Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23

Napalingon si Sunny nang may kumalabit sa kanya mula sa likuran. Bumungad sa kaniya ang nakangiting mukha ni Kairos, malayo sa umiiyak na itsura nito kahapon.

Tumaas ang dalawang sulok ng labi niya. "Good morning, Kairos."

"Good morning, din," balik bati nito sa kaniya.

"Oo na. Good na ang morning," singit ni Coffee. "Kaya p'wede ba, bumalik ka na do'n sa pila ni'yo. Singit ka rito, eh," pambubugaw nito kay Kairos na ikinatawa niya.

Wala na 'tong nagawa kundi pumunta nga sa pila ng section nila na sinalubong ni Sean. Nasa open field sila ngayon dahil magfa-flag ceremony. 'Di na naman nila makita si Elias. Paniguradong late na naman ito.

"Uy, Sunny," tawag ni Coffee sa kaniya na ikinabaling niya rito. "Sinapak mo ba si Kairos para lang pumasok?"

Sumingkit ang mga mata niya. "Anong tingin mo sa'kin, sadista?"

Coffee shrugged. "Eh bakit may pasa 'yon sa mukha? Wala naman sa ugali no'n ang makipag-away."

"Nadapa lang siguro," palusot niya. "Nauna ang mukha."

Humagalpak ng tawa ang kaibigan nang marinig ang rason niya. Kahit siya ay nahawa na sa pagtawa nito.

Bigla itong tumigil saka ngumuso sa may gilid niya. Sinundan niya ang tinuturo nito at nakita si Joshua na kinakausap si Krystal.

Binalik niya ang tingin sa kaibigan at tinaasan ito ng kilay na may nagtatanong na mga mata.

"Lapit ng lapit 'yang si Krystal sa crush mo, oh," sabi nito nang mapansin ang tingin niya. "'Di ba kasal na kayo no'n?"

Pabiro niya itong hinampas sa balikat. "Biru-biruan lang naman 'yon."

Nagdududang piankatitigan siya ni Coffee. Her eyebrows furrowed and her lips puckered. "Akala ko ba, crush mo si Joshua?"

Muli niya itong nahamapas sa balikta saka napalingon-lingon sa paligid. Malakas kasi ang boses nito at nahihiya siya kung may makarinig man.

"Hinaan mo nga ang boses mo," halos pabulong na saad niya rito.

"'Di kita maintindihan. 'Di ba dapat grabe na 'yong kilig mo kasi kinasal kayo ni Joshua sa wedding booth? Ikaw lang pati ang pinakasalan no'n," ani nito habang pinasadahan ng tingin ang kamay niya.

Napansin ata nito na hindi niya suot ang singsing galing sa wedding booth kaya nanlaki ang mga mata nito at napasinghap.

"Naka-move on ka na ba kay Joshua," dugtong pa nito, ang mga kamay nasa bibig pa rin.

Napakamot siya ng ulo.

Pa'no niya ba ipapaliwanag sa kaibigan ang nararamdaman niya? At pa'no naman siya magmo-move on kung hindi naman naging sila ni Joshua?

"Sabihin na lang natin na gan'on na nga," pagsuko niya.

"Hala, ang bilis naman! Teka, 'wag mong sabihing..." Napatigil ito kapagkuwan ay binalingan ang kinatatayuan nila Kairos at Sean na ngayon ay nag-uusap. "...si Kairos na ang crush mo?"

Namilog ang mga mata niya at umawang ang mga labi.

The question caught her off guard.

"OMG!" tili pa nito na may kasamang patalon-talon kaya napatingin sa kanila ang mga tao kasali na sina Kairos.

Natataranta niyang tinakpan ang bibig nito.

"Tumigil ka nga," bulong niya rito. "Hindi ko crush si Kairos."

Pinaningkitan siya nito ng mata, nagdududa sa sinabi niya.

"Oo nga," aniya saka binitawan na ang kaibigan. "Wala akong crush ngayon. Period."

Natigil lang sila sa pag-aasaran nang magsimula na ang flag ceremony. Nang matapos, hindi pa sila agad pinaalis ng teacher sa unahan dahil may ia-announce pa raw ang mga ito.

"There will be student teachers that will attend your classes."

Sunny flinched when she heard the announcement. It was not because of the student teachers, but the memory she suddenly remembered connected to it.

Malinaw pa sa alaala niya ang araw na 'to. Pa'no niya makakalimutan ang araw na nahulog siya ng hagdanan?

Iniisip niya pa lang ang sakit, nangingiwi na siya.

Pero, alam na niya nang mahuhulog siya kaya p'wede niya na 'tong maiwasan... 'di ba?

Tanda ko, before lunch ako no'n nahulog.

Kung hindi siya lalabas ng classroom nila bago mag-lunch o kaya naman ay manatili lang siya sa kinaroroonan niya bago ang oras na 'yon, hindi mangyayari ang iniiwasan niya.

With a determined spirit, Sunny attended her class.

Maayos naman na nagdaan ang mga oras. Pero hindi pa rin siya mapakali hangga't hindi natatapos ang araw.

Nakahinga lang siya ng maluwag nang marinig ang pag-ring ng bell hudyat na lunch time na.

Her body slumped on her chair as their teachers walked out of the room.

"Exhausted yan," biro ni Coffee pagkatayo nito. "Tara na. Kanina pa gutom na gutom 'yong mga 'yon sa labas," sabi pa nito saka tinuro sina Kairos at Sean sa may hallway.

"P'wede bang dito na lang tayo mag-lunch?" hirit  niya. "Para maiba naman."

Kumunot ang noo nito. "Ayoko nga. Maghpaon na nga tayo sa loob ng classroom tapos pati lunch, dito pa rin tayo?"

"Ehh, kasi," her eyes darted on her sides, thinking of an excuse. "Tinatamad akong bumaba."

"Edi tumayo ka nang matagtag 'yang katawan mo," sagot ni Coffee sa kaniya habang hinihila siya nito patayo.

Wala na siyang nagawa nang hindi nito binitawan ang kamay niya at ito pa mismo ang nagdala ng bag niya. Hinila siya nito palabas kung saan naghihintay ang dalawang lalaki.

"Hindi ba pumasok si Elias?" tanong ni Coffee sa mga ito saka binigay ng bag niya kay Kairos.

"Hindi," sagot ni Sean. "Wala namang bago."

Coffee frowned. "'Kala ko ba, nagbabagong-buhay na 'yon?"

Sean just shrugged.

Hiningi niya kay Kairos ang bag niya pero hindi nito binigay sa kaniya. Nagsimula na rin itong maglakad kaya napasunod na lang siya.

Nang makarating sa may hagdanan, diniretso niya ang railings saka mahigpit na humawak ro'n. Dahan-dahan siyang umapak sa mga hakbang na ikinakunot ng noo ni Coffee.

"Pakibilisan naman, oh. Baka tapos na ang lunch, 'di pa tayo nakakababa ng hagdan," saad pa nito.

"Mauna na kasi kayo," nakangiwing sabi niya.

Tumaas ang kilay nito. "Ano bang meron sa'yo?"

"Naniniguro lang. Baka mahulog ako sa hagdan," mahina niyang sagot.

Buti na 'yong sigurado. Ika nga, slowly but surely. Tsaka ngayon lang naman siya gan'on.

Binalingan niya si Kairos nang ilahad nito ang kamay sa kaniya.

"Woshoo! Nag-iinarte lang 'yan para maka-tsansing," pang-aasar ni Coffee na nakakuha mula sa kaniya ng matalim na titig.

"Okay lang," pagtanggi niya kay Kairos saka binilisan ang pagbaba ng hagdanan.

Ligtas naman siyang nakababa kaya nakahinga siya ng maluwag.

"Una na kayo sa open field," sabi niya sa mga ito. "Kukunin ko lang 'yong baon sa locker."

"Samahan na kita," mabilis na presinta ni Kairos pagkatapos ay binigay nito ang bag niya kay Sean.

Sean squinted his eyes. "Sus, ayaw mo lang mahiwalay kay Sunny, eh."

"HHWW na ba 'to?" pagsasakay pa ni Coffee rito.

"Tumigil nga kayo!" pigil niya sa mga ito.

Umangkla sa braso niya si Coffee. "Sama na rin ako. Kunin ko na 'yong mga gamit ko para mamayang hapon."

Muling pinasa ni Sean kay kairos ang bag niya. "Alangan namang magpa-iwan pa 'ko."

Napailing na lang siya nang sa huli, sama-sama na silang naglakad papuntang locker.

"Sabi ko naman sa inyo, tigil na ko d'yan."

Nagkatinginan silang apat nang marinig ang boses ni Elias. Nasa may laboratory high na sila at isang liko na lang ang locker area.

Sinundan nila ang boses ni Elias at napadpad sila sa may likod ng building. Walang tao roon kahit lunch na dahil matataas ang damo ro'n. Hindi rin sila pianpayagan ng mga teachers na pumunta ro'n dahil may tsismis noon na may engkanto raw sa lugar na 'yon.

Sumilip sila sa gilid ng building. Nakita nila ro'n si Elias at kaharap nito ang mga bully na sina Ian. Mukhang may hindi pagkakaintindihan ang mga ito.

"'Wag mo nga kaming lokohin. Kilala namin ang takbo ng utak mo," maangas na sabi ni Ian.

Nasa likod nito ang apat na alipores nito na para bang mga jejeng gangster ang awrahan.

Hindi maganda ang pakiramdam ni Sunny sa mga oras na 'yon kaya lumapit siya kay Coffee.

"Punta ka ng teacher's office," bulong niya rito. "Sabihin mo may nag-aaway sa back building."

Naintindihan nito ang pinahiwatig niya kaya patakbo itong umalis roon. Naiwan naman silang tatlo, pinapakiramdaman ang nangyayari.

"E 'di 'wag kayong maniwala," walang pakialam na sagot ni Elias. "Basta tapos na 'ko sa kalokohan."

Akmang aalis na si Elias nang hawakan ni Ian ang balikat nito at pabalibag na pinaharap rito. Bilang ganti, malakas na hinawi ni Elias ang kamay nito.

Nauwi sa suntukan ang komprontasyon na 'yon na ikinagulat niya. Nanigas siya sa kinatatayuan nang pagtulungan ng mga ito si Elias na nakasalampak na sa sahig.

"'Lang hiya!"

She woke up when she heard Sean curse then dashed towards their friend.

"Dito ka lang," may diing utos ni Kairos saka sumunod na kay Sean.

Hindi niya alam kung ano ba ang gagawin. Ipiangdasal niya na lang na mabilis makarating roon si Coffee kasama ang teachers nila.

Napakagulo na ng pangyayari. Todo iwas si Kairos sa mga suntok ng alipores ni Ian samantalang sina Elias at Sean naman ang bumabawi ng suntok at sipa sa mga ito.

Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang isang kalaban ng mga ito na kumuha ng malaking kahoy mula sa gilid. Para itong parte ng upuan na nasira na.

Naka-focus ang atensyon ng tatlo sa paglaban sa apat na mga lalaki na hindi ng mga ito napansin ang paglapit sa kanila no'n habang dala ang kahoy.

Hindi na nakasigaw si Sunny nang bumwelo ito para ipalo ang kahoy sa kung sino man ang tatamaan. Kumaripas siya ng takbo papunta sa lalaki saka malakas na itinulak iyon dahilan para matumba silang dalawa.

"Sunny!" sigaw ni Kairos nang makita siya nitong nakahilata na sa sahig.

Mabilis nitong hinawi ang kaharap kapagkuwan ay nilapitan siya. Napaluhod ito at inalalayan siyang maka-upo.

"Aray!" Napahiyaw siya nang maramdaman ang sakit sa may paa niya.

Nag-aalala nitong hinawakan ang paa niya na mas lalo niyang ikinatili.

"What is happening here?" malakas na sabi ni Ma'am Masaca nang madtnan ang kaguluhan sa lugar.

Kasunod nito si Sir España at si Coffee na nang makita ang kalagayan niya, nag-aalala itong tumakbo palapit sa kaniya.

"Sunny, okay ka lang ba?" maluha-luhang tanong nito.

Tumango siya at pilit na ngumiti para pakalmahin ang mga kaibigan. Inalalayan naman siya ng mga ito na makatayo.

"All of you, to the guidance office. Now!" galit na utos ni Sir España.

Binaling niya ang tingin sa mga lalaki na ngayon ay nakayuko na. Magugulo nag mga buhok ng mga ito at napakadumi na rin ng mga uniporme.

Ininda niya ang sakit at sumama sa guidance office kahit na sinabihan na siya ni Ma'am Masaca na magpa-clinic na. Kailangan niya ring sabihin ang mga nakita niya.

Ayaw niyang mapag-bintangan na naman sina Elias at Sean lalo na at wala namang ginawang masama ang mga ito.

Matapos ang ilang oras na paliwanagan, pinalabas na sila ng mga guro. Tinanggap ngh mga ito ang paliwanag nila pero bilang kapalit, kailangan nilang lima na mag-community service ng isang linggo.

Samantalang ang grupo naman nina Ian ay naiwan sa loob. Alam niya ang kahihinatnan ng mga ito na maaaring ma-expel na ang mga lalaki dahil sa patong-patong na violations nito sa eskwelahan.

"Kaya mo bang maglakad?" salubong ang kilay na tanong ni Kairos kapagkuwan ay pumunta ito sa harap niya at umupo, nakatalikod sa kaniya.

"K-kaya ko naman," nauutal na sagot niya.

"Sige na, Sunny. Baka malamog pa ang paa mo," nag-aalalang sabi ni Coffee na walang bahid ng pang-aasar.

Though still hesitant, Sunny hang on to Kairos' shoulders as he carry her on his back. Fortunately, lunch time is over so there were no students around them.

"Pasensya na kayo, ah," ani Elias makaraan ang ilang sandali. "Tsaka, salamat din sa tulong."

Nakayuko ito marahil ay nahihiya sa nangyari.

"Ano ka ba? Okay lang 'yon," si Coffee ang sumagot. "Hindi mo naman kasalanan."

"Oo nga. Tsaka experience na rin 'yon, no. Kailan pa kami makikipag-away ni Coffee kung 'di ngayon?" biro niya para mabawasan ang tensyon.

"Nasaktan ka na nga, nagawa mo pang mag-biro," awat ni Kairos sa seryoso nitong boses.

Napatutop naman siya ng bibig. Kahit 'yong tatlo ay napatahimik dahil sa lamig ng pagkakasabi no'n ni Kairos.

"Sinabi ko naman sa'yo kanina na 'wag kang aalis, pero sumugod ka pa rin," patuloy na sermon nito. "Pa'no kung hindi lang 'to ang nangyari sa'yo?"

Tiningnan siya ng mga kaibigan na para bang sinasabi ng mga mata nito na pakalmahin ang lalaki.

"Sorry na," malumanay niyang sabi kay Kairos. "'Di na mauulit."

His shoulders loosened.

Mukhang kumalma na ito. Tahimik na lang nilang pinuntahan ang clinic tutla excuse na silang lima sa 1st subject ngayong hapon. Kailangan rin kasing gamutin ng mga sugat ng mga lalaki.

Habang ginagamot sila, nasa malayo ang isip niya. Mas lalo isyang nabagabag sa nangyari.

In the end, she still sprained her ankle. Though, the only thing that changed was how it happened.

Does this mean that, what's meant to happen will still happen?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro