Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21

"Ano bang kukunin mo sa locker? Wala naman tayong lessons ngayon," tanong ni Coffee habang nakasandal ito sa katabing locker.

"Basta," maikling sagot niya habang hinahanap ang mp3 player.

Nasanay siyang iniiwan ro'n ang mp3 player lalo na 'pag may pasok sila. Pero ngayon, dahil sa dandelion, kailangan niyang iuwi iyon.

Baka kasi makita ito ni Joshua at bigla na lang hingin sa kaniya. Mahirap na. Baka makabalik siya sa taong 2023 ng wala sa oras.

Nang makuha iyon, mabilis niya itong ipinasok sa bulsa ng palda niya pagkatapos ay isinara na ang locker. Iniwan niya kasi ang bag niya ro'n kay Kairos.

Nagsimula na rin silang maglakad ni Coffee papuntang grounds kung nasa'n ang iba pang mga estudyante.

"Lakas ng milk tea n'yo, ah. Patok na patok sa mga estudyante," natutuwang sabi ni Coffee habang naglalakad sila sa may hallway. "'Di ko nga alam kung 'yong milk tea ba ang benta o 'yong nagtitinda," nang-aasar na sabi nito.

Tumaas ang kilay niya at pinameywanagan ang kaharap. "At sinong may pasimuno?"

Coffee guiltily laughed and dragged her to some shops inside the campus.

Nasa milk-teahan si Sean. Ito ang tumutulong ngayon kay Kairos kaya naman nakapag-ikot sila ni Coffee. Pinangakuan niya naman si Kairos na bibilhan niya na lang ito ng pagkain pagkabalik niya.

Nasa gitna sila ng pamamasid sa mga nagfe-face paint nang biglang may dalawang lower year na sumulpot sa tabi nila.

"Hi, Ate Shine!" sabi ng isang babaeng maikli ang buhok.

Nagsalubong ang dalawang kilay niya at nagtatakang sinagot ang bata. "Hello?"

Imbes na sabihin ng mga ito ang sadya sa kaniya, kinindatan ng mga ito si Coffee na agad namang tumabi.

Lumaki ang mata niya nang walang sabi-sabing hinawakan siya ng mga ito sa magkabilang kamay.

"Sandali, teka lang!" pigil niya sa mga ito saka hinanap ang kaibigan. "Coffee!"

Pero imbes na tulungan siya nito, nilabas nito ang cellphone at tinutok sa kaniya. Halos mapunit na rin ang labi nito sa sobrang pagngiti.

Isa na naman ba 'to sa kalokohan ng kaibigan?

Siya lang ba ang nawi-weirduhan sa nangyayari?

"Ikukulong ni'yo ba 'ko? Wala akong pang-piyansa," giit niya pa sa pag-aakalang dadalhin siya ng mga ito sa jail booth.

Marami kasing booth roon lalo na at intrams. Ayaw niya pa namang magsayang ng pera para makapag-piyansa kung sakali ngang dadalhin siya ng mga ito sa jail booth.

Wala na siyang nagawa kundi magpatianod na lamang sa dalawa habang nakasunod lang sa kanila si Coffee. Nakita rin sila ng iba nilang mga kaklase pero wala man lang tumulong sa kaniya.

Dinala siya ng mga ito sa may corridor kung saan may isang kurtinang nakaharang sa daanan. Kitang-kita sila roon kung titingnan sila galing sa labas.

Realization dawned at her when they started to attach a veil on her head. Sapilitan rin ng mga ito ba binigay sa kaniya ang isang bouquet ng bulaklak.

Wedding booth?

Kahit na naguguluhan pa rin, sumakay na lang siya sa trip ng mga kapwa estudyante. Mahirap na, baka masabihan pa siyang kill joy.

"'Pag nag-start na po 'yung music, lakad na po kayo," sabi ng babaeng naka-pony tail.

"Teka, sino ba ang groom?" salubong ang kilay na tanong niya sa mga ito. "At 'asan na 'yong kaibigan ko?"

Bigla na lang kasing nawala si Coffee. Akala niya nakasunod lang ito.

Ngumiti lang ang mga ito ng makabuluhan bilang sagot saka iniwan na siya roon.

Biglang tumugtog sa speaker ang kantang 'A Thousand Years' kasabay ng paghawi ng kurtina. Pinasingkit niya ang mga mata para matanaw ang lalaking nakatayo sa 'di kalayuan.

Unti-unting namilog ito nang mapagtanto kung sino 'yon. Bahagya ring napaawang ang mga labi niya sa pagkabigla.

It was Joshua!

"Ate, lakad na," mahinang saad ng isang lower year nang mapansin nitong nanigas siya sa kinatatayuan.

Napuno ng hiyawan ang buong corridor na rinig hanggang sa labas. Nakita niya rin doon si Coffee habang hawak ang cellphone at nakatutok iyon sa kaniya. Patalon-talon pa itong kumakaway sa kaniya na para kilih na kilig sa nangyayari.

Pa'no ba namang hindi? Alam nitong matagal na siyang may gusto kay Joshua at nagyon nga ay nasa wedding booth na sila.

It was her dream back in highschool. She wanted Joshua to notice her presence and at least know her feelings for him.

It was also her goal when she first came back in time.

But as she slowly walks towards him now, she can't understand this feeling. Uneasiness crept on her.

Kahit na pekeng kasal lang 'to, nag-aalangan pa rin siya. Para bang hindi niya dapat ginagawa 'yon. Para bang may nagsasbaing 'wag niyang ituloy 'yon.

At habang tinititigan ang nakangiting mukha ni Joshua, biglang sumagi sa isip niya si Kairos.

Mas lalo siyang naguluhan. Bakit niya naman iisipin si Kairos ngayon? Bakit siya kinakabahan sa magiging reaksiyon nito kapag nakita siya sa wedding booth kasama si Joshua?

Sa sobrang lalim ng iniisip niya, 'di niya namalayan na nasa harap na pala siya ng lalaki at ng pekeng pari.

Nagising lamang siya nang mas lalong lumakas ang tilian ng mga tao sa paligid nila. Umangat ang tingin niya at napansin ang pamumula ng mukha ni Joshua habang kinakamot nito ang batok.

"May kinalaman ka ba rito?" bulong niya sa lalaki.

"W-wala!" depensa nito. "'Yong mga kaibigan ko kasi ang lakas ng trip. Pasensya ka na, ah."

Tinanguan niya ito. "Okay lang. Dalian na lang natin para matapos na."

"Woo! Tropa namin 'yan!" rinig niyang sigaw ng isang lalaki na malamang ay kaibigan ni Joshua.

"Go, Sunny!" pagchi-cheer naman ni Coffee sa tabi.

"Silence please," utos ng pekeng pari na para bang sineseryoso ang acting nito. "We are gathered here today to celebrate the union of Mr. Joshua Nasaleta and Ms. Sunshine Severio. May tumututol ba sa kasalang ito?"

Hindi niya alam kung bakit pero hinintay niya na may magsalita. She was waiting for a familiar voice to beam inside the corridor and stop what was happening.

"Wala po, father! Ituloy ni'yo na 'yan!" isa sa mga kaibigan ni Joshua ang sumagot.

Napuno ng panghihinayang ang dibdib niya.

"Ang singsing!" malakas na sabi ng lalaki sa harap.

Lumapit sa kanila ang isang babaeng lower year din na may dalang maliit na unan at nakapatong roon ang dalawang singsing. 'Yong nabibiling tig-limang piso sa labas.

Kinuha niya ang isa ro'n at gano'n din si Joshua.

They interchangeably said their vows while wearing the ring.

"You may now kiss the bride," the fake priest announced.

Bumaling ang tingin niya ro'n. "P'wede bang apir na lang?"

"Kiss! Kiss!" gatong ni Coffee na nakakuha ng isang matalim na tingin mula sa knaiya.

Nakisabayan na rin 'yong iba pang nanonood. Wala sa sariling napakagat siya ng labi, hindi alam kung pa'no patitigilan ang mga tao.

She flinched when she felt a hand touching hers. As she looked at the man beside her, he was staring intently at her as he slowly put her hands on his lips.

She should be over the moon, right? Joshua was the one initiating now.

Mas lalong lumakas ang hiyawan ng mga tao sa ginawa nito. Natulala lang siya habang hawak pa rin nito ang kamay niya.

Wala sa sariling napadako ang tingin niya sa may likuran ni Joshua. Nakatayo sa labas ng corridor ang isang lalaki at titig na titig sa kaniya. Hindi niya man mabasa ang mukha nito, alam niyang malamig ang ekspresyon nito.

"Kairos," bulong niya.

Parang napapasong binawi niya ang kamay mula kay Joshua at dali-daling tinapon kay Coffee ang bulaklak.

"Tapos na 'di ba?" tanong niya sa sa mga estudyanteng organizer ng booth na ikinatango ng mga ito. "Kailangan ko bang magbayad?"

Natataranta niyang ipinasok ang kamay sa bulsa para kuhanin ang wallet niya. 'Di niya namalayan na nalaglag mula roon ang mp3 player pagkakuha niya no'n.

"Hindi po, ate. Bayad na po," sabi pa ng isang lalaki.

"Gan'on ba?" aniya saka binalingan na rin si Joshua. "Una na 'ko, Josh!"

Hindi na niya hinintay ang sasabihin nito at patakbo siyang umalis sa corridor. Pinuntahan niya ang kinatatayuan kanina ni Kairos pero wala na ito roon.

"Shine, saglit!"

Natigilan siya nang hawakan siya sa pulsuhan ni Joshua. Hinarap niya ito at kumunot ang kaniyang noo nang makita ang pagka-seryoso ng mukha nito.

"Galit ka ba?" tanong nito nang mabitawan ang kamay niya.

Umiling siya. "Hindi. Ba't naman ako magagalit?"

Napahawak ito sa batok. "Kasi nagmamadali kang umalis kanina."

"Tapos na rin naman, ah?" walang pakialam na sabi niya. "May sasabihin ka pa ba?"

Inilibot ni Sunny ang tingin sa paligid. Nagbabakasakaling naroon si Kairos.

"Nahulog mo pala."

Bumaba ang tingin niya sa kamay nito at namutla nang makita ang hawak nito.

"Shine?" tawag nito sa kaniya at inilahad ang mp3.

Nag-aalangan niya itong tinanggap. Hindi niya alam kung pa'no magpapaliwanag kay Joshua. Alam na nitong nasa kaniya ang mp3 player nito.

Magagalit ba ito? Babawiin na ba nito ang mp3 player?

Pero ayaw niya pang bumalik.

"Meron ka rin pala n'yan," pukaw ni Joshua sa kaniya. "'Yong akin kasi nasira na."

Napaangat siya ng tingin. "H-huh?"

"Nagkaro'n rin kasi ako ng mp3 player. Kaso 'yong akin, black," k'wento pa nito na mas lalong ikinagulo ng isip niya.

"T-teka," putol niya sa sasabihin pa nito. "Hindi ba puti ang sa'yo? Tsaka akala ko nawawala ang mp3 player mo?"

Kumunot ang noo nito. "Hindi. Nasira 'yon no'ng 3rd year tayo. Ang dami ko pa namang nilagay na kanta ro'n."

May kung ano pang sinabi si Joshua pero nalunod na 'yon ng mga iniisip niya.

For 10 years, she believed that it was his. She fell in love with the thought of his voice comforting her whenever she feel down. That voice was her shoulder to cry on, her shield.

She was also ready to confess her feelings to him at their reunion party.

At ngayon, malalaman niya na hindi kay Joshua 'yon? Na hindi si Joshua ang minahal niya?

Tsaka bakit hindi nanghihinayang ang puso niya? Totoo ba talagang gusto niya si Joshua o ang gusto niya ay ang nagmamay-ari ng boses?

Kung hindi kay Joshua ang mp3 player na dinala niya sa loob ng sampung taon, sino ang tunay na nagmamay-ari no'n?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro