junior mo, palagi silang naghahabulan paikot riyan sa puno. Palagi ko ngang sinusuway pero mahirap pigilan ang mga bata," natatawng kuwento ng lola niya na ikinabaling niya rito. "Pero 'pag 'yong lolo mo na ang sumuway sa dalawa, tiyak titigil 'yang mga 'yan. Tapos titimplahan lang nila ng kape, mapapaamo na nila agad."
Kahit na madilim ang paligid, naramdaman ni Sunny ang pagkislap ng mga mata ng lola niya habang nagsasalita ito.
"Hindi ni'yo po ba ginusto na bumalik sa mga panahong 'yon?" tanong niya makaraan ang ilang sandali.
Tipid itong ngumiti. "Wala naman sigurong tao na hindi hiniling na bumalik sa nakaraan. Dahil naroon ang mga masasayang alaala na gusto mong maranasan ulit."
Humigpit ang pagkakahawak ni Sunny sa baso. Ramdam niya ang init na dala noon habang tahimik na pinakikinggan ang matanda.
"Pero habang ako'y tumatanda, natutunan ko rin na lahat ay may oras at hangganan. Ang kahapon ay nakaraan na. Kung patuloy pa rin nating hahangarin iyon, mawawala lang natin ang kinabukasan," pagpapatuloy nito.
Muli niyang binalik ang tingin sa mga alitaptap. "Pa'no po kung pakiramdam mo hindi mo na nakikita ang kinabukasan dahil napapagod ka na sa binibigay sa'yo ng buhay ngayon?"
"Hindi sa lahat ng pagkakataon ay magiging masaya ka at aayon sa'yo ang mga bagay. Kailangan mong maintindihan na mahalaga ang buhay kahit na ito ay mahirap," sagot nito.
She flinched when she felt her grandmother's hand touched hers. "Importante ang nakaraan dahil minsan, kailangan mong lumingon para makaabante ka sa buhay. Pero mga alaala na lang iyon na kailangan mong matutunan, hindi iyon lugar para tirahan."
Natigilan siya nang maitindihan ang mga sinabi nito.
She was caught up with the idea that her yesterday has all of her happiest memories, that going back will fill her empty heart.
But she didn't realized that life is not always sunshine and rainbows. It is about how you keep moving forward despite experiencing storms.
Life may look simple, but it brings unexpected results.
"O siya." Nagising siya mula sa malalim na pag-iisip nang tumayo ang lola niya. "Ako'y papasok na at ako'y inaantok na."
Tinapik nito ng marahan ang balikat niya saka tumalikod na.
"'La," mahinang tawag niya rito.
Inilapag niya ang baso sa nagko pagkatapos ay tumayo na rin at lumapit sa lola niya na nakaharap nang muli sa kaniya.
Niyakap niya ito at isiniksik ang sarili.
"Good night po," she softly said.
Naramdaman niya ang paghalik ng lola niya sa ulo niya kapagkuwan ay bumitaw na sa yakap. Taimtim niyang pinakatitigan ang mukha ng lola niya, kinakabisa ang bawat detalye no'n. Gusto niyang manatili sa alaala niya ang masayang itsura nito.
Hinaplos nito ang pisngi niya at binigyan siya ng isang matamis na ngiti. Sinuklian niya rin ito ng isang ngiti.
Nang makapasok na ang lola niya sa bahay, muli siyang bumalik sa pagkakaupo saka pinagmasdan ang mga alitaptap at nagmuni-muni.
Her grandmother's words kept lingering on her mind.
Pagkatapos ng lahat ng ito, kapag nakabalik na siya sa panahon niya, susubukan na niyang harapin ang ibibigay sa kaniya ng buhay. Maging mahirap man ito o masaya.
She will keep moving forward and try to find something better in her future.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro